2-ANYOS, SUNDALO, CAFGU PATAY SA AMBUSH

shooting incident123

(NI ANNIE PINEDA)

PATAY ang tatlo katao na kinabibilangan ng paslit, kasapi ng Philippine Army (PA) at miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) matapos tambangan at pagbabarilin ng mga pinaniniwalaan kasapi ng Abu Sayyaf Group, nitong Lunes, kasabay ng selebrasyon ng Eid’l Adha ng mga Muslim sa Talipao, Sulu.

Kinilala ang mga nasawi na sina Private First Class Joie Halasan, ng 2nd Special Forces Battalion; Aldazier Hassan ng CAFGU, at Abdukalim Sahisa, 2-anyos habang ginagamot naman sa ospital ang isang 11-anyos na bata.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa Barangay Kagay, Patikul-Talipao, Sulu.

Lumabas sa pagsisiyasat, sakay ng motorsiklo sina Halasan at Hassan habang binabagtas ang kahabaan ng Patikul-Talipao nang bigla na lamang silang hinarang ng armadong teroristang grupo at pinaulanan ng bala mula sa matataas na kalibre na armas.

Agad namatay ang sundalo at cafgu habang nadamay naman ang dalawang bata na mabilis isinugod sa ospital pero nalagutan din ng hininga ang paslit habang patuloy na inoobserbahan ang 11 anyos.

Matapos ang pamamaril tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagpapatuloy ang ginagawang operasyon ng mga otoridad laban sa teroristang grupo.

Please follow and like us:
Read More

‘BIHAG’ NG NPA NATAGPUANG PATAY

surigao del sur123

TANDAG CITY, Surigao del Sur—Bangkay  na nang matagpuan ang isang lalaking umanong isa sa mga binihag ng rebeldeng New People’s Army (NPA), sa Sitio Banahao nitong Biyernes.

Kinilala ng 36th Infantry Battalion ang nasawi na isang miyembro ng Civilian Active Auxiliary na si Ryan Badiang, 24. Off duty umao ito nang dukutin ng mga rebelde kasama ang iba pang bihag.

Nagsasagawa ng rescue at pursuit operations ang militar nang madiskubre ang bangkay ng ni Badiang.

Nakilala ang biktima dahil sa kaniyang suot na damit.

Binihag si Badiang noong Mayo 30 kasama ang 3 pang sibilyan ngunit hindi pinalaya tulad ng tatlong iba pa noong Hunyo 3.

Kinondena ni Infantry battalion commanding officer Lt. Col. Xerxes Trinidad ang ginawa ng rebelde. “Ganito po kasama ang mga NPA, ang ginagawa nila papatay ng sibilyan, mangkikidnap ng sibiliyan papatayin,” aniya.

Wala pang inilalabas na pahayag ang NPA kung sila nga ang may kinalaman sa krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

CAFGU SA BRIGADA ESKWELA, BRUTAL NA PINATAY

agusan del sur12

(NI NICK ECHEVARRIA)

BRUTAL na pinatay ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang Cafgu na bahagi ng Brigada Eskwela ng Departmen of Education (DepEd) sa Agusan del Sur noong May 30.

Sa naantalang ulat ng 401st Infantry Brigade ng Philippine Army, nakilala ang biktima na si  Felipe Amado, 42, isang Manobo, ng Barangay Lydia, La Paz sa nabanggit na lalawigan.

Naganap ang karumal-dumal na pagpaslang sa naka-off duty na Cafgu sa nabanggit na Barangay na tumutulong lamang sa isinasagawang Brigada Eskwela sa Lydia Elementary School.

Sa salaysay ng isang alyas Dindo, sakay sila ng dalawang motorsiklo pabalik sa nasabing barangay matapos manguha ng mga dahon ng niyog na gagamitin sa ginagawang pansamantalang classroom ng mga magbabalik eskwela nang harangin sila ng limang armadong NPA.

Armado ng AK-47, M-16 at M-14 rifle, tinutukan sila ng limang mga armadong rebelde at sinabing si “Iping” (alyas ng biktima) lang ang kailangan ng mga ito, kaya naman mabilis ng tumakbo palayo si alyas Dindo habang pinaputukan ng mga NPA.

