COTABATO, DAVAO NIYANIG NG LINDOL

phivolcs lindol12

(NI DAHLIA S. ANIN)

ISANG 4.6 magnitude na lindol ang tumama bandang alas 7:55 ng Martes ng umaga sa lalawigan ng Cotabato.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs), naitala ang sentro ng lindol sa bayan ng Tulunan, Cotabato.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 12 kilometro.

Naitala naman ang Intensity II sa Kidapawan City at Instrumental Intensity I naman sa Tupi, South Cotabato.

Wala namang naitalang pinsala sa nasabing lindol, ngunit, ang mga estudyante sa Kidapawan Citu National High School- Lanao Extension ay naglabasan sa kanilang silid aralan matapos maramdaman ang lindol. Pinag-iingat ang mga residente dahil sa posibleng pagkakaroon ng aftershocks.

Samantala, niyanig din ng isang 4.2 magnitude na lindol ang Davao Occidental bandang alas 9:37 ng umaga.

Ayon sa PhiVolcs, naitala ang epicenter nito sa 126 kilometro TimogSilangan ng munisipalidad ng Jose Abad Santos.

Tectonic din ang sanhi ng lindol na may lalim na 33 kilometro.

Wala namang naitalang pinsala sa lugar dahil sa lindol.

Please follow and like us:
Read More

MISIS DUMALAW SA PIITAN, NATAGPUANG PATAY

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI inakala ng isang ginang na ang pagdalaw nito sa piitan ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan, nang matagpuan ang bangkay nito sa pinyahan na tadtad ng tama ng baril sa katawan, sa Soutn Cotabato.

Kinilala ang biktimang si Bonifacia Dela Calzada, 41, at residente ng Barangay Calumpang, General Santos City.

Batay sa report ng pulisya, dakong alas 4:00 ng hapon ng Lunes nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa gitna ng plantasyon ng pinya sa Field 304-A-1, Purok 2, Barangay Langkaliaf, Polomolok, South Cotabato.

Lumabas sa pag-imbestigasyon ng Polomolok PNP, bago ang insidente, bumisita pa ang biktima sa isang preso sa GenSan City Reformatory Center, subalit hindi na nakauwi pa sa kanilang bahay.

May mga tama ng bala sa katawan ang biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Nakita rin sa kamay ng biktima ang tatak na GSC patunay na galing ito sa naturang piitan bago patayin.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang motibo sa krimen o kung may kinalaman ang nasabing pangyayari sa kasong kinakaharap ng taong binisita ng biktima sa kulungan.

 

Please follow and like us:
Read More

BUNTIS NA MISIS PATAY SA TAGA NG MISTER; ANAK KRITIKAL

(NI JG TUMBADO)

DALA ng matinding kalasingan at pagtatalo ay nagawang pagtatagain ni mister ang sarili nitong misis na buntis sa bayan ng Mlang sa lalawigan ng Cotabato.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang 35-anyos na biktima na si Marilu Gulmayo, bunsod ng tinamong mga malalalim na sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Geovanni Ladeo, hepe ng Mlang Police station, ang suspek sa karumal dumal na krimen ay ang mismong mister ng biktima na nakilalang si Elmer Gulmayo, 31-anyos.

Bukod sa kanyang misis ay pinagtataga rin ng mister ang kanilang apat na taong gulang na anak na lalaki at ang kaanak na si Eliterio Pastolero, 59, na kapwa nasa maselang kondisyon sa ospital.

Batay sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa bahay mismo ng mag-asawa sa Barangay Pulanglupa pasado alas 4:00 ng hapon ng Huwebes.

Nagkaroon umano ng matinding pagtatalo sa pagitan ng biktima at asawa nito na sa pagkakataong iyon ay lasing sa alak.

Narindi umano ang suspek sa kanilang pag- aaway ng biktima, na sinasabing pitong buwan ng nagdadalang-tao.

Nasa kostudiya na ng pulisya ang suspek at nahaharap ngayon sa kasong double murder at double frustrated homicide.

