COCO ‘DI NAGPAUNLAK SA INTERVIEW

coco12

(NI GORGY RULA)

SUSUBUKAN sana naming interbyuhin si Coco Martin nang dumalo ito sa Thanksgiving party ng Ang Probinsyano Party-list na ginanap sa Crowne Plaza nung nakaraang Martes, June 11 pero tumanggi ang manager niyang si Biboy Arboleda. Wala raw munang interviews, dahil kailangan lang daw niyang daluhan ang pagtitipon na yun dahil naging bahagi si Coco sa pangangampanya nitong party-list nung nakaraang eleksyon.

Kasama rin niya sa pag-endorse nito si Yassi Pressman na dumalo rin nung gabing iyun.

Pinakiusapan namin si Biboy na kung puwede itanong lang namin tungkol kay Eddie Garcia, pero ayaw na rin daw ni Coco na magsalita kaugnay sa nangyari sa beteranong aktor.

Pero dumalaw daw si Coco sa hospital nung nakaraang Martes ng madaling araw pagkatapos ng taping niya sa Ang Probinsyano.

Siyempre apektado raw si Coco sa nangyari kay Sir Eddie, kaya isiningit niya sa schedule niya sa pagdalaw sa hospital.

Tinanong din namin si Yassi tungkol dito at gusto rin daw niyang dumalaw sa hospital. Pero kararating lang daw niya galing ibang bansa.

Sabi ni Yassi nang tinanong namin tungkol kay Sir Eddie; “Kanina pa nga po ako tinatanong about this.

“I’m just really sad kasi siyempre Tito Eddie reminds me of my Dad, and alam mo yun mabuting tao,” pakli ng Kapamilya actress.

“Matagal din kami sa show eh.

“Sa simula pa lang naging mabait si Tito Eddie. Hindi siya namimili ng kung sino ang kakausapin. Sana he gets better.”

Sa ngayon ay patuloy pa ring nakatutok sa kalagayan ni Sir Eddie at naglabas din nung araw na iyun ng medical bulletin ang Makati Medical Center, at sinabi nga nilang comatose pa rin daw ang beteranong aktor kaya nasa critical condition pa rin ito.

May mga ilan pa kaming nakalap na impormasyon pero nakiusap ang source naming huwag munang ibalita. Mabuting hintayin na lang daw ang pahayag mula sa pamilya o kaya sa kanilang doktor.

Samantala, thankful naman ang dalawang nominee ng Ang Probinsyano party-list na sina Alfred delos Santos at Ronnie Ong dahil sa all-out na suporta nina Coco at Yassi.

Silang dalawa ang uupo sa Kongreso dahil nakakuha ng dalawang seat ang naturang party-list nung nakaraang eleksyon.

DONG NINONG SA ANAK NINA SARAH AT CHARD

Isa si Dingdong Dantes sa tatayong ninong sa binyag ng bunsong anak

nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa darating na Linggo, June 16.

Kuwento sa amin ni Dingdong sa nakaraang mediacon ng Starstruck, inaayos na rin daw nila ang binyag ng baby nila ni Marian Rivera na si Sixto.

May mga napili na raw nilang ninong at ninang, kaya abangan na lang ang announcement nila kung kailan ito.

Pagkatapos ng binyag ay puwede na sigurong bumalik sa trabaho si Marian, kaya napabalitang babalik na siya sa July. Pero mukhang hindi pa raw matutuloy dahil nagi-enjoy pa raw si Marian sa pag-alaga sa kanilang baby Sixto pati na rin kay Zia.

“Ini-enjoy pa niya yung early stages ni Sixto,” saad ni Dingdong.

“Kung may choice din naman ako, ako rin eh. Ayoko rin umalis ng bahay. Kaya ako na bahalang magtrabaho para sa amin. Relax ka lang diyan,” dagdag niyang pahayag.

Nakakatuwa rin daw si Zia dahil feel na feel daw nito ang pagiging ate.

“May sarili siyang task,” kuwento ni Dingdong.

“Pag kunyari may itatapon na diaper, siya ang gumagawa nun. Feel niya ang pagiging ate niya,” sabi pa ng Kapuso Primetime King

Bukod sa taping at shoot ng ilang segment ng Starstruck, isinisingit ni Dingdong ang pag-ensayo para sa pagsali niya sa BMW Berlin Marathon sa September.

Kaya pala ang laki nang ipinayat niya dahil panay ang workout niya at ensayo para sa marathon na sasalihan niya.

“Naging panata ko sa sarili ko at sa pamilya ko. Kasi mula nung ipinanganak si Sixto, gusto  ko i-renew yung commitment ko sa kalusugan.

“Kasi dati naging active ako nung si Zia ang ipinanganak. Sabi ko ibalik ko yun. So nag-comit ako na sumali sa isang marathon. Parang reflection yun na talagang committed ka para sa health mo,” pahayag ni Dingdong nang nakatsikahan namin sa mediacon ng Starstruck.

Si Kim Atienza raw ang nagkumbinse sa kanyang sumali sa marathon kaya masayang grupo raw silang tatakbo sa darating na September.

Gusto man niyang isama si Marian, pero naka-focus daw kasi ito sa pag-alaga sa dalawang anak nila. Kaya, hindi siya masasamahan.

Sa darating na Sabado, June 15 na magsisimula ang Starstruck pagkatapos ng Daddy’s Gurl.

Sa Linggo naman ay pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.

Kasama ni Dingdong na mag-host si Jennylyn Mercado na baka magiging leading lady niya sa Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun.

