5-ANYOS DINUKOT SA BAHAY, NI-RAPE, PINATAY

(NI JG TUMBADO)

PATAY ang isang limang taong gulang na babae matapos hampasin ng bato sa ulo sa San Jose Del Monte City, Bulacan, Linggo ng madaling araw.

Dead on arrival sa Grace General Hospital ang biktima na si Princess Angela Langumez, kindergarten student, habang pinaghahanap naman ng pulisya ang nakatakas na suspek na nakilalang si Eman Lambuhon, 24, construction worker, ng Yein St. Del Monte Heights, Barangay Kaypian.

Ayon kay Police Staff Segeant Gilbert Cuña, pasado alas-3:00 ng madaling araw nang makarinig ng sigaw ang ina ng biktima kung saan nakitang tinangay ng suspek ang kanyang anak.

Agad na sinilip ng ina ang kuwarto ng biktima at nang makumpirmang nawawala na ito ay sinundan nila ang lugar kung saan posibleng nagpunta ang suspek.

Matapos ang paghahanap ay nakitang nakahandusay at duguan na ang biktima sa isang bakanteng lote.

Hinala ng pulisya na posibleng hinampas sa ulo ng bato ng suspek ang biktima na naging sanhi ng kamatayan nito.

Batay pa sa imbestigasyon na tatlong beses na umanong tinangkang tangayin ng suspek ang bata.

Posible rin umano na ginahasa ng suspek ang biktima bago pinukpok ng bato sa ulo.

Hinihintay na lamang ng San Jose Del Monte police ang resulta ng medico legal sa biktima upang matukoy kung hinalay ng suspek na subject ngayon ng malawakang pagtugis.

Please follow and like us:
Read More

SAFEHOUSE NG KFR GROUP SINALAKAY, 1 PATAY

(NI JG TUMBADO)

NAPATAY sa pakikipagbarilan ang isa sa mga miyembro ng Kidnap for ransom (KFR) group na isinasangkot din sa pagdukot ng ilang mga opisyales ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa kanilang hideout sa Marilao, Bulacan.

Armado ng search warrant, nilusob ng pinagsanib na puwersa ng PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO), Police Regional Office 3, PNP-Highway Patrol Group, Bulacan Provincial Police at PNP Anti Kidnapping Group, ang pinagkukutaan ng grupo kung saan napatay ang 41-anyos na KFR member na si Leo Dela Fuente, residente ng Cubao, Quezon City.

Bago tinunton ng pulisya ang hideout ni Dela Fuente nitong gabi ng Miyerkoles sa Marilao, ay ilang serye rin ng pagsalakay ang ikinasa sa iba pang lugar, kabilang sa Caloocan at sa San jose del Monte City sa Bulacan.

Ayon kay NCRPO chief, Maj. Gen. Guillermo Eleazar, modus ng grupo ang manghingi ng pera mula sa mga biktima at kanilang kaanak.

Gumagamit pa umano ng uniporme ng PNP ang mga suspek at may mga kasabwat silang mga AWOL na pulis.

Nakumpiska sa loob ng isa sa mga bahay ang 8 iba’t ibang uri ng armas na may mga bala habang sa mga sasakyang nadatnan sa lugar ay may mga nakuha din na mga high powered firearms.

 

Please follow and like us:
Read More

BANKO INARARO NG SUV NG EX-MAYOR

accident12

(NI AMIHAN SABILLO)

SUGATAN ang tatlo katao matapos araruhin ng isang kulay puting SUV na pagmamayi-ari ni dating Marilao Mayor Epifanio Guillermo ang isang sangay ng Banco de Oro sa bahagi ng McArthur Highway, bayan ng Marilao, Lalawigan ng Bulacan

Ayon kay Bulacan Provincial Police Office Chief P/Col. Chito Bersaluna, nangyari ang insidente dakong alas-10:00, Biyernes ng umaga, sa Barangay Abangan Norte.

Kinilala ang mga sugatan na sina Juaniver Felicis at Gerard Hermogenes na kapwa Security Guard at isang Kristine Lanoza na nagwi-widthraw lamang sa ATM o Automated Teller Machine ng nasabing banko

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nakaparada lamang ang nasabing SUV sa harap ng banko nang kara-karaka’y humarurot pasulong dahilan upang bumangga ito sa salaming pintuan ng nasabing establisyemento

Matapos ang insidente, agad dinala ang mga sugatan sa St. Michael Family Clinic upang agad malapatan ng paunang-lunas habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Marilao PNP bagama’t malaki ang posibilidad na isa itong panibagong kaso ng sudden uninteded acceleration sa mga mamahaling sasakyan.

Please follow and like us:
Read More

2 PASLIT KAPWA NI-RAPE, PINATAY SA HIWALAY NA LALAWIGAN

(NI ANNIE PINEDA)

MAAGANG binawian ng buhay ang dalawang limang taon gulang na batang babae matapos silang gahasain ng kanilang mga sariling tiyuhin sa magkakahiwalay na probinsya sa Bulacan at Bukinon, iniulat Huwebes ng umaga.

