COMELEC MAS MAHAL ANG SMARTMATIC?

COMELEC-SMARTMATIC-2

Ni BERNARD TAGUINOD

Kung hindi ngayon, kelan pa?

AGAD na sinuportahan hindi lamang sa  Mababang Kapulungan ng Kongreso kung hindi maging ng taumbayan ang pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura na ang Smartmatic na ginamit ng Commission on Elections (Comelec) noong nakaraang apat na eleksyon.

Sa apat na beses paghawak sa halalan ng bansa, napuno ng sari-saring kontrobersya ang resulta ng botohan at hindi nabigyang katarungan ang resulta ng bilangan dahil sa mga problema sa mismong gamit na mga makina.

Kaya naman, nang marinig ang pahayag ni Presidente Duterte,  ginanahan  si Buhay party-list Rep. Lito Atienza na amyendahan ang Republic Act (RA) 9369 o Automated Election System (AES) o mas kilala sa tawag na Computerized Election upang gumamit ng hybrid na sistema ng halalan sa bansa lalo na sa 2022 presidential election.

Ayon kay Atienza, hindi naging masaya ang taumbayan sa serbisyo Smartmatic dahil simula nang kunin ang mga ito ng Comelec nang simulang ipatupad ang RA 9369 noong 2010 election ay sandamakmak ang naging  problema kaya pinagdududahan ang resulta ng halalan.

“Kayo ang tatanungin ko, kayo ba ay masasabi n’yong tama, malinis ang naging halalan at bilangan? At ang bagal ng proklamasyon. Akala ko kapag computerized election, it will be efficient count at immediately ang proklamasyon.  Ilang araw na ang nakakalipas, 9 na araw wala pang proclamasyon?,” ani Atienza hinggil sa katatapos na eleksyon noong Mayo 13, 2019.

Naniniwala ang marami na ang mabagal na paglabas ng resulta at proklamasyon sa mga nanalo ang nag-udyok kay Pangulong Duterte  upang utusan ang Comelec na ibasura nang tuluyan ang Smartmatic.

Labis na ikinatuwa  ni Atienza ang pahayag ni Duterte na huwag nang gamitin ang Smartmatic sa mga susunod na halalan sa bansa upang hindi na pagduduhan ang resulta ng mga eleksyon sa hinaharap.

“Once again, the President has shown that he has the sensitivity to answer the nation’s growing problem of successive elections that have been marred by questions of irregularity. No one has dared to fix it, except Pres. Duterte,” ayon pa kay Atienza.

“Kung hindi susunod ngayon ang Comelec sa kautusan ng pangulo ng bansa, kelan pa maibabasura ang Smartmatic?.”

Pagsipa sa Smartmatic, hakbang na Makabayan

Sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, abogado at spokesman ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos,  na ang panawagan ni Pangulong Duterte, ng Mababang Kapulungan at ng taumbayan na ibasura na ang Smartmatic ay isa sa pinakamakabayang hakbang dahil mabibigyang katarungan nito ang pagboto ng mga taong nasa listahan pa subalit pawang wala na pala sa mundo, ang pagboto ng mga taong pera ang habol sa kandidato at higit sa lahat, ang hindi pagkakapanalo ng mga karapatdapat na kandidato at totoong ibinoto ng mga tao.

Ayon kay Rodriguez, hindi lang si  Presidente Duterte, mga mambabatas at taumbayan ang nais na mawala na ang Smartmatic sa sistema ng halalan sa bansa, subalit maging ang mga obispo.

Noong Nakaraang linggo, nagpahayag ng suporta sina Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa kagustuhan ni Presidente Duterte na pagbabasura sa Smartmatic at at pagpapatupad ng hybrid election.

Ang pagsuporta ng mga obispo sa pahayag ni Pangulong Duterte ay pagpapakita na mas nais ng mga ito ang balik manual count sa precinct level dahil sa mas nagpapakita ito ng transparency kaysa sa Smartmatic.

Nais ni Rodriguez na mawala na sa landas ng mga Filipino ang Smartmatic sapagkat hindi naman nito naibigay ang tamang serbisyo sa mga Pinoy gayung napakalaking halaga ang ibinayad rito para maging maayos, mabilis at malinis ang halalan.

Ngunit ang sistemang ipinakita ng Smartmatic ay “lack in transparency” at nagkaroon pa ng duda sa isip ng mga mamamayan na totoong nangyayari pa rin ang dayaan.

Mas magiging makabayan, paliwanag ni Rodriguez kung ibabalik na lang sa manual counting ang eleksyon at pawang mga Filipino ang magtratrabaho para sa malinis at marangal na halalan.

“Kung Filipino ang nakatoka sa bilangan, magdadalawang isip yan na mandaya o magpabayad para gumawa ng pandaraya sapagkat alam niyang mahaharap siya sa malaking problema at kaso hindi lang sa isang tao subalit sa kanyang kapwa Filipino,” paliwanag ni Rodriguez.

