GRADE 8 STUDENT, SINAKMAL NG BUWAYA 

palawan 12

(NI NICK ECHEVARRIA)

ISANG grade 8 student ang sinagpang at tinangay ng buwaya habang naninisid sa paghuli ng isda, kasama ang kanyang tiyuhin at mga pinsan sa Balabac, Palawan, Linggo ng gabi.

Base sa report ng amain ng biktima sa Balabac Municipal Police Station (MPS) nitong Lunes ng umaga,  nakilala ang biktima na si Romilo Sappayani Miranda, 15, Grade 8 student, ng Indalawan National High School, at residente ng Bryg. Rabor sa nasabing bayan.

Base sa salaysay ni Pablo Tanain Sarmiento, tiyuhin ng biktima, magkakasama silang nanisid para manghuli ng isda kasama ang dalawa pang pinsan sa lawa ng Sitio Bual, Brgy, Indalawan noong gabi ng Linggo.

Matapos ang kanilang pagsisid, napansin ng isa sa kanyang mga pinsan na si Ismael Sarmiento ang gamit na flashlight ng biktima na nakalutang sa tubig sabay ang biglaang pagsulpot ng isang buwaya sa kanyang kanang tagiliran habang kagat sa batok ang biktima at tuluyang tinangay sa malalim na bahagi ng dagat.

Bagamat natawag ni Ismael ang pansin ng kanyang tiyuhin at mga pinsan ay wala na ring nagawa ang mga ito sa pangamba na baka pati sila ay lapain ng naturang buwaya.

Kasalukuyan pa ring pinaghahanap ng mga tauhan ng Alabac MPS, Philippine Coast Guard, PNP Maritime Group at Barangay officials ang biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

SINAKMAL NG BUWAYA; ULO, BINTI NG 10-ANYOS NABAWI

palawan 12

KALUNUS-LUNOS na kamatayan ang sinapit ng isang 10-anyos na bata na naiulat na nawawala matapos lapain ng buwaya sa Barangay Salang, Balabac, Palawan.

Noong Linggo pa naiulat ang pagkawala ng bata at nahanap ng awtoridad ang ulo at kanang binti ng bata sa isang search and rescue operation.

Ayon sa ama ng biktima, sakay ng maliit na bangka ang kanyang tatlong anak para bumili ng asukal at kape sa tindahan na nasa kabilang ilog.

Ngunit sa pag-uwi ay sinabing sinakmal ng buwaya ang bata na nakaupo sa huling bahagi ng bangka saka hinilala pailalim ng ilog.

Naninirahan ang pamilya sa Barangay Catagupan at mayroong seaweed farm sa Barangay Salang.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI NILAPA NG BUWAYA

palawan 12

(NI BONG PAULO)

PATAY na nang matagpuan ang isang 35-anyos na lalaki na pinaniniwalaang sinaklam ng buwaya sa Canipaan River sa Barangay Canipaan sa bayan ng Rizal, Palawan, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Jomar Banggali, 35, at residente ng Sitio Bulikawa sa Barangay Canipaan ng nasabing bayan.

Sa ulat na nakarating kay Forester Jovic Fabello, tagapagsalita ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), nakita ang bangkay ng biktima na maraming kagat sa parte ng leeg, ulo, braso at sa ibang bahagi pa ng kanyang katawan.

Sa kabila nito ay patuloy pang kinukumpirma ng tanggapan ni Fabello  kung ang pagkamatay ni Banggali ay ang pagkakagat ng buwaya.

Nabatid na noong Huwebes pa umano ng hapon nawawala si Banggali sa Canipaan River. Kinabukasan, nakita na lamang ang kanyang bangkay sa Katiringan sa nasabi ding bayan.

Ayon sa PCSD, maaaring pumasok sa teritoryo ng mga buwaya ang biktima kaya’t inatake ito. Posibleng depensa ito ng buwaya o may pinoprotektahang pangitlugan lalo na’t breeding season ngayon.

Ang Canipaan sa Rizal ay una na ring naideklarang crocodile sanctuary kung saan gumagawa na ng hakbang ang pamunuan nito para sa ilalatag na seguridad sa lugar.

 

Please follow and like us:
Read More