BAHAY SA GILID NG KALSADA INARARO NG BUS; 1 TODAS

accident121

(NI ANNIE PINEDA)

INARARO ng pampasaherong bus ang dalawang bahay sa tabi ng kalsada na ikinasawi ng isang ginang at comatose naman ang isa pa sa P-6 Brgy. San Felipe, Basud, Camarines Norte.

Dead on the spot si Eleonor Corea, residente ng nasabin lugar habang comatose naman ang isang pasahero ng bus na kinilala lamang sa pangalan na Periño na tinatayang 60-anyos.

Sa ulat ng pulisya, binabaybay ng Peñafrancia Bus na minamaneho ni Cyrus Kim Teoxon ang kahabaan ng Maharlika Highway papunta sa bayan ng Daet nang mawalan umano ito ng kontrol sa manibela at dumiretso sa dalawang bahay dahil sa madulas na kalsada dala ng pag-ulan.

Ayon kay De Vera, nagkataong nasa labas ng bahay si Corea at nag-iigib ng tubig.

Si Periño ay isa sa mga sakay ng bus na posible umanong tulog sa biyahe kaya tumama ang ulo sa bakal na bahagi ng sasakyan na naging sanhi ng kanyang pagka-comatose.

Please follow and like us:
Read More

2 NASAKTAN SA NASUNOG NA BUS

(NI ALAIN AJERO)

DALAWA katao ang sugatan nang magliyab ang isang pampasaherong bus sa bahagi ng EDSA na nasasakop ng Caloocan City, Huwebes ng hapon.

Nasugatan sa kanang siko at kanang binti si Marcyden Resuello, 24; habang nabugbog si Joy Marfil, 18, sa tinatayang P1 milyong pinsala ng sunog.

Napag-alamang tumakas ang driver at konduktor ng AC Trans bus na may plakang TXY 780 matapos ang insidente.

Nabatid na alas 2:20 ng hapon ay binabagtas ng bus ang southbound lane ng EDSA sa Barangay 95, Bagong Barrio Caloocan City nang biglang magliyab ang unahang bahagi nito at naapula matapos ang 20 minuto.

Iniimbestigahan pa ang dahilan ng pagliyab.

Please follow and like us:
Read More

SUNTUKAN SA BUS: SSS EMPLOYEE PATAY SA SEKYU

(NI TJ DELOS REYES)

NAMATAY ang isang empleyado ng Social Security System (SSS) matapos suntukin ng security guard sa batok, na nakaalitan nito sa pampasaherong bus Huwebes ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Robin Corpuz Rosales, 48, may asawa, at residente ng Blk 8, Lot 27, Soldiers Hills, Tala Caloocan City.

Nadakip ang suspek na si Dionicio Luyas Dilubio, 23, binata, ng Marban Security and Investigation Agency, Inc. ng Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Base sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Edsa Kamuning kanto ng Kamias Road, Brgy. West Kamias.

Sakay ng pampasaherong bus si Rosales kasama ang kanyang misis na nakilalang si Leiya, nang magkabanggaan sila ng suspek na lulan din sa nasabing bus.

Ang simpleng banggaan ng katawan ay nauwi sa suntukan sa loob ng bus hanggang sa awatin ang dalawa ng mga pasahero.

Dahil dito, nagdesisyon na lamang si Rosales at ang misis nito na bumaba sa bus subalit habang patungo sa Victory Liner terminal ay sinundan siya ni Dilubio at sinuntok sa batok.

Tumumba sa kalsada ang biktima at nawalan ng malay kaya isinugod sa Philippine Heart Center subalit binawian din ng buhay dahil inatake pala ito sa puso.

Nakapiit na sa QCPD ang suspek at nahaharap ito sa kasong murder.

 

Please follow and like us:
Read More

3 SAKAY NG MOTORSIKLO PATAY SA BUS

accident121

TOBOSO, Negros Occidental—Patay lahat ang tatlo kataong sakay ng motorsiklo matapos sumalpok sa kasalubong na bus sa Barangay Tabu-ac sa bayang ito, Huwebes ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Junrey Bawaan, Arnel Selma, at isang 15-anyos na lalaki.

Magkakaangkas umano ang tatlong nakamotorsiklo at mabilis ang takbo dahil may hinahabol umanong isang pang motorsiklo.

Nabangga sila ng kasalubong na bus nang makarating sa pakurbadang daan sa naturang barangay.

Dead on the spot si Bawaan, habang sa ospital na binawian ng buhay ang dalawa niyang kasama.

Nakakulong na ngayon sa istasyon ng pulisya ang driver ng bus.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI PATAY SA NAHULOG NA BATO SA MARCOS HWAY

crime145

BAGUIO City — KUNG oras mo, oras mo na.

Ito ang nangyari sa isang lalaki na namatay nang mahulugan ng bato mula sa bundok habang sakay sa pampasaherong bus sa Marcos Highway, Sabado ng gabi.

