BABAE PATAY SA HEATER NG LODGING INN

(NI ANNIE PINEDA)

SUNOG ang katawan at wala ng buhay nang makita ang isang babae nang makuryente umano habang naliligo sa loob ng kanilang inuupahan lodging inn habang nagbabakasyon sa isla ng Boracay sa Malay Aklan.

Kinilala ang biktimang si Mary Joy Rata, 29, ng Valencia St., Sampaloc, Manila, at nag-check-in sa MN Boracay Lodge Inn sa Brgy. Balabag, Boracay, Malay, Aklan.

Batay sa report ng Malay-PNP, natagpuan na lamang ang sunog na katawan ng biktima at wala ng buhay na nakatihaya sa loob ng banyo sa nasabing inn.

Kuwento ng ina ng biktima, pumasok sa banyo ang anak at naligo saka binuksan ang heater ng shower.

Ilang saglit, narinig na lamang niyang sumigaw ang anak kaya dali-dali niyang pinuntahan si Rata at nakitang lapnos ang katawan at nakatihaya sa sahig ng banyo.

Kaagad naman siyang humingi ng tulong sa mga tauhan ng lodging inn at dinala sa ospital ang biktima pero idineklara na rin patay itong sanhi ng tinamong 2nd degree burns sa katawan.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente at kung pananagutin ang may-ari ng inn sa trahedya.

Please follow and like us:
Read More

4 PULIS SIBAK SA PAGGAMIT NG CELLPHONE SA DUTY

(NI JG TUMBADO)

APAT na bagitong pulis ang sinibak sa puwesto makaraang maaktuhang gumagamit ng cellphone sa kalagitnaan ng kanilang duty sa Isla ng Boracay sa Aklan.

Pinabalik sa mother unit sa Police Regional Office 7 (Western Visayas) ang mga pulis na sinasabing nag-Facebook at online games na Mobile Legends (ML) habang oras ng kanilang trabaho.

Ayon kay PRO-Western Visayas spokesperson Police Lieutenant Colonel Joem Malong, ang apat na pulis, kabilang ang isang policewoman, ay lumabag sa panuntunan laban sa paggamit ng cellphone sa oras ng duty.

Hindi muna pinangalanan ang mga nasibak na pulis.

Kaugnay nito, sinabi ni Malong na mahigpit ang paalala nila sa kanilang mga tauhan sa pagsunod sa patakaran at maging responsable sa kanilang tungkulin bilang alagad ng batas.

Kasalukuyang isinailalim sa restrictive custody sa Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU) sa Regional Office at nahaharap sa kasong administratibo.

Please follow and like us:
Read More

MAGKALAGUYO ‘CAUGHT IN THE ACT’, KALABOSO

arrested12

(NI JESSE KABEL)

ARESTADO ang magkalaguyo nang mahuli sa akto na nakahubo at magkasiping sa kama ng misis at mga pulis sa isang boarding house sa  Sitio Malabunot, Barangay Manoc-manoc sa isla resort ng Boracay.

Dinakip ng Malay Police Station, ang isang driver at umanoy kalaguyo nito matapos humingi ng tulong ang isang 37-anyos na ginang na kinakaliwa umano ng kanyang mister.

Pinagharap ng kasong concubinage ang mister at  ang kalaguyo nito matapos silang dakpin .

Nabatid na sinundan ng ginang ang kanyang mister at nasilip nito na  kasiping ng lalaki ang kalaguyo nitong isang masahista sa loob ng kuwarto.

Agad umanong nagsumbong ang misis sa mga pulis upang madakip ang dalawa kaya agad na rumesponde sa  boarding house ang mga pulis.

Nahuli sa akto at laking gulat ng mga suspek nang bumulaga sa kanila ang mga pulis na naabutan silang walang saplot pang-ibaba.

Kapwa nakadetine ngayon sa Aklan PNP ang dalawa habang inihahanda ang kasong kakaharapin.

Please follow and like us:
Read More

DRAGON BOAT COACH DINIIN

(NI JOEL O. AMONGO)

SINISI ng pamilya ng isa sa pitong namatay sa “Boracay tragedy” ang mismong coach ng Dragon Boat team na si Von Navarosa.

Sinabