BUS NAHULOG SA BANGIN; 20 SUGATAN 

cebu200

(NI NICK ECHEVARRIA)

SUGATAN ang 20 pasahero makaraang mahulog sa bangin ang isang pampasaherong  bus  sa kahabaan ng national highway sa bayan ng Catmon sa northern Cebu, Linggo ng umaga.

Naganap ang insidente pasado alas-8:00 habang nilalakbay ng Ceres bus ang national highway na sakop ng Brgy. Panalipan sa nabanggit na bayan lulan ang 28 sakay nito kasama na ang driver, inspector at konduktor.

Halos isang oras pa lamang umano ang nakalilipas mula nang umalis ang Ceres bus sa bayan ng Tabogon patungo sa kanilang North bus terminal sa Mandaue City nang mangyari  ang insidente.

Ayon kay P/Cpl Orven Julius Montuerto, ng Catmon Municipal Police Station (MPS), kasama sa mga nasugatan ang dalawang batang lalaki na may edad na 4 at 11.

Mabilis namang nadala ng mga nagrespondeng police at emergency personnel  ang lahat ng mga nasugatan sa kalapit na district hospital sa bayan ng  Sogod  para lapatan ng lunas ang mga tinamong pinsala sa iba’t bang bahagi ng katawan.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya sa bayan ng Catmon ang sanhi at kung may naganap na kapabayaan sa naganap na insidente.

Please follow and like us:
Read More

MINIBUS TUMAGILID; 26 SUGATAN

(NI AMIHAN SABILLO)

AGAD naisugod sa pagamutan ang nasa 26 pasahero matapos bumagsak patagilid ang sinasakyan nilang minibus sa national highway na sakop ng Sitio Sandayong, Barangay Liko, Sogod, Cebu.

Ayon kay Police Staff Sergeant Raymund Bacordo ng Sogod Police station, patungong Cebu City ang minibus na may sakay na  40 mga pasahero, kabilang ang driver nito at dalawang konduktor nang mangyari ang aksidente dakong alas 2:00 ng madaling araw ngayong Lunes.

Napag-alaman na may lima sa 26 na sugatan ang nasa malubhang kalagayan bunsod ng mga tinamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Isinugod ang mga ito sa  Cebu City Hospital para malapatan ng lunas habang ang mga bahagyang nasaktan ay dinala sa Sogod District Hospital.

Sa paunang imbestigasyon, binilisan umano ng driver na si  Edgar Munez Atendido, 44, ang takbo  para mag-overtake sa isang bus sa kaniyang harap subalit nawalan umano ito ng kontrol dahilan para mawala ito sa balanse hanggang tumagilid ito nang tuluyan.

Mahaharap si Atendido sa kasong multiple physical injury at damage to property.

 

Please follow and like us:
Read More

TEACHER NA TULAK, TIMBOG SA PARAK

SHABU-ARRESTED

(NI JG Tumbado)

NATIMBOG ng pulisya ang isang 40-taong gulang na guro matapos itong magbenta ng shabu sa ikinasang drug bust operation sa bayan ng Dalaguete sa probinsya ng Cebu.

Nakilala ang teacher na tulak na si Roy Ysao, ng Sitio Lalin, Barangay Poblacion at nagtuturo sa Dalaguete National High School.

Si Ysao ay dinakip ng mga operatiba ng Municipal Station Drug Enforcement Group pasado alas 9:00 ng umaga ng Biyernes sa tapat mismo ng nabanggit na paaralan.

Narekober ng pulisya mula sa posesyon ng suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu at nagkakahalaga ng mahigit P2,000.

Sinabi ni Police Sergeant Bricel Ricaborda ng Dalaguete Police, matagal ng isinailalim nila sa surveillance ang guro bago matagumpay na nadakip ito.

Nag-ugat ang operasyon laban kay Ysao nang ituro siya ng isang naarestong lalaki na estudyante na sa kanya nagmumula ang iniiskor nitong shabu.

Please follow and like us:
Read More

40-ANYOS GINANG PINATAY; DROGA SINISILIP NA MOTIBO

cebu

(NI JG TUMBADO)

PATAY ang isang 40-anyos na ginang nang pagbabarilin ito sa loob ng kanyang tahanan sa Cebu City.

Tig isang tama ng bala ng baril sa leeg at braso ang sinasabing dahilan ng pagkamatay ng biktima na si Vicenta Abano, naninirahan sa Block 3 Missionaries, Barangay Suba.