Hybrid election sa 2022

Nais ni Atienza na sa susunod sa Kongreso, ay maamyendahan na ang nasabing election law upang magkaroon ng hybrid election kung saan nakikita ng mga botante na nabibilang ang kanilang boto hindi tulad ngayon na bulag ang mga ito dahil ang nagbibilang ay ang mga makina.

“In this way, we can preserve the integrity of the election process because the community can witness and see the counting accuracy at the precinct level,” ayon sa kongresista mula sa Buhay Partylist.

Kahit sa ibang bansa na nag-experiment ng automated election system tulad ng Germany, The Netherland at Indonesia ay nagbalikan sa manual election para dahil sa takot na magkaroon ng hacking sa fully-computerized system.

Sa ilalim ng panukala ng mambabatas, ang election officers ang magbibilang ng boto sa presinto pagkatapos bumoto ang mga tao na ayon sa mambabatas ay makikita ng mga tao kung talagang nagkakaroon ng bilangan o nabibilang ang kanilang boto.

“Nakabantay ang mga tao sa presinto kaya hindi mo puwedeng dayain yan. Kapag may isang mali lang magrereklamo agad ang mga watchers ng mga kandidato. Eh dito sa vote counting machines, hindi nila alam ng nabilang ang boto nila o hindi,” ani Atienza.

Sa sandaling matapos ang bilangan, itatransmit aniya ang resulta nito sa Comelec sa pamamagitan ng transmission machines.

Ang nais ni Atienza ay inayunan ni Rodriguez dahil pagkatapos ng bilangan ng boto ay mayroon nang hawak na kopya ng resulta na mga dominant majority at dominant minority parties at  mga kandidato na pirmado ng tatlong Board of Election Inspectors (BEI).

“Now there no denying sa resulta. Hindi mo basta-basta mababago kasi may trace-back ka na eh. May hawak kang hard copy. Ang sabi lang naman ng Konstitusyon, secrecy in balloting, secrecy in voting but full transparency in counting and canvassing,” dagdag ni Rodriguez.  Rodriguez.

Comelec, in love sa Smartmatic

Bilyong piso ang nakataya sa kontrata sa pagitan ng Comelec at Smartmatic. Sa kontrata pa lang sa karagdagang vote counting machines, bilyong piso na ang ginastos ng pamahalaan. Nagkaroon pa ng kontrobersya sa kontrata dahil isang araw bago ang pagreretiro ng dating commissioner nito ay nagkaroon ng pirmahan.

Maituturing sanang midnight deal ang nangyari subalit tulad ng nakagawian, ipinagtanggol ng tagapagsalita ng Comelec na si Atty James Jimenez ang naging aksyon ng kanilang tanggapan at ng kanyang mga kapwa opisyal sa komisyon.

Simula pa lang noong 2010, ipinagtatanggol na ni Jimenez at mga kapwa opisyal sa Comelec ang mga kapalpakan ng Smartmatic lalo na sa pagbili ng precinct count optical scan machine.

Dahil sa walang humpay na pagtatanggol at pagkiling ng Comelec sa Venezuelan company na Smartmatic, naitanong ni Rodriguez “Why is it the Comelec is so in love with Smartmatic? How much do you love Smartmatic?.”

“Tila mas mahal pa ng Comelec ang Smartmatic kaysa sa sambayanang Filipino, higit pa sa kinabukasan ng bayan lalo na ng Kabataang Filipino,” dagdag ni Rodriguez.

Please follow and like us:
Read More

SA KABILA NANG KAPALPAKAN, COMELEC ‘DIE HARD’ SA SMARTMATIC

COMELEC-SMARTMATIC

(Nina Joel Amongo at Fred Salcedo /Unang bahagi)

Smartmatic, ipinababasura ni PDU30

NOONG nakaraang Huwebes, sa talumpati sa Filipino Community sa Japan, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais na niyang putulin ang kontrata ng Commission on Elections (Comelec) sa Smartmatic, ang kumpanyang gamit para sa bilangan at resulta ng halalan.

Sinabi ng presidente sa Comelec na ibasura na ang Smartmatic at humanap ng bagong kapalit nito na hindi sangkot sa dayaan.

“I would like to advise Comelec now – hindi ko na lang hintayin (ang State of the Nation Address para iaanunsyo ang pagbasura sa Smartmatic)– dispose of that Smartmatic and look for a new one that is free of fraud. Ang Liberal sabi nila nadaya sila. Ako sabi nila nadaya rin,” paliwanag ni Duterte.

Sinabi ni Pangulong Duterte na hindi lang siya ang ayaw sa Smartmatic subalit maging ang mga tao dahil hindi nabibilang ng totoo ng mga makina nito ang boto ng mga tao.

