PACIO TODO ENSAYO VS CATALAN

(NINA DENNIS INIGO, EM RUBIN)

MAIGTING ang paghahanda ngayon ni reigning ONE Strawweight World Champion Joshua “The Passion” Pacio laban sa malupit na kaliwang suntok ni Rene “The Challenger” Catalan sa kanilang paghaharap sa Masters of Fate sa Nobyembre 8 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Pinatumba ni Pacio ang 40-anyos na wushu artists at dating ONE Strawweight World Champion na si Yoshitaka “Nobita” Naito sa ONE: REIGN OF VALOR noong Marso, sa pamamagitan ng kanyang malupit na kamao.

“You can’t underestimate Rene because his hands have already been proven, particularly his left hand,” pahayag ni Team Lakay head coach Mark Sangiao sa ABS-CBN sports.

Sinabi naman ni Pacio na wala siyang balak na i-underestimate ang kanyang kalaban. “His greatest strength would be his wushu striking, and I would not consider his ground game to be his weakness as we have seen in his past bouts. In his tenure as a martial artist, he was able to develop his other skills, and that is why I have a huge level of respect for him (Catalan).”

Bagama’t alam niya na may inihandang diskarte ang tropa ni Catalan, sasaliksikin pa rin nila Pacio at ng kanyang team ang ilang kahinaan ng una, partikular kung kaya pa nitong tumagal sa loob ng 5 rounds.

Samantala iginiit ni Pacio na wala silang alitan ni Rene Catalan bukod sa kanilang magiging bakbakan sa ONE: Masters of Fate kung saan dedepensahan niya ang kanyang Strawweight World Title sa ikalawang Pinoy vs Pinoy title fight sa ONE Championship.

Noong una ay hindi pabor si Catalan na maglaban sila ni Pacio pero kinalaunan ay tinanggap niya ang laban dahil umano sa mga negatibong komento ng mga supporter ng Team Lakay tungkol sa kanya at kanyang team.

Dagdag nito, nagalit sa kanya ang fans ng Team Lakay dahil sa kanyang reaksyon sa pahayag ni Pacio na tatapusin nito ang kanilang laban sa loob ng 15 minuto, na aniya’y itinanggi ng kampeon.

Sinabi naman ni Pacio, tanging respeto ang mayroon siya para sa kanyang kapwa Pinoy fighter. “I’ve been reading comments about how sad it is being a Pinoy versus Pinoy match, but this is just sports. In the end, you can expect respect between us. I respect Rene Catalan.”

Please follow and like us:
Read More