NA-CHECKPOINT: BARIL, P4-M CASH SA BODYGUARD NG KAPA FOUNDER

(NI KIKO CUETO)

DAVAO CITY — Inaresto ng mga pulis ang isang lalaki na umano’y bodyguard ni Kapa founder Pastor Joel Apolinario.

Nakuhanan ng baril at mga bala sa checkpoint ng Task Force Davao at Bunawan Police Station habang papasok ng Davao City si Edilberto Naupan, 44, ng Bislig, Surigao del Sur.

Nagprisinta naman ito ng dokumento para sa kanyang dalang baril.

“Wala siyang maipakitang papeles sa dalang baril. Nang i-check natin ang kanyang sasakyan nakuhanan din ito ng mga bala at maraming pera. Nagpakilala rin siyang bodyguard ni Kapa founder Pastor Joel Apolinario,” ayon kay Police Major Noel Villahermosa, station commander ng Bunawan Police Station.

Nakuha naman sa kanyang sasakyan ang 13 bala ng .45 kalibreng baril, limang box na may lamang 77 piraso ng bala ng .22 long rifle.

May dala ring walong bundle na tig-P500,000 si Naupan na nagkakahalaga lahat ng P4 milyon.

Sa report, sinabi umano ni Villahermosa, na ang pera ay ‘pay out’ di umano ni Naupan ang nasabing pera mula sa KAPA investment scheme.

Nanubok din ang suspek na bayaran ng P6,500 si Police Corporal Alicer Cañete para hindi na siya hulihin.

Nasa kustodiya na ng Bunawan Police Station ang suspek.

Inaalam din ng Bunawan Police sa National Bureau of Investigation (NBI) Region XI kung kasama si Naupan sa mga kinasuhan ng kasong syndicated estafa.

 

Please follow and like us:
Read More

3 BABAENG REBELDE, LAGLAG SA CHECKPOINT

cppnpa12

(NI ANNIE PINEDA)

LAGLAG ang tatlong babaeng kasapi ng New People’s Army (NPA) at isa pa, sa inilatag na checkpoint ng mga sundalo, sa magkahiwalay na lugar sa probinsya ng Cagayan.

Kinilala ang mga nadakip na sina Violeta Ricardo, alyas Ka Issa, Deputy Secretary ng Northern Front Committee, pinuno rin ng Regional finance ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley; Cristina Miguel Garcia, alyas Ka Senyang, staff Regional Operation Department ng Kilusang Guerilla Cagayan Valley at Delailah Padilla, alyas ka Domsay, Education Staff Squad Dos, ng Northern Front.

Habang dinakip rin si Carol Garcia dahil sa obstruction of justice dahil sa pagtangging isuko si Padilla.

Ayon sa 5th Infantry Division Philippine Army, inabot ng isang buwan ang ginawang pagmomonitor sa mga suspek ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at military na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito sa Naddungan Gattaran, Cagayan at Leonarda, Tuguegarao City.

Nabatid, na si Ka Issa ay nahaharap sa dalawang kaso ng murder, isang frustrated murder at rebelyon na may patong sa ulo na P2.4-milyon.

Habang si Senyang ay naharap sa tatlong bilang ng murder, frustrated murder, qualified assault upon an agent in authority with murder habang si Ka Domsay ay nahaharap sa kasong murder at robbery with murder at may patong sa ulong P700,000.

Ang mga nadakip ay nasa listahan ng mga most wanted na mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

 

Please follow and like us:
Read More

EX-ARMY NASABAT SA ARMAS, GRANADA SA CHECKPOINT

(NI DONDON DINOY)

DAVAO CITY–Isang dating sundalo ang hinuli ng mga otoridad matapos maharang sa isang checkpoint na may dala-dalang armas at eksplosibo sa Provincial Road sa Purok 3, Barangay Madaum, Tagum City noong Huwebes ng umaga.

Ayon kay Police Brigadier General Marcelo Morales, director sa Police Regional Office-Davao, dakong ala 1:00 ng madaling araw, nang magsagawa ng checkpoint ang Tagum City Police Station at Regional Mobile Force Battalion-Davao bilang area security.

