UTOL TODAS KAY UTOL, 1 PA SUGATAN 

crime34

(NI SIGFRED ADSUARA)

HULI na ang  pagsisisi ng isang 31-anyos na mangingisda  nang nahimasmasan sa sobrang kalasingan at nalaman niya na napatay niya ang kanyang nakababatang utol at nadamay pa ang kanyang kainuman  sa Maragondon, Cavite.

Namatay noon din si Kenneth De Guzman, 29, ng Brgy. Patungan, Maragondon, Cavite habang namatay din habang ginagamot sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital (GEAMH)  si  Mark Aries Mojica, , isa ring Mangingisda ng Bry Patungan, Maragondon, Cavite dahil sa saksak sa katawan.

Nakakulong na sa Maragondon, Custodial Center ang suspek na si Sonnylet De Guzman, 31, isang mangingisda, nakatatandang kapatid ni Kenneth at kapitbahay nito sa Brgy Patungan, Maragondon, Cavite.

Sa ulat ni Pat. Juviel De Leon ng Maragondon, Municipal Police Station, dakong alas-10:00 ng Martes ng gabi nang naganap ang insidente kung saan nag-iinuman si Kenneth at Mark sa loob ng bahay ng una nang dumating ang nakatatanda nitong kapatid na si Sonnylet na nakainom din.

Agad umanong sumiklab ang galit ng nakatatandang De Guzman dahilan upang magkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa nagbunot ng patalim si Sonnylet at itinarak sa dibdib ng nakababata nitong kapatid na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Tinangka namang namagitan si Mark Aries pero siya naman ang binalingan ni Sonnylet na may tama rin sa ulo na hinihinalang nakuha nito habang nakikipambuno sa kanyang kapatid.

Ayon kay De Leon, may matagal na umanong alitan ang magkapatid na sumiklab ito nang nagpang-abot sa bahay ng nakababatang utol.

 

Please follow and like us:
Read More

SEX, SHABU ALOK NG BEBOT SA CUSTOMER

arrestwomen12

(NI ROSS CORTEZ)

HINDI nag-aksaya ng oras ang mga operatiba ng Cavite Provincial Intelligence Branch at agad nilusob ang room 21 ng isang motel sa Barangay Talaba 7 sa lungsod ng Bacoor, Cavite, ala-1:00 ng madaling araw ng Sabado.

Arestado ang pangunahing suspek na si Jocelyn Martinez, Ashly, 27, na nakacheck-in sa nasabing motel room kasama ang poseur-buyer na ipinain ng mga operatiba sa kanya.

Sa planadong buy-bust operation laban sa suspek na kilalang tulak ng droga at nagbebenta ng panandaliang aliw, napagkasunduan na magchecheck-in sila ng umaktong poseur-buyer

Habang hinihintay ang isa pang drug suspect na si Jayson Alejandro, 18, na magdadala ng shabu na ibebenta ni Ashly sa operatibang poseur-buyer.

Kaya naman nang dumating si Alejandro sa room 21, ibinigay nito ang shabu kay Ashly na ibinenta rin agad sa kasama niyang poseur-buyer sa loob ng kwarto ang shabu kapalit ng P200.

Kaya agad na silang inaresto ng iba pang mga operatiba na nakaabang sa ibaba ng motel

Sa panayam, hindi itinanggi ni Ashly na nagbebenta siya ng droga sa mga nakaka sex niyang customer, habang si Alejandro, itinuturo ang kanyang kuya na siya umanong tulak ng droga at nag-utos sa kanya na ihatid ang shabu kay Ashly sa motel.

Sa kabuuan, nasa 7 gramo ang timbang ng narekober na mga pakete ng shabu, kasama ring nabawi ang P200 buy bust money

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa reklamong paglabag sa RA 9165.

 

 

Please follow and like us:
Read More

AMO PINAINOM NG LASON NG BADING NA KASAMBAHAY

poison12

(NI SIGFRED ADSUARA)

ISINUGOD sa ospital ang isang 38-anyos na truck driver matapos mainom ang softdrinks na may halong rat poison na inilagay ng kanyang beking katulong sa Dasmarinas City, Cavite

Inoobserbahan pa rin sa Pagamutan ng Dasmarinas ang biktimang si Lyric Calzado, may-asawa ng Block 19 Lot 2, Green Breeze 2, Brgy. Langkaan 2 Dasmarinas City, Cavite.

Kasong frustrated murder ang isinampang kaso laban sa suspek na si Jonnie Amog, 22, isang bading, tubong Marinduque at stay in-katulong sa bahay ng biktima.

Sa ulat ni Pat. Arthur Rejano, ng Dasmarinas City Police Station, dakong alas-2:00 Huwebes ng madaling araw nang dumating ang biktima sa kanilang bahay  galing sa trabaho na uhaw na uhaw  kaya binuksan niya ang kanilang refrigerator at nakita ang isang bote ng softdrinks at agad nitong tinungga.

Gayunman, agad itong nakaramdam ng kakaibang lasa sa nainom hanggang sa sumakit ang tiyan, nahilo hanggang sa nagsuka.

Bago isinugod sa ospital ang biktima ay natuklasan na ang kanilang katulong ang naglagay ng lason sa sofdrinks.

