DALAGITA, NI-RAPE, BINIGTI SA PUNO

(NI ANNIE PINEDA)

WALANG saplot pang-ibaba, nakatali ang leeg at mga kamay sa puno at sinasasabing ginahasa pa nang matagpuan ang bangkay ng dalagita sa maisan, sa lalawigan ng Cagayan.

Hustisya ang sigaw ngayon  ng mga magulang ng 14-anyos na dalagita, ng Amulong, Cagayan.

Ayon sa report ng Amulong Police Station, umaga ng Lunes nang matagpuan ng isang residente ang wala nang buhay na biktima na nakabigti sa puno ng kahoy gamit ang tali ng kalabaw. Wala itong saplot pang-ibaba.

Sinabi ng mga magulang ng biktima, huling nakitang buhay ang kanilang anak nitong Oktubre 13, alas 8:30 ng gabi nang magpaalam para tumungo sa bahay ng kanyang lola para doon matulog na siya naman madalas nitong ginagawa.

Kinabukasan, hindi pa rin umuuwi ang kanilang anak, hanggang matagpuan ito ng residente sa maisan na wala nang buhay.

Sa pag-imbestiga ng pulisya, lumabas sa eksaminasyon ng doktor na positibong ginahasa ang biktima at nasawi ito sa pagkakabigti.

Malayo rin sa kabahayan ang lugar ng pinangyarihan ng insidente kaya hindi na nakahingi ng tulong ang biktima.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para sa pagkakakilanlan sa suspek sa agaran ikadarakip nito.

Please follow and like us:
Read More

GINANG LUBOG SA UTANG, NAGBIGTI

suicide12

(NI JESSE KABEL)

HINIHINALANG  malaking problema sa pagkaka utang ang nagtulak sa isang ginang para magbigti  sa Sitio Habitat, Barangay Pagatpat sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Sa ulat  Cagayan de Oro City Police Office , nagpatiwakal si Shiela Palad, residente sa nabangit ng nasabing lugar.

Ayon sa salaysay ng isang kapitbahay  sa mga imbestigador, bago natagpuang walang buhay si Shiela ay  nag-away umano ito at ang mister niya  dahil umano sa kanilang patung-patong na utang.

Hinihinalang ito ang nagtulak para itali ng biktima  ang isang lubid sa kanyang leeg at itinali sa kisame ng kanilang bahay na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Subalit hindi agad kinagat ng mga imbestigador ang angulong away sa utang kaya patuloy pa rin na iniimbestigahan ng pulisya kung may foul play sa nangyari.

Please follow and like us:
Read More

SANGGOL NABULUNAN SA GATAS, PATAY 

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI naisalba pa ang buhay ng 11-buwan na sanggol matapos mabulunan habang dumedede ng gatas sa bote, iniulat kaninang umaga sa Cagayan de Oro City.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Jomarie Maque, ng Brgy Macabalan sa lungsod ng Cagayan De Oro, nakaligtaan niya ang pagbabantay sa kanyang kapatid habang pinadedede ng gatas.

Nakita na lamang niya ang kapatid na tila nalulunod sa dinedede nitong gatas at hindi na nakahinga pa.

Kaagad naman dinala sa Northern Mindanao Medical Center ang sanggol pero dineklara na rin itong patay ng umatending doktor.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

5 PATAY SA AKSIDENTE SA QUEZON, CAGAYAN

accidentsign1

(NI JG TUMBADO)

LIMA katao ang nasawi sa mga aksidente sa Tayabas City, Quezon at Cagayan province habang may ilan pa ang sugatan.

Dedbol ang dalawang motor rider nang masalpok ng rumaragasang kotse sa Barangay Camaysa sa Tayabas City, Quezon dakong alas-8:05 ng umaga ng Sabado.

Kinilala ang mga nasawi na sina Angelo Villa Juan at ang kanyang angkas na si Sally Elpa, kapwa residente ng Barangay Ipilan, ng nabanggit na lungsod.

