PVL OPEN CONFERENCE SWEEP: CREAMLINE KAMPEON!

(NI LOUIS AQUINO/PHOTO BY MJ ROMERO)

WINALIS ng Creamline ang Petro Gazz, 29-27, 25-22, 27-25, sa kanilang best-of-three finals series Sabado sa The Arena, San Juan para angkinin ang Premier Volleyball League Open Conference title.

Umiskor ng 18 puntos si Alyssa Valdez, habang nagdagdag ng 16 ang tinanghal na Open Conference MVP na si Jema Galanza para sa Cool Smashers na nagtala ng pambihirang 20-0 record sa buong tournament.

“Alam niyo, napakasarap sa pakiramdam na nananalo talaga, lalo na’t na-sweep din namin,” sabi ni Valdez, nagtamo ng mid-foot injury sa kalagitnaan ng conference.

“We grew as a team din this conference, actually napakahirap ng pagkuha ng panalo namin, but I believe we had so many struggles and challenges this conference, that’s why we pulled through,” dagdag niya.

Lamang pa ang Petro Gazz sa third set, 19-16, nang tatlong magkakasunod na puntos ang pinalo ni Valdez upang itabla ang iskor sa 19-all.

Muling inagaw ng Gazz ang abante, 21-20, ngunit umatake ng back-to-back si Galanza upang muling makuha ng Creamline ang kalamangan, 23-22.

Nakuha ng Angels ang set point, 24-23, matapos tumama sa antena ang tira ni Galanza, na agad bumawi para muling itabla ang iskor sa 25-all.

Dinala ni Valdez sa match point ang Cool Smashers at sa error ni Angels’ Paneng Mercado ay tuluyang naselyuhan ang panalo ng Creamline.

Ito ang third title overall ng koponan matapos silang magkampeon sa Open Conference at Reinforced Conference noong nakaraang taon.

Samantala, dahil sa pag-sweep ng Creamline sa Petro Gazz, awtomatikong nakuha ng BanKo  ang bronze medal finish.

Nakuha ng Banko ang Game One sa straight sets, habang nakabawi ang Motolite sa four sets sa kanilang Game Two best-of-three for third series.

Please follow and like us:
Read More

‘DI PINAPORMA: AIR FORCE DINOMINA NG CREAMLINE

(PHOTO BY MJ ROMERO)

AGAD nagparamdam ang Creamline sa unang araw ng 2019 Premier Volleyball League Season 3 Open Conference nang talunin sa straight sets ang Air Force, 25-23, 25-20, 25-15, kahapon sa Filoil Flying V Centre, San Juan.

Bumida para sa Creamline si Michelle Gumabao na nagtala ng 14 points/kills, habang nagambag si Alyssa Valdez ng 13 points, 10 hits, two service aces, at one block.

“We’re really expecting a long and hard match, but definitely in the first set, even as a team, nag-adjust din kami,” sabi ni Valdez matapos ang game.

Matapos ang shaky first two sets, nakuha ng Creamline ang tempo ng laro para sa 10-7 na nauwi sa 18-9 advantage sa pagtutulungan nina Gumabao at Valdez, na pinalo ang huling tira tungo sa nasabing panalo.

“Overall, we’re really adjusting and coping sa system na dinadala sa amin ni coach Tai (Bundit). We have a lot of things to improve on going to the next games pa,” ayon sa three-time PVL MVP.

Nagdagdag si Risa Sato ng 11 markers, siyam mula kay Jema Galanza , habang kumamada ng 23 excellent sets si Jia Morado para sa Cool Smashers.

On point ang services ng defending champ Creamline na umsikor ng six aces kumpara sa isa lang ng Air Force.

Nanguna para sa Lady Jet Spikers si Dell Palomata na nagtala ng 14 points, habang nagambag ng 10 si May Ann Pantino.

Please follow and like us:
Read More

ANGELS BAGONG REYNA NG PVL 

BIGONG maka-three peat ang Creamline Cool Smashers matapos agawan ng korona ng PetroGazz Angels 25-15, 28-30, 25-23, 25-19, sa winner-take-all Finals Game Three ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference Linggo sa Ynares Sports Center.

Binuhat ng super imports na sina Wilma Salas at Janisa Johnson ang Angels hanggang sa huli upang makuha ang inaasam na championship sa PVL.

Nakatulong din ang PetroGazz locals na sina Jonah Sabete, Jeanette Panaga at Cherry Nunag sa pagsilat sa Cool Smashers.