 

 

Please follow and like us:
Read More

BONGGANG BIRTHDAY GIFT SA AKIN NI KRIS

kris aquino12

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

ANG bongga pala mag-buena mano ni Kris Aquino para sa birthday ko!Alam niya kasi May 20 ang birthday ko at ang bongga 72 years old na ako mga bakla!

In fairness naman kay Kris, napaka-thoughtful niya. Kapag wala siyang sumpong na hindi siya irita sa ‘yo, pinaka-generous yan talaga.

Pero kapag irita siya sa ‘yo, manigas ka! Wala kang mahihita sa kanya.                    Minsan nga pinapakita pa niya sa ‘yo na may binibigyan siya, pero ikaw waley kasi nga irita siya sa ‘yo.

Eh knows nyo naman ang love-hate relationship namin kaya ngayon in-enjoy ko muna ang mga pagbibigay niya ng mga gift certificates ng S&R. Type na type ko yan!

Pero itong para sa birthday ko, May 1 pa lang nagpadala na siya ng birthday gift sa akin. Bonggang datung! Ayaw daw niya ng GC, dahil hindi raw dapat recycled. Eh ako naman kahit recycled keber! Mas type ko talaga gift certificates ng S&R. Pero datung nga ang pinadala, choosy pa ba ako?

Kaya, thank you talaga kay Kris!

Nung ipinost ko nga sa Instagram account ko ang pa-buwena manong birthday gift ni Tetay, may mga tumawag agad sa akin para mag-give din ng birthday gift sa akin.

Nung araw ding iyun nagpa-lunch sa akin ang isa pang BFF kong si Marivic Larrazabal para give na rin daw niya ang birthday gift niya sa akin.

Ay ang bongga day! Meron pang nagpadala sa kanya ng birthday gift sa akin mula sa mga senatoriables na close niya. Ayaw lang nila ipasabi at mas mabuting quite na lang daw.

Give ako ni Marivic ng Christian Louboutin na Manila bag.

Naalala nyong may dinesign na bag si Louboutin na inspired sa Manila, at iniregalo niya yun kay Heart Evangelista.

Binigyan din ako ni Marivic ng ganung bag na ang ganda! Kaya gusto ko nang i-text nun si Kris na ang galing niyang mag-buwena mano. Pero hindi ko nga pala alam ang phone number niya! Hahaha!

Kaya feeling ko, tuluy-tuloy ang buhos ng regalo para sa birthday ko. Ang saya lang di ba?

 

                           LORNA T. PINAPIRMA NA NG KONTRATA SA FPJ’S ANG PROBINSIYANO

 

Siyanga pala, mukhang magtatagal pa si Lorna Tolentino sa FPJ’S Ang Probinsyano dahil pinapirma na nga siya ng kontrata.

Ang dami kasing magagandang feedback sa role na ginagampanan niya.

Sa totoo lang, type na type ni Lorna ang ganung role kaya nagi-enjoy siya.

Sabi nga raw ng ibang supporters niya, gustung-gusto nila si Lorna, pero naiirita sila sa kanya sa FPJ’S Ang Probinsyano.

Heto pa pala! May mga nagsasabing  marami raw ang nadismaya kay Coco kung paano niya i-handle ang isyung panganganak diumano ni Julia Montes.

Ang dami kasi niyang bashers dun sa ipinost niya sa kanyang Instagram account.

May mga nakaintindi naman, pero ang tingin kasi ng mga fans, karapatan nilang malaman kung ano talaga ang totoo dun sa isyu nila ni Julia.

 

 KARAPATAN NI COCO ANG MASAKTAN

Ako naman naintindihan ko ang kalagayan ni Coco. Personal na isyu naman iyun at walang kinalaman sa Ang Probinsyano ng nagustuhan ng lahat, kaya ibigay na natin sa kanya ang karapatang iyun na manahimik na muna.

Karapatan din niyang masaktan at magalit sa sinasabi ng iba na masyadong below the belt na. Tao rin si Coco at kung ano man ang isyung hinaharap niya ngayon at pinagdaanan niya, siya lang din ang makakaayos nun, hindi yung mga bashers. Kaya hayaan na muna natin siya.

Ang mahalaga, lalo pa niyang pinapaganda ang Ang Probinsyano, at nandun pa si Lorna no!

Kaya, tuloy nyo lang ang panonood!

Please follow and like us:
Read More

ALDEN HANDA SA LIBONG FANS SA OPENING NG FASTFOOD CHAIN

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

UMUWI sa Pilipinas ang Pambansang Bae na si Alden Richards mula sa shooting niya ng Star Cinema movie with Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Goodbye” sa Hong Kong.

Hindi kami sure kung nagkita o nag-abot ba sina Alden at Daniel Padilla na bumisita naman sa girlfriend niya sa HK.

Nabanggit na ni Alden bago pa lumipad papuntang HK na buong Holy Week ay nandoon siya, pero sa opening ng sariling branch niya ng Mcdo sa Biñan, Laguna ay uuwi  talaga siya.

Noong Tuesday nga ay umuwi ito ng bansa dahil nitong Miyerkoles, nagkaroon ng tila soft opening at dumating ang ilan sa mga kaibigan niya na halos lahat ay masaya sa actor sa bago nitong investment/achievement.

Sa Friday, April 26 ang grand opening na umaga pa lang ay may motorcade na at inaasahan na ang mga fans ni Alden ang susugod. Mga 8,000 from the fans pa lang kaya nagre-ready raw silang talaga.

Personally, very happy kami for Alden na hindi lang ang career niya sa showbiz ang nagpo-flourish, especially with the much-anticipated movie nila ni Kathryn, hindi matatawaran ang pagiging businessman niya at ang pagkakaroon ng sariling brand ng isa sa pinaka-popular fast-food chain sa bansa.

