BAR SHOOTOUT: 2 PATAY, 1 SUGATAN SA COTABATO

DALAWA katao ang iniulat na napatay habang isa ang kritikal nang pagbabarilin ang mga ito ng hindi pa kilalang suspect sa Cotabato City.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Anwar Sabang, 35, at isang alyas Thoe, kapwa mga residente ng Sultan Kudarat Maguindanao.

Sugatan naman si Monies Guintawan, 45, ng Bubong Road Cotabato City.

Nabatid sa Cotabato City Police Office na masayang nagiinuman ang mga biktima sa loob ng Gastric Place sa Tamse Road, Brgy Poblacion 3, nang biglang pagbabarilin ng mga suspect gamit ang kalibre .45 na pistola.

Tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo habang naisugod agad sa pagamutan ang mga biktima ngunit dalawa sa kanila ang hindi na umabot nang buhay. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon maging ang pagkakakilanlan ng mga suspect.

Please follow and like us:
Read More

13-ANYOS SAPUL SA MATA NG NILARONG ‘HOLEN GUN’

crime1000

(NI ANNIE PINEDA)

NANGANGANIB mabulag ang isang 13-anyos na totoy makaraan aksidenteng mabaril nito ang sarili nang paglaruan umano ang kanyang ‘holen gun’, sa Maguindanao.

Kinilala ang biktimang si Datu Jay Guiaman, residente ng North Upi Maguindanao.

Batay sa report ng pulisya, pinaglalaruan umano ng biktima ang kanyang holen gun at aksidente nitong nakalabit ang gatilyo na tumama sa mata.

Kaagad naman dinala sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City ang biktima para gamutin ang sugat nito at ayon sa mga doktor ay delikado umano ang lagay ng mata nito.

 

Please follow and like us:
Read More

MISTER ‘DI UMUWI, SINALUBONG NG SAKSAK NI MISIS

stab

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Kritikal ang kondisyon ngayon ng isang mister makaraang magtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan nang pagsasaksakin siya ng kanyang misis sa loob mismo ng kanilang bahay sa Malagapas, Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City, iniulat kahapon.

Nakilala ang biktima na si Alvin Pagilidan, 45, habang ang suspek na misis nito ay kinilala namang si ‘Belle’.

Sa report ng City PNP, pasado alas-5:00 ng hapon ng Martes nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa dahil sa ilang araw umanong hindi pag-uwi ni Alvin sa kanilang bahay.

Sa sobrang galit ni ‘Belle’ ay kumuha ito ng patalim at inundayan ng saksak si Alvin.

Nagtamo ng malalim na mga sugat sa likod at kanang balikat si Alvin na agad din namang isinugod sa pagamutan.

Please follow and like us:
Read More

KONSEHAL BINATO NG DUMI NG TAO SA SESYON

(NI BONG PAULO)

BAHAGYANG nagkagulo sa Sangguniang Panglungsod ng Cotabato City, Miyerkoles ng umaga matapos batuhin ng dumi ng tao ng hindi pa nakikilalang suspek si City Councilor Popoy Formento.

Nagkatensiyon sa City Council sa lungsod ng Cotabato nang hagisan ng dumi ng tao ang isang City Councilor.

Sinabi ni City Vice Mayor Graham Nazzer Dumama na papasok na sana sa session hall si Formento nang mangyari ang insidente.

Hinabol pa umano ni Formento at ng mga guwardiya ang suspek pero hindi na nila ito inabutan. Wala ng nagawa ang konsehal kundi umuwi na lamang para maligo at makapagpalit ng suot.

Bumalik din kaagad ito pagkatapos magbihis para dumalo sa ikalawang sesyon ng.

Naniniwala naman si Dumama na posibleng may personal na galit kay Formento ang nasa likod ng pagtatapon sa kanya ng dumi ng tao.

Sa ngayon, iniutos na ni Dumama sa mga gwardiya na magbantay nang mabuti sa bisinidad lalo na kapag may gagawing sesyon. Pinaiimbestigahan na rin nito ang pangyayari na ayon sa bise alkalde, ikalawang beses nang ginawa kay Formento. Noong unang sesyon ay binato rin ng dumi ng tao ang sasakyan ng konsehal.

Please follow and like us:
Read More

PRIVATE SCHOOL KINANDADO

(NI BONG PAULO)

COTABATO CITY – Tuluyan nang ipinasara ng Cotabato City LGU ang pribadong paaralan na Mindanao Capitol Colleges Incorporated o MCCI dahil sa kawalan ng business permit na nasa Don Roman Vilo Street, Barangay Poblacion 6 ng lungsod na ito, iniulat Miyerkoles ng umaga.