Kinilala ang suspek na si Tersie Jones Galit Besire, 41, dating miyembro ng Armed Forces of the Philippines, ng Pilar Village, Barangay Apokon, Tagum City.

Nagmamaneho ang suspect nang motorsiklo nang sitahin.

Nakuha mula sa suspek ang isang Colt MK IV caliber .45 pistol at magazine na na may lamang limang bala.

Naaresto rin ang angkas sa motorsiklo na isang Jubail Maraug Cabaguio, 21, ng Purok 1A, Barangay Madaum, Tagum City at nakuha mula rito ang isang Colt Government Model caliber .45 pistol na may magazine na lamang ang pitong bala.

Narekober din ng mga pulis sa loob ng utility box ng kulay itim na Honda XRM 125 ang isang MK2 fragmentation grenade.

Walang maipakitang armas ang dalawa nang siyasatin.
Agad inatasan ni Morales si Davao del Norte Police Provincial Office Director Ranie Hachuela na magsagawa ng background check sa identipikasyon ng mga suspek kung bakit armado ang mga ito.

“Gusto kong malaman ano ang mga motibo nitong dalawa sa pagdadala ng mga baril at granada, lalo pa at walang itong mga permit to carry. Nevertheless, our fight against criminality continues. In fact, more intensified. With the recent bombings in our nearby provinces, we do not want to be complacent with our security measures. We have to be 24/7 alert, and we will conscientiously perform our job,” ani ni Morales.

Kasong paglabag sa Republic Act (RA) 10591 (Illegal Possession of Firearms and Explosives) at RA 9516 ang inihanda ng Tagum City Police Station laban sa mga naaresto.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI SA BOMB JOKE ARESTADO SA CHECKPOINT 

NI DONDON DINOY

DAVAO CITY–Inaresto ng pulisya ang isang mangingisda na nagbirong may dalang bomba at mga armas kung kaya’t hinuli sa checkpoint ng Task Force Davao sa Brgy. Sirawan, Toril, Lunes ng gabi.

Ang suspek ay kinilalang si Raymond Santosidad, 44, residente ng Gutierrez Village sa Brgy. Sirawan.

Sa imbestigasyon ng Toril Police Station, sinasabing iniinspeksyon ng TF Davao ang isang Mindanao Star Bus mula sa General Santos City, kung saan lulan ang suspek.

Sinita umano ng TF Davao ang suspek kung ano laman ng dalawang baldeng dala nito na may mga damit sa ibabaw ngunit sumagot ito na may dala siyang bomba at mga armas.

Ayon sa suspek nagbibiro lamang siya sa mga sundalo at mga pulis ngunit hindi nito alam na isa itong paglabag sa Presidential Decree 1727 (Anti-Bomb Joke Law).

Ngunit, mas swerte ang suspek dahil di na umano itutuloy ng mga otoridad ang kaso matapos mapag-alamang isa itong “person with disability.”

Nagpaalala na rin ang mga otoridad sa publiko na iwasang gumawa ng bomb joke dahil makapagbibigay ito ng alarma sa publiko at haharapin nila ang kaso ng Anti-Bomb Joke Law.

Sa ngayon ay mahigpit na ipinatutupad ang maraming checkpoint sa buong Davao dahil sa isang buwan na pagdiriwang ng Kadayawan sa Davao kung saan maraming aktibidad ang ginagawa sa sentrong parte ng lungsod.

 

Please follow and like us:
Read More

CHECKPOINT DINEDMA; 3 PATAY SA PULIS

(NI JG TUMBADO)

UTAS ang tatlong lalaki matapos makipagbarilan sa mga pulis sa lalawigan ng Abra.

Ayon kay Police Col. Alfredo Dangani, Provincial Director ng Abra, naganap ang engkwentro alas 2:00 ng madaling araw ng Huwebes sa Zone 7, Baranggay Anggad, Bangued, Abra.

Haharangin ng mga pulis na nagmamantine sa checkpoint ang papalapit na isang tricycle pero sa halip na huminto ay tumakas ang mga sakay nito patungo sa Barangay Cosili.

