AMIT, CENTENO NANALASA SA 2019 WPA WOMEN’S 9-BALL

(NI LOUIS AQUINO)

KATULAD  ni Rubilen Amit, pasok na rin si Chezka Centeno sa round of 32 ng 2019 WPA Women’s World 9-ball Championship na ginaganap sa Jinghai International Holiday Hotel & Resort sa Sanya, China.

Ang panalo ng 20-anyos na si Centeno laban kay Melanie Suessenguth ng Germany, 7-3, ay matagumpay na bounce-back mula sa pagkatalo kay No. 15 Kristina Tkach ng bansang Russia, 7-5, kamakalawa.

Si Centeno, ranked No. 25 sa mundo Centeno ay kapapanalo lang ng gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games noong nakaraang linggo.

Ang 38-anyos naman na si Amit, gold medallist din sa nakaraang SEAG, ay nauna nang nakapasok sa round of 32 ay ranked No. 3 sa mundo.

Walang hirap na tinalo ni Amit ang mga nakalabang sina Sweden’s Monika Margeta at Poland’s Ewa Bak na kapwa dinomina niya sa 7-1 para makasama sa susunod na round,

Maganda rin ang ipinakita ng dalawang Filipino female cue artists na sina Floriza Andal at Iris Ranola.

Nagwagi si Andal laban sa world No. 8 na si Chou Chieh Yu ng Taiwan, 1-7, sa lower bracket ng Group B.

Nauna nang ginulat ni Andal ang world No. 45 na si  Tina Vogelmann ng Germany, 7-2, ngunit nabigo sa 2015 runner-up na si Jasmin Ouschan ng Austria, 6-7.

Sumuko naman si Ranola laban sa runner-up noong nakaraang taon na si Wang Xiaotong ng China, 1-7, sa Group G.

Samantala, tuluyan nang nagpaalam sa 2019 Men’s World 9-Ball Championship sa Doha, Qatar ang Filipino cue artists na sina 2017 champion Carlo Biado, Filipino-Canadian Alex Pagulayan, Johann Chua at Jeffrey Ignacio.

Please follow and like us:
Read More