Batay sa paunang imbestigasyon, parehong mabilis na nagpapatakbo ang kotse at motorsiklo sa magkabilang linya ng national road ng nasabing barangay nang mag-overtake umano ang motor at nabulaga sa paparating na kotse.

Sa lakas ng impact, tumilapon sa bangketa ang mga biktima na bagamat naisugod sa ospital ay hindi na umabot nang buhay.

Ayon kay Police Master Sergeant Carlito Bantug Jr., Tayabas police investigator, parehong walang suot na helmet ang mga biktima.

Samantala, tatlo ang namatay sa banggaan ng isang passenger van at trailer truck sa national road ng Barangay Naruangan, bayan ng Tuao, Cagayan province, Biyernes ng gabi.

Dead on the spot ang drayber ng van na si Arnel Ulakit habang sa ospital na pumanaw si Michael Ulakit at ang isang babae na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan.

Ayon kay Police Staff Sergeant Voltaire Cabbangan, Tuao police investigator, pitong pasahero ang nasaktan sa aksidente na isinisisi rin sa malakas na pag-ulan sa lugar na nagdulot ng madulas na kalsada.

Lumabas sa imbestigasyon na kumabig ang drayber ng trak na si Jessie Dumenden sa linya ng van matapos na iwasan nito ang nakalaylay na kawad ng kuryente sa kanyang daraanan.

Please follow and like us:
Read More

LIVE-IN PARTNER TIMBOG SA INILIBING NA BABY

ARRESTED-9

(NI KIKO CUETO)

TIMBOG mag-live in partner na naglibing ng kanilang patay na anak sa mismong bakuran nila sa sa Barangay Kauswagan, Cagayan de Oro City.

Sa report, inilibing ng mga suspek ang kanilang 9-buwang gulang na anak sa bakuran matapos mamatay ito dulot ng sakit.

Sinabi ni alyas Andres sa pulis, Hulyo 17 nang lagnatin ang kanilang bunsong anak bago bawian ng buhay kinabukasan.

“Hindi ko na naisipang humingi pa ng tulong dahil sa dami ng problema. Halos wala pa kaming makain at walang pera,” ani Andres.

Pero nang ilibing ang bata ay mababaw lang ang hukay kaya nangamoy at nagdulot nag pagbulabog sa mga kapitbahay.

Sinabi naman ng residente na si Emilio Pilapil, nagduda ang kanyang pamilya na may bangkay ng tao sa kanilang paligid kaya agad nila ito inireport sa barangay at mga pulis.

“Matindi talaga ang amoy, siguro mga dalawang linggo na namin ‘yun tiniis,” ani Pilapil.

Ayon sa pulisya, nilabag ng mag-live in partner ang Presidential Decree 856 o Code on Sanitation.

“Base sa batas, hindi pwede na kung saan na lang ilibing ang labi ng tao, kailangan na ilibing ito sa sementeryo,” ani P/MSgt. Merlita Reyes ng Carmen Police Station.

Inaalam naman ng pulis ang sinasabing record ng ama na nambububogbog umano ng kanyang mga anak tuwing nalalasing ito.

Planong isailalim ng pulis sa autopsy ang labi ng bata.

“Kung mapatunayan sa autopsy na may foul play at namatay ang bata dahil sa pambubugbog, maaaring masampahan ito ng parricide,” ani Reyes.

Planong iturn-over sa lokal na pamahalaan ang tatlo pang maliliit na anak ng mag-live in partner habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

 

Please follow and like us:
Read More

BAGYONG HANNA LALAKAS PA SA LOOB NG 48-ORAS

bagyo1

(NI ABBY MENDOZA)

ISA nang Severe Tropical Storm ang bagyong Hanna na inaasahang lalakas pa sa loob ng 48-oras subalit hindi pa rin ito inaasahang magla-landfall dahil malayo sa kalupaan.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) halos hindi gumagalaw ang bagyong Hanna na pinalalakas ng hanging habagat kaya nakararanas ng katamtaman hanggang malalakas na pag uulan.