Please follow and like us:
Read More

MAG-ASAWANG MNLF RECRUITER TIMBOG SA ARMAS, DROGA 

milf

(NI ANNIE PINEDA)

ARESTADO ang mag-asawa na nagpakilalang miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) matapos mahulihan ng mga iligal na droga at mataas na armas, iniulat kaninang umaga sa Cotabato.

Kinilala ang mag-asawang na sina Lito Andi, 44, at Michelle Baya Andi, ng Purok Mahayahay Poblacion, Magpet Cotabato.

Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng Magpet PNP, katuwang ang 72nd Infantry Battalion ng Philippine Army ang bahay ng mag-asawang Andi.

Nakuha mula sa mga ito ang isang homemade M16 Armalite rifle,isang m203 grenade launcher at isang pakete ng shabu.

Nabatid, na ang mag-asawa ay isa sa mga nagre-recruit  para pumasok sa MNLF na umabot na sa 200 ang nakumbinsing sumanib sa kanilang grupo.

Isang maliit na kampo ang nadiskubre ng mga awtoridad sa gilid ng bahay ng mga suspek na may nakasabit na mga watawat ng MNLF.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mag-asawang Andi.

 

Please follow and like us:
Read More

BABAENG BRGY TREASURER BINARIL, PATAY

(NI ANNIE PINEDA)

PATAY ang isang opisyal ng barangay matapos pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Cotabato City.

Kinilala ang biktimang si Winnie Rogayan,51, barangay treasurer ng Brgy Gayonga Northern Kabuntalan Maguindanao.

Batay sa report ng Cotabato City Police Office, naganap ang insidente sa Jose Lim Sr. Street Barangay Poblacion 5, Cotabato City.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, naglalakad lamang ang biktima sa nasabing lugar nang bigla itong pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Matapos ang pamamaril mabilis namang tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa lungsod ng Cotabato.

Kuwento naman ng mga kaanak ng biktima bago ang insidente may natatanggap nang pagbabanta sa kanyang buhay si Rogayan.

Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang at pagkakakilanlan sa mga suspek.

 

 

Please follow and like us:
Read More

RIDER PATAY SA SINALUBONG NA TRUCK

accident121

(NI BONG PAULO)

MAAGANG sinalubong ni kamatayan ang isang 21-anyos na drayber ng motorsiklo matapos na makasalpukan ang isang wing van truck sa road mishap na naganap sa sa Brgy. Ulamian, Libungan, North Cotabato, Linggo ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Nick Kadil Bad, residente ng Supermarket Site, Cotabato City, habang kinilala naman ang drayber ng truck na si Randy Vilos Masil, 51, ng Taal 1, Bangkal, Davao City.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, alas-10:40 ng umaga nang maganap ang aksidente kung saan galing sa direksiyon ng Cotabato City ang motorsiklo papunta ng Libungan nang masalpok nito ang isang multicab dahilan para mawalan ito ng kontrol hanggang sa bumangga sa isang Fuso wing van truck.

Tumilapon ang biktima at nabagok ang ulo nito habang nagtamo ito ng matitinding pasa at sugat sa katawan na mabilis namang isinugod sa  Mount of Blessing Hospital, sa Brgy Poblacion, Libungan, Cotabato at kalaunan ay inilipat sa Cotabato Regional Medical Center, sa Cotabato City, pero dakong alas-11:45 ng gabi ay binawian ng buhay ang biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

PICKUP VS PICKUP: 7 SUGATAN

(NI BONG PAULO)

PITO katao ang naiulat na nasugatan, kabilang na ang isang empleyado ng gobyerno, makaraang magsalpukan ang dalawang pickup sa pakurbadang daan ng Purok 11, Brgy. Poblacion, Makilala,  Cotabato, Lunes ng tanghali.