COCO MARTIN BABALIK MULI NG PORAC

 

May pakiramdam kaming matatagalan bago mawala ang kaba ni Tanya Garcia sa threat ng earthquake.

Naka-base na silang mag-anak sa Porac, Pampanga at nag-desisyon na doon na talaga. Doon na rin mag-aaral ang mga anak nila ni Mark Lapid.

Running for Mayor ng Porac si Mark. Pero dahil sa nangyaring sunud-sunod na lindol kunsaan, ang Porac ang naging sentro at marami sa mga kababayan niya ang naapektuhan, walang duda na tigil ang pangangampanya at ang pagtulong sa mga kababayan nila. Habang sinusulat namin ito ay may rescue operation pa rin na ginagawa.

Kinamusta namin si Tanya at halos ‘di raw ito nakatulog. Nakita namin ang damage sa mismong bahay pa lang nila, so we cannot imagine also the fear of their three children.

Feeling namin, may panibagong pagyanig na magaganap dahil balita namin, babalik muli si Coco Martin sa Porac, Pampanga para muling sumuporta sa kampanya.

Grabe na yung pagtanggap kay Coco sa una nitong pagsama at pagharap sa mga taga-Pampanga. Hindi kami magtataka kung bukod sa kampanya, tumulong pa si Coco sa mga nabiktima.

DAHIL SA LINDOL FAN MEETING NI PARK BO GUM POSTPONED TO JUNE 22

Dahil sa lindol, hindi na kami nagtaka na biglang postpone ang fan meeting ng South Korean actor na so Park Bo Gum.

Sa Sabado, sa MOA Arena sana ito magaganap pero mamu-move na raw sa June 22.

Naglabas ng official statement ang Blossom Entertainment, ang agency ni PBG.

This is Blossom Entertainment.

The Park Bo Gum Fan Meeting in Manila, Philippines “May your everyday be a good day” which should have been held on April 27th (Tuesday) is postponed because of the recent earthquake.

We offer our deepest condolences to those who suffered damage and to the families involved in this earthquake.
We would like to express our apology to the many fans who have been waiting for this fan meeting.

But most of all, we made this decision because we think the safety of our fans is the most important.
We also hope the fans would be so kind to understand.
It is rescheduled to be held on June 22nd (Saturday) at Mall of Asia Arena.

Thank you.

 

 

Please follow and like us:
Read More

LT, COCO MARTIN NAG-REUNION KASAMA ANG DATING STAFF

cocomartin

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

AY thank you Lord! Bumalik na ang Instagram account ko pagkatapos ito ma-hack huh! Sabi nila parang nagkaroon lang ng technical glitz, pero dusa rin dahil naaaliw talaga ako pag nagpu-post ako, tapos nagri-react ang mga followers ko.

Dalawang araw ding hindi ako nakapag-post, at mabuti na lang okay na kahapon, kaya sa IG na lang ako nag-emote sa birthday ni Rudy Fernandez.

Kung nabubuhay lang si Daboy, 67 years old na sana siya kahapon.

Mag-11 years na rin siyang namayapa at nakaka-miss pa rin talaga si Daboy.

Kasi naman sa lahat na mga alaga ko, iyun ang pinakamakulit sa lahat. Tapos ang hilig pa niyang mambuyo. Tuwang-tuwa siyang magsulsol para lalo lang magalit sa isang taong kinaiinisan mo. Ang galing pa mag-playtime niyan, kaya nakaka-miss siya talaga.

Nagpamisa lang kahapon si Lorna sa Heritage Memorial Park at konting handaan lang. Hindi na nga raw siya nag-imbita dahil silang pamilya na lang daw.

Akala kasi ni Lorna may taping siya sa Ang Probinsyano kinabukasan, pero na-pack-up pala sila.

Alam nyo, tuwang-tuwa si Lorna kay Coco Martin dahil nakikita raw niyang masaya itong nagkatrabaho sila uli.

Dapat nga one week lang taping diyan ni Lorna, pero mukhang mapapahaba pa at baka abutin pa ng isang buwan, dahil pinahaba ni Coco ang karakter niya.

Gustong-gusto naman ni Lorna ang karakter na ginagampanan niya sa Ang Probinsyano. At isa pa sa ikinatutuwa niya, nakita niya roon ang mga production staff ng Minsan Lang Kita Iibigan na pinagsamahan nila noon ni Coco.

Lahat yata sila kinuha ni Coco para tuluy-tuloy ang trabaho nila.

 

   BUMAHA NG KAPUSO STARS SA PENAGBENGA

 

Bongga pala ang promo ng mga GMA shows sa Panagbenga Festival 2019 sa Baguio. Nung nakaraang Sabado ng hapon, may Kapuso fiesta roon na kung saan nakisaya ang casts ng Kara Mia, Special Tatay at ang malapit na ring magsimula na Sahaya.

Kahapon naman ay nagparada ang mga stars ng Dragon Lady, Inagaw na Bituin at The Boobay and Tekla Show.

Nandun sina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez, sina Kyline Alcantara, Therese Malvar at Manolo Pedrosa at mga komedyanteng sina Super Tekla at Boobay.

Nagkaroon ng live coverage ng Panagbenga Float Parade ang GMA North Central Luzon na tinawag nilang Kapuso sa Panagbenga: The Balitang Amianan Special Live Coverage.