Ayon kay Rejano, nagtanim umano ng galit ang suspek tuwing pinapagalitan siya ng kanyang amo at upang makaganti ay  naisipan niyang ihalo ang rat poison sa soft drink at inilagay ito sa refrigerator.

Nabatid na ilang buwan pa lamang nilang katulong ang suspek.

Narekober sa loob ng bahay ang isang  wala ng laman na sachet ng zinc phosphide o rat poison at bakas na inihalo ito sa bote ng soft drinks.

Ipinagpapasalamat pa rin ng biktima na siya ang nakainom at hindi ang kanilang 7-anyos na pamangkin na kasama din nila sa bahay o ang kanyang misis.

Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Dasmarinas City Custodial Center.

Please follow and like us:
Read More

16 BOTELYA NG DINAMITA NASAMSAM SA BODEGA NG GINANG

dynamite12

(NI SIGFRED ADSURA)

HINDI na nakatanggi ang isang 46-anyos na ginang at isang fish opeator nang lusubin ng Cavite Police ang kanyang bodega at masamsam ang 16 botelya ng dinamita sa Rosario, Cavite.

Nakakulong ngayon sa Rosario Custodial Center ang suspek na si  Alma Brazuela,  ng Brgy Wawa 2, Rosario, Cavite.

Sa ulat ni Pat. Lynard Pareja, ng Rosario Municipal Police Station, nakatanggap ng tawag ang Rosario MPS hinggil sa umano’y  grupo ng mga mangingisda na papalaot at gumagamit ng homemade dynamite sa bodega ng suspek.

Dahil dito, agad nagsagawa ng operasyon ang Rosario MPS at 402th Maritime Police Cavite sa isang bodega na pag-aari ng suspek dakong alas-11:30 Martes ng gabi  kung saan nakuha sa suspek ang 16 na botelya  ng homemade dynamite.

Ayon kay Pareja, inamin ng suspek na gumagamit sila ng dinamita sa kanilang pangingisda. Nakita sa loob ng kanyang bodega ang mga kawa na ginagamit na lutuan sa paggawa ng homemade dynamite.

Kasong paglabag sa Sec. 92 (b) ng RA 10654 (Possession of Explosives and Noxious  or Poisonous substances for Illegal Fishing) ang isinampang kaso laban sa suspect.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI GINILITAN NG EX-BF NG KALIVE-IN

crime

NAPATAY ng isang lalaki ang umano’y bagong kinakasama ng kanyang dating live-in partner sa kanilang sariling pamamahay sa Biñan City, Sabado ng gabi .

Ang suspek ay kinilala ni PCol. Danilo Mendoza, hepe ng Biñan Police Station, na si Rico Pol, 39, residente ng Dulong Wawa, Zone 7, Brgy. Malabanan, Biñan City, Laguna.

Samantalang ang napatay ay kinilalang si Michael Astillero,36, residente ng Ilaya St. Zone 1 Brgy. Malaban, Biñan City, Laguna.

Bandang alas-7:30 ng umaga, isang tawag ang natanggap ng Biñan City Police Station na galing sa Police City Precint 3 kaya’t  pinuntahan ito ng Biñan Police.

Natagpuang nakahandusay ang biktima at wala nang buhay.

Ayon sa salaysay ni Maricel Eulin, 34, residente ng Dulong Wawa,Biñan City , Laguna, hiwalay na umano sila ng suspect at may bago na siyang kinakasama.

Biglang dumating sa kanilang bahay ang suspek at galit na galit ito sa biktima dahil pinatira ni Eulin ang bago nitong kinakasama sa kanilang sariling pamamahay.

Kumuha ng patalim ang suspek at nakipaghabulan sa biktima sa labas ng bahay. Nang abutan ay ginilitan ng leeg si Astillero hanggang sa mamatay.

Dahil nakonsensiya, kusang sumuko ang suspek sa mga barangay tanod sa Brgy.Dela Paz at dinala ito sa Biñan City Police Station.

Please follow and like us:
Read More

ANGELICA ALITA MAGIGING FIRST LADY NG CAVITE

alita32

(NI KC GUERRERO)

NEXT week ang balik ni Vice Governor Jolo Revilla mula Amerika kasama ang kasintahang si Angelica Alita.

Marami na ang nakapansin  sa ilang post niya sa  Instagram ng sweet-sweetan nilang magkasintahan.

Isa nga dun sa post niya na kung saan hawak ni Angelica ang ice cream at kitang-kita ang suot na singsing with matching malaking bato, obvious na engagement ring ito.

Ilang beses ko nang tinatanong kay Jolo ang tungkol sa engagement, smile lang siya talaga.

“Basta” lang ang sagot niya, at ayaw ring mag-comment ni Angelica.

Pero totoo kayang may mga kinakausap na si Jolo na mag-Ninang? Iyun kaya ang ibinulong niya minsan kay Manay Lolit Solis?

Hindi naman daw nila itatago ito kung talagang may plano na sila. Pero sa tagal nang pagkakilala namin kay Jolo, kitang-kita naming gusto na niya talagang mag-asawa.

Si Angelica na nga kaya ang magiging first lady ng Cavite?

