BULLY BINOGA, KRITIKAL 

crime22

(NI JG TUMBADO)

AGAW-buhay ngayon sa ospital ang isang lalaking nam-bully  matapos barilin sa Cebu City, Linggo ng gabi.

Dinakip ng pulisya ang biktima ng ‘bullying’ na si Rolando Toradio, 37, habang nakilala naman ang binaril nito na si Amador Santing, 47, na nasa Intensive Care Unit (ICU) bunsod ng isang tama ng bala ng baril sa kanyang ulo.

Inamin naman ni Toradio ang ginawa nitong pamamaril kay Santing.

Paliwanag ng suspek sa pulisya, matagal na umano siyang kinukutya ni Santing na palaging sambit nito sa kanya ay “baliw” kapag nagkikita umano sila sa kalsada sabay tingin sa kanya ng masama.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya, nakainom umano si Toradio nang matiyempuhan muli ng bully na si Santing kung saan ay dala na ng suspek ang baril nito at sadyang nagpakita sa huli.

Narekober ng mga awtoridad ang .38 revolver na baril na ginamit sa pamamaril sa biktima habang nahaharap sa kaso sa paglabag ni Toradio sa ilalim ng RA 10591 o ang comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at frustrated murder.

Please follow and like us:
Read More

LASING NA LOLO TINADTAD NG SAKSAK NG KAPITBAHAY

cebu city12

(NI ANNIE PINEDA)

TULUYAN nang pinatahimik ang isang lolo matapos itong ataduhin ng saksak ng kanyang kapitbahay na naingayan sa una dahil sa sobrang kalasingan, iniulat kaninang umaga sa Cebu City.

Kinilala ang biktimang si Maximo Cañete, 61, habang sumuko naman ang suspek na kinilalang si Marciano Banse, 59, at kapwa mga residente ng Brgy. Santa Rosa, Olango Island Lapu-Lapu City.

Batay sa report ng Olango Police Station, lasing umano ang biktima at nag-iingay ito. Dahil narindi na ang suspek sa ingay, kinuha nito ang isang 16-inch na Flamenco knife at lumabas ng bahay saka sinaksak si Cañete sa dibdib at ibang parte ng katawan.

Agad naman dinala sa ospital ang biktima pero hindi na rin ito umabot pang buhay.

Matapos ang insidente sumuko naman sa pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong murder.

 

Please follow and like us:
Read More

MISIS, LOVERBOY, HULI SA AKTO NI MISTER

cebu city12

(NI ANNIE PINEDA)

KULUNGAN ang kinabagsakan ng isang misis at kanyang loverboy makaraan mahuli sila ng kanyang mister na nagtatalik sa loob ng isang lodging house, iniulat kaninang umaga sa Cebu City.

Kinilala ang mga suspek na 37-anyos, residente sa Brgy. Cadulawan , Cebu at kalaguyo nitong 31-anyos,  taga-Naga City.

Batay sa report ng Minglanilla Police Station, nahuli ang mga suspek sa loob ng lodging house sa Brgy. Calajoan, Minglanilla, Cebu.

Ayon sa mister, matagal na siyang kinukutuban na may ibang lalaking kinalolokohan ang kanyang misis kaya minonitor niya ang mga kilos nito.

Hanggang sa nasundan niya ang misis na pumasok sa isang lodging house kasama si Cervantes kaya humingi na ito ng tulong sa pulisya.

At pagdating ng mga pulis sa naturang lugar, dito sapilitang binuksan ang silid ng dalawa at naaktuhan nakahubo at nagtatalik.

Dinala naman sa himpilan ng pulisya ang mga suspek at sinampahan ng kaukulang kaso.

Nabatid, na may pitong anak ang mag-asawang Yunson.

Please follow and like us:
Read More

LOLA PINAPAK NG ‘ASUWANG’

(NI ANNIE PINEDA)

BUTO na lamang ang dalawang kamay ng isang lola nang matagpuan ang katawan nito sa loob ng kanyang bahay matapos umanong papakin ng asuwang, iniulat kahapon sa Cebu City.

Kinilala ang biktimang si Maria Abraham Miras, 86, at residente ng Barangay Candamyang, Santander, Cebu City.

Batay sa report ng Santander PNP, nakita na lamang ang biktima na wala nang buhay habang ang dalawang kamay nito ay nakabitin sa bubong at buto na lamang samantalang ang dalawang paa nito ay nakalusot sa ilalim ng sahig ng bahay.

