BEBOT GRINIPUHAN NG LIVE-IN PARTNER

crime

NORTH COTABATO – Pinaniniwalaang matinding paninibugho ang dahilan kung bakit pinagsasaksak ang isang 30-anyos na babae ng kanyang kinakasama sa krimen na naganap sa Peoples Village, Barangay Cannery Site, Polomolok, South Cotabato, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ng Polomolok PNP na pinamumunuan ni Police Superintendent Samuel Cadungon ang biktima na si Cherry Anas, ng Peoples Village, Barangay Cannery Site, Polomolok, South Cotabato. Ang biktimang si Anas ay idineklarang dead on arrival sa Hubbard Howard Hospital sa nasabing bayan, dakong alas-4:40 ng hapon. Ito ay matapos undayan ng saksak sa ulo at dibdib ng umano’y live in partner na si Johnny Gonzales.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na sinaksak ng suspek ang biktima nang umabot na sa sukdulan ang kanilang pagtatalo sa kanilang relasyon bilang mag-live in partner. Crime of passion naman ang anggulo na sinunsundan ng imbestigasyon ng Polomolok PNP sa krimen.

Matapos masaksak ang biktima, ang suspek na si Gonzales ay tumakas at patuloy pang pinaghahanap ng mga pulis. Inihahanda na ng Polomolok PNP ang kasong murder laban sa kanya. Bong Paulo

Please follow and like us:
Read More