2 BODEGA NG KONTRABANDO NG CHINESE IKINANDADO

(NI LYSSA VILLAROMAN/PHOTO BY RAFAEL TABOY)

DALAWANG apartment unit sa isang compound na inuupahan ng isang Tsino ang ipinasara ng Pasay City Business Permit and Licensing Office (BPLO) makaraang madiskubre ito na may mga nangyayaring iligal sa naturang lugar, Huwebes ng umaga.

Nilusob ng mga tauhan ng Pasay City BPLO na armado ng closure order at pinamunuan ni Noel Bilusi dakong alas 10:00 ng umaga, ang dalawang apartment unit na inuupahan ng Hongkong national na suspect na si Ivan Co.
Kasamang inimbitahan sa pulisya sina Huang Guo, Jin Zhao Hui  at Peing Chen.

Sa pagpasok ng mga tauhan ng BPLO sa compound na pag-aari ni Tess Rivera,  kasama rin sa naturang operasyon, nagulat ang mga ito nang makita na ginawang bodega ang isa sa dalawang unit na apartment na inupahan ni Co kung saan iniimbakan ito ng mga kontrabando tulad ng mga pabango, t-shirts at mga pagkain na pawang may nakasulat na Chinese characters.

Sa isang unit na inupahan pa ni Co ay nadiskubre sa isang kuwarto nito na may hinihinalang online gaming na may trabahador na pawang mga Chinese nationals din.

Sa pagkakadiskubreng ito ng mga tauhan ng BPLO ay agad silang humingi ng ayuda sa Pasay City police upang imbestigahan ang mga nakalap na ebidensya sa naturang compound, kabilang na rin ang mga Tsino na nagtatrabaho sa nasabing umano’y online gaming ni Co.

Nauna rito, naghain ng reklamo sa BPLO si Rivera, na sinasabing tagapagmana ng naturang compound, makaraang umabot sa kanyang kaalaman na may iligal na nangyayaring gawain si Co sa kanyang mga apartment units.

Ang mga nakumpiskang kontrabando ay kasalukuyang iniimbentaryo ng pulisya samantalang sa beripiskayon naman sa mga dokumento ng mga Tsino ay nadiskubre rin na pawang walang mga tatak mula sa immigration ang kanilang mga pasaporte.

Please follow and like us:
Read More

6 CHINESE NATIONAL HULI SA KIDNAPPING, BRIBERY

nbi12

(NI JULIE DUIGAN/PHOTO BY KIER CRUZ)

ANIM na Chinese National ang binitbit ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI), na sangkot sa kidnapping ng kanilang kababayan at panunuhol sa mga awtoridad, sa Paranaque City.

Nauna nang natimbog ng  NBI-Cybercrime Division noong  Mayo 31,ang mga suspek na sina Junrong Jia, Xurjian Li at Quijin Tian makaraan umanong idetine ang tatlo nilang kababayan sa isang hotel sa Paranaque City.

Modus operandi ng grupo na hikayatin ang kanilang kababayan na magsugal at kapag nagkautang na ang mga ito ay idedetine at tatawagan ang kanilang kamag-anak sa Beijing ,China at pagbabayarin ng ransom na higit na mas malaki sa pinahiram nilang pera na ipinang-sugal ng biktima.

Nabatid sa NBI na nakakumpiska sila ng  dalawang skimming devices, mga blangkong cards, security strips, smartphones, USB, holographic stickers at mga identification cards.

Batay kay NBI Deputy Director for Services Ferdinand Lavin, nakautang umano ang mga biktima ng may P1.5 milyon ngunit P7 milyon ang hinihingi nilang kabayaran para mapalaya ang mga biktima.

Nang dalhin sa NBI headquarters para sa imbestigasyon ,inalok umano ng mga suspek ang mga ahente ng NBI ng P500,000 suhol para sila palayain.

Kinabukasan, nagpunta sa tanggapan ng NBI-CCD sina Peter Lim Santos,Wang Liping at Au Pang Liang, para ibigay ang pera, kaya agad na isinagawa ang isang entrapment operation. Nahaharap sa kasong Kidnapping at paglabag sa RA 8484 (Access Device Regulation Act) sa Paranaque Prosecutors Office sina Jia,Li at Tian.

