BUTANDING, TAO MAY KAUGNAYAN

BUTANDING-2

(Ni Mac Cabreros / Huling Labas)

Eco-tourism Pinalalakas

ANG butanding tulad ng tao ay hindi magkakapareho dahil bawat isa ay may kanya kanyang pagkakakilanlan tulad ng marka sa balat habang tao ay gayundin dahil maging sa finger prints ay magkaiba.

Inaalagaang mabuti ang mga butanding dahil kabilang ang mga ito sa nagpapalakas ng turismo ng bansa at sinasabing hindi ito tulad ng mga pating na kumakain at nananakit ng tao. Ang mga ito ay malapit sa tao na sa katunayan ay puwedeng laruin.

Katuwang ang World Wide Fund for Nature– Phi­lippines o WWF, itinataguyod ang programang ‘Sharks: Res­toring the Balance’ upang mapanatili ang dami o bilang ng mga butanding sa lugar.

Katunayan, ayon sa WWF, may 104 butanding ang bagong naispatan sa Ticao Pass nitong Enero  hanggang Hunyo taon kasalukuyan at nadagdag sa dating bilang ng butanding dito para sa kabuuang 676 na ngayon.

Nasa 1,724 ang kabuuang bilang ng butanding sa buong bansa.

“Their presence suggests that the Ticao Pass may be a pupping ground for whale sharks, further increasing the ecological significance of the area,” pahayag WWF-Philippines Donsol Project Manager Manuel Narvadez, Jr.

“These whale sharks that pass by Donsol aren’t just important due to their value to local tourism. More than that, they play an important, systemic role in providing resi­lience to the local ecosystem.”

“The number of whale sharks spotted in Donsol indicates that its waters are now rich with plankton, which is their primary food. They have even come here with their young,” dagdag Narvadez.

Dahil malaki ang kaugnayan ng mga butanding sa buhay ng mga tao lalo sa eco-tourism, target ngayon ng Pamahalaan ng Donsol at WWF-Philippines na palawakin ang Marine Protected Areas o MPA sa lalawigan ng Sorsogon at karatig munisipa­lidad sa lalawigan ng Masbate.

“Whale shark tourism at Donsol is a long established eco-tourism venture, which the WWF-Philippines team helped get up and running. After so many years, it is very gratifying to see local communities and the whale sharks continuing to benefit,” paha­yag Dr. Andy Cornish, lider ng Sharks: Restoring the Balance, isang programa ng WWF para mapangalagaan ang mga pa­ting at rays sa Pilipinas, Ecuador, Mexico, Pakistan at Tanzania.

“Protecting more marine areas near Donsol could play a key role in enhancing protection for these endangered ocean nomads for generations to come,” dagdag Dr. Cornish.

Magkatuwang na kumikilos ang LGU at WWF-Philippines para mapanatiling maganda ang habitat ng mga butanding. Pero mayroon din tayong papel na dapat gampanan.

Ayon sa mga eksperto, iwasan nating manghuli at kainin o ibenta ang mga butanding. Kung lumangoy malapit sa kanila, iwasang hawakan o gumawa ng anuman na makasama sa likas nilang buhay. Higit sa lahat, iwasang magtapon ng basura lalo ang plastic sa karagatan dahil ‘nakakain’ (kasama ang iba pang marine animals) na siyang ikamamatay ng mga ito.

Please follow and like us:
Read More

BUTANDING AT TAO

butanding

(Ni Mac Cabreros / Unang Labas)

Parehong walang magkatulad

NAKAKITA ka na ba ng butanding, balilan o supok na sa ingles ay whale shark? Kung hindi pa, kunin ang isandaang piso na nakasubi sa iyong wallet at makikita sa likod ng papel na perang kulay ube ng Pilipinas na nakalimbag ang larawan nito.

Ngunit, lubos kayang batid ng ating kababayan kung ano itong isdang ito?

Alam din kaya ng ating mga kababayan na tulad nating mga tao, walang magkatulad o magkaparehong butanding? Ayon sa mga dalubhasa, madaling matukoy o makilala ang butanding (Rhincodon typus) dahil sa kanilang marka sa balat kung saan magkakaiba ang pattern ng marka malapit sa kanilang hasang na siyang magsisilbing ‘fingerprint’ ng mga ito.Tamang-tama ang kasabihan ditong “ Just as no two human fingerprints are alike, no two whale sharks have the same spot pattern.”

Bagama’t dambuhala o malaki  kung saan abot sa 62 talampakan ang haba at may bungangang abot sa limang talampakan at kauri ang mga pating, hindi dapat katakutan ng mga tao ang  mga butanding sapagkat ang mga ito ay tinaguriang ‘gentle giant’ at puwedeng lumangoy ang mga tao malapit sa kanila. Puwede ring makipaglaro sa mga higanteng ito na nasa dagat.

Mga plankton o maliit na isda at maging itlog ng iba’t ibang marine species ang pagkain ng mga butanding. Filter fed o  kumakain ang mga butanding sa pamamagitan nang pagbuka ng malaking bunganga nito at hihigupin ang tubig saka ilabas sa hasang nito ang tubig at masala o maiwan sa bunganga nito ang kanyang pagkain.

Nakikita ang butanding sa piling lugar sa Pilipinas gaya sa Donsol (Sorsogon), Pasacao (Camarines Sur), Bonuan (Pangasinan), Southern Leyte at Batangas. Sinasabi ng mga eksperto na madalas naiispatan ang mga butanding sa mga nabanggit na lugar upang manginain gayundin upang mangitlog o magparami.

Ang paglangoy ng mga butanding sa mga nabanggit na lugar ay siya namang nagpadaloy upang umusbong ang eco-tourism ng lugar.

Isa sa sumigla at umangat ang Donsol, Sorsogon dahil sa eco-tourism bunsod nang pagdagsa ng butanding sa Ticao Pass, kung saan mula sa fifth class ay naging first class municipality.

Dahil dito, pinapahalagahan at inaalagaan ng Pamahalaan ng Donsol ang mga butanding. Bawal na bawal sa lugar na ito ang paghuli, pagkain at pagbebenta ng butanding. (May karugtong)

Please follow and like us:
Read More