 

Please follow and like us:
Read More

TRIKE VS DUMP TRUCK,  NEGOSYANTE  KRITIKAL

motoraccident12

(NI SIGFRED ADSUARA)

INOOBSERBAHAN ang kalagayan ngayon ng isang 40-anyos na negosyante nang tumilapon sa sinasakyang motorsiklo at humiwalay ang side car nito nang makabanggaan ang isang dump truck sa Alfonso, Cavite.

Ginagamot ngayon sa Poblete Hospital ang biktimang si Romeo Opena, may-asawa ng Brgy Luksuhin Ibaba, Alfonso, Cavite

Naaresto naman ang driver ng dump truck na rehistrado sa Ray of Gold Trading Inc., na si Jerwin Libunao , 25, ng Brgy Masalipit, San Miguel, Bulacan.

Sa ulat ni PSSgt Boyet Soriano ng Alfonso Municipal Police Station, dakong alas-7:35 ng Linggo ng umaga nang naganap ang insidente sa Mangas-Luksuhin Road kung saan  na minamaneho ng biktima ang isang SYM na motorisklo,  na may side car at walang plaka at  sakay nito ang kanyang helper na si Rolly Mendoza habang binabagtas ang nasabing lugar  patungo sa north direction  papuntang town proper ng Alfonso.

Minamaneho rin ni Libunao ang isang dump truck at binabagtas naman ang kabilang lane sa nasabi rin lugar nang nawalan ng kontrol ang steering bar ng motorsiklo ng biktima at nabangga nito ang dump truck.

Dahil sa insidente,  humiwalay ang side car sa motorisklo at tumilapon ang biktima.

Isinugod ang biktima sa ospital at kasalukuyang nasa kritikal  na kalagayan dahil sa tinamong sugat sa katawan.

 

Please follow and like us:
Read More

CHOPPER BUMAGSAK SA DAGAT; 2 PILOTO LIGTAS

cavite city12

(NI SIGFRED ADSUARA)

NASA ligtas ng kalagayan ang dalawang piloto ng Philippine Air Force (PAF) nang bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter na nakaranas ng engine failure habang nagsasagawa ng proficiency lesson sa bahagi ng karagatan ng Cavite City.

Kinilala ang dalawang piloto na sina 1Lt Uriel Pangket, 29, miembro ng PAF at 1Lt Razelle Cerdenia, 26, kapwa miyembro ng PAF at kasalukuyang nakatira sa  16th Attack Squadron, 15th Strike Wing, MDAAB,  Sangley Pt., Cavite City.

Sa report ni Pat.Melvin Calapano ng Cavite City Police Station, dakong alas-12:07 Biyernes ng tanghali, nang naganap ang insidente sa dagat sakop ng Cavite Coastal area  sa Cavite, City.

Nagpalipad ng helicopter ang dalawa kung saan si Pangket ang piloto, bilang bahagi ng kanilang proficiency fight lesson profile nang makaranas ng engine  failure habang nasa  himpapawid dahilan  upang nag-emergency ejected ang dalawa at bumagsak sa dagat.

Napansin naman ng mga mangingisda ang dalawang piloto na palutang-lutang na  siyang tumulong sa dalawa at dinala sa Banog area saka  isinugod sa ospital.

Kasalukuyang nagsasagawa ng rescue operation sa bumagsak na helicopter.

 

 

Please follow and like us:
Read More

REMULLA, REVILLA PA RIN NAMAYAGPAG SA CAVITE

jolog12

(NI SIGFRED ADSUARA)

NANALO sa pagka-gobernador ng Cavite si Juanito Victor “Jonvic” Remulla laban sa dati ring gobernador na si Erineo “Ayong” Maliksi.

Si Remulla ay nakakuha ng 820,890 na boto mula sa 92.97%  mula sa lahat ng voting precincts kumpara sa 493,085 boto na nakuha ni Maliksi.

Si Maliksi ay dating governor ng Cavite  mula 2001 hanggang 2010 hanggang sa natalo ito ni Jonvic at naninilbihan itong governor mula 2010 hanggang 2016 matapos na palitan siya ng kanyang kapatid na si Jesus Crispin “Boying” Remulla na nanalo naman sa pagka-congressman ng ika-7 Distrito ng Cavite.

Muli naman naluklok sa pagka Bise Gobernador si Ramon “Jolo”  Revilla na walang nakalaban nitong nakaraang midterm election.

Sa Trece Martires City, nanalo naman si Gemma Lubigan, biyuda ng napatay na si dating Vice Mayor  Alex Lubigan sa huling tala sa 08.91% na polling precincts.

Si Lubigan ay nakakuha ng 27,981 na boto laban sa katunggaling si Melencio De Sagun Jr na nakakuha lamang ng 21,197 na boto mula sa 98.91 %  na polling precincts.

Matatandaan  na binaril at napatay ang asawa ni Gemma na si Alex Lubigan noong July 2018 kung saan inakusahan si  Melandres de Sagun.

Sa Bacoor City Cavite, napanatili naman ni incumbent Mayor Lani Mercado ang pagiging mayor matapos na nakakuha ng botong 141,848 laban sa katunggaling si Jose Francisco na may boto ng 18,903 (As of 8:12 am).

