TSERMAN ‘IMPORMANTE’ NG MILITAR,  ITINUMBA NG NPA

leyte12

(NI JG TUMBADO)

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng apat na hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang kapitan ng barangay sa bayan ng Hilongos sa probinsya ng Leyte.

Nakilala ang biktima na si Juan Loquisa, 43, ng Barangay San Antonio na dead on the spot sa lugar bunsod ng dalawang tama ng bala sa kanyang ulo.

Batay sa inisyal na report ng Hilongos Municipal Police, kasama ng biktima ang kanyang biyenan at dalawa pa nang isagawa ang pagpaslang kay Loquisa sa labas ng bahay nito Huwebes ng hapon.

Bago tumakas ang mga suspek ay sinabihan ng mga ito ang kasamahan ni Loquisa na sila ay miyembro ng NPA at napag-utusang patahimikin ang punong barangay bilang ganti dahil sa umanoy pagiging isang impormante nito ng militar.

Kaugnay nito ay kinondena naman ni General Lope Dagoy, ang commanding officer ng 802nd Infantry Brigade na nakabase sa Ormoc City ang pagpaslang kay Loquias.

“We are calling the people to stand and fight the inhumane, senseless, and brutal actions of this organization (NPA). Do not let this brigands run fear in our community,” pahayag ni Dagoy.

 

Please follow and like us:
Read More

ELIZABETH OROPESA PERFECT REPLACEMENT BILANG MTRCB CHAIR!

elizabeth12

(NI GEORGE VAIL KABRISTANTE)

UNANG nagmarka ang talento ni Elizabeth Oropesa sa classic film ni Direktor Celso Ad Castillo “Ang Pinakamagandang Hayop Sa Balat Ng Lupa” na  parehong pinagbidahan ng former beauty queens, Miss Universe Gloria Diaz at Miss Luzon of the Miss Republic of the Philippines  Elizabeth Oropesa whose father is a native American.

Si La Oropesa was recently sent to  Udine Int’l. Filmfest (Italy)  ng Film Dev’t. Council of the Phil. (FDCP) para magsalita tungkol sa kondisyon ng film industry ng bansa kung saan ipinalabas din ang internationally-aclaimed film “Si Chedeng At Si Apple.” Reunion project din nila ito ni Gloria Diaz. Parehong walang kupas.

Multi-awarded si Elizabeth sa lahat ng award-giving bodies, name it. Naging Grand Slam Best Actress winner pa siya sa “Bulaklak Ng Maynila.”

Bilang isang Doctor of Naturopathy practitioner, si Dr. Oropesa na isang Ph.D. holder din  ay respetado  sa komunidad ng mga  elite  herbalist at alternative medical doctor dito at sa ibang bansa.

Sa Junio 24-25 nahirang siya bilang isang keynote speaker sa  “1st Nat’l. Tamayo’s Agro Conference” na isasagawa sa Riverside Resort, Salitran 2, Dasmarinas, Cavite. Big time if you ask me addressing well-known and respected names in the science of alternative medicine .

Ang tema nito ay “Preventive Healing Thru Spiritual & Natural Ways” na tatalakayin ng mga expert   in the field, namely Dr. Jose Oclarit, Dr. Lorcelie B. Taclan, Engr. Max Bulilan, Dr. Bobby M. Brimon,  Joyce B . Matira and Dr. Janet C. Pascual. Sa mga interesado tumawag lamang sa mobile phone: 09214822885.

Si Dr. Sevillo B. Tamayo ang organizer nito. He owns Veggie Agro Products Distribution Corp. at dahil dito  elevated siya ng Guinness World Records bilang “Muriatic Acid-Drinking Man of the World.|”

May implikasyon ito sa kanyang discovery to neutralize the fatal incursions of acid in the human body tulad ng acid reflux at iba pang age-related diseases.

Sa pribadong buhay si La Oropesa ay underwater photographer, licensed search and rescue diver  at  high-valued  painter  na may sariling gallery  sa No. 9 Dunhill St.,  East Fairview, Q.C.

She owns Maranatha Alternative Medical Center for holistic healing and therapy,  board member ng Aids Advocacy at DOT Tourism ambassador din ng Bicol province.

