EXPLOSION SA AGUINALDO TINANGKANG HUWAG ILABAS SA MEDIA

Camp Aguinaldo

NASUGATAN ang isang mag-ina nang sumabog ang isang granada sa loob ng Camp Aguinaldo sa Quezon City kahapon ng umaga.

Tinangka pa umano ng ilang opisyal ng kampo na huwag ilabas sa media ang pangyayari na sinasabing nag-ugat sa domestic problem.

Nabatid mula kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo,  na nangyari ang pagsabog bandang alas-6:20  sa apartment unit na inookupa ni Staff Sergeant Larry de Guzman, nakatalaga sa Home Affairs Office ng General Headquarters ng AFP.

Nilalapatan ng lunas ang asawa ni de Guzman na si Erliza, 34,  at 11-anyos na anak na lalaki sa AFP Medical Center.

Ligtas at hindi naman nagalusan ang 5-taong gulan na anak na babae ni de Guzman at wala ring nadamay sa mga kadikit na yunit ng bahay sa loob ng kampo.

Sinabi ni Arevalo na lumalabas sa paunang pagsisiyasat na away ng mag-asawa ang ugat ng pagsabog.

Nabatid na ang insidente ay hindi unang pangyayari sapagkat noong kasagsagan ng 30th Southeast Asian Games (SEAG) ay may improvised explosive device component na naipuslit sa loob ng kampo at iniwan malapit sa AFP-CGEA Hospital.  (JESSE KABEL)

Please follow and like us:
Read More

STORAGE UNIT NG CAMP AGUINALDO NASUNOG

fire

NASUNOG ang storage unit ng Camp Aguinaldo sa Quezon City Lunes ng hapon.

Ayon sa inisyal na report, natupok ang military storage unit sa Camp Aguinaldo kung saan unang nilamon ng apoy ang Property Reutilization and Disposal Division (PRDD) na nasa loob ng military headquarters bandang alas-2 ng hapon.

Agad namang naapula ang apoy matapos ang mahigit isang araw na nirespondehan ng may 20 bumbero ng Bureau of Fire Protection (BFP) kasama ang volunteer firefighters.

Patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng sunog.

Please follow and like us:
Read More