CHINESE NATIONAL NATAGPUANG PATAY SA BUBONG NG HOTEL

(NI HARVEY PEREZ)

NASAWI ang isang Chinese national na hinihinalang tumalon mula sa ika-20 palapag  ng  tinutuluyang condominium at bumagsak sa bubungan ng katabing hotel ,Lunes ng hatinggabi sa Ermita,Maynila.

Inaalam ng   Manila Police District-homicide section kung nagpakamatay o itinulak ang  biktimang si Wang Haoran, 31, nanunuluyan sa Unit 2007 Birch Tower sa 1622 J. Bocobo Street, Malate.

Nabatid na bago nakitang patay ang biktima bubungan ng Eurotel hotel , alas 11:50 ng hatinggabi,nakita pa ang biktima sa reception area ng tinutuluyan niyang condominium, alas 11:00 ng gabi.

Ilang  concerned citizen umano ang nakakita sa  biktima sa  bubong ng Eurotel  sa Pedro Gil Street, sa Ermita, at katabi lamang ng kanyang tinutuluyang condo building.

Isinugod  pa sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktima sa pag-asang baka maisalba pa pero patay na nang dumating sa pagamutan.

 

Please follow and like us:
Read More

CHINESE NANDAKMA NG DIBDIB NG DALAGITA, KULONG

(NI ROSE FULGAR)

SA kulungan ang bagsak ng isang Chinese national matapos dakmain ang dibdib at paghahalikan ang isang dalagita sa isang kalsada sa San Isidro, Martes ng madaling araw.

Kinilala ang suspect na si Xuesong Peng, 26,binata, empleyado ng stock finances at nakatira sa San Isidro St., Carmencita, Barangay Talon 3, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Las Pinas City Police, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang maganap ang insidete sa San Isidro St., sa Barangay Talon 3.

Kasalukuyan nakatayo sa nasabing lugar ang biktima na itinago sa pangalang ‘Grace’, 17 nang bigla umanong paghahalikan ng suspect at hawakan ang kanyang dibdib. Pumalag ang biktima at saka nagsumbong sa kanyang guardian na si Joylyn Vender, 50, na siyang nagsama sa kanya  sa barangay upang ireport ang nangyari.

Inaresto ng mga barangay tanod ng Barangay Talon 3 ang suspect saka isinuko sa Women’s and Children’s Desk ng Las Pinas City Police.

Mariin namang itinanggi ng suspect ang sumbong ng biktima laban sa kanya.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya para maberepika ang sumbong ng biktima at mabatid kung ano ang punu’t dulo ng insidente habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong acts of lasciviousness laban sa suspect na dayuhan.

Please follow and like us:
Read More

HIGIT 500 ILLEGAL POGO WORKERS ARESTADO SA SCAM

(NI KOI HIPOLITO)

ARESTADO ng mga pinagsanib na elemento ng Regional Special Operations Unit (RSOU-NCRO), Bureau of Immigrations (BI) at ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philliphines (ISAFP) ang 524 na mga undocumented foreign workers sa nag-o-operate ng isang kumpanyang sangkot sa offshore telecommunications investment, Miyerkoles ng gabi sa Golden Unicom Technology Incorporated sa 7th Flr., Millenium Bldg. 10 NAIA Road, Parañaque City.

Kabilang sa 524 na mga dayuhan na inaresto ay ang 424 Chinese national, 23 Vietnamese, 25 Malaysian, 3 Indonesian, 4 Taiwanese at 45 na mga Myanmar citizens na mga pawang walang kaukulang working permit sa bansa.

Narekober sa mga dayuhan ang desk top computers at communication devices na ginagamit sa pakikipagtransaksyon sa mga posibleng mga biktima ng kanilang modus.

Ayon kay NCRPO Chief PMGen.Guillermo Eleazar, nagsimula ang pag-aresto sa mga suspek matapos makipag-ugnayan ang Chinese authorities sa Bureau of Immigration at inireport ang nasabing kumpanya na nambibiktima umano sa libo-libo nilang mga kababayan sa China at sa ibang mga bansa sa Asya sa pamamagitan ng pag-aalok ng mga pekeng investment.

 

Please follow and like us:
Read More

2 CHINESE ARESTADO SA P1.7M SUHOL SA HOTEL SEX DEN

(NI LYSSA VILLAROMAN)

ARESTADO ang dalawang Chinese national makaraang suhulan ng halagang mahigit P1.7 milyon ang mga pulis na humuli sa kanilang mga kaibigan sa paglabag sa kasong anti-trafficking law, Lunes ng gabi sa Makati City.