“ And you know it’s crea­ting an environment of hostile attitude against that Smartmatic. You have three years. Kakatapos lang ng election. Palitan na ninyo kasi it is no longer acceptable to me, to the people and even to the congress­men who are here. Why are you insisting sa (on that) Smartmatic? Because bidding?,” dagdag pa ng pangulo sa kanyang talumpati sa harap ng mga Pinoy sa Japan.

Comelec, katwiran ay legal na proseso

Matapos ipahayag ni Pa­ngu­long Duterte na kailangang palitan na ng Comelec ang Smartmatic lalo’t katatapos pa lang ng eleksyon at tatlong taon pa bago ulit magkaroon ng halalan, sinabi ni  Atty James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, na hindi maaaring hindi bigyan ng pansin ng kanilang tanggapan ang suhestiyon ng pangulo.

Sinabi rin ng pangulo na hindi na katanggap-tanggap para sa kanya ang mga kapalpakan ng Smartmatic at lalong ayaw na rin paloko ng mga Filipino.

Sinagot naman ni Jimenez na bago ma-i-ban ang Venezuelan firm, kinakailangan umano magkaroon ng legal na basehan para hindi na isali ang ina­ayawang technology solutions firm na Smartmatic sa mga susunod na public bidding ng Comelec.

Iginiit ni Jimenez na hindi maaaring isaisantabi ang suhestiyon ni Pangulong Duterte lamang ay inoobliga ng batas ang public bidding para sa government contracts.

“The President speaks from a place of greater know­ledge than I do, If he feels that’s a good solution, it deserves a lot of serious consideration,” sinabi ni Jimenez sa ginanap na media forum na inihain ng National Press Club.

Iginiit ni Jimenez na nasa ilalim ang Comelec ng COA pero kung may magagawang paraan ay gagawin nila.

Idinagdag pa ng tagapagsalita ng Comelec na bukas ang kanilang tanggapan upang pag-aralan ang nais ng pangulo.

Panawagan ng taumbayan

Ang panawagan ni Pangu­long Duterte ay panawagan din ng taumbayan kung kaya’t kailangan sundin ng mga namamahala ng bayan, ayon kay Atty Vic Rodriguez, abo­gado at tagapagsalita ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“It’s a patriotic call made by the President which we all should patriotically respond to,” pagdidiin ni Rodriguez.

Matatandaang si Marcos, sa pamamagitan ni Rodriguez, ay may isinampang  election protest laban kay Vice President Leni Robredo na hanggang ngayon ay hindi pa dinede­sisyunan ng Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET).

Nanindigan si Rodriguez na milyon-milyong Filipino ang bumoto kay Marcos noong 2016 National Election kung kaya’t batid ng nakararami na ito ang totoong nanalo subalit iba ang naiproklama.

“Etong 2016 (election) talaga naman, ninakaw ang boto ni Sen. Marcos. Biglang bumaliktad ang resulta. Thanks to Smartmatic,” ayon pa kay Rodriquez.

Naniniwala si Rodriguez na kaya marami ang nakikisimpatiya kay Marcos na mga Filipino lalo na yung mga sinasabing nasa laylayan ng lipunan ay dahil alam nila na sila mismo ang niloko ng Smartmatic at hindi ang nais nilang maupo sa puwesto ang naiproklama na nangangahulugang panloloko sa mismong sambayanang Pilipino.

Kaya ipinagdidiinan ng abogado ni Marcos na ngayon na ang panahon upang itama ang mga pagkakamaling nangyari dahil sa kapalpakan ng Smartmatic na ibinabato sa Comelec.

Maraming atraso sa Pinoy

Nang kunin ng Comelec ang serbisyo ng Smartmatic na 100 percent na pag-aari ng Venezuelans sa halagang P7.2 Billion matapos manalo sa bidding, inasahan na magiging maayos at mabilis ang eleksyon gamit ang Precinct count optical scan (PCOS) machines. Subalit kabaligtaran ang nangyari dahil nagkaroon ng mga glitches tulad ng mga “errors” sa flash cards na naglalaman ng listahan ng mga botante at mga kandidato.

Bukod sa mga nasabing depekto, pumalya rin ang ilang makina ng Smartmatic na na­ging dahilan ng pagkadelay ng transmission ng mga boto sa canvassing centers at hindi rin nabasa ng mga PCOS machines ang built-in-ultraviolet mark readers sa mga balota.

Sinabi ni Rodriguez, sa kabila ng mga kapalpakan ng mga makina ng Smartmatic, ginamit pa rin ng Comelec ang mga ito noong 2013 midterm election na lalong naging kontrobersya dahil sa 60,30, 10 na hatian ng boto.

“Yung 2013 (election), natabunan na lang, pero di yun yung sistematic na 60,30,10. Yung mga nanalo binigyan ng 60% na total (votes). Dinistri­bute eh, di ba? Yung para pizza pie method. Yung biggers share bigay mo dito, eto ang panalo. Etong isa para naman hindi umalma bigyan mo ng boto, yung isa para hindi (ma)zero, lagyan mo ng 10%. And that is 60,30,10 infamous,” paliwanag pa ng abogado.