Nag-guest naman doon ang ibang casts ng Dragon Lady na sina Diana Zubiri, Joyce Ching at James Blanco.Ang bongga ng promo ng GMA 7 shows, kasi ang dami talagang nagdagsaan doon sa Baguio para saksihan sa Panagbenga festival 2019.

 

Please follow and like us:
Read More

EDDIE GARCIA NAGSISILBING INSPIRASYON KAY COCO

eddie garcia1

boy abunda(NI BOY ABUNDA)

NOONG Miyerkoles ay namatay na ang karakter ni Eddie Garcia sa teleseryeng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ bilang si Senyor Gustavo o Don Emilio. Tatlong taong napanood ang beteranong aktor sa serye kaya siguradong hahanap-hanapin daw niya ito. “ It’s a very good teleserye. We had good rapport. I will miss it. Gano’n talaga sa teleserye. Kapag hanggang doon na lang ang papel mo, hanggang doon na lang,” nakangiting pahayag ni Eddie.

Para naman sa bida at isa sa mga direktor na si Coco Martin ay talagang hinangaan niya si Eddie dahil sa pagiging magaling na artista nito. “Inspirasyon namin siya, lalo kaming mga batang artista sa pagiging professional niya, sa pagiging in character niya sa lahat ng oras. Hindi mo siya kailangang sabihan. Lahat ng requirements alam niya. Tito Eddie, walang kapares, walang katulad mapa-bida siya, mapa-kontrabida, talagang binibigay niya ang lahat. Hindi niya itinuturing na trabaho eh. Makikita mo sa kanya dito ‘yung pagiging passionate niya sa ginagawa niya,” paglalarawan ni Coco.

Umaasa rin si Coco na muli silang magkakatrabaho ng beteranong aktor sa iba pang mga proyekto. “Sana, after ng Probinsyano, sa susunod na proyekto ko makasama ko ulit si Tito Eddie. Sana marami pang proyekto, teleserye at pelikula na makasama namin siya. Iba kapag kasama namin siya. Nakakapagbigay siya sa amin ng guidance at fuel para mas lalo pa naming pagbutihan ang trabaho namin. Nakikita namin na si Tito Eddie nga, gano’n siya sa trabahao niya, lalo na dapat kami,” pagtatapos ng aktor. -Reports from JCC-

 

Please follow and like us:
Read More

MISIS GALIT SA NAGSABING AIDS ANG IKINAMATAY NG INDIE ACTOR

kristoffer

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

NALOKA si Gorgy Rula, tinawagan ko kahapon ng umaga para tanungin kung naging dyowa ba niya si Kristofer King.

Naloka kasi ako sa sinulat niya sa ibang column niya tungkol sa pagpanaw ng indie actor na ito na parang affected siya masyado.

Nakakaawa raw kasi ang kalagayan ni Kristofer na namatay na lang na walang-wala kaya habang nasa hospital pa ito, humihingi pa sila ng tulong, at isa nga sa hinihingan nila ng tulong si Coco Martin.

Pero ang isa palang mas affected si Jerry Olea na dumalaw doon sa burol ni Kristofer at in-interview ang dating asawa ng aktor na si Nikki.

Kuwento naman ni Jerry, nasasaktan daw ang asawa ni Kristofer na si Nikki dahil pinagdududahan pa raw ng ibang baklita na AIDS daw ang sanhi nang pagkamatay ng indie actor.

Siyempre, umalma diyan si Nikki dahil hindi naman daw ‘yan totoo.

Matagal na raw napabalita itong sakit ni Kristofer, kaya nga nahirapan na rin siyang magtrabaho nitong mga nakaraang araw.

Nakasama kasi dati ‘yan ni Coco si Kristofer sa mga indie films nila, at kaya niya kinuha ito sa Ang Probinsyano.

Kaya nalungkot din si Coco sa pagkawala ng aktor. Ipinost nga niya sa kanyang Instagram account ang kuha nila dati sa pelikulang Serbis ni direk Brillante Mendoza.

Ang nakaloloka lang, emoji ng tatlong sad face ang nasa caption, at hindi na-gets ng ibang followers niya na tungkol sa pagpanaw ni Kristofer ang post na iyun. Hindi rin siguro nila kilala ang namayapang aktor, kaya kung anu-anong comment nila sa post na iyun na akala nila nag-throwback lang si Coco.

Ngayon ay hinihintay nila ang tulong ni Coco na nung nakausap nina Jerry kasama siyempre si KC Guerrero, hindi pa raw nakarating ang tulong.

Hindi pa kasi nila alam kung matutuloy ang libing sa March 3 dahil hindi pa ma-release ang death certificate mula sa hospital.

Hindi pa raw nabayaran ang bill na 80 thousand pesos, at pati nga kabaong at bulaklak na nilagay sa burol ay inutang din ng dati niyang asawa.

Ang nakakaawa pa, maiiwan ang mga limang anak ni Kristofer na hindi pa nga alam kung paano sila buhayin. Ang dalawang anak daw niya na lalaki may Hunter Syndrome na dun ko lang nalaman, hindi pala ito lumalaki.

Nakaloloka rin at nakakaawa talaga ang kalagayan, pero ito ang isa nga sa na-realize ko: iyun talaga ang isa sa pinakamasakit na bahagi ng buhay ng isang tao na  pati sa kamatayan ay inihihingi pa ng tulong.

Iyun nga ang sinasabi ko noon pa sa mga baklang alaga ko, dapat talaga ipon, ipon at mag-ipon talaga.

Kasi di ba? Parang nakakawala naman ng dignidad na sa pagkawala mo, kailangan mo pang ihingi ng tulong?

