2 PATAY SA DRUG OPS SA CALOOCAN

(NI FRANCIS SORIANO)

PINILING mamatay kaysa sumuko ang dalawa umanong notoryus drug pusher matapos makipagbarilan sa mga pulis sa magkahiwalay buy-bust operation sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Noel Flores, ang mga suspek na sina Alimona Radiamoda, alyas ‘Jericho’, 38 ng Riverside, Phase 12 Brgy. 88 at alyas ‘Janjan’, sa kanto ng NPC Road at Lacson Compound, Brgy. 163 Sta Quiteria.

Ayon kay Flores, dakong alas-2:05 ng madaling araw nang ikasa ng mga pulis ang buy-bust operation kontra kay alyas ‘Jericho’ habang si alyas ‘Janjan’  naman ay dakong alas 12:45 ng madaling araw.

Narekober ng Scene of the Crime Scene (SOCO) sa mga suspek ang isang cal. 38 revolver, pitong plastic sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na dami ng shabu at P500 buy-bust money.

 

Please follow and like us:
Read More

2 NASAKTAN SA NASUNOG NA BUS

(NI ALAIN AJERO)

DALAWA katao ang sugatan nang magliyab ang isang pampasaherong bus sa bahagi ng EDSA na nasasakop ng Caloocan City, Huwebes ng hapon.

Nasugatan sa kanang siko at kanang binti si Marcyden Resuello, 24; habang nabugbog si Joy Marfil, 18, sa tinatayang P1 milyong pinsala ng sunog.

Napag-alamang tumakas ang driver at konduktor ng AC Trans bus na may plakang TXY 780 matapos ang insidente.

Nabatid na alas 2:20 ng hapon ay binabagtas ng bus ang southbound lane ng EDSA sa Barangay 95, Bagong Barrio Caloocan City nang biglang magliyab ang unahang bahagi nito at naapula matapos ang 20 minuto.

Iniimbestigahan pa ang dahilan ng pagliyab.

Please follow and like us:
Read More

NAKAPATAY SA 8-ANYOS, 1 PA ARESTADO SA CALOOCAN

ARRESTED-2

(NI ALAIN AJERO)

NADAMAY lamang umano ang walong-taong-gulang na batang lalaking kasamang binaril ng isang lasing habang natulog sa isang covered court sa Caloocan City, ayon mismo sa suspek na nadakip Linggo ng hapon.

Inamin ng naarestong si Aldrin Torres,  kalugar ng mga biktima,  ang pagpatay kay  Jaylord Cajuban, 23, ng Brgy. 176, Bagong Silang, dahil ninakaw umano nito ang baterya ng kanyang tricycle at malimit na siya nitong biktimahin para lamang may pang-shabu.

Humingi naman ng tawad si Torres sa pamilya ng walong-taong-gulang na si Jefferson Dimarillas ngunit hindi umano ito mapatatawad ng ina ng biktimang si Remy dahil hindi na umano maibabalik ng paghingi ng tawad ni Torres ang buhay ng kanyang mahal na anak.

Kasalukuyang pinaghahanap ang may-ari ng baril na nirentahan lamang umano ng suspek.

Magugunitang alas-3:30 ng madaling araw noong Sabado, natutulog ang mga biktima sa covered court sa Phase 8, Bagong Silang nang paulanan ng bala ng suspect ang mga natutulog na biktima.

 

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKING GUMILIT SA LEEG NG PINSAN, SUMUKO

caloocan city

(NI GUILLERMO OCATAVIO)

MATAPOS ang dalawang buwang pagtatago, sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Miyerkoles ang  isang lalaking umaming nakadroga nang giilitan ng leeg ang 12-anyos na pinsan sa Caloocan City.

Hawak na ng (NBI) at kinasuhan na ng robbery with homicide si King Angelo Sese, 21.

Aminado si Sese na siya ang pumatay sa pinsan niyang si Myrrhaquel Singson at nagnakaw sa dalawang cellphone nito sa kanilang bahay sa sa Blk 13, Lot 14, Shelterville Subd., Brgy. 171, Bagumbong  noong Enero.

Bunsod nito, nabunutan ng tinik ang tiyuhin ng biktima na si Reynaldo Urbano, na unang dinakip nang tukuying suspek ng Caloocan Police sa pagpaslang sa biktima.

Ang pagkakaroon umano nito ng duplicate key ang sinasabi ng pulisya na nagpatibay sa pagiging suspect.

Kinasuhan si Urbano ng rape at murder dahil tinangka umano nitong gahasain ang pamangkin ngunit pinalaya din nang iatras ng pamily ang kaso laban dito at idismis ang kaso ni Assistant Caloocan City Prosecutor Armando Cavalida dahil may bagong ebidensyang nagsasabing may isa pang “person of interest.”

Sa kabila nito, hindi  nakumbinsi ang pamunuan ng Caloocan Police chief na hindi si Urbano ang salarin at sinabing kapag tumugma ang  fingerprints na nakuha ng Scene of the Crime Operatives kay Urbano ay isasampa ulit ang kaso at ang Caloocan Police ang tatayong primary complainant.

Nauna rito, sinabi ng Caloocan Police na malakas umano ang kanilang ebidensya laban kay Urbano dahil ‘umamin’ na umano ito ngunit nagpaiba-iba lang ng pahayag.

Bukod dito malaki umano ang galit sa ama ng biktima na si Colenso Singson ni Urbano at ito  ang nagtulak para gumamit pa ng dalawang kutsilyo sa pagkitil sa buhay ng pamangkin.