Kinilala ni Makati City police chief P/Col. Rogelio Simon ang mga nanuhol na sina Zhang Xiuqiang, 32, at  Fan Jiangping, 23, kapwa ng Unit 2001 Avangate Residences Meralco Avenue, Exchange Road, Ortigas Pasig City.

Ayon sa report ng Makati City police na isinumite sa Southern Police District (SPD), naganap ang panunuhol ng mga suspect makaraan ang pagkakahuli mismo sa loob ng tanggapan ng Criminal Investigation Section ng Makati City Police sa Yakal at Ayala Avenue Extension, Makati City.

Batay sa imbestigasyon, kinausap ng mga suspect ang hepe ng Criminal Investigation Division ng Makati City police na si P/Major Gidion Inis at nag-alok ng halagang P1,700,000 kapalit ng paglaya ng kanilang mga kaibigan na  nahuli sa isang entrapment operation kung saan 35 na kababaihang Chinese sex workers ang na-rescue at 21 katao, kabilang ang mga Chinese national at empleyado ng hotel, ang naaresto sa naturang operasyon.

Kasong paglabag sa anti-bribery law at paglabag sa RA 10364 (Anti-Trafficking in person) ang kinakaharap ng dalawang suspects na isasampa sa Makati City prosecutor’s office.

Please follow and like us:
Read More

5 KULONG SA KINIDNAP NA 2 CHINESE

kidnap12

(NI ROSE PULGAR)

LIMA na naman Chinese national ang dinakip matapos ma-rescue ng mga tauhan ng Taguig City Police ang dalawa nilang kababayan na kanila umanong kinidnap sa lungsod sa Taguig City.

Hawak na ng mga awtoridad ang dalawang biktima sina Shang Jia at Wang Zhe, kapwa turista.

Samantala, hindi pa inihahayag ang mga pagkakilanlan ng mga nadakip na dayuhan dahil sa nagsasagawa pa ng follow up hinggil sa insidente.

Batay sa report ng Southern Police District (SPD), dakong alas-5:44 Miyerkoles ng hapon nang ma-rescue ng mga  tauhan ng Anti Kidnapping Group ng Camp Crame at Taguig City Police ang mga biktima na nagresulta na rin sa pagkakadakip sa mga suspect sa Invech Treasure Corporation, Le Grand Avenue, Mckinley West, Fort Bonifacio, Taguig City.

Ayon kay Police Major Ervin Chan, ng PNP-AKG, na  nakatanggap sila ng impormasyon hinggil umano sa ginawang pagdukot sa dalawang Chinese national, na ang mga suspect ay kanila ring kababayan.

Nagkasa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa mga dayuhan na nag-rescue sa mga biktima.

Please follow and like us:
Read More

CHINESE SINITA SA YOSI, ARESTADO SA BARIL

ARRESTED-9

(NI ROSE PULGAR)

ARESTADO ang isang Chinese national nang sitahin ng mga nagpapatrulyang pulis dahil sa paglabag sa ordinansa ng paninigarilyo sa pampublikong lugar, subalit nang kapkapan ay nakuhanan ito ng isang baril sa kahabaan ng Taft Avenue Ext. Baclaran, Pasay City, Linggo ng gabi.

Kinilala ni Police Col. Bernard Yang, hepe  ng Pasay City Police, ang nadakip na si Yin  Xuan Sun, 22, tourist, tubong Chengsu, Sichuan, China at pansamantalang nanunuluyan sa isang hotel sa Pasay City.

Batay sa isinumiteng report ni Yang,  dakong alas 10:30 ng gabi habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Baclaran Police Community Precinct (PCP) nang mamataan ang dayuhan habang naninigarilyo sa pampublikong lugar sa nasabing lungsod.

Dahil dito, sinita ng mga pulis ang suspect at nang kapkapan ay nakumpiska mula sa pag-iingat nito ang isang Llama caliber 7.65 mm na may tatlong bala sa magazine.

Agad na dinala ang dayuhan sa himpilan ng pulisya at sasampahan ng kasong paglabag sa ordinansa 6012 at Republic Act (RA) 10591 o illegal possession of firearm and ammunition.

 

Please follow and like us:
Read More

2 CHINESE SA INDOOR MARIJUANA PLANTATION KAKASUHAN NA

(NI KEVIN COLLANTES)

KAKASUHAN na ang Chinese national na may-ari ng indoor marijuana plantation sa isang condominium sa San Juan City matapos salakayin ang kumpiskahin ang pananim nito.

