DAPAT LANG SAMPAHAN NG KASO SINA AQUINO, PURISIMA AT NAPEÑAS

CHRISTIAN BOMB

NAG-FILE ng motion for reinvestigation sa Ombudsman ang ­Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) para buksan uli ang kasong Mamasapano massacre dahil may mga bago raw silang testigo at mga ebidensya laban kay ­dating Pangulong Benigno Aquino, dating PNP Chief, Gen. Alan Purisima at dating PNP-Special Action Force (SAF) commander Getulio Napeñas.

Masamang balita ito para kina Aquino, Purisima at Napeñas dahil kapag kinatigan ng Ombudsman ang hirit na reinvestigation ng VACC ay baka diyan na sila makulong sa pagkamatay ng 44 pulis na ­tinaguriang “Fallen SAF 44”.

Sa totoo lang, dapat talagang may managot sa kasong ito dahil 44 pulis ang pinabayaan ng nakaraang gobyernong Aquino na mapatay ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) noon sa Mamasapano, Maguindanao.

Humihingi na kasi ng responde noon ang na-trap na SAF 44, pero dahil ayaw ni Aquino na magkaproblema ang peacetalks ng kanyang gobyerno at ng MILF, hinayaan na lang na tadtarin ng bala ng mga rebeldeng MILF ang 44 pulis.

Sa parte nina Purisima at Napenas ay wala rin silang ginawang aksyon para hilingin kay Aquino na respondehan ang SAF 44.

Dahil 44 na pulis ang hinayaan nina Aquino, Purisima at Napeñas na mapatay ng MILF  kaya’t tama lang ang desisyon ng VACC na hilingin sa Ombudsman na buksan uli ang kaso upang makasuhan sila ng reckless imprudence resulting in multiple homicide.

oOo

TIMBRE: Paging PNP-OIC Gen. Archie Gamboa, wala pa rin daw aksyon si Batangas PNP Director, Col. Edwin Quillates para dakpin ang may pa-color games, beto-beto, hi-lo at drop balls sa Lipa City na si alyas “Tessie”… Isang alyas “Tepang” daw may pa-jueteng sa Cubao, Quezon City at wala rin daw aksyon dito si QCPD Director, Col. Ronnie Montejo. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

DAPAT KUWESTYUNIN NG NAMFREL SA SC ANG POSTPONEMENT NG BRGY AT SK ELECTIONS

CHRISTIAN BOMB

HINDI pabor ang National Citizen’s Movement for Free Elections (NAMFREL) na ipagpaliban ang 2020 Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) Elections.

Sa ngayon ay pasado na sa Senado at Kamara de Representante ang kanselasyon ng halalang pambarangay sa Mayo 2020 at tanging lagda na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan upang maisakatuparan na sa ­unang Lunes ng Disyembre 2022 ang pagdaraos ng barangay at SK elections.

Para sa NAMFREL, hindi katanggap-tanggap ang ginawang pagpapalawig ng mga mambabatas sa termino ng mga kasalukuyang opisyal ng barangay na walang mandato mula sa mga botante, na anila ay malinaw na pagkakait sa karapatan ng publiko na pumili o bumoto ng gusto nilang opisyal na mamuno sa kani-kanilang barangay.

Sa isyung ito, kung nais talaga ng NAMFREL na matuloy ang eleksyon sa Mayo 2020 ay dapat magbakasakali sila na kuwestyunin sa Supreme Court (SC) kung nasa ­Konstitutsyon o ­unconstitutional ang ginawa ng gobyerno na pagpapaliban ng halalang pambarangay.

Kapag ang desisyon ng SC ay pabor sa ­gobyernong Duterte, walang magaganap na eleksyon, pero kapag sa NAMFREL pumanig ang SC at sabihing unconstitutional na ipagpaliban ang eleksyon, ibig sabihin niyan ay tuloy ang barangay at SK elections at walang magagawa ang administrasyong Duterte at Comelec kundi magdaos ng eleksyong pambarangay sa May 2020.

oOo

TIMBRE: Paging PNP-Officer-in-Charge Lt. Gen. Archie Gamboa, isang alyas “Zhornak” daw ang gumagamit sa ­tanggapan ng PNP-­Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para makapanghingi ng ­“payola” sa gambling lords sa Metro Manila at Luzon… Isang alyas “Chan” daw ang protektor ng jueteng ni alyas “Ariza” sa Cavite. (CHRISTIAN’S BOMB / Christian Hernandez)

 

Please follow and like us:
Read More

DAPAT ANG SUSUNOD NA PNP CHIEF WALANG BAHID

CHRISTIAN BOMB

NAGRETIRO na nitong nakalipas na Nobyembre 8, 2019 si resigned PNP Chief Gen. Oscar Albayalde.

Sa kanyang pagreretiro ay walang naganap na traditional honors, tulad ng fulldress parade na pangkaraniwang isinasagawa sa araw mismo ng pagreretiro sa serbisyo ng PNP chief.

Wala ring naganap na turn-over ceremony para sa bagong PNP chief na kapalit ni Albayalde dahil hanggang sa ngayon ay wala pang napipili si Pangulong Rodrigo Duterte na mamumuno sa pambansang pulisya.

Sa kasaysayan ng PNP, ngayon lang nangyari ang ganyan, na wala nang traditional honor na iginawad kay Albayalde, at wala ring naganap na turn-over ceremony.

Alam naman nating lahat ang dahilan, at ito ay ang pagkakasangkot ni Albayalde sa “ninja cops” o mga pulis na sangkot sa droga.

Para maiwasan uli ang ganyan sa susunod na PNP chief na magreretiro, dapat tiyakin ni Pangulong Duterte na ang maitatalaga niyang bagong hepe ng pambansang pulisya ay walang bahid-dungis ang pagkatao.

Dapat ang susunod na hihiranging PNP chief ni Pangulong Duterte ay may kakayahang pabanguhin ang pangalang PNP dahil masyadong bumaho ito sa ilalim ng liderato ng Albayalde.

oOo

TIMBRE: Paging NCRPO Director, Brig. Gen. Debold Sinas, sa jurisdiction ni QCPD-Station 7 police chief, Col. Giovanni Caliao, sa Cubao, Quezon City ay may color games, beto-beto, hi-lo at drop balls. Isang alyas “Roy” at isang alyas “Kit” daw ang nagpapa-jueteng sa Marikina City at Rizal province. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

KAYA PALA PANAY BANAT NI LENI GUSTONG MAGING GABINETE

CHRISTIAN BOMB

NOONG una ay tutol ang oposisyon na tanggapin ng kanilang lider na si Vice President Leni Robredo ang alok sa kanya ni Pangulong Duterte na maging co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drug (ICAD), pero nang tanggapin ito ng bise presidente ay naobliga ang mga tinatawag na “dilawan” na suportahan si Robredo.

Bago inalok ng puwesto ni Duterte si Rob­redo ay binatikos nito ang gobyerno dahil palpak daw ang “war on drugs” nito, at dahil nabuwisit ang Presidente sa pagpuna sa kanyang giyera kontra droga ay inalok nito na maging co-chairman ng ICAD ang bise presidente.

Nagkakaisa ang mga miyembro ng oposisyon na nagsabi kay Robredo na huwag tanggapin ang alok.

Ito na ang siste, nang tanggapin ni Robredo ang posisyon, nagkakaisa na ngayon ang statement ng oposisyon na sumusuporta sila sa bise presidente bilang co-chairman ng ICAD.

Diyan makikita na itong mga nasa oposisyon ay walang mga isang salita o palabra de honor.

