CONSTRUCTION WORKER KINATAY SA BAHAY

(NI TJ DELOS REYES/PHOTO BY EDD CASTRO )

INAALAM na ng pulisya kung sino ang responsable sa pananaksak sa isang construction worker na natagpuan na naliligo sa sarili nitong dugo sa loob ng kanyang tirahan sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si si Ronald Sepida Valdez Jr., 26, construction worker at residente ng No. 141 Blessing St., Area 6, Brgy. Bagong Silangan, QC.

Base sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga nang matuklasan ang duguang katawan ng biktima ng nobya nito na si Jeraldine Tolentino na  nakahandusay at tadtad ng saksak sa  leeg   loob ng bahay.

Ayon kay Tolentino, nagpupunta lamang siya sa tahanan ni Valdez tuwing weekend at kung may freetime siya kaya wala siyang nalalaman kung sino ang may kagagawan ng krimen.

Nagulantang na lamang siya nang buksan nito ang pintuan at tumambad sa kanya ang wala nang buhay na katawan ng nobyo.

Agad naman ipinagbigay alam ni Tolentino ang pangyayari sa mga barangay officials ng Brgy. Bagong Silanganan na siya naman tumawag sa kapulisan.

Patuloy ang pagsisisayat ng mga otoridad sa nangyari krimen at kung ano ang motibo sa pamamaslang kay Valdez.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI NAGNAKAW NG UNDERWEAR, PATAY SA BUGBOG

(NI JG TUMBADO)

NAPATAY ang isang construction worker makaraang mabugbog nang nakawin ang nakasampay na panty ng dalawang babae sa Tagbiliran City, Bohol, Martes ng gabi.

Tinukoy ni Police Corporal Joseph Elic ng Tagbilaran City Police Station ang biktima na si Jessie Chan Romorosa, 39, residente ng Barangay Tupas sa bayan ng Antequera.

Una rito, naimbitahan si Romorosa ng kanyang kaibigan na dumalo sa piyesta ng Barangay Dampas Martes ng hapon at kapwa sila bumisita sa bahay ng isang Dioscoro Daño sa Sitio Candait.

Nagkaroon ng inuman hanggang bandang alas-6:00 ng gabi ay minabuti muna ni Daño na magpahinga ngunit nagising sa komosyon.

Binugbog umano ng anak ni Daño na si Jestoni, 28, si Romorosa na pinaratangang nagnakaw ng ilang nakasampay na mga panty sa naturang bahay.

Sinubukan pa umano ng nakatatandang Daño na pigilan ang anak at nagpasaklolo na rin sa mga barangay tanod.

Agad na tumakas ang suspek at isusugod na sa ospital si Romorosa ngunit wala na rin itong buhay. Pinaniniwalaang hinampas ng matigas na bagay ang kanyang ulo na naging sanhi ng agaran nitong pagkamatay.

Nang siyasatin ng pulisya, nakita ang dalawang panty sa loob ng brief ng biktima.

Patuloy na ang pagtutugis ng mga otoridad sa suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

SANGGOL NA LALAKI NI-RAPE, PINATAY NG LABORER

(NI ROSE PULGAR)

HINIHINALANG inabuso muna bago pinaslang ang isang taong gulang na sanggol na lalaki ng isang construction worker na umano’y pinasok ng suspect ang kanyang ari sa bahagi ng puwitan ng biktima Miyerkoles ng madaling araw sa Makati City.

Naisugod pa sa Sta. Ana Hospital ang biktima na itinago sa pangalang Jimboy ng Barangay San Antonio subalit wala na itong buhay sanhi ng mga tinamong pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad naman naaresto ng mga awtoridad ang suspect na nakilalang si Gerald Reparip, 27, binata, laborer stay-in sa barracks sa Cabulusan St., Muntinlupa City, na sinasabing huling kasama ng biktima.

Base sa isinumiteng report ni Police Major Gideon Ines, hepe  ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Makati City Police, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang matagpuan ang biktima sa ikapitong palapag ng abandonadong gusali sa building 143 Yakal St. Barangay San Antonio na nakahiga sa isang malaking tabla na walang saplot na pang-ibaba, ng isang nagngangalang Genelyn Lopez, 36, naninirahan din sa nasabing lungsod.

Agad naman ipinagbigay alam ni Lopez sa mga barangay tanod at pulis ang insidente na kung saan agad naman isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan.

Sinabi ni Ines, huling nakitang kasama ng biktima ang suspect sa isang tindahan na kung saan bumili pa ito ng waferstick at ibinigay sa sanggol.

Matapos magduda ang mga pulis, dahil  nang matagpuan ang sanggol ay wala itong suot na underwear at nang suriin ay deteriorated na at may natagpuang mga sperm cell dito.