Mananatili naman Mayor ng Tanza, Cavite si Mayor Pacumio matapos na nakakuha ng mataas na boto laban sa katunggali at dating mayor na si Marcus Ashley Arayata habang maluluklok naman na Vice Mayor si dating board Member Raymundo del Rosario laban sa katunggaling si Arleen Arayata.

Mananatili namang Mayor ng Gen Trias City  si Antonio Ferrer at Vice Mayor Murito Sison habang si

Indang Mayor Perfecto Fidel at Vice Mayor Ismael Rodil at  Mendez Mayor Eric Vida ay mananatili sa kanilang puwesto dahil sa walang nakalaban nitong midterm election.

Please follow and like us:
Read More

LOLO, PATAY; 2 ESTUDYANTE SUGATAN SA AKSIDENTE

motoraccident12

(NI SIGFRED ADSUARA)

TUMILAPON na, nagulungan pa ang katawan ng isang  61-anyos na lolo na siyang ikinamatay habang sugatan ang  10-anyos na estudyanteng sakay nito  at isa pang 20-anyos na babaeng estudyante na sakay ng isa pang tricycle  sa Trece Martires City, Cavite.

Hindi na umabot nang buhay  sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Aurelito Pecson, 61, tricycle driver,  ng Block 12 Lot 7 Southville PH-2A Brgy. Aguado, Trece Martires City habang ginagamot sa nasabi ring ospital si  Vidalyn Nueva, ng Brgy Lapidario at  Antonette Dela Cruz Bacarro, 20, ng B4 lot 48 P1 Radition Homes Brgy. Inocencio.

Nakakulong ngayon ang driver ng isang Ford Everest (NAL 1080) na minamaneho ni Angelito Gadon, ng Port Area, Baseco Compound Tondo, Manila.

Sa ulat ni Pat. John Gregory Bago ng Trece Martires City Police Station, dakong alas-12:05, Miyerkoles ng  hapon nang naganap ang insidente sa Indang-Trece-Martires Road sa Brgy Luciano, Trece Martires City, kung saan binabagtas ng biktima ang nasabing lugar habang minamaneho ang kanyang tricycle  (AC 23101) at sakay nito si Nueva nang araruhin ng kabuntot na sasakyan na Ford Everest na minamaneho ni Gadon, company driver, ng Unitop Gen Merchandise Inc.

Ayon sa driver ng Ford Everest, nawalan umano ng kontrol ang manibela nito dahilan upang mabangga nito ang tricycle ng biktima at makaladkad sa kabilang linya ng kalsada at ma-sandwich ng isang papadating na kulay pulang Toyota Vios (XNB 469) na minamaneho ng isang Efren Sangangbayan , 44, ng Brgy. Harasan Indang, Cavite.

Tinangka ng driver na i-atras ang kanyang sasakyan kung saan naatrasan naman nito ang isa pang tricycle na minamaneho ni Angelito Vicedo, 58, ng  J. Vicedo St. Brgy. Luciano Trece Martires City, Cavite na nagresulta naman sa pagkakasugat ng sakay itong si Bacarro.

Pawang dinala sa ospital ang mga biktima subalit idinelarang dead on arrival si Pecson.

Kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide with Multiple Physical Injuries and Damaged to Property ang isinampang kaso laban sa driver ng Ford Everest.

 

Please follow and like us:
Read More

2 BESES NAGTANGKA; OPERATIONS MANAGER NAGBIGTI

cavite12

(NI SIGFRED ADSUARA)

SA pangatlong pagkakataon, natupad din ang kagustuhan na mamatay ng  isang 56-anyos na operations manager matapos magbigti sa loob ng kanilang bahay sa Noveleta, Cavite.

Kinilala ang biktimang si Abel Reyes, may-asawa, manager ng ICT Company  at residente ng  517 Llamado St. Sta. Cruz, Cavite City.

Sa ulat ni PSSgt Ricky Cerilos ng Noveleta Municipal Police Station, dakong alas 11:50 Martes ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng biktima ng kanyang live-in partner na si Jessica Caprisa sa loob ng tinutuluyang bahay.

Ayon kay Jessica, nagising siya sa pagkakatulog nang mapansin nitong wala sa kanyang tabi ang kanyang asawa.

Nang hanapin, nakita nito sa kanilang bintana ang bangkay ng biktima na nakabitin sa grill gamit ang isang electrical wire.
Dagdag pa ng kanyang asawa, dumaranas ng depresyon si Reyes at dalawang beses na umano itong nagtangkang magpakamatay.

Please follow and like us:
Read More

PEKENG NPA HULI SA ENTRAPMENT; BIKTIMA PUMALAG

cppnpa12

(NI SIGRED ADSUARA)

SWAK sa kulungan ang isang 38-anyos na nagpakilalang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos maaresto sa entrapment operation sa aktong na humihingi ng revolutionary tax sa mga mangingisda sa Tanza, Cavite.