Kaagad na sinalakay ng mga awtoridad ang isang condominium building sa Barangay Batis, San Juan City nitong Huwebes ng gabi matapos ang pagkakadiskubre na mayroong ‘indoor plantation’ ng high-grade at imported na marijuana sa ikaapat na palapag at rooftop nito.

Sa ulat ng San Juan City Police, na pinamumunuan ni P/Col. Jaime Santos, nabatid na dakong alas-7:10 ng gabi nang salakayin ng mga awtoridad ang gusali na matatagpuan sa 26 A. Rita Street, Barangay Batis.

Lumilitaw na bago ang pagsalakay ay nakatanggap umano ng tip ang mga awtoridad mula sa mga tenant ng gusali hinggil sa naturang plantasyon ng marijuana.

Nagsuspetsa ang tenant na may iregularidad na nagaganap sa lugar nang biglang tumaas ang bill ng kuryente na umabot ng P29,000 na nagresulta sa pagkaputol nito, napuna rin ang kahinahinalang pag-aakyat ng mga pataba at mga lupa sa gusali, na ginagamit sa naturang ilegal na operasyon at nakuhanan pa ng larawan ang pagbababa ng mga ‘halaman.’

Kaagad namang nagsagawa ng 2-araw na surveillance ang San Juan Police at nang makumpirma ang ulat ay nag-aplay ng search warrant sa sala ni Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 152 Judge Danilo Cruz at isinagawa ang pagsalakay, bago pa man makatunog ang may-ari ng plantasyon, katuwang ang mga tauhan ng District Intelligence Division ng Eastern Police District (EPD) at regional office ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-NCR.

Sa pagsalakay, nadiskubre rin ng mga awtoridad ang isang greenhouse na ginamit sa ‘indoor cultivation’ ng mga ilegal na halaman sa rooftop ng gusali, gayundin ang mga kagamitan sa pagtatanim nito at may walong pakete ng dried marijuana leaves, na handa na umanong ipagbili sa kanilang mga kostumer.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) director P/BGen. Johnson Almazan, natukoy na ang 4th floor at roof deck ng gusali, na pagma-may-ari ng isang alyas ‘Ming Uy’ ay may pitong buwan nang inuupahan ng isang Chinese national na si Aaron Huang.

Hindi aniya naabutan sina Huang at Uy sa gusali nang isagawa ang pagsalakay ngunit tiniyak na sasampahan ang mga ito ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa piskalya.

Sinabi naman ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, P/MGen Guillermo Lorenzo Eleazar na ito na ang itinuturing nilang isa sa pinakamalaking indoor cultivation ng marijuana matapos ang pagkakadiskubre sa isa pang plantasyon sa Marikina City.

“Ito yung sinasabi natin na ‘indoor cultivated marijuana plantation.’ Hindi first time na magkaroon tayo ng ganitong operation. May iba pang equipment na ginagamit sa pagtatanim nitong marijuana,” ani Eleazar. “Sa urban area, ginagawa nilang paraan kasi sa loob ng mga bahay as long as i-me-maintain ang tamang temperature, puwede na silang ma-cultivate.”

Ayon sa mga pulis, kada kilo ng marijuana ay aabot ng P15,000 hanggang P25,000 ngunit tumataas pa ito kung mahigpit ang kampanya ng mga awtoridad laban sa shabu. Karaniwan rin umanong isinusuplay ito sa mga high school at college students.

Sinabi pa ni Eleazar na isa sa mga inaasikaso umano ng mga awtoridad sa ngayon ay ang paghanap sa ledger o mga notes ng mga suspek upang matukoy kung saan dinadala ang mga ilegal na pananim at sinu-sino ang mga kostumer ng mga ito, gayundin ang mga iba pa nilang kinukuhanan ng mga suplay.

Samantala, pinuri naman ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang San Juan Police at Eastern Police District (EPD) dahil sa mabilis na aksyon at pagkakabuwag ng naturang plantasyon ng marijuana sa kanilang lungsod.

Nanindigan si Zamora na kalaban niya ang ilegal na droga at hindi siya papayag na sa lungsod ng San Juan ay mayroong ganitong mga plantasyon at binalaan ang lahat ng nagbabalak na magbenta o magpaikot ng droga sa San Juan na kanila itong huhulihin at pananagutin sa batas. “100 percent all out tayo against drugs,” anang alkalde.

Nagpasalamat rin naman si Zamora sa mga residente na siya mismong nagsumbong ng ilegal na aktibidad sa mga pulis, na nagresulta sa pagkadiskubre nito.