Sabi ko nga sa post ko sa IG account ko, isa iyun sa aral sa lahat na dapat talaga maghanda sa ganitong pangyayari.

Sana may naitabi talaga nung kumikita ka bilang artista.

Hindi yung kung anu-ano ang mga pinagkakagastusan, kaya tuloy pagdating ng ganitong pangyayari, wala ka na tuloy madukot para sa sarili mo.

Wala nang pinakanakakaawa kundi ang isang taong may sakit, tapos nanghihingi ng tulong. Ang sakit sa pride nun lalo na kung sikat ka dati di ba?

Ang alam ko nagka-award na ng Best Actor itong si Kristofer, pero hindi mo naman ma-convert sa cash ang trophy mo. Kaya dapat talaga mag-ipong nang mag-ipon habang kumikita ka

 

SOBRANG NAKABIBITIN ANG  KAMBAL INSTALLMENT NI KORINA

 

Nabitin  ang mga bakla na naghintay sa kuwento ni Korina

Sanchez tungkol sa kambal niya.

Iyun kasi ang pina-plug nila na Mommy na raw siya.

Hindi naman pala niya ikinuwento lahat. Kakapirangot lang ang kinuwento, dahil gagawin daw nilang series.

Ilang linggo siguro nilang ikukuwento yan.

Hindi kaya mairita na ang mga televiewers niyan?

Sana inilahad na lahat, kung paano nila ito nabuo. Tapos sa mga susunod na episodes, yung pagdating na nila dito at parang diary na ng kambal niyang sina Pepe at Pilar.

Holiday kasi kahapon kaya wala pang lumabas na rating.

Marami ang curious kung natalo ba ng Rated K ang Kapuso Mo Jessica Soho.

Ewan ko lang ha? Kasi maraming magagandang kuwento ang KMJS, kaya feeling ko wagi pa rin sila sa rating niyan.

Itsika ko sa inyo yan pag makuha ko na ang rating bukas.

                                                            

 

                   

 

Please follow and like us:
Read More

BAKIT ANG NEGA NG DATING NI MOIRA?

moira

ang kulit ni Lolit(NI LOLIT SOLIS)

BAKIT kaya parang ang nega ng dating nitong singer na si Moira dela Torre?

Nung sumabit siya sa pagkanta niya ng tribute kay Tita Midz sa ASAP Natin

To nung nakaraang Linggo, ang daming mga bading ang tumira sa kanya.

Sinasabing wala raw siyang karapatan sa pagkanta lalo na sa mga classical songs gaya nitong Hanggang Sa Dulo ng Walang Hanggan na kinanta nila nina Kyla at Dulce sa ASAP.

TIngin ko naman hindi siya familiar sa kanta, pero magaling naman si Moira, at hindi naman sisikat yan at mag-hit ang mga kanta niya kung hindi siya magaling di ba?

Pero siguro dapat maging ma-PR siya sa entertainment press, Ang iba kasi diyan porke’t magaling at malakas sila sa social media, halos hindi nababati ang mga entertainment press. Dapat makisama pa rin talaga para merong kakampi sa yo kapag maintriga ka.

Gaya nitong kay Moira, wala yatang kumakampi sa kanya kapag natitira siya ng ilang reporters.

Kasi yung pagkanta niya sa ASAP nung Linggo, puwede nang palagpasin yun eh. Dahil lahat naman na mga magagaling na singers, dumadaan sa ganun. Hindi na bago yung isyu niya. Mas masahol pa nga yung ibang singers. Kaya dapat talaga may mag-aalaga kay Moira para sa mga reporters.

Naku! Baka isipin niya, naga-apply akong PR niya, hindi no! Baka mapahamak pa siya sa akin

FARM NI LORNA T.  FOR SALE NA

Naloka naman ako kahapon sa presscon ng senatoriable Lito Lapid, binabati na ako ng mga bakla na social media superstar na raw ako, dahil sa programa namin ni Cristy Fermin sa Facebook account ng isang diyaryo na pinagsusulatan ko.

Naku! Naaliw lang ako dun dahil ginagawa namin yun sa gallery ni Cristy, kaya nahaharbatan ko siya dun sa Meat per Minute niya.

Pero in fairness ha! Ang ganda ng gallery ni Cristy at pati nga tinda niya na mga produkto ng Nueva Ecija, bongga rin.

Tapos may taniman pa siya ng gulay sa Nueva Ecija na madalas nabibigyan niya ako ng mga gulay pag naka-harvest siya.

Ang bongga nga niya eh! Nakakapag-farming pa siya.

Kaya bilib ako sa ibang taga-showbiz na kahit nasa magulong mundo sila ng showbiz, parang pambalanse nila ang farming.

Di ba si Nestor Cuartero, may time pa mag-farming kaya nahaharbatan ko rin siya ng mga gulay na harvest niya.

Dati rin si Lorna Tolentino, tinatambakan ako ng sangkatutak na dragon fruit kasi isa yun sa napakarami nilang naha-harvest sa farm niya sa Cavite.

Naku! Ewan ko kung nandiyan pa rin ang farm niya dahil ang alam ko binebenta niya yan nun.

Naalala ko kasi dati laging sinasabi ni Rudy Fernandez sa kanya, na kung di naman niya matutukan nang husto, mabuting huwag na siyang mag-farm. Eh matigas ang ulo ng Lorna, tinuloy pa rin niya yang farming farming niya. Ayun! Di naman niya mapanindigan, binebenta na.

Anyway, balik tayo dun sa digital show namin ni Cristy, in fairness ang daming gustong mag-guest sa amin at pawang mga pulitiko ang karamihan.