Kinilala ang mga sugatan na sina Mojahid Cosain Magayan, 39, government employee, na siya ring drayber ng Toyota pickup (A7N222); Anisa Macadato Magayan, 39-anyos; Noraima Gapor Sarip 32; Rainida Limgas Gapor, 24; Nassiba Mapandi Botawan, 49; Almira Ritone Gapor, 15, lahat ng Brgy. Poblacion, Pikit, Cotabato.

Habang ospital din ang bagsak ng drayber ng Nissan pickup calibre na Navara na si Ruel Aguilar Serrano, 76, ng Quezon Blvd, Kidapawan City.

Nangyari ang insidente alas-12:35 ng tanghali kung saan binabaybay ng isang Nissan Navara Calibre Pick-up  (F2K780) ang national highway galing Davao City papunta ng Kidapawan at pagdating sa nabanggit na lugar ay napadako ito sa kabilang lane ng kalsada dahilan para masalpok ang paparating na pickup mula sa kasalungat na direksiyon.

Please follow and like us:
Read More

‘DI KO KAYANG TANGGAPIN NA MAWAWALA KA NA SA AKIN’ 

suicide12

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI matanggap ng isang binata ang pakikipaghiwalay ng kanyang nobya dahilan para wakasan ang sariling buhay  sa pamamagitan ng pagbigti, sa Midsayap Cotabato.

Kinilala ang biktimang si Jerome Borbe Jison, 22, residente ng Bagong Silang Caloocan City, at nangungupahan sa isang boarding house sa Brgy. Sadaan Midsayap, Cotabato.

Batay sa imbestigasyon ng Midsayap PNP, nakita na lamang ang biktima ng kanyang kasamahan sa trabaho na nakabigti sa loob ng kanyang silid gamit ang kumot.

Kuwento ng saksi, nagtataka na sila kung bakit hindi pa lumalabas sa kanyang boarding house ang biktima para pumasok sa trabaho, dahilan para pasukin na nila ito.

Tumambad sa kanilang harapan ang nakabitin na biktima at wala nang buhay.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, posibleng labis na dinamdam ng biktima ang pakikipaghiwalay ng nobya na nauwi sa pagpapakamatay nito.

Nakuha naman sa tabi ng biktima ang cellphone nito at nabasa ang mga palitan ng text messages ng kanyang girlfriend bago ginawa ang pagpapakamatay.

 

 

Please follow and like us:
Read More

KELOT KINALASAN NG LIVE-IN PARTNER, NAGBIGTI

suicide

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Pinaniniwalaang matinding kalungkutan at pagkaulila ang dahilan kung bakit kinitil ng isang 36-anyos na lalaki ang sariling buhay matapos matagpuang wala nang buhay sa Purok 1, Barangay Del Carmen, President Roxas, North Cotabato, nitong Linggo.

Kinilala ang nasawi na si Rackie Reginan Alisaje at nakatira din sa nasabing lugar.

Sa ulat ng President Roxas PNP, natagpuan ng kapitbahay ng biktima na nakalambitin ito sa puno ng durian pasado alas 6:00 ng umaga.

Nang makausap ng mga otoridad ang ina ni Alisaje, sinabi nitong isa sa mga posibleng dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang anak ay matapos na iwan ito ng kanyang kalive-in dalawang buwan na ang nakalilipas.

Ilang araw bago nagpakamatay si Alisaje ay tulala na ito at halos hindi na kumakain.

Nagsisiyasat na rin ang pulisya kung may foul play sa pagkamatay nito.

 

Please follow and like us:
Read More

BABAENG RIDER SUMALPOK SA POSTE, PATAY

accident121

(NI BONG PAULO)

KIDAPAWAN CITY – Dead on arrival sa pagamutan ang isang 30-anyos na babae nang maaksidente sa bahagi ng Quezon Blvd. Kidapawan City, North Cotabato, gabi ng Lunes.

Kinilala ang biktima na si Ruth Majesca Delector Tulang, 30, isang private employee at residente ng Mariano Cuenco St. ng lungsod.