Habang paglabag naman sa Article 212 sa ilalim  RPC,ang isinampa kina Santos sa Manila Prosecutors Office.

 

 

Please follow and like us:
Read More

3 MANDARAYANG CHINESE SA CASINO, 1 NANGHIPO HULI

casino12

(NI KOI HIPOLITO)

KALABOSO ang apat na  Chinese nationals sa magkahiwalay na kaso nang mabisto ang ginawang kuntsabahan ng mga ito para mandaya sa pagsusugal  habang ang isa namang suspek ay inireklamo ng panghihipo sa isang lobby ambassador, Lunes ng hapon sa Solaire Resorts and Casino, sa Parañaque City.

Nakilala ang mga suspek na inaresto ng pandaraya na sina  Wang Qi, 22,  Zhichao Cheng, 22 at si Wang Xinda, 27, mga pansamantalang nakatira  sa 2nd Flr. Bay View Park Hotel, Ermita, Manila.

Base sa report ni Dandy G. Ferriol, security specialist and investigator ng nasabing casino sa Parañaque City Police Station (PCP-2), inaresto umano nila ang tatlong suspek matapos makita sa cctv monitor ang ginawang panlilinlang at pandaraya ng suspek na si Wan Qi sa casino dealer na si Crissete Pakingan, 27.

Tumaya umano ng halagang P7,000 ang suspek subalit nang manalo ang taya ng bankers bet ay naghagis si Wang Qi ng isang casino chip na halagang P10,000 para makuha ang atensiyon ng dealer at pagkatapos ay inilagay sa bankers bet ang taya ng suspek na agad namang nabisto ng mga bantay sa monitor ng casino. Agad inaresto ang suspek at dalawa pang mga kasama nito.

Arestado din ang isa pang Chinese na suspek na si Zhongqi  Pu, 26, empleyado ng New Oriental Club, at pansamantalang residente ng Sky Garage Bldg nang hipuan nito sa maselan bahagi ang biktima na si Joyce-Ann Acelajado, 22, lobby ambassador ng naturang establisimyento.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon nagsisigaw umano ang biktima nang hawakan ng dalawang beses ng suspek ang kanyang puwet habang naka-duty sa trabaho. Agad namang  bineripika sa CCTV monitor ang reklamo ng biktima at nakita ang suspek sa ginawang pambabastos.

Please follow and like us:
Read More

PITONG CHINESE NATIONAL TIMBOG SA KIDNAP

nbi12

(NI JULIE DUIGAN)

BINITBIT ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong Chinese national na sangkot sa pagkidnap sa isa nilang kababayan,  Linggo ng hapon sa isang Condominium sa Pasay City.

Martes ng hapon ay ipinirisinta nina Vicente de Guzman, deputy director for Investigation Service at  Atty. Emetrio Dongallo, Jr. Chief SAU, ang mga suspek na sina  Liu Shenshui,Deng Shuijin,Xiong Jinxiang,Xiong Jonpeng  ,Xiong Jilong,Luo Gen Jin, at Chen Yiguo, pawang Chinese nationals at mga turista  na kadarating lamang umano sa bansa.

Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong kidnapping at serious  illegal detention sa  Pasay City Prosecutors Office.

Ang pag-aresto sa pito ay matapos na magreklamo si Jian Shi Lun, kapatid ng biktimang si  Jian Shi Xin na dinukot ng mga suspek sa Okada Manila sa Paranaque City at dinala sa hindi alam na condominium, doon idinetine at sinaktan ng mga suspek.

Pinayagan umano ng mga suspek ang biktima na makatawag sa kanyang kapatid para  ipaalam ang kanyang sinapit na pinuwersa ito na magbayad ng P200,000.

Nag-ugat umano ang pagkidnap sa biktima matapos na umuwi sa China ang kanyang kaibigan na nangutang sa mga suspek na umano’y nagpi-finance sa casino.

Hindi umano nakabayad ang kaibigan ng biktima sa mga suspek  kaya siya ang kinuha para ma-pressure ang kaibigan nito na magbayad ng kanyang inutang sa mga suspek.

Sinabi ni De Guzman na kinasuhan ang mga suspek dahil wala naman utang sa kanila ang biktima pero kinidnap nila ito.

 

 

 

 

 

Please follow and like us:
Read More