Kasong robbery extortion ang isinampang kaso laban sa naarestong  suspek na si Edison Malaras Jr, may-asawa, ng 143 Sta Rosa Ave., Maria Subd., Mabalacat, Pampanga at Tramo St., Brgy Amaya 1, Tanza, Cavite, dahil sa reklamo ng isang Adelfa Lejano, miyembro ng Pamalakaya, isang asosasyon ng mga mangingisda.

Sa ulat ni PSSgt. Darius Dela Vina, ng Tanza Municipal Police station, dakong alas- 3:45 Miyerkoles ng hapon, nang ikasa ng Tanza MPS, POOG-PIB, SWAT Cavite, Naval Intelligence Security Group, NCR Naval Intelligence and Security Force (PN) at  Coast Guard Intelligence Force, Field Station NCR-Central Luzon (PCG) ang pag-aresto sa suspek sa Cesa Road, Bgy Amaya 1, Tanza, Cavite.

Ayon kay Dela Vina, modus operandi ng suspek ang pagpapakilala nitong miyembro ng NPA  at nagpadala ito ng liham sa biktima kung saan humihingi ng P300,000 na revolutionary tax at kung hindi ito magbibigay ay susunugin niya ang ilang bangka na pagmamay-ari ng mga miyembro. Nag-iwan din ito ng contact number para siya tawagan.

Lingid sa kaalaman ng suspek, nakipag-ugnayan ang biktima sa pulisya kung saan ikinasa ang entrapment operation at sa aktong iniaabot ng huli ang  boodle money sa suspek ay inaresto ito.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang isang kalibre .38 na baril at mga bala, wallet na naglalaman ng lisensiya ng isang mangingisda, mga identification cards, cellphone at ang boodle money na P1,500.

Sa pagkakaaresto sa suspek, nabulgar din na siya rin ang dating nagpapakilalang miyembro ng NPA na humihingi ng revolutionary tax sa ilang miembro ng Pamalakaya, partikular sa Amaya 1,  Tanza, Cavite at siya rin ang suspek sa pagsusunog  ng ilang bangka ng mga mangingisda noong January 6, 2019.

Nakakulong ngayon sa Tanza custodial center ang naarestong suspek.

Please follow and like us:
Read More

3 ARESTADO SA HIGIT P500-K MARIJUANA

mj12

(NI ROSS CORTEZ)

HUMIGIT kumulang sa 47 kilo na pinatuyong dahon ng marijuana ang nakumpiska ng mga operatiba sa buy bust operation ng Dasmariñas Component Police Station sa Barangay Salitran 3, alas-8:00, Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Felix Flores , alyas  Alex, 34, Rodel Herrera, 35, at Alberto Mabini, 36. Nasa watchlist ng barangay ang pangunahing suspek habang nakatala naman bilang newly identified drug personality sina Rodel at Albert

Bago nadiskubre ang tig-isang kilo ng 47 bloke ng marijuana, nakapagbenta muna ng tatlong pakete nito ang pangunahing suspek sa umaktong police poseur-buyer

Tinatayang may market value na hindi bababa sa P564,000 ang halaga ng mga narekober na marijuana. Nabawi rin sa mga suspek ang P400 marked money

Nahaharap sila ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act.

Please follow and like us:
Read More

SK KAGAWAD SA DRUG WATCH LIST ARESTADO

MARIJUANA

(NI JG TUMBADO)

NALAMBAT ng pulisya ang isang 22-anyos na Sangguniang Kabataan (SK) Kagawad sa ikinasang anti-drug bust operation sa Rosario, Cavite, madaling araw ng Linggo.

Kakasuhan sa paglabag sa ilalim ng Section 5 at 11 Article II ng Republic Act 9165 ang suspek na si Henry D. Oyao Jr., residente ng Barangay Muzon Dos, kasalukuyang SK kagawad at ang dalawa pa nitong kasamahan na sina Elmer De Guia, alyas “Agler”, 27, at ang 16-anyos na babae na itinago sa pangalang “Nicole”.

Ayon kay PO1 Ricardo Mendoza Jr., ng Rosario Municipal Police Station, nasa parehong puwesto bilang ikalawa sa listahan ang barangay official at si De Guia na mga bagong talang drug pusher sa lugar.

Batay sa report, alas 4:30 ng madaling araw nang ilatag ng Rosario Station Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang operasyon sa grupo ni Oyao sa Barangay Muzon Dos.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa posesyon nina Oyao ang apat na pirasong plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na may street value na P600.

Nasa kustodiya na ng station custodial facility sina Oyao at De Guia habang ang menor de edad naman na suspek ay nai-turn over na sa Municipal Social Welfare and Development para sa pangangalaga nito.

Please follow and like us:
Read More

DRUG SURRENDEREE HULI SA DROGA SA REHAB PROGRAM

shabu12

(NI SIGFRED ADSUARA)

BUKING ang isang 45-anyos na kabilang sa participants para sa Rehabilitation Program for Tokhang Surrenderee nang mahulihan ng shabu sa kanyang bulsa  sa loob mismo ng seminar room sa Bacoor City, Cavite.