Kuwento ng apo ng biktima, tumungo siya sa bahay ng kanyang lola para dalhan ng pagkain subalit laking gulat niya nang makita ang buto na parte ng katawan ng lola.

Kaagad naman ipinaalam sa mga awtoridad ang nasabng insidente.

Naniniwala naman ang pamilya ng biktima na asuwang ang pumatay kay Miras dahil mag-isa lamang itong nakatira sa kanyang bahay.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.

Please follow and like us:
Read More

PASLIT NATUSTA SA 18-MINUTONG SUNOG

(NI ANNIE PINEDA)

SA loob lamang ng 18-minutong sunog, nalitson nang buhay ang isang batang lalaki nang tupukin ng apoy ang kanilang bahay, kaninang umaga sa Cebu City.

Kinilala ang biktimang si Mon Harry Anhao, 5, ng Sitio Proper Agus, Barangay Agus, Cebu City.

Batay sa report ng pulisya, dakong 9:17 kaninang umaga nang magsimula ang sunog sa isang gymansuim sa likuran bahagi ng bahay ng pamilya Anhao.

Kuwento ng ama ng biktima na si Pedy Anhao, hindi niya agad naisalba ng anak dahil nagluluto ito sa isang karinderya sa lugar.

Mabilis naman rumesponde ang mga pamatay-sunog at naapula ang sunog bandang alas 9:35 ng umaga kung saan natagpuan ang sunog na bangkay ng bata.

Sa insiyal na pagsisiyasat, lumabas na short circuit ang pinagmulan ng sunog mula sa nakasaksak na electric fan.

Please follow and like us:
Read More

P10-M SHABU GALING CITY JAIL; MAGKAKAPATID TIKLO

(NI JG TUMBADO)

NASA P10milyon halaga ng shabu ang nasabat sa apat katao, kabilang ang tatlong magkakapatid, at kanilang bayaw na pawang mga high value target sa ikinasang drug bust operation sa Cebu City, madaling araw ng Biyernes.

Magkakasabay na dinakip ang mga suspek na nakilalang sina Benerando, 27, Joven, 29 at Beverly Avistado Gemperoso at ang 29-anyos na bayaw na si Regie Logico Medina, 29, pawang mga itinuturing na bigtime drug dealer na naninirahan sa Sitio Viking, Barangay Mambaling.

Ayon kay Police Col. Roderick Mariano, Cebu Provincial Police Office (CPPO) Director, alas 12:30 ng hatinggabi nang isagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Intelligence Branch, Provincial Drug Enforcement Group at Cebu City Police, sa naturang lugar kung saan nasamsam sa mga suspek ang nasa 53 malalaking transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng halos dalawang kilo.

Batay sa report na si Benerando ang siyang itinuturing na bigtime drug dealer sa Cebu City dahil siya umano ay nakakapagdispose ng naturang ilegal na droga nang 400 gramo kada linggo sa kanilang parokyano katuwang ang kanyang dalawang kapatid.

Sa isinagawang interogasyon, inamin ni Benerando na ang mga shabu na kanyang nakukuha ay nagmumula sa isang supplier na nasa loob mismo ng Mandaue City Jail.

Ang apat ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang patuloy na tinutukoy ng mga awtoridad kung sino ang supplier ni Benerando sa loob ng nabanggit na jail facility.

 

Please follow and like us:
Read More

8 JAPANESE, 8 PINOY SUGATAN SA BANGGAAN NG VAN, JEEP

accident135

(NI JG TUMBADO)

NASA 16 na indibidwal, kalahati ay  foreign tourists, ang sugatan nang magkasalpukan ang kanilang sinasakyang tourist van at jeepney sa kahabaan ng M.L. Quezon Avenue sa Lapu-Lapu City.

Nangyari ang insidente nitong madaling araw ng Huwebes kung saan walong Japanese nationals na lulan sa van ang kabilang sa mga nasugatan habang patungo ang mga ito sa Mactan Cebu International Airport.

Nagtamo ng seryosong mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga sakay ng jeep na pawang empleyado ng Mactan Export Processing Zone (MEPZ).

Naging pahirapan ang pagtanggal sa drayber ng van mula sa driver’s seat nito na naipit sa aksidente.

Lumabas sa imbestigasyon ni Police Corporal Melvin Diaz ng Lapu-Lapu City Police Office Station 5, nakaidlip umano ang drayber ng van at hindi na namalayan ang pagtawid nito sa kabilang linya na nagresulta sa head on collision sa kasalubong na jeepney.