Hubo’t-hubad na nagpalutang-lutang sa ilog nang matagpuan ang biktimang si Ashley Nicole Silva, 5-anyos ng Calumpit Bulacan.

Arestado naman ang suspek at tiyuhin na kinilalang si Marvin Mengolia, 23-anyos, ng nasabing lugar.

Batay sa report ng pulisya, nakita na lamang ang bangkay ng biktima sa ilog sa nasabing lugar dahilan para iahon ito.

Lumabas sa pagsisiyasat, nagpositibong ginahasa ang biktima ng suspek na agad naman nadakip sa ginawang follow-up operation.

Ayon sa pulisya, bangag sa solvent ang suspek nang isakatuparan ang karumal-dumal na krimen at hindi lamang unang beses nitong ginawang kahalayan ang bata.

Sa himpilan ng pulisya, inamin ng suspek ang ginawa sa bata at sinabi pa nitong pinatulog niya muna ang pamangkin saka niya ginahasa dahil nagising dinala niya ito sa ilog saka itinulak.

Nahaharap ngayon sa kasong Rape with homicide ang suspek.

Samantala, sa Valencia Bukidnon, namatay din ang 5-anyos na paslit na babae matapos gahasain ng kanyang tiyuhin na pinatulog lamang ng kanyang magulang sa bahay ng suspek dahil nag-aaway ang mga ito.

Kinabukasan, tinungo ng ama ang anak sa bahay suspek at nadatnan nitong nakahiga at nakabalot ng kumot kaya ginising niya ito subalit hindi na gumagalawa pa.

Kaagad na dinala sa ospital ang bata kasama pa ang suspek pero idineklara na rin itong patay.

Nang malaman ng suspek na patay na ang bata, mabilis itong tumakas.

Sa ginawang eksaminasyon ng mga doktor, lumabas na ang sugat sa kaselanan ng bata na dulot ng panghahalay ang ikinamatay nito.

Hinagilap ng ama ng suspek sa labas ng ospital pero nawawala na ito kaya humingi na siya ng tulong sa mga awtoridad na nagresulta sa pagkadakip sa suspek.

Nahaharap sa kasong Rape at homicide ang suspek .

 

Please follow and like us:
Read More

P160-M PEKENG YOSI NASABAT SA BULACAN

(NI FROILAN MORALLOS)

NA-INTERCEPT ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Enforcement and Security Service (BOC-ESS) ang tinatayang aabot sa P160 milyon halaga ng pekeng cigarettes, cigarette-making machines at iba pang smuggled na kargamento na nakaimbak sa loob ng isang bodega sa Bulacan.

Ayon sa impormasyon, nadiskobre ang mga ilegal na kargamento sa loob ng bodega  makaraang salakayin ng BOC-ESS noong June 13 ang naturang bodega na pinamunuan ni Director Yogi Filemon Ruiz, sa bisa ng Letters of Authority (LOAs) na inisyo ni Customs Commissioner Leonardo Guerrero.

Napag-alaman na ang bodega na matatagpuan sa Benedicto St. Prenza Uno Marilao Marilao Bulacan ay naglalaman ng 1,339 master cases ng fake Mighty, Fortune, Hope, Belmont, Marlboro, Modern, Double Happiness at Camel cigarettes na nagkakahalaga sa P40.170 milyon.

Nakita ng raiding team sa loob ng bodega ang siyam na cigarette-making machines, imported drinking glasses  at fake cigarette tax stamps na aabot sa P120 milyon sa Kaybanto, Caysio Road, Brgy. Caysio, Sta. Maria, Bulacan. 
Nakatakdang isyuhan ng BOC ng Warrants of Seizure and Detention (WSDs) ang mga kargamento dahil sa paglabag ng Section 1113 of Republic Act No. 10863, o Customs Modernization and Tariff, in relation to Section 1401, at ng RA 8293 or the Intellectual Property Code of the Philippines.

Please follow and like us:
Read More

3 TULAK TODAS, 9 HULI SA BULACAN

arrested88

(NI GINA BORLONGAN)

TATLONG hinihinalang tulak ng bawal na gamot ang napatay habang siyam na iba pa ang naaresto sa buy-bust operations na isinagawa ng mga pulis sa Bulacan, Huwebes ng madaling araw.

Ayon kay PCol. Chito Bersaluna, hepe ng Bulacan PNP, napatay sina Marlon Cagampang, residente ng Brgy. Poblacion, Sta. Maria; Ljel Fabros at Christian Marcos sa San Jose Heights, Brgy. Muzon, San Jose del Monte City, pawang sa Bulacan.

Nabatid na nag-operate ang mga pulis laban kay Cagampang sa pagkakasangkot sa pagtutulak ng shabu sa Brgy. Poblacion, San Gabriel at Caysio, Sta. Maria.

Isang police asset ang bumili ng shabu dakong ala-1:30 kay Cagampang nitong Hunyo 21 ngunit nakatunog ito na pulis ang kanyang binentahan kaya nagpaputok at napatay nang gantihan ng mga pulis.

Nakumpiska sa kanya ang isang kalibre .45 pistola, 16 sachet ng shabu, markadong pera at isang kulay asul na motorsiklo na walang plaka.

