13 SAKSAK IBINAON NG MISTER SA GRO NA MISIS

(NI KIKO CUETO)

NEGROS OCCIDENTAL — Pinagsasaksak ng isang lalaki ang kanyang asawa sa loob ng kanilang bahay sa Victorias.

Napag-alaman na sinaksak din ng lalaki ang sarili pagkatapos ng insidente.

Sinabi sa imbestigasyon ng pulis, narinig ng mga kapitbahay na humihingi ng tulong ang 40-anyos na biktima.

Nang puntahan ng isang kapitbahay, nadatnan nito na may tama na ng saksak ang biktima.

Sa report, nagbanta umano ang suspek na huwag makialam sa kanila kaya agad siyang humingi ng tulong sa iba.

Makalipas naman ang ilang minuto ay nagdatingan na ang ibang kapitbahay at nakita na wala nang buhay ang biktima dahil sa tinamong 13 saksak sa katawan.

Sinaksak naman ng suspek ang kanyang tiyan.

Dinala pa siya sa ospital, pero binawian ng buhay.

Ayon sa mga pulis, nagtatrabaho sa isang night club ang biktima habang magsasaka ang suspek.

Selos ang nakikitang motibo ng pulisya sa insidente dahil nagdududa ang suspek na may ibang lalaki ang biktima.

Dalawang araw nang hindi nakauwi sa kanilang bahay ang suspek matapos makakuha ng barangay protection order ang biktima.

Hinintay pa umano ng suspek na pumasok sa paaralan ang kanilang mga anak bago gawin ang krimen.

Ayon sa panganay ng mag-asawa, matagal na umanong nag-aaway ang kanilang mga magulang.

 

Please follow and like us:
Read More

MISIS NA MAY KALAGUYO TINADTAD NI MISTER

crime34

(NI ANNIE PINEDA)

PATAY ang isang misis matapos ataduhin ng saksak ng kanyang mister dahil umano sa pangangaliwa, sa Isabela.

Naliligo sa sariling dugo nang matagpuan ang 38-anyos na biktima habang huli naman sa akto ang mister na hawak ang kutsilyo gamit sa pagpatay sa kanyang misis, at kapwa residente ng Barangay Diki, Isabela City.

Ayon sa mga kapitbahay ng mag-asawa, narinig nilang nag-aaway ang dalawa dahil sa may ibang lalaki umanong kinalolokohan ang babae.

Nakarinig na lamang sila ng suud-sunod na kalabog at humihingi ng tulong ang biktima at nagmamakaawa sa mister nito.

Dito na pinasok ng mga residente ang bahay ng mag-asawa at nakita nila ang biktima na duguan habang may hawak na patalim ang mister nito.

Nagawa pang dalhin sa ospital ang biktima pero nalagutan na rin ito ng hininga sanhi ng maraming saksak sa iba’t ibang parte ng katawan .

Dinala naman sa Isabela Police Station ang mister at posibleng maharap sa kasong parricide.

 

Please follow and like us:
Read More

BABAE BINARIL NG BINASTED NA SUITOR, PATAY

(NI KIKO CUETO)

ZAMBOANGA CITY — Binaril ang isang 22-taong gulang na babae ng kanyang manliligaw sa Barangay Campo Islam, Zamboanga City, Huwebes ng gabi, nang mabasted sa panunuyo.

Kinilala ng pulis ang ang biktima na si Aliya Moore.

Nagtamo ng apat na tama ng bala si Moore.

Nagawa pa na madala si Moore sa ospital pero binawian rin ng buhay makalipas ang ilang oras.

Ayon kay Police Major Ramon Bautista, hepe ng Police Station 8, kilala na nila ang suspek na manliligaw ng biktima.

Sinasabing ‘crime of passion’ ang motibo sa pagpatay sa biktima.

Nagalit umano ang suspek dahil hindi siya sinagot nito.

Dagdag pa ni Bautista, bumisita lamang ang biktima sa kanyang kaibigan sa Campo Islam.

