MAGKAPATID NA PASLIT PATAY SA SUNOG; 2 PA SUGATAN

PATAY ang magkapatid na batang babae nang sumiklab ang sunog sa kanilang tirahan, Linggo ng umaga sa Caloocan City, habang sugatan ang dalawa pang bata na kapwa kapatid ng mga nasawi. Sunog na ang katawan ng isang alyas Mikmik na natagpuan sa likod na bahagi ng kabahayan habang hindi na umabot nang buhay ang kapatid nitong 8-taong gulang. Kritikal naman ang dalawa pang kapatid ng mga ito sa tinamong sunog sa katawan. Nasa ospital ang mga tauhan ng City Social Welfare Department (CSWD) para alalayan sa pagpapagamot ng mga biktima.…

Read More

PEKENG DENTISTA, KALABOSO

ARRESTED WOMAN

(NI CHERK BALAGTAS) ISANG 27-anyos na babaeng pekeng dentista ang inaresto ng mga awtoridad sa isinagawang entrapment operation sa mismo niyang clinic sa Lungsod ng Caloocan, Huwebes ng hapon. Sa ulat ni Caloocan City police chief P/Col. Noel Flores, humingi umano ng assistance sa kanila ang Philippine Dental Association (PDA) matapos makatanggap ng sunod -sunod na complaints hinggil sa illegal practice ng dentistry ng nagpapanggap na dentista na si Marilou Ilaya, 27, ng Calaanan Street, Barangay 74 ng nasabing lungsod. Ganap na alas 4:00 pasado ng hapon nang isagawa ng Station Special…

Read More

ASST. CITY PROSECUTOR SUGATAN SA AMBUSH

(NI FRANCIS SORIANO/PHOTO BY AJ GOLEZ) NASA mabuting kalagayan na ngayon ang assistant chief inquest prosecutor ng Caloocan City matapos tambangan at pagbabarilin sa harapan ng Chinese restaurant malapit sa Caloocan City Hall at East Grace Park, Martes ng hapon. Kinilala ni PCol Noel Flores, hepe ng Caloocan City Police Station, ang biktima  na si Chief Assistant Inquest Prosecutor Elmer Susano. Ayon kay Flores, si Susano ay pauwi na ng kanyang bahay lulan ng kanyang Toyota Hilux pick-up truck nang ito ay panandalian huminto sa naturang restaurant para magpatake-out ng…

Read More

3 HULI SA HOLDAP NG CAB DRIVER

(NI FRANCIS SORIANO) KULUNGAN ang kinabagsakan ng tatlong kalalakihan matapos itong ireklamo at maaresto sa follow-up operation ng Caloocan PNP dahil sa robbery sa Phase 3, Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan City, nitong Sabado. Kinilala ni PCol. Carlito Gaces, hepe ng Caloocan City Police Station, ang mga suspek  na sina Ralph Bertulfo, 34, cellphone technician, ng Phase 3, Package 2, Block 54, Lot 3, Barangay 176, Bagong Silang; Oliver Ramil, 45, ng Area A, Libis, Barangay 175, Camarin at Jiener  Billones, 23, ng Phase 80, Block 66, Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan…

Read More

PASLIT NABAGOK, PATAY

crime12

(NI ALAIN AJERO) PATAY ang isang tatlong-taong-gulang na batang babae matapos mabagok sa kanilang bahay, Biyernes ng umaga sa Caloocan City. Idineklarang dead-on-arrival sa Our Lady of Grace Hospital ang biktimang si Ashley Mae Estaniel. Nabatid na naganap ang insidente alas-7:15 ng umaga sa bahay ng biktima sa 143 Maria Clara St., 7th Avenue, Brgy 110 at naiulat sa pulisya ala-1 ng hapon. Ayon sa saksing si Louie Jay Gomez, 29, natutulog siya sa kanilang bahay nang makarinig ng kalabog at nang tunguhin ang pinagmulan nito ay nakitang nakadapa ang…

Read More

2 CARNAPPER KUMASA, PATAY SA ENCOUNTER

(NI FRANCIS SORIANO) PINILING mamatay kaysa sumuko sa mga pulis ang dalawang carnapper matapos itong makipagbarilan sa operatiba ng Caloocan PNP, Sabado ng madaling araw. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Noel Flores, naganap ang engkwentro sa pagitan ng operatiba at mga supek dakong alas- 3:15 ng madaling araw nang makatanggap sila ng reklamo mula kay Ma. Luisa Maristela, 24, cashier, at May Cesar, 21, ng Malabon City, na sapilitang kinuha ng dalawang armadong lalaki ang kanilang minamanehong kulay gray na Yamaha Mio motorcycle. Dahil dito ay agad nagsagawa ng…

Read More

LALAKI HULI SA POT SESSION, TUMALON SA GUSALI, PATAY!