 

Please follow and like us:
Read More

CONDO SEX DEN NI-RAID, 51 BABAENG CHINESE NATIONAL NAILIGTAS

(NI KOI HIPOLITO)

INARESTO ng pinagsanib na operatiba ng Regional Special Operations Unit (RSOU), Womens and Childrens Protection Desk (WCPD) ng National Capital Region Police Office, kasama ang Paranaque City Local Government at Bureau of Immigration Fugitive Section, ang 31 Chinese nationals na kinabibilangan ng siyam na lalaki at apat na babae na tumatayong mga maintainer ng isang prostitution den at 18 na mga parokyano o customer.

Nasa 51 kababaihang Chinese nationals  ang nailigtas at pitong  Filipina janitress naman ang mga gagawing witness sa kaso nang salakayin Miyerkoles ng gabi ang  Manila Wellness Spa, sa 3rd Flr. ng Diamond Bay Tower Condominium, Roxas Blvd., Brgy. Baclaran, Paranaque City.

Base sa report ni RSOU Chief PLtCol. Rogarth Campo kay NCRPO Chief PMGen. Guillermo Eleazar, nagkasa ng entrapment and rescue operation ang mga otoridad laban sa mga nag-o-operate ng sex den sa nasabing condominium, base sa impormasyon at sa isinagawang surveillance and monitoring sa lugar.

Narekober sa  hinihinalang  prostitution den ang P1.8 milliong cash na pinaniniwalaang kinita sa nabanggit na iligal na aktibidad.

Sinabi ni Eleazar na hindi pa tapos ang konstruksyon sa labas ng establisimyento subalit ginagamit nang foreign prostitution den para sa mga Chinese na front ang nabanggit na wellness Spa.

Sinabi ni Paranaque City Mayor Edwin Olivarez na ipasasara ang lugar at ipahihinto ang  konstruksyon sa condominium dahil sa nadiskubreng iligal na gawain.

Sasampahan ng kasong paglabag sa violation of Sec.4 (Acts of Trafficking in Persons) ang 13 maintainer ng lugar at Sec.13 (Use of Trafficked Persons) ng RA 9208 as amended by RA 10364 naman para sa 18 customer.

Please follow and like us:
Read More

7 CHINESE NATIONAL TIMBOG SA ILLEGAL DREDGING

(NI JG TUMBADO)

TIMBOG ng pulisya ang pitong sinasabing undocumented Chinese nationals na nasa aktong nag-ooperate sa isang illegal dredging operations sa Masinloc, Zambales, nitong Miyerkoles.

Hindi na nakapalag pa nang makorner ng mga tauhan ng Masinloc police ang mga suspek na nakilalang sina Shao Shao Chen, Shinu Chen, Xie Yu Hong, Xiu Xiansheng, Zhao Yihung, Gong Yaan, at Jiang Xin.

Sinabi ni Police Maj. Jude Bryan Maguddayao, acting chief of police ng Masinloc, ang naturang mga Chinese ay pawang nasa loob ng warrior dredging vessel at ang ilan naman ay nasa sand carrier vessel na kapwa naka angkorahe sa isang local pier nang abutan ng mga awtoridad.

Nag ugat ang police operation sa lugar bunsod na rin ng ipinaabot na reklamo ng ilang mga residente.

Nabatid kay Maguddayao na lahat ng mga dinakip ay pawang walang mga visa at working permits.

Nakatakda namang iturn over ng pulisya ang pitong illegal aliens sa Bureau of Immigration (BI) para sa sampahan ng kaso at deportation process.

Please follow and like us:
Read More

3 CHINESE NATIONAL ARESTADO SA KIDNAP NG MALAYSIAN

(NI AMIHAN SABILLO)

TATLONG Chinese national na nasa bansa bilang mga turista ang inaresto ng PNP-Anti kidnapping group dahil sa pagkidnap sa isang Malaysian national na narekober ng mga pulis sa room 1939 ng Okada sa Paranaque noong Miyerkoles.

Ayon kay PNP-AKG Spokesperson PLtCol Elmer Cereno, ang mga suspek ay kinilalang sina Yuyun Gao, 43; Xin Fan, 21; at Wei Guo Li, 46, pawang pansamantalang naninirahan sa  1939 ng Hotel Okada.

Sinabi pa ni Cereno na ang  biktima na si Lim Raymond ay iniwan ng kanyang kasamang si Ah Hui na isa ring Malaysian national sa mga suspek noong nakalipas na Sept 2, matapos na maipatalo nito sa sugal ang P500,000 na ipinautang ng mga suspek sa kanya.