Bukod sa walang business permit at hindi nagbabayad ng buwis ang naturang paaralan ay wala rin itong license to operate bilang isang educational institution.

Nabatid na 2003 pa kinansela ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang lisensya ng naturang paaralan matapos na hindi makapagsumite ng General Sheet and Financial Statements mula 1997.

Ikinagulat naman ng mga mag-aaral at guro ang pagkandado ng city LGU sa kanilang eskwelahan.

Nabatid na kasalukuyan pa umanong pino-proseso ng naturang paaralan ang kanilang mga dokumento kaya’t nakiusap ang pamunuan nito na bigyan sila ng palugit upang hindi maapektuhan ang pag-aaral ng higit 300 nilang mga mag-aaral.

 

Please follow and like us:
Read More

OFW NIRATRAT NG RIDING IN TANDEM SA HARAP NG BAHAY

crime55

(NI JESSE KABEL)

NIRATRAT ng riding in tandem ang isang overseas Filipino worker habang nakatayo sa harap ng kanyang bahay sa Cotabato City.

Dead on the spot  si Rahima Balabaran, 30, at residente ng Brgy Datu Balabaran, Cotabato City .

Si Balabaran na dating OFW ay pinagbabaril ng riding in tandem suspects dakong alas 7:09, Lunes ng gabi.

Sa ulat ng Cotabato City Police Office, kasalukuyang nasa  harap ng kanyang tahanan ang biktima nang bigla itong pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek gamit ang kalibre .45.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo patungo sa town proper sa lungsod ng Cotabato.

Inabot ng kanyang dagliang kamatayan ang biktima sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan.

Patuloy na isinasagawa ng pulisya ang imbestigasyon sa motibo ng pamamaslang.

Please follow and like us:
Read More

2 PAGSABOG SA COTABATO

cotabato12

(NI NICK ECHEVARRIA)

BAGO magsimula ang eleksyon, dalawang pagsabog ang gumulantang sa mga residente ng Cotabato City, Linggo ng gabi.

Bandang alas-10:00 nang makarinig ang mga pulis na nagbabantay sa Bagong City Hall ng pagsabog mula sa Purok Omar, Malagapas na agad nilang tinungo kasama ang iba pang units ng PNP.

Nabatid sa ulat ni  Cotatabo City Police Station 2 Deputy Commander  P/Lt. Teofisto Ferrer Jr. na dalawang bala ng M203 grenade launcher ang magkasunod na pinasabog.

Matatandaan na ang Cotabato City ay isa sa  mga lugar sa bansa na isinailalim sa Comelec control dahil sa mainit na banggaan ng dalawang tumatakbo sa pagka-alkalde sa pagitan nina Cytnhia Guiani at Bai Sandra Sema.

Wala namang iniulat na nasaktan sa naturang pagsabog habang patuloy na nagsasagawa ng malalim na imbestigasyon ang mga awtoridad kung sino ang nasa likod at motibo sa ginawang pagpapasabog at kung may kinalaman ito sa halalan.

Please follow and like us:
Read More

PULIS HINARANG, TINADTAD NG BALA SA ULO, DIBDIB

cotabato

PATAY ang isang pulis matapos tambangan ng dalawang lalaking armado ng .45 kalibre, alas-6:00 ng gabi ng Biyernes sa Cotabato City.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital si Police Patrolman Franklin Moyet, ng Kalamansig Sultan Kudarat at nakatalaga sa City Mobile Force Company ng Cotabato City Police Office.

Mga tama ng bala sa ulo at dibdib ang pumatay dito.

Sinabi ni Police Colonel Michael Lebanan, lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo sa Demazenod Street Barangay Rosary Heights 4 Cotabato City nang  harangin ng dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Matapos tadtarin ng bala ang biktima ay tumakas ang mga suspect sakay ng motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa syudad ng Cotabato.

Please follow and like us:
Read More

SUSPEK SA SAF 44 MASSACRE ARESTADO  

saf4412

(NI NICK ECHEVARRIA)

NAARESTO ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group na nakabase sa Autonomous Regon in Muslim Mindanao (ARMM),   ang isa sa mga suspek sa Mamasapano SAF-44 massacre, Sabado ng hapon.

Ang suspek ay naaresto bandang alas-2:00 sa bisa ng warrant of arrest na nilagdaan ni Hon. Alexander M. Betoya, presiding judge ng RTC, 12th Judicial Region, branch 15 ng Cotabato City na may petsang  January 25, 2015 sa kasong direct assault at murder.