Nang pauwi na ito, dito na siya binantayan ng suspek at binaril gamit ang isang kalibre 45.

Nakapagsalita pa umano ang biktima at nasabi sa mga pulis ang pangalan ng bumaril sa kanya.

Patuloy ang manhunt operation na isinasagawa ng pulisya upang maaresto ang suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

BINATILYO BINOGA SA SELOS

(NI LYSSA VILLAROMAN)

DAHIL umano sa selos, isang 17 –anyos na estudyante ang namatay matapos barilin ng kanilang kapitbahay, Linggo ng gabi sa Taguig City.
Ang biktima ay nakilalang si  Senator Carit, nakatira sa 26 Apple St., Purok 3, Brgy. New Lower Bicutan.

Si Carit ay nagtamo ng ilang tama ng bala sa ulo at katawan at kaagad namatay.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen ng alas-11:45 kamakalawa ng gabi sa Mulawin st., Purok 3, Brgy. New Lower Bicutan, Taguig.

Sa pahayag ng ina ng biktima, na si Celestina Carit kay Colonel Alexander Santos, hepe ng Taguig City police, bago naganap ang pamamaril ay palihim na lumabas ng kanilang bahay ang biktima matapos na ito ay makatanggap ng isang text message.

Dagdag pa ni Celestina na ilang minuto lamang matapos lumabas ng kanilang bahay ang biktima ay nakarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril at nang kanyang alamin ay tumambad sa kanya ang duguan at wala nang buhay na binatilyo.

Ayon pa sa ina ng biktima nitong nakaraang linggo ay nagka-argumento ng biktima ang  kanilang kapitbahay na si alyas Faisal Abu dahil ito ay naghihinala na ang kanyang misis at biktima ay may relasyon.

 

Please follow and like us:
Read More

BABAE BINARIL NG EX-BF DAHIL SA SELOS

(NI ROSE PULGAR)

LOVE triangle at selos ang tinitingnan na motibo sa pagpaslang sa isang babae makaraang pagbabarilin  ng kanyang dating nobyo, kahapon ng umaga sa Paranaque City.

Dalawang tama ng bala ng kalibre 45 baril sa katawan at namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Gigi Despi, ng Barangay Baclaran.          Patuloy naman nagsasagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa tumakas na suspect na nakilala sa pangalang  Arnel Pareno.

Base sa isinumiteng report ni Police Colonel Rogelio Rosales , hepe ng Paranaque City Police, dakong alas-9:06 ng umaga nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng biktima sa Marso St., Brgy. Baclaran.

Ayon kay Rosales, nakatanggap sila ng report sa pamamaril ng suspect.

Nang respondehan ng mga pulis ay dito na nila naabutan ang duguan at wala nang buhay ang biktima.

Sa pagsisiyasat ng mga nagrespondeng pulis sa ilang nakasaksi ng insidente, na umano’y dating nobyo ng biktima ang may kagagawan ng pamamaril at ito nga ay si Pareño agad tumakas matapos ang insidente.

Sinabi ni Rosales na matagal nang walang elasyon ang suspect at ang biktima kaya’t maaring hindi umano matanggap ng lalaki ang paghihiwalay ng dalawa.

Sa ngayon ay selos at love triangle ang tinitignan na  anggulo ng mga pulis sa pagpaslang sa biktima.

Please follow and like us:
Read More

MISIS AYAW MAKIPAGBALIKAN SA MISTER ITINUMBA

crimeshooting12

(NI JEDI PIA REYES)

TODAS makaraang pagbabarilin ng dating kinakasamang lalaki ang 41-anyos na babae nang tumanggi itong makipagbalikan at ipagpalit sa ibang lalaki sa Quezon City.

Kinilala ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktimang si Edna Camino Asis, 41, housewife,  at residente ng Duhat St., Brgy. Payatas ng nasabing lungsod.

Tinutugis naman ng mga otoridad ang suspek na si Ben Ogsemer Matiga, construction worker, at naninirahan sa Salvador St., San Isidro, Montalban, Rizal.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-8:00 ng Linggo ng gabi sa Duhat St., ng nasabing barangay.