Pagkatapos noon ay hindi na makontak si Ah Hui, at ang biktima na ang sinisingil ng mga suspek sa pagkakautang ng kanyang kasama.

Dahil dito, kinontak naman ng biktima ang kanyang kapatid sa Malaysia na nagpadala umano ng 70,000 RMB sa pamamagitan ng wire transfer, pero sinisingil pa umano ng mga suspek  ng karagdagang 70,000 RMB ang biktima bilang interes.

Nagawa naman ng biktima na makahingi ng tulong sa pamamgitan ng pagpapadala ng email sa management ng Okada, na siya namang nagsumbong sa PNP na nagresulta sa pagkakadakip sa 3 suspek.

Please follow and like us:
Read More

CHINESE SINISI SA PAGTAAS NG KASO NG KIDNAPPING

crime kidnapping12

(NI AMIHAN SABILLO)

PAGDAGSA ng mga Chinese national na nagsusugal sa bansa ang dahilan kung bakit tumaas ang bilang ng mga kidnapping incidents sa mga Tsino.

Ito ang inihayag ni Police Lt. Col Elmer Cereno, tagapagsalita ng PNP-Anti kidnapping group.

Ayon kay Cereno,  nakapagtala umano sila ng 52 kaso ng casino-related kidnapping incidents kung saan naaresto ang 119 Chinese kidnappers.

Sa paunang imbestigasyon ng PNP-AKG marami umano ang mga Chinese nationals na nagsusugal sa bansa na dinadala ng mga junket operators mula sa mainland China, na pawang hinihikayat na magbakasyon sa Pilipinas, at kapag nandito na ay dinadala sa mga casino para magsugal, kasabay ng pinapautang pa ng kapital o pangsugal.

Kapag natalo o wala ng pambayad ay dito na kinikidnap, ikinukulong sa isang hotel room, binubugbog, at tinatawagan ang kanilang pamilya sa China para magpadala ng pang-bayad utang sa pamamagitan ng wire-transfer.

Ayon kay Cereno inilunsad ni PNP-AKG acting Director Police Col Jonnel Estomo, ang mas mahigpit na koordinasyon sa kanilang foreign counterparts, Department of Justice (DOJ), National Capital Regional police office (NCRPO), Bureau of Immigration (BI), NAIA management at iba pang PNP territorial units.

Mag-oorganisa din aniya ang AKG ng “summit on casino debt related kidnappings”, kasama ang iba’t ibang law enforcement agencies at casino and hotel operators para mailatag ang action plan kontra dito.

Please follow and like us:
Read More

CHINESE NATIONAL NA NAKAPOSAS NAHULOG SA MALL

crime12

(NI DAVE MEDINA)

NAMATAY ang isang Chinese national matapos mahulog mula sa ikaanim na palapag na gusali, Biyernes ng umaga, sa Las Pinas City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Yang Kang, 27, at nagtatrabaho sa Vista Mall sa Alabang-Zapote Road, Pamplona 2, Las Pinas City.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, ang biktima ay natagpuan ng security guard ng naturang mall dakong alas-7:30 ng umaga habang nagsasagawa ng inspeksyon.

Sa pahayag ng security guard sa pulisya, natagpuan ang biktima na walang malay sa ibaba ng gusali at nakaposas kung kaya agad niya itong pinagbigay alam sa malapit na Police Community Precinct.

Agad namang isinugod sa Las Pinas District Hospital ang biktima upang mabigyan ng lunas.

Subalit, ayon sa pulisya, dakong alas-9:48 ng umaga nang makatanggap ng tawag mula sa Asian Hospital sa Muntinlupa City sa pagkamatay ng biktima.

Base sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay nahulog mula sa ika-6 na na palapag ng naturang mall subalit isang palaisapan kung bakit ito ay nakaposas nang matagpuan.

 

Please follow and like us:
Read More

4 CHINESE, VIETNAMESE, PINOY, LAGLAG SA KIDNAPPING

(NI JULIE DUIGAN/PHOTO BY KIER CRUZ)

KASONG kidnapping at serious illegal detention ang kinakaharap ng apat na Chinese national, isang Vietnamese at isang  Filipino matapos bitbitin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Muntinlupa City, iniulat kahapon.