Ayon sa ulat ng Kidapawan City PNP traffic section, pasado alas 10:00 ng gabi minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo na Yamaha Mio, kulay itim na may temporary license plate 12110 ng sumalpok ito sa poste ng Cotabato Electric Cooperative  (COTELCO).

Nabatid na binabaybay umano ni Tulang ang outerlane sa bahagi ng Quezon Blvd., partikular sa harap ng PhilHealth Office ng aksidente nitong nabangga ang electric post.

Dahil sa lakas ng impact, nagkasugat-sugat ang biktima sa kanyang ulo at katawan.

Sinasabing may nakalagay na reflector sa nabanggit na poste at may ilaw naman sa nasabing lugar pero posibleng hindi umano ito napansin ng drayber na nakainom.

Agad namang dinala ng City 911 ang biktima sa pagamutan pero idineklara na itong dead on arrival ng doktor.

Nabatid na matagal na rin umanong inirereklamo ng mga motorista ang poste sa gitna ng kalsada na hanggang ngayon ay hindi pa rin na aaksiyunan ng kooperatiba.

 

Please follow and like us:
Read More

COTABATO MEGA MARKET NASUNOG

MEGASUNOG12

COTABATO CITY – Naabo ang nasa 13 stalls matapos masunog ang bahagi ng Cotabato City Mega Market, nitong Biyernes.

Sa inisyal na report ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Cotabato City, nagsimula umano ang apoy sa stall number 24 na pagmamay-ari ni Abdul Gapor at nasa 2nd floor ng lumang gusali ng palengke.

Mabilis namang kumalat ang apoy sa iba pang mga kalapit na tindahan partikular sa mga tindahan ng tela at ukay-ukay.

Agad namang nakapagresponde ang mga bumbero kaya’t hindi na kumalat ang apoy sa mga malalaking tindahan at bahay sa lugar.

Tumulong din sa pag-apula ng apoy ang Chinese Fire Brigade, BFP BARMM at mga bumbero sa mga karatig na bayan sa Maguindanao.

Sinabi ni BFP-Cotabato City spokesperson Fire Officer 2 Aldrin Narra na tinatayang nasa mahigit kalahating milyong piso ang halaga ng mga nasunog na ari-arian.

Ayon kay Narra, sa ngayon ay patuloy ang kanilang imbestigasyon upang malaman ang sanhi ng sunog.

Samantala, nabatid na isang miyembro ng Barangay Peace-Keeping Action Team na nakilalang si Daniel Gauiabel, ang nagtamo ng sugat matapos itong mawalan ng malay at malaglag mula sa ikalawang palapag ng nasusunog na gusali habang tumutulong sa pag-apula ng apoy.

 

Please follow and like us:
Read More

POST ELECTION BLAST SA COTABATO, LANAO

cotabato

(NI JESSE KABEL)

TATLO pang pagsabog ang naitala matapos ang ginanap na May 13 midterm poll sa Cotabato City at Lanao, ayon  sa ulat ng militar.

Kinumpirma ni Col. Gerry Besana na may dalawang pagsabog bandang alas 10:00 Lunes ng gabi malapit sa City compound sa may Purok Omar, Malagapas Rosary Height 10.

Ayon kay Col Besena , tangkang panggugulo lamang ito at walang nasaktan.

Kinumpirma rin ni Police Lt. Teofisto Ferrer Jr. ng City Police Precinct 2 ang dalawang pagsabog  sa Cotabato City ilang oras matapos magsara ang mga polling precincts pagkatapos ng eleksyon Lunes ng gabi.

Sinasabing bukod sa pagsabog, nagkaroon ng magkakasunod na putok ng baril na sinundan ng pagsabog sa gitna ng malakas na ulan sa lugar.

Una rito ay may twin explosions sa parehong lugar na ayon sa mga otoridad ay wala namang kinalaman sa eleksyon.

Inilagay ng Comelec ang buong Mindanao sa categorty red election hot spot

Samantala, inaalam naman Philippine Army 103rd Brigade Commander Col. Romeo Brawner ang grupong kinaaaniban ng mga nadakip na nasa likod ng pagsabog sa Marantao, Lanao del Sur ilang metro lamang ang layo sa polling centers.