Dapat kasing ginawa nila ay binatikos si Robredo sa pagtanggap ng panibagong posisyon sa gobyerno, kasi panay ang batikos nila kay Duterte, pero nang alukin ng posisyon, sinunggaban agad.

Lumalabas kasi na kaya lang binabatikos ni Robredo ang Presidente ay dahil gusto lang pala nitong magkaroon uli ng puwesto sa Gabinete ni Duterte.

oOo

TIMBRE: Paging PNP-OIC Gen. Archie Gamboa at NCRPO Director Gen. Debold Sinas, isang alyas “Jess” daw ang kumukuha ng payola sa gambling lords sa Quezon City… isang alyas “Tata Delo” raw ang payo­la collector sa Maynila. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

DAPAT LANG GAWING BIGAS AT HINDI CASH

CHRISTIAN BOMB

DALAWAMPU’T isang senador ang bumoto pabor sa resolusyon na ­palitan ng bigas ang cash na tinatanggap ng mga benepisyaryo ng 4Ps o Pantawid ­Pamilyang Pilipino Program ng pamahalaan.

Tama ang desisyong ito ng Senado.

Base sa imbestigasyon ng DSWD (Department of Social Welfare and Development) ay kanilang natuklasan na ang perang ibinibigay nila sa mahihirap na benepisyaryo ng 4Ps ay ipinangbibisyo lang, na kundi ipinangsusugal ay pinangbibili ng alak o shabu.

Ang 4P’s ay programa ng pamahalaan na nagbibigay ng buwanang P200 sa bawat miyembro ng mahihirap na pamilya, na kung tawagin ay “poorest of the poor” upang ­maipandagdag sa pambili ng ­pagkain para hindi magutom ang mga anak ng mga maralitang Pilipino, pero sa halip na ipambili ng pagkain, karamihan sa kanila ay ipinangbibisyo lang ang tinatanggap na biyaya sa gobyerno.

Dahil pasado na sa Senado ang resolusyong bigas na lang at hindi na cash ang ibigay sa mga benepisyaryo ng 4Ps ay nakasisiguro na ngayon ang pamahalaan at ang publiko na sa sikmura na ng mga maralita ­mapupunta ang ayuda sa kanila ng gobyerno at hindi sa kanilang bisyo.

ASEAN SUMMIT MAS IMPORTANTE KAY DUTERTE

Niyanig ng magnitude 6.6 lindol ang Mindanao nito lang October 31 at kinabukasan, November 1, umalis ng bansa si Pangulong Duterte para dumalo sa ASEAN Summit sa Thailand.

Dahil sa ginawang iyan ni Pangulong Duterte ay batikos ang ­inabot niya sa netizens sa social media, kasi nagawa niyang lumabas ng Pilipinas sa panahon na maymatinding ­trahedyang tumama sa bansa.

Sa Thailand noong November 2011, ang bansang ito ay ­sinalanta ng matinding baha dulot ng bagyo at sa panahong iyon ay may APEC Summit sa United States (US), pero ang ginawa ng noo’y prime ­minister na si Yingluck ­Shinawatra ay kinansela ang pagdalo dito upang personal na tutukan ang trahedyang tumama sa kanilang bansa.

Dapat ay tinularan ni Pangulong Duterte ang ginawa ni dating Thailand PM Shinawatra, pero hindi niya ito ginawa.

Sobrang lakas ang lindol na tumama sa Mindanao at patunay diyan na nasa 21 na ang iniulat na namatay at ­inaasahang madaragdagan pa dahil marami pa ang missing.

Sa ganyang sitwasyon, dapat personal na nakatutok dito ang Presidente dahil buhay at kabuhayan ng mga Pilipino ang nakataya rito, pero mas binigyang halaga niya ang ASEAN Summit kaysa ­kapakanan ng mamamayang naging biktima ng lindol.

oOo

TIMBRE: Paging PNP-OIC Archie Gamboa at NCRPO Director, Gen. Debold Sinas, nag-o- operate na raw ngayon ang mga color games, beto-beto, hi-lo at drop balls nina alyas “Roy” sa Cubao, Quezon City; “Elmer” sa Himlayan, QC, Parañaque City at Pateros; “Mike” sa Pasay City at “Edrian” sa Las Pinas City.

Paging Manila Police chief, Gen. Bernabe Barba, isang alyas “Lito” raw ang nagpapa-jueteng at lotteng sa Maynila. Paging Eastern Police chief, Gen. Johnson Almazan, isang alyas “Kit” daw ang may pa-jueteng sa Marikina City. (CHRISTIAN’S BOMB / Christian Hernandez)

Please follow and like us:
Read More

CAYETANO WALA NANG PALABRA DE HONOR, SAKIM PA?

CHRISTIAN BOMB

ANG sabi ni Speaker Alan Cayetano na kung gugustuhin daw ni Marinduque Rep. Allan Lord Velasco ay tatapusin na niya ang kanyang termino bilang speaker hanggang June 30, 2022.

Hindi katanggap-tanggap kay Velasco ang sinabing iyan ni Cayetano dahil may malinaw silang kasunduan at ito ay ang term sharing sa pagiging speaker ng House of Representatives.

Ayaw sana noon ni Velasco ang sistemang term sharing sa posisyong speaker dahil mas marami ang kongresistang kapartido niya sa PDP-Laban kumpara kay Cayetano na kakaunti lang ang mga kapartido nitong Nacionalista Party (NP) sa Kongreso.

At dahil alam ni Cayetano na tagilid siya sa laban kaya’t kinausap niya noon si Pangulong Duterte na mag-term sharing na lang sila ni Velasco, na sinang-ayunan naman ng Presidente.

Sa kasunduan, si Cayetano ang unang uupong speaker sa loob ng 15 buwan at si Velasco naman ang susunod na speaker sa loob ng 21 buwan.

Kaya iyong sinabi ni Cayetano na puwede niyang tapusin hanggang June 30, 2022 ang pagiging speaker niya ay mali kasi kung ipipilit niya ‘yan at balewalain ang napagkasunduan nilang term sharing ni Velasco ay lalabas na bukod sa wala siyang palabra de honor, ay sakim pa siya sa kapangyarihan.

oOo

TIMBRE: Paging Bulacan PNP Director, Col. Chito Bersulana, sa Area H sa Sapang-Palay, San Jose del Monte City ay may pa-color games at drop balls daw sina alyas “Tessie” at alyas “Leslie. Paging Batangas PNP Director, Col. Edwin Collates, sa Lipa City raw ay may pa-sakla si alyas “Gerry Muslim”. Paging Cavite PNP Director, Col. William Segun, sa Bacoor City raw ay may pa-jueteng si alyas “Areza”. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

ADMINISTRASYON AT OPOSISYON MAGKAISA LABAN SA DROGA

CHRISTIAN BOMB

NAGPAPATUTSADAHAN na naman ang administrasyon at oposis­yon sa isyu ng kampanya laban sa droga.

Dahil sa nasiwalat na pamamayagpag ng “ninja cops” o mga pulis na sangkot sa droga at sa pagtaas ng bilang ng mga drug addict sa bansa, pinatutsadahan ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte na palpak daw ang “war on drugs” nito at dapat daw ay baguhin na ang style sa paglaban sa droga at hindi sa pamamagitan ng madugong giyera kontra droga.