Kasong paglabag sa RA 9165 ang isinampang kaso laban sa suspek na si Jonathan Cireneo, ng Block 26 Lot 11, Brgy Queensrow Central , Bacoor City, Cavite

Sa ulat ni PO3 Edison Fetalcurin ng Bacoor City Police Station, nagsasagawa ng 45-day Community Based Rehabilitation Programs for Tokhang Surrenderee , sa Brgy Queensrow Central, Bacoor City,   Cavite, dakong alas-3:30 Sabado ng hapon kung saan kabilang ang suspek sa mga participants, nang ibinulong kina Brgy  Kagawad Julieta Barrios, 72 at Brgy Tanod Henry Ang, 50, na may itinatagong droga si Cirineo.

Ipinatawag si Cirineo at tinanong kung ano ang laman ng bulsa ng kanyang pantalon at nang ilabas ang isang pouch ay nakita ang mga drug paraphernalia at dalawang sachet ng shabu.

Nakakulong ngayon sa Bacoor City Custodial Center ang naarestong suspek.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI RUMESBAK SA BILAS NA NAN-RAPE SA ‘ANAK-ANAKAN’

crime

(NI SIGFRED ADSUARA)

HINDI pinagisisihan ng isang 32-anyos na Obrero ang pagkakasuntok at pagkamatay  ng kanyang  bilas matapos nitong mabuking na inaabuso nito ang anak ng kanyang  live-in partner  ng halos walong tao sa Imus City, Cavite.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Imus ang biktimang si Albert Garcia, 40, isang Obrero ng Block 4 Lot 21, Parkdale Classic, Bgry Anabu 1-E, Imus City, Cavite.

Naaresto naman ang suspek na si Joey Ravino, 32, at kasamahan sa bahay ng biktima.

Sa ulat ni  PO1 Jessie Villanueva ng Imus City Police Station, nagtalo umano  ang biktima at suspek nang nagpang-abot ang dalawa sa kanilang bahay matapos na nag-inuman sa labas  dakong alas-10:00 ng gabi hanggang sa sinuntok ang huli ang una at nawalan ng balanse at tumama ang ulo nito sa isang matigas na bagay.

Isinugod sa ospital ang biktima subalit idinelarang dead on arrival.

Pero ayon kay PO1 Villanueva, lumabas sa awtopsy report na hindi namatay ang biktima dahil sa suntok ng suspek kundi posible umanong inatake ito sa puso matapos na nasuntok a ng biktima.

Dagdag pa ni Villanueva na kaya nagalit at sinuntok ng suspek ang biktima dahil nalaman nito na inaabuso umano ng biktima ang 21-anyos na anak ng kanyang live-in partner simula pa noong 13-anyos pa ito.

Nabatid na hindi umano  nagsusumbong ang dalaga  dahil pinagbabantaan umano siya ng biktima.

Please follow and like us:
Read More

ESTUDYANTE NALUNOD SA HIKING

lunod1

(NI NILOU DEL CARMEN)

NASAWI ang isang 14-anyos na estudyante matapos malunod sa ilog sa Nasugbu,  Batangas nitong Sabado.

Kinilala ng Nasugbu police ang biktima na si Charles Nathan Lopez,  residente ng Silang, Cavite.

Batay sa report ng pulisya,  Sabado ng umaga ng mag-hiking ang mga estudyante kasama ang kanilang mga guro sa Mt.  Talamitam sa Barangay Aga.

Sa kalagitnaan ng hiking, nagkayayaan umanong maligo sa ilog sa bundok ang biktima at ang kaklaseng si Bernard Evander Abergido kasama ang teacher nilang si Carl Louise Abisano dakong ala-1:30 ng hapon.

Subalit napadako umano ang biktima sa malalim na bahagi hanggang sa ito ay malunod.

Hindi na ito nagawang sagipin ng mga kasama matapos na ito ay tuluyang lumubog sa tubig.

Wala ng buhay ang biktima nang ito ay mahanap ng mga rescue team na nagresponde sa insidente.

Please follow and like us:
Read More

RET. NAVY, BGY CHAIR HULI SA BARIL

cavite map1

(NI SIGFRED ADSUARA)

BINITBIT sa bisa ng search warrant ang isang retiradong Philippine  Navy at isang barangay chair matapos nahulian ng baril  sa magkahiwalay na lugar sa Cavite.

Kasong paglabag sa RA 10591 in relation to Omnibus Election Code (implementation of Search warrant ang isinampang kaso laban sa mga naarestong suspek  na sina Paulino Dimaranan, 62, isang retiradong miembro ng Philippine Navy  ng Banayad Road., Brgy Bukal, Mendez, Cavite, at  Jaime Hembrador, ng Brgy San Agustin 3, Dasmarinas City, Cavite

Sa ulat, dakong alas-6:30 Biyernes ng umaga  nang isilbi ang search warrant na inisyu  ni Hon. Agripino Morga, Executive Judge , Regional Trail Court , Fourth Judicial Region, City of San Pablo, Laguna laban kay Dimaranan  kung saan nakuha sa kanya ang isang kalibre .45, 12 pirasong bala ng kalibre .45 at 4 na piraso ng cartridges ng kalibre 45.

Bitbit naman ng Dasmarinas City police ang isang search warrant na inisyu ni Hon Agripino Morga , Judge TRC Branch 32, City of San Pablo, Laguna, dakong alas-4:30 ng hapon nang isilbi ito sa bahay ni Hembrador kung saan nakumpiska ang isang Cobray Ingram M11 9mm submachinegun  na may isang magazine na may 15 na bala at isang Squidman na kalibre 22.

