PABRIKA NG TELA SA MANDAUE NASUNOG

fire

PATULOY na iniimbestigahan ng arson investigators ang dahilan ng sunog sa isang pabrika ng tela, Martes ng gabi, sa Mandaue, Cebu. Ayon sa may-ari ng pabrika na si Samson Tiu, malaki na umano ang apoy bandang alas-9 ng gabi. Wala rin umano silang naisalbang kahit ano dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy. Hindi rin umano batid ng pamilya Tiu kung ano ang pinagmulan ng apoy dahil tanggal umano lahat sa saksakan ang mga de kuryenteng gamit dahil walang pasok at holiday. Sinabi naman ni Fire Insp. Harley Glenn Galpo,…

Read More

CHRISTINE LEE SILAWAN NI-RAPE BAGO PINATAY — PAO

cebu200

(NI JEDI PIA REYES) HINALAY ang 16-anyos na babae na natagpuang patay at binalatan ang mukha sa Cebu noong nakaraang buwan. Batay ito sa paunang resulta ng ginawang pagsusuri ng Public Attorney’s Office (PAO) at taliwas sa naging pag-iimbestiga ng pulisya na hindi ginahasa ang Grade 9 student na biktima. Hindi tinanggap ng mga magulang ni Christine Lee Silawan ang inisyal na resulta ng pagsisiyasat ng Lapu-Lapu City Police Office na nagsabing hindi ginahasa ang dalagita kaya’t nagpasaklolo ito sa PAO para muling magsagawa ng awtopsiya. Ayon kay PAO Chief…

Read More

P6.8-M SHABU NASAMSAM SA COURIER SA CEBU

shabu

TINATAYA  sa P6.8 milyong hinihinalang shabu ang nakumpiska sa umano’y drug courier sa isang operasyon sa Barangay San Nicolas, Cebu, Linggo ng hapon. Arestado ang 18-anyos na residente na umano’y dalawang linggo nang minomonitor bago isinagawa ang operasyon ng awtoridad. Nakuha sa kanya ang pakete ng shabu, isang caliber .38 revolver at mga bala. Tinangka pa umanong manlaban ng suspect at pinaputukan ang mga umaaresto. Gumanti  ng putok ang awtoridad at tinamaan ang suspect sa kanang hita. Inamin ng suspect na binibigyan lamang sya ng P1,000 sa bawat delivery at…

Read More

LIVE-IN PARTNER TODAS SA RIDING IN TANDEM

crime22

(NI JG TUMBADO) PATAY ang isang mag live-in partner makaraang pagbabarilin ng armadong lalaking sakay ng motorsiklo sa Barangay Tabunok, Talisay City, Cebu, Linggo ng madaling araw. Namatay noon din sa lugar ng ambush ang mga biktima na nakilalang sina Felix Yaris, 30, at Carol Dixie Bacalso, 30, naninirahan sa nasabing lugar. Nabatid sa imbestigasyon ni PO3 Glenn Besande, ng Talisay City Police Station, nangyari ang pamamaril dakong alas 4:00 ng madaling araw habang binabagtas ng mga biktima sakay ng motorsiklo ang kahabaan ng R. Rabaya Street sa Sitio Lansiawan.…

Read More

BABAENG AGNAS NAHUKAY; LOVER HAWAK NG PULISYA

cebu city12

(NI JG TUMBADO) AGNAS na nang mahukay ng mga awtoridad ang bangkay ng isang babae sa bakanteng lote ng isang subdibisyon sa Barangay Kasambagan, Cebu, araw ng Biyernes. Tinukoy ang pagkakakilanlan ng biktima na si Josephine Ortega, 39, residente ng Barangay Pahina San Nicolas. Napag-alaman sa inisyal na imbestigasyon, nakaamoy umano ng masangsang ang security guard ng Deca Homes subdivision na tila nagmumula sa bunkhouse ng maintenance utility kung kayat ipinagbigay alam na ito sa pulisya. Agad nagsagawa ng paghuhukay sa lugar ang mga awtoridad kung saan natagpuan ang kulay…

