TAXI DRIVER HULI SA HOLDAP NG CHINESE NATIONAL

(NI KOI HIPOLITO) NAKORNER ng mga rumespondeng mga operatiba ng Intelligence Section at ng CCP Police Community Precint ng Pasay City police station sa isinagawang follow up operation ang isang taxi driver na suspek sa panghoholdap sa kanyang pasaherong Chinese national, Linggo ng madaling araw, sa kahabaan ng Macapagal Blvd.,Pasay City. Nakilala ang suspek na si Eric Icban, alyas ‘Aren’, 41, habang ang biktima naman ay kinilalang si Yang Qing, 21, nagtatrabaho bilang isang call center agent at pansamantalang residente sa 8th Flr. ng Aseana 3 BPO Bldg. Aseana Ave.…

Read More

2 PASAWAY NA CHINESE NATIONAL TIMBOG SA MAYNILA

(NI HARVEY PEREZ) KALABOSO ang  dalawang  Chinese national matapos  arestuhin dahil  sa pagmamaneho ng lasing , expired na registration ng sasakyan, walang driver’s license at pambabastos sa police officers, Lunes ng madaling araw sa Binondo, Maynila. Kinilala ng Manila Police District-Police Station 11, ang mga dayuhan na sina  Cai Fang Bin at Man-Man Chen. Ang dalawa ay inaresto matapos balewalain ang isang checkpoint sa C.M. Recto Avenue kanto ng Sanchez Street sa Binondo dakong alas-2:20 madaling araw. Sinabi ni MPD-PS 11 commander Police Lt. Col. Noel Aliño, ang mga suspek na…

Read More

CHINESE NATIONAL KULONG SA KINUPIT NA P1-M

(NI KOI HIPOLITO) ARESTADO ang isang Chinese national matapos itong ireklamo ng pagnanakaw na umaabot sa P1 milyon sa pinapasukan na kompanya sa Star Cruise New Port City, Pasay City, Lunes ng gabi. Nakilala ang supek na si Zheng Jiabin, 24, customer service sa Rivendell Global Support Inc., residente ng Cluster 3 9D Sarasota Condominium ng nasabing lugar sa Pasay City. Base sa report na ipinadala ng Villamor Police Community Precinct sa tanggapan ni Pasay City acting-chief of police PCol. Bernard Yang, inireklamo ni Yow Hong Peng na isang Malaysian…

Read More

3 CHINESE NATIONAL NAG-RAMBOL SA SOLAIRE

ARRESTED-2

(NI KOI HIPOLITO) HIMAS-REHAS ngayon ang tatlong Chinese national sa Paranaque City Police Station matapos arestuhin matapos mag-rambol sa loob ng loob ng Solaire Bay Tower Hotel and Casino sa Aseana Entertainment City, Paranaque City, Linggo ng hatinggabi. Nakilala ang mga suspek na sina  Pan Yubo, Xiao Yetian, at Xiao Jianhua, mga pansamantalang nakatira sa Room 639 ng nasabing hotel. Base sa inisyal na imbestigasyon, nag away umano sina Pan Yubo at Xiao Jinhua sa hallway ng hotel na nakatawag ng pansin sa ibang guest sa loob ng establisimyento at…

Read More

NAG-AWAY NG GF; CHINESE NATIONAL TUMALON SA BUILDING

crime44

(NI ROSE PULGAR) AGAW-BUHAY ngayon sa pagamutan ang isang Chinese national nang tangkain nitong magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ikaapat na palapag sa isang gusali  matapos silang magkatampuhan ng kanyang nobyang Pinay Biyernes ng madaling araw. Patuloy na nilalapatan ng lunas sa San Juan De Dios Hospital, ang biktmang si Yang Zhuang, 20, binata, empleyado ng isang online gaming customer service, tubong Jiling Province China at pansamantalang naninirahan sa no. 402 GG Cruz corner Airport Road, Baclaran nang nasabing lungsod. Ayon kay Police Colonel Rogelio Rosales Jr. hepe …