Dakong ala-1:55 naman nitong Hunyo 22 nang magsagawa ng busy-bust operation at napatay sina Fabros at Marcos.

Nakumpiska sa mga ito ang 19 sachet ng hinihinalang shabu, isang kalibre .38 Smith and Wesson, isang 9mm revolver Black Widow, markadong P500 bill  at isang itim na Suzuki Raider 150 motorcycle na walang plaka na tinagka nilang gamitin sa pagtakas.

Naaresto naman ang siyam na hinihinalang tulak ng shabu sa buy-bust operations sa Balagtas, Bustos, Bocaue at Malolos City kung saan sila idineretso sa Camp Alejo Santos para masampahan ng kaukulang mga kaso.

 

Please follow and like us:
Read More

TEENAGER BUMATAK SA KOTSENG NINANAKAW, HULI

arested12

(NI GINA BORLONGAN)

ISANG kabataang lalaki na hinihinalang gumamit ng ilegal na droga ang nahuli sa aktong tinatangkang nakawin ang kotse ng isang negosyante sa Barangay Sto. Cristo, Angat, Bulacan nitong Martes.

Ayon kay PCol. Chito Bersaluna, hepe ng Bulacan PNP, nahuli sa akto si Gabriel Castro, 18, habang nasa loob ng kotse ng biktima sa nasabing barangay.

Nabatid na umalarma ang itim na Mitsubishi Adventure na may plakang UJQ-839 kaya sinilip ng biktima ang kotse at nakita sa loob ng sasakyan si Castro.

Humingi ang biktima ng tulong sa mga pulis na nagsidating at nadakip ang suspek na nakumpiskahan ng dalawang screwdriver at dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

 

 

Please follow and like us:
Read More

NANG-BLACKMAIL SA RAPE VICTIM DEDO SA PULIS

crime85

(NI GINA BORLONGAN)

ISANG araw makaraang may lima kataong minasaker sa drug den sa San Jose del Monte City, isang hepe ng barangay tanod na hinihinalang tulak ng shabu at nang-rape sa isang babae ang napatay at 29 na iba pa ang naaresto sa drug-buy bust operation Biyernes ng hapon sa iba pang bayan ng Bulacan.

Ayon kay PCol. Chito Bersaluna, direktor ng Bulacan PNP, napatay si alyas ‘Boyet Tuando’, chief  tanod ng Brgy. Citrus City of San Jose Del Monte, Bulacan.

Sa ulat ni PLt. Col. Orlando Castil, Jr., hepe ng San Jose Del Monte City Police, bandang alas-4:30 ng hapon nitong Mayo 24 nang magsagawa ng entrapment operation ang pulisya sa reklamo ng babaeng itinago sa pangalang Lily at biktima ng paulit-ulit na panggagahasa ni Tuando.

Nagbanta si Tuando na papatayin si Lily kapag hindi ito nakipag-sex sa kanya kaya nagkasundo silang magkita ngunit nakatunog ang suspek sa entrapment kaya nagkabarilan,  napatay si Tuando ng mga pulis at nakaligtas naman si Lily.

Ang 29 na naaresto sa pagtutulak ng ilegal na droga ay dinala sa Camp Alejo Santos para masampahan ng kaukulang mga kaso.

 

Please follow and like us:
Read More

2 DRUG DEALER,TODAS; 26 TIMBOG SA BULACAN BUY-BUST

crimeshooting

(NI GINA BORLONGAN)

DALAWANG drug dealer ang napatay, 26 ang naaresto at 434 katao ang tinanong sa simula ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Bulacan Police, nitong Martes.

Ayon kay P/Col. Chito G. Bersaluna, director ng Bulacan Police, napatay sina Bartolome Dela Cruz, alyas Bobby at nakalista sa PDEA/BADAC Drugs watchlist ng Brgy Graceville, San Jose del Monte City, at Christian Dungo, alyas Chris, ng NIA Road, Brgy. Banga 1st, Plaridel, Bulacan.

Sinabi ni Bersaluna na nakatunog sina Dela Cruz at Dungo na mga pulis ang ka-transaksiyon nila sa droga kaya nanlaban at napatay ng mga nagsiganting pulis. Nakumpiska kay Dela Cruz ang isang Smith and Wesson cal. 38 revolver na may dalawang bala, 11 plastic sachet ng shabu at buy-bust money at kay Dungo ay nakumpiska ang isang kalibre 38 revolver, siyam na plastic sachet ng shabu, P500 buy-bust money at tricycle na ginagamit niya sa pagbebenta ng droga na may body number Agnaya 195.

Ang 26 naaresto at 434 kinuwestiyon ay dinalang lahat sa Camp Alejo Santos sa Malolos City.

 

Please follow and like us:
Read More

MAG-UTOL, 1 ALALAY, PATAY SA DRUG BUST

drug bust

(NI JG TUMBADO)

NANLABAN umano kaya’t napatay ng mga awtoridad ang isang magkapatid na umanoy tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy bust operation sa City of San Jose Del Monte, Bulacan Lunes ng hapon.