Una umanong binaril sa paa ang biktima at saka tinadtad ng bala sa kanyang baywang at kili-kili, pinagsasaksak din ito sa tiyan at hindi pa nakuntento ang mga rebelde binali pa ang leeg at binalatan ang kaliwang kamay ng biktima.

Kinondena naman ng militar ang patraydor at walang awang pagpatay ng mga NPA sa biktima na tahasang paglabag umano sa International Humanitarian Law.

“We deeply mourn for his tragic death. We will seek for justice in behalf of his family  and we’ll provide all necessary assistance due them. This should be a clear eye-opener to everyone that these terrorist NPAs are just plain criminals and murderers, so stop supporting them in any ways” pahayag ni Col. Allan Hambala commander ng 401st Brigade.

 

Please follow and like us:
Read More

CAFGU TIMBOG SA KARGADA

arrest500

(NI NILOU DEL CARMEN)

NAARESTO ang isang miyembro ng CAFGU matapos na ito ay magpagala- gala na may dalang baril sa Balete, Batangas, Martes ng madaling araw.

Kinilala ng Balete police ang suspek na si Randy Camacho, 36, at residente ng Barangay Banjo West, Tanauan City.

Batay sa report ni Police Captain  Rhyan Olave, hepe  ng Balete police, nakatanggap umano sila ng report hinggil sa isang kahina-hinalang lalaki na pagala-gala sa loob ng Jowivil Subdivision sa Barangay Makina dakong 1:00 ng madaling araw.

Nang respondehan, naaresto ang suspek habang sukbit sa beywang ang isang kalibre .45 baril.

Wala namang maipakitang kaukulang papeles ang suspek at wala rin itong permit to carry a firearm outside residence.

Nakakulong na ito ngayon sa Balete police station at sasampahan ng kasong illegal possession of fire arms at paglabag sa Comelec gun ban.

 

 

 

Please follow and like us:
Read More

2 ABU PATAY,  CAFGU SUGATAN SA SAGUPAAN

basilan

(NI NICK ECHEVARRIA)

PATAY ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) habang sugatan naman ang isang miyembro ng CAFGU Active Auxilliary (CAA) sa isang sagupaan, Lunes bandang alas-5:30 ng hapon.

Tumagal ng 15-minuto ang bakbakan sa engkwentro laban sa mga teroristang grupo sa  Sampinit Complex, Masola, Isabela City sa lalawigan ng Basilan.

Ayon sa report ni Col. Jerry Besana, tagapagsalita ng Western Mindanao Command ng AFP, naka-engkwentro ng mga nagpapatrulyang grupo ng Special Forces Teams na pinamumunuan nina 1st Lt Butale at 1st Lt.  Mabansag ang hindi mabilang na mga bandidong grupo ng ASG sa ilalim ng hindi pa mabatid na commander nito.

Kaagad ding nagsitakas ang mga terorista na iniwan na lamang ang bangkay ng kanilang kasamahan.

Narekober naman ng mga tauhan ng pamahalaan ang isang M14 rifle sa lugar na pinangyarihan ng engkwentro.

Tinutugis ng mga tropa ng pamahalaan ang mga nagsitakas na Abu Sayyaf habang ang iba naman ay nagsasagawa ng clearing operation sa bisinidad malapit sa pinangyarihan ng sagupaan.

Ayon naman kay Col. Fernando Reyeg, commander ng Joint Task Force Basilan naganap ang engkwentro makaraang magresponde ang kanyang mga tauhan sa report mula sa komunidad kaugnay sa presensiya ng mga armadong bandido sa kanilang lugar na nagresulta sa pagmatay ng isang Abu Sayyaf.

Samantala nauna rito, isang engkwentro din ang iniulat na naganap  bago maghatinggabi noong Feb 24 sa mangrove area Banguingui-Tongkil, Sulu sa pagitan ng mga elemento ng Joint Task Force Sulu (JTFS) laban sa 15 mga tauhan ng ASG sub-leader na si Salip Murah na ikinamatay ng isa sa mga tauhan nito at pagkakabawi sa isang R4 rifle.

Please follow and like us:
Read More

2 PATAY SA AKSIDENTENG PAG-INOM NG FORMALIN   

formal21

LAOG CITY – Dalawa katao, isa ay miyembro umano ng CAFGU,  ang namatay matapos makainom ng formalin na inakalang chaser habang nag-iinuman sa Mt. Sikapo, ayon kay Senior Inspector Chris Anthony Sorsano, chief of police ng PNP-Solsona.