Read More

CHINESE NA UMIHI SA PADER, IPADEDEPORT

(NI JULIE DUIGAN) IPADEDEPORT ni Manila Mayor Isko Moreno ang isang dayuhang umihi sa pader at nanapak pa ng isang barangay tanod na sumita sa kanya sa Binondo, Manila, Linggo ng gabi. Ayon  sa alkalde susulat ito  sa Bureau of Immigration (BI) hinggil sa suspek na si Chito Villaluz Y Keng , at kung talagang holder ito ng foreign passport, ipadedeport niya ito. “Mayroong isang Chinese national, umihi sa pader ng Maynila. Sinita ng tanod. ‘Di lang nagalit ang Chinese, sinapak pa ng Chinese national ‘yung tanod. Nakarating sa akin,” anang alkalde sa isang…

Read More

IPINOSAS SA KAMA, CHINESE NATIONAL NA-RESCUE  SA MAKATI

(NI NICK ECHEVARRIA) NASAGIP ng mga elemento ng CIDG-National Capital Region na nakabase sa Eastern Metro Manila at PCP 3, ng Makati City Police Station, ang isang  Chinese national mula sa kanyang mga kidnappers sa Ermita Building, Batangas St., corner Uruguay St., Brgy. San isidro Makati City, Huwebes ng gabi. Kinilala ni P/MGen. Amador V. Corpus, director ng CIDG, ang nailigtas na biktima si Jiang Fan Li, 22, mula sa umano’y mga suspek na dumukot ditong sina Lee Arvin Lisboa  Apostol at Brian Alit Requintina. Sa report na nakarating sa Camp…

Read More

RAMBOL SA LABAS NG BAR: 4 CHINESE HULI

arrested124

(NI ROSE PULGAR) ARESTADO ang apat na Chinese national nang pagtulungang gulpihin ang tatlong Pilipinong customer at binasag pa ang salamin ng bintana ng isang sasakyan sa labas ng isang bar sa Las Pinas City, Miyerkoles ng madaling araw. Nahaharap sa kasong physical injuries at malicious mischief ang mga suspect na sina ID Tian, 30; Li Hua, 23; Xia Chen, 26; at Zhao Zhoog Bao, 34, pawang Chinese national at residente sa Alabang Studio City, Muntinlupa City . Kinilala ang mga biktima na sina Joel Caguiat, 43,may asawa, scuba diver…

Read More

CHINESE  NANGGIGIL SA DIBDIB NG BEBOT, KALABOSO 

arrest21

(NI ROSE PULGAR) ARESTADO ang isang Chinese national matapos manggigil at hindi napigilang dakmain ang malusog na dibdib ng isang babaing nakasabay nito sa elevator sa isang hotel sa Pasay City Lunes ng gabi. Kinilala ni Police Colonel Bernard Yang , hepe  ng Pasay City Police ang suspect na si Xin Yinbo, 26,  pansamatalang nanunuluyan sa room 204 ng isang hotel sa Roxas Boulevard. Batay sa reklamo ng biktima na itinago sa pangalang  “Rose”,  dakong alas-8:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng elevator ng naturang hotel. Ayon sa biktima, lasing…

Read More

AUSSIE DINUKOT NG CHINESE NATIONALS SA AIRPORT, NASAGIP

kidnap22

(NI JG TUMBADO) NAILIGTAS ng mga operatiba ng PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) sa ikinasang operasyon ang isang Australian national na dinukot ng isang grupo ng Chinese nitong May 27 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1. Batay sa report kay Police Lt. Col. Elmer Cereno, tagapagsalita ng PNP-Anti Kidnapping Group, nasagip ng kanilang operatiba si Jianting Chen nitong gabi ng May 28 matapos mamataan ang isa sa mga suspek sa entrance ng Resorts World Casino sa Pasay City. Nabatid na may utang na P500,000 ang biktima sa isang grupo…

