ARANETA, 2020 OLYMPICS CHEF DE MISSION

(NI ANN ENCARNACION)

ISANG dating atleta na naging national football striker ang magsisilbing chef de mission ng Team Pilipinas na sasabak sa 2020 Tokyo Olympic Games.

Ito ay matapos  italaga sa naturang posisyon ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang pangulo ng Philippine Football Federation (PFF) na si Mariano “Nonong” Araneta Martes ng umaga.

Inihayag mismo ni Tolentino ang pagkakapili kay Araneta sa harap ng 35 pangulo ng national sports associations (NSAs) sa isinagawang POC general assembly sa Diamond Hotel.

Unang  pagkakataon na uupo sa mataas na puwesto si Araneta na dating miyembro ng national football team noong 1975 hanggang 1985. Naglaro rin siya sa youth team ng Barotac Nuevo at University of the Philippines.

Naging miyembro rin siya ng U-Tex, CDCP at Philippine Air Force squad noong 1977 at 1983 Southeast Asian Games. Kabilang din siya sa 1983 squad na naglaro sa Asian football qualifiers para sa 1984 Summer Olympics.

Optimistiko si Araneta na magiging mabunga ang kampanya ang Pilipinas sa kada apat na taong torneo kung saan huling nakapag-uwi ng medalyang pilak ang weightlifter na si Hidilyn Diaz sa Rio De Janeiro.

Binalewala ni Tolentino ang naging tradisyon na sa POC na ang ikalawang vice president ang itinatalagang CDM sa Olympics.

“I didn’t expect,” ani Araneta sa kanyang bagong posisyon. “Anyway, whatever assignment that is given to us, we have to do our responsibility.”

 

Please follow and like us:
Read More

NAGBAGO NG ISIP; SEA GAMES CHEF DE MISSION TINANGGAP NI RAMIREZ

psc12

(NI ANNE ENCARNACION)

MATAPOS tanggihan nitong Martes, Miyerkoles ay nagbago ang isip ni Philippine Sports Commission (PSC) chair William “Butch” Ramirez at tinanggap na ang posisyon bilang chef de mission ng 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

“Last night, I was given firm instructions which I shall carry out, knowing beyond any doubt that national interest is primary concern of government, and should be of all,” paliwanag ni Ramirez sa press conference kasama sina Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas, POC Communications Director Ed Picson, Deputy Secretary General Karen Tanchangco-Caballero at representante ni Executive Secretary Salvador Medialdea na si Undersecretay Kim Raisa Uy.

“I humbly accept the Chef de Mission post for Team Philippines 2019 Southeast Asian Games participation. I accept the challenges of the CDM position, aside from the instructions of my bosses, is to heed the call for help of the Philippine Olympic Committee. As the sports government, we show our readiness to step in, to help in the capacity being requested and if possible, mediate to make unity happen,” dagdag niya.

Nakialam na ang Malakanyang sa gulo sa Philippine sports lalo’t ilang buwan na lang ay sisimulan na ang SEAG na ihohost ng bansa.

“ I always say there is no perfect organization. To one problem, there are different solutions presented by different people. Imperfect as it is, there should always be a balance between mind and heart or chaos ensues. Leaders are bound by duty to perform their tasks. We at the Philippine Sports Commission, being public workers, are bound by duty to deliver, the situation around us notwithstanding,” sabi ni Ramirez, na nanawagan ng pagkakaisa ng lahat para sa ikatatagumpay ng 30th SEA Games.

Please follow and like us:
Read More