Kinilala ni Sorsano ang isa sa dalawang biktima na si Basilio Bataan, isang CAFGU sa Apayao habang patuloy pang kinikilala ang isa pang nasawi.

Sinabi sa report na nag-iinuman ang mga biktima kasama ang dalawa pang lalaki nang aksidente umanong mainon ang formalin na nasa tabi ng iniinom ng grupo.

Inaalam pa sa imbestigasyon kung may foul play na naganap o sadyang lasing na ang mga biktima nang inumin ang formalin. Ginagamit umano ng mga biktima sa pangangaso ang formalin para mapreserba ang mga nahuhuling hayop.

Please follow and like us:
Read More

6 CAFGU PINALAYA NG NPA

cafgu15

(NI NICK ECHEVARRIA)

PINALAYA na ng mga bumihag na teroristang New People’s Army (NPA) sa isang lugar sa Bgy. San Juan, Bayugan City, Agusan del Sur ang anim na miyembro ng Citizen’s Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) Huwebes ng gabi.

Sa report ni  Maj. Ezra Balagtey, tagapagsalita ng  Eastern Mindanao Command (EASMINCOM), nakilala ang mga pinalayang CAFGU na sina; Jurian Gaviola, Marson Iligan, Bienvenido Lamion, Eddie Tindoy, Sanny Malobay at Hermito Iligan.

Ayon naman kay Capt. Reggie Go, spokesperson ng 4th Infantry Division ng Philippine Army ang anim na pinalaya ay kabilang sa 2 sundalo at 13 mga CAFGU na dinukot ng mga rebeldeng NPA sa Bgy. New Tubigon Patrol Base sa Sibagat, Agusan del Sur noong December 19, 2018.

Ayon sa report dalawa pang sundalo at pitong CAFGU ang ngayon ay nananatiling nasa kamay pa ng mga komunistang grupo.

“The release of the hostages is not an act of peace by the CPP/NPA but an option for survival, continued detention of the hostages impeded their evasion from pursuing Army and PNP troops. Also, feeding number of hostages posed considerable drain on their  food supplies” ayon pa kay Go.

Isinasailalim ngayon sa medical at psychological treatment ang mga pinalayang miyembro ng CAFGU sa utos ni Brig. Gen. Franco Nemesio Gacal ng 4thInfantry Division.

Nanindigan naman si AFP-EASMINCOM commander Maj. Gen. Filemon Santos Jr. na walang mangyayaring Suspension of Military Operations (SOMO) sa ilang  lugar sa CARAGA Region tulad ng kahilingan ng mga NPA kapalit ng pagpapalaya sa kanilang mga bihag.

Naniniwala si Santos na paraan lamang ito ng mga komunistang NPA para palakasin ang kanilang pwersa sa pamamagitan ng recruitment at pag-atake laban sa mga tropa ng pamahalaan.

Please follow and like us:
Read More

CAFGU NAG-AMOK SA KAMPO, SUNDALO PATAY

cafgu

(Ni JG Tumbado)

PATAY ang isang sundalo habang malubhang nasugatan naman ang dalawang miyembro ng Civilian Auxiliary Force Geographical Unit (Cafgu) makaraan silang ratratin ng kapwa nila kasamahan sa loob mismo ng kanilang kampo sa Isabela City, Basilan.
Nangyari ang pag aamok ng suspek na nakilalang si Faisal Alam sa Detachment Patrol Base, 15th Company, Philippine Army sa Barangay Kapatagan Grande alas- 6:00 ng gabi bisperas ng Bagong Taon.
Ayon kay Police Chief Supt. Emmanuel Luis D. Licup, Regional Office 9 Director, nakilala ang nasawi sa insidente si Corporal Sali Tagayan (Philippine Army) habang ginagamot naman sa ospital sa Zamboanga City sina Alejandro Enriquez at Sahadain Indanan Mustamad.
Lumalabas sa report na pinagbabaril ni Alam ng hawak nitong isang M16 armalite rifle ang mga biktima habang naka duty ang mga Ito sa naturang kampo.
Napuruhan si Corp. Tagayan sa pamamaril na dahilan ng agaran nitong pagkasawi.
Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang krimen na ngayon ay tinutugis na ng kapwa kasamahan at maging ng pulisya.

Please follow and like us:
Read More