Read More

2 TAXI DRIVER NA NAMBIBIKTIMA NG CHINESE TIMBOG

ARRESTED-12

(NI DAVE MEDINA) ARESTADO ang isang taxi driver at kasabwat nito  na sinasabing kasama sa grupo na nambibiktima ng mga Chinese national. Ang pagkakadakip sa suspek ay dahil sa maagap na mga barangay officials at resulta ng manhunt operation na isinagawa ng mga operatiba ng Ayala Police Community Precinct 5, Makati CPS, SPD  bandang alas-2:00 ng madaling araw ng Martes sa Baliuag Transit, Edsa, Cubao, Quezon City. Kinilala ang nahuling mga suspek na taxi driver na sina  Fredelino Almirante Amido, 43, nakatira sa 84-A Kapayapaan St., Bagong Barrio, Caloocan City…

Read More

CHINESE KULONG SA ‘DI MABAYARANG P6-K SERBISYO NG SPA

arrested134

(NI ROSE PULGAR) ARESTADO ang isang Chinese national matapos maghari-harian sa loob ng isang spa at mabigong bayaran ang malaking halaga ng nakonsumong pagkain at serbisyo Huwebes ng gabi, sa Paranaque City. Kinilala ni Police Colonel Rogelio Rosales, hepe ng Paranaque City Police, ang nadakip na suspect na si Xie Bi, 35, pansamantalang nanunuluyan sa C.O.D. Mania, Barangay Tambo nang nasabing lungsod. Lumalabas sa imbestigasyon, inakala umano ni Keno Acapulco, tagapamahala ng Golden Age Spa na nasa Barangay Tambo sa naturang lungsod na may kakayahang magbayad si Xie Bi, sa…

Read More

CHINESE NA PUMATAY SA MAG-UTOL, NAG-SUICIDE

crime12

(NI JULIE DUIGAN) MAKALIPAS lamang ang ilang oras matapos umanong patayin ang magkapatid na Chinese sa loob ng condominium sa Quiapo, Maynila, nagpakamatay umano ang Chinese ring suspect sa takot sa ginawang krimen. Nagpapatrulya umano ang mga tanod sa panulukan ng Avenida Riza at Remegio St., sa Sta. Cruz, Maynila nang mamataas na nilalaslas ng suspect ang kanyang pulso. Dito na umano isinugod sa  Jose Reyes Memorial Medical Center upang malunasan, ngunit habang nasa emergency room ay tumakbo umano ang suspek patungo sa terasa ng ikalimang palapag ng pagamutan at…

Read More

BOOBS NG DALAGITA DINAKMA; CHINESE NATIONAL KULONG

arrested12

(NI KOI HIPOLITO) KALABOSO ang isang Chinese national na lango sa alak matapos itong mambastos at mangmolestiya ng isang menor de edad na babae nitong alas-11:45 ng gabi ng Biyernes sa Tower B, Shell Residences, Mall of Asia Complex, Pasay City. Kinilala ang suspek na si Jihua Yang, 31, pansamantalang residente sa1150  D ng nabanggit na condominum, habang ang biktima naman ay si alyas Maria, 17, residente ng Sto. Niño St.,West Cupang, Alabang Hills Muntinlupa City. Batay sa ulat ng Pasay City Police Station kasalukuyang nasa lobby ng naturang condominium…

Read More

18 CHINESE NATIONAL HULI SA ONLINE GAMBLING

chinese12

(NI JULIE DUIGAN/PHOTO BY KIER CRUZ) BINITBIT ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division (NBI-CCD), ang 18 Chinese national na sangkot sa iligal na online gambling sa isinagawang pagsalakay sa isang gusali noong Marso 18 sa Angeles City. Iprinisinta ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin ang mga naaresto sa tanggapan ng  Royal Priggish International Development Corp. na matatagpuan sa 3rd floor ng Saver Mall Bldg., Mc Arthur, Highway Balibago, Angeles City. Ang raid ay isinagawa sa bisa ng search warrant na inisyu ng Capas, Tarlac RTC, Branch 66.…