Sa pakikipagbarilan nagtapos ang buhay nina Joel at Jonathan Andolong, kapwa residente ng Carissa 1A, Barangay Sto. Cristo, pawang nasa drug watchlist ng Bulacan Provincial Drug Enforcement Unit.

Patay din ang kanilang kasamahan na natukoy lamang sa alyas “Barog”.

Ayon kay Senior Supt. Chito Bersaluna, police provincial commander ng Bulacan, dakong alas 5:50 ng hapon isinagawa ang operasyon laban sa magkapatid na pusher sa nabanggit na lugar.

Subalit agad umanong bumunot ng homemade shotgun ang magkapatid na Andolong at maging ng isa pa nilang kasamahan nang makatunog na pulis pala ang kanilang ka transaksyon.

Nagkaroon muna umano ng habulan hanggang makorner na ang mga suspek sa madamong lugar hindi kalayuan sa pinangyarihan ng bentahan at dito na sila tuluyang napaslang ng pulisya.

Nakuha sa tabi ng bangkay ng mga suspek ang isang kalibre .38 baril; dalawang sumpak at ilang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Please follow and like us:
Read More

P25-M SHABU NASAMSAM; 2 BABAE ARESTADO

bulacan

(TEKSTO/PHOTO BY FRANCIS SORIANO)

Camp General Alejo S. Santos, City of Malolos, Bulacan — Arestado ang dalawang dalaga at aabot sa P25 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska makaraang kumagat sa isang buy-bust operation ng Drug Enforcement Unit ng Baliwag Municipal Police Station (MPS) sa Brgy. Sta Barbara, Baliwag, Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ni PSSUPT Chito Bersaluna,  Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office  ang mga suspek na sina Christina Joana Trinidad, 39, dalaga,  residente sa Brgy Tambubong, San Rafael, Bulacan at Ruth Francisco, 34, dalaga, at residente sa Brgy Loma De Gato, Marilao, Bulacan.

Base sa ulat ni PSUPT Voltaire Rivera,  Acting Chief of Police (ACOP) ng Baliwag Municipal Police Station (MPS), nakatanggap sila ng isang ulat sa isang concerned citizen hinggil sa operasyon ng dalawang suspek sa lungsod.

Dito na ginawa ang buy-bust operation na kinagat naman ang mga suspek sa halagang P10,000 kapalit ng shabu.

Narekober sa mga ito ang tinatayang nasa 3.7 kilo ng hinihinalang shabu, isang Nike bag, isang weighing scale, tatlong cellphones at P10,000 buy-bust money.

Please follow and like us:
Read More

LIBU-LIBONG BATA BABAKUNAHAN SA BULACAN

tigdas

(NI FRANCIS SORIANO)

TINATAYANG sa 42,000 ang tuturukan ng bakuna kontra Tigdas (Oplan-Ligtas Tigdas), mula anim na buwan hanggang limang taon gulang nang mga barangay health workers sa upang maiwasan ang paglobo pa ng sakit na tigdas sa buong lalawigan ng Bulacan.

Ayon kay Gob. Wilhelmino Sy Alvarado,  base sa tala ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU), nasa 286 na pinaghihinalaang kaso ng tigdas mula Enero 1 hangang Pebrero 2, 2019 o may katumbas na 3,985 porsyentong pagtaas kumpara sa pito lamang sa kaparehong panahon.

Ang Lungsod ng San Jose del Monte ang may pinakamaraming kaso ng tigdas na may 48 na sinundan ng Baliwag 33, Bocaue na may 32 at sa bayan ng Marilao, 21.

Dahil dito ay hinikayat ni Gob. Alvarado sa harap ng mga doktor, narses, barangay health workers at mother leaders na mabigyan ng bakuna ang mga bata laban sa nasabing sakit at huwag dapat matakot ang mga magulang na mabakunahan ang mga anak o apo dahil ito anya ang pinakamabisang panlaban sa tigdas at iba pang mga sakit tulad ng polio, pertussis, pulmonya at iba pa.

Samantala, sinabi ni Provincial Health Officer Dra. Jocelyn Gomez na nagsagawa na rin ng Ligtas Tigdas Plus ang Pamahalaang Panlalawigan katuwang ang Department of Health kung saan nakapagbakuna ito ng 17,030 na mga bata na nasa edad anim na buwang gulang hanggang limang taon.

Ang tigdas ay isang nakahahawang sakit na naisasalin sa pamamagitan ng mga patak mula sa ilong, bibig at lalamunan ng mga taong maysakit nito.

Karaniwang lumalabas ang mga sintomas 10-12 araw matapos magkaroon ng impeksyon gaya ng mataas na lagnat, sipon, at namumulang mata. Nagkakaroon ng pantal makalipas ang ilan pang araw na nagsisimula sa mukha at kumakalat pababa

Please follow and like us:
Read More

2 PULIS LAGLAG SA BUY-BUST; 2 PATAY SA BULACAN

kotong

(NI JG TUMBADO)

NAKAPIIT ngayon ang dalawang aktibong pulis gayundin ang isang sibilyan sa ikinasang drug buy bust operation sa Barangay Macabog, Ormoc City.