Sasampahan ng kaso ang driver ng van ng reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to property.

Please follow and like us:
Read More

BABY NILUNOD NG NANAY SA BALDE NG TUBIG

(NI ANNIE PINEDA)

KULUNGAN ang kinabagsakan ng isang ina makaraan walang awa umanong lunurin sa baldeng puno ng tubig ang sariling anak na 11-buwan na sanggol , iniulat kaninang umaga sa Cebu City.

Kinilala ang suspek na si Kimmy Paclibar, 31, tubong Misamis Occidental at pansamantalang nanunuluyan sa isang dormitory sa Brgy. Sto. Niño, sa lungsod ng Cebu.

Batay sa report ng Waterfront Police Station, naganap ang insidente sa loob ng banyo ng dormitoryo na tinutuluyan ng mag-ina kasama ang 60-anyos nitong ama.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, lumuwas ang mag-ina kasama ang ama para sana ipagamot ang sanggol sa isang albularyo.

Kuwento naman ng lolo ng sanggol, lumabas lamang siya saglit para bumili ng tubig, pero pagbalik niya nagulat siyang nilulunod ng kanyang anak ang sanggil sa loob ng balde na may tubig.

Kaagad naman dinala sa ospital ang sanggol ero dineklara na rin itong patay ng umatending doktor.

Nahaharap ngayon sa kaso si Paclibar.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

5-ANYOS LUMUTANG SA IMBURNAL 

(NI ANNIE PINEDA)

MISTULANG bola na nagpalutang-lutang sa imburnal ang isang limang taon gulang na batang lalaki makaraang mahulog ito sa tulay nang habulin umano ang nahulog nitong bola na nilalaro, sa Cebu City.

Kinilala ang biktimang si John Clark Ebua, ng Sitio Exoville, Barangay Basak-Pardo, Cebu City.

Batay sa report, naganap ang insidente nitong araw ng Sabado bandang alas 2:00 ng hapon kung saan naglalaro ang biktima ng bola kasabay ng pagbuhos ng ulan.

Napunta umano ang bola sa imburnal dahilan para habulin niya ito pero maging siya ay nahulog at dahil sa lakas ng buhos ng ulan, naging pahirapan ang paghahanap sa bata.

Kinabukasan ng Linggo, bandang alas 5:45 natagpuan ang bangkay ng bata sa Tagunol Bridge, sa nasabing bayan .

agpaalala naman ang mga awtoridad sa mga magulang ngayon panahon ng tag-ulan na huwag hahayaang maglaro ang kanilang mga anak sa ulan lalo na ang mga menor de edad para maiwasan ang aksidente.

 

Please follow and like us:
Read More

TEENAGER ‘ADIK’ SA ONLINE GAMES ‘DI NA NAGISING

(NI ANNIE PINEDA)

DAHIL umano sa kasarapan ng tulog, hindi na nagising pa ang isang binata na minsan lamang matulog sa kabababad umano sa computer para maglaro, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Cebu.

Kinilala ang biktimang si Roldan Gonzaga, 19, at residente ng Sitio Nasipit, Brgy. Talamban, Cebu City.

Batay sa report ng Talamban Police Station, natagpuan na lamang ang biktima na hindi na gumagalaw dahilan para dalhin ito sa ospital pero idineklara na rin patay.

Lumabas sa paunang pagsisiyasat ng pulisya, palagi umanong nagpupuyat si Gonzaga sa pagsapit ng gabi at maaga itong gigising para naman mamalengke.

Kuwento pa ng kaibigan nito, palaging naglalaro sa computer bago pa matulog ang biktima at halos inaabot pa rin umano ito ng umaga sa paglalaro.

Hinala ng mga awtoridad, maaring binangungot ang biktima nang mapasarap ang tulog nito.

Isasailalim naman sa otopsiya ang bangkay ng biktima para malaman ang dahilan ng pagkamatay nito o kung may naganap na foul play sa naturang insidente.

Please follow and like us:
Read More

70-ANYOS BABAENG NEGOSYANTE PINATAY

crimeshooting

BINARIL at napatay ng riding in tandem ang isang 70-anyos na babaeng negosyante sa loob mismo ng tindahan nito sa Ermita, Cebu.

Tinadtad ng tama ng bala si Erlinda Garcia na noon ay nagbabantay sa kanyag tindahan nang lapitan ng gunman, Martes ng gabi.

Pinag-aaralan ng pulisya ang anggulong personal na galit o may kinalaman sa negosyo ang motibo sa pamamaslang.