Read More

2 BARIL NASAMSAM SA CHINESE NATIONAL SA MAKATI HOTEL

gun12

(NI DAVE MEDINA) ARESTADO ang isang Chinese national makaraang isumbong sa pulisya dahil sa paglalaro ng baril sa loob ng hotel, Miyerkoles ng umaga, sa Makati City. Kinilala ang suspek na si Sun Xiao Fan, 31, nanunuluyan sa Unit 808, 131 HV Dela Costa St. Salcedo Village Makati City. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na ang suspek ay tenant ng Grand Soho hotel na dakong alas 9:00 ng umaga ay humingi ng maintenance personnel o electrician na mag-aayos ng electrical circuit sa kanyang unit na nag-malfunction. Nang makarating sa kaalaman ng electrician…

Read More

CHINESE HULI SA PANGHIHIPO SA 3 BABAE

tsekwa12

MATAPOS mag-viral at makulong ang babaeng nambuhos ng mainit na taho sa pulis na nagbabantay sa MRT3 Boni Avenue Station, isa na namang Chinese national ang inireklamo at nakakulong ngayon dahil sa pambabastos at panghihipo sa tatlong babae sa Pasay City. Hindo pinalagpas ng isang ina ang insidente sa kanyang anak na babae kasama ang dalawa nitong kaibigan habang nasa isang themed park sa Pasay City. Agad inaresto ang suspect na si Zhang Yang, 19, empleyado sa isang online casino, na inireklamo ng paghihipo sa maseselang bahagi ng katawan ng…

Read More

PULIS NA SINABUYAN NG TAHO SA MRT PINARANGALAN

cop1

 (NI NICK ECHEVARRIA) BINIGYANG parangal ngayong umaga kasabay ng flagraising ceremony sa Camp Crame ng liderato ng Philippine National Police si P01 William Cristobal, ang pulis na sinabuyan ng taho ng isang babaeng Chinese national noong Sabado sa MRT. Personal na isinabit nina PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde at secretary Bong Go ang commendation medal sa nabanggit na police officer. Hinangaan naman ni NCRPO Director Guillermo Eleazar ang ipinakitang pagiging mahinahon ni Cristobal sa harap ng pambabastos na ginawa sa kanya ng dayuhang Chinese na aniya’y maituturing na isang…

Read More

P1.9-B SHABU NASAMSAM; 2 CHINESE PATAY

shabu400

(NI DAVE MEDINA, JESSE KABEL, ROSS CORTEZ) NASAKOTE ng Phillipine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P 1.9 bilyong halaga ng shabu at humigit kumulang sa 274 kilo, sa isang buy bust operation sa Barangay Amaya 1,  Anterio Soriano Highway, Tanza Cavite Linggo ng alas-4:00 ng hapon. Magkasanib ang isinagawang operasyon ng PDEA 4A na pinamumunuan ni DIR 3 Adrian G Alvarino,  PDEA IIS sa  liderato ni Dir 2 Jigger Montallana, PDEA NCR na pinamunuan ni DIR 3 Joel Plaza, sa koordinasyon sa ISAFP, Task Force Noah, NISF, at PNP sa…

Read More

12 PANG CHINESE NATIONAL HULI SA ONLINE GAMBLING

online

LABING-DALAWANG Chinese national pa ang inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation dahil sa pagkakasangkot sa illegal online gambling sa Pampanga. Ito ay makalipas ang isang linggo matapos maaresto rin ang 15 Chinese national na inakusahang bahagi sa illegal online gambling sa Maynila at Pampanga. Nilusob ng mga operatiba ang bahay ng umano’y illegal online gambling operator sa Trinidad Village, Barangay Calibutbut, Bacolor, Pampanga. Ang pagsalakay ay base sa intelligence report na nakuha ng NBI Cybercrime Division na nagsasabing illegal na nagsasagawa ng operasyon ang mga Chinese. Nabawi…

Read More