Hindi nagustuhan ni Pangulong Duterte ang patutsada ni VP Robredo, kaya’t ang sabi ng Presidente ay ibibigay niya ang police power sa Bise Presidente para pamunuan ang paglaban sa droga sa loob ng anim na buwan, na agad namang tinugon ng oposisyon na kulang ang anim na buwan at mas mainam pa raw ay kusa nang magbitiw sa puwesto ang Pangulo at ipaubaya na sa Bise Presidente ang pamumuno ng bansa.

Dahil diyan, sumali na rin sa patutsadahan ang iba pang maka-administrasyon at maka-oposis­yon.

Para kasi sa mga maka-administrasyon, tagumpay ang “war on drugs” at patunay raw ang pagbaba ng crime rate sa bansa, pero ayon sa oposisyon ay bigo raw dahil kung pagbabasehan ang data, imbes mabawasan ay mas dumami pa raw ang naging lulong sa droga.

Ang patuloy na patutsadahan ng administrasyon at oposisyon sa isyung ito ay hindi makatutulong para mawakasan na ang problema ng droga sa bansa.

Imbes magpatutsadahan, dapat ay magkaisang maglatag ng solusyon sa paglaban sa droga ang administrasyon at oposisyon, at baka sakali, kapag napagsama-sama ang ideya nila ay tuluyan nang matigil ang bentahan ng droga at drug addiction sa bansa.

oOo

TIMBRE: Paging Eastern Police District (EPD) Director, Gen. Johnson Almazan, isang alyas “Rose” daw ang may pa-lotteng at bookies sa Marikina City. Paging Southern Police District (SPD) Director, Gen. Nolasco Bathan, tuloy pa rin daw ang bookies ni alyas “Toto” sa Makati City at lotteng ni “Joy” sa Para­ñaque City. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

DAPAT IMBESTIGAHAN NG KONGRESO

CHRISTIAN BOMB

NAGHAIN ng re­solusyon si Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago na imbestigahan ng Kongreso ang pagkakapatay ng militar sa pitong binatil­yo sa Midsayap, North Cotabato nitong nakalipas na Oct. 23, 2019.

Sa ulat kasi ng pulisya, napatay sa military ope­rations nang manlaban sa mga awtoridad ang pitong kabataang kasapi umano ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), pero ang giit ng mga kamag-anak at mga residente sa pinangyarihan ng insidente, hindi raw mga rebelde ang mga biktima, kundi mga kabataang magsasaka.

Ayon sa bersyon ng militar, nagtungo sila sa lugar para dakpin ang tero­ristang si Mama Macalimbol, pero bigla umano silang pinagbabaril ng mga kabataang BIFF kaya’t gumanti sila ng putok, pero sa pahayag ng mga kamag-anak at mga residente sa lugar, natutulog sa kubo ang mga binatilyo nang pasukin ng mga sundalo at agad pinagbabaril.

Kung totoong rebelde ang pitong binatilyong ito, walang ibang dapat sisihin sa kanilang pagkamatay kundi ang kanilang mga magulang dahil sa mura nilang edad ay hinayaan silang sumapi sa tero­ristang grupo, pero kung tunay na magsasaka lamang ang mga biktima, dapat silang mabigyan ng hustisya at mapanagot sa batas ang mga may kagagawan ng masaker.

Sa isyung ito, dapat suportahan ng mga kongre­sista ang hiling ni Rep. Elago na maimbestigahan ang insidenteng ito sa Midsayap, North Cotabato upang malaman ang tunay na pangyayari dahil buhay ng pitong kabataang lalaki ang nalagas dito.

oOo

TIMBRE:Paging NPD Director, Gen. Rolando Anduyan, isang alyas “Noel” daw ang may pa-video karera sa Malabon City. Isang alyas “Tolentino” raw ang may pa-lotteng sa Valenzuela City. Paging MPD Director, Gen. Bernabe Balba, isang alyas “Paknoy” raw ang may pa-bookies sa Maynila. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

PHILHEALTH MALAPIT NANG HINDI PAKINABANGAN SA PRIVATE HOSPITALS

CHRISTIAN BOMB

INIHAYAG ng Private Hospitals Asso­ciation of the Philippines (PHAP) na karamihan daw sa mga pribadong pagamutan ay hindi na kikilalanin ang PhilHealth dahil hindi naman daw binabayaran ng gobyerno ang gastos ng mga pasyenteng PhilHealth members na nagpapagamot sa private hospitals.

Bad news iyan sa PhilHealth members, kasi isipin n’yo, magtataas na naman sila (PhilHealth) ng butaw, tapos tablado na pala o hindi na makakahirit ng discount sa private hospitals ang mga miyembro.

Sa ilalim kasi ng Universal Health Care Law ay may nakapaloob sa batas na ito na lahat ng kumikita ng P10,000 monthly pataas ay inoobligang magdagdag ng butaw sa PhilHealth. Pati ang OFWs o overseas Filipino workers sapol sa dagdag-butaw na ito.

Dapat bago ipatupad ang dagdag-butaw, ayusin o bayaran muna ng PhilHealth ang pagkakautang nila sa private hospitals.

Kung inyong matatandaan, sa pagdinig sa Senado noon ay nabulgar ang sangkaterbang ano­malya sa PhilHealth.

At marahil, ang talamak na katiwalian sa PhilHealth ang dahilan kung kaya’t hindi nakababayad ang gobyerno sa pagkakautang sa mga pribadong ospital, kasi ang pambayad sa gastos ng PhilHealth members sa private hospitals ay ibinubulsa pala ng mga “buwaya” sa ahensyang ito ng pamahalaan.

oOo

TIMBRE: Paging newly-appointed PNP-Region 4-A Director, Brig. Gen. Vicente Danao, patuloy pa rin daw namamayagpag ang jueteng operations nina alyas “Toce” at alyas “Haruta” sa San Pablo City, Laguna. Isang alyas “Toyang” daw ang may kontrol ng color games, beto-beto, hi-lo at drop balls sa buong Rizal province. Sa Lipa City, namamayagpag daw ang STL bookies at sakla ng isang alyas “Gerry Muslim.” (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

 

Please follow and like us:
Read More

BUSISIIN ANG BACKGROUND NG MGA KANDIDATO SA PNP CHIEF

CHRISTIAN BOMB

NASA tanggapan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang shortlist ng mga kandidato na ­maaaring pagpilian para ­maging susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP) na papalit sa nag-resign na si Director General Oscar ­Albayalde na magreretiro sa ­Nobyembre 8, 2019.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, tatlong pangalan ang kabilang sa kanyang isinumiteng rekomendasyon kay Pangulong Duterte, at sila ay sina PNP Officer-in-Charge (OIC) Lt. Gen. Archie Gamboa, Deputy Chief for Operations Lt. Gen. Camilo Cascolan at chief ng Directorial Staff, Major Guillermo Eleazar.

Nilinaw ni Año na nasa pagpapasya pa rin ng pangulo kung susundin ang kanyang isinumiteng shortlist o pipili ito ng iba pang pangalan na wala sa listahan.

Kapwa kaklase ni Albayalde sina Gamboa at Cascolan sa PMA Sinagtala Class of 1986, habang si Eleazar ay mula sa PMA Hinirang Class of 1987.

Sa isyung ito, dapat suriing mabuti ni Pangulong Duterte ang pagkatao nang mapipili niyang hepe ng PNP.

Bumaho kasi ang PNP organization nang isangkot ng mga retired general si Albayalde noong Pampanga provincial commander pa ito sa “ninja cops” o mga pulis na sangkot sa droga.