Nabatid mula kay Chief Inspector Rex Contillep, pinuno ng Ormoc City Police, ang pagkakakilanlan ng nadakip na sina Police Officer 1 Felboy Lopez, 31 anyos; Police Officer 1 Ronelo Felizarta, 36 taong gulang, kapwa residente ng lungsod at nakatalaga sa Northern Samar Police; gayudin ang isang Rexan Sali.

Sinabi ni Contillep na naaktuhan ang mga suspek na nagbebentahan ng ilegal na droga sa bahay na pagmamay-ari ng isang Jopey Kudob.

Nahaharap ngayong ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, todas ang dalawang lalaki nang manlaban umano sa gitna ng pagtatangkang arestuhin sila sa buy bust operation sa Bulacan.

Tinukoy ni Supt. Orlando Castil, hepe ng San Jose del Monte Police ang pagkakakilanlan ng mga suspek na sina Jose Mendoza at isang alyas Archie.

Nasamsam mula sa mga suspek ang dalawang kalibre .38 baril, ilang sachet ng hinihinalang shabu, at marked money.

Please follow and like us:
Read More

EX-COP PATAY SA BULACAN DRUG WAR

bulacan

(NI ELOISA SILVERIO)

BULACAN-  Isang dating pulis na ilang beses nadismis, nakabalik at nasibak muli sa serbisyo dahil sa patong-patong na kasong kinasasangkutan ang napatay sa engkuwentro ng Bulacan Police makaraang manlaban sa isinagawang buy-bust operation Huwebes ng umaga sa Barangay Lumbak sa bayan ng Pulilan.

Sa report ni Police Senior Superintendent Chito Bersaluna, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office (PPO), nakilala ang napaslang na drug suspek na si

Ex-PO3 Rowell Reynon, alias “Balat”, 47, residente ng Brgy. Sta Cruz, Guiguinto, Bulacan.

Base sa panimulang imbestigasyon, ikinasa ng Pulilan Police ang buy bust operation dakong alas-4:00 ng umaga kung saan habang nasa kalagitnaan ng transaksyon ay natunugan ni Reynon na pulis ang kaniyang ka-transaksyon kaya’t bumunot ito ng baril na nauwi sa palitan ng putok.

Patay ang suspek matapos ang engkuwentro at wala naman nasugatan o nasawi sa panig ng pulisya.

Si Reynon ay na-recruit at naging pulis taong 1993 sa Police Regional Office 3 (PRO3) sa Camp Olivas in San Fernando, Pampanga at natalaga sa National Capital Region (NCR).

Natanggal sa serbisyo noong 2001 sa kasong extortion ngunit nakabalik pagkaraan ng isang taon at muling na-dismiss taong 2010 makaraang ma-involve sa drug case ng  “Alabang Boys” sa mga kasong Illegal Detention, Illegal Arrest and Extortion.

Taong 2014 nang makasuhan si Reynon ng kasong kriminal sa kanyang bayan sa Guiguinto sa kasong swindling.

Bago mapatay sa nasabing operasyon, ang suspek ay kabilang sa Drug Watch List ng Pulilan Police at nasasangkot umano sa iba’t ibang mga illegal activities, ayon kay Bersaluna.

Please follow and like us:
Read More

6 PATAY, 286 TINAMAAN SA TIGDAS SA BULACAN

tig

(NI ELOISA SILVERIO)

ANIM katao ang iniulat nang namatay habang 286 naman ang tinamaan ng sakit na tigdas sa lalawigan ng Bulacan nito lamang Enero hanggang Pebrero 2 ng taong kasalukuyan kung kayat agad naalarma ang Pamahalaang Panlalawigan at pinulong ang lahat ng provincial, municipal at barangay health workers sa isinagawang “Stakeholders Meeting” sa Balagtas Hall, Hiyas ng Bulakan Convention Center sa Lungsod ng Malolos kahapon ng umaga.
Sa layuning mapigilan ang paglaganap ng tigdas sa lalawigan, ipinatawag ni Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado ang lahat ng concern provincial government agencies sa pangunguna ng Provincial Health Office kung saan sinimulan nang ipatupad ang mas pinaigting na “Oplan: Ligtas Tigdas sa Bulacan”.

Dahil sa biglaang pagtaas ng mga pinaghihinalaang kaso ng tigdas sa bansa, hinikayat ni Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang mga Bulakenyo na magpabakuna laban sa nasabing sakit kasabay ng pagpapalabas ng memorandum na inaatasan ang lahat ng mga mayor at kapitan ng barangay na mahigpit na ipatupad ang mga ipinag-uutos sa oplan guidelines.

Dapat din umanong bumaba sa bawat bahay-bahay ang mga barangay officials upang imonitor ang kalagayan ng kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya, ayon sa gobernador.

“Huwag tayong matakot na pabakunahan ang ating mga anak, mga apo, sapagkat ito pa rin ang pinakamabisang paraan ng paglaban sa mga sakit hindi lang sa tigdas, marami pa tulad ng polio, pertussis, pulmonya at iba pa. Wala pong dapat mamatay dahil dito dahil kaya natin itong labanan,” ani Alvarado.

