GURO KULONG SA DROGA

(NI ANNIE PINEDA)

KULUNGAN ang kinabagsakan ng isang guro sa pampublikong paaralan matapos mahulihan ng droga sa buy bust operation ng mga awtoridad, sa probinsya ng Bukidnon.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Rey Sungahid, guro sa Old Damulog National High School at residente ng Purok 2, New Compostela, Damulog, Bukidnon.

Batay sa report, inilatag ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency region 10, Bukidnon Provincial Office at Damulog Bukidnon Municipal Police Station sa nasabing lugar.

Nakuha mula sa suspek ang apat na pakete ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P16,000.

Nakatakda naman sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek.

 

 

Please follow and like us:
Read More

2 LALAKING GALING SABUNGAN INAMBUS, PATAY

crimeshooting12

(NI ANNIE PINEDA)

BINAUNAN ng bala ng baril sa dibdib at ulo ang dalawang lalaki na kagagaling lamang sa sabungan matapos pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek ang kanilang sasakyan, sa lalawigan ng Bukidnon.

Kinilala ang mga biktimang sina Wilmer Apostol, residente ng Valencia City Bukidnon at Brian Campongan, 20, at nakatira sa Kalilangan Bukidnon.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa Marlags Brgy. Canitoan, Bulua Bukdinon.

Lumabas sa imbestigasyon, galing sa sabungan ang mga biktima at pauwi na ang mga ito sakay ng kulay itim na Kia Bongo na minamaneho ni Apostol.

Pagsapit sa nasabing lugar bigla na lamang silang dinikitan ng kulay itim na Honda XRM na motorsiklo na walang plaka sakay ang dalawang suspek.

Pinagbabaril ng isa sa mga suspek si Campongan na tinamaan sa ulo at dibib na agad nitong ikinamatay.

Tinangka naman paharurutin ni Apostol ang sasakyan pero maging siya ay pinagbabaril sa iba’t ibang parte ng katawan na agad binawian ng buhay.

Bago tumakas ang mga suspek, kinuha ng mga ito ang dalang bag ng mga biktima na nasa loob ng sasakyan.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidente at inaalam na ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

2 BEBOT TIGOK SA SUMIRKO NA BUS

accident23

(NI ANNIE PINEDA)

PATAY ang dalawang babae habang sugatan ang isa pa nang sumirko ang pampasaherong bus na kanilang sinasakyan, sa probinsya ng Bukidnon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Marisol Marinay, 23, at Mary Joy Bongcales, 20, habang ginagamot sa ospital ang sugatan na si Jemuel Silmaro, 38.

Hawak naman ng pulisya ang suspek at driver ng Rural Transit Mindanao Incorporated (RTMI) na kinilalang si Leomerde Garcia Velarde .

Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa gitna ng Sayre highway, Sitio Bagong Silang Impalutao, Barangay Impasug-ong Bukidnon.

Lumabas sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, minamaneho ni Velarde ang bus sakay ang 34 pasahero nang bigla na lamang umanong gumulong ang bus na naging dahilan ng pagkamatay ng dalawa.

Sinabi naman ni Velarde na nawalan siya ng kontrol sa manibela dahil madulas ang kalsada .

Nakatakdang sampahan ng kasong reckless imrpudence resulting to multiple homicide at physical injuries si Velarde.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

 

Please follow and like us:
Read More

SINUNDAN NI KAMATAYAN 

crime43

(NI ANNIE PINEDA)

WALANG takas kay kamatayan ang isang lalaki, nang lumipat ito ng lugar dahil sa banta sa kanyang buhay, matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa harap mismo ng kanyang nobya, Martes ng gabi sa Davao City.

Kinilala ang biktimang si Chrislier Laguna, tubong Bukidnon at kasalukuyang nakatira sa Barangay Lubogan, Toril District, Davao City.

Batay sa repot ng Toril-PNP, nakaupo ang biktima sa tricycle kasama ang kasintahan nang biglang sulpot ng armadong suspek at pinagbabaril ang biktima na agad niton ikinamatay.

Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Kuwento ng kapatid ng biktima, dating nakatira ang kanyang kuya sa Bukidnon at lumipat lamang ito sa Davao City dahil may banta sa kanyang buhay.