Dapat alamin ng ­Pangulo ang background ng kursunada niyang ­maging kapalit ni ­Albayalde dahil baka ang maitalaga niyang PNP chief ay may bad ­record din noon at maisiwalat na naman ito sa ­publiko na maging daan upang lalong bumaho ang imahe ng PNP sa taumbayan.

o0o

TIMBRE:Paging PNP-OIC Gen. Archie Gamboa … isang alyas “Sherwin” daw ang may pa-lotteng sa Bukid Area, Caloocan City. Sa Batangas ay isang alyas “Tisoy” raw ang may kontrol ng mga saklaan, bookies, tupada. Sa Las Piñas City, isang alyas “Cruto” raw ang may pa-video karera. (CHRISTIAN’S BOMB / Christian Hernandez)

Please follow and like us:
Read More

PARTYLIST NI SINGSON HINDI PANG-PROBINSYANO KUNDI PANG-NEGOSYANTE

CHRISTIAN BOMB

IMBES na suportahan ang Security of Tenure bill para mawakasan na ang Endo (end of contract), ang ipinanukala ni Probinsyano Ako ­Partylist Rep. Jose Singson ay pahabain pa ang probationary period ng mga manggagawa na imbes daw anim na buwan, ay gawing dalawang taon o 24 na buwan ang gawing ­batayan ng mga ­management ng kompanya bago desisyunan kung dapat o hindi i-regular ang isang manggagawa.

Hindi nagustuhan ng publiko, Senado at maging ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang panukalang ito ni Singson.

Ayon sa mga ­workers organization, sa anim na buwan ay hirap nang maging regular ang mga manggagawa kaya’t hindi katanggap-tanggap ang panukala ni Singson dahil lalo lang madedehado rito ang mga ­worker, sabi naman ni Senate President Tito Sotto ay kung tutuusin daw ay sa isa o dalawang buwan ay puwede nang ­magdesisyon ang kompanya para ­gawing regular ang mga kuwalipikadong ­manggagawa at para kay DOLE Sec. Silvestre Bello III ay ­masyadong agrabyado raw ang workers sa panukalang ito ni Singson.

o0o

TIMBRE: Paging PNP-Officer-in-Charge, Lt. Gen. Archie Gamboa…sa Nueva Vizcaya, nagkalat daw ang mga illegal gambling na drop ball, hi-lo, beto-beto at color games ni alyas “Mislay” sa Bilang St., Brgy. ­Caloocan, Bambang; sa NVAT ­Pamilihang Bayan, North Bambang; ­Kumyangan St., North Bambang. Pakitawagan ng pansin sina PNP-Region 2 chief Gen. Jose Espino at Provincial commander Col. Richard Saavedra na aksyunan ito. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

PWEDE NAMAN PALA ANG DALIAN TRAINS PINAGDUSA PA ANG MRT COMMUTERS

CHRISTIAN BOMB

PORMAL nang ginamit ng MRT-3 ang isa sa 48 Dalian trains na inangkat ng administras­yong Aquino sa isang kompanya sa China noong late 2015.

Sa pagpasok ng gob­yernong Duterte noong July 2016, hindi ginamit ang naturang mga tren dahil ayon sa Department of Transportation (DOTr) ay hindi raw ito akma sa riles at napakadelikado raw gamitin.

Dahil sa isiniwalat ng DOTr, nagkaroon ng imbestigasyon dito ang Senado, at kinuwestyon nang todo-todo ng mga pro-Duterte senator ang mga dating tauhan ni ex-Pres. Aquino sa Department of Transportation and Communications (DOTC) dahil corruption daw ang ginawa ng mga ito, na naglabas ng P3.8 billion sa pera ng bayan para bumili ng mga tren na hindi naman daw kapaki-pakinabang.

Matagal na nagkaroon ng imbestigasyon dito ang Senado hanggang humantong sa sinampahan ng kasong graft sa Ombudsman ang mga dating tauhan ni ex-Pres. Aquino sa DOTC.

Habang nakaimbak ang Dalian trains ay nagkaroon ng sunod-sunod na aberya ang mga lumang tren ng MRT-3.

Dahil kinakapos na ang mga tren na gina­ga­mit sa MRT-3 ay sinubukan ng DOTr na gamitin ang isang unit ng Dalian train noong nakaraang Martes, at good news! Akma naman pala sa riles ang Dalian train at maa­yos ang naging biyahe nito kaya hanggang nga­yon ay nagagamit na ito sa operasyon ng MRT-3.

At dahil kapaki-pakinabang naman pala ang mga Dalian trains ay nangangahulugan ito na ginamit lang ang mga tren na ito pampulitika para siraan ang administrasyong Aquino.

Iyan ang masama minsan sa mga politiko, na gagawin ang lahat makapanira lang sa mga kalaban nila sa pulitika kahit na ang magdusa pa ay ang taumbayan. Kasi isipin n’yo, higit tatlong taon pinagdusa ng Duterte government ang MRT commuters sa kakulangan ng mga tren, iyon pala, maayos, akma sa riles at kapaki-pakinabang naman ang Dalian trains.

oOo

TIMBRE: Paging NCRPO Director, Gen. Debold Sinas, isang alyas “Jess” daw ang nango­ngolekta ng intelihensya sa mga gambling lord sa Que­zon City. Nagpapatuloy pa rin daw ang operasyon ng lotteng ni alyas “Rose” sa Pasig City. Nagkalat daw ang mga kubrador ng bookies ni alyas “Toto” sa Makati City. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

BANGGAAN NG MALACANANG AT SENADO SA ISYUNG ‘NINJA COPS’ KAY ALBAYALDE

CHRISTIAN BOMB

SABI nina Sen. Richard Gordon at Sen. Franklin Drilon ay malakas daw ang mga ebidensya na sangkot sa “ninja cops” o mga pulis na nagre-recycle ng droga si resigned PNP Chief Director General Oscar Albayalde, pero para naman kay Presidential spokesman Salvador Panelo ay walang sustansiya ang mga ebidensya laban sa dating PNP chief.

Ang pinagbasehan nina Gordon at Drilon kaya nila nasabing malakas ang ebidensya ay tungkol sa mga statement ng mga retired general na sina Mayor Benjamin Magalong, PDEA Director Aaron Aquino at dating Police Region 3 commander Rudy Lacadin na si Albayalde raw ang protektor ng ninja cops nuong police provincial commander pa ito ng Pampanga nuong 2013.

Kinontra naman ito ni Panelo, na nagsabi na ang statement nina Magalong, Aquino at Lacadin ay ibabasura lang daw ng korte, dahil nga raw puro “hearsay” daw ang sinasabi ng mga ito laban kay Albayalde.

Idinagdag pa ni Panelo na kung totoong may kasalanan daw si Albayalde ay dapat nuon pa raw ito nakasuhan, pero dahil walang ebidensya ay kaya hindi nagawa ng tatlong retired generals noong nasa serbisyo pa sila na makasuhan ang nag-resign na PNP chief.

Dahil sa magkasalungat na paniniwala nina Gordon, Drilon at Panelo sa isyung ito, asahan nang lalo pang iinit ang kontrobersyang kinasasangkutan ni Albayalde, dahil ang nagbabanggaan na ngayon sa usaping ito ay ang Malacañang at Senado.

o0o

TIMBRE: Panawagan kina Mayor Isko Moreno at Manila Police chief Gen. Vicente Danao.

Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin tumitigil si alyas “Boy Abang” sa kanyang bookies -operations sa Tondo, Maynila. Panawagan kina Mayor Oca Malapitan at NPD Director Gen. Rolando Anduyan, may pa-jueteng na raw sa Caloocan City ang isang alyas “Jaruta.” (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

DAPAT IBALIK ANG KINALTAS NA BUDGET SA DOH

CHRISTIAN BOMB

PINAGTIBAY ng Korte Suprema ang probisyon sa batas na nagsasabing hindi dapat bababa sa P31,000 ang suweldo ng mga government nurse.