Kinapapalooban ang nasabing Oplan ng pagpapalawig ng kaalamang pangkalusugan sa pag-iwas sa sakit na tigdas; pagkonsulta sa mga health center at ospital kapag may sintomas ng tigdas; magsagawa ng sabayang pagbabakuna sa lahat ng barangay at purok; patuloy na pagmamatyag ng mga vaccine preventable diseases at pag-uulat nito sa mga kinauukukan; at hanapin at dalhin sa mga health center ang lahat ng mga batang may edad anim hanggang 59 na buwan upang mabigyan ng kaukulang bakuna.

Ayon kay Ryan Alfonso ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU), nagtala ang lalawigan ng 286 na pinaghihinalaang kaso ng tigdas mula Enero hanggang Pebrero 2 na katumbas ng 1,708 na porsyentong mas mataas kaysa sa 12 kasong naitala noong 2018 sa parehong panahon habang 63 porsyento ang naitalang nasa edad limang taon pababa ang mga tinamaan.

Please follow and like us:
Read More

3 NASABUGAN NG PULBURA NAMATAY NA

pulbura

(NI ELOISA SILVERIO)

NAMATAY na sa pagamutan ang tatlo sa limang kabataang nasabugan ng umanoy kemikal na pulbura sa paggawa ng paputok na naganap isang linggo na ang nakararaan sa Barangay Lolomboy sa Bocaue, Bulacan.

Ito ang kinumpirma ni Bocaue Mayor Joni Villanueva makaraang pumanaw ang isa pang biktima sa pagamutan.

Nakilala ang mga biktimang nasabugan na sina Mark Joseph Ignacio, 16 , Jessie Habal, John David Yambao, Isaac Paraiso and Jamil Roxas, pawang mga 15-anyos.

Nabatid na unang pumanaw ang dalawang biktima na sina Paraiso at Roxas habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nasawi nitong Huwebes.

Ang mga biktima, ayon sa ulat, ay sinasabing nakitang namitas ng buko at hinahampas ng tipak ng bato para kainin nang biglang may sumiklab at kasunod ay isang malakas na pagsabog.

Napag-alaman pa na ang tumpok ng inaakalang mga uling at buhangin ay kemikal pala ng pulbura ng paputok ang sumabog na ikanasunog ng 80-90 porsiyento ng katawan ng mga biktima.

Ayon kay Mayor Villanueva, patuloy ang kanilang ipinagkakaloob na financial assistance sa mga biktima hanggang sa burial expenses ng mga nasawi.

Inaalam pa ang pagkakilanlan ng ikatlong biktimang nasawi, ayon kay Supt. Amado Mendoza Jr., hepe ng Bocaue Police.

Kinilala naman ang may-ari ng lote ng inabandonang ilegal na gawaan ng paputok na si Rolando Alejandro ng Barangay Bambang ng nasabi ring bayan na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Fire Safety Code and negligence leading to homicide base sa revised Penal Code.

 

Please follow and like us:
Read More

FIRECRACKER FOUNTAIN SUMABOG: 4 SUGATAN

fire

(NI ELOISA SILVERIO)

BOCAUE, Bulacan – Nasa kritikal na kondisyon ng isang 15-anyos binatilyo nang masunog ang halos 90 porsiyento ng kanyang katawan, habang apat pang menor-de-edad ang sugatan makaraan masabugan ng sinisindihang firecracker fountain Sabado ng hapon sa Barangay Lolomboy sa nasabing bayan.

Base sa panimulang imbestigasyon ng pulisya, kinilala ang biktimang kritikal ang kondisyon sa pagamutan na si Jamil Roxas, 15, estudyante, dahil sa 3rd degree burns sa kanyang katawan.

Habang sugatan din ang mga kaibigan niyang sina John David Yambao, 16; Jessie Habal, 14; Isaac Paraiso, 15, at Mark Joseph Ignacio, 16, pawang ng nasabing lugar.

Nabatid na siyam na kabataan ang sinasabing sama-samang naliligo sa tabing-ilog sa Barangay Lolomboy at pagkaraan ay napagkatuwaang mamitas ng buko sa puno na katabi ng isang napagkamalang tambak ng buhangin ngunit ay tumpok pala ng pulbura ng paputok.

Ayon sa isang testigo, pinalo umano ng mga biktima ng malaking bato ang bukong pinitas mula sa puno nang biglang nagliyab at sumabog ang katabing tambak ng pulbura na inakalang buhangin.

Ngunit iba naman ang salaysay ng isang kinilalang Rica Fortugal, 15, ng Barangay Bambang ng nasabi ring bayan. Aniya, nakita niyang mayroong sinisindihang firecracker fountain ang mga biktima nang bigla itong sumambulat sa kanilang harapan.

Hinihinalang ang nasabing pyrotechnic device ay nakuha ng mga biktima sa isang abandonadong kubo na gawaan ng paputok nitong nakaraang Disyembre.

Kapwa nagliyab ang ilang bahagi ng katawan ng mga bata ngunit mas matindi ang pinsala ni Roxas na nasunog ang mukha at katawan.