Ayon kay Brawner, sumabog ang isang improvised explosive device sa loob mismo ng sasakyan ng mga suspek nang sumabit ito sa bintana nang inihagis palabas sa direksyon umano ng mga nakabantay na sundalo.

Ayon kay Brawner , inihagis ng suspek ang IED sa direksiyon kung saan nakapwesto ang mga sundalo na nagbibigay seguridad pero sumabit ito sa bintana ng sasakyan at saka sumabog.

Tuliro sa lakas ng pagsabog ang mga sugatang suspek na hindi na nakalabas ng sasakayan at agad na nadakip ng mga tauhan ng Philippine Army .

Inaalam na rin ng militar na umano’y miyembro ng MILF ang mga suspek na ginagamit bilang private armed groups ng ilang mga politiko.

 

Please follow and like us:
Read More

BABAENG GURO KRITIKAL SA AMBUSH

crime22

KRITIKAL ang lagay ng isang guro matapos tambangan sa Cotabato, nitong Miyerkoles.

Nakilala ang biktima na si Dina Padua Hassan, 39, may asawa at guro ng Cotabato Foundation College of Science and Technology, sa Brgy Doroluman Arakan, Cotabato.

Ayon kay Police Major Mautin Pangandigan, hepe ng Pikit PNP, lulan umano ang biktima sa kanyang sasakyan nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy Batulawan Pikit Cotabato, gamit ang kalibre.45 na pistola.

Nakatakas ang mga suspect nang magresponde ang Cafgu at mga pulisya.

Isinugod sa Cruzado Medical Hospital sa Pikit ang guro ngunit inilipat ito sa isang pagamutan sa Kidapawan City dahil sa maselang kalagayan sa tinamong tama ng bala sa dibdib at tiyan.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang pananambang at wala pang malinaw na motibo sa krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

TRAHEDYA SA ‘MOVING UP’ CELEBRATION; MAGPINSAN NALUNOD

crime23

MALAGIM na trahedya ang sinapit ng magpinsan matapos malunod ang mga ito sa selebrasyon ng kanilang ‘moving up’ sa Cotabato.

Patay na nang matagpuan sina Jerald Quidores at Loida Calibayan, pawang 16 anyos at mga residente ng Brgy Pentil Aleosan North Cotabato.

Nabatid kay kay Police Lieutenant Colonel Bernard Tayong, spokesperson ng Cotabato Police Provincial Office, katatapos lamang ng ‘moving up’ celebration ng magpinsan at nagse-celebrate sa Pentil river sa Brgy Pentil Aleosan, Cotabato.

Pagkatapos kumain ay pumunta sa ilog ang magpinsan at isa pa nilang kamag-anak.

Ilang minuto pa ay nagkagulo na nang maanod ang magpinsan sa malalim na bahagi ng ilog. Tinangka pang isalba ang dalawa ngunit lumubog na sa ilog ang mga ito.

Humingi ng saklolo ang kasama ng magpinsan sa mga residente at natagpuan na lamang ang bangkay nito sa gilid ng ilog.

Please follow and like us:
Read More

85-ANYOS NA LOLA NATUSTA SA SUNOG

fire

(NI BONG PAULO)

NASUNOG nang buhay ang isang 85-anyos na lola nang matupok ng apoy ang kanilang karinderya sa National Highway ng Barangay Poblacion, Antipas, North Cotabato, Miyerkoles ng madaling araw.

Sa ulat ni FO2 Mikhail Joseph Cadungon, ng Antipas BFP, nagsimula ang sunog dakong alas-12:45 ng madaling araw at tuluyang na fire-out matapos ang isang oras.

Kinilala ang nasawi na si Presca Dag-oman, residente ng nasabing lugar. Nakulong ito sa kusina nang kumapal ang usok at hindi na nagawang mailigtas ng mga kaanak.