Nawalan ng tiwala ang mamamayan

Panahon ni dating Pangu­long Benigno “Noynoy” Aquino III ang 2013 midterm election kung saan mayorya sa kanyang mga senatorial candidate ay nanalo sa Senado.

Muling ginamit ng Comelec ang mga makina ng Smartmatic noong 2016 na ayon kay Rodriguez ay lalong nawala ang tiwala ng taumbayan matapos ‘nawakan umano ng boto si Marcos na kandidate sa pagka-bise presidente.

Sinabi ni Atty. Rodriguez na nagkaroon din ng glitches sa transmission of votes ng mga kandidato sa pagka-bise presidente noong 2016 at habang ang mga boto ng presidente at mga senador ay tuloy-tuloy ang tramission.

Nangyari aniya ito noong laman na si Marcos ng mahigit isang milyong boto at nang magkaroon ulit ng tramission ay baliktad na ang resulta at nag­hahabol na ng boto ang da­ting senador.

Please follow and like us:
Read More

ADMIN CANDIDATES NAKAUNGOS AGAD SA BILANGAN

wi9nners123

(NI BERNARD TAGUINOD)

TULAD ng mga lumabas sa mga survey, dinodomina ng mga kandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 12 bakanteng upuan sa Senado matapos manguna ang mga ito sa partial at unofficial result ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Sa unang bugso ng canvassing of votes ng PPCRV, nanguna si Sen. Cynthia Villar sa botong 93,660 votes na sinundan ni Sen. Grace Poe sa 83,250 at ikatlo si Bong Go na nakakuha ng 73,786.

Sumunod ang nagbabalik Senado na si Taguig-Pateros Rep. Pia Cayetano na may botong 72,105 at dating Philippine National Police (PNP) Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa botong 67,102 boto na nakuha.

Nasa ika-6 ang Sen. Sonny Angara na nakakuha ng botong 65,918 boto at Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na mayroong 65,816 boto habang si dating Sen. Lito Lapid ang ika-8 sa botong 65, 763.

Pumasok sa ika-9 na puwesto si Francis Tolentino na may botong 56,274 votes; Nancy Binay sa ika-10 puwesto na nakakuha ng 55,616 votes; dating Sen. Ramon “Bong” Revilla na may 53, 528 votes; ika-12 si Sen. JV Ejercito na may 52,097 votes.

Naka-13 puwesto naman ang Otso Diretso candidate na si Sen. Bam Aquino sa botong 51,605 votes sumunod si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel sa botong 51,017 botong nakuha, ika-15 si dating Sen. Jinggoy Estrada sa botong 43,508 boto na nakuha at dating Sen. Mar Roxas sa ika-16 puwesto sa nakuha nitong 36,004 boto.

Sa top-16 na nangunguna sa bilangan, tanging sina Poe, Lapid , Aquino, Roxas, Binay ang hindi kandidato ni Pangulong Duterte

Please follow and like us:
Read More

6 SUGATAN SA BARILAN HABANG BUMOBOTO SA SULU

crime100

(Ni NELSON S. BADILLA)

ANIM na tauhan ng magkalabang kandidato sa pagka-alkalde sa Panglima Estino, Sulu ang nasugatan nang magkabarilan habang bumoboto, Lunes ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga sugatan na sina Asiri Sajaani, 65, Ibno Sahipa, 64, Barree Abih, 46, Ommal Hasan, 57, Nadzra Munib, 41, at isang alyas “Aduwin.”

Ayon sa tagapagsalita ng Western Mindanao Command (WesMinCom) ng Philippine Army (PA) na si Colonel Gerry Besana, nagkaroon ng ‘armed confrontation’ ang mga tauhan ng dalawang kandidato sa pagkaalkalde ng nasabing bayan kung saan anim sa kanila ang sugatan.

Ani Besana, alas-6:35 ng umaga nang maganap ang insidente o mahigit kalahating oras mula nang magsimula ang pagboto ng mga botante sa nasabing bayan.

Aniya, natigil lamang ang barilan nang dumating ang tropa ng mga sundalo.

Itinakbo sa pinakamalapit na ospital ang mga sugatan.

 

Please follow and like us:
Read More

ADMIN CANDIDATES NAKAUNGOS AGAD SA BILANGAN

wi9nners123

(NI BERNARD TAGUINOD)

TULAD ng mga lumabas sa mga survey, dinodomina ng mga kandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 12 bakanteng upuan sa Senado matapos manguna ang mga ito sa partial at unofficial result ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Sa unang bugso ng canvassing of votes ng PPCRV, nanguna si Sen. Cynthia Villar sa botong 93,660 votes na sinundan ni Sen. Grace Poe sa 83,250 at ikatlo si Bong Go na nakakuha ng 73,786.

Sumunod ang nagbabalik Senado na si Taguig-Pateros Rep. Pia Cayetano na may botong 72,105 at dating Philippine National Police (PNP) Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa botong 67,102 boto na nakuha.