Kinilala ni NBI Director Dante Gierran ang mga nadakip na suspek na sina Tan Xiaguang, Zheng Jia Lei ;  Su Zhiwei at Jian Zhou pawang mga Chinese national ; Tran Bui Thu Thuy, isang Vietnamese at ang Filipino na si Virgilio Cuyugan San Juan.
Nabatid sa report ng NBI, nag-ugat sa pagkakadakip ng mga suspek sa tulong ng head security ng Alabang Village sa Muntinlupa City, noong Agosto 5, 2019 kung saan isang biktima ng pagdukot ang natagpuan sa loob ng village.
Ayon sa biktima na nagtratrabaho bilang electrician sa isang Chinese employeer sa isang online company, kinidnap  sila ng mga Chinese national matapos na paghinalaang nagsumbong sila sa mga pulis kaugnay sa illegal activities ng kanilang employer.

Sa salaysay pa ng biktima, galing sila ng Clark, Pampanga at  pauwi na ng bahay nang posasan sila ng kanyang misis at ikinukong ng 10 araw saka tinortyur.

Inilipat din sila sa isang bahay sa 311 Cadena de Amor  St., Ayala , Alabang Village kung saan nagawang alertuhin ang kapitbahay sa pamamagitan ng paghagis ng papel na may mensahe.

 

Please follow and like us:
Read More

BABAENG CHINESE SINAKSAK SA CONDO

crime34

(NI KOI HIPOLITO)

NAUWI sa pananaksak ang mainitang pagtatalo ng dalawang magkababayan na mga babaeng Chinese nationals sa loob ng kanilang pansamantalang tinitirhan, Lunes ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Li Tian, 36, at kinilala naman ang suspek na si Yi Fei, 25, na tumakas matapos ang insidente.

Base sa natanggap na report ni Pasay City Police chief PCol. Bernard Yang, bandang 1:50 ng madaling araw nitong Lunes nang makatanggap ng tawag ang Moa Police Community Precint (PCP) galing sa security guard ng nasabing condominium tungkol sa insidente ng pananaksak sa sa Unit 1505 Tower D, Shore Residences Condominium sa MOA Complex sa Lungsod ng Pasay City.

Ayon sa salaysay ni Huang Youi-an roommate ng dalawa, wala umano siya nang mangyari ang insidente at nang dumating siya sa kanilang tinutuluyan ay nakita  umano niya ang kaibigan na si  Tian na duguan.

Sinabi umano nito na nagkaroon sila ng argumento ng suspek na si Fei dahil sa kanilang trabaho na ikinapikon nito hanggang sa kumuha ng isang kitchen knife at sinaksak umano siya sa kaliwang tagiliran.

Isinugod ng security guard sa San Juan De Dios Hospital ang biktima na ngayon ay nasa mabuti nang kondisyon at naglatag na ng isang follow up operation ang mga otoridad para madakip at mapanagot ang suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

2 CHINESE NATIONAL HULI SA PAGNANAKAW SA KOMPANYA

cell

(NI ROSE PULGAR)

SA rehas na bakal ang bagsak ng dalawang Chinese national nang nakawin umano ang P50, 000 cash sa safety vault ng pinagtatrabahuan nilang kompanya sa Paranaque City, Sabado ng umaga.

Nahaharap ngayon sa kasong qualified theft ang mga suspect na sina Runmo Gao, 24, at Jiyong Fang, 25, kapwa Chinese nationals at empleyado ng Flying Dragon Network Philippines na matatagpuan sa 8th Floor Aseana 3 BPO Building, Macapagal  Boulevard, Barangay Tambo,Paranaque City, mga residente sa Shore Residence Sunrise Drive,Pasay City.

Samantala, nagsilbing complainant naman si Arnold Sumido Sabado, security officer ng kompanya.

Base sa ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang pagnanakaw sa loob ng Flying Dragon Network Philippines sa Paranaque City, dakong alas-11:00 ng umaga.

Base sa inisyal na imbestigasyon, agad na tumawag ang supervisor at translator ng kompanya sa security department kaugnay sa pagtangay ng dalawang suspect sa P50,000 cash sa safety vault na nasa VIP room.

Mabilis na pinigil ng guwardiyang si Francis John Diago Plasabas ang mga suspect bago pa man lumabas ng nasabing opisina.

Narekober sa loob ng bag ni Jiyong Fang ang naturang pera na sanhi ng kanilang pagkakadakip ni Gao na sinasabing kasabwat nito sa insidente.

Isinasailalim naman sa imbestigasyon sina Fang at Gao sa tanggapan ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB).

Nakakulong ang dalawang Chinese sa detention cell ng Paranaque City Police.