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, pasado alas 12 ng hatinggabi ng Biyernes nang pasukin sa loob ng bahay ang biktima ng dalawang naka-bonnet na lalaki at pinagbabaril nang matunton sa kanyang kuwarto.

Bago ang pagpatay sa ginang ay sinundan na siya ng mga suspek habang pauwi sa bahay nito sa nabanggit na lugar at nang malamang mag-isa lamang ito ay doon na isinakatuparan ang krimen.

Pero, ayon kay Cebu City Police Office (CCPO) Director Police Col. Gemma Cruz Vinluan, paghihiganti umano o personal na galit ang motibo sa pagpatay sa ginang.

Bagaman hindi pa nila natutukoy kung sino ang nasa likod ng paglikida kay Abano ay may ilang persons of interest na ang pulisya.

Sinabi ni Vinluan na si Abano ang ikaapat sa pamilyang pinatay sa loob lamang ng limang buwan ng taong kasalukuyan.

Ang biktima ay anak ng barangay chairman ng Jagoliao sa Getafe, Bohol  na si Alejandro Abano, na tinambangan noong June 28.

Habang pinagbabaril din ang nakababatang kapatid ni Vicenta na si Ninolito Abano sa loob ng kanyang auto repair shop sa Barangay San Nicolas, July 29 kung saan napatay din ang kanilang pinsan na lalaki.

Dagdag pa ni Vinluan, isa rin sa kanilang sinisilip sa dahilan ng pagpaslang kay Vicenta ay ang koneksyon nito sa ilegal na kalakalan ng shabu.

Patuloy pa ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa krimen.

Please follow and like us:
Read More

PICTURE NG ANAK NINA JOHN LLOYD, ELLEN, PINAGPISTAHAN SA SOCMED

(NI VINIA VIVAR)

TALK of the town na naman si John Lloyd Cruz ngayon dahil sa viral photo nila ng anak na si Elias kasama si Fr. Tito Caluag.

Nakita ni Fr. Tito ang mag-ama na hindi sinabi kung saan, pero hinihinalang sa Mactan Cebu International Airport. Nagpa-picture siya sa mga ito at ipinost niya sa kanyang Instagram account.

“Coming back from the First Integrated STEM Summit in Cebu, it was nice to bump into JLC and Elias. Something very good is brewing. Coming soon,” caption ni Fr. Tito sa larawan nilang tatlo.

Pinagpistahan ang larawan since hindi nga ine-expose nina Lloydie at Ellen Adarna ang bagets na ngayon ay one year old na. Kami man ay first time naming makita si Elias sa larawan.

Komento nga ng netizens, kahawig daw ni Ellen ang anak at agree naman kami.

“Lakas ng dugo ni ellen…amg (ang) gwapo,” kometo ng isang netizen.

CLAUDINE DEPRESSED LATELY DAHIL MISSED ANG YUMAONG AMA

Halatang masakit na masakit pa rin para kay Claudine Barretto ang pagkamatay ng kanyang amang si Miguel Barretto base na rin sa kanyang recent Instagram post.

Idinaos ng Barretto family ang ika-40 day ng pagyao ng Barretto patriarch last Saturday at ayon kay Claudine, ngayon pa lang niya talaga nararamdaman ang sakit ng pagkawala ng ama.

“Dearest Daddy yesterday was your 40th day & wedding anniversary.slowly it’s been sinking in that u really are not without us anymore.

“I cannot explain the pain & emptiness im feeling.Dad my worst nightmare came true,i lost u.i luv u Daddy always have & always will,” ang caption ni Claudine sa larawan nila ng kanyang ama noong nabubuhay pa.

Nakaka-touch din ang ipinost na video ni Claudine kung saan ay makikitang yakap nito ang apo. Caption ng aktres, “the kids miss u Terribly Dad.”

Sinabi rin niya sa kanyang post na nade-depress siya lately at nami-miss niya ang ama.

“Been depressed lately but still Standing.miss u Daddy.visit me in my dreams,” post ni Claudine.

Hiling ng kanyang mga tagahanga na maging matatag siya sa matinding dagok na ito sa kanyang buhay.

 

Please follow and like us:
Read More

PORTER HULI SA P1.4-M SHABU

(NI NICK ECHEVARRIA)

KALOBOSO ang isang porter matapos mahulihan ng P1.4 million ng shabu sa isang drug bust operation ng mga tauhan ng  Waterfront Police Station ng  Cebu City Police Office (CPO), Sabado ng madaling araw.