Nasa ika-6 ang Sen. Sonny Angara na nakakuha ng botong 65,918 boto at Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na mayroong 65,816 boto habang si dating Sen. Lito Lapid ang ika-8 sa botong 65, 763.

Pumasok sa ika-9 na puwesto si Francis Tolentino na may botong 56,274 votes; Nancy Binay sa ika-10 puwesto na nakakuha ng 55,616 votes; dating Sen. Ramon “Bong” Revilla na may 53, 528 votes; ika-12 si Sen. JV Ejercito na may 52,097 votes.

Naka-13 puwesto naman ang Otso Diretso candidate na si Sen. Bam Aquino sa botong 51,605 votes sumunod si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel sa botong 51,017 botong nakuha, ika-15 si dating Sen. Jinggoy Estrada sa botong 43,508 boto na nakuha at dating Sen. Mar Roxas sa ika-16 puwesto sa nakuha nitong 36,004 boto.

Sa top-16 na nangunguna sa bilangan, tanging sina Poe, Lapid , Aquino, Roxas, Binay ang hindi kandidato ni Pangulong Duterte

Please follow and like us:
Read More

DISQUALIFICATION NI EDU IAAPELA SA COMELEC

edu manzano12

(NI HARVEY PEREZ)

IAAPELA ng aktor na si Edu Manzano sa Commission on Elections (Comelec) ang desisyon na kanselahin ang  kanyang certificate of candidacy (CoC) bilang kandidato sa pagka-kongresista ng San Juan City.

Sinagot ni Manzano ang isyu sa kanyang post sa Instagram account.

Nakahanda rin si Manzano na iakyat ang usapin sa Supreme Court.

Paliwanag ni Manzano, ang Comelec 2nd division lamang ang nagpasya na kanselahin ang kanyang CoC bunsod ng pagkwestyon sa kanyang citizenship.

Ipinaliwanag pa ni Manzano na may pareho nang reklamo na isinampa sa kanyang noon kung saan pinaboran siya ng SC.

Ito umano ay  noong tumakbo siya at nanalo siyang vice mayor ng Makati.

Please follow and like us:
Read More

OPLAN-BAKLAS IPINATUPAD SA QC

oplan baklas12

(NI HARVEY PEREZ)

NAGPATUPAD ng operation baklas ang Commission on Elections (Comelec) sa ilang bahagi ng Quezon City laban sa mga iligal na campaign materials na ikinabit ng mga supporters ng mga kandidato para sa May 13 midterm elections.

Alas-9:00 ng umaga nang simulan ng grupo ng MMDA at Election Officer, Comelec 3rd  District  Rommel C. Matreo ang  Task Force Operation Teardown (Oplan Baklas) laban sa mga campaign materials na iligal na nakakabit sa may kahabaan ng Anonas Road,QC.

Maging sa paligid ng Galas, ay inikutan din ng Comelec at nagbaklas ng mga iligal na campaign ads.

Nabatid na may 50 iligal na campaign materials ang nabaklas sa Galas habang may 100 naman sa Anonas.

Dinala sa tanggapan ng Comelec ang mga iligal na campaign poster para sa anumang disposisyon.

 

 

Please follow and like us:
Read More

EASTERN METRO MANILA HANDA NA SA HALALAN

epd12

(NI MAC CABREROS)

PLANTSADO na ang Mayo 13 election sa Eastern Metro Manila, iniulat ng Eastern Police District Office (EPDO).
Ayon kay EPD director, BGen. Christopher Tambungan, nakipagpulong sila sa mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) sa Marikina nitong Huwebes at kanila nang inilatag ang mga karampatang hakbang para sa kaayusan at kapayapaan ng halalan.

Nitong Biyernes ay dinala na sa Pasig City ang 468 ballot boxes na naglalaman ng official ballot para sa May 13 elections.

Inimbentaryo ng Comelec ang ballot boxes bago ibinigay sa Treasurer’s Office na siyang mangangasiwa sa pamimigay sa Station Election Monitoring Action Center.

Nauna nang bumoto sa bisa ng Absentee Voting ang mga kapulisan ng EPD upang matutukan ang kanilang tungkulin na bantayan ang kaayusan at kapayapaan sa araw mismo ng eleksiyon.

Ipinaalaala ng Comelec na magtatapos ang campaign period sa Mayo 11.

 

Please follow and like us:
Read More

38 PULIS, 17 MILITAR, 9 CAFGU, HULI SA GUN BAN

gunban12

(NI NICK ECHEVARRIA)

MAHIGIT 4,700 inidibidwal ang nadakip ng pulisya simula nang ipatupad ang  Commission on Elections (Comelec) gun ban noong January 13.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson P/Col. Bernard Banac, hanggang nitong alas- 6 ng umaga ng Biyernes nasa 4,729 katao ang nahuli sa kabuuang 576,983 na mga police operations na kanilang inilunsad kaugnay sa gun ban.