Katatapos lamang umanong makipag-inuman ng biktima sa kanyang bagong kinakasamang lalaki na nakilalang si Dennis Martija.

Lumabas umano ng bahay ang biktima subalit mabilis din itong pumasok at sinabihan ang bago niyang ka-live in na nasa labas ang dati niyang mister kasama ang kanilang anak na lalaki.

Nagpasyang kausapin nina Martija at Camino si Asis subalit papalabas pa lamang ang dalawa sa bahay ay pinaputukan na sila ng improvised firearm ng suspek. Hindi tinamaan ang kinakasama ng biktima.

Matagal na umanong nakikiusap ang suspect sa biktima na magbalikan ang mga ito ngunit tumanggi ang biktima.

Nang duguang bumulagta ang babae ay agad na tumakas ang suspek habang isinugod naman ni Martija sa East Avenue Medical Center ang biktima subalit namatay din makaraan ang ilang oras dahil sa  tinamong mga tama ng bala ng baril sa kanan at kaliwang kamay.

Please follow and like us:
Read More

ULO NG MATANSERO SINIBAK SA SELOS NG AMO

crimebolo123

(NI JESSE KABEL)

HINDI na nagising ang isang  matansero nang tagain ito sa ulo habang natutulog nang nagseselos niyang  amo sa Brgy. Zone 7, Bulan, Sorsogon.

Hinihinalang isang crime of passion ang pagkasawi ni Rodrigo Gueta, alyas Tutay, 36, matapos siyang pagtatagain ng among si Roger Hermosa, 54.

Sa impormasyong ibinahagi ni P/Maj. Joel Trinanes, hepe ng Bulan Municipal Police Station, selos ang sinasabing  motibo ng suspek nang  sumuko ito sa awtoridad matapos ang insidente.

Ayon sa hepe, nagtungo na sa himpilan ng pulis ang suspek upang isumbong ang umano’y pakikiapid ng asawang babae kay Gueta, base sa sumbong ng kanyang anak.

Subalit dahil salat sa ebidensya, hindi masampahan ng kaukulang kaso  ang umano’y magkalaguyo.

Laking gulat ng hepe nang  muling bumalik si  Hermosa para  kusa itong sumuko dahil sa umanoy  pagpatay niya kay Tutay na kanyang pinagtataga  habang natutulog.

Sa salayasay ng mister hindi na umano niya napigilan ang sarili lalo na at  mismong ang anak niya ang kumumpirma sa relasyon ng biktima sa kanyang misis.

Kasalukuyang nakapiit na ang suspek sa Bulan Municipal Police Station at nahaharap ngayon sa kasong murder.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI GINILITAN NG EX-BF NG KALIVE-IN

crime

NAPATAY ng isang lalaki ang umano’y bagong kinakasama ng kanyang dating live-in partner sa kanilang sariling pamamahay sa Biñan City, Sabado ng gabi .

Ang suspek ay kinilala ni PCol. Danilo Mendoza, hepe ng Biñan Police Station, na si Rico Pol, 39, residente ng Dulong Wawa, Zone 7, Brgy. Malabanan, Biñan City, Laguna.

Samantalang ang napatay ay kinilalang si Michael Astillero,36, residente ng Ilaya St. Zone 1 Brgy. Malaban, Biñan City, Laguna.

Bandang alas-7:30 ng umaga, isang tawag ang natanggap ng Biñan City Police Station na galing sa Police City Precint 3 kaya’t  pinuntahan ito ng Biñan Police.

Natagpuang nakahandusay ang biktima at wala nang buhay.

Ayon sa salaysay ni Maricel Eulin, 34, residente ng Dulong Wawa,Biñan City , Laguna, hiwalay na umano sila ng suspect at may bago na siyang kinakasama.

Biglang dumating sa kanilang bahay ang suspek at galit na galit ito sa biktima dahil pinatira ni Eulin ang bago nitong kinakasama sa kanilang sariling pamamahay.

