SHABU TAYA SA SUGAL,10  HULI SA CARA Y CRUZ

CARA Y CRUZ-2

ARESTADO ang sampu kataong sangkot sa ilegal na droga at shabu umano ang itinataya sa sugal makarang inguso habang naglalaro ng cara y cruz sa Caloocan City, noong Linggo ng hapon.

Ibinalibag sa selda ang mga suspek na sina Jonard Pastro, 25; Manuel Anzale, 28; Renan Janapin, 29; Ricky Mallari, 27; Reynaldo Rico, 41; Alvin Borbon, 36; Christopher Malubay, 30; Bayani Mallari, 29; Edgardo Tuazon, 33; at Jolito Payla, 40-anyos.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:20 ng hapon, nagpapatrulya sa Bagong Barrio ng lungsod  ang mga pulis nang isang lalaki ang lumapit at isinumbong ang mga naglalaro ng cara y cruz sa M. Ponce St. kanto ng Tirad Pass St. sa Brgy. 144.

Agad namang nagtungo ang mga pulis at nabulaga ang isang grupo ng kalalakihang nagsusugal na agad nagpulasan.

Hinabol ng mga pulis ang mga suspek hanggang sa masukol ang mga ito.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong mamisong gamit na pangara sa cara y cruz, P200 bills, isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng shabu, anim na plastic sachet ng shabu na may timbang na 17.82 gramo at tinatayang P19,992 ang street value at drug paraphernalia. (ALAIN AJERO)

Please follow and like us:
Read More

ROOKIE COP NA NAMARIL NOONG BISPERAS NG PASKO, KINASUHAN NA

rookie

(NI CHE ALMADIN)

THREE counts ng attempted murder at reckless imprudence resulting to physical injuries ang mga isinampang kaso sa isang bagitong pulis na walang habas na nagpaputok ng baril na ikinasugat ng pitong katao noong Bisperas ng Pasko sa isang lamay sa Lungsod ng Caloocan.

Nasa kustodiya na ngayon ng Caloocan City Police si PO1 Danilo Tiempo, nakatalaga sa Navotas City Police Station. Bulkod sa mga naturang kaso ay may administrative case pang kinakaharap si Tiempo. Ayon kay Caloocan City police deputy chief for administration Supt. Ferdinand Del Rosario, apat lamang umano sa pitong nabiktima ni PO1 Tiempo ang nagsampa ng criminal cases habang ang tatlo ay hindi na umano interesado pang magsampa ng kaso.

Ayon sa saksing tumangging magpakilala, kasama umano noon ni PO1 Tiempo ang mga grupo ng mga kalalakihang naglalaro ng cara y cruz sa isang lamay noong December 24 bago maghatinggabi sa kahabaan ng Kawal Street, Purok IV, Barangay 28, nang magkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan ang pulis at iba pa niyang kalaro at magpaputok na ito ng baril.

Please follow and like us:
Read More