Please follow and like us:
Read More

TOTOY SUGATAN SA NILARONG BARIL NG TATAY

crime22

(NI BONG PAULO)

SA ospital ang bagsak ng isang 7-anyos na batang lalaki matapos na tamaan ng bala nang aksidenteng pumutok ang baril ng kanyang ama na kanyang pinaglalaruan sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Mabilis namang isinugod ang biktimang si Rico, sa isang ospital sa Cotabato City.

Ayon sa salaysay ng ama ng bata na si Singki,  isang barangay tanod, nagulat na lamang siya nang makarinig ng putok ng baril sa loob at nakitang duguan na ang kanyang anak, pasado alas-8:00 ng umaga nitong Biyernes.

Dagdag pa ng ama, naabot ng anak ang kanyang baril na itinago niya sa itaas ng aparador.  Nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang binti ang bata na ngayon ay patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Please follow and like us:
Read More

BIFF MEMBER ARESTADO SA RESTO DRUG-BUST

ARRESTED-2

(NI BONG PAULO)

ARESTADO ang isang barangay secretary sa inilatag na P340,000 drug buy-bust operation ng mga otoridad sa kilalang restaurant sa Barangay Poblacion 5, Cotabato City, Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Samin Agao Kusain, 36, na residente ng Katidtuan sa bayan ng Kabuntalan, Maguindanao. Nakuha sa kanya ang 50 gramo ng hinihinalang shabu.

Base sa ulat, pasado alas-4:00 ng hapon nang masakote ang suspek sa isang kilalang restaurant sa Barangay Poblacion 5, Cotabato City kung saan isinagawa ang bilihan sa pagitan ng suspek at PDEA agent na nagkunwaring buyer.

Ayon kay PDEA-ARMM Deputy Director Marlon Santos, matagal na umano nilang sinusubaybayan ang suspek hanggang sa makakuha ang sapat na mga ebidensya at pagkakataong matimbog ito.

Napag-alaman na miembro rin ng Bangsamoro Islamic Armed Forces o BIAF ng MILF si Kusain base sa mga ID na nakuha mula sa kanya.

Please follow and like us:
Read More

TURISTA NAHULOG SA FALLS, PATAY

falls19

(NI BONG PAULO)

KIDAPAWAN CITY – Patay ang isang turista matapos aksidenteng mahulog sa pamasong Matigol Falls makaraang madulas habang umaakyat sa nasabing talon sa Sitio Inamong, Barangay Datu Ladayun sa bayan ng Arakan, North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Hercules Monreal, waiter, 21, at nakatira sa Catalunan Grande, Davao City.

Sa panayam ng SAKSI NGAYON kay Arakan PNP Chief, Police Chief Inspector Jose Marie Molina, sinabi nitong aksidenteng nahulog ang biktima habang naliligo kasama ang kanyang kaibigan sa Matigol Falls nitong alas-11:00 ng Lunes ng tanghali.

Sinabi ni Molina na nadulas ang biktima hanggang sa mahulog dahil wala nahawakan at bumagsak sa halos 100 meters na taas ng falls.

Dagdag pa ng PNP official kampanteng mag-isang tinungo ni Moreal ang bahagi ng falls na madulas kayat ito ay naaksidente.  Hindi rin alam ng tour guide na siya ay tutungo sa naturang lugar.

Mabilis namang nakapagresponde ang mgarescuer sa binagsakan ng biktima at naisugod sa ospital pero hindi na ito umabot ng buhay.

Paalala ni Molina sa mga turista na mag-doble ingat at sundin ang mga tour guide sa panahong bibisita sa naturang falls upang maiwasan ang kahalintulad na aksidente.

Please follow and like us:
Read More

MILF COMMANDER PATAY SA 4 MIYEMBRO NG MNLF

milf18

(NI JG TUMBAADO)

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ang isang camp brigade commander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa bayan ng M’lang, lalawigan ng Cotabato araw ng Linggo.