Read More

PINAKULUANG TUBIG SANHI NG SUNOG; LOLO PATAY, BABY SUGATAN

fire

(NI NICK ECHEVARRIA) DAHIL sa napabayaang nakasalang na pinakukuluang tubig, patay ang isang 65-anyos na lolo habang sugatan ang dalawang iba pa kabilang ang 7-buwang  sanggol makaraang magkasunog  sa Barangay Labangon, Cebu City Huwebes ng madaling araw. Nakilala ang biktima na si Mario Abella, samantalang  sugatan naman ang kanyang apo sa tuhod na si Diego Rafa Telone Derisas, 7 buwang gulang  at Marlita Telone, 34, pawang residente ng Tres De Abril st. Barangay Labangon, na kapwa nagtamo ng first degree burns. Ayon kay Cebu City Fire Marshal Noel Nelson Ababon,…

Read More

P30-M ‘SHABU’ NASAMSAM SA CEBU

cebu

UMAABOT sa P30 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpisa sa isang lalaki sa buy-bust operation sa C. Padilla St., Barangay Duljo-Fatima, Cebu City, Biyernes ng gabi. Nahuli rin ng mga tauhan ng Mambaling Police Station ang isang lalaki na siyang target ng operasyon. Bumili umano ang poseur-buyer ng shabu sa suspect nang dambahin ito ng awtoridad. Nang inspeksiyonin ang dalang bag nito, nakita ang iba pang pakete ng shabu na may kabuuang halaga ng P30 milyon. Sinabi ni Duljo-Fatima Barangay Councilor Milo Arenas, wala umano sa listahan ng kanilang…

Read More

PARTY DRUG SUPPLIER SA CEBU PATAY SA AMBUSH

crime

(NI JG TUMBADO) PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ang hinihinalang supplier ng ecstasy at iba pang party drugs sa Mandaue City, Cebu, Miyerkoles ng tanghali. Tinukoy ni Police Colonel Julian Entoma, director ng Mandaue City Police Office (MCPO), ang umano’y drug dealer na si Neil Benjamin Yap, na niratrat ng mga hindi pa nakilalang suspek habang nagmamaneho sa F. Seno Highway kanto ng E. Rosal Street, Barangay Guizo sa nasabing lungsod. Patawid na umano ng F. Seno Highway ang biktima nang lapitan ng mga naka-motorsiklong suspek at pinaulanan ng bala si…

Read More

BAHAY NG ‘DRUG LORD’ SA CEBU NI-RAID; ARMAS NAKUMPISKA

cebu1

(NI JG TUMBADO) NAKUMPISKA ang samu’t saring matataas na uri ng armas matapos salakayin ng pulisya ang bahay ng isang kilalang drug Lord sa Minglanilla, Cebu nitong Biyernes. Armado ng search warrant pinasok ng operatiba mula sa Provincial Intelligence Branch (PIB) at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Cebu Provincial Police Office (CPPO) ang bahay ni Franz Sabalones sa Modena Subdivision sa Sitio Estaca, Barangay Tunghaan. Ang nabanggit na operasyon ay isinagawa kasunod ng ulat na muling nag-ooperate ang drug syndicate nito. Hindi naman naabutan ng mga awtoridad sa bahay…

Read More

GALING SA DANCE TILT: 5 STUDENTS PATAY SA AKSIDENTE

negros

(NI JG TUMBADO) ANIM katao ang patay habang nasa siyam na iba pa ang nasugatan nang magsalpukan ang isang pampasaherong van at cargo truck sa bayan ng Zamboanguita, Negros Oriental, nitong  Biyernes. Kabilang sa sakay ng pampasaherong van ang 10 estudyante ng Basay National High School, isang guro at apat na iba pang pasahero. Sa report ni SPO1 Rosita Mindac ng Zamboanguita Municipal Police Station, kagagaling lamang umano ng mga mag-aaral sa Cebu City, kung saan lumahok sila sa isang dance competition na “MathSayaw2019”. Kabilang sa mga nasawi ang limang…

Read More

P13.6-M SHABU NASAMSAM SA ‘BAGITO’

cebu

UMAABOT sa P13.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa mga awtoridad mula sa lalaking bagong salta lang sa Cebu City, Sabado ng gabi. Sinabi ng pulisya na apat na araw pa lamang na nangungupahan ang suspect, 23,  sa Barangay Cogon Pardo nang paghinalaan na ito. Umaabot sa dalawang kilo ng droga ang nasamsam sa kanya ng nagrespondeng mga pulis. Sa interogasyon, inamin nito na bago pa lamang siya sa ‘trabaho’ nang maaresto. Pumalag naman ang kasama nitong lalaki na kasabwat siya sa transaksiyon. Sinabi nito na tinext lamang…