 

 

Please follow and like us:
Read More

OPISYAL, 4 TAUHAN SIBAK SA ‘AREGLUHAN’ SA KASO

chinese12

(NI LYSSA VILLAROMAN)

LIMANG pulis kabilang ang kanilang commander ang sinibak sa pwesto  kahapon ni National Capital Capital Regional Police Officer (NCRPO) Director Guillermo Eleazar matapos umanong payuhan ng mga ito ang mga magulang ng tatlong estudyante na minolestiya ng isang Chinese national na aregluhin na lamang umano ang kaso na kanilang isinampa sa Pasay City.

Ang mga pulis na sinibak ay ang commander ng Police Community Precint (PCP) 1, Pasay City Police na si Chief Inspector Remedios Terte; mga tauhan nito na sina  SPO3 Timothy Mengote;   SPO2 Jonathan Bayot; PO3s Archie Rodriguez at Ranier Dumanacal.

Nabatid na noong nakaraang Huwebes (Pebrero 7) ay dinakip ng naturang mga pulis ang suspect na si Zhang Yang,19, pansamantalang naninirahan sa Antel Tower sa Pasay City  sa loob ng Dungeon Horror House, Star City Amusement Park, CCP Complex dakong alas-11:00 ng gabi bunsod sa reklamo ng tatlong estudyante.

Si Yang ay dinakip ng mga naturang pulis matapos silang makatanggap ng reklamo hinggil sa umano’y pangmomolestiya nito sa tatlong kababaihang estudyante na nasa 18-anyos ang mga edad  sa nabanggit na amusement park.

Napag-alaman nang dalhin ang nabanggit na suspect sa himpilan ng PCP 1 ay pinayuhan umano ang mga ina ng mga biktima na makipag-areglo na lamang ang mga ito sa suspect.

Gayunpaman ay hindi pumayag ang mga biktima at mga magulang nito hanggang sa tuluyang sinampahan ng kasong Acts of Lasciviousness ang nabanggit na dayuhan sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Nagsumbong naman ang mga magulang ng mga biktima sa tanggapan ni Eleazar hinggil sa hindi magandang pagtrato at ang naging payo sa kanila ng mga pulis.

Please follow and like us:
Read More

PULIS SINABUYAN NG TAHO NG BABAENG CHINESE

taho500

(TEKSTO/PHOTO BY JG TUMBADO)

SINABUYAN ng mainit-init pa na taho ng isang babaeng Chinese national ang naka-unipormeng pulis na nagbabantay sa istasyon ng MRT 3 sa Mandaluyong City Sabado ng umaga.

Nangyari ang insidente sa Boni Station ng MRT 3 dakong alas-8:30 ng umaga nang papasok na sa baggage inspection area si Jiang Zhang, 23..

Dalawang security personnel ng MRT 3 ang unang nagsabi kay Zhang na bawal ang taho at iba pang inumin na likido sa loob ng tren ngunit nagmatigas ang dayuhan.

Minabuti ng mga security guard na tawagin si PO1 William Cristobal na siyang nagpaliwanag sa Chinese ngunit sa halip na sumunod ay isinaboy nito sa pulis ang iniinum na taho.

Hindi nakapalag ang pulis at agad namang dinala si Zhang sa detachment ng pulisya sa Shaw Boulevard station at kasalukuyang naka kostudiya.

Sa naturang stasyon ay doon humingi ng dispensa si Zhang kay PO1 Cristobal sa ginawa nitong pangsasaboy.
Kakaharapin ni Zhang ang kasong Direct Assault at Disobedience to a person in Authority at maaari rin na maipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) kaugnay ng insidente.

Please follow and like us:
Read More

CHINESE NAGWALA SA HOTEL, ARESTADO

kulong

(NI ROSE G. PULGAR)

SA kulungan ang bagsak ng isang Chinese national matapos manggulo at manakit pa umano ng isang binatilyo sa loob ng isang hotel sa Pasay City kahapon ng madaling araw

Kinilala ni Senior Supt. Noel Flores, hepe  ng Pasay City Police ang nadakip na suspect na nakilalang si Jing Jun Ma,35, at pansamantalang nanunuluyan sa Shore Residence, MOA Complex sa nasabing lungsod.

Base sa pahayag ng biktimang si Jefferson Perez,18, at naninirahan sa no. 1323 Interior 14, Bambang St.,Tondo,Manila, dakong ala-1:30 ng madaling araw  nang maganap ang insidente sa loob ng isang hotel (SOGO) sa Roxas Boulevard.

Unang humingi ng tulong ang pamunuan ng hotel sa awtoridad kaugnay ng umano’y panggugulo ng dayuhan at pambubugbog nito sa kasamang biktima sa hindi mabatid na dahilan.

Mabilis namang rumesponde ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) CCP Complex na naging dahilan para maaresto ang dayuhan.

