COED GINAHASA, PINATAY SA LOOB NG BAHAY

crime

(NI NILOU DEL CARMEN)

MATAPOS gahasain,  brutal na pinaslang ng hindi pa matukoy na salarin ang isang 21-anyos na college student sa Lipa City,  Batangas.

Biyernes ng alas-3:00 ng hapon nang madiskubre ng isang kaanak ang bangkay ng biktimang si Fidex Therese Maranan,  estudyante ng De La Salle-Lipa,  na may takip na kumot at nakabulagta sa sahig ng kanyang kuwarto sa kanyang bahay sa Miracle Heights Subdivision,  Barangay Antipolo,  Lipa.

Ayon sa kaanak,  ilang araw na nilang hindi makontak ang biktima kaya pinuntahan na ito sa bahay.

Nag-iisang nakatira sa bahay ang dalaga matapos na parehong pumanaw na ang mga magulang.

Ayon kay Police Col.  Ramon Balauag,  hepe ng Lipa City police,  batay umano sa pagsusuri ng SOCO ay posibleng tatlong araw nang patay ang biktima.

May saksak ito sa leeg at may mga pasa sa katawan at ulo na tila pinalo ng matigas na bagay o iniuntog  sa sahig.

Wala namang palatandaan na pwersahang pinasok ang biktima kaya posible umano na kakilala nito ang suspek.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pangyayari at inaalam kung sino ang huling nakasama ng biktima sa bahay.

Please follow and like us:
Read More