Dito na nagsasagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad kung saan naabutan ang suspect na natutulog sa barracks na kanyang pinagtatrabahuan.

Nang pahubarin ng mga pulis ang suot na shorts at brief ay nakitang may bahid ng dugo ang brief nito.

Agad dinala sa nasabing himpilan ng pulisya ang suspect na umamin na lasing na lasing siya at hindi niya alam ang ginawa niya sa sanggol.

Subalit sinabi ni Ines sa bandang huli ay inamin sa kanya ng suspect na isinama niya ang biktima sa barracks at inabuso umano niya ito na kung saan pinasok niya ang ari nito sa puwitan ng sanggol.

Inamin din ng suspect na sinakal at binugbog niya ang biktima nang magdilim ang kanyang paningin.          Sambit pa ni Ines, sa ginawang pag-amin ng suspect ay kanila na itong sasampahan ng kasong homicide at rape o Republic Act 76 10.

Patuloy pa ring nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa insidente.

Please follow and like us:
Read More

2 CONSTRUCTION WORKER NAKURYENTE

electrocution

(NI SIGFRED ADSUARA)

ISINUGOD  sa ospital ang dalawang construction worker nang makuryente habang nagtatrabaho sa ginagawang bahay sa Dasmarinas City.

Ginagamot ngayon sa UMC Hospital ang biktima na sina Jose Erwin Gallerde, 19, binata at Jun Candedo, 19, binata, kapwa residente ng Blk 49 Lot 2 Duplex St., Summerwind Village 4, Brgy. Burol Main, Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Richard Domingo, ng Dasmarnas City Police Station, gumagawa ang mga biktima sa ikalawang palapag ng ipinatatayong bahay na pag-aari ng isang Pilomino Tanudra dakong alas-2:30 Sabado ng hapon nang mahawakan nila ang bakal sa pundasyon ng bahay  na nakakabit sa linya ng Meralco na nagresulta sa kanilang pagkakakuryente.

Nangako rin ang contractor nito ng pinansiyal na tulong  sa dalawa.

Please follow and like us:
Read More

CONSTRUCTION WORKER NAHULOG MULA 27TH FLR, PATAY

crime12

(NI KEVIN COLLANTES)

DEAD on the spot ang isang construction worker nang aksidenteng madulas sa tinatapakang scaffolding at mahulog mula sa ika-27 palapag ng isang ginagawang gusali sa Barangay Wack-wack, Mandaluyong City, nitong Huwebes ng hapon.

Ang biktimang nakilalang si Bimbo Barsobia, 26, ducting helper ng New Golden Construction Builders (NGCB), ay nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Batay sa imbestigasyon ng Mandaluyong City Police, dakong 5:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa construction site na pinagtatrabahuhan ng biktima sa Julia Vargas Street, kanto ng EDSA Southbound, sa Barangay Wack-wack.

Lumilitaw sa salaysay ng testigong si Kim Menor, 23, installer, na abala ang biktima sa pag-i-instala ng air duct system sa tabi ng elevator shaft na nasa ika-27 palapag ng itinatayong gusali, nang bigla na lang itong madulas mula sa tinatapakang scaffolding.

Nawalan ng balanse ang biktima at tuluyang bumagsak sa catch board na nasa ika-17 palapag.

Mabilis na rumesponde ang safety officer na si Teresita Natividad, at dinaluhan ang biktima ngunit wala na itong buhay, kaya’t inireport na lamang ang pangyayari sa mga awtoridad para sa kaukulang imbestigasyon.

 

Please follow and like us:
Read More

LABORER NAHULOG SA IKA-4 NA PALAPAG, PATAY

crime12

(NI JULIE DUIGAN)

HINDI na umabot nang buhay sa Ospital ng Maynila ang isang 43-anyos na construction worker, makaraang mahulog nang mawalan ng panimbang habang nagpapalitada sa ginagawang gusali sa Malate, Manila, iniulat ng pulisya.

Nakilala ang biktimang si Alberto Millano, ng Ymas Builder at residente ng 946 T.Alonzo St., Sta.Cruz, Manila.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Bernardo Cayabyab , kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section , bandang 1:30 ng hapon , nang maganap ang insidente sa ika-4 na palapag ng Malate Residences sa Unit R L.M Guerrero St., sa San Andres, Malate.

Nabatid sa report ng pulisya, habang nasa ika-4 na palapag ng gusali ang biktima, kasama ang isang mason , nang mawalan ito ng panimbag at nagtuluy-tuloy na bumulusok sa ikalawang palapag ng hallway  ng nasabing gusali.

Please follow and like us:
Read More