Nauna nang ipinaubaya ng ina ng biktima na si Raquilino Singson ang kasasapitan ng suspek na kanyang kapatid  sa Diyos at tiwalang lalabas ang katotohanan.

 

Please follow and like us:
Read More

LOLO, BAGETS  NAAKTUHANG BUMABATAK  NG SHABU

shabu300

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

SA karsel marahil aabutin ng Chinese New Year ang isang lolong Tsinoy, isang totoy at walong iba pa matapos masakote  sa magkasunod na buy-bust operations sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Alas-4:20 ng madaling araw nang isagawa ang buy-bust operation kontra sa tulak ng droga na si Cedrito Aguilar alyas “Nonoy”, 39, sa Block 6, Lot 61, Area 3, Brgy. 14.

Nang iabot ni Aguilar ang isang sachet ng shabu sa poseur buyer kapalit ng P200 marked money, napansin ng suspek na pulis ang kanyang katransaksiyon kaya tumalilis ito.

Tinugis ng mga pulis ang suspek hanggang sa masukol sa loob ng bahay sa Blk 6, Lot 61, Area 3 kung saan nabulagang bumabatak sina Ernesto Ang, 60, may-ari ng bahay, Rommel Gerilla, 41, John Carlo Ecalner, 18, Rodeth Rodriguez, 26, Rosalie Cabrillos, 19 at ang 17-anyos na binatilyo.

Nasamsam sa mga suspek ang apat na plastic sachets ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalia.

Sa isa pang buy-bust operation ay dinakma ang tatlong tulak na si Kevin Tungul, 21, Elvie Milandres alyas “Ate,” 46, at Benedict Villanueva, 35, sa Blk 20, Lot 38, Phase 3, Brgy. 14 dakong alas-4:55 ng madaling araw matapos magbenta ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga sa P300 sa isang pulis.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang plastic sachet shabu at buy-bust money.

Please follow and like us:
Read More

TIYUHIN, PINSAN NG BATANG GINILITAN, DINAMPOT

mira500

(NI CHE ALMADIN)

KABILANG sa mga persons of interest sa pagpatay sa 12 anyos na si Myrrhaquel Singson, grade 6, ang kanya mismong tiyuhin at pinsan gayundin ang kanilang stay -out na helper na may anim na araw pa lamang na namamasukan sa kanila sa Lungsod ng Caloocan.

Inimbitahan ng mga tauhan ng Caloocan City Police ang tiyuhin ng biktima na kapatid ng kanyang ina na umano’y siya lang may hawak ng kopya ng susi ng bahay ng mga Singson gayundin ang pinsan ng biktima na may dati na rin umanong record ng pagnanakaw na kasamang pinaghinalaan dahil na rin sa may dalawang cellphone ang nawala nang maganap ang pagpatay sa biktima.

Isa rin sa inimbitahan ng pulisya ay ang isa sa mga helper ng pamilya na may anim na araw pa lamang umanong namamasukan sa kanila, bagamat patuloy pa rin ang pagiinteroga sa tatlo ay hindi pa rin umano sila itinuturing na suspek ng pulisya dahilan upang hindi na muna umano sila papangalanan ng mga awtoridad.

Matatandaang Miyerkoles ng hapon ng matagpuan ng kanilang kasambahay ang wala nang buhay na biktima sa kanilang kusina na maaga umanong nakauwi sa karaniwang uwi niya dahil na rin sa exam week nila sa eskuwelahan.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente, bukod naman sa kutsilyong ginamit sa pagpatay sa biktima ay may mga finger prints din umanong nakita sa crime scene at damit na may bakas ng dugo na hindi na muna rin idineitalye ng mga awtoridad na siya pa lamang na matibay na pwedeng pagbasehan ng pulisya na makapagtuturo sa salarin o mga salarin.

Agarang hustisya naman ang hiling ng mga magulang ng biktima.

Please follow and like us:
Read More

3 STUDENT HULI SA HIGH-GRADE COCAINE

high

(NI ALAIN AJERO)

ISANG dalaga at tatlong teenager na estudyante ang dinakip sa isang buy-bust operation sa Caloocan City Lunes ng gabi.

Ibinalibag sa selda sina Marvin Earl Gonzales, 19, ng Brgy. Bungad, Jerlaur Serafica, 19, ng Brgy. Pasong Tamo, kapwa ng Quezon City, Michael Lu, 19, ng Tondo Manila, pawang mga estudyante at Lavinia Dela Cruz, 24, ng BMBA Compd. Brgy.118, Caloocan City.

Alas-10 ng gabi nang isagawa ng mga pulis ang operasyon kontra kay Gonzales at Serafica sa kahabaan ng B. Serrano St., Brgy. 108.

Nang iabot ng mga suspek ang isang plastic sachet ng cocaine sa nagpanggap na buyer kapalit ng P20,000 marked money, agad lumusob ang nakaantabay na mga operatiba saka inaresto si Gonzales at Serafica.

Narekober sa mga suspek ang bust-bust money habang inaresto din si Lu at Dela Cruz matapos makuhanan ng dalawang plastic sachet na naglalaman ng hihinalang pinatuyong dahon marijuana, habang dalawa pang plastic sachets ng pinatuyong dahon ng umano’y high grade marijuana ng nakuha ng mga operatoba sa loob ng isang kulay orange na Toyota Vios na may conduction sticker na VV-4421.

 

Please follow and like us:
Read More