Nakilala ang suspek na dinakip sa isinagawang anti-drug operation sa Sitio Riverside, Villagonzalo 1, Barangay Tejero sa nasabing lungsod pasado ala-1:00, na si Alvin Lopez Fegarido, 29.

Kabilang ang suspect sa high value target sa nabanggit na lugar.

Ayon kay P/Major Joemar Pomarejos, chief ng Waterfront Police, si Fegarido ay isa umanong  ‘bulk distributor’ ng shabu na ikinanta ng mga drug personalities na nauna na nilang naaresto.

Nahulihan ng 220 gramo ng ipinagbabawal na droga ang suspek sa ikinasang drug bust na may katumbas na halagang P1.49M matapos isailalim sa 3 linggong surveilance.

Ibinunyag pa ni Pomarejos na sa unang tingin ay hindi aakalaing nagtutulak ng shabu ang suspek dahil maayos itong manamit at nagtatrabaho bilang porter sa isang kumpanya sa pantalan sa Cebu City at mistulang mahiyain.

Hinahanting naman ngayon ng Cebu CPO ang dealers na pinagkukunan ng shabu ng suspek at ang iba pang mga kasamahan nito.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI PINASLANG SA KOTSE

cebu200

(NI ANNIE PINEDA)

NAGSASAGAWA na ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa pagkakatagpo sa bangkay ng isang lalaki na may tattoo sa likod na “HGL 200 o Happy Go Lucky’ at may mga tama ng bala ng baril katawan, iniulat kanina sa Cebu City.

Inilarawan lamang ng pulisya ang biktima na nasa 5’7 ang taas, nakasuot ng kulay puting  jersey na may numero 11 at naka-imprentang  Irving sa likod at stripe na kulay pulang short.

Bukod sa tattoo nito sa likod na HGL , may tattoo rin na rosas sa kanyang dalawang balikat at dibdib.

Ayon sa Talisay City Police Station, dakong alas 3:49 ng hapon ng Martes nang matagpuan ang biktima sa loob ng kulay pulang Toyota Vios na nakaparada sa Purok Tumpok, Barangay Zone 15, ng nasabing lungsod.

Sa pagresponde ng mga awtoridad sa nasabing lugar, nakita nila ang biktima na may tama ng bala sa katawan na agad nitong ikinamatay.

Nakapulot din ang pulisya ng mga basyo ng bala na pinaniniwalaan mula sa M16 rifle, 1- deformed slug bullet at mga metallic fragment.

Naniniwala naman ang mga awtoridad ang tattoo ng biktima ay kahulugan ng Happy go Lucky at hinalang galing piitan ang biktima sa Muntinlupa.

Inaalam na ngayon ang tunay na pagkakakilanlan sa biktima at motibo sa krimen.

Nakikipag-ugnayan na rin ang mga awtoridad sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) para alamin kung sino ang may-ari ng naturang sasakyan.

 

Please follow and like us:
Read More

CEBU CITY POLICE CHIEF SINIBAK SA MAYOR NAVARRO AMBUSH

cebu200

(NI JG TUMBADO)

TULUYAN nang sinibak sa pwesto bilang direktor ng Cebu City Police Office (CCPO) si Police Col. Gemma Vinluan kaugnay sa pananambang at pagpatay kay Clarin, Negros Occidental Mayor David Navarro.

Ang naturang hakbang ay iniutos mismo ng bagong talagang Police Regional Office 7 Director (Central Visayas) na si Brig. General Valeriano De Leon.

Sa kanyang pahayag, epektibo nitong Miyerkoles, Oktubre 30, 2019, ang suspensyon ni Vinluan para hindi maapektuhan o magkaroon ng white wash ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng pag-ambush sa alkalde.

“I issued administrative relief of Police Colonel Gemma Vinluan, City director of Cebu City police office, to make her available in the investigation being conducted,” pahayag ni de Leon.

“It will provide a perception of impartial investigation sparing us of suspicion of possible whitewash,” dagdag pa ng opisyal.

Napatay si Navarro noong araw ng Biyernes, Oktubre 25, 2019, habang inihahatid sa City Prosecutors Office sa Cebu City sakay sa police mobile patrol  kasama ang ilang police escorts nito at maging ng dalawang nakababatang kapatid na babae.

Una nang inireklamo si Navarro ng pananakit sa isang masahista at pagpapagawa pa ng malaswang akto sa isa pang babaeng masahista sa loob ng spa noong gabi ng Huwebes.

Nasa 10 lalaki na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril ang humarang sa convoy at lumikida kay Navarro.