Sa monitoring ng Pagasa, hindi magla-landfall ang bagyo kaya walang ibinababang tropical cyclone signals.

Ang bagyo ay huling  namataan 795 km sa Calayan, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na 95 kph mula sa dating 85kph at bugso na 115 kph na dati ay nasa 105kph.

Sinabi ni Pagasa Weather Specialist Benison Estareja na kung pagbabatayan ang galaw ng bagyo ay hindi ito tatama sa lupa ngunit may posibilidad na kung bababa ang direksyon nito ay maaaring lumakas pa at posibleng magbaba ng Storm Signal No 1 sa Northern Luzon.

Sa  forecast track ng Pagasa ay inaasahang sa Biyernes pa lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.

Asahan pa rin umano na magiging maulan sa Occidental Mindoro, Oriental Mindoro

Romblon,Cavite,Batangas,Laguna at Western Visayas habang kalat kalat na paguulan ang mararanasan sa Luzon at

Central Visayas at ibinabala ng Pagasa ang pagbaha at landslide.

Please follow and like us:
Read More

TROPA NG MARINES INAMBUS NG NPA

npa

NAGKAROON ng ilang minutong sagupaan sa pagitan ng komunistang NPA at tropa ng Philippine Marines habang nagbabantay sa kaligtasan ng mga residente sa Barangay Naddungan, Gattaran Cagayan.

Nabatid na patungo ang tropa sa ilalim ng 5th ID na nakahimpil sa Santa Ana, Cagayan nang makasagupa ang mga komunistang grupo sa lugar. Nagulat umano ang Marines sa pagpapaputok ng mga rebelde.

Sinabi ni Major Noriel Tayaban, DPAO Chief ng 5th ID, na malapit na sa Awallan Baggao, Cagayan ang tropang pinamunuan ni First Lt. Valencia nang makasagupa ang mga rebelde.

Wala umanong nasawi o nasugatan sa panig ng militar.

Idinagdag pa ni Major Tayaban na malinaw na mayroong prisensiya ng NPA sa Cagayan ngunit laging handa umano ang militar na tugisin sila.

Please follow and like us:
Read More

BAKASYUNISTANG NURSE NAGBIGTI SA KUSINA

suicide

ISANG nurse na umano’y ilang linggo nang balisa at malungkot ang tinapos na ang buhay nang makita itong nakabigti sa Tuguegarao City sa Cagayan.

Wala nang buhay nang makita si Ever Dakelan ng kanyang mga kaanak sa kisame ng kanilang kusina.

Sinabi ng mga kaanak na sa tuwing tatanungin nila ang biktima ay lagi itong nagsasabing wala siyang problema at ‘ok’ lang siya.

Si Dakelan ay nagbabakasyon lamang umano sa bahay ng kanyang pinsan matapos mag-leave sa pinapasukang ospital sa Conner, Apayao.

Please follow and like us:
Read More

TRAHEDYA SA SIMBAHAN: MISIS PINATAY NI MISTER

shooting6

CAGAYAN DE ORO CITY – DUGUANG bumagsak ang isang misis matapos umanong barilin ng mister habang nagsisimba sa Poblaccion, Catarman Camiguin, Linggo ng umaga.

Sinasabing selos ang dahilan kung bakit binaril ang biktimang si Aimee Linao, 35. Matapos makitang duguan ang misis, nagbaril din sa ulo at dibdib si Celmar Linao, 37, isang overseas worker, gamit ang kanyang kalibre .45.

Ayon kay SPO2 Florenzo Soria, ng Catarman-Philippine National Police, nagkagulo ang mga tao sa loob ng San Roque Church nang umalingawngaw ang putok ng baril at bumulagta ang misis na sinundan naman ng asawa nito.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ang kaso.

Please follow and like us:
Read More