Dead on the spot sa dami ng tama ng bala ang biktima na nakilalang si Jun Panangulon, naninirahan sa Barangay Gaunan at brigade commander ng 108th Base Command ng MILF habang ang kasama nito na si Toto Magulayan ay kritikal sa insidente at patuloy na inoobserbahan sa isang ospital.

Agad namang nasakote sa follow up operation ang apat na suspek na sina Tengan Anog , Nindi Dengkang, Pong Anog at Junior Abdul, pawang mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF).

Ayon kay Superintendent Giovani Ladeo, hepe ng Mlang police station, patungo sana sa isang banana plantation ang mga biktima nang harangin sila ng mga suspek sa bahagi ng Purok 3 ng naturang Barangay.Nagkaroon muna umano ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng magkabilang panig hanggang naganap ang pamamaril.

Nakuha sa lugar ang mga basyo ng bala ng M14 at M1 Carbine rifles.
Agad namang nagsanib-pwersa ang mga pulis at sundalo at tinungo ang bahay ng mga suspek dahilan para mapilitan silang sumuko.

Isinuko din nila ang mga baril na kanilang ginamit sa krimen.

Please follow and like us:
Read More

PULIS PATAY, ISA KRITIKAL  SA COTABATO AMBUSH

cotabato16

PATAY ang isang pulis at kritikal naman ang isa pa nang ratratin ng gunmen sa Cotabato City, Linggo ng gabi.

Kinilala ang napatay na si Police Officer 1 Ali Mama, ng President Quirino, Sultan Kudarat habang sugatan naman si PO1 Jolace Ali Guiamad, of Datu Paglas, Maguindanao. Ang dalawa ay kapwa miyembro ng Cotabato City Police Mobile Force Company.

Sinabi ni Senior Supt. Michael Lebanan, acting city police director, Rasco na ang mga biktima ay sakay ng motoksiklo pabalik galing Maguindanay nang pagbabarilin sa Yapsy Street, Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City, bandang alas-7 ng gabi.

Please follow and like us:
Read More

PAGOD, GUTOM; 4 NPA SUMUKO

npa16

CENTRAL MINDANAO – Apat na miyembro ng New People’s Army ang sumuko sa militar dahil sa umano’y pagod at gutom.

Ayon sa ulat ng 901st Brigade na sumuko ang mga rebelde nang makorner ito ng mga tauhan ng 39th Infantry Battalion Philippine Army pagkatapos ng sagupaan sa Brgy. New Baguio, Makilala, North Cotabato.

Sinabi ni 39th IB commanding officer, Lt/Col. Rhojun Rosales na natagpuan nila ang mga NPA na pagod na pagod at nakaranas ng sobrang gutom.

Ayon kay Ka Alvin na naubusan na sila ng bala, nakaranas ng sobrang gutom at pagod dahil sa patuloy na pagtugis ng militar.

Isinuko ng mga rebelde ang mga matataas na uri ng armas, anti-personnel mines at mga mahahalagang dokumento ng komunistang grupo.

Ibinunyag ng apat na napilitan umano silang pumasok sa kilusan ng NPA dahil agad silang binigyan ng armas at pinangakuan ng buwanang sahod.

Sa ngayon ay isinailalim sa tactical interrogation ng militar ang mga NPA at posibleng makakatanggap ng tulong sa pamamagitan ng E-CLIP program ng pamahalaan.

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

POLL OFFICER: 60% LANG LUMAHOK SA PLEBESITO

bol6

(NI BONG PAULO)

NASA 40-60 porsiyento lang ang naging turn-outs ng mga botante na lumahok sa isinagawang plebesito hinggil sa pagratipika ng Bangsamoro Organic Law.

Ayon kay Election Supervisor Atty. Jay Gerada, 67 mga barangay sa pitong mga bayan sa North Cotabato ang nag petisiyon para masala sa bubuuing Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Samantala, naging maayos at matiwasay sa pangkalahatan ang pagboto sa bayan ng Tulunan, North Cotabato matapos na pormal ng isinara ang halalan alas-3:00 Miyerkoles ng hapon.