Kinilala ito na si Tamano Esmail Sabpa na kilala din bilang Tamano Sabpa Esmail.

Si Esmail ay sangkot sa malagim na pag-massacre sa 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) ng PNP sa nangyaring engkwentro sa Brgy. Tukanalipao sa Mamasapano nang nabanggit na petsa habang isinisilbi ang warrant of arrest laban sa napatay na Indonesian bomber na si Marwan.

Ang pagkakadakip sa supek ay bahagi ng patuloy na “Oplan Pagtugis” ng PNP sa listahan ng mga Most Wanted Person sa bansa.

Walang inerekomendang piyansa sa  suspek na  nadakip sa parking area ng regional hospital sa Cotabato City.

Please follow and like us:
Read More

COTABATO CITY MAYOR HULI SA BARIL, BALA

cotabato22

(NI JG TUMBADO)

SA unang araw ng pag-arangkada  sa local campaign para sa 2019 national midterm elections,  isinagawa ang pagsalakay ng pulisya sa isang bahay ng kasalukuyang alkalde sa Cotabato City kung saan nakasamsam ng armas at mga bala.

Armado ng search warrant, ikinasa ang operasyon ng PNP-Regional Intelligence Division (RID) at Cotabato City Police Office laban kay Mayor Egidio Cadungon sa Barangay Lampayan at sa Barangay Poblacion dahil sa mga umanoy itinatagong bulto ng armas.

Nakumpiska sa bahay ni Cadungon sa Barangay Poblacion ang isang kalibre .45 na baril, isang magazine  na walang dokumento.

Subalit wala namang nakuhang armas sa isa pang bahay ng alkalde sa Lampayan na una ng hinihinalang naroon ang iba pang iniimbak na matataas na uri ng baril.

Nasa kostudiya na ng Antipas Police Office ang opisyal habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kaniya.

Itinanggi naman ni Police Captain Bernard Abarquez, hepe ng Antipas Police, ang akusasyon ni Cadungon na politically motivated ang operasyon.

Ayon kay Abarquez ang regional office ng PNP ang nagsagawa ng pagsalakay at umasiste lamang sila.

Kasong paglabag sa RA 10591 o Firearms and Ammunition Regulation Act at paglabag sa section 3 ng PD 1866 ang kakaharapin ni Cadungon.

 

Please follow and like us:
Read More

SUNDALO NILIKIDA NG TANDEM

crime

(NI BONG PAULO)

DEAD-on-the-spot ang isa pang sundalo matapos mabiktima ng pamamaril sa Sinsuat Avenue, Barangay Rosary Heights 9, Cotabato City.

Nakilala ang biktima na si Army Staff Sgt. Levi Verande Lardera, 40,may asawa, nakatalaga sa Army’s 37th Infantry Battalion, at residente ng Gonzalo Javier Street, Barangay Rosary Heights 7 ng syudad.

Sa ulat ng City PNP, Biyernes ng pasado alas 12:00 ng tanghali, sakay ng motorsiklo patungong Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao ang biktima nang tabihan ng riding tandem suspects at agad na pinagbabaril gamit ang cal. 45 pistol.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa kanyang likod at kanang balikat ang biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Please follow and like us:
Read More

DANCE INSTRUCTOR NILIKIDA NG ‘PASAHERO’

cotabato

(NI BONG PAULO)

BUMULAGTA ang isang dance instructor makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang gunman sa harap ng isang gasoline station sa Bajunaid Street, Barangay Poblacion 6, Cotabato City.

Nakilala ang biktima na si Nasser Abdullah, 40, ng Lugay-Lugay, Barangay Bagua Uno.

Sa inisyal na ulat ng City PNP, pasado alas-4:00 ng hapon ng Lunes ay pauwi na ang biktima nang pagbabarilin ng suspek na nagpanggap na pasahero ng tricycle na sinasakyan din ng biktima.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa batok ang biktima mula sa cal. 45 pistol na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Personal na alitan ang isa sa mga tinutumbok na motibo sa krimen.

Please follow and like us:
Read More

SANGGUNIANG BAYAN TREASURER NILIKIDA

crime6

(NI BONG PAULO)

PATAY ang isang secretary to the Sangguniang Bayan matapos na pasukin ng gunman sa loob ng kanilang bahay at pinagbabaril sa Herbilla Residence, Poblacion, President Roxas, North Cotabato, Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Robert Herbilla, 43,  at nakatira sa nasabing lugar.