Dahil dito, ikinatuwa ito ng Filipino Nurses United (FNA), samahan ng mga nurse sa bansa.

Sinabi ni FNU president Maristela Abenojar na mula noong 2002 ay hindi naipatutupad ang Republic Act No. 9173 o ang Philippine Nursing Act dahil walang pondo para rito, at dahil sa na-ging desisyon ng Supreme Court (SC) ay maoobliga na ang gobyerno na maglaan ng pondo para ipatupad ito.

Bagamat good news ito sa mga nurse, ang problema ay kung kailan maipatutupad ang kanilang dagdag-suweldo.

Ang Kongreso ang naglalaan ng pondo sa bawat sangay ng pamahalaan, at sa nakaraang deliberasyon sa 2022 national budget, kinaltasan ng mga kongresista ng P16.6 billion ang budget ng Department of Health (DOH).

Dahil sa ginawang iyan ng Kongreso ay sinabi ni Sen. Ralph Recto na posibleng mawalan ng trabaho ang may 7,000 nurse sa mga pampublikong ospital dahil wala nang maipangsusuweldo sa kanila ang DOH.

Para walang maganap na tanggalan sa trabaho at ang desisyon ng SC na gawing salary grade 15 ang mga nurse na may katumbas na suweldong P31,000 kada buwan, dapat ay ibalik ng mga kongresista ang kinaltas na budget sa DOH at kung maaari nga ay dagdagan pa ang pondo nito, dahil ang mga nurse ang siyang kaagapay ng gobyerno sa pangangalaga sa kalusugan ng mamamayan.

oOo

TIMBRE: Paging Mayor Benjamin Magalong… Nag-operate na raw ang “mini-casino” ni alyas “Paul” sa Dampa, Brgy. Legarda at Brgy. Bokaokan, City of Baguio, drop balls ni alyas “Tuy-oy” sa Dangwa/Mallcom Plaza, drop balls ni alyas “Jimmy” sa Magsaysay; drop balls ni alyas “Buda” sa Slaughter. Paging PNP-Region 3 commander, Gen. Jigs Coronel, isang alyas “Boy” daw nagpapa-jueteng sa Bulacan. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

PAGGIBA KAY ALBAYALDE MAY KINALAMAN SA NEXT PNP CHIEF

CHRISTIAN BOMB

NAPAKA-IMPOSIBLE ng sinabi sa Senado ni dating PNP-Regional 3 Commander, ret. Gen. Rodolfo Lacadin na habang iniimbestigahan daw nila ang “ninja cops” o mga pulis na sangkot sa droga na pawang tauhan noon sa Pampanga ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde, ay tumawag daw ito sa kanya at sinabi na nagkaroon siya ng parte sa droga, pero kaunti lang daw.

Napaka-imposibleng magsabi nang ganyan si Albayalde, lalo’t sa superior officer niya na nag-iimbestiga sa kanya ang sabihan niyang nagkaroon siya ng parte sa droga.

Sa unang pagharap ni Lacadin sa senado, ang sabi niya kaya raw hindi niya na-implement ang dismissal order ng dating PNP-Region 3 comman­der na si ret. Gen. Raul Petrasanta noong taong 2014 sa “ninja cops” ay dahil paretiro na raw siya noon, pero sa ikalawang pagharap niya sa senado ay iba na ang kanyang sinasabi, na habang iniimbestigahan nila ang “ninja cops” ay tinawagan siya ni Albayalde at inamin na nagkaparte siya sa droga.

Parang iyong unang sinabi rin ni PDEA Director Aaron Aquino, na noong siya pa ang PNP-Region 3 commander ay tinatawagan din daw siya ni Albayalde para alamin ang status ng kaso ng kanyang mga tauhang “ninja cops,” pero kalaunan, iba na rin sinasabi niya, na kaya raw siya tinatawagan ay para arburin ang mga pulis na sangkot sa droga.

At ‘yung sinabi noon ni Sen. Franklin Drilon nang magsagawa sila ng executive session kay Baguio City Mayor at dating CIDG Director Benjamin Magalong, na sinabi raw nito na ang mga dating tauhan ni Albayalde sa Pampanga ay ninja cops, pero hindi naman daw sangkot ang PNP chief, kundi naging pabaya lang daw ito sa tungkulin noong Pampanga provincial commander pa ito, pero kalaunan sa sunod-sunod na hearing sa Senado, tinutumbok na nito na si Albayalde ang lider ng ninja cops.

Ang tanong: Kung totoo ang sinasabi nila na sangkot sa droga si Alba­yalde, ay bakit wala itong kaso?

Dahil diyan, maaa­ring totoo ang sinabi ni Albayalde na may kinalaman sa kanyang nalalapit na pagreretiro sa Nov. 8, 2019 ang mga ipinupukol na akusasyon sa kanya ng mga retired general, upang masira siya kay Pangulong Rodrigo Duterte upang ang iiendorso niyang maging next PNP chief ay ibasura ng Presidente, at ang tanggaping PNP chief ay ang ii-endorso ng mga retired general.

oOo

TIMBRE: Paging NPD Director, Gen. Rodolfo Andu­yan… may isang alyas “Noel” daw ang may pa-video karera sa Malabon City. Paging Laguna PNP Director, Col. Eleazar Matta, isang alyas “Toce” daw ang may pa-jueteng sa Sta. Rosa City at San Pablo City. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

 

Please follow and like us:
Read More

ATAKE KAY ALBAYALDE SA PNP NAGBU-BOOMERANG

CHRISTIAN BOMB

INAKALA nina Baguio City Mayor at dating PNP-CIDG Director Benjamin Magalong at PDEA Director Aaron Aquino na matapos nilang isangkot sa “ninja cops” o mga pulis na sangkot sa droga si PNP Director General Oscar Albayalde ay sisibakin ito ni Pangulong Rodrigo Duterte pagdating nito sa bansa mula sa state visit sa Russia, pero walang sibakang naganap, dahil ang sabi ng Presidente ay wala naman daw ebidensya at buo pa rin daw ang tiwala niya sa PNP chief.

Sa pagdinig sa Senado ay inungkat ni Mayor Magalong ang pagkakasangkot sa “hulidap” ng Chinese drug lord at recycling ng shabu ng mga tauhan ni Albayalde noong police provincial director pa ito ng Pampanga noong taong 2013, at sa pasabog naman ni Director Aquino na noong police region 3 director pa siya at NCRPO director si ­Albayalde ay tinawagan siya nito at inaarbor daw ang mga tauhan niyang “ninja cops” upang hindi madismis sa serbisyo.

Ang sagot ni Albayalde sa mga akusasyon sa kanya ay napatunayan daw sa imbestigasyon noon na hindi siya kasabwat hulidap at “recycling” ng shabu kaya’t ang naging parusa lang niya noon ay pagkasibak sa puwesto, at inamin din ng PNP chief na tinawagan niya si Director Aquino, pero hindi para mang-arbor kundi alamin lang ang status ng kaso ng kanyang mga dating tauhan.

Sabi ni Albayalde, pinupulitika lang daw siya sa mga isyung ibinabato sa kanya para siraan kay Pangulong Duterte upang masira rin ang iiendorso niyang kapalit sa pagka-PNP Chief pagsapit ng pagreretiro niya sa ­Nobyembre 8, 2019. Aniya, may “manok” daw kasi sa pagka-PNP chief sina Magalong at Aquino.