Sinabi ni Police Staff Sergeant Joel Perolino, na naghahapunan ang biktima bandang alas-9 ng gabi nang dumating ang gunman sa tindahan ng biktima.

Agad nilapitan ng gunman ang biktima at pinagbabaril.

Apat na basyo ng bala ng 9mm caliber ang narekober sa pinangyarihan ng krimen.

Please follow and like us:
Read More

MGA PULIS SA INVESTMENT SCAM SA REGION 7, SISIBAKIN

central visayas12

(NI NICK ECHEVARRIA)

SISIBAKIN sa puwesto at kasamang kukumpiskahin ang service firearms ng sinumang pulis na mapatutunayang naglagak ng investment sa Kapa-Community Ministry International Inc., isang independent religious corporation.

Ito ang mahigpit na babala ni P/BGen. Dobold Sinas, Director ng Police regional Office (PRO) 7.

Ginawa ni Sinas ang babala makaraang mabatid ang mabilis na pagdami ng mga recruits na nag-invest sa ‘Kapa’ na umabot na sa 10,000 sa loob lamang ng tatlong linggong operasyon nito sa Cebu.

Pangunahing target umano ng ‘Kapa’ na ma-recruit ang mga police, mga miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP),  Bureau of Fire Protection (BFP) sa Region 7 at mga guro, kung saan ang iba umano sa mga ito ay nakapaglagak na umano ng investment.

Ayon sa Securities and Exchange Commission (SEC), nangongolekta umano ang ‘Kapa’ ng investments mula sa publiko na itinatago bilang donasyon kasunod ang pangako na bibigyan sila ng 30%  na tubo ng kanilang investment sa bawat buwan.

Paliwanag ni Sinas ang mga nakokolektang pera mula sa mga recruits ng ‘Kapa’ sa Central Visayas ay ginagamit namang pambayad sa mga kliyente nito sa Mindanao.

Sinabi pa ni Sinas na itinuturing na pinaka-agresibong pyramiding schemes ang ‘Kapa’ at may malawak na operasyon sa Mindanao.

Naniniwala ang opisyal na sakaling makapagtayo ng tanggapan sa Region 7, dadalhin ng ‘Kapa’ ang kanilang magiging koleksyon sa Mindanao para ipambayad naman sa mga nabiktima  nila doon.

Nitong nakalipas na June 1, dinisarmahan ng mga tauhan ng Civil Security Unit ang dalawang guwardiya ng ‘Kapa’ sa kanilang opisina sa Sitio Hika, Poblacion, Compostela Valley, Cebu makaraang matuklasan na walang lisensiya ang mga service firearms  ng mga ito na isang shotgun at 9mm pistol.

Noong April 3 naman nang ipawalang-bisa ng SEC ang Certificate of Corporate Registration ng Kapa-Community Ministry International Inc, dahil ang pangongolekta nito ng investment mula sa kanilang mga miyembro na itinatago bilang donasyon ay walang kaugnayan sa kanilang pakay bilang religious organization at isa umanong malaking panloloko.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ni Sinas sa SEC kaugnay sa ipinalabas na cease and desist order nito laban sa ‘Kapa’ para magsagawa ng raid at hindi na makapang-biktima pa ang naturang establisimyento.

Please follow and like us:
Read More

MAHIGIT P20-M ILIGAL NA DROGA, NAKUMPISKA

cebu200

(NI NICK ECHEVARRIA)

MAHIGIT P20 million halaga ng mga ilegal na droga ang nakumpiska ng pulisya sa Cebu City at Cebu Province sa magkakahiwalay na  anti-drug operations nitong Biyernes ng gabi at Sabado ng umaga.

Base sa report, unang nasamsan ng mga tauhan ng Mambaling Police Station at mga elemento ng  Drug Enforcement Unit ng Cebu  City Police Office (CCPO) ang 1.6 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P11,390,000 mula sa naarestong taxi driver na si  Richard Barbosa, alias Butong, sa  Sitio Bayutan, Barangay Duljo-Fatima,  bandang alas-9:00 noong Biyernes ng gabi.

Si Barbosa ay kabilang sa mga high-value target ng Mambaling Police Station na isinailalim sa kanilang surveillance.

Bagama’t mayroon nang impormasyon, nagsagawa pa rin ang mga awtoridad ng imbestigasyon para matiyak kung saan kinukuha ng suspek ang suplay ng shabu na kanilang nakumpiska.