Kumuha ng patalim ang suspek at nakipaghabulan sa biktima sa labas ng bahay. Nang abutan ay ginilitan ng leeg si Astillero hanggang sa mamatay.

Dahil nakonsensiya, kusang sumuko ang suspek sa mga barangay tanod sa Brgy.Dela Paz at dinala ito sa Biñan City Police Station.

Please follow and like us:
Read More

SUITOR NA PUMATAY, NAGSAKO SA NILILIGAWAN ISINUKO NG TATAY

murder12

(NI DAVE MEDINA)

IPINAARESTO ng mismong ama ang anak na suspek sa karumal-dumal na pagpatay kay Sheva Adare Mae Lucio Prementil, Assistant Supervisor sa Llanas Supermarket, Montillano Street, Brgy. Alabang, Muntinlupa City, Lunes ng umaga.

Nang malaman ng Muntinlupa City Police Station mula sa mga kamag-anak na umuwi sa Liliw,  Laguna ang suspek na si Alexander Morpuz Dimaunahan Jr. ay nakipag-ugnayan sila sa ama nito na si Alexander Dimaunahan Sr.

Sa pakikipagtulungan  ng ama sa Muntinlupa PCP 4 na pinamunuan ni PCapt. John Glen Siguan at walong iba pa ay mapayapang nadakip ang suspek.

Inihahanda na ngayon ng pulisya ang  inquest proceedings sa City Prosecutors Office ng Muntinlupa laban sa suspek na si Dimaunahan, Jr.

Nahagip ang suspect na may kinakaladkad na sako mula sa bahay ng biktima patungo sa tinutuluyang bodega ng suspect bandang alas-3:00 ng madaling araw noong Sabado.

Sinabi pa na anim na buwan pa lamang naninirahan sa lugar ang suspect  at manliligaw ng biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

DALAGA TINADTAD, ISINAKO NG BINASTED NA SUITOR

crime12

HINIHINALANG crime of passion ang pagpatay ng isang 23-anyos na lalaki sa babaeng supervisor na matapos saksakin ay isinako at itinago sa bodega sa Muntinlupa City.

Tadtad ng saksak sa ulo at tiyan at halos maputol na ang mga daliri ni Sheva Adare Mae Prementil, assistant supervisor sa isang supermarket sa Alabang at tubong Bukidnon.

Nadiskubre ang bangkay nito sa loob ng sako sa kwarto ng suspect na si Alexander Morpuz, kapitbahay ng biktima, sa Barangay Cupang, Sabado ng umaga.

Tumakas ang suspect matapos nitong iwan ang isinakong biktima.

Pasado alas-3:00 ng madaling araw ay nahagip sa cctv na may lalaking pinaniniwalaang si Corpuz na may hinahatak na sako galing sa bahay ng biktima papunta sa bodega na tinutuluyan ng suspect.

Nadiskubre ng tiyuhin ni Prementil at ama ni Corpuz ang bangkay sa bodega matapos mapansin ng housemate ng biktima na duguan ang kanyang kama.

Sinabi ng pulisya na dating manliligaw ng biktima ang suspect na posibleng binasted at hindi matanggap ang ginawa sa kanya. Anim na buwan pa lamang umanong nakatira ang suspect sa lugar at niligawan ang biktima na isang taon pa lang sa Maynila galing sa kanilang probinsiya.

 

Please follow and like us:
Read More

GURO KINATAY NG PARTNER; LALAKI NAGSAKSAK SA SARILI

stab

(NI JG TUMBADO)

TINADTAD ng saksak hanggang sa mapatay ang isang public school teacher ng kanya mismong live in partner bago naman ito nagtangkang mag suicide sa bayan ng Bato, Catanduanes, gabi ng Huwebes.

Nakilala ang biktima na si Liezl Tato, 24, nagtuturo sa Hawan Elementary School habang ang suspek sa karumal dumal na krimen ay ang kanyang live in partner na si Reymark Tebelin.