Maaari, ang depensang iyan ni Albayalde ang pinagbatayan ni Pangulong Duterte upang hindi siya sibakin bilang PNP chief.

Dahil hindi sinibak ni Pangulong Duterte si ­Albayalde, ay marahil tama lang ang sinabi ng PNP chief na irespeto ang naging desisyon ng Presidente at mag-move on na ang mga nag-aakusa sa kanya, dahil kung hindi titigil ang mga ito sa paninira sa kanya, ay hindi lang siya ang nasisira kundi ang buong organisasyon ng PNP dahil sa kasalukuyan ay siya pa ang PNP Chief.

o0o

TIMBRE: Paging PNP Chief Gen. Oscar Albayalde…Nag-operate na raw ang “mini-casino” nina alyas “Paul” at alyas “Patrick” sa Dampa, Brgy. Legarda at Brgy. Bokaokan; drop balls ni alyas “Tuy-oy” sa Dangwa/Mallcom Plaza; drop balls ni alyas “Jimmy” sa Magsaysay; drop balls ni alyas “Buda” sa Slaughter, lahat ito sa nasasakupang lugar ni Baguio City Mayor Magalong. (CHRISTIAN’S BOMB / Christian Hernandez)

Please follow and like us:
Read More

KUNG WALANG EBIDENSYA, MALING PANGALANAN ANG MGA ISINASABIT NI DUTERTE SA DROGA

CHRISTIAN BOMB

BINAWI na ni Pa­ngu­long Duterte ang sinabi niyang may dalawang heneral na naman ang sangkot kalakaran ng droga sa bansa.

Mabuti na lang at hindi pa niya pinapangalanan ang dalawang tinukoy niyang heneral.

Kung totoo man na may sangkot na dalawang heneral sa droga, dapat pangalanan ni Pres. Duterte kung sino ang dalawang ito, pero kung wala namang sapat na ebidensya ay hindi tama na ipahiya sila sa publiko.

Matatandaan na pagkaupo ni Pres. Duterte sa puwesto ay pinangalanan ng Pangulo noong July 6, 2016 ang limang police generals na sangkot daw sa sindikato ng droga sa bansa. Sila ay sina police generals Marcelo Garbo, Joel Pagdilao, Edgardo Tinio, Bernabe Diaz at Vicente Loot.

Sa panahon nang isiwalat ito ni Pres. Duterte ay retirado na si Garbo, mayor si Loot at tanging nasa serbisyo pa ay sina Pagdilao, Tinio at Diaz.

Ang hindi kagandahan sa isyung ito, ang gobyerno ay walang isinampang drug case sa limang tinaguriang “narco-generals.” Walang ikinaso kina Garbo at Loot, at ang tanging nakasuhan ay sina Pagdilao, Tinio at Diaz na pawang nasa serbisyo pa noon, pero ang kaso ay administratibo lang at hindi drug case.

Kaya walang isinampang drug case sa limang binansagang “narco-ge­nerals” ay dahil walang ebidensyang sangkot sila sa droga, basta ang sabi lang ng Presidente, “narco-generals” sila.

Nalagay sa mala­king kahihiyan ang limang heneral na ito, pati ang kanilang pamilya dahil idinawit sila sa droga nang wala naman palang ebidensya.

Ang nangyari sa limang heneral na binansagang narco-generals ni Pres. Duterte ay huwag sanang mangyari sa dalawang bagong heneral na isinasangkot din ng Pa­ngulo sa droga. Pero sa hu­ling pananalita ng Pangulo ay mga colonel lang daw at hindi heneral ang mga ito.

Kung may sapat na ebidensya, tamang pangalanan sila, pero kung walang ebidensya, mali na sila ay pangalanan dahil hindi lang ang dalawang heneral na ito ang malalagay sa kahihiyan, kundi pati ang kanilang pamilya.

oOo

TIMBRE: Paging PNP Chief Director Ge­neral Oscar Albayalde…Isang alyas “Reden” daw ang may pa-jueteng sa Cebu City. Naglipana ang pick-up girls sa Quezon Avenue, Quezon City. Ang ilang bahay-aliwan daw sa Roxas Blvd. mula Pasay City hanggang Pa­rañaque City ay may mga minor na GRO. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

TALO ANG TAXPAYERS SA PAGIGING OWWA OFFICIAL NI MOCHA

CHRISTIAN BOMB

BINATIKOS ng publiko ang mu­ling pagbibigay ng posisyon sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang avid supporter na si Mocha Uson.

Si Uson na da­ting board member ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) at da­ting assistant secretary ng Presidential Communication Operations Office (PCOO) ay itinalaga ni Pres. Duterte bilang deputy executive director ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Hindi ito nagustuhan ng publiko dahil mistulang ipinakikita ni Pres. Duterte na kahit walang sapat na kuwalipikasyon, basta’t supporter niya ay magkakaroon ng posisyon sa pamahalaan at tatanggap ng malaking suweldo.

Noon pa man ay tutol na ang iba’t ibang sektor na mabigyan ng posisyon sa gobyerno si Uson dahil kilala ito bilang tagagawa ng fake news sa social media, pero sa kabila nito ay itinalaga pa rin ito ni Pres. Duterte sa iba’t ibang posisyon sa pamahalan.

Ngayong OWWA official na si Uson, siya ay may salary grade 29, na ibig sabihin ay tatanggap siya ng buwanang suweldo ng mahigit P155,000, bukod pa sa ibang biyayang kanyang matatanggap bilang go­vernment official.

Iyan ang hindi matanggap ng publiko, na ang tulad ni Mocha na tinaguriang ‘fake news queen’ sa social media, ay pasusuwelduhan ng taumbayan ng ganyan kalaking halaga.

Ika nga, sa pagiging OWWA deputy executive director ni Uson, talo ang taxpayers.

oOo

TIMBRE: Pa­ging PNP Chief General Oscar Albayalde… Sa Dasmariñas, Cavite ay nagbalik daw ang operasyon ng color games ni alyas “Jessica”. May drop balls at beto-beto naman daw sa Alabang, Muntinlupa City si alyas “Baby”. Namamayagpag na raw ang jueteng ni alyas “Ronald” sa Abra at isang alyas “Bong” daw ang may pa-video karera sa Cainta, Rizal.  (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

SA TIGIL-PASADA APEKTADO MAMAMAYAN, SA JEEPNEY PHASEOUT MARAMING MAGUGUTOM

CHRISTIAN BOMB

PARA kay Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Secretary General Renato Reyes ay naging matagumpay ang isinagawang malawakang ­tigil-pasada nitong Lunes, Setyembre 30, 2019 ng iba’t ibang organisasyon ng mga jeepney driver.

Sa statement naman ni Metro Manila Development Authority (MMDA) spokesman Celine Pialago, ay bigo raw ang tigil-pasada.

Kung ganyan ang statement ng mga militante at mga taong-gobyerno na laging nagkokontrahan, malabo talagang ­masolusyunan ang problema ng mga tsuper at operator at malabo rin na maayos na maisakatuparan ang nais na transport ­modernization ng ­gobyerno.

Nang magbanta ang mga tsuper at operator ng tigil-pasada, ang resbak ng gobyerno ay tatanggalan sila ng prangkisa.

Matapos ang tigil-pasada, ang banta ng mga tsuper at operator na kasapi ng mga militanteng grupo ay maglulunsad pa uli sila ng panibagong tigil-pasada, at ang banta uli ng gobyerno, tanggal-prangkisa.