Samantala, sa isa pang operasyon, nakumpiska rin ng mga tauhan ng  CCPO ang 789 gramo ng shabu  na may katumbas na halagang mahigit P5 million.

Tatlumpung mga warrants of arrest umano ang isinilbi ng  CCPO laban sa mga akusado sa kanilang nasasakupan subalit 29  lamang  ang kanilang nadakip na karamihan ay nahaharap sa mga kaso ng paglabag sa ipinagbabawal na droga.

Alas-5:00 naman ng umaga nitong Sabado ng salakayin ng mga miyembro ng Toledo City Police Station ang isang plantasyon ng marijuana sa Sitio Himatogan, Barangay Captain Claudio.

Sa pagsalakay, pinagbubunot ng mga awtoridad ang halos may  10,000 puno ng mga fully-grown marijuana na may street value na  P4,000,000, kung saan naaresto ang isang Elmer Cantutay na nakatira malapit sa plantasyon na hinihinalang siyang may tanim ng mga binunot na marijuana.

Batay sa ulat ni  Police Lt. Col. Janette Rafter, hepe ng Toledo City police dalawang linggo  na nilang hinahanap ang nasabing taniman ng marijuana hanggang sa makatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen.

Naniniwala si Rafter na sangkot si Cantutay sa operasyon ng illegal drug trade dahil sa tindig ng bahay nito na pinakamalaki at pinakamaganda sa  nabanggit na lugar.

Ayon pa sa opisyal, ilang beses na silang nagsagawa ng operasyon sa nasabing lugar at sinira ang mga tanim na Marijuana, subalit nitong nakalipas na linggo lamang ay muli silang nakatanggap ng report na mayroon na namang nagtanim na nag-positibo.

Ang pagkakakumpiska sa mahigit na P20 million halaga ng mga ilegal na droga ay resulta ng magkapanabay at pinaigitng na mga police operations sa Cebu na inilunsad sa loob  ng magdamag.

 

Please follow and like us:
Read More

MAHILIG SA NENE; LOLONG KANO HULI SA MOTEL

cebu city12

(NI KIKO CUETO)

TIMBOG ang Amerikano nang mahuli na may menor de edad sa loob mismo ng isang motel sa Ramos St. sa Cebu City.

Nakuha rin sa condo unit ng 63- anyos na suspek ang ilang gamit tulad ng lubricant, posas, at swimsuit.

Nakuha rin sa suspect ang notebook kung saan nakasulat ang mga pangalan ng mga babae at halaga ng ibinayad ng suspek.

Hinalughog ang condo ng dayuhan Biyernes ng hapon sa bisa ng search warrant.

Sinabi ng Women and Children Protection Center (WCPC) Visayas field unit, karamihan umano sa mga biktima ng suspek ay menor de edad.

Isasailalim din sa pagsusuri ang ilang gadgets ng suspek, tulad ng cellphone at laptop, kung mayroon itong mga pornographic material.

Napag-alaman na pabalik-balik sa Cebu ang suspek simula pa noong 1980. Dagdag ng WCPC, ang Federal Bureau of Investigation (FBI) ang nagsumbong sa kanila ukol sa gawain ng suspek.

Pinabulaanan naman ng dayuhan ang mga alegasyon laban sa kanya.

Sasampahan siya ng kasong paglabag sa Republic Act (RA) 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act at RA 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.

Please follow and like us:
Read More

SEKYU SA DALAGITA SA SEPTIC TANK HULI

cebu12

(NI NICK ECHEVARRIA)

NAARESTO na ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Cebu nitong Martes ng umaga ang pangunahing suspek sa pagpatay sa 14-taong-gulang na dalagita na natagpuan sa septic tank ng pinapasukang  paaralan.

Nakilala ang suspek na si Jessie Mediquillo, 34, na dinakip ng CIDG matapos ang koordinasyon sa Danao City Police Station at Cebu City Police Office bandang alas-7:30 sa Brgy. Lahug, Cebu City. Inaresto si Mediquillo sa bisa ng warrant of arrest mula sa sala ni Judge Ma. Josefa C. Pinza-Ramos ng Danao City Regional Trial Court Branch 25 sa kasong murder.

Sa report ni Regional Chief, P/Col. Lito Patay kay  P/MGen.Amador V. Corpus, director ng CIDG sa Camp Crame, si Mediquillo ang itinuturong suspek sa pagpatay kay Thesa Marie Ygay makaraang matagpuan ang duguang uniporme ng isang gwaridya sa guardhouse ng paaralan na may name tag na Mediquillo.