Kaya dapat dito sa Bomba, mag-online show na rin sila dahil bagay na bagay yang Bomba show  sa mga pasabog na showbiz tsismis.

SHOWBIZ ANG MALAPIT SA PUSO PERO GUSTONG BUMALIK SA DATING PUWESTO

Nang nakatsikahan namin si Lito Lapid sa pa-lunch niya sa Anabel’s Morato kahapon, napapansin naming parang kampante siya sa pangangampanya niya ngayon dahil sa lakas niya sa Ang Probinsyano.

Hindi naman itinatanggi ni Lito yun na malaki talaga ng nagawa ng Ang Probinsyano sa pagtakbo niya. Kaya kahit sa mga millennials lalo na ang mga bata ay kilalang-kilala siya, hindi bilang si Sen. Lito Lapid kundi ang Pinuno. Yun na nga ang ginagamit niya sa pangangampanya dahil Pinuno na raw talaga ang tawag sa kanya.

So far, hindi pa nga gaanong nag-iikot si Lito sa iba’t-ibang probinsya dahil kilalang-kilala na siya roon.

Nagpapasalamat naman si Lito sa mga kasamahan niya sa Ang Probinsyano dahil nagpapasabi naman daw na tutulong sila kung kailangan sila sa pangangampanya, pero ayaw na ni Lito na humingi pa ng pabor sa kanila lalo na kay Coco Martin dahil malaking bagay na raw iyung mahabang exposure niya sa Ang Probinsyano at suporta ni Coco sa kanya.

“Ayoko namang sabihan pa si Coco na sumama sa akin. Hinihintay ko na lang na mag-volunteer siya kasi alam ko naman busy siya, tapos ang daming humihingi ng tulong sa kanya,” sabi ni Lito.

Basta malaki raw ang pasasalamat niya kay Coco at sa buong team ng Ang Probinsyano dahil ramdam naman daw niya ang suporta sa kanya.

Kaya naman kung tatanungin mo si Lito kung alin sa showbiz at pulitika ang malapit sa puso niya, ang showbiz daw talaga dahil malaki raw ang naitulong sa kanya pati sa mga anak niya at hanggang sa mga apo niya.

Gusto lang daw niyang ituloy ang pumasok uli sa senado dahil marami pa raw siyang mga naipanukalang batas na hindi na naituluy-tuloy. Kaya gusto raw niyang ipagpatuloy ito kung sakaling makabalik siya sa Senado.

May nagawa pa palang pelikula si Lito na mala-Taken daw ang kuwento, kasama niya rito si Empres Schuck.

Parang gusto raw niyang palitan ang title dahil ang tentative title nito ay Lumang Bakal. Gusto niyang lagyan ngayon ng Pinuno o kaya Vendetta na kung saan doon siya nakilala sa teleserye nila ni Coco Martin.

Please follow and like us:
Read More

BANGGAANG KARA MIA VS COCO INAABANGAN NA

ANG GARA NI VINIANAG-REACT ang cast ng Kara Mia sa isyung tatapatan nila ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin na for the longest time ay alam naman nating nangunguna sa timeslot nito at walang makapagpataob.

Ayon kay Barbie Forteza na gumaganap na Kara, noong unang in-offer daw sa kanya ang Kara Mia ay wala naman daw timeslot bagama’t sinabi naman daw sa kanyang pang-primetime ito.

Kaya sey niya, ayaw na lang niyang isipin ang kumpetisyon at kung siya ang tatanungin, alam naman daw niyang exciting ang show nila.

“Kaya doon ko na lang itinutuon ang atensyon ko para isipin ko pa na may kumpetisyon. Kasi, baka mas maging masama ang resulta kung isipin namin ang pressure, ‘yung kumpetisyon.

“Basta focused na lang kami sa show, para sa ikagaganda nag show,” sabi nito. Para kay Mika dela Cruz na gumaganap naman na Mia, of course ay may pressure rin daw talaga lalo pa nga’t first title role niya ito.

“Pag hindi umano ‘tong teleserye na ‘to, isa ako sa title role, wala nang kasunod, di ba po?” natatawa niyang sabi.

“Huwag naman sana. Pero feeling ko, hindi na sa akin ito, eh, feeling ko nasa Kanya (kay Lord) na po,” dagdag niya.

Pero kung pagbabasehan daw ang kakaibang kwento ng Kara Mia ay may laban naman daw sa katapat na teleserye.

Si Paul Salas naman ay nagpapasalamat na lang na inilagay sila sa primetime slot at to be honest, nang unang ibigay daw sa kanya ang serye ay na-wish niya na sana raw ay ilagay sa timeslot na pagkatapos ng 24 Oras.

“Naisip ko po ‘yun. Siguro, coincidence o ewan, basta sana po ay suportahan nila dahil ginagawa naman namin ang best namin para mapaganda ang show,” he said.

At the same time ay proud daw siya na sila ang napili para sa nasabing timeslot.

“Isang karangalan na napili kami and sobrang saya po. Alisin muna namin ang pressure, gawin namin ng tama ang trabaho at saka, mahalin namin itong show na ito,” pahayag ni Paul.

Magsisimula na ang Kara Mia ngayong Feb.18

 

 

Please follow and like us:
Read More

SUNSHINE PUMALAG SA NANGMAMANYAK SA ANAK

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

HINDI na talaga nakapagpigil si Sunshine Cruz sa isang gumagamit ng social media na nagpapadala sa kanya ng private messages at sinasabing diretsahan na may pagnanasa siya sa aktres mismo at pati na sa kanyang magandang anak.