Wala sanang naganap na tigil-pasada kung laging nag-uusap ang magkabilang-panig tungkol sa jeepney phaseout at transport modernization, ang problema walang nangyayaring magandang usapan.

Tutol ang mga tsuper at operators sa jeepney phaseout at ang hiling nila, kung nais ng gobyerno ng transport modernization ay tulungan sila para mapaganda ang kanilang mga jeep, pero tutol dito ang pamahalaan, dahil ang nais ay i-phaseout na ang mga lumang jeepney at ang ipalit dito ay mga bagong electric jeep, na ayaw naman ng mga tsuper at operator dahil hindi raw nila kayang bayaran ang presyo nito na kada unit ay abot sa mahigit P2 million.

Dapat, mag-usap na nang maayos ang magkabilang-panig sa isyung ito at hindi laging nagbabangayan, dahil sa tuwing nagtitigil-pasada ang mga jeep, ang ­mayoryang mamamayan ang naaapektuhan, at sakaling ipatupad naman ang jeepney phaseout, maraming tsuper at operator ang mawawalan ng hanapbuhay na magdudulot upang ang kanilang pamilya ay makaranas ng gutom.

o0o

TIMBRE: Paging PNP Chief Director General Oscar Albayalde… Hindi pa rin daw tumitigil ang lotteng ni alyas “Jun Moriones” sa Tondo, Manila…May pa-jueteng na rin daw ang isang alyas “Jaruta” sa Caloocan City… May pa-STL bookies naman daw ang isang alyas “Tepang” sa Quezon City. (CHRISTIAN’S BOMB / Christian Hernandez)

Please follow and like us:
Read More

KAPAG NAPUNDI ANG UN AT US BAKA PATAWAN NG ECONOMIC SANCTION ANG PILIPINAS

CHRISTIAN BOMB

MATAPOS aprubahan ng 18 bansa na kasapi ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) noong July 10, 2019 na imbestigahan ang extrajudicial killings (EJK) sa Pilipinas, ay pumasa naman ang panukala ng United States (US) senators na i-ban o huwag papasukin sa Amerika ang mga opisyal ng Duterte go­vernment na may kinalaman sa pagpapakulong kay Sen. Leila de Lima.

Ang paniniwala ng UNHRC ay gobyerno ni Pangulong Duterte ang nasa likod ng EJK, at ang paniniwala naman ng mga US senator ay political harassment at “bogus” ang isinampang kaso kay De Lima.

Imbes hayaan ng gobyernong Duterte na makapasok sa bansa ang mga taga-UNHRC para patunayang walang EJK, ang ginawa ng Pangulo ay nagpalabas ng direktiba sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na huwag nang tumanggap ng anomang loans at grants sa 18 bansa na pumabor na imbestigahan ang mga nagaganap na pagpatay sa Pilipinas.

Sa parte ng pagpapa-ban ng mga US senator na makapasok sa Amerika ang mga sangkot sa pagpapakulong kay De Lima, ilang kaalyadong senador ni Pangulong Duterte ang nagmumungkahing i-ban din sa Pilipinas ang mga US senator.

Malaki ang epekto sa Pilipinas ng magkasunod na isyung ito dahil pumapangit sa mata ng mundo ang pamamalakad ni Pangulong Duterte kasi ang utos ng Presidente na huwag nang tumanggap ng anomang tulong sa 18 bansang kasapi ng UNHRC at sa plano rin na pagpapa-ban na makapasok sa Pilipinas ang mga US senator, ay lumalabas na inaabuso nito ang kanyang kapangyarihan para magpapatay ng mga Filipino at magpakulong ng mga kalaban niya sa pulitika.

Hindi dapat balewalain ng mamamayan ang mga isyung iyan, dahil kapag ang UN at US ay napundi na sa “pagsisiga-sigaan” ng Duterte government ay posibleng humantong ito upang magpataw sila ng economic sanction sa Pilipinas na magpapabagsak sa ekonomiya at magdudulot ng lalong paghihirap ng bansa, at ang kaawa-awa rito ay ang taumbayan.

oOo

TIMBRE: Paging PNP Chief Director General Oscar Alba­yalde, sa Baguio City ay may mga nag-o-operate daw ng mga peryahang may pasugalan. Sa Calamba City, Laguna ay may pa-STL bookies daw ang isang alyas “Tita”. Sa Quezon City ay lantaran na raw ang pa-lotteng ni alyas “Pinong”. Sa Mandaluyong City may pa-bookies daw ng karera si alyas “Dudong.” (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

UGAT NG CORRUPTION ANG PORK BARREL

CHRISTIAN BOMB

ISINIWALAT ni Sen. Panfilo Lacson na may nagbigay ng impormasyon sa kanya na si House Speaker Alan Peter Cayetano ang nag-utos kay Camarines Sur Rep. Luis Raymond Villafuerte para dagdagan ang matatanggap na pork barrel fund ng mga kongresista sa ilalim ng panukalang 2020 natio­nal budget.

Noong Agosto 28, 2019 daw iniutos ito ni Cayetano kaya binawi ni Villafuerte ang General Appropriations Bill kahit pasado na ito sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representatives.

Ang panibagong pagsisiwalat na iyan ni Lacson ay may kaugnayan sa isinapubliko niyang may isiningit na pork barrel na tig-P700 million sa mga kongresista at tig-P1.5 billion sa mga kongresistang deputy speakers ng Kamara.

Itinanggi ng mga kongresista ang isiniwalat ni Lacson, at ayon sa mga mambabatas ay wala raw silang isiningit na ganyan kalaking halagang pork barrel, kundi ang napagkasunduan lang umano nila ay magkaroon ng tig-P100 million na pang-proyekto ang mga mambabatas.

Kahit na P100 million lang at hindi P700 million at hindi P1.5 billion, ang P100 million na iyan na sinasabi ng mga mambabatas na pang-proyekto lang nila ay maituturing pa rin na pork barrel, dahil ang mandato ng mga mambabatas ay gumawa ng mga panukalang-batas at hindi magpagawa ng mga proyekto.

Dahil ang paniniwala ni Lacson ay pork barrel ang isiningit ng mga kongresista sa P4.1 trillion national budget para sa year 2020 ay lumalabas ngayon na mala­king pagkakamali pala ang ginawang pag-endorso ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging House Speaker si Cayetano dahil ang ginagawa nito ngayon sa Kamara ay taliwas sa kampanya ng Presidente kontra sa corruption.

Ang pork barrel kasi ay isa sa ugat ng corruption sa bansa at napatunayan na iyan sa sumabog na isyu noon, at ito ay ang pork barrel scam ni Janet Napoles, mga senador at kongresista.

oOo

TIMBRE: Paging PNP-Region 4A Director, Brig. Gen. Edward Carranza at Rizal PNP Director, Col. Renato Alba, namamayagpag daw ang color games, beto-beto, hi-lo at drop balls nina alyas “Ricky” sa Brgy. dela Paz, Antipolo City, alyas “Richard” sa Brgy. Macamot, Binangonan, alyas “Ely” sa Brgy. San Isidro, Rodriguez at alyas “Tessie” sa Angono. Paki-aksyunan naman! (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

DAPAT ILANTAD NA NG PET KUNG SINO ANG TUNAY NA VP

CHRISTIAN BOMB

NATAPOS na ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang mano-manong pagbilang sa mga balota sa tatlong test provinces kaugnay sa election protest ni da­ting Sen. Ferdinand Marcos Jr. sa pagkatalo niya kay Vice President Leni Robredo noong 2016 elections.