Nabatid na si Mediquillo ay may malalim na relasyon sa biktima at siyang nagsusustento sa mga gastusin nito sa paaralan simula pa noong 2012.

Dalawang araw matapos iulat sa pulisya ang biglaang pagkawala ni Ygay noong April 6, natagpuan ang bangkay nito sa loob ng  septic tank sa   Cogon Cruz Integrated School in Danao City kung saan ito nag-aaral.

 

Please follow and like us:
Read More

BUGAW TININGGA SA ULO

cebu city12

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang isa umanong bugaw na  miyembro ng LGBT makaraang taniman ng bala sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek sa Cebu City, Miyerkoles ng madaling araw.

Sa report ni P/Master Sargeant Gerry Genilaso, ng Station 2 ng Cebu City Police, naganap ang insidente ganap na ala-1:00 ng madaling araw habang nakatayo sa gilid ng kalsada ang biktima na nakilala lamang sa alyas na “Danica”.

Isang motorsiklo na sakay ang isang lalaki ang biglang huminto sa harapan nito at makalipas ang ilang saglit na pag-uusap ay bumunot ng baril ang suspek at saka pinaputukan sa ulo ang biktima.

Nang bumulagta sa kalsada ang biktima, mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin palayo sa lugar ng krimen.

Dead on the spot ang biktima na kilala umanong bugaw sa kanilang lugar.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek at kung may kinalaman ba ang krimen sa pagiging bugaw ng biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

4 MENOR DE EDAD NA SHABU COURIER, NASAGIP

shabu12

(NI JG TUMBADO)

NASAGIP sa isinagawang operasyon ng Cebu City Police Office (CCPO) ang apat na menor de edad na ginagawang drug courier ng sindikato.

Ito ay kasunod ng ginawang raid ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Mambaling Police Station sa Sitio Puntod sa Barangay Mambaling, Miyerkoles ng gabi, matapos makatanggap ng sumbong na may mga batang pinagdadala ng ilegal na droga sa lugar.

Ang nailigtas na mga bata ay nasa pagitan ng edad 12 hanggang 15 anyos.

Sa naturang operasyon ay nakuha sa mga biktima ang nasa 63 pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P24,000.

Ayon kay Police Captain Francis Renz Talosig, hepe ng Mambaling Police Station, ang apat na menor de edad ay hindi residente ng barangay.

Umamin ang isa sa mga bata na binabayaran sila ng P600 kada araw bilang drug couriers.

Tukoy naman na ng mga awtoridad ang partikular na grupo na nasa likod ng eksploytasyon sa mga batang biktima.

Please follow and like us:
Read More

LOLA, 5 PA, ARESTADO SA DRUG RAID; BAHAY ‘BATAKAN’ NG SHABU

cebu drug raid12

(TEKSTO/ PHOTO BY JG TUMBADO)

ARESTADO ang isang lola at lima pang kasamahan nito na umano’y tulak ng ilegal na droga nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng Drug Enforcement Unit ng Cebu City Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas, sa Sitio Bugnay Uno, Barangay Labangon, Cebu, araw ng Miyerkoles.

Target ng naturang operasyon ang 68-taong gulang na lola na si Delma Mahilum na umanoy nagpapaupa ng kuwarto sa isang compound na ginagawang front bilang drug den.

Una umanong isinailalim sa ilang linggong surveillance ng pulisya si Mahilum bunsod ng reklamong nasasangkot ang matanda sa kalakaran ng ilegal na shabu sa lugar.

Kinumprima naman sa pulisya na ilan pang tenants ang ginagamit ang bahay ng matanda bilang batakan ng shabu.

Nakumpiska kay Mahilum ang ilang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P71,000.

Bukod sa lola, arestado rin sina Hanley Go 25; Serafin Mahium, 31; Josue Kaparida, 19; Bhartholome Abella, 22, at isang nakilala lamang sa pangalang Villaflores habang nakatakas naman ang isang Alfonso Dadula, sa naturang raid.

 

Please follow and like us:
Read More

6 PULIS NAMBUGBOG SA DRUG SUSPECT, SINIBAK

pnp300

(NI JG TUMBADO)

SINIBAK na sa pwesto ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde ang anim na pulis na isinasangkot sa pambubugbog sa isang lalaking drug suspect sa Cebu City.

