MESSAGE SA FB BINULATLAT; GF BUGBOG SA SELOSONG BF

huli

(NI MAC CABREROS)

KALABOSO ang isang binatang estudyante na nambugbog sa kanyang 16-anyos na kasintahan sa Marikina City.

Desidido ang pamilya ng biktimang sinadyang itinago sa pangalang ‘Dmet’ na sampahan ng kaso laban kay Kyle Gabriel Coronado,18.

Sa imbestigasyon ng pulisya, pinuntahan ng lalaki ang bahay ng kasintahan sa Tuazon Ville, Brgy. Tanong, ng nasabing lungsod alas-10:00 ng umaga ng Martes at kinompronta hinggil sa mga mensaheng nababasa sa messenger account.

Nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa hanggang sa hilahin ng lalaki,  na noo’y sinukluban ng matinding galit, ang kamay ng babae saka ibinalandra sa dingding kung saan nagtamo ng pinsala sa katawan ng huli.

Agad na humingi ng tulong  sa awtoridad ang tiyahin ng biktima kung saan agarang rumesponde at naaresto ang suspek.

Paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse, Exploitation and Discrimination ang isasampa laban sa akusado.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI NANINGIL NG RENTA, BINUGBOG NG TENANT

crime145

(NI CHERK BALAGTAS)

ISANG 41-anyos na negosyante ang bugbog-sarado  sa kanyang tenant nang mapikon sa sinisingil na renta sa Valenzuela City.

Kinilala ang biktimang si Eddie Llena Manzanero, ng P. Faustino Street, Barangay Punturin, ng nasabing lungsod na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Valenzuela Medical Center matapos ng magtamo ng malalalang pinsala sa mukha at katawan habang ang suspek ay kinilalang si Mervin Gripon, 35, ng Block 3 Lot 23 Northville 13 ng nasabing lugar.

Kusang  sumuko si Gripon matapos ang pambubugbog sa biktima.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, ganap umanong alas -5:30 ng hapon noong Lunes nang maganap ang insidente sa inuupahang bahay ng suspek.

Pinuntahan ng biktima ang suspect upang paalisin na dahil sa hindi nakakapagbayad ng kanyang renta.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang bugbugin ng suspect ang may-ari ng bahay.

Duguan na ang biktima ay hindi pa rin ito tinatantanan ng suspect dahilan para awatin na ito ng mga kapitbahay.

 

Please follow and like us:
Read More

BINATA PATAY SA GULPI NG MAG-AAMA

crime

(NI SIGFRED ADSUARA)

PATAY ang isang 49-anyos na binata nang pagtulungang gulpihin ng mag-aama dahil sa dati nang alitan ng una at isa sa suspek sa Gen. Trias City, Cavite.

Isinugod pa sa Las Pinas District Hospital ang biktimang si Roberto Cabrera, ng Brgy. San Juan 1 Gen. Trias City, Cavite subalit namatay din habang ginagamot dahil sa matinding bugbog sa katawan.

Arestado naman ang mag-aama na sina Eduardo Cenizal, 45, electrician at anak nitong  sina Gerald , 23 at John Michael Cenizal, 19, pawang residente ng  Brgy. San Juan 1, Gen. Trias City, Cavite.

Sa ulat ni PSSg Christopher Dumlao, ng Gen. Trias City Police Station, nag-iinuman ang biktima sa ilang kaibigan dakong alas-3:30 ng madaling noong Lunes sa Brgy. San Juan 1, Gen Trias City, Cavite  nang makita ng una  si Eduardo at naalala nito ang kanilang alitan at dahil nakainom ay nagparinig ito ng maanghang sa salita na ikinagalit ng suspek na nauwi sa suntukan.

Nakita ng magkapatid na Cenizal ang pagsusuntukan ng kanilang ama at biktima kaya  sumaklolo  ang mga ito at pinagtulungang gulpihin ang biktima at tumigil lamang ito nang napansin na gulay na ang biktima.

Isinugod ang biktima sa ospital subalit namatay ito habang ginagamot habang ang mag-aama ay naaresto sa isinagawang follow up operation ng Gen. Tri police.

Kasong frustrated homicide ang isinampang kaso laban sa mag-aama.

Please follow and like us:
Read More