Hinabol ng mga pulis ang tatlong suspek na nauwi sa running gunbattle ang hot pursuit operation hanggang sa mapatay ang mga ito.

Tinutukoy pa rin ng pulisya ang pagkakakilanlan sa tatlong napaslang na lalaki at inaalam na rin kung may grupo ba silang kinabibilangan.

Please follow and like us:
Read More

ANAK NG EX-MAGUINDANAO GOV, 4 PA PATAY SA CHECKPOINT

north cotabato 12

COTABATO CITY – Napatay ang anak ng dating Maguindanao Governor Norodin Matalam at apat pang iba sa isang checkpoint, Biyernes ng gabi sa Barangay Inug-ug, Pikit, North Cotabato.

Lulan ng kanyang Nissan Patrol van ang napatay na si Datu  Hashim Matalam kasama ang apat na  iba pa nang harangin sa checkpoint, ayon kay Wesmincom Commander Lt. General Cirilito Sobejana.

Isang engkwentro na umano ang naganap nang sa halip huminto ay agad nakipagbarilan ang grupo ng nasawi sa mga namamanman na sundalo sa naturang lugar.

Kinumpirma naman ng mga kaanak na anak ni Norodin Matalam, dating governor ng Maguindanao at mayor ng Pagalungan sa Maguindanao, ang nasawi.

Sinabi ni Brig. Gen. Alfredo Rosario na naghihigpit sa naturang lugar matapos ang sunud-sunod na engkuwentro sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa kalapit lugar dahil sa nagaganap na clan war o Rido.

Nabawi sa mga nasawi ang high-powered firearms at granada sa loob ng sasakyan.

Please follow and like us:
Read More

2 PUMATAY SA CAMPAIGN LEADER TODAS SA CHECKPOINT

quezon123

(NI JUN V. TRINIDAD)

LUCENA CITY – Todas ang dalawang suspek sa pagpaslang sa lider ng isang kandidatong mayor matapos na makipagbarilan umano ang mga ito sa police checkpoint sa bayan ng San Andres, Quezon, noong Sabado.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan sina Jebby Oro Sr. at isang alias “Lando” pagkatapos na makipagratratan ang dalawa sa mga alagad ng batas na nakadeploy sa checkpoint sa Barangay Tala bandang 12:30 ng tanghali, ayon sa report ni Police Major Elizabeth Capistrano, Quezon police public information officer.

Nagsasagawa ng follow-up operation ang mga operatiba nang maispatan ng mga ito si Oro at tinugis ito sakay sa kanyang motorsiklo kasama si Lando na siyang back-rider.

Nasalabat ang dalawa sa checkpoint subalit sa halip na isuko ang kanilang sarili sa mga pulis ay dumukot ng baril ang mga ito at nakipagpalitan ng mga putok.

Tinamaan ang isang pulis subalit hindi napuruhan dahil sa suot na bulletproof vest.

Isinugod sa San Andres Rural Health Center ang mga sugatang suspek subalit hindi na sila umabot nang buhay sa nasabing pagamutan.

Narekober ng mga imbestigador ang isang caliber .9mm pistol na may pitong bala sa magazine at isang paltik na shotgun na may isang bala mula sa mga napaslang na suspek.

Sa report ay kinilala si Oro na siyang primera suspek sa pagpatay kay Edgardo Paradero. Ayon sa pulisya, kinadyot ni Oro nang sunud-sunod na saksak si Paradero noong Mayo 1 sa Barangay Talisay.

Si Paradero ay isa umanong lider sa pangangampanya ni Atty. Giovannie Lim, isang kandidatong mayor sa San Andres sa  Bondoc Peninsula district.

 

Please follow and like us:
Read More

CHECKPOINT INARARO NG TRUCK; 1 PATAY, 20 SUGATAN

accident12

(NI JG TUMBADO)

ISA ang patay habang 20 ang sugatan nang araruhin ng isang ten wheeler truck ang checkpoint at kumarambola sa iba pang sasakyan sa Carmona, Cavite.

Binawian na ng buhay ang isa sa dalawa katao na malubha ang kondisyon matapos ang aksidente sa Carmona Cavite.