Maagap na isinugod sa Rogaciano District Hospital ang mga biktima ngunit kalaunan ay inilipat sila sa Bulacan Medical Center.

Habang nakaligtas ang ibang kasamahan ng mga biktima na kinilalang sina Matt Erron Asejo, 15, at Macoy Silvestre, 14, ng nasabi ring lugar.

Patuloy pang iniimbistigahan ng pulisya ang insidente at pinaghahahanap ang responsable sa pagtambak ng pulbura upang mapanagot sa naganap na insidente.

Please follow and like us:
Read More

‘RENT-SANGLA QUEEN’ LUBOG NA SA MGA KASO

rent

(NI NILOU DEL CARMEN)

KAHIT nasa kulungan na, 16 pang panibagong warrant of arrest mula sa  2nd Municipal Circuit Trial Court of Silang-Amadeo, sa Silang, Cavite para sa kasong estafa ang inihain kay Rafaela Montes Anunciacion, ang umano ay utak ng bigtime car rental scheme na nakapambiktima ng nasa mahigit 500 may-ari ng mga sasakyan.

Inihain ng mga tauhan ng warrant section ng San Pedro, Laguna police ang mga nasabing warrant sa kulungan ng suspek sa Valenzuela City Jail (BJMP) sa Bulacan kamakalawa ng hapon.

Ang mga kaso ay may kaugnayan sa kontrobersyal na “rent-sangla” scam na ang 58-anyos na tubong Basco, Batanes na si Anunciacion ang siyang itinuturong mastermind.

Nakakulong na ito sa Valenzuela City Jail matapos na ito ay muling  maaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) noong August 18, 2018 sa San Pedro City, Laguna sa bisa ng mga search warrant dahil pa rin sa mga kasong estafa na inilabas ng Valenzuela City Regional Trial Court.

Una na itong naaresto noong 2017 matapos ito at pitong iba pa ay sampahan ng  PNP-HPG ng kasong syndicated o large-scale estafa sa   Department of Justice (DoJ).

Modus operandi ng mga suspek   na rentahan sa mga  may-ari ang kanilang mga sasakyan mula P35,000 hanggang P45,000 bawat buwan subalit kalaunan ay ibebenta na ito ng lingid sa kaalaman ng mga nasabing car-owners.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKING NAKAHUBAD HULI; P1.5M SHABU NASAMSAM

com

(TEKSTO/PHOTO BY JG TUMBADO)

DAHIL lamang sa walang suot na pang itaas na damit ay nabunyag ang itinatagong milyong pisong halaga ng shabu at ilang armas sa inilatag na Comelec checkpoint sa national highway sa bayan ng Donya Remedios Trinidad, Bulacan.

Agad pinigil ng pulisya at ilang tauhan ng 48th Infantry Battalion-Philippine Army na nagmamantine sa checkpoint ang Mitsubishi Lancer kung saan sakay ang mga dinakip na sina Joselito Isidro, 30, Florinda Alipio, 46, at Jerome Jay Nino Maguisa Silverio, 26.

Ayon kay Senior Inspector Isabelo Mondejar, chief of police ng Donya Remedios Trinidad, alas 11:30 ng gabi nang sitahin sa checkpoint sa Barangay Pulong Sampalok ang naturang sasakyan nang makitang walang suot na pang-itaas na damit si Isidro na siyang nagmamaneho ng sasakyan.

Nang silipin ang mga sakay ay dito nasulyapan ang isang Ingram machine pistol sa tabi ni Isidro dahilan para tuluyang harangin ang mga ito.

Sa pagbusisi pa ng mga awtoridad sa sasakyan at sa tatlong suspek ay dito nakuha pa ang isang itim na bag kung saan naglalaman ng ilang plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 210 gramo na nagkakahalaga ng P1.5milyon at isang .9mm pistola.

Hinanapan pa ng pulisya ng driver’s license si Isidro subalit wala itong maipakita.

Kaso sa paglabag sa Section 5 (transporting), section 11 (possession) ng RA 9165 in relation to the Omnibus Election Code at Republic Act 4136 ang kinakaharap ng tatlong suspek.

Please follow and like us:
Read More

2 PATAY SA COMELEC CHECKPOINT

check

(NI JESSE KABEL/PHOTO BY AJ GOLEZ)

DEAD on the spot ang dalawang lalaki matapos nilang tangkain tumakas sa nakalatag na PNP-AFP Comelec checkpoint Linggo ng madaling araw sa San Jose del Monte, Bulacan matapos ang maikling habulan na nauwi sa enkuwentro.

Sa inisyal na ulat na isinumite ng Bulacan PNP sa AFP-PNP Joint monitoring team, inaalam pa ang tunay na kakikilanlan ng dalawang lalaki.

Inilarawan lamang ang mga napaslang na nakasuot ng pula at asul na jacket, itim na pantalon at helmet habang ang isa pang lalaki ay nakasuot ng jacket at camouflage na short.

Ayon kay Senior Supt. Chito Bersaluna, Bulacan Provincial Director, nagsasagawa ang mga pulis ng Comelec checkpoint sa Brgy. Tungko nang umiwas at tumakas ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo.