Please follow and like us:
Read More

HUBAD NA LARAWAN NG TEACHER ‘DI IBUBUKING, 1 ARESTADO

teacher1

(NI SIGRED ADSUARA)

HINDI na nakaporma pa ang isang 31-anyos na lalaki nang arestuhin ng pinagsanib na puwersa ng Cavite police at National Bureau of Investigation (NBI)- anti-cybercrime unit   habang nasa aktong wini-withdraw nito ang halagang P1,500 sa isang Padala Center matapos nitong kotongan ang isang teacher sa Mendez, Cavite.

Kasong Robbery Extortion in Relation to RA9995 ang isinampa laban kay Aaron Perey, may-asawa ng Brgy.  Galicia 2, Mendez, Cavite, dahil sa reklamo ni Dulce, isang teacher ng Batangas City.

Sa  reklamo ng biktima kay Corporal Gilbert Opulencia ng Mendez Municipal Police Station, nag-chat umano ang suspek  sa kanya kung saaan hinihingan nito ng halagang P1,500 kapalit ng hindi nito pagpo-post ang mga hubad nitong larawan sa Facebook at Messenger.

Pumayag ang biktima subalit bago nito inihulog ang pera ay humingi ito ng tulong sa mga pulis at  dakong alas-4:36 Lunes ng hapon nang  pumuwesto ang pinagsanib na puwersa  ng Cavite Police at NBI-Cybercrime Unit   sa isang branch ng Padala Center sa Brgy Galicia 2, Mendez, Cavite at ikinasa ang entrapment operation.

Nasa aktong wini-withdraw ng suspek ang  pera nang arestuhin ito.

Ayon kay Opulencia, sinabi ng suspek na may-relasyon umano sila ng biktima.

Please follow and like us:
Read More

SK KAGAWAD, GOV’T EMPLOYEE, EX- COP HULI SA SHABU

shabu2

(NI SIGFRED ADSUARA)

SWAK sa kulungan ang apat na katao kabilang ang ang isang government employee, AWOL na  dating pulis at SK Kagawad sa isinagawang buy bust operations sa Bacoor City, Cavite.

Kinilala ni SPO1 Christian Rosales ang mga naarestong suspek na sina Elino Calara, alias “Jun”, 50, binata, isang government employee ng 254 Tramo St.,, Brgy. Alima, Bacoor City, Cavite; Jerome Canlea , alias “Jerome”, 32, binata, dating miyembro ng PNP (AWOL) ng  Lot 58, Blk 12, Tagaytay Heights, Kaybagal South, Tagaytay City, Cavite; Eric Navas, alias “Toto”, 21, isang SK Kagawad ng 441 Looban St., Brgy. Banalo, Bacoor City, Cavite; Jayson Guilas, 35, binata ng 239 Tramo St. Brgy. Alima, Bacoor City, Cavite at  Federicko Felizardo, alias  “Buruboy” ng Brgy. Alima, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ng Bacoor City Police Station, nakipag-transaksiyon sina Calara, Guilas, Navas at Felizardo sa pagbebenta ng hinihinalang shabu sa isang poseur buyer dakong alas-11:45 Huwebes ng gabi sa Brgy Alima, Bacoor City, Cavite gayunman, huli na nang  malamang pulis ang kausap. Si Canlea naman ay naabutan  sa loob ng bahay ni Guilas na humihitit ng hinihinalang shabu.

Narekober sa mga suspek ang hinihinalang 5.2 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P35,360; mga shabu, alum,inum foil, imrprovised galls tooter, gunting,  lighter at marked money.

Kabilang si Canlea sa DI Watchlist ng Bacoor City police na dating pulis na naka-assigned sa Camarines Norte PPO; si Calara ay empleyado ng Bacoor Government Center ng habang si Navas ay isang incumbent SK Kagawad sa Brgy Banalo, Bacoor City, Cavite.

Ang apat ay sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Art II ng RA 9165.

 

Please follow and like us:
Read More

MISTER ARESTADO SA HOSTAGE NG LIVE-IN PARTNER

arrest22

(NI SIGFRED ADSUARA)

SWAK sa rehas na bakal  ang isang 35-anyos na call center agent matapos nitong i-hostage ang kanyang live-in partner sa Dasmarinas City, Cavite.

Kasong Alarm and Scandal at Resisting Arrest in Relation to RA9262 ang isinampang kaso laban sa naarestong suspek na si  Michael Gonzales, may live-in partner,  ng Block 6 Lot 17 Acacia Homes Brgy Burol 3, Dasmarinas City.

Sa report ng Dasmarinas City Police, dakong 3:30 Martes ng madaling araw nang nakatnaggap ang kanilang tanggapan ng isang tawag mula sa concerned citizen hinggil sa umao’y  pambubulahaw  ng suspek sa kanilang subdibisyon sa Acacia Homes  Subd., Barangay 3 Dasmarinas City, Cavite.