Dinala ang biktima at suspect sa Pasay City General Hospital para sa kaukulang medical examinatation.

Samantala inihahanda naman ng pulisya ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa suspect.

Please follow and like us:
Read More

CHINESE NAKITANG PATAY SA PARKING LOT

parking

(NI ROSE PULGAR)

BANGKAY na nang matagpuan ang isang Chinese national na hinihinalang nahulog mula sa isang condominium  sa Paranaque City, Biyernes ng umaga.

Kasalukuyan nakalagak sa Peoples Funeral Homes sa Las Pinas City ang biktimang si Guanghal Yuan, 36, upang isailalim sa awtopsya.

Batay sa report na natanggap ng Southern Police District
SPD), dakong alas-6:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima ng mga guwardyang naka-duty sa isang parking area sa ikalawang palapag ng Burgundy Mc Kinley Place sa Barangay Don Galo, Paranaque City.

Kaagad na ini-report sa Paranaque City Police ang insidente at sa pagresponde ng mga ito ay naabutan nila ang biktima nanakahandusay at wala nang buhay.

May hinala ang pulisya na posibleng nahulog mula sa isang mataas na lugar ang biktima at bumagsak lamang ito sa nabanggit na parking area.

Gayunpaman, patuloy pa rin nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam nila kung ang biktima ay sadyang tumalon o itinulak nang maganap ang insidente.

Please follow and like us:
Read More

P3.12M TRABAHO, CONDO NINAKAW NG MGA CHINESE

Bureau-of-Immigration-3

MAHIGIT 3.12 milyong Chinese nationals na ang nakapasok sa Pilipinas simula noong 2016 na katumbas ng pagkawala ng P3.12M halaga na para sana sa mga Pinoy.

“Ayon po sa Bureau of Immigration, 3.12 million Chinese citizens ang pumasok sa Pilipinas from 2016 to present. Iyong mga turista, negosyante mula China dagsa na po… pero huwag naman po pati mga workers o trabahante mula sa China nang-aagaw ng trabaho para sa sarili nating kababayan,” sinabi ni Villanueva sa kanyang opening statement sa pagbubukas ng imbestigasyon hinggil sa illegal Chinese nationals at online gaming.

Dahil dito, sinabi pa ni Villanueva,  na panahon na magpasa ng batas upang bigyang proteksyon ang ating kababayan laban sa “pagnanakaw” ng dayuhan sa trabaho at condo sa bansa.

Katunayan, ayon pa kay Villanueva, umabot sa 115, 652 alien Employment Permit (AEP) ang naipalabas mula 2015 hanggang 2017.

“Halos kalahati po nito o 51,980 AEPs ang na-issue sa mga Chinese nationals. Nakaka-alarma po dahil nasa 24,000 out of the 52,000 AEPs ay na-issue for just one year, noong 2017. Gusto po nating klaruhin ‘yan kung bakit may immigration surge o may sudden influx ng Chinese nationals dito sa atin,” aniya.

Aniya, hindi na dapat lumayo upang makahanap ng ebidensiya sa pagdagsa ng Chinese nationals na nagtatrabaho at naninirahan sa ating bansa.

“Dito po mismo sa paligid ng Senate compound, may mga mini-Chinatown na. D’yan po sa Kabab restaurant sa MOA kung kakain po kayo d’yan ay aakalain mong nasa China ka na. Kahit po sa ASEAN City, d’yan sa City of Dreams, at sa mga nakahilerang condo-miniums sa paligid, puro mga Chinese nationals na po ang makikita d’yan,” himutok ni Villanueva.

“Kasi, iyan po ang ginagamit na accommodation ng mga POGO o Philippine Online Gambling Operations employees na karamihan po ay Chinese nationals na nasa mahigit 200,000 na po dito sa NCR!,” dagdag niya.

“Eh kapag umikot ka nga po dito sa BGC, sa Eastwood, palagay ko hindi lang 200,000,” aniya.

Sinabi ni Villanueva na hindi lamang trabaho ang ninanakaw ng Chinese nationals sa mga Filipino, kundi maging condominium units.

Aniya, malinaw sa mga datos ng pamahalaan, inaagawan ng hanapbuhay at ikabubuhay ng mga illegal foreign worker na nasa bansa ngayon ang mga kapwa natin Pilipino sa sarili nating bayan – trabaho na sana ay papawi sa kanilang gutom at magtatawid sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan – kung kaya’t naitataboy at napipilitan silang magpa-alipin sa ibang bansa.

Please follow and like us:
Read More