Sa naging panayam ng SAKSI NGAYON kay Police Chief Inspector Rolly Oranza, hepe ng President Roxas PNP, apat na lalaki na sakay ng dalawang motorsiklo ang huminto sa bahay ng biktima at isa rito pumasok sa loob.

Nang makita ang biktima sa sala ng kanilang bahay ay dito na ito binaril at tinamaan sa kanyang mukha at likod si Herbilla, dakong alas-8:45 ng gabi.

Kasama ng biktima sa loob ng bahay ang kanyang ang kanyang mga pamangkin na siyang nakakita sa pagbaril sa biktima at swerteng hindi tinamaan.

Patay noon din ang biktima.

Matatandaang si Herbilla ay subject ng search warrant ng PNP 12 noong nakaraang taon na may kinalaman sa iligal na droga.

Dagdag pa ni Oranza na nasampahan rin si Herbilla ng kaso noong Disyembre ng nakaraang taon na may kinalaman rin sa iligal na droga pero nakapag-piyansa ito.

Sa ngayon ay inaalam na ng PNP kung may kinalaman sa iligal na droga ang pagpatay sa biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

2 SA COTABATO BLAST INILABAS NG PULISYA

blast

INILABAS na ng pulisya ang dalawang katao na nahagip ng CCTV ng mall na sinasabing sangkot sa New Year’s Eve bombing sa Southseas Mall sa Cotabato City na pumatay sa dalawa at ikinasugat sa mahigit 30 iba pa.

Ang mga suspect umano ay nakita sa ikalawang palapag ng mall at may dalang maliit na containter na katulad ng laki ng beauty cream, ayon kay Supt. Oliver Modias, chief of Special Investigation Task Group Southseas. Nakita rin sa CCTV ng mall na dalawang lalaki ang nag-iwan ng maliit na pakete malapit sa lotto outlet sa labas ng entrance mall.

Nakita ng isang saleslady ang container kung saan tumawag na ng pulis para suriin ang pakete. Nabatid na isa rin itong improvise device na kalaunan ay pinasabog din ng pulisya.

Please follow and like us:
Read More

10 SA MGA BIKTIMA NG MALL BOMBING, LIGTAS NA SA KAPAHAMAKAN

COTABATO MALL BOMBING

LIGTAS na sa kapahamakan ang sampu sa mga naging biktima ng pagsabog ng improvised explosive device (IED) sa harap ng South Seas Mall sa Magallanes St., Cotabato City.

Matatandaan noong bisperas ng Bagong Taon, isang lalaki umano ang nag-iwan ng IED na nasa kahon sa entrance ng mall na ilang minuto lang ay sumabog na.

Dead on arrival sa ospital ang dalawa habang nasa 34 ang bilang ng mga nasugatan sa naganap na pagsabog.

Patuloy pang inaalam ng mga otoridad kung sino ang nasa likod ng pagpapasabog.

Please follow and like us:
Read More

MALL BOMBING: 2 PATAY, 27 SUGATAN

mall 2000

PATAY ang dalawa katao habang 27 iba pa ang sugatan sa pagsabog na naganap sa harap ng mall sa Cotabato City, Lunes ng hapon.

Isa sa mga nasawi si Jonathan Tasix, 27, tricycle driver at ng Upi, Maguindanao. Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng isa pang biktima.

Sinabi sa report na isang improvised explosive device (IED) ang sumabog sa harap ng South Seas Mall sa Magallanes St., Cotabato City.

Wasak ang tricyle na posibleng pinagsakyan ng bomba. Cellphone umano ang nagsilbing triggering mechanism sa bomba na gawa sa pako at pulbura.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente habang dinala naman sa pagamutan ang mga sugatang biktima.

Please follow and like us:
Read More

P12-M SHABU NABAWI; 4 BIGTIME DRUG PUSHER ARESTADO

shabu

MALAKING isda ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-ARMM) na sina Alma Aklad, Basir Tantong at ang asawa nitong si Vilma at isang Mhads Luminog Mamintal.

Naka-hold ang mga ito sa awtoridad matapos ikasa ang anti-illegal drugs operation sa Cotabato City at mahulog sa bitag ng buy-bust operation. Nakuha sa mga ito ang ibinebentang P10 milyong shabu.

Umaabot naman sa P1.7 milyong halaga din ng shabu ang nakuha kina Akmad at Tantong.  Sinabi ni PNP Region 12 Spokesperson Police Supt. Aldrin Gonzales, ang mga naarestong drug traffickers ay nagsasagawa ng oeprasyon sa Central Mindanao at sila ring supplier ng droga sa Maguindanao, North Cotabato at ilang bahagi ng rehiyon.

Please follow and like us:
Read More