Posible umano na mga miyembro ng PNP ang may kagagawan sa paglikida kay Navarro dahil sa hindi umano umakto ang mga pulis, kabilang ang isang police official, sa pangyayari batay na rin sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Please follow and like us:
Read More

KANO TUMALON MULA 8TH FLOOR NG HOTEL

(NI ANNIE PINEDA)

BASAG ang bungo at bali-bali ang katawan ng isang American national matapos umanong magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ika-8 palapag ng hotel, iniulat kanina sa Cebu City.

Kinilala ang biktimang si Michael Douglas Hunter, 66, may karelasyon  na Filipina, at naka-check in sa isang hotel sa Brgy. Mabolo, Cebu.

Batay sa report ng Mabolo Police Station, hapon ng Oktubre 29, nabulabog ang mga tao nang bumulagta ang katawan ng biktima mula sa 8th floor ng hotel.

Nagawa pang dalhin sa ospital ang biktima pero wala na rin itong buhay nang idating.

Lumabas sa imbestigasyon, naka-check in umano ang biktima kasama ang girlfriend na hindi na pinangalanan .

Ayon sa nobya, ilang araw na niyang napapansin na aburido ang biktima at nagsabing magpapakamatay ito at hindi niya inaasahan totohanin pala ni Hunter ang sinabi sa pamamagitan ng pagtalon sa gusali.

Sinabi pa nito, na nagulat na lamang siya nang tumungo sa balkonahe ang biktima saka tumalon .

Sa ngayon nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kung totoong nagpakamatay ang biktima o kung may naganap na foul play sa nasabing insidente dahil wala naman nabanggit ang nobya ng dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

DALAGA HINIWALAYAN NG NOBYO, NAG-SUICIDE

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI umano nakayanan ng isang dalaga ang pakikipagkalas ng kanyang nobyo dahilan para tapusin ang sariling buhay nito sa pamamagitan ng pagbigti, sa Cebu City.

Kinilala ang biktimang si Jessica Olivar Monterde, 19, ng Sitio Lutaw, Barangay Tuble, Moalboal, Cebu.

Batay sa report ng Moalboal PNP, dakong alas 4:00 ng madaling araw nang matagpuan ang katawan ng biktima na nakabitin sa loob ng kanilang bahay gamit ang lubid.

Dinala pa ang biktima sa ospital pero idineklara na rin itong patay.

Kuweto ng ina ng biktima, bago ang insidente nag-text pa sa kanya ang anak na hindi na sila magkikita, subalit binalewala niya ito .

Tatlong beses na rin umanong nagtangkang magpakamatay ang biktima subalit naagapan pa ito makalipas ang isang buwan nang nagkahiwalay sila ng kanyang nobyo.

Paniwala ng ina ng biktima na labis ang dinamdam ng anak ang paghihiwalay ng nobyo nito.

Please follow and like us:
Read More

P11.5-M SHABU NASABAT SA CEBU

(NI JG TUMBADO)

TINATAYANG nasa P11.5 million halaga ng high grade shabu ang nasabat ng pulisya sa drug raid sa sinasabing hideout sa Barangay Labangon, Cebu City.

Sa nabanggit na operasyon ay kasabay ng pagkakadakip ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (DEU) sa isang Mark Rosales na siyang target ng search warrant.

Ang raid ay isinagawa pasado alas 2:00 ng madaling araw ng Huwebes sa pinagkukutaan ni Rosales sa nabanggit na lugar.

Nasamsam kay Rosales ang nasa 1.7 kilo ng shabu na nakabalot sa malaking plastic bag na may packing tape.
Matagal na umanong isinailalim si Rosales sa masusing pagmamanman ng DEU under cover agents.

Napag-alaman na si Rosales ay dating waiter bago naging full-time trader ng ilegal na droga.

Inaalam na rin ng pulisya ang mga sources ni Rosales na siyang pinanggagalingan ng shabu.

 

Please follow and like us:
Read More

TRIKE DRIVER NA NANGMOMOLESTIYA NG MGA PASLIT, HULI

ARRESTED-9

(NI JG TUMBADO)

NATIMBOG ng mga awtoridad ang isang tricycle driver matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa ilang menor de edad na mga kabataan sa Barangay Bulacao, Cebu City.

Sa detention facility na ng Cebu City Police Office (CCPO) idiniretso ang 49-anyos na suspek na si Falcondo Tabura, naninirahan sa Peace Valley Homes sa Barangay Pardo.

Batay sa ulat, unang naghain ng reklamo ang kaanak ng apat na kabataang babae na nasa edad 7 hanggang 9 na naging biktima umano ng pangmomolestya ni Tabura.