Nakilala ang babaeng namatay na si Jennifer Castillon, 30, ng Barangay Milagrosa, Carmona, Cavite, ayon kay Police senior Master Sergeant Wilbert Dagami, ng Carmona Municipal Police.

Hindi na ito umabot nang buhay sa Perpetual Biñan Hospital ngunit  hindi na nito kinaya ang tindi ng tinamong pinsala sa kanyang katawan at tuluyang nasawi.

Dagdag pa ni Dagami, hinihintay pa ang pamilya ng isa pang kritikal na si Dennis Danglo para mailipat na sa mas malaking ospital habang patuloy pa ding nagpapagaling ang iba pang mga nasugatan.

Batay sa impormasyon mula kay Police Major Rommel Carcellar, hepe ng Carmona Police, aabot sa pitong sasakyan ang sangkot sa karambola.

Lumalabas na isang six-wheeler truck ang umararo sa iba pang mga sasakyan na nadaanan nito matapos mawalan umano ng preno.

Nangyari ang aksidente sa isang checkpoint sa tapat ng Police Community Precinct sa Carmona. Nadamay din sa insidente ang police mobile ng Carmona Police.

Naisugod na sa ospital ang mga biktima habang nagpapatuloy ang pagsisiyasat ng aksidente.

Please follow and like us:
Read More

PULIS SINAGASAAN NG BGY KAGAWAD SA CHECKPOINT

CHECKPOINT by AJ GOLEZ)

(NI NICK ECHEVARRIA)

SUGATAN ang nagmamandong pulis nang masagasaan ng humaharurot na motorsiklo na hindi huminto sa isang checkpoint sa Naga City, Sabado ng gabi.

Nakilala ang biktima na si P/Cpl. Christopher Agawa, 35, nakatalaga sa Police Station (PS)2, Naga City Police Office (CPO).

Kinilala naman ng pulisya ang suspect na umano’y isang barangay kagawad na si Mark Bien, ng Molave St., Mac Mariano Village, Balatas, Naga City.

Sa report na natanggap ng CPO, habang nagsasagawa ng Comelec checkpoint sa Bgy. Balatas bandang alas-6:00 ng gabi, isang itim na motorsiklo na walang plate number at patungo sa Mayon Extn. Dayangdang ang  pinara ng biktima para sa beripikasyon.

Subalit sa halip na huminto lalo pang pinaharurot ng driver ang  motorsiklo na nagresulta sa pagkakasagasa sa pulis. Tumilapon pa ang biktima sa sementadong kalsada habang mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na lugar.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang biktima. Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng follow up operation ang Naga CPO para sa ikadarakip ng suspek.

Please follow and like us:
Read More

NA-CHECKPOINT; BUSINESSMAN, 3 TAUHAN, HULI SA ARMAS, DROGA

pasay22

(NI LYSSA VILLAROMAN)

ISANG negosyante at talong kasamahan nito ang hinuli ng pulisya matapos makumpiskahan ng mga baril at  droga sa isang checkpoint Lunes ng gabi sa Pasay City.

Nakakulong ngayon sa Pasay City Police ang mga suspect na sina Abdullah  Tangote, 40, isang negosyante; Salikaya Panday, 27, isang family driver; Pahiz Mando, 28 at Aner Adam, 41, kapwa construction worker at pawang naninirahan sa Macaria Homes Subdivision, Brgy. Molino 2, Bacoor City, Cavite.

Ayon sa hepe ng Pasay City Police na si Sr. Supt. Noel Flores, ang apat na suspek ay nahuli dakong 10:05 Lunes ng gabi sa panulukan ng Lions Road at Taft Avenue, Brgy. 87, Zone 9 ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Flores nagkasa ang mga pulis ng isang check-pingoint sa nabanggit na lugar at namataan ng mga ito ang isang kahina-hinalang kulay itim na Mitsubishi Montero na may conduction sticker B2-L622.

Sinita ito ng mga pulis at sa isinagawa nilang search operation sa sasakyan ng mga suspect ay nakita nila ang isang kalibre .45, .9mm pistol at aksidente rin nilang na-recover sa mga ito ang anim na plastic sachet na pinaniniwalaang naglalaman ng shabu.