Dito nagsimula ang habulan hanggang sa masukol ng mga pulis ang tumatakas na mga suspek sa Benjamin Village sa Brgy. Graceville, tatlong kilometro ang layo mula sa checkpoint.

Bumaba ng motorsiklo ang mga suspek at tumakbo habang nagpapaputok ng baril.

Dito na umano gumanti ng putok ang mga pulis at agad napatay ang dalawang lalaki. Narekober ang dalawang baril mula sa mga napatay.

Please follow and like us:
Read More

LALAKING PUMATAY SA MAG-LOLA HULI

bulacan500

SISING-SISI ang suspect na pumatay sa maglo-lola at pagkakasugat ng isa pang batang lalaki matapos siyang arestuhin ng mga pulis.

Si Jay Vincent Mamerto 27, umano’y kapitbahay ng mga biktima ay umamin sa pagpatay sa lola na si Sylvia Castil, 63 at apo na si Cyreen Margarette San Pedro, 14. Nakaligtas ang isa pang apo na si Cyrus James Malicsi, 7, sa loob ng bahay sa Isabel Village, Barangay Tabang, Plaridel, Bulacan.

Nang iharap sa media ang suspect, napuno ng emosyon sa himpilan ng pulisya nang sugurin ng mga kaanak ng bktima ang suspect.  “Sana humingi ka na lang ng pera at bibigyan ka naman. Hindi mo na sana pinatay,” sabi ng galit na kaanak.

Sinabi ng suspect na hindi niya intensiyong patayin ang mga biktima ngunit nang makilala siya at manlaban ay napilitan na siyang saksakin. Nais lamang umano niyang magnakaw dahil buntis ang kanyang asawa.

Nag-alok din ng pamahalaang lokal ng P100,000 sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng suspect na  puro galos sa katawan na posibleng galing kay Castil.

Sa isang anggulo ng CCTV footage ay nakita pa ang suspect na nagmamadaling tumakas galing sa direksiyon ng bahay ng mga biktima. Nakita pa umano ito sa burol ng mga biktima.

Please follow and like us:
Read More

MAG-LOLA KINATAY, APO SUGATAN

lola

(NI ELOISA SILVERIO)

HINDI na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang mag-lola matapos tadtarin ng saksak ng hinihinalang kawatan habang malubha naman ang isa pang apo na nilalapatan ngayon sa pagamutan makaraang pasukin at looban kahapon ng umaga  sa Isabel Village, Barangay Tabang, Plaridel, Bulacan.

Kinilala ni Bulacan PNP provincial director Senior Supt. Chito Bersaluna ang mga nasawing sina Sylvia Castillo, 64, at Cyrene San Pedro, 14, habang malubha naman si James Cyrus Maliksi, 7, pawang ng mga nabanggit na lugar.

Base sa panimulang imbestigasyon, bandang alas-6:00 ng umaga nang duguang lumabas ang lola mula sa kanilang bahay at humihingi ng saklolo makaraan umano’y pasukin sila sa kanilang bahay ng mga lalaking magnanakaw.

Agad naman dinala ang lola sa La Consolacion Hospital subalit binawian agad ng buhay habang ang mag-pinsan na sina San Pedro at Maliksi ay sa Melverey Hospital isinugod subalit hindi na umabot nang buhay si San Pedro.

Sa initial na report ng pulisya, nagising umano ang mga biktima sa ingay na dulot ng mga kawatan na umanoy hindi bababa sa dalawa katao at nagkaroon umano ng komosyon dahil nanlaban umano ang lola kung kaya’t pinagsasaksak pati ang dalawang apo.

Please follow and like us:
Read More

BATA TIGOK SA YOGURT STICK

yogurt

PATAY ang 9-anyos batang babae makaraan kumain umano ng yogurt stick na nabili sa isang tindahan nitong nakaraang Disyembre 30 sa San Jose Del Monte sa Bulacan.

Kinilala ni  Supt. Orlando Castil Jr., hepe ng CSJDM Police  ang biktimang si Princess de Leon, residente sa Blk. 8, Lot 9, Phase 4, Dela Costa 3, Barangay Graceville ng nasabing lungsod.

Base sa naantalang report, nagpunta ang ina ng biktima na si Katherine De Leon, noong Miyerkoles ng umaga sa pulisya at sinabing bumili ang kanyang anak ng yogurt stick sa hindi pa mabatid na tindahan at matapos  kainin  ay nakaramdam ng pananakit ng tiyan, pagkahilo at pagsusuka.

Agad dinala ang biktima sa pinakamalapit na ospital ngunit binawian ng buhay ang bata pagkaraan ng dalawang oras.

Nabatid sa imbestigasyon na hindi lamang ang biktima ang nakabili at kumain ng nasabing yogurt stick kundi mayroon ding ibang mga bata at tanging ang biktima lamang ang nakaranas ng mga nabanggit na sintomas.

Sinabi pa ng hepe ng pulisya na inalok nila ang mga kaanak ng biktima na ipa-autopsy ang bangkay ng bata upang mabatid ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng biktima ngunit tumanggi ang ina.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. (ELOISA SILVERIO)

Please follow and like us:
Read More