Inaalok umano ni Tabura ng pera para sumakay sa kanyang tricycle ang mga bata at pagkatapos ay dadalhin sa isang lugar kung saan ginagawan ito ang mga ito ng kahalayan.

Bukod sa mga kabataang babae, ilang mga batang lalaki ang nabiktima rin ng pangmomolestya ng suspek.

Itinanggi naman ni Tabura ang paratang laban sa kanya at sinabing sinusundo lamang niya sa paaralan ang mga bata.

Please follow and like us:
Read More

19-ANYOS NEGOSYANTE PATAY SA TANDEM     

(NI KIKO CUETO)

CEBU CITY: Patay ang 19-taong gulang na negosyante nang pagbabarilin ng dalawang gunman sa Barangay Mabolo,

Linggo ng gabi.

Sa report, sinasabing nagmamaneho ng kanyang sports utility vehicle ang biktimang kinilalang si Jeffrey Gomonit.

Bigla na lamang may tumabi na naka motorsiklo at naka-bonnet na suspek, saka siya pinaputukan.

Hindi inabutan ng mga pulis ang mga gunman.

“May iba din kasing nilalakad ang ating mga roving police nang mangyari ito,” paliwanag ni Lt. Pablito Saldo, deputy chief ng Mabolo police.

Kabilang aniya sa mga iniimbestigahan ng pulisya ang indibidwal na kinatagpo ni Gomonit sa isang mall sa downtown Cebu bago ang pamamaril.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

TIMBOG SA DROGA SI MA’AM

naga cebu12

(NI JG TUMBADO)

TIMBOG ang isang 27-anyos na public school teacher sa ikinasang anti-drug operation sa Naga City sa Cebu, gabi ng Lunes.

Ayon kay Major Maria Luisa Calubaquib, nahulihan ng shabu si Noemi Iglesia, kasama ang dalawa pa na sina Julius San Vicente, 27 at Bien Patrick Pasibe, 23, nang pagbentahan nila ang isang poseur buyer sa bahagi ng Jacob St. Barangay Bagumbayan Sur dakong alas 11:50 ng gabi.

Bukod sa isang plastic sachet na nakuha sa buy bust ay nasamsam pa mula sa posesyon ng mga suspek ang apat pa na piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Inamin ng guro na sideline nito ang pagbebenta ng ilegal na droga sa gabi pagtapos nitong magturo sa umaga at hapon.

Samantala, natagpuang wala nang buhay at may tama ng bala sa ulo ang isang lalaki na umanoy sinasabing tulak ng ilegal na droga sa Lucena City.

Dakong alas 4:30 ng hapon araw ng Lunes nadiskubre ang bangkay ng biktima na si Anthony James Villanos, 37, sa tabi ng kalsada sa Barangay Ibabang Talim na sinasabing biktima ng summary execution.

Narekober ng pulisya ang dalawang basyo ng bala ng .9mm pistol sa lugar ng krimen.

Sinabi ni Police Lt. Col. Reydante Ariza, hepe ng Lucena police, si Villanos ay isa sa mga itinuturong sangkot sa ilegal na kalakalan ng shabu mula sa bayan ng Tayabas hanggang Lucena.

Please follow and like us:
Read More

15-ANYOS KULONG SA P10-M SHABU

(NI JG TUMBADO)

KALABOSO ngayon ang 15-anyos na lalaki makaraang makumpiskahan ng tinatayang P9.5 milyong halaga ng shabu sa buy bust operation sa bahay nito sa Sitio Mahayahay 2 sa Barangay Calamba, Cebu City.

Itinago muna ni Police Corporal Emmanuel Martinez ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng San Nicholas Police Station, ang pagkakakilanlan ng suspek sa alyas Mark.

Gayunman, kahit pa umano menor de edad ang suspek ay itinuturing siyang high value target ng Central Visayas Police.

Nakuha mula sa binatilyo ang 1.4 kilo ng hinihinalang shabu makaraang bentahan nito ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Ayon pa sa pulisya, dalawang linggo nilang sinubaybayan ang galaw ni alyas Mark bago ikinasa ang operasyon.

Aabot umano sa 200 hanggang 500 gramo ng shabu ang ibinebenta ng suspek.

Inaalam na ng pulisya ang posibilidad na kabilang ang suspek sa illegal drugs group na nag-ooperate sa Cebu City at buong lalawigan.

Itinurn-over si Mark sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa kaukulang counseling.