Sasampahan ang mga ito ng mga kasong paglabag sa Republic Act 10591 in relation to RA 7166 (Omnibus election Code) at  RA 9165 (Comprehensive Dangerous Acts).

 

 

Please follow and like us:
Read More

SAYYAF MEMBER PATAY NANG UMIWAS SA CHECKPOINT

abu7

(NI JG TUMBADO)

ISA pang Abu Sayyaf member ang napaslang ng mga awtoridad makaraang tumakas ito mula sa isang checkpoint sa bahagi ng Barangay Lapid-Lapid, bayan ng Bongao, Tawi-Tawi Miyerkoles ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Shaifful Julaili.

Batay sa nakarating na report sa Naval Forces-Western Mindanao Command, nakipag barilan si Julaili sa mga tauhan ng 29th Marine Company ng Marine Battalion Landing Team-9, 51st Special Action Force (SAF) ng PNP at Bongao Municipal Police Station na nagmamantine sa checkpoint sa nasabing lugar.

Habang papalapit ang suspek sa checkpoint ay doon bumunot ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad  dahilan para ito habulin at mapatay sa running gun battle.

Lumalabas na sangkot si Julaili sa ilang serye ng pagdukot sa Sulu partikular sa Tawi-tawi at Sabah.

Sinabi naman ng militar na mas pinaigting pa ang checkpoint operations para maiwasan ang anumang pag-atake sa ibat ibang bahagi ng Mindanao.

Please follow and like us:
Read More

2 POLICE AIDE NG PULITIKO HULI SA CHECKPOINT

escort6

(NI JG TUMBADO)

ARESTADO ang dalawang bagitong pulis dahil sa pagdadala ng baril na walang pahintulot mula sa Commission on Elections (Comelec) sa kalagitnaan ng nationwide gun ban sa Iligan City Martes ng hapon.

Mabilis na dinis-armahan at pinosasan ng kapwa nila pulis sina PO1 Johaimen Tomondong Mohamad at PO1 Rasid Arumpac Lambay; pawang nakatalaga sa Pantar Municipal Police Station ng Lanao Del Norte Provincial Police Office (LDNPPO).

Nabatid kay Supt. Surki Serenas, tagapagsalita ng Police Regional Office 10, dahil sa pinaigting na seguridad at checkpoint bunsod narin ng ginaganap na plebesito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Mindanao ang dahilan ng pagkaka-dakip sa dalawang pulis.

Sa inilatag na Comelec/police checkpoint sa bahagi ng C3 Road, Barangay Tomas Cabili sa Iligan City, alas 5 ng hapon nang parahin ng mga tauhan ng police station 2 ang isang sports utility vehicle (SUV) kung saan lulan ang isang pulitiko sa lugar.

Subalit nang masusing sinuri ang mga sakay sa sasakyan ay naispatan ng mga pulis na may dalang mga baril sina Mohamad at Lambay kung kayat agad silang pinababa sa sasakyan.

Dito na pala napag-alamang kapwa nila pulis ang kasama ng pulitiko at nagsisilbing escort nito.

Wala naman umanong naipakitang anumang dokumento partikular ang Comelec certificate for gun ban exemption at Comelec clearance to provide VIP security to a politician kaya inaresto na ang dalawang pulis.

Kabilang sa mga nakumpiska mula sa posesyon ng dalawang pulis ay ang isang M16 rifle, isang glock 17 9mm pistol, isang .45 pistol at isang MP5 automatic assault rifle.

Please follow and like us:
Read More

TANDEM TUMAKAS SA CHECKPOINT, PATAY

tandem

(NI ROSS CORTEZ)

PATAY ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng motorsiklo matapos umiwas sa nakalatag na Comelec checkpoint sa Barangay Salawag lungsod ng Dasmariñas Cavite, Linggo ng madaling araw.
Nagmamando ng Comelec checkpoint ang mga elemento ng Dasmariñas Component Police Station nang dumaan ang mga suspek na sakay ng iisang motorsiklo
Akmang hahabulin ng mga pulis ang mga suspek ngunit bago pa sila nakasakay sa police mobile ay pinagbabaril na umano sila ng mga suspek.
Dito na gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek, narekober sa crime scene ang motorsiklo at dalawang baril na gamit ng mga suspek
Inaalam na ngayon ng pulisya ang posibleng pagkakakilanlan sa mga ito.