Batay sa report kay Police Col. Paul Abay, Catanduanes Provincial Police Office (CPPO) Director, naganap ang krimen sa mismong tinutuluyang bahay ng dalawa sa Barangay Binanuahan dakong alas 8:45 ng gabi.

Bago ang insidente, nagkaroon muna umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa mauwi sa pananaksak.

Nabatid sa imbestigasyon na nagsaksak din sa sarili ang suspek.

Kapwa isinugod ang dalawa sa Immaculate Heart of Mary Hospital sa bayan ng Virac subalit sa tindi ng tinamong saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan ay namatay si Tato habang si Tebelin naman ay agad ikinostudiya ng Bato Municipal Police makaraang magtamo lang ito ng minor injury sa tangkang suicide.

Isa sa mga sinisilip na dahilan ng krimen ay matinding selos ng lalaki sa biktima.

Please follow and like us:
Read More

ROAD RAGE O CRIME OF PASSION? LOVERS PINATAY SA HIGHWAY

san fabian pangasinan12

(NI JESSE KABEL)

BUKOD sa kasong road rage, crime of passion  ang isa sa tinitingnang motibo ng pulisya sa highway killing sa mag-live-in partner na pinagbabaril sa bayan ng San Fabian, Pangasinan.

Ayon sa San Fabian PNP, isa sa mga anggulong tinitingnan ang motibong love triangle dahil kapwa umano may asawa ang dalawang biktima

Kinilala ang mag live-in partner na sina Patrocenio Malicdem, 53, ahente ng lupa at Solna Parlan, 54.

Nabatid na bukod sa anggulong love triangle, tinututukan din ng mga imbestigador ang posibleng road altercation o away sa lansangan dahil sa posisyon ng mga sasakyan.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na  ang mga biktima, sakay ng kanilang motorsiklo  ang sumusunod sa kulay dilaw na kotse ng suspek nang maganap ang pamamaril.

Hinala ng mga pulis, nag-overtake ang suspect sa kotse saka bumaba para barilin ang mga biktima.

Nagsasagawa na ngayon ng backtracking ang pulisya sa mga dinaanang lugar ng mga biktima upang malaman kung nagkaroon ng kaaway sa daan bago maganap ang pamamaril sa kanila.

Una rito, binabagtas ng mag-live in partner ang San Fabian-San Jacinto Road partikular sa Barangay Angio nang bigla umanong tumigil ang sinusundan nilang dilaw na kotse saka sila pinagbabaril gamit ang kalibre .45 pistola na kanilang ikinasawi.

Please follow and like us:
Read More

‘AKIN KA LANG!’; LIVE-IN PARTNER MAKIKIPAGHIWALAY PINATAY

stabbing12

(NI MAC CABREROS)

DAHIL sa matinding selos at hindi matanggap na hihiwalay sa kanya ang kinakasama at mapunta sa ibang lalaki , pinatay sa saksak ng isang lalaki ang live-in partner nito matapos gawin pang hostage kasama ang dalawang bata sa Ampid Uno, San Mateo, Rizal, hapon ng Lunes.

Duguan at wala nang buhay nang ilabas sa bahay ang biktimang si Yolanda Manset matapos saksakin ng  kinakasamang si Frederick Paule.
Matagumpay namang nailigtas ng mga awtoridad ang dalawang bata matapos makatiyempo makaraang humingi ang suspek ng pagkain ng mga bata.

“Patawad! Mahal na mahal ko ang mama n’yo,” lumuluhang pagsisisi ni Paule kay P/Lt. Col. Vic Amante, hepe ng San Mateo Police.

Idinagdag ni Paule na magulo ang isip niya nang i-hostage nito ang biktima at dalawang bata na anak at pamangkin ng babae dahil hindi nito matanggap na mapupunta sa ibang lalaki ang kinakasama.