crime12

(NI CHERK BALAGTAS) SA kagustuhang matakasan ang mga alagad ng batas na huhuli sa kanila nang maaktuhan nagpa-pot session ay tumalon na lamang sa bintana ng isang apat na palapag na gusali ang isang lalaking drug suspect na kanyang ikinasawi sa Lungsod ng Caloocan, Huwebes ng gabi. Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang tunay na pagkakakilanlan ng suspek na nakilala lamang sa alyas Albert, kritikal naman ngayon ang kasamahan niyang tumalon din sa nasabing bintana na nakilala rin lang sa alyas Dudoy at patuloy na inoobserbahan ang…

Read More

BEBOT NIRAGASA NG TREN

(NI CHERK BALAGTAS) HINDI pa rin kilala ang babaeng namatay nang salpukin ng rumaragasang tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Lungsod ng Caloocan, Linggo ng hapon. Ang nasawi ay inilarawan na nasa pagitan ng edad 30-40 taong gulang, may taas na 5’2, katamtaman ang katawan at nakasuot ng gray na t-shirt at floral printed na shorts. Sa ulat ng Caloocan City Police ay ganap  alas-5:50 ng hapon nang maganap ang insidente sa PNR Railtrack na sakop ng Interior 10, Barangay 33 ng nasabing lungsod. Binabagtas ng PNR train ang…

Read More

14-ANYOS DALAGITA SINAKSAK NG KAAWAY SA MUKHA

stab

(NI CHERK BALAGTAS) NASA kritikal na kalagayan ngayon ang isang 14 anyos na dalagita matapos na saksakin sa mukha ng kanyang nakaaway sa tapat ng isang convenience store sa Caloocan City, Miyerkoles ng gabi. Sa ulat ng Caloocan City Police Community Precinct 1, ganap umanong alas – 7:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa tapat ng 7/11 convenience store sa kahabaan ng Malolos Avenue, Barangay 164, Bagong Barrio ng nasabing lungsod. Pauwi na ang biktimang itinago sa pangalang Jewerlyn, grade 9, kasama ang isa niyang kaibigang babaeng menor de…

Read More

KUSINERO NANAKSAK SA CONVENIENCE STORE

crime34

(NI GUILLERMO OCTAVIO) ARESTADO ang isang kusinero matapos manaksak sa loob ng  convenience store dahil sa magdamag umanong pagluluto nang walang kain sa Caloocan City, Miyerkoles ng gabi, Kinilala ang suspek na si  Christopher Combo, 21, kusinero sa Chill Bar at residente ng 1516 Sampaguita St.,  Malaria, Brgy. 135, Caloocan City. Nagkasugat-sugat naman ang mga kamay ng kasasalag ng mga biktimang sina Nico Torno, 34, ng 1179 Sampaguita St., Brgy. 185, Malaria, Caloocan City; at John Michael Custodio, 23, ng Brgy. 185, Malaria, Caloocan. City. Naganap ang insidente dakong alas-11…

Read More

ORGY NAUDLOT; 10 HULI SA SHABU

arested12

(NI GUILLERMO OCTAVIO) HINDI natuloy ang binabalak umanong ‘orgy’ ng apat na bebot at anim na kelot nang inguso sila ng isang tsismoso at mahuli ng mga pulis habang nagpapakondisyon pa lamang at nagsa-shabu sa Caloocan City. Alas-4:00 ng madaling araw, nagsasagawa ng foot patrol ang mga parak nang inguso ng isang residente na may 10 bumabatak sa loob ng isang bahay sa Phase 6, Package 2, Purok 2, Brgy. 178. Pinuntahan ng mga parak ang nasabing address at naaktuhang nagsa-shabu sina Francisca Leyte, 43, therapist; Jessica Rose Mcbrearty, 30;…

Read More

BANGKAY IKINUMOT, NILAGYAN NG RIBBON BAGO ITINAPON

crime123

(NI ALAIN AJERO) ISANG bangkay ng hindi pa kilalang lalaki ang natagpuang nakabalot sa kumot sa Caloocan City. Nakasuot ng itim na t-shirt at  kulay abong shorts ang biktima nang matagpuan sa Buho Street sa Barangay 179, Amparo, ng lungsod. Nabatid na naglalakad si Estacy Quiatchon, 35, kasama ang mga kaanak nang maispatan ang isang tila nakabalumbon na kulay brown  na kumot na nakabuhol ng puting tali. Dahil nakahambalang sa daan ay sinuri ni Quiatchon at mga kamag-anak ang nakabalot sa kumot. Nang kilahin nila ang putting ribbon na nakatali…