Nabatid, na dati na rin nabaril ang biktima ng kanyang kaaway sa trabaho pero nakaligas ito.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at inaalam ang motibo sa krimen.

 

Please follow and like us:
Read More

MAG-ASAWA NIRAPIDO, MISTER PATAY, MISIS SUGATAN

crimeshooting12

(NI BONG PAULO)

PATAY ang isang mister habang sugatan naman ang misis nito makaraang pagbabarilin ang dalawa na umano’y mga rebelde, sa loob ng kanilang tindahan sa Sitio Kasilaan, Barangay Halapitan sa bayan ng San Fernando sa lalawigan ng Bukidnon, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Guillermo Casas, 42, habang sugatan naman ang misis nitong si Jocelyn Casas, 45, na nagtamo ng tama ng bala sa paa.

Ang dalawa ay aktibong miyembro umano ng Kasama-Bukidnon isang pangkat na konektado sa militanteng grupo na Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (Peasant Movement of the Philippines or KMP).

Ayon kay Lt. Col. Mardy Hortillosa, tagapagsalita ng Police Regional Office 10, nilapitan ang dalawa ng gunman habang nasa loob ng tindahan saka pinagbabaril.

Apat katao pa umano na naka-bonnet na nagsisilbing lookout sa labas nang mangyari ang krimen at mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo.

Nabatid mula sa grupo ng Karapatan na isa ring miyembro nila na kasama sa pangkat ng Kasama-Bukidnon na si Nonoy Palma, ang pinaslang din sa nasabing barangay noong Hunyo 16 ng mga motorcycle-riding assassins.

 

Please follow and like us:
Read More

ABOGADO DADALO SA HEARING BINISTAY NG BALA

CRIME12

(NI ANNIE PINEDA)

HINDI na nakasipot sa pagdinig na dadaluhan ang isang abogado matapos tambangan at pagbabarilin ng riding in tandem, iniulat kaninang umaga sa probinsiya ng Bukidnon.

Kinilala ang biktimang si Atty. Nicolas Gomez, tubong Davao City, at nakatira sa Phase -3 Poblaccion sa Valencia City.

Batay sa report ng Valencia City Police Station, naganap ang insidente sa bayan ng Malaybalay , Bukidnon at dadalo sana ang biktima ng pagdinig sa kasong hinahawakan nito sa Malaybalay Regional Trial Court.

Bigla na lamang sumulpot ang dalawang suspek na sakay ng kulay itim na XRM Honda 125 motorcycle at walang plaka.

Pinaulanan ng bala ng baril ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na agad nitong ikinamatay.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Inaalam na ng mga awtoridad kung may kinalaman sa land conflict at pag-aaway ng mga tenants ang motibo sa pamamaril.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang pagkakakilanlan sa mga suspek para sa agaran ikadarakip sa mga ito.

Please follow and like us:
Read More

SEX SA PARK; 2 LALAKI HULI

(NI JESSE KABEL)

DALAWANG lalaki ang dinampot ng mga pulis matapos na maaktuhang mainit na nagtatalik sa madilim na bahagi ng isang parke ng Poblacion Area sa Valencia City, Bukidnon, sa ulat ng pulisya nitong Sabado.

Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan  P/Lt. Col. Surki Serenias, hepe ng Valencia City Police Station, dinakip ng kanyang mga tauhan ang dalawang lalaki na dumayo lamang umano sa nasabing parke para  magtalik.

Ayon kay Serenias lumalabas na nagsasagawa ng Oplan Galugad ang kanyang mga tauhan nang mamataan nila ang dalawang suspek sa aktong nagtatalik.

Agad na inaresto ng mga nagpapatrulayang awtoridad ang dalawa at dinala sa istasyon para sa kakaharapin nilang kaso.

 

Please follow and like us:
Read More

BANGKAY NG BABAENG MEDIC NG NPA, NAHUKAY

cppnpa12

(NI ANNIE PINEDA)

NAHUKAY ang bangkay ng isang babae na medic ng teroristang New People’s Army (NPA) matapos patayin sa saksak ng kanyang kasamahan dahil sa dudang espiya ito ng militar, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Bukidnon.

Kinilala ang biktimang si Merlyn Hinganon Panta, alyas Genevive, medic ng Sub-regional committee 4 CPP-NPA, ng Sitio San Martin, Brgy. Adtuyon, Pangantucan, Bukidnon.