Ang mga probinsyang prinotesta ni Marcos kung saan may naganap daw na pandaraya sa kanya ay ang mga lalawigan ng Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Mismong si Supreme Court (SC) public information chief Brian Keith Hosaka ang nagkumpirmang tapos nang bilangin ang 5,400 voting precints sa tatlong probinsya at ang resulta nito ay isinumite na ni PET member-in-charge Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa sa SC, pero wala pang ginagawang karampatang aksiyon ang tribunal tungkol dito.

Naniniwala si Marcos na may malawakang pandaraya na naganap noong Halalan 2016 kaya natalo siya kay Robredo ng 260,000 boto, pero pina­bulaanan naman ito ng bise presidente.

Dahil tapos na nga ang pagbilang ng mga balota sa election protest ni Marcos laban kay Robredo, ang paniniwala ng mga tagasuporta ng bise presidente ay ito ang nanalo at paniniwala naman ng mga tagasuporta ng dating senador ay ito ang nagwagi.

Sa ngayon ay patuloy ang bangayan sa social media ng mga tagasuporta nina Robredo at Marcos kung sino ang tunay na nagwagi sa pagka-bise presidente noong 2016 elections.

Para matapos na ang bangayan, dapat nang isapubliko ng PET at SC sino ang tunay na VP ng bansa.

oOo

TIMBRE: Paging Batangas PNP Director, Col. Edwin Quilates, sa lungsod ng Lipa ay may nakapuwesto raw na color games, beto-beto, hi-lo at drop balls na pag-aari ni alyas “Aling Tessie”…Paging Provincial Director, Col. Chito Bersaluna, isang alyas “Boy” daw ang nagpapa-jueteng sa Bulacan… Paging Parañaque City Police Director, Col. Robin Sarmiento, isang alyas “Joy” daw ang may pa-lotteng sa Baclaran, Tambo, San Dionisio at San Antonio. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

FAELDON TILA MAGKAKAPUWESTO NA NAMAN

CHRISTIAN BOMB

ANG paniniwala ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi raw sangkot sa GCTA (Good Conduct Time Allowance) for sale at sa iba pang katiwalian sa Bureau of Corrections (BuCor) ang dating director nito na si ex-Capt. Nicanor Faeldon.

Sabi ni Presidential spokesman Salvador Pa­nelo, naniniwala raw ang pangulo na nalusutan lang daw si Faeldon ng mga tiwali sa BuCor.

Kaduda-duda na ang madalas na pagtatanggol ni Pangulong Duterte kay Faeldon.

Noong may naipuslit na mahigit P6.4 billion halaga ng shabu sa Bureau of Customs (BOC) sa panahon na si Faeldon pa ang Customs commissioner ay ipinagtanggol din ito ni Pangulong Duterte, na ayon sa statement ng Presidente noon ay hindi raw siya naniniwalang sangkot ito sa shabu smuggling.

Sa naganap na Se­nate at House inquiry noon tungkol sa shabu smuggling ay itinuro ni Customs broker Mark Taguba ang grupo ni Faeldon na binibigyan niya ng “tara” o payola para ang mga ipinupuslit nilang mga kargamento ay malayang makalusot nang hindi na beniberipika ng mga taga-Customs ang laman. Ibig sabihin, malinaw na may katiwaliang naganap sa Customs sa panahon ni Faeldon.

Sa Senate inquiry naman sa GCTA for sale at iba pang katiwalian sa Bucor, naglabasan dito ang mga lagda mismo ni Faeldon para ang mga presong sangkot sa heinous crimes ay makalaya.

At sa kabila ng mga anomalyang kinasasangkutan ni Faeldon sa Customs noon at sa BuCor ngayon, ang paniniwala ni Pangulong Duterte ay malinis pa rin ang pagkatao nito.

Ang ginawang muling paglilinis ni Pangulong Duterte sa pangalan ni Faeldon ay tila indikas­yon na bibigyan na naman niya ito ng bagong puwesto sa gobyerno.

oOo

TIMBRE: Paging PNP Chief Director General Oscar Albayalde…May impormasyon na sa jurisdiction ni Laguna Police Director, Col. Eleazar Mata ay namamayagpag ang pa-jueteng nina alyas “Tita” sa Calamba City; alyas “Edu” sa Biñan, San Pedro at Sta. Rosa City; alyas “Amante” sa San Pablo, alyas “Fajardo” sa 2nd district; alyas “Ocel” sa 3rd district; alyas “Jason” sa 4th district at alyas “Toce” sa halos buong lalawigan ng Laguna…Isang alyas “Roy” naman daw ang may mga pasugalang color games, beto-beto, hi-lo at drop balls sa jurisdiction ni Quezon City Police Director, Col. Ronnie Montejo. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More

SABLAY ANG IBINIDA NI PRES. DUTERTE NA SIYA NAGPA-AMBUSH KAY LOOT

CHRISTIAN BOMB

SA harap ng mga bagong appointed na mga opisyal ng pamahalaan sa Malacañang ay ibinida ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang nag-utos na ipa-ambush si ret. Police General at dating Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot.

“Loot, p…..mo, nanalo pa na mayor, inambush kita, animal ka, buhay pa rin.” Iyan ang kumpletong statement ni Pangulong Duterte patungkol kay Loot.

Si Loot, noong May 2018, kasama ang kanyang pamilya ay tinambangan ng mga hindi kilalang lalaki sa Daanbantayan, Cebu. Sa ambush na ito, nasugatan si Loot at tatlo niyang kasamahan.

Ang paniniwala noon ni Loot ay mga kalaban niya sa pulitika sa bayan niya sa Daanbantayan ang nagpa-ambush sa kanya, pero dahil sa ibinidang ito ni Pangulong Duterte ay alam na ngayon ng da­ting police general turned politician kung sino ang nagpa-ambush sa kanya at sa kanyang pamilya.

Dahil sa ibinidang iyan ni Pangulong Duterte ay halos maturete sina Presidential spokesman Salvador Panelo at Sen. Bong Go sa pag-twist sa sinabi ng Presidente, na ayon kay Panelo ay Bisaya raw kasi ang Pangulo, na ang laman daw talaga ng sinabi nito ay “Loot, inambush ka na, buhay pa rin” at sa bahagi ni Sen. Go, ayon sa kanya ay nagbibiro lang daw ang Presidente.

Ang sinabi kasing ito ni Pangulong Duterte ay maaaring gamiting dag­dag-ebidensya sa kanya kaugnay sa kinakaharap niyang kaso sa International Criminal Court (ICC) na may kinalaman sa extrajudicial killings na nangyayari sa bansa.

Bukod diyan, maaa­ring ikagalit din ng mga opisyal at miyembro ng AGFO (Association of Generals and Flag Offi­cers) ang ibinidang ito ni Pangulong Duterte, dahil si Loot ay dating heneral na miyembro ng AGFO.

Sa totoo lang, kaya todo-pagtatanggol sina Panelo at Sen. Go tungkol sa isyung ito ay dahil alam nila na malaking sablay ang ibinida ng Pangulo na siya ang nagpa-ambush kay Loot at sa pamilya nito.

oOo

TIMBRE: Paging PNP Chief, Director Ge­neral Oscar Albayalde…Sa Tarlac at Angeles City, nagkalat na raw ang mga illegal gambling na color games, hi-lo at drop balls ni alyas “Ricky”…sa Quezon City ay parang legal na raw ang pasakla nina “Amang” at “Willy.” (CHRISTIAN’S BOMB/ CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:
Read More