Aniya, matagal na siyang ‘niloloko’ ng biktima.
Napag-alaman sa pulisya na nagkasundo ang magka-live in na maghiwalay sa Abril 15 at pinapaalis na ng babae ang suspek nang maganap ang nasabing panghohostage na humantong sa trahedya.

Narekober ng awtoridad ang kutsilyong ginamit sa krimen. Kasong murder at illegal detention in relation to RA 7610 ang kahaharapin ni Paule.

Please follow and like us:
Read More

‘LOVER’ NAGSELOS, EX-PARTNER TINARAKAN SA DIBDIB

crime9

(NI SIGFRED ADSUARA)

DAHIL sa selos, pinagsasaksak ang isang 37-anyos na empleyada ng munisipiyo nang ng dati nitong live-in partner matapos malamang makikipagtagpo ito sa bagong nobyo sa Naic, Cavite.

Kritikal ngayon sa Korean Hospital ang biktimang si Maricon Qunito, nagtatrabaho sa Naic Municipal Hall at residente ng 21 Brgy. Ibayo Estacion, Naic, Cavite dahil sa tinamong mga saksak sa dibdib  habang naaresto naman ang dating live-in partner nito na si Winston Pangilinan, 36, binata , isang company driver, ng 140 Governors Drive, Brgy San Roque, Naic, Cavite.

Sa ulat ni PO3 Harry Culanding ng Naic Municipal Police Station, dakong alas-7:50 Huwebes ng gabi nang naganap ang insidente sa harap ng gasolinahan sa Brgy Ibayo, Silangan, Naic, Cavite

Nalaman  ng suspek na may katagpo ang biktima kaya nang nakita niyang sumakay sa tricycle ay sinundan nito.

Pagbaba ng biktima sa nasabing lugar ay kinausap ng suspek ang biktima subalit nauwi  sa  mainitang pagtatalo ang pag-uusap ng dalawa hanggang sa bumunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak sa dibdib ang biktima.

Isinugod ang biktima sa ospital habang ang suspek ay naaresto ng mga rumespondeng barangay tanod ng Brgy Ibayo, Silangan, Naic, Cavite.

Nabatid na naghiwalay ang dalawa at nagsampa ng kasong emotional abuse ang biktima laban sa dating live-in partner na kasalukuyang dinidinig sa Naic Municipal Trial court at nakapag-pinyasa umano ang suspek nito lamang February.

Ayon kay Culanding, nag-selos umano ang suspek nang nalaman nito na may kapalit na siya sa puso ng biktima .

Please follow and like us:
Read More

3-ANYOS IDINAMAY SA SUICIDE NG TATAY

capiz12

(NI JESSE KABEL)

CRIME of passion ang nakikitang motibo ng mga imbestigador kaya nagawa ng isang mister na patayin ang kanyang tatlong-taong-gulang na anak bago ito nagpatiwakal sa Roxas City sa lalawigan ng Capiz.

Hinihinalang matinding depresyon ang nagtulak kay Jaypee Caparas kaya nagawa nitong paslangin ang sariling anak at saka nagpakamatay.

Ayon kay  P/Master Sgt. Ramil Arcangeles, tagapagsalita ng Roxas City Police Office, lumilitaw na may  hindi pagkakaunawaan ang nagpatiwakal na mister at ang asawang overseas Filipino worker na nasa ibang bansa ngayon

Natagpuan ang mga biktima na wala nang malay.

Please follow and like us:
Read More

MISIS NAAKTUHAN NI MISTER PATAY

negros1

NAGDILIM ang paningin nang pagsasaksakin at mapatay ng mister ang kanyang misis nang maaktuhang nakikipagtalik umano sa lover nito sa Binalbagan, Negros Occidental.

Si Artemio Electico, 57, ay nakakulong at iniimbestigahan matapos mapatay ang kanyang asawa sa loob ng kanilang bahay sa Crossing Bakyas, Brgy. San Jose, dakong alas-4:00 Martes ng madaling araw.

Sa panayam kay Chief Inspector Albert Sy, sinabi nito na mag-iisang taon nang hiwalay ang mag-asawa at may ibang bahay na tinitirhan ang napatay na misis.