Sa kabuuang bilang na ito 2,634 na mga suspek ang nasabat sa mga police patrol response, 977 naman mula sa mga isinilbing search warrants, at 723 naman ang nalambat sa kanilang “Oplan Bakal, Sita, Galugad” operations.

Kasama sa nabanggit na bilang ang 331 inidibidwal na nadakip sa mga checkpoints at 64 sa mga ipinatupad na warrants of arrest.

Sinabi pa ni Banac na 4,449 sa mga naaresto ay pawang mga sibilyan, 79 naman ang mga security guards, 75 ang mga government at elected officials, 38 ang mga police officers habang 17 naman ang military personnel, 12 ang mga law enforcers, 9 naman ang mga miyembro ng CAFGU, 4 mula Bureau of Jail Management and Penology at 9 na mga dayuhan.

Nakaaresto rin ang mga awtoridad ng 31 katao na kasapi ng mga “threat groups” at 8 mula sa mga private armed groups.

Idinagdag pa ni Banac na umaabot na sa 3,942 ang nakumpiskang iba’t ibang uri ng mga armas ng PNP samantalang 35,967 na mga deadly weapons naman kasama na rito ang mga granada at iba pang mga pampasabog, mga bladed/pointed weapons, mga bala at gun replicas.

Ang Comelec gun ban ay ipinatutupad kaugnay sa nalalapit na May 13 elections hanggang June 12.

 

Please follow and like us:
Read More

MARAMI PA RING PASAWAY SA CAMPAIGN MATERIALS — COMELEC

manila poster12

(NI DAHLIA S. ANIN)

ILANG lugar sa Maynila ang nakitaan ng Commission on Elections (Comelec) ng mga campaign materials na nakalagay sa mga maling lugar.

Ayon kay Sarah Jane Asis, Information Officer ng COMELEC, 2×3 feet lamang ang pinapayagan nilang sukat sa mga campaign materials at ipinagbabawal ang paglalagay nito sa mga pampublikong lugar gaya ng poste ng ilaw at kuryente, pati ang mga puno.

Naobserbahan din nila na ang ilang kalsada sa Maynila ay tila fiesta dahil ginawang banderitas ang mga poster ng kandidato. May mga nakasabit at nakadikit din sa mga pader mga pampampublikong lugar

Sa panayam kay Manila City Administrator Ericson Alcovendaz, patuloy na pinaaalalahanan ng Comelec ang mga kandidato at inutusan na nila ang engineering department na manguna sa pagbabaklas ng mga ito. Hindi rin umano nila mapigilan ang mga supporters ng kandidato sa paglalagay ng mga posters nito.

Hinihikayat ng Comelec ang publiko na ipadala sa kanila ang mga litrato at detalye ng mga campaign posters sa maling lugar dahil maari itong baklasin o ipabaklas sa kandidato.

Maaari ring magsampa ng petetion for disqualification ang mga ordinaryong mamayan laban sa mga lumalabag na politiko

Please follow and like us:
Read More

2 POLICE AIDE NG PULITIKO HULI SA CHECKPOINT

escort6

(NI JG TUMBADO)

ARESTADO ang dalawang bagitong pulis dahil sa pagdadala ng baril na walang pahintulot mula sa Commission on Elections (Comelec) sa kalagitnaan ng nationwide gun ban sa Iligan City Martes ng hapon.

Mabilis na dinis-armahan at pinosasan ng kapwa nila pulis sina PO1 Johaimen Tomondong Mohamad at PO1 Rasid Arumpac Lambay; pawang nakatalaga sa Pantar Municipal Police Station ng Lanao Del Norte Provincial Police Office (LDNPPO).

Nabatid kay Supt. Surki Serenas, tagapagsalita ng Police Regional Office 10, dahil sa pinaigting na seguridad at checkpoint bunsod narin ng ginaganap na plebesito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Mindanao ang dahilan ng pagkaka-dakip sa dalawang pulis.

Sa inilatag na Comelec/police checkpoint sa bahagi ng C3 Road, Barangay Tomas Cabili sa Iligan City, alas 5 ng hapon nang parahin ng mga tauhan ng police station 2 ang isang sports utility vehicle (SUV) kung saan lulan ang isang pulitiko sa lugar.

Subalit nang masusing sinuri ang mga sakay sa sasakyan ay naispatan ng mga pulis na may dalang mga baril sina Mohamad at Lambay kung kayat agad silang pinababa sa sasakyan.

Dito na pala napag-alamang kapwa nila pulis ang kasama ng pulitiko at nagsisilbing escort nito.

Wala naman umanong naipakitang anumang dokumento partikular ang Comelec certificate for gun ban exemption at Comelec clearance to provide VIP security to a politician kaya inaresto na ang dalawang pulis.

Kabilang sa mga nakumpiska mula sa posesyon ng dalawang pulis ay ang isang M16 rifle, isang glock 17 9mm pistol, isang .45 pistol at isang MP5 automatic assault rifle.