Read More

SHABU SA SELDA, 16-ANYOS PASOK SA CSWD

menor

(NI JG TUMBADO) SWAK sa kulungan ang isang menor de edad na lalaki makaraan itong maaktuhang nag-abot ng pitakang may mga lamang ilegal na droga sa isang preso sa loob mismo ng police station sa Cebu City. Ang 16-anyos na suspek ay nai-turn over ng San Nicolas Police Station sa pangangalaga ng City Social Welfare and Development (CSWD) matapos maisagawa ang booking process nito. Nabatid kay SPO2 Edgardo Erci Emia, desk officer, inaresto ang binatilyo matapos madiskubre na ang pitaka na dala nito ay may lamang walong piraso ng plastic…

Read More

P50-M SHABU NASAMSAM SA BODEGA; ‘COURIER’ HULI

cebu8

HINDI bababa sa P50 milyong halaga ng droga ang nasamsam ng mga operatiba ng Mandaue City matapos ang buy bust operation Biyernes ng gabi kung saan itinuturing itong pinakamalaking operasyon ng PRO-7. Sinabi ni Senior Supt. Remus Medina, hepe ng Police Regional Office-7 Intelligence Division na mahigit sa pitong kilo ng hinihinalang shabu mula sa alyas Bado ang nakuha matapos itong bilhan ng 25 gramo ng droga sa Cebu City. Nang humingi ng kilo pang shabu ang poseur-buyer, dinala na siya ni Bado sa isang bahay sa Mandaue City. “Sa…

Read More

CALL CENTER AGENT HULI SA PARTY DRUGS

party

ISANG call center agent ang inaresto matapos makuha rito ang isang klase ng ecstasy party drug matapos ang buy bust sa Cebu City Huwebes ng gabi. Gayunman, hindi umano sinabi ng 24-anyos na suspect kung sino ang pagbibigyan niya dahil kukunin lamang umano sa kanya ng ‘buyer’ ang 15 tableta ng party drug na nagkakahalaga ng P25,000. Ayon kay PDEA-Central Visayas Director Wardley Getalla, may nakuha silang impormasyon na sa mga bars sa Cebu ibinibenta ang mga ito at mga kabataan ang karamihan sa mga bumibili nito. Nagsasagawa na rin…

Read More

P25-M SHABU NASABAT SA CEBU

shabu

INAALAM ngayon ni Philippine National Police chief Insp Regino Maramag ng Cebu City kung may ugnayan ang P25 milyong halaga ng shabu sa huling nasabat na P2 milyong shabu sa magkakasunod na buy bust operation sa lungsod. Arestado ang target sa operasyon na kinilalang si Alfred Gabunia, 35, ng Barangay Basak, San Nicolas. Si Gabunia, ayon kay Maramag, ay naaresto sa Cebu City, at sinasabing malaking distributor ng shabu sa mga kalapit na siyudad ng Mandaue, Lapu-Lapu at iba pa. Aabot sa 3.6-kilo o halagang P25-milyon ang nakuhang kontrabando na…

Read More

FB ANG TRANSAKSIYON; CRIMINOLOGY GRAD HULI SA DROGA

cebu

(NI JG TUMBADO ) NATIMBOG sa ikinasang anti-illegal drug operation ang isang criminology graduate sa Barangay Kamputhaw, Cebu City. Pinangunahan ang naturang operasyon ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Cebu City Police Office (CCPO) kung saan sinalakay ang bahay ng 32-anyos na suspek na si John Paul Sentillas sa Sitio Riverside dakong alas 3 ng madaling araw ng Lunes. Nakakumpiska ang pulisya mula sa posesyon ni Senillas ng nasa 15 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P102,000. Ayon kay Chief Insp. Chuck Barandog ng Cebu City police,…