Ang biktima ay pauwi na sa Pangasinan nang maganap ang insidente.

Nahulog umano ang bato  na kasing laki ng ulo ng tao at eksaktong bumagsak sa kinauupuan ng biktima.

Isinugod sa ospital ang biktima ngunit namatay din ito.

Nangako naman ang bus company na sasagutin lahat ang gastos sa sinapit ng biktima.

Sinabi ni Police Lt. James Acod, Hepe ng Tuba Municipal Police Station, na maglalagay na ng signage sa lugar upang magabayan ang mga motoristang dumaraan.

 

Please follow and like us:
Read More

MAG-INA DADALO SA GRADUATION PATAY SA NAHULOG NA BUS

accident

(NI KIKO CUETO)

HAMTIC, Antique — Tatlo ang patay, kasama ang  mag-ina,  habang walo katao ang sugatan nang mahulog sa malalim na bangin ang bus na sinasakyan ng mga ito.

Sinasabing ang Ceres bus ay may sakay na siyam na pasahero, isang driver at isang konduktor.

Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng mga biktima ngunit sinasabing dadalo sa graduation ang mag-ina nang maganap ang trahedya.

Sa imbestigasyon,  papunta umano ng San Jose, Antique ang bus galing ng Iloilo City nang mahulog sa bangin.

Sinabi ni Police Sr. Master Sgt. Llanie Adores na inaalam pa buong detalye sa aksidente.

Please follow and like us:
Read More

HIGIT 30 KATAO SUGATAN SA SALPUKAN NG BUS, TRUCK SA MAYNILA

bus12

(PHOTO BY JHAY JALBUNA)

MAHIGIT sa 30 pasahero ang sugatan nang  magsalpukan ang isang pampasaherong bus at trailer truck sa kanto ng San Marcelino at Remedios St., Maynila, Martes ng gabi.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang pampasaherong bus na may plakang CDK 3992

ay galing ng Lawton at patungong Tagaytay nang magsalpukan.

Sa tindi ng salpukan ay tumagilid ang bus na naging sanhi ng pagkasakitan ng mga sakay na pasahero.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

Please follow and like us:
Read More

APAT PATAY, 40 SUGATAN SA SALPUKAN NG 2 BUS

compostella

(NI JESSE KABEL)

APAT ang inulat na nasawi habang mahigit 40 ang sugatan sa nangyaring salpukan ng dalawang bus sa Purok. 91, sa Nabunturan, lalawigan ng Compostela Valley nitong Lunes ng hapon.

Ayon kay Police Officer 3 Barry Castillo ng Nabunturan PNP , bukod sa apat na  nasawi, patuloy pa ring nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang 25 sa mga ansugatan sa insidente.

Kinilala ang tatlo sa namatay na sina Lorilyn Palo, Alexander Campos at Vicente Dujali.

Lumitaw sa pagsisiyasat na sumabog ang gulong ng Metro Shuttle bus kaya’t nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na naging sanhi para masakop ang kabilang lane  at makasalpukan ang kasalubong na Bachelor Bus,

Base sa impormasyon ng Nabunturan police papunta sana ng Veruella, Agusan del Sur ang Metro Shuttle bus habang papunta namang Davao City ang Bachelor Tours.

Agad na isinugod sa ospital ang mga sugatan.

Ligtas ang dalawang driver pero nasa ospital pa rin dahil sa natamong sugat.

Patuloy pa ngayon ang ginawang imbestigasyon sa naturang insidente.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI NANGHAWAK NG BOOBS KULONG

boobs

TIMBOG ang isang lalaki na pasahero matapos umanong hipuin ang malulusog na boobs ng isang dalaga na isa ring pasahero sa isang pamapasaherong bus sa Makati City kahapon.

Nakakulong ngayon sa Makati City Police ang suspect na si Ernani Ligbos, 38, construction worker, ng 78 Sampaguita St., Barangay  83, Imus City, Cavite.

Itinago naman sa pangalang Ruby ang biktima, 23, ng Quezon City.

Lumalabas sa report ni Senior Supt. Rogelio Simon, hepe  ng Makati City Police, dakong alas-11:15 ng umaga nang maganap ang insidente sa isang pampasaherong bus na hindi na binanggit ang pangalan at habang binabagtas nila ang panulukan ng Buendia Avenue at  Batangas St.,  Barangay San Isidro ay pasikreto umanong hinipuan ng suspect ang biktima ng kanyang malulusog na boobs dahilan upang pumalag ang dalaga. Agad tumulong ang pasaherong si Welbert Enad, 27, at hindi na pinatakas ang suspect.

Nagkataon namang nagpapatrolya gamit ang motorsiklo ang dalawang pulis na sina P01s Jayvee Erivan Garcia at  Jerome Lazaro, kapwa nakatalaga sa Makati City Police sa naturang lugar. Agad humingi ng police assistance si Enad para dalhin  sa himpilan ng pulisya ang suspect. (ROSE G. PULGAR)

Please follow and like us:
Read More