Nagresponde ang mga elemento ng Dasmarinas CPS kung saan kung saan naabutan  ang suspek na hawak ang isang steering wheel steel lock at nagbantang papatayin ang kanyang asawa kung hindi aalis ang mga rumespondeng pulis.

Kinausap  nina  PO2 Alsharif Gadjalijaini at PO1 Sherwin Glen Marges  ang suspek subalit tumanggi ito  at nagtangkang manlaban  hanggang sa  na-kontrol  ito ng pulisya na nagresulta sa kanyang pagkaaaresto.

Narekober mula sa suspek ang hawak niyang steering wheel steel lock.

Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Dasmarinas City Custodial Center.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKING BASAG ANG BUNGO ITINAPON SA SAPA

crime

(NI ROSS CORTEZ)

PINAGKAGULUHAN ng mga residente ang nakitang bangkay ng hinihinalang salvage victim sa creek na sakop ng Barangay Pasong Kawayan 2 sa lungsod ng General Trias Cavite pasado alas dose ng tanghali ng Sabado.

Nakabalot ng duct tape ang mukha at mga braso ng hindi pa nakikilalang lalaki na basag rin ang bungo at nakasuot ng puting kamiseta at itim na maong shortpants

Ayon kay PO3 Armine Matro posibleng hatinggabi hanggang madaling araw ng Sabado, nang itapon sa creek ang bangkay, hindi rin malinaw kung sanhi ng pagkakatapon sa mabatong bahagi ng creek kaya nabasag ang bungo nito

Nagsagawa ng crime scene processing ang SOCO ngunit ilang araw pa bago mailabas ang resulta sa tunay na sanhi ng pagkamatay nito batay sa ni-request na autposy ng pulisya

Nabatid din na may dalawang pamilya mula General Trias  at Rosario Cavite ang nagtungo sa himpilan ng pulisya kahapon, ngunit kapwa nagpahayag na hindi ang natagpuang bangkay ang nawawala nilang kaanak

Please follow and like us:
Read More

12 KULONG SA SABONG NG GAGAMBA

gagamba1

(NI SIGFRED ADSUARA)

ARESTADO ang labindalawang katao, kabilang ang isang  Barangay Tanod at estudyante  matapos na “pag-awayin” ang mga gagamba sa Rosario, Cavite.

Kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling ang kinakaharap na kaso ngayon ng mga naarestong suspek na sina Rodelito Dela Cruz, 55, isang Barangay Tanod ng Brgy. Silangan 1, Rosario, Cavite; Leandro Mendreje, 25; Eduardo Tan, 37; Arde Abad, 19; Danilo Alcala, 38; Crisanto Baron, 53; Mark Edison Salumba, 31; Joel Anciano, 52; Aubrey Baron, 18, isang estudyante; Leo Escobilla, 37; Christopher Zapanta, 34 at Joseph Castro, 43, pawang residente ng Rosario, Cavite

Sa ulat ni PO1 Lynard Pareja ng Rosario Municiapl Police Station, dakong alas-6:00 ng Huwebes  ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang Rosario MPS laban sa illegal gambing sa Brgy Bagbag 2, Rosario Cavite kung saan naaktuhan ang mga suspek na nagsusugal gamit ang mga gagamba.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang mga kahon na naglalaman ng mga buhay na gagamba at P3,700 na kanilang pusta.

Nabatid na madalas umanong nagsasagawa ng tinatawag na “Palaban ng mga Gagamba” sa nasabing lugar kung saan umaabot ng libo ang kanilang pustahan.

Please follow and like us:
Read More

LIVE-IN PARTNER PAULIT-ULIT NA HULI SA SHABU

shabulivein

(TEKSTO/PHOTO BY ROSS CORTEZ)

ILANG ulit ng nakatikim ng rehas na bakal ang mag live in partner na sina Redgie Bobadilla at Mel Rose Sanoria na mula pa sa Calaca Batangas at naaresto sa buy bust operation pasado alas diyes kagabi sa Barangay Alapan 1-A sa lungsod ng Imus Cavite

Magkatuwang na inasinta ng mga operatiba mula Batangas Police Provincial Office at Drug Enforcement Unit ng Imus Component Police Station ang mga suspek, na sadya palang umalis ng Batangas at lumipat sa Cavite dahil sa mainit nilang sitwasyon doon

Nabatid na aakyat sana ng Batangas ang pangunahing suspek na si Redgie para dalhin ang shabu sa kanyang katraksaksyon, na lingid sa kaalaman nito ay poseur buyer pala

Ngunit nagbago ang isip nito at pinababa na lang ng Cavite ang kanyang “buyer”, kaya naman agad nakipag coordinate ang Batangas PPO sa Imus PPO para malambat ang mga suspek

Narekober sa kanila ang higit sa 15 gramo ng hinihinalang shabu na aabot sa higit P100,000 at P500 buy-bust money

Ito na ang ikaapat na pagkaka aresto kay Redgie na nauna nang nakulong sa Calaca Batangas para sa mga kasong RA 9165 at RA 10591 (Illegal Possesion of Firearms)

Ikalawang beses naman para sa ka live in nitong si Mel Rose, kapwa aminado ang mga suspek na bukod sa pagbebenta ng shabu ay nagamit rin umano sila nito

Please follow and like us:
Read More