Kasabay ng suspensiyon ay ang pag dis-arma sa hindi pa pinangangalanang pulis at pagsasailalim sa kanila sa kostudiya ng Personnel Holding and Accounting Unit sa Cebu City Police Office (CCPO) habang sila ay patuloy na iniimbestigahan.

Ang hakbang ni Albayalde ay kasunod ng pagkumpirma nito na pawang mga pulis ang nasa likod ng krimen batay na rin sa pag-iimbestiga ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) ng PNP.

Una ng nag-viral sa social media ang video na kuha sa naganap na pananakit sa lalaki na tinukoy bilang si Eddie Basillote habang ito ay naglalaro ng video game sa isang shop sa Barangay Talamba, noong Abril 18.

Dito makikita na pinagsasampal, pinagsusuntok, sinipa at pinalo ng silya at baril si Basillote kahit ito ay nakaposas na.

Nabatid na ang pinsan ng lalaki ang nag upload ng video sa social media na nag viral.

Sinasabing walang bitbit na anumang warrant ang mga pulis na basta na lamang hinuli at sinaktan si Basillote na kasalukuyang nakadetine sa himpilan ng pulisya.

Please follow and like us:
Read More

P24.3-M SYNDICATED ESTAFA IKINASO SA BAYAW NI GAISANO

doj12

EKSKLUSIBO

(NI NELSON S. BADILLA)

INAASAHANG magiging sentro ng atensyon at kontrobersya sa lalawigan ng Cebu ang pamilya ni business tycoon Eddie Gaisano, isa sa mga kinikilalang matagumpay na negosyante ng lalawigan, dahil sa kasong P24.3 milyong syndicated estafa na kinasasangkutan ng isa sa miyembro ng pamilya.

Si Gaisano ay may-ari ng kilalang Gaisano Malls sa Visayas at Mindanao.

Batay sa rekord ng Department of Justice (DOJ), ang kanyang manugang na si Derwin Wong at iba pang siyam na indibidwal  ay sinampahan ng kasong syndicated estafa sa Cebu City Regional Trial Court.

Si Derwin ay asawa ni Eda Frances, anak ni Gaisano.

Nadakip si Derwin noong Abril 17 sa isang condominium sa Makati City batay sa warrant of arrest na inisyu ni Cebu City – RTC Branch 7 Judge James Stewart Ramon Himalaloan noong Abril 8 ng taong kasalukuyan, ayon sa DOJ.

Hinahagilap pa ng mga otoridad ang kasama sa syndicated estafa na sina Wong Chung Yin alyas David Wong, Derick Wong, Diane Wong, Davidson Wong, Lucy Chua, Juvy Ting, Susan Lu, Beverly Ansay at Leonardo Marsan.

Hanggang ngayon ay nagtatago pa ang siyam.

Ang nagsampa ng nasabing kasong kriminal laban kay Derwin at siyam na iba pa ay ang kanyang hipag na si Valerie Gaisano – Sebastian, anak din ni Eddie Gaisano.

Walang piyansa ang kaso nina Derwin.

Kaya, siya ay mananatili sa Cebu City Jail (CCJ) habang linilitis ang kaso, ayon sa DOJ.

Naglabas din si Judge Himalaloan ng hold departure order laban sa mga akusado na ipinarating sa Bureau of Immigration (BI) upang ang huli ay harangin ang pag-alis sa bansa ni Derwin at ng iba pang mga akusado.

Batay sa reklamo ni Gaisano – Sebastian, “ipinagkatiwala” niya ang kanyang P24.3 milyong halaga ng “shares of stocks” sa DW Capital Inc. (DWCI).

Nang rebyuhin at pag-aralan ni Gaisano – Sebastian ang mga transaksyon ng DWCI ay nadiskubre niyang naibenta umano ang kanyang P24.3 milyong halaga ng sapi sa DWCI nang walang “otorisadong pahintulot” mula sa kanya.

Ang pamilya ni Derwin ang sinasabing nagpapatakbo ng DWCI.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

BAGSAK NA GRADO O SEX? ENGLISH TEACHER HULI

cebu city12

(NI JESSE KABEL)

DAHIL sa pangako na magbibigay ng mataas na grado sa kanyang estudyante kapalit ng pakikipagtalik ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 7877 o Anti-Sexual Harassment Act in relation to RA 7610 o Anti-Child Abuse Law ang isang 24-anyos na guro sa Cebu City.

Ito ay makaraang magsumbong sa Parian Police Station sa Cebu City ang ama ng 17-anyos na estudyante.

Sinasabing nakita sa loob ng isang lodging house ang guro kasama ang dalagitang estudyante nito .