Matagal na rin aniya ang haka-haka na may kalaguyo ang hindi na pinangalanang biktima at posible ito ang rason kung bakit minamanmanan siya ng kaniyang nakahiwalayang mister.

Base sa imbestigasyon, lumalabas na naaktuhan ni Electico ang kanyang misis na nakikipagtalik sa sinasabing “lover” nito na si Rosenio Alcala, 48.

Matapos maaktuhan ang ginagawa ng dalawa, nagsuntukan pa umano sina Electico at Alcala ngunit nakatakas ang huli at naiwan ang misis na siya namang pinagsasaksak ng suspek.

Nagtamo ng maraming sugat sa katawan ang biktima na naging sanhi ng kamatayan nito.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI PUMATAY SA LIVE-IN PARTNER TINUTUGIS

crime

(NI JULIE DUIGAN)

TINUTUGIS na ng mga tauhan ng Manila Police District ang isang lalaki na pumatay sa kanyang ka-live-in, Biyeres ng gabi sa Malate,Maynila.

Ang suspek na nakilalang si Jervis Cabrera, security guard at  residente ng Plaridel, Bulacan, ay inilagay na sa manhunt operation.  Siya ang itinuturong bumaril at nakapatay sa ka-live in na si Jenny Rose Manila, 25, domestic helper at naninirahan sa  Taal St.,  Malate.

Batay sa ulat ng MPD-Homicide Section, isang tawag sa telepono ang natanggap ng pulisya , bandang alas-7:33 ng gabi  sa kalye ng  San Andres kanto ng Taal St.,.sa Malate kung saan nakahandusay si Manila na wala nang buhay.

Sa imbestigasyon ng pulisya , tinawagan umano sa celfone ang biktima ng dati niyang kinakasamang suspect para mag-dinner sa isang convenience store sa lugar.

Pinaunlakan naman ito ng biktima at habang naglalakad si Manila sa kahabaan ng San Andres, kitang kita sa CCTV nang magkaroon ng komosyon at makitang hinaltak sa balikat ang biktima.

Dito ay binunot ng suspect ang dalang baril  saka pinagbabaril  ang biktima. Tumakas ito habang ang biktima ay nakita pang bumagsak sa ilalim ng jeep.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, bago ang pamamaril, nitong nakaraang February 14 Araw ng mga Puso , binigyan pa ng bulaklak at chocolate si Manila ng kanyang dating kinakasama, pero tumanggi itong  kunin.

Nais din umanong makipagbalikan ang suspect sa biktima alang-alang sa tatlo nilang anak.

Please follow and like us:
Read More

DALAGA PATAY SA KA-LIVE IN

knife

(NI SAMANTHA MENDOZA)

PINAGSASAKSAK hanggang sa mapatay ng isang 62-anyos na matanda ang kanyang 38-anyos na dating kinakasama nang tumangging makipagbalikan, Sabado ng hapon sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Tondo, ang biktimang si Janet Santos, ng 783 Int. 31,Ma.Guizon St. Daang Bakal, Tondo, Maynila dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Pinaghahanap naman ang suspek na si Patrick Francisco Ramos, 62, ng Laong Nasa St. Tondo, Maynila na mabilis na tumakas matapos isagawa ang krimen.

Ayon kay  SPO1 Jorlan Taluban, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, naganap ang insidente dakong ala 1 ng hapon habang naglalaba ang biktima sa kanyang bahay. Nalaman na dumating ang suspek sa bahay ng biktima at hinimok ito makipagbalikan sa kanya pero tumanggi ito at nang talikuran ang suspek, bumunot ito ng patalim at sinaksak ang biktima sa likurang bahagi ng katawan.

Tinangka umanong salagin ng biktima ang mga saksak pero patuloy itong inatake hanggang bumagsak. Tumakas ang suspek bitbit ang patalim. Patuloy naman ang follow up operation para madakip ang suspek.

Please follow and like us:
Read More