Ayon sa report ng 1st Special Forces Battalion-Philippine Army, natunton ang bangkay ng biktima nang ituro ito ng isang rebelde na sumuko sa militar at sinabing pinagsasaksak ito hanggang sa mapatay ng kanilang sub-leader na kinilalang si Jovelito Pontillas Jr., noong nakalipas na buwan ng Hunyo.

Sinasabing, pinapatay umano ng teroristang NPA ang sinuman sa kanilang mga kasapi ng magbabalik-loob sa gobyerno.

Please follow and like us:
Read More

2 PASLIT KAPWA NI-RAPE, PINATAY SA HIWALAY NA LALAWIGAN

(NI ANNIE PINEDA)

MAAGANG binawian ng buhay ang dalawang limang taon gulang na batang babae matapos silang gahasain ng kanilang mga sariling tiyuhin sa magkakahiwalay na probinsya sa Bulacan at Bukinon, iniulat Huwebes ng umaga.

Hubo’t-hubad na nagpalutang-lutang sa ilog nang matagpuan ang biktimang si Ashley Nicole Silva, 5-anyos ng Calumpit Bulacan.

Arestado naman ang suspek at tiyuhin na kinilalang si Marvin Mengolia, 23-anyos, ng nasabing lugar.

Batay sa report ng pulisya, nakita na lamang ang bangkay ng biktima sa ilog sa nasabing lugar dahilan para iahon ito.

Lumabas sa pagsisiyasat, nagpositibong ginahasa ang biktima ng suspek na agad naman nadakip sa ginawang follow-up operation.

Ayon sa pulisya, bangag sa solvent ang suspek nang isakatuparan ang karumal-dumal na krimen at hindi lamang unang beses nitong ginawang kahalayan ang bata.

Sa himpilan ng pulisya, inamin ng suspek ang ginawa sa bata at sinabi pa nitong pinatulog niya muna ang pamangkin saka niya ginahasa dahil nagising dinala niya ito sa ilog saka itinulak.

Nahaharap ngayon sa kasong Rape with homicide ang suspek.

Samantala, sa Valencia Bukidnon, namatay din ang 5-anyos na paslit na babae matapos gahasain ng kanyang tiyuhin na pinatulog lamang ng kanyang magulang sa bahay ng suspek dahil nag-aaway ang mga ito.

Kinabukasan, tinungo ng ama ang anak sa bahay suspek at nadatnan nitong nakahiga at nakabalot ng kumot kaya ginising niya ito subalit hindi na gumagalawa pa.

Kaagad na dinala sa ospital ang bata kasama pa ang suspek pero idineklara na rin itong patay.

Nang malaman ng suspek na patay na ang bata, mabilis itong tumakas.

Sa ginawang eksaminasyon ng mga doktor, lumabas na ang sugat sa kaselanan ng bata na dulot ng panghahalay ang ikinamatay nito.

Hinagilap ng ama ng suspek sa labas ng ospital pero nawawala na ito kaya humingi na siya ng tulong sa mga awtoridad na nagresulta sa pagkadakip sa suspek.

Nahaharap sa kasong Rape at homicide ang suspek .

 

Please follow and like us:
Read More

ELECTRIC FAN NAG-OVERHEAT, BABY PATAY SA SUNOG 

fire12

(NI JESSE KABEL)

HINDI nailigtas ng kanyang ina ang isang taong gulang na sangol na lalaki nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Purok 2 , Barangay Poblacion , Valencia City sa laalwigan ng Bukidnoon.

Sa report na inilabas ng Bureau of Fire Protection, isang sanggol na lalaki ang nasawi sa sunog habang isa pa ang sugatan.

Lumitaw sa arson probe  ng Valencia City Fire Protection, na isang nag-overheat ang electric fan ang naging sanhi ng sunog na nagmula na sang kwarto ng bahay na pag-aari ng pamilya Catao.

Sinasabing kasalukuyang naliligo ang ina ng biktima sa ground floor ng kanilang bahay habang himbing namang natutulog ang anak nitong si John Michael Catao nang magsimulang magliyab ang kuwarto.

Mabilis na kumalat ang apoy sa 2nd floor ng bahay kaya hindi na na nagawa pang makaakyat ang ina para iligtas ang anak.