Read More

BEBOT TINODAS SA APARTELLE

crime08

(NI GUILLERMO OCTAVIO) ISANG hindi nakilalang bebot  ang na pinatay ng lalaking kasama niyang nag-check-in sa isang apartelle, Huwebes ng madaling araw sa Caloocan City. Umaagos pa ang dugo mula sa ilong nang matagpuan ang bebot sa isang kwarto ng HSIRI Apartelle sa 208 A. Mabini St., Maypajo alas-3 ng madaling araw. Nabatid na alas -12:04 ng hatinggabi nang mag-check in ang biktima at kasamang lalaki sa naturang apartelle at pumasok sa room no. 220. Makalipas ang tatlong oras, nakita ng desk personnel na si Jesica Edquilang ang paglabas ng…

Read More

4 ‘HACIENDERO’ BUKING SA PEKENG LUPAIN

cell

(NI ALAIN AJERO) ARESTADO ang apat na manggagantso sa isang entrapment operation matapos umastang haciendero at ibenta ang kanilang mga lupain dahil sa ibang bansa na umano maninirahan, sa Caloocan City Martes ng hapon.            Ikinulong at haharap sa patung-patong na kaso sina Annaliza Mendez, Mary Grace Madrideo, Roberto Mazarate at Giovanni Ignacio. Inginuso ng isang Noel Pagtakhan sa mga awtoridad ang apat na “haciendero” na nagmamadaling idispatsa ang kanilang lupain sa Camarin, North Caloocan dahil sa ibang bansa na umano maninirahan. Nagsagawa ng entrapment operation ang mga awtoridad at nang…

Read More

AWAY SA LUPA: 2 PATAY, 1 SUGATAN

crime143

(NI FRANCIS SORIANO) DALAWA ang patay habang isa pa ang sugatan  matapos pagbabarilin ang mga ito dahil sa awayan sa lupa sa Caloocan City, Linggo ng umaga. Kinilala ni P/Col  Noel Flores, hepe ng Caloocan City Police Station, ang mga biktimang sina Jelvis John Casipe, 26 at Renne Formacion, 67,  habang isinugod naman sa Tala Hospital si Marthy Casipe, 36, kapwa ng Villa Teresita, Alisasis St. Brgy. 171, Bagumbong. Arestado naman ang mga suspek na si Mark Joseph Bernadette, 35, Alexander Bernadette, 60, kapwa ng Blk 4, Lot 7, Recomville…

Read More

TRIKE DRIVER PATAY, 7 SUGATAN SA PAMAMARIL

(NI FRANCIS SORIANO/PHOTO BY JIMMY CARBO) DEAD on the spot ang isang tricycle driver habang pito naman ang sugatan sa ligaw na bala matapos tambangan at pagbabarilin sa Caloocan City, Martes ng gabi. Kinilala ni P/Col Noel Flores, hepe ng Caloocan City Police Station, ang biktima na si Adrian Ramirez, 25, ng Phase 4 Package 5 Block 59, Brgy. 176, Bagong Silang. Ayon sa ulat, tama ng bala sa ulo at katawan ang tinamo ng biktima matapos pagbabarilin ng mga suspek sa dakong alas-6:45 ng gabi. Kasama sa mga tinamaan ng ligaw…

Read More

18-ANYOS HULI SA P7-M SHABU SA HOTEL BUY BUST

ARESTADO ang isang 18-anyos na lalaki na sinasabing kasapi sa malaking sindikato ng droga, sa buy bust operation sa isang hotel sa Caloocan City. Tinataya sa P7 milyong halaga ng shabu ang nakuha kay Jaymark Mercene, alyas Kapre. Si Mercene ay kanang-kamay umano ng lider ng sindikato na kinilala ng pulisya na si Edgardo Mongado Co Jr. Ikinasa ng mga ahente ng National Capital Region Police Office (NCRPO) Drug Enforcement Unit at Caloocan City police ang operasyon sa isang hotel sa 2nd Avenue in Grace Park. Doon ay nagbenta umano…

Read More

PARAK SUGATAN; 4 ARESTADO SA SHABU, CASH

buy bust12

(NI FRANCIS SORIANO/PHOTO BY AJ GOLEZ) SUGATAN ang isang pulis at 3-taong gulang na batang lalaki habang arestado naman ang apat na hinihinalang sangkot sa iligal na droga, kabilang ang dalawang menor-de-edad, sa isang buy-bust operation ng Caloocan City Police-Station Drug Enforcement Unit (SDEU), Biyernes ng madaling araw. Kinilala ni P/Col. Noel Flores, hepe ng Caloocan City Police Station, ang mga suspek na sina Abulkhir Marimba, alyas “Abdulah”, 22, Solaiman Mulituba, 26, at dalawang menor-de-edad na kapwa residente sa Blk. 41 Lot 39 Phase 12, Brgy. 188, Tala. Ayon kay Flores, naganap ang buy bust operation…