Pumutok sa galit si Sunshine. Siguro kung binastos siya, hindi na lang niya papansinin iyon dahil sanay naman siya na talagang maraming bastos sa social media. Maraming maniac na nagkalat diyan, at karaniwan iyong pinagpapantasyahan ng mga maniac na iyan ang mga artista. Pero hindi mapalampas ni Sunshine ang pambabastos pati sa kanyang anak.

Sabi niya, “wala man silang tatay na magtatanggol sa kanila, may nanay silang makikipaglaban para sa kanila”.

BARBIE, TATAOB KAY COCO

Tama ang desisyong ang itapat na lang sa serye ni Coco Martin na tatlong taon nang top rater ay ang serye ni Barbie Forteza na “doble cara” ba ang title noon Tito KC?

Isipin ninyo, hindi umubra kay Coco ang mga magic ng mga engkantada. Hindi umubra ang magastos noong opticals. Hindi rin tinamaan si Cardo ng pana ni Alyas Robinhood, na hindi kasi kasing galing ni Arrow. Hindi rin umubra ang martilyo ni Alden, kung dangan kasi hindi pa si Thor talaga ang inilaban eh. Iyong bangayan nina Dennis at Dingdong, taob din at naghilahod sa ratings, eh ano pa nga ba ang itatapat mo kay Cardo?

Tamang desisyon iyan, na iyong serye na lang ni Barbie, na akala nga namin noong una ay pang afternoon drama lang eh. Una walang malaking artista talaga, at ibig sabihin niyan hindi magastos dahil maliit lang ang casting eh. Walang masyadong opticals na kailangang gamitin, hindi rin marami ang CGI. Ibig sabihin mura lamang ang production cost ng serye. Kung matalo man iyan noong Probinsiyano, ok lang tutal parang indie lang naman ang gastos niyan. Kung sakali namang maka-disgrasya, aba hindi ninyo masasabi ang suwerte, para silang nanalo sa mega lotto noon. Sa sampung pisong puhunan, daang milyon ang napanalunan.

Eh iyong serye ni Coco, talunin man niya ang serye ni Barbie, para bang isang kabayong grupo uno, tinalo iyong novatos. Para ka lang nanalo sa masiao.

Ganoon lang talaga ang laban eh. Kalokohang sagupain mo ang isang napakalakas na serye sa isang pagkakagastahan mo nang malaki kung halos alam mo nang hindi ka naman mananalo. Hintayin mo na lang na pagsawaan iyan ng mga tao at saka ka na lang bumawi.

 

NAGWAGI SA MALE MODEL ANG  TV HOSTESS.

 

Inamin ng model na Nathan Madrigal ang pangalan sa isang podcast, na may isang actor na harapang nagparating sa kanya ng isang indecent proposal. Hindi na bago iyan. Kasi ginawa rin iyan ng actor sa isa pang male model noong araw pa.

Noong hindi niya makuha sa panliligaw, tinangka pa niyang bigyan ng liquid ecstasy para matangay niya, pero nabigo siya.

Natunugan ng poging model ang balak niya. Ang nagtagumpay sa maitim na balak ay isang female tv host, na nagawang lagyan ng liquid ecstasy ang drinks ng male model, kaya niya nakaniig ng buong gabi. Para huwag naman siyang ibulgar ng model, niregaluhan niya iyon ng Rolex na tri-color pa ha.

Mayaman ang female tv host eh. Hulaan mo Tito KC.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

JULIO TINABLA NI COCO PARA MATUTO

coco200

(NI KC GUERRERO)

SUGOD kami sa Malolos City Jail kung saan nakapiit ang multi-awarded actor na si Juio Diaz ng malapit na sa pitong buwan.

Nasa kulungan si Julio( Mariano Regsliza de Leon in real life) sa salang pagbebenta ng shabu sa police asset noong Abril 2018.

Humihingi ng tulong ang aktor dahil sa mga karamdaman niya sa balat na sobrang na-infect.

Matagal nang nagsusumamo si Julio Diaz sa mga kaibigan niya like ang dati niyang tinulungan at tumulong sa kanya sa ABS-CBN’s Ang Probinsiyano pagkatapos niyang magbingit-buhay dahil sa aneurysm.

Tiniis si aktor ni Coco Martin para mabigyan ng leksiyon at para na rin ma-rehabilitate nang tuluyan.

Si kapwa aktor Bulacan Vice Governor Daniel Fernando ang tumutulong kay Julio noong una siyang natiklo. Si VG Daniel Fernando rin ang nagbibigay ng medical assistance kay Julio Diaz ngayon.

Please follow and like us:
Read More

JULIA MONTES NAGLILIWALIW SA EUROPE, ‘DI BUNTIS

julia

(NI ROSE GARCIA)

NAGSIMULA sa blind-item.

Ay hindi, nagsimula pala dahil sa matagal na wala sa bansa ang isang young actress.Na base sa mga comments ng netizens na nabasa namin, may mga nagpangalan sa blind-item at nag-claim na ang Kapamilya young actress na tinutukoy ay si Julia Montes. Matagal na rin na nali-link si Julia kay Coco.

Kadalasan naman talaga sa showbiz, kapag ang isang artistang babae ay biglang umalis at nagpunta ng ibang bansa at lalo na kung nagtagal ito, ang una agad naiisip, “buntis?!” Kapag nakabalik naman na ng bansa at madalas, sexy na, ang siguradong comment, “Nanganak na!”

Kaya huwag na rin magtaka si Julia kung pagbalik niya ng bansa, hindi pa rin matatapos ang isyu na kesyo buntis daw siya kaya matagal na nawala at nagbakasyon sa Europe at isiping baka nanganak na siya.