Naging mabilis naman ang pagbilang ng boto sa Tulunan Central Elementary School at sa iba pang mga barangay.

Ito dahil sa mababang turn-out ng mga botante na lumahok sa plebesito ng Bangsamoro Organic Law.

Nabatid na may ilang mga presinto ang walang watcher habang nagpapatuloy ang pagbibilang ng boto.

Alas-6:00 Miyerkoles ng gabi ay inaasahang dadalhin na ng mga BEI ang mga election returns para sa canvassing na gagawin naman sa Sangguniang Bayan ng Tulunan.

Sa bayan naman ng Carmen, mag-aalas-3:00 Miyerkoles ng hapon nang umalis ang mga sasakyan mula sa compound ng municipal hall na siyang kukuha ng mga balota mula sa mga barangay ng Carmen.

Unang dumating sa municipal gym ang mga BEI mula sa barangay ng Manarapan, Nasapian at Kibayao dala ang mga nabilang na balota at isasalang naman sa canvassing.Generally peaceful naman ang isinagawang botohan sa bayan ng Carmen ayon sa PNP.

 

 

Please follow and like us:
Read More

ONSEHAN SA DROGA: 3 MAGBABARKADA NIRATRAT

tupi

(NI JGTUMBADO)

PATAY ang tatlong lalaki nang walang habas na pinagbabaril ng hindi pa matukoy na salarin sa Barangay Poblacion Tupi sa South Cotabato Huwebes ng gabi.

Dead-on-the-spot ang magbabarkada na sina Denver Hipe, Ernemel Jancan at Junjun Heguera.

Nabatid sa inisyal na report, isang armadong lalaki ang lumapit at bumaril kay Hipe kung saan ay tinangka namang tumulong ang mga kaibigan nito at lumaban sa suspek pero maging sila ay pinagbabaril rin.

Mabilis na tumakas ang gunman sakay ng motorsiklo na minamaneho ng isa pang suspek na nagsilbing lookout.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya kung ano ang dahilan sa krimen subalit hindi inaalis ang motibo na onsehan sa  ilegal na droga.

Please follow and like us:
Read More

KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN: 3 PATAY, 9 SUGATAN

KARAMBOLA by RHODERICK BENEZ

(STORY / PHOTO BY RHODERICK BENEZ)

TATLO katao ang patay sa tatlong sasayang nagkarambola sa Matalam, Cotabato Martes ng madaling araw.

Dead on the spot sina Edelbert Gawat, 40, driver ng traysikel,Veronica Gawat, 66, kapwa nakatira sa Pigcawayan Cotabato at Yhasser Kinala, 15, taga Brgy Bannawag Kabacan Cotabato.

Kabilang sa sugatan sina Charlene Gawat,38,taga Brgy Bannawag Kabacan,Hasim Kinala, 24, Haron Kinala, 19, at Esmail Mohammed, 21, pawang sakay ng KIA Bongo,taga Pigcawayan North Cotabato

Nagtamo rin ng sugat ang mga sakay ng Toyota Hilux pick-up na sina Ridznul Tandih, 34, driver,mga kasama na sina Randy Misil,36,Bakil Jundan, 45, Salip Allahibar, 25 at Salip Hieber, 33, mga residente ng Zamboanga City.

Sa report , sinabing mabilis ang takbo ng pickup mula Zamboanga City patungo sa Davao ngunit pagsapit nito sa Purok 3 Brgy Kilada Matalam North Cotabato ay bigla nitong inararo ang kasalubong na traysikel at Kia Bongo fish Car.

Dumiretso pa ang pick-up at binangga ang daycare Center at isang bahay sa gilid ng national highway.

Posibleng nakaidlip ang driver ng pick-up na si Tandih at inararo nito ang traysikel,fish car,daycare center at isang bahay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa madugong disgrasya sa kalsada sa Matalam Cotabato.

Please follow and like us:
Read More