Ito ang unang championship ng PetroGazz simula nang sumali sa PVL noong nakaraang taon kung saan nagkasya lang sila sa fifth place finish sa 2018 Reinforced Conference.

Gaya ng Pacifictown-Army, kinumpleto ng Angels ang kanilang Finals series comeback matapos ang krusyal na four-set win sa Game Two Sabado sa Arena, San Juan City.

 

 

Please follow and like us:
Read More

PETROGAZZ, ARMY NAKAHIRIT NG GAME 3

TINALO ng PetroGazz ang Creamline 15-25, 25-22, 25-22, 25-12 Sabado at nakahirit ng Game 3 sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference championship sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

Dahil sa pagkatalo  ay naputol din ang 12 matches winning streak ng Creamline.

Samantala, nakabawi ang PacificTown Army kontra sa BanKo Perlas 25-23, 20-25, 25-20, 25-23 kaya’t nakapwersa ng decider game sa kanilang best-of-three series para sa pinag-aagawang bronze finish.

Muling maghaharap ang apat na teams para sa Game 3 sa Ynares Sports Center, Antipolo sa Linggo. (PHOTO BY MJ ROMERO)

Please follow and like us:
Read More

BUNDIT BALIK V-LEAGUE

tai12

(NI LOUIS AQUINO)

BUMALIK na bilang coach ng Creamline Cool Smashers si Tai Bundit para sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference.

Todo-bigay ang ipinakita sa training ng Cool Smashers sa pagbabalik ng kanilang Thai mentor na si Bundit.
Matatandaan na sinibak ng Creamline si Chinese coach Li Huanning nang matalo ang koponan sa opening game ng PVL Season 3.

Pansamantalang humalili si assistant coach Ed Ortega at nakasungkit ng back-to-back wins ang Creamline.
Sunod na makakaharap ng Cool Smashers ang Motolite sa Sabado sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

Please follow and like us:
Read More

NAKABAWI AGAD; ARMY BINUGBOG NG CREAMLINE

michelle12

AGAD nakabawi ang Creamline Cool Smashers at tinalo ang Pacific Town-Army sa three straight sets 25-21,25-16, 25-18, kahapon sa pagpapatuloy ng elimination round ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference sa FilOil Arena, San Juan.

Nanguna para sa Cool Smashers si Michelle Gumabao na gumawa ng 13 puntos kabilang ang 9 attacks, 2 blocks, at 2 aces.

Hindi naman napigilan si Alyssa Valdez ng left ankle sprain na natamo noong game opener para tumulong sa panalo ng Cool Smashers.

Parehong may 1-1 panalo-talo na ngayon ang Creamline at Army, na nanalo noong Linggo laban sa BaliPure.

Samantala, pinatalsik ng Creamline ang Chinese coach nitong si Huanning Li matapos matalo kontra Pero Gazz at pinabalik ang dating coach na si Tai Bundit.

Ayon sa spin.ph, hindi na pinagreport ng Creamline management si Li matapos ang three-set loss nila laban sa Petro Gazz sa opening game ng PVL Season 3.

Si Bundit ang coach ng Cool Smashers sa dalawang titles nito noong nakaraang taon at nanatiling team consultant nila.

Pansamantalang pinamahalaan ni ssistant coach Ed Ortega  ang Cool Smashers habang hinihintay pa ang pagdating ni Bundit.

 

Please follow and like us:
Read More

PVL: CREAMLINE ASAM MAG-NO.1

CREAMLINE

LUMAKI ang tsansa ng Creamline na makuha ang no.1 seed sa kasalukuyang Premier Volleyball League matapos talunin ang PetroGazz 25-11, 25-13, 25-23 kahapon sa Batangas City Coliseum.

Nanguna sina Allyssa Valdez at Risa Sato na may tig-11 puntos habang nag-ambag ng karagda-gang 10 markers si Michelle Gumabao para sa Creamline na may 10-3 win-loss card ka-tie ang nangungunang Banko-Perlas.

Kung mananalo ng straight o four-set laban sa Akari-Adamson sa Sabado, papalitan sa no.1 spot ng Creamline ang Banko kahit manalo pa ang huli sa Tacloban.

Sa pagtatapos ng elimination round malalaman kung alin team ang maghaharap sa crossover for-mat semifinals kunsan haharapin ng no.1 ang no. 4 at no.2 vs no. 3.

Pasok na sa semis ang Banko-Perlas, Ateneo-Motolite, Creamline at PetroGazz.

Please follow and like us:
Read More