Read More

MAG-ASAWA, BEBOT HULI SA DROGA

arrest500

(NI ALAIN AJERO) ARESTADO ang mag-asawang tulak at ang kanilang bebot na customer sa buy-bust operation sa Caloocan City, Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang mga dinakip na sina Reynaldo Ella, alyas ‘Bossing’, 41, tricycle driver, ng Baesa, Caloocan City at ang kanyang asawang si Myla Ella, 35, at ang customer nilang si Kimberly Tangca, 27. Alas-7 ng gabi nitong Miyerkoles nang isagawa ang operyason laban sa mag-asawang tulak at nakaiskor ng isang sachet ng shabu ang isang undercover na pulis kapalit ng P500 buy-bust money. Pagsenyas ng poseur-buyer sa mga kasama…

Read More

2 BAGETS NA HOLDAPER NG BUS ARESTADO

arrested

(NI FRANCIS SORIANO) KALABOSO ang dalawa sa anim bagets  matapos maaresto dahil sa pangingikil at panghoholdap ng isang bus sa Caloocan City. Ayon kay P/Col. Noel Flores, Chief of Police ng Caloocan City Police Station, tinatahak ng AC trans bus galing Malanday patungong Baclaran nang magdeklara ng holdap ang mga suspek sa kahabaan ng Bonifacio Monument Circle alas-4:00 ng madaling araw. Dito ay pumalag ang kondoktor na si Mark Antony Suva, 35, ng DM Compound, Heroes Del 96 St. Brgy 73, Caloocan City ngunit nagulpi ito ng mga suspek. Nakuha din ng mga suspek…

Read More

BARIL NILARO, KAINUMAN BUMULAGTA

crime55

(NI FRANCIS SORIANO) PATAY noon din ang isang 26 -anyos habang tumatagay ito,  makaraan aksidenteng mabaril sa dibdib ng kanyang kainuman matapos na paglaruan ang gatilyo ng baril sa Caloocan  City, Miyerkoles ng gabi. Kinilala ni P/Col. Noel Flores, hepe ng Caloocan City Police Station, ang biktima na si Aries Bulaon, 26,  habang ang suspek naman na tumakas ay kinilalang si Edison Calima, ng Phase 7B, Package 8, Brgy. 176, Bagong Silang. Ayon sa imbestigasyon,  tumatagay sina Bulaon, Calima at iba pang kalugar sa Phase 7B, Brgy. 176  dakong alas 9:30 ng gabi…

Read More

PUROK LEADER, PAMILYA NILUSOB NG SAKSAK NG SIGA

stab100

(NI ALAIN AJERO) ISANG lasenggong istambay na kilala umanong “Bad Boy” sa kanilang lugar ang  hinalihaw ng saksak ang kanilang purok leader na madalas sumita sa kanya, maging ang mga miyembro ng pamilya nito,  Miyerkoles ng gabi sa Caloocan City. Sa selda na nahimasmasan ang suspek na si Jerald Sto Domingo, 32, ng Phase 5Y, Package 5, Block 27, Lot 31, Brgy. 176 Bagong Silang, matapos dakpin ng mga pulis at mga opisyal ng barangay sa kanyang bahay. Ayon sa impormasyon, lulan ng motorsiklo si Ramoncito Celeste, 54, Purok Leader…

Read More

‘RETIREMENT FUND’: BIYUDA HULI SA BENTAHAN NG SHABU

arrested124

(NI ALAIN AJERO) KULONG ang isang biyudang caregiver na nag-iipon umano para sa kanyang nalalapit na pagreretiro nang matimbog sa isang buy-bust operation sa Caloocan City, Martes ng madaling-araw. Kinilala ang suspek na si Gina Reyes, 59, ng Block 39,  Salay-Salay St., Brgy. 12 ng nasabing lungsod. Alas-2:00 ng madaling-araw nang isagawa ang operasyon laban sa suspek malapit sa labas ng kanyang bahay. Nakaiskor ang isang poseur-buyer mula kay Reyes ng isang sachet ng shabu kapalit ng P500 marked money at nang abutin ng suspek ang markadong salapi mula sa…

Read More

RAMBOL SA BRIGADA ESKWELA: ESTUDYANTE SINAKSAK SA LEEG

brigada12

(NI ALAIN AJERO) KRITIKAL ang isang lalaking estudyante nang masaksak nang  magrambulan ang grupo nito at kalabang grupo  sa isinagawang Brigada Eskwela sa isang public high school sa Caloocan City. Agaw-buhay sanhi ng saksak sa ulo at leeg sa Dr. Jose N Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang si John Archie Reyes. Agad namang naipasa sa Social Welfare Office ng lungsod ang suspek na nakilalang si “alias Jay”, 17. Alas-2:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Tala High School, Brgy. San Isidro, Tala ng naturang lungsod. Sumali ang grupo ng…

Read More