Subalit ayon sa guro nagpapamasahe lamang siya sa dalagita.

Una rito, ay humingi  ng police assistance ang ama ng biktima matapos na bantaan umano ng guro na ibabagsak ang anak nito sa English subject kung hindi gagawin ang kanyang gusto.

Sinasabing naaktuhan mismo ng mga otoridad ang sekswal na ginagawa ng dalawa na mariing itinanggi ng suspek dahil wala umanong nangyari sa kanila dahil nagpapamasahe lamang ito.

 

Please follow and like us:
Read More

CEBU ‘DRUG LORD’ PATAY SA QC

drug lord12

KINUMPIRMA ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagkamatay ng umano’y Cebu drug lord Franz Sabalones na binaril at napatay sa Barangay Scout Triangle in Quezon City madaling-araw ng Huwebes Santo.

Sinabi ng Criminal Investigation and Detection Unit na unang kinilala ng pulisya ang biktima na isang Jerome Cabilao, ng Calle Zaragosa Catillo, Talon Dos sa Las Piñas City, base sa ilang identification cards na nabawi sa wallet nito.

Gayunman, bandang alas-11:45 ng umaga ay lumutang ang pinsan nito at kinilala ang bangkay na si Franz Sabolanes, ng San Fernando, Cebu.

Sinabi ng pulisya na si Sabolanes ang may hawak ng droga sa naturang lugar at una nang sumuko kay dating PNP Chief Ronald dela Rosa noong 2016.

Si Sabalones ay galing umano sa isang bilyaran sa Timog Avenue sa Quezon City nang barilin ng hindi pa kilalang suspect.

Please follow and like us:
Read More

PABRIKA NG TELA SA MANDAUE NASUNOG

fire

PATULOY na iniimbestigahan ng arson investigators ang dahilan ng sunog sa isang pabrika ng tela, Martes ng gabi, sa Mandaue, Cebu.

Ayon sa may-ari ng pabrika na si Samson Tiu, malaki na umano ang apoy bandang alas-9 ng gabi.

Wala rin umano silang naisalbang kahit ano dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy. Hindi rin umano batid ng pamilya Tiu kung ano ang pinagmulan ng apoy dahil tanggal umano lahat sa saksakan ang mga de kuryenteng gamit dahil walang pasok at holiday.

Sinabi naman ni Fire Insp. Harley Glenn Galpo, deputy fire marshal ng Mandaue City,  na hindi nila agad naapula ang apoy dahil mabilis masunog at kumalat ang apoy na kumakapit sa tela sa loob ng gusali.

Tinatayang aabot sa P1 milyon ang natupok ng apoy.

Please follow and like us:
Read More

CHRISTINE LEE SILAWAN NI-RAPE BAGO PINATAY — PAO

cebu200

(NI JEDI PIA REYES)

HINALAY ang 16-anyos na babae na natagpuang patay at binalatan ang mukha sa Cebu noong nakaraang buwan.

Batay ito sa paunang resulta ng ginawang pagsusuri ng Public Attorney’s Office (PAO) at taliwas sa naging pag-iimbestiga ng pulisya na hindi ginahasa ang Grade 9 student na biktima.

Hindi tinanggap ng mga magulang ni Christine Lee Silawan ang inisyal na resulta ng pagsisiyasat ng Lapu-Lapu City Police Office na nagsabing hindi ginahasa ang dalagita kaya’t nagpasaklolo ito sa PAO para muling magsagawa ng awtopsiya.

Ayon kay PAO Chief Persida Rueda-Acosta, gamit ang macrophotographic lenses, nakumpirma ng mga eksperto ng PAO ang ilang mga sugat at pasa sa ari ng dalagita. May mga marka rin ng sakal sa kanyang leeg.

“Ni-rape po ito. Pinahirapan po ito,” ani Acosta.

Binuhusan din aniya ng asido ang biktima sa pagtatangkang maitago ang pagkakakilanlan nito.

Idinagdag pa ni Acosta na posible ring kinain ng ilang hayop ang bahagi ng lamang-loob ng biktima dahil natagpuan ito sa isang bakanteng lote.

Nauna nang iniutos ng Lapu-Lapu City Prosecutor’s Office na palayain ang 17-anyos na suspek sa krimen dahil dinampot ito nang walang arrest warrant. Iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling dakpin ang suspek at ngayon ay nasa pangangalaga ng pasilidad para sa menor de edad na nakagagawa ng krimen.

Please follow and like us:
Read More