Please follow and like us:
Read More

KANDIDATURA NG MAG-ASAWANG CAYETANO MALABO

alan

(NI HARVEY PEREZ/PHOTO BY MJ ROMERO)

MALABO umano ang kandidatura kasabay ng pagkuwestiyon sa Commission on Elections (Comelec), ng pagtakbo ng mag-asawang Alan at Lani Cayetano bilang kinatawan ng District 1  at District 2 sa Taguig City.

Si Alan Peter  ay nagsabing nakatira siya sa Barangay Bagumbayan  sa Taguig, habang si  Lani ay nagsasabing siya ng residente ng  Barangay Fort Bonifacio  sa kabila na ang mag asawa ay nakatira sa  Unit 352-A Two Serendra as Fort Bonifacio, Taguig.

Martes ng tanghali ay nagsagawa ng pagkilos sa Comelec ang mga grupong gustong madiskuwalipika ang mag asawang Cayetano sa nalalapit na mid term elections.

Ayon kay Atty. Emil Marañon III, maliwanag umano na niloloko ng mag-asawang Alan at Lani ang taumbayan.

Nabatid na Iginiit ng petisyuner sa Comelec na si  Leonides Buac Jr na kanselahin ang  certificates of candidacy (COCs) ng mag asawang Cayetano dahil sa magka ibang address sa kanilang  COCs, dahilan para pagdudahan ang kanilang katapatan .

Sinabi ni Marañon na ang pagtakbo ng isang mag asawa sa magkabilang distrito ay nakasanayan na kaya gusto nila na magkaroon talaga ng ruling ang Comelec kung puwede ba talaga o hindi ang ganoon practice.

“Ang sinasabi sa batas, kung saan ka nakatira, doon ka dapat tumakbo. Ang nangyayari dito, nakatira daw sila sa iisang lugar pero tumatakbo sa magkaibang distrito. For us very problematic ‘yon at saka may problema ‘yon sa batas,” ayon kay Marañon.

Kaugnay nito naniniwala naman ang kampo ni Cayetano na maibabasura ang petisyon na madiskuwalipika ang mag asawa.

Ayon kay Atty. George Garcia, malinaw na ang mag asawa ay may magkaibang domiciles Pero sila ay may isang  conjugal residence.

Ipinaliwanag ni Garcia na ang tirahan ay  “place of abode,” at ang lahat naman ay maaring magkaroon ng maraming residente.

Samantala, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez  na on going pa ang proseso sa disqualification case laban sa mag asawang Cayetano.

“Di ko po masasabi. Pasensya na po, pero on going pa ang processo sa kasong yan,” ayon kay Jimenez nang tanungin kung kelan makakapagpalabas ng desisyon ang Comelec.

 

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

SHABU SA CHECKPOINT

CHECKPOINT by AJ GOLEZ)

(NI ROSS CORTEZ/PHOTO BY AJ GOLEZ)

NAGULAT ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo, nang makitang may nakalatag na checkpoint sa kanilang dadaanan sa Barangay Poblacion 1 bayan ng GMA, Cavite, Lunes ng pasado ala-1:00 ng madaling araw , tinangka nilang bumuwelta pabalik pero may advance party na pala ang pulisya at agad silang pinatigil.

Aligaga ang dalawang sakay ng kulay itim na motorsiklong walang plaka nang pababain ng mga pulis, hinanapan sila ng lisensya at mga kaukulang dokumento ng minamanehong motorsiklo, sa malas, bukod sa walang suot na helmet, wala ring naiprisintang mga dokumento ang mga suspek na sina Francisco Rayses at Henrick Alix.

Dito na sila kinapkapan ng pulisya at nakuhanan sa bulsa ng ilang pakete ng hinihinalang shabu, kalauna’y nabatid rin na ang driver ng motorsiklo na si Rayses, ay under surveillance pala ng Drug Enforcement Unit ng GMA MPS.

Nahaharap ngayon sa patong patong na kasong paglabag sa RA 9165 at Land Transportation Code of the Philippines ang mga naarestong suspek.

Please follow and like us:
Read More

TRIKE DRIVER NASAMPOLAN SA COMELEC CHECKPPOINT

checkpoint

(NI FRANCIS ATALIA/PHOTO BY JULIUS CARBO)

NASAMPOLAN ang isang tricycle driver sa unang arangkada ng Comelec checkpoint sa New Panaderos St., Sta. Ana, Maynila.

Nahuli sa driver ang dalawang sachet na hinihinalang shabu sa checkpoint ng Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng pagsisimula ng election period.

Kahina-hinala umano ang ikinikilos ng driver dahil nang pahintuin ng Sta. Ana Police ay nanginginig ito.

Nang hingian ng lisensiya at inspeksyunin ang pitaka ng driver ay tumambad ang dalawang sachet ng shabu. Todo tanggi naman ang driver na sa kanya ang mga shabu dahil iniabot lamang ito ng kanyang pasahero kasama ang bayad.