Read More

BIGTIME PUSHER PAPUNTANG KORTE INAMBUS, PATAY

cebu200

(Ni FRANCIS ATALIA) DEAD-on-arrival sa ospital ang isang bigtime drug pusher habang papuntang korte matapos tambangan ang sinasakyang patrol car ng Philippine National Police sa isang bayan sa Cebu. Kinilala ang biktima na si Teocilo Ababon na ayon sa report ay tinambangan ng ilang armadong kalalakihan habang patungong korte para sa inquest proceeding para sa P10-M halaga ng droga na nakuha sa biktima noong December 29. Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kasama umano ni Ababon sa police car ang dalawang tauhan ng PNP mula sa Argao Police…

Read More

SUICIDE SA MOTEL: 19-ANYOS BINARIL NG 65-ANYOS BF

motel

CEBU CITY – Naniniwala ang Waterfront Police Station ng Cebu City Police Office na nagpakamatay ang mag-nobyo na nakitang duguan sa loob ng motel sa siyudad na ito. Kinakatok ang kwarto ng magnobyo edad 65-anyos na si Ely Malagum, ng Talisay City  at 19-anyos na si Danica Rose Erolya, ng Barangay Suba, Cebu City, ngunit walang sumasagot matapos mag-check in ang mga ito sa isang motel sa Manalala St. kahapon ng tanghali. Ito na ang dahilan para pwersahan nang buksan ang pinto at tumambad ang duguang katawan ng mga biktima.…

Read More

NANAY PUMATAY SA BUGBOG SA ANAK, HULI

nanay

(NI JG Tumbado) DINAKIP ng pulisya ang isang ina dahil sa pagkakasangkot nito sa pagkamatay ng kanyang 9-taong- gulang na anak na lalaki sa bayan ng San Remegio, Cebu. Kasong parricide ang kinakaharap ng suspek na si Thelma Cabatana na napatay ang sariling anak na si Kent Joseph dahil sa pambubugbog dito ng nakalipas na bisperas ng Bagong Taon. Sa imbestigasyon ni SPO3 Joe John Ynot, ng San Remegio police, labis umanong nainis ang ginang sa anak dahil ayaw nitong uminom ng gamot para sa kanyang lagnat. Sinasabing pinalo nang…

Read More

61-ANYOS PARI KULONG SA PANANAKIT

pari

NAKAKULONG ngayon ang isang pari matapos umanong saktan ang isang 15-anyos batang epileptic sa Canduman, Cebu City. Hindi lamang umano iyon ang unang pagkakataon na nanakit ang 61-anyos na pari, ayon sa ina, cook ng kumbento. Sinabi nito na nagalit ang pari nang hindi agad naipasok ang dalawang aso sa loob ng kumbento. Madalas din umanong minumura nito ang binatilyo kapag nagagalit. Isinailalim na sa medical at psychological test ang binatilyo. Wala namang record sa istasyon nila ang nasabing pari, ayon kay SP04 Gerson Rosende. Sakaling mapatunayang guilty sa ginawa,…

Read More

1 PATAY, 200 BAHAY NAABO SA CEBU CHRISTMAS FIRE

fire

NAGISING ang mga residente ng Barangay Duljo Fatima sa Cebu City sa makakapal na usok at sigawan ng mga tao. Nilalamon na ng apoy ang mga kabahayan ilang oras lamang matapos ang Noche Buena. Hindi pa batid ang pinagmulan ng apoy na lumamon sa may 200 dikit dikit na kabahayan sa Cebu City. Isa naman ang iniulat na namatay na kinilalang si Cyrus Peras na nakatulog umano sa isang computer shop nang maganap ang sunog. Unang inireport ang sunog alas-3:30 ng madaling araw at nakontrol isang oras ang nakalipas. “Ang…

Read More

DATING KANDIDATA NG Bb. CEBU HULI SA DROGA

Bb PILIPINAS

HINDI nakapalag nang posasan ng mga pulis ang dating local beauty pageant candidate matapos iturong source sa bentahan ng party drugs at high-grade marijuana sa Cebu City. Nang arestuhin si Teri Marina Silva Colmenares, 22, dating kandidata sa 2018 Binibining Cebu, ay nakuha pa sa kanya ang high-grade marijuana na itinago bilang mga ‘fruit pops’. Sinabi ni Senior Insp. Dexter Basirgo, chief ng Guadalupe police precinct, na nagsimula ang surveillance kay Colmenares noong Dec 8 matapos humarap ang isang rape victim na umano’y minolestya ng isang disc jockey sa Cebu.…

Read More