Posibleng nakararating na rin kay Julia na may ganitong isyu sa kanya, pero mukhang dedma lang naman ito at very obvious din na ayaw nang makabasa pa ng anumang comments o pangba-bash mula sa netizen.

Matagal-tagal na rin naka-off ang comment section ng Instagram niya.

At dahil nga ilan na ang nariringgan naming naku-curious talaga kung preggy or not si Julia na dahil si Coco nga ang itinuturo naman talagang longtime boyfriend na rin niya, e, tinawagan na namin ang isa sa tingin namin makakapagpatunay kung ano talaga ang status ng Kapamilya young actress.

Natatawa ang source namin at saka sinabing, “Hindi, hindi siya buntis.”

Totoo raw talaga na matagal ito ngayon sa Europe kasama ang ama pero hindi dahil sa buntis ito.

Anyway, may balita pa ngang pinuntahan ni Coco nang magkaroon ito ng pagkakataon na makapag-show abroad, pero, diumano’y nagpaiwan pa rin si Julia.

Ang sabi lang ng source namin, wala raw katotohanan ang buntis issue. Ang alam niya, may iba itong isyu na inaayos sa pag-alis. At alam nito, malapit na rin bumalik si Julia sa Pinas.

Nagkataon lang daw talaga na wala pa naman itong bagong show na ginagawa kaya nagawang i-extend ang bakasyon. Pero malapit na raw itong umuwi.

‘Eto na lang, kung tulad nga ng sabi ng source namin na hindi preggy si Julia, may alam kami na young actress din pero yun ang sure na preggy ngayon!

Please follow and like us:
Read More

PROMO NI COCO SA EB, IMPOSIBLE?

ANG bait talaga ni Coco Martin.

Bukod sa give niya ako ng malaking TV at TV plus, hindi talaga siya yumabang.

Nag-post kasi ako noon sa Instagram ko na parang ayaw ko naman maniwalang ‘ban’ si Coco sa GMA 7.

Napansin daw nilang hindi binabanggit nina Maine at Bossing Vic si Coco kapag nagpo-promote sila sa Eat Bulaga.

Feeling ko kasi papayag naman silang makapag-promote si Coco sa Eat Bulaga.

Mapakikiusapan naman siguro ‘yan ng APT sa GMA 7. So, nag-emote nga ako du’n sa IG ko na tingin ko naman lalambot din ang puso ng mga executive ng GMA 7 at papayagan nilang makapag-promote si Coco sa Kapuso network.

Aba! Sumagot agad si Coco sa post ko na yu’n. Sabi niya: “’Nay, okay lang po ‘yu’n at naintindihan ko po. Sobrang taas ng respeto ko sa GMA dahil sila unang nagbukas sa akin ng pintuan lalo na po si Sir Joey Abacan, napakabait po nila sa akin. Kaya wala pong problema sa ‘kin ‘yu’n, at kahit kailan hindi ako magtatampo sa kanila. Masaya na ako na natupad ko ang pangarap ko na makatrabaho po si Bossing at ganu’n din po si Maine.”

Ang bait di ba? Kaya love siya ng mga tao talaga.

I’m sure, papayag din ang mga taga-GMA niyan dahil inaabangan na talaga ang guesting ni Coco sa Eat Bulaga para makapag-promote siya ng MMFF entry nilang Jack Em POpoy, Da Puliscredibles.

oOo

SEASON PASS NG MMFF, NAPEPEKE!

MMFF LOGONAKU ha! Kulit ako nang kulit kay Noel Ferrer na bigyan na ako ng season pass ng MMFF, pero wala pa talaga silang maibigay dahil wala pang season pass na na-release.

Ngayong December 17 pa raw ang meeting ng MMFF Execom at dito pa lang yata ilalabas ang season pass.

Kasi naman, ang dami raw palang nag-imprenta ng season pass at nailulusot nila yu’n.

Ngayon, maingat na raw talaga sila. ‘Yu’ng malapit na ang opening ng MMFF nila ilalabas ang season pass para hindi makopya.

May inilagay pa raw sila roon na kung ano man yu’n para hindi talaga mapeke.

Basta! Dapat bigyan ako ni Noel ng maraming season pass at ang dami talagang nag-aabang.

Dagdag pang kuwento sa akin, Parañaque na nga raw ang host ng MMFF ngayong taon, kaya doon mag-iikot ang parada na naka-schedule na sa December 24.

Ang awards night naman ay sa December 27 daw ang schedule. Syempre! Waley ako riyan sa awards night dahil ayoko na no! Ayaw ng MFF scam!

Tingnan na lang natin kung ano ang magiging surprise hit ngayon sa MMFF kapag humakot ng awards ang pelikulang ito.

Madalas kasi ganyan ang nangyayari.

Kagaya nu’ng nakaraang taon na lalong humataw sa takilya ang Siargao nina Jericho Rozales at Erich Gonzales dahil humakot ito ng awards.

Marami ang nanghuhula na baka Rainbow’s Sunset daw ito o kaya One Great Love.

May ilan kasing nakapanood na ng Rainbow. Puwede raw talagang humakot ng maraming awards ito.

Abangan na lang natin!

Pero, syempre alam na nating labanan pa rin ‘yan sa takilya ng Fantastica nina Vice Ganda, Dingdong Dantes at Richard Gutierrez at ang Jack Em Popoy, nina Coco at Bossing Vic.

Sana, mas malaki ang kikitain ngayon ng MMFF, kesa sa last year, no?

Please follow and like us:
Read More