She has served as Film Dev’t.  Council of the Phil. board  member.

Bago pa man naiupo ang current Chairman ng MTRCB na si Arenas, ang pangalan ni Elizabeth Oropesa ay nai-float na sa industriya as a favorite replacement ng outgoing MTRCB Chair noon.

Nakatatlong taon na si Arenas sa pwesto at ang kanyang term ay wanting so much in impact and innovation. She has remained so unobtrusive for comfort.

Pati simpleng  pag-deputize ng  MTRCB member  ay napaka-random and indiscriminate. Ako nag-apply rejected. Buhkeet? ( Explain mo nga Njel De M. at Tessie Villarama?).

I think it’s time this Arenas should step down. Enough already. For three years, Arenas has not shown substantial achievement worthy of emulation.

She should give way to Elizabeth Oropesa who is also a number one fan and supporter of Pres. Rodrigo Duterte through and through.

Of course La Oropesa is more than qualified than Arenas who is an irrelevant industry outsider, a pesky fly in an ointment, di ba KC?

Please follow and like us:
Read More

ESTUDYANTE HUMINGI NG TULONG SA TSERMAN, BINARIL

crimeshooting12

(NI KIKO CUETO)

POLANCO , Zamboanga del Norte — Timbog ang isang barangay chairman na inaakusahan na namaril umano sa 16-anyos na estudyante na humihingi umano ng tulong.

Sa report ng pulis, sinabi na itinuturo si Marianito Paalisbo, kapitan ng Barangay New Sicayab, na namaril sa biktima na umano’y humihingi ng tulong sa suspect.

Sinabi naman ni PCpt. Arcelito Derama, hepe ng Polanco Police Station, kinailangan ng menor de edad ng tulong dahil napaaway ito kaya pumasok ang biktima sa loob ng barangay hall kung saan naroroon si Paalisbo.

“May pa-disco kasi sa kanilang barangay. Itong biktima dumalo doon sa disco pero may nakasagutan kaya’t hinahabol ng isang grupo. Sa takot na baka mapaano siya, doon ito dumiretso sa may barangay hall para sana humingi ng saklolo,” sabi ni Derama.

Pero imbes na maghatid ng tulong ay nakuha umanong bumunot ng baril si Paalisbo at gamit ang kanyang 9mm na baril at inutusan niya na dumapa ang estudyante.

Doon ay binatukan pa umano ng kapitan ang biktima gamit ang nasabing baril.

“Pinadapa siya ni kapitan, at hanggang sa naputukan ng baril,” ani Derama. Tinamaan umano sa tuhod ang biktima.

Ayon sa suspek, nagbigay lang siya ng warning shot pero aksidenteng tinamaan ang biktima.

Kasalukuyang nagpapagaling sa Zamboanga del Norte Medical Center ang biktima.

Nahaharap si Paalisbo sa mga kasong attempted murder, illegal possession of firearms and ammunition at grave threat.

 

Please follow and like us:
Read More

TSERMAN  NADAKMA, 1 PATAY, SA INDISCRIMINATE FIRING

GUN FIRE-3

(NI NILOU DEL CARMEN)

ISANG barangay chair ang naaresto samantalang isa ring lalaki ang napatay matapos magresponde ang mga pulis sa dalawang kaso ng indiscriminate firing sa Batangas nitong Martes.

Batay sa report ng Batangas Provincial Police Office, dakong alas-10:30 ng umaga nang maaresto si Barangay Captain Leodegario Roxas, 44, matapos na ito ay walang habas na magpaputok ng kanyang baril sa labas ng kanyang bahay sa Barangay Sampalocan, Balete, Batangas.

Narekober dito ang isang kalibre .45 baril.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 10591 at Omnibus Election code laban dito.

Sa Tanauan City, nadatnan naman ng mga pulis na hawak-hawak pa ng suspek na si Isagani Latuna ang maiksing baril na ginamit nito sa walang habas na pagpapaputok sa Barangay Bagbag dakong alas 10:00 ng gabi.

Subalit nang ipinapasuko ng mga pulis, pinutukan nito ng dalawang beses ang mga awtoridad  na napilitang gumanti.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan ang suspek at isinugod sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.

Please follow and like us:
Read More