Maliban sa biktima, isa pa ang nasugatan na kinilalang si Regie Palban.

Please follow and like us:
Read More

10 EKTARYANG MARIJUANA PLANTATION SINIRA

mj

(NI BONG PAULO)

TINATAYANG nasa P12 milyon marijuana ang binunot at sinunog ng mga otoridad matapos madiskubre ang nasa anim na plantasiyon sa sampung ektarya na tinaniman ng nasabing damo sa liblib at mabundok na hangganan ng Barangay Kasapa 1 sa bayan ng Loreto, Agusan del Sur at sa Cabanglasan, Bukidnon Province, Linggo ng hapon.

Sa ulat ni Police Regional Office-13 director C/Supt. Gilberto DC Cruz, nadiskubre ang hindi bababa sa P12 milyong halaga ng plantasyon sa isinagawang Case Operational Plan (COPLAN) EVEREST operation matapos ma-validate ng intelligence unit ng Philippine National Police at nakumpirma ang presensiya nito na ipinaabot ng concerned citizen.

Ang pulisya, militar at mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Caraga Region 13 at Region 10, ay naglakad ng limang araw galing sa point of entry sa Malaybalay City, Bukidnon nitong Enero 28, hanggang sa lokasyon ng sinasabing plantasyon.

Nagresulta ito sa pagsira at pagsunog ng aabot sa 69,500 na puno ng marijuana sa anim na magkaibang plantasyon sa nasabing barangay.

Ngunit bago pa sila nakarating sa lugar, naaresto na ng tropa ang tatlong lalaki sa may Sitio Limao, Canangaan sa bayan ng Cabanglasan, Bukidnon, dahil sa paglabag sa curfew hours at nakuha mula sa kanilang posisyon ang mga dahon ng marijuana.

Sa ikalimang araw, mismong si Pol. C/Supt Cruz kasama si Philippine Drug Enforcement Agency-Caraga director Aileen Lovitos ang sumakay ng private helicopter at naghatid ng suplay na pagkain sa nag-operate na tropa at pinauwi na rin ang apat na babaeng PDEA agents.

Ayon kay RD Cruz, mahirap puntahan ang nabanggit na marijuana plantation dahil sa sobrang layo nito na nasa naghahabaan pang kabundukan kung saan walang signal ng cellphone at napapaligiran pa ng New People’s Army.

Gayunpaman, patuloy ang pagtugis ng mga otoridad sa mga suspek na responsable sa nasabing pagtanim ng malawak na marijuana.

Please follow and like us:
Read More

TRAHEDYA NG 2 GINANG

crime

(Ni FRANCIS ATALIA)

CAGAYAN DE ORO CITY – Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang ginang na binugbog at sinakal  umano ng kanyang live-in partner sa bayan ng Alae Manolo Fortich, Bukidnon.

Nakakita ang mga doktor ng marka sa leeg ng biktima na palatandaan na pinatay ito sa sakal nang isailalim sa awtopsiya.

Nagtatago ang suspek na si Edgar Maglangit na pinaghahanap na ng pulisya.

Samantala, patay din ang isang ginang matapos mahulog sa kanyang sinakyang motor na nagbibiyahe sa Brgy. Cugman, lungsod ng Cagayan de Oro.

Sa imbestigasyon ni SPO4 Julito Cornepelio ng Cugman Police Station, nasagasaan ng isang truck ang ginang matapos mabangga ang dahil sa pag-iwas sa isang tao na tumawid sa pedestrian lane.

Please follow and like us:
Read More

DATING MAYOR BINARIL SA PALENGKE

mayor

Patay ang isang dating alkalde nang barilin ng hindi pa kilalang salarin sa Cagayan de Oro City Sabado ng umaga.

Sinundan ng mgs suspect ang biktima na ngayon ay isa nang negosyante na si Jolito Jakosalim Talaid, dating alkalde ng bayan ng Kadilingan, Bukidnon, nang maganap ang insidente.

Papasakay na sa kaniyang sasakyan ang biktima nang paputukan ng salarin na sakay ng isang motorsiklo sa pamilihan sa Masterson Avenue sa Barangay Carmen bandang alas-9 ng umaga.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa pamamaslang habang nagsagawa naman ng pursuit operation ang kapulisan.

Please follow and like us:
Read More