Please follow and like us:
Read More

2 GRANADA DINALA NG 7-ANYOS SA CHECKPOINT

granada

POSIBLENG dahil sa takot na mabuking sila sa nakalatag na checkpoint, iniwan na lamang ng hindi kilalang lalaki ang natagpuang dalawang granada sa pulang bag sa ilalim ng footbridge sa Road 10 corner Capulong Street sa Tondo Biyernes ng gabi.

Isang 7-anyos na bata ang nakakita ng bag at nang buksan ito ay tumambad ang granada. Agad niya itong dinala sa mga pulis na nasa checkpoint.

Agad nilang tinawagan ang Explosives Ordnance Division ng Manila Police District (MPD) at napag-alamang isang rifle grenade at isang Mk 2 fragmentation grenade ang mga ito.

Pero dahil nasa loob ng biniyak na plastic bottle ang Mk 2 fragmentation grenade, minabuti ng EOD na pasabugin ito sa site sa pangambang baka wala na itong pin at sumabog kapag hinugot ito mula sa plastic bottle.

Nabatid na isang pasahero ng tricycle ang nag-iwan ng bag sa gilid ng kalsada nang maispatan ang checkpoint.

Sinabi ng pulisya na posibleng sa gang war gagamitin ang granada at hindi para gamitin sa pagsabog. Kasabay nito ay higit na pinaigting pa ang pagbabantay sa lugar.

Please follow and like us:
Read More

ROOKIE COP SINAGASAAN SA CHECKPOINT

CHECKPOINT by AJ GOLEZ)

(NI LUISA LEIGH NIEZ)

MALUBHA  ang isang tauhan ng Batasan Police Station 6 ng Quezon City Police District (QCPD) matapos  sagasaan  ng isang motorcycle rider sa Brgy. Payatas,  Huwebes ng gabi.

isinugod sa pagamutan ang isang tauhan ng Batasan Police Station (PS6) nang sadyang sagasaan sa check point ng motorcycle rider sa Brgy. Payatas, QC bandang gabi.

Kaagad namang nadakip  ang suspek na kinilalang si  Peter John Halog, 19,  ng No. 2 S Lucas St., Brgy. Payatas, QC.

Samantala ang biktimang si PO1 John Edison Arlan-Tan, ng   QCPD-PS6 ay agad na naisugod  sa East Avenue Medical Center (EAMC) nang mawalam ito ng  malay dahil sa  tinamong mga galos, at sugat sa katawan.

Base  sa report ni P/Supt. Joel Villanueva, hepe ng QCPDPS6, dakong bandang alas 11:30 Huwebes gabi nang mapadaan  ang motorsiklo ni Halog sa Comelec checkpoint sa Brgy. Payatas, QC.

Nang pigilin ni   PO1 Tan ang motorsiklo ng suspek, sa halip na  tumalima ay tumakas at sinagasaan ang pulis na nabuwal sa nasabing lugar.

Sa  himpilan ng pulisya, ay napag-alaman na walang lisensiya at helmet ang suspek.Sasampahan sa QC Prosecutors Office ng violation of Sec. 3 of RA 10054 ang suspect.

Please follow and like us:
Read More

3 DAY CHECKPOINT: 45 HULI, 47 ARMAS, 311 PATALIM NABAWI

CHECKPOINT by RAFAEL TABOY

(NI CARL REFORSADO/PHOTO BY RAFAEL TABOY)

UMAABOT na sa 45 katao ang naaresto habang 47 ibat ibang kalibre ng baril ang nasamsam sa unang tatlong araw mula ng simulan ang implemantasyon ng Commission on Election (Comelec) gun ban ng Philippine National Police para sa 2019 mid-term election simula noong Enero 1.

Base sa datos na ibinigay ng PNP National Election Monitoring and Action center (NEMAC), umaabot sa 6,264 na mga checkpoints ang inilatag sa iba’t ibang strategic area  sa buong bansa simula noong Martes ng madaling araw kung saan nakakumpiska din ng 311 mga patalim.