Please follow and like us:
Read More

ABOGADO KUMASA SA TANDEM; LIGTAS SA AMBUSH

crimeshooting12

(NI NICK ECHEVARRIA)

HIMALANG nakaligtas  ang isang abogado matapos tambangan at ratratin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng motorsiklo sa labas ng Cebu City Hall of Justice sa Qimonda IT Center, North Reclamation Area, Lunes ng umaga.

Sa imbestigasyon ni P/Master Sgt. Ruth Bonggo ng Waterfrong police station, lumalabas na 11 tama ng bala ang tinamo ng kulay puting Sports Utility Vehicle (SUV) ng biktimang  si Atty. Innocencio dela Cerna, na binuwenas namang hindi man lang nasugatan.

Nabatid na bandang alas-9:00 ng umaga nang bistayin ng bala ng riding in tandem ang nasabing abogado habang papalabas ng hall of justice ng Cebu City sakay ng kanyang SUV galing sa isang hearing.

Bagama’t nakuhang paharurutin ng biktima ang kanyang sasakyan ay hinabol din siya ng mga suspek at walang tigil na pinagbabaril.

Nagawa ring makipagbarilan ng biktima sa mga suspek pagdating sa kanto ng S. Osmena Road at Aviola street matapos nitong ihinto ang kanyang sasakyan sa may gasolinahan saka mabilis na bumaba bitbit ang kanyang baril hanggang sa tumakas ang mga suspek.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang nangyaring insidente para sa pagkakakilanlan at motibo ng mga suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

P2-M SHABU NASAMSAM; DRIVER ARESTADO

(NI JG TUMBADO)

NASA P2 milyong halaga ng high grade shabu ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Police Regional Office-7 Central Visayas at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa isang driver ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) sa Barangay Calamba, Cebu City.

Nakilala ang suspek na si Patrick Fred Amaya Caballero, 26, ng Epra Street,  Barangay Guadalupe.

Sa report kay Central Visayas Regional Police Director Debold Sinas, isinagawa ang operasyon laban kay Caballero pasado alas 6 ng gabi ng Biyernes sa V. Rama Street.

Nakuha ng pulisya sa sasakyan ni Caballero ang nasa ilang pakete ng shabu na tumitimbang ng 300 gramo na may street value na P2.04 milyon.

Isinailalim umano sa surveillance si Caballero ng mahigit isang linggo bago isinakatuparan ang operasyon.

Napag-alaman na ginagamit ni Caballero ang pagiging TNVS driver nito para makapagpakalat ng shabu sa malaking bahagi ng syudad maging sa ilang katabing bayan.

Tinatayang isang kilo ng naturang ilegal na droga ang naibabagsak ni Caballero sa kanyang lugar na “toka” nito sa loob lamang ng isang linggo.

Sa intel report, si Caballero ay miyembro umano ng big-time drug group na kumikilos sa probinsya ng Cebu.

Please follow and like us:
Read More

2019 BATANG PINOY NAT’L FINALS: CEBU NANGUNA 

(NI ANN ENCARNACION)

PUERTO PRICESA, Palawan – Umalagwa sa pangkalahatang liderato ang Cebu City sa ikatlong araw ng kompetisyon matapos humakot ng mga medalya sa anim na sports sa ginaganap na 2019 Batang Pinoy National Championships sa Ramon V. Mitra Sports Complex.

Kinolekta ng Cebu City ang kabuuang 12 ginto, 15 pilak at 16 na tanso upang umahon mula sa ikaanim na puwesto tungo sa pinakatuktok ng team standings matapos makaginto sa dancesports, weightlifting, athletics, muaythai at archery.

Ang dating ikatlo na Pasig City ay umakyat naman sa ikalawang puwesto sa kabuuang 11-16-6 na ginto-pilak-tanso, habang ang dating nasa ikapito na Quezon City ay nasa ikatlo ngayon sa kanilang 11-10-5 medal tally.
Mula sa ika-25 puwesto ay milya-milya rin ang tinalon ng nagtatanggol na kampeong Baguio City, ngayon ay nasa ikaapat na puwesto at may kabuuang 11-6-13 mga medalya.

Nahulog ang Davao City sa ikalima, mula sa ikaapat na puwesto (11-5-12), habang ang dating nasa unahan na Laguna Province ay dumausdos sa ikaanim na puwesto (10-12-7). Pampito ang Cotabato Province (10-2-1), pangwalo ang Taguig City (7-5 -6), pangsiyam ang Zamboanga City (7-4-9) at ikasampu ang Manila (7-4-1).
Habang sinusulat ito ay lumalaban ang isa pang pambato ng Cebu na si Aldrener Igot Jr., na target makalimang ginto sa Batang Pinoy finals.