Ayon kay NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, malaki ang maitutulong ng checkpoints ng Comelec hindi lamang sa halalan kundi maging sa pagsugpo sa krimen.

Please follow and like us:
Read More

PANTIES AS CAMPAIGN MATERIALS IPAGBAWAL – COMELEC

PANTY TOTO MEDALLA

(Ni MITZI YU)

DISMAYADO ang Commission on Elections sa gimik ng ilang kandidato sa 2019 midterm elections para ‘magpabango’ sa kanilang constituents.

Tulad na lamang ng pamimigay ng campaign materials gaya ng mga underwear.

Ito umano ay nagpapakita sa kababaihan bilang “sex object.”

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon, dapat ipagbawal ang ganitong klaseng campaign material dahil nakakabastos ito sa hanay ng kababaihan.

Sa kanyang pagkadismaya, ni-retweet pa ni Guanzon ang post ng isang Gerard Anthony Naval kung saan ay sinabi nitong “To be fair, why doesn’t that candidate give away men’s briefs also? Itodo na nya.”

“We should have a rule on what materials are prohibited, those that are obscene or show women as sex objects,” giit ni Guanzon.

Kahit si Comelec spokesperson James Jimenez ay dismayado rin sa taktika ng kampo ni Quezon City Councilor Ramon “Toto” Medalla, isang reelectionist at siyang pangalan na nakatatak sa panty na naging viral sa social media.

“Well, hell. That’s not exactly what politicians want to be known for,” ani Jimenez.

Nag-viral sa social media ang larawan ng isang panty na bulaklakin ang disenyo sa harap at may pangalan ni Medalla sa likod nito.

Sinabi ng isang Aica Abarabar, na siyang nag-post ng larawan sa social media, na bigay umano ito sa kanya ng isang kaibigan at hindi rin niya alam kung saan ito nagmula.

Hindi pa makausap si Medalla dahil sa Enero 21 pa umano ito babalik para sa sesyon sa konseho.

Gayunman, aminado ang isang tauhan nito na sa kanyang boss nga galing ang nag-viral na panty.

Gayunman, ipinaliwanag niyang hindi ito para sa kampanya kundi premyo lamang sa isang palaro.

Please follow and like us:
Read More

NINAKAW NA GAMIT SA COMELEC EXEC, NABAWI NA

MAGNANAKAW-2.jpg

LEGAZPI CITY  – NAIBALIK na ng Legazpi City Police kay Commission on Elections (COMELEC) Bicol Director Atty. Maria Juana Valeza ang ilang mahahalagang gamit na ninakaw sa kanyang bahay noong bisperas ng bagong taon.

Matatandaang natangay ng mga kawatan ang isang caliber 9mm pistol, humigit-kumulang isang milyong halaga ng mga gadgets, alahas at cash nang pasukin ng mga magnanakaw ang bahay ni Valeza sa kasagsagan ng malakas na ulan.

Naaresto ang suspek na si Samboy Borras, kilalang notorious na magnanakaw sa lugar, matapos magpaputok gamit ang ninakaw na baril.

Hinikayat naman ng COMELEC official ang iba pang nabiktima ni Borras na maghain din ng kaukulang reklamo upang lalong bumigat ang kahaharapin nitong kaso.

Samantala, pinaghahanap pa ng mga otoridad ang mga kasabwat sa pagnanakaw ng suspek na nakita sa CCTV ng bahay.

Please follow and like us:
Read More

CIVIL SERVANTS BINALAAN SA KAMPANYA

comelec100

(NI ARDEE DELLOMAS) BINALAAN ang Civil Service Commission na kakasuhan ang sinomang civil servants na hayagang mangangampanya para sa mga kandidato sa darating na eleksiyon.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, sa press conference, ang civil servants ay pinahihintulutang magpahayag ng kanilang political opinions. “What they are not allowed is to foist their political opinions on their subordinates,” paliwanag niya.

Ayon pa kay Jimenez, hindi rin maaaring gamitin ng civil servants ang resources para isulong ang kanilang personal na opinyon.

Nang tanungin hinggil sa tarps na naka-display sa government offices na nagpapahayag ng “welcome” o pagbati sa potensiyal na kandidato, ipinayo ni Jimenez sa publiko na idulog ito sa CSC. Ang CSC aniya ang maaaring magdesisyon hinggil dito at hindi ang Comelec.

Ang election period para sa May 2019 midterm elections ay magsisimula sa Enero 13, 2019.

Ang campaign period para sa mga senador at party-list group ay mula sa Pebrero 12 hanggang Mayo 11, 2019.

Ang mga kandidato para sa House of Representatives at regional, provincial, city, at municipal posts ay mangangampanya sa Marso 30 hanggang May 11, 2019.

Ang araw ng eleksiyon ay sa Mayo 13, 2019.

Please follow and like us:
Read More