Nakapagtala naman ang PNP ng walong insidente ng election related violence na subject pa sa validation, anim sa mga ito ay sa Region 4-A (Calabarzon) habang dalawa naman sa  Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Nauna ng sinabi ng PNP Chief Director General Oscar Albayalde na ipagpatuloy lang ang pagpapadala ng mga resulta ng checkpoints sa mga Regional Officers.

Bukod sa checkpoints ay trabaho din ng PNP ang pagbuwag ng mga private armed groups, magbigay ng security sa mga kandidatong may mga banta sa buhay at pagsamsam ng mga loose firearms gayundin ang pagbuwag ng mga gun for hire groups.

Please follow and like us:
Read More

MOTORISTANG TINAKASAN ANG CHECKPOINT KALABOSO

MOTORISTA KALABOSO

(Ni JHAY JALBUNA)

KALABOSO ang suspek na si Ramil Bernardo Reyes matapos takasan ang mga pulis ng QCPD-PCP 2 ng PS3 sa isinagawang Comelec checkpoint alas-10:30 ng gabi (January 15, 2019) sa Mighty Mart, Shorthorn Brgy. Bahay Toro, Quezon City. Nakuha sa suspek ang isang sachet na hinihinalang shabu, foil, weighing scale at gamit nitong itim na Yamaha MIO (NA 10415).

Ayon sa otoridad, imbes na huminto sa checkpoint ay binirit pa nito ang motor para takasan ang mga pulis na sa kasamaang-palad ay bumangga sa kasalubong na tricycle kaya agad na naabutan nang humahabol na pulis.

Please follow and like us:
Read More

SHABU SA CHECKPOINT

CHECKPOINT by AJ GOLEZ)

(NI ROSS CORTEZ/PHOTO BY AJ GOLEZ)

NAGULAT ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo, nang makitang may nakalatag na checkpoint sa kanilang dadaanan sa Barangay Poblacion 1 bayan ng GMA, Cavite, Lunes ng pasado ala-1:00 ng madaling araw , tinangka nilang bumuwelta pabalik pero may advance party na pala ang pulisya at agad silang pinatigil.

Aligaga ang dalawang sakay ng kulay itim na motorsiklong walang plaka nang pababain ng mga pulis, hinanapan sila ng lisensya at mga kaukulang dokumento ng minamanehong motorsiklo, sa malas, bukod sa walang suot na helmet, wala ring naiprisintang mga dokumento ang mga suspek na sina Francisco Rayses at Henrick Alix.

Dito na sila kinapkapan ng pulisya at nakuhanan sa bulsa ng ilang pakete ng hinihinalang shabu, kalauna’y nabatid rin na ang driver ng motorsiklo na si Rayses, ay under surveillance pala ng Drug Enforcement Unit ng GMA MPS.

Nahaharap ngayon sa patong patong na kasong paglabag sa RA 9165 at Land Transportation Code of the Philippines ang mga naarestong suspek.

Please follow and like us:
Read More

TRIKE DRIVER NASAMPOLAN SA COMELEC CHECKPPOINT

checkpoint

(NI FRANCIS ATALIA/PHOTO BY JULIUS CARBO)

NASAMPOLAN ang isang tricycle driver sa unang arangkada ng Comelec checkpoint sa New Panaderos St., Sta. Ana, Maynila.

Nahuli sa driver ang dalawang sachet na hinihinalang shabu sa checkpoint ng Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng pagsisimula ng election period.

Kahina-hinala umano ang ikinikilos ng driver dahil nang pahintuin ng Sta. Ana Police ay nanginginig ito.

Nang hingian ng lisensiya at inspeksyunin ang pitaka ng driver ay tumambad ang dalawang sachet ng shabu. Todo tanggi naman ang driver na sa kanya ang mga shabu dahil iniabot lamang ito ng kanyang pasahero kasama ang bayad.

Ayon kay NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, malaki ang maitutulong ng checkpoints ng Comelec hindi lamang sa halalan kundi maging sa pagsugpo sa krimen.

Please follow and like us:
Read More