Una nang nagwagi ng dalawang gintong medalya si Igot sa Cub Boys Qualification Round 20 meter at 30 meters. Kasalukuyan siyang nangunguna sa 40m, 50, 60, Single FITA at Olympic Round.

Samantala, nagwagi din ng dalawang ginto ang most-bemedalled sa Mindanao leg na si John Carlo Margarito Loreno ng Koronadal City sa Cadet Boys 30m at 40m distance.

Wagi naman sa Yeoman Girls 20m double distance si Cassandra Louise Enecio ng Makati habang sa Yoeman Boys naman si Karl David Mejillano ng South Cotabato.

Napunta ang Bowman Girls 30m double distance kay Guilliana Vencie Garcia ng Pasig City habang ang Bowman Boys 30m double distance ay inuwi ni Jemuelle James Espiritu ng Baguio City.

Ang Cub Girls Qualification round (20m distance) ay napagwagian ni Naina Dominique Tagle ng Dumaguete at ang 30m ay napunta kay Sophia Kyran Manuel ng Makati .

Ang Cadet Girls Qualification Round 30m ay binulsa ni Adrienne Parayno ng Baguio City habang ang 40m ay dinagit ni Danielle Jasmin Espiritu ng Baguio City.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI NAG-AMOK, PATAY SA PULIS 

crime43

(NI JG TUMBADO)

NAPATAY ng pulis ang isang 50-anyos na lalaki nang mag-amok sa sobrang kalasingan sa Sogod, Cebu.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang suspek na si Eleazar Canete bunsod ng dalawang tama ng bala ng baril sa katawan.

Ayon sa ulat ng Sogod municipal police, bandang alas-8:00 ng gabi noong Lunes nang makatanggap ng reklamo ang kanilang himpilan kaugnay sa isang lalaking nagwawala habang may hawak na granada at baril.

Nang dumating sa lugar ang ilang rumespondeng pulis ay pinakiusapan ang suspek na bitawan nito ang kanyang dalang armas subalit tumanggi ito sa utos dahilan para siya ay barilin.

Bago ang ginawang pag-aamok ni Canete ay huling nakita ito na nag-iinom ng alak sa loob ng kanyang bahay dahil umano sa problema sa pamilya.

Please follow and like us:
Read More

P5-M SHABU, MARIJUANA NALAMBAT SA CEBU

(NI JG TUMBADO)

TINATAYANG nasa P5 milyon halaga ng shabu at marijuana ang nasamsam ng pulisya sa magkakahiwalay na anti illegal drugs operations sa Cebu City.

Sa bulubundukin at tagong lugar ng Barangay Tagba-o nadiskubre ng mga awtoridad ang nasa 11,200 marijuana stalks nitong araw ng Huwebes.

Batay sa report, nasa P4.4 milyong ang halaga ng marijuana na binunot at sinira ng mga tauhan ng City Mobile Force Company sa lugar mismo kung saan natagpuan ang mga ito.

Samantala, sa Barangay Labangon ay inilunsad naman ang drug bust operation ng mga operatiba ng Drug Enforcement Group ng Cebu City Police Office (CCPO) na nagresulta sa pagkakadakip sa 23- anyos na pedicab driver na si Jason Dayap.

Nahulihan si Dayap ng nasa 80 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P500,000.

Ang naturang magkahiwalay na operasyon ng Cebu City Police ay bahagi umano ng kanilang tinatawag na Oplan Amazon.

Please follow and like us:
Read More

2 BABY IBINENTA ONLINE; LIVE IN PARTNER ARESTADO

(NI ANNIE PINEDA)

ARESTADO ang mag-live in partner nang salakayin ng mga awtoridad ang isang motel na aktong ibinebenta ng mga ito ang kanilang dalawang anak na sanggol at iba pang mga menor de edad na babae at lalaki online, iniulat sa Tacloban City.

Ayon sa pinagsamang puwersa ng Women and Children Protection Center–Visayas Field Unit (WCPC-VFU) at Biliran Provincial Police Office (BPPO), nadakip ang suspek na si Cora, , 18, at kinakasama nitong si alyas Boknoy, 28, ng Biliran Tacloban.

Sinalakay ng mga awtoridad ang isang motel sa Rosario, Naval, Biliran, Tacloban at nasagip ang 2-buwan sanggol na babae at 1-taon na lalaking anak ng mga suspek, kasama ang babae at lalaki na may mga edad 8-buwan, 14, 15, 16, 17.

Ayon sa awtoridad, ipinakita ng mga suspek ang mga larawan at kapag nagustuhan ay makikipag-sex ang mga ito kapalit ng pera.

Kasalukuyan naman nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga nasagip na kabataan at sanggol.

Nakakulong sa Naval Police Station ang mga suspek at nahaharap sa paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act or Republic Act (RA) 9208 as amended by RA 10364.

 

Please follow and like us:
Read More

CALL CENTER AGENT SUPPLIER NG DROGA, ARESTADO

(ANNIE PINEDA)

SHOOT sa kulungan ang limang pinaniniwalaan tulak ng droga kabilang ang isang call center agent matapos mahulihan ng shabu sa ginawang buy-bust operation ng mga awtoridad,  sa Cebu City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Jayson Cañizares , call center agent, ang target na si Martin Canales, na nasa listhan rin ng mga high-value target; Rodel Restauro, Rosval Restauro, at Welbert Abasial; mga taga Sitio Tambis, Barangay Pooc, Talisay City.

Batay sa report ng Cebu Provincial Intelligence Branch (PIB), matagal na nilang sinusubaybayan sina Canales at nang magpositibo isinagawang operasyon laban sa mga ito.

Nakuha mula sa mga suspek tatlong pakete kung saan ang isa malaki at dalawang katamtaman ang laki at 27-maliit na pakete na naglalaman ng shabu na may halagang P232,628.

Sa himpilan ng pulisya, inamin ni Cañizares na may porsiyento siya kapag nakakabenta ng shabu sa kanyang mga kasamahan sa trabaho Asiatown IT Park sa Barangay Lahug, Cebu City.
sinampahan na ng kasong paglabag sa Sections 5 and 11 of Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nadakip na suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

BINATILYO NAG-AARAL MAG-SWIMMING NALUNOD

lunod1

(NI JG TUMBADO)

NALUNOD at namatay ang isang 15-anyos na binatilyo habang ito ay nagpapraktis lumangoy sa isang malalim na hukay na puno ng tubig ulan sa bayan ng Argao, Cebu, Sabado ng hapon.

Dead on arrival sa ospital ang biktima na pinangalanan lamang bilang “Chester”.

Batay sa nakuhang report kay Police Staff Sergeant Alejandro Dayaganon, ng Argao Police station, dakong alas-2:00 ng hapon nang malunod ito sa isang hukay na punong-puno ng tubig ulan na tinatayang nasa mahigit anim na talampakan ang lalim sa Sitio Baclao, Barangay Mabasa.

Napag alaman sa imbestigasyon na nagpapraktis lumangoy ang biktima kasama ang tatlo pa nitong pinsan nang maganap ang trahedya.

Sa una ay nasa mababaw lamang umano na bahagi ng tubig lumalangoy ang biktima hanggang mapadako ito sa malalim at mangyari ang hindi inaasahang pangyayari.

Sa naturang insidente ay binakuran na ng mga awtoridad ang palibot ng hukay at binawalan na rin ang mga residente na magtungo sa lugar.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

MAG-LOLA PATAY SA HIT AND RUN

hitandrun8

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang isang mag-lola matapos mabiktima ng hit-and-run ang sinasakyang motorsiklo  sa bayan ng Minglanilla, Cebu, Linggo ng madaling araw.

Naganap ang insidente bandang ala-1:00 sa kahabaan ng national highway na sakop ng Barangay Poblacion 2 sa nasabing bayan.

Kinilala ni P/MSgt. Junyl Aber ng Minglanilla Police Station (MPS) ang mga biktima na sina Rufina Cuda, 83, at ang apo nitong si Bea Lyka Cuda, 18, na sakay ng pampasaherong motorsiklo patungo sana ng Cebu City ng isang humaharurot na kotseng itim ang bumangga sa kanila mula sa likuran.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga tumilapon ang mga biktima kasama ang driver ng motorsiklo na si Ronito Bacalso, 33.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang lolang si Rufina samantalang namatay naman sa Vicente Sotto Memorial Medical Center ang kanyang apo habang nilalapatan ng lunas.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente habang naghahanap ng mga kuha ng CCTV malapit sa pinangyarihan nito na posibleng nakahagip sa pangyayari  para matukoy ang itim na kotse at ang driver na naka-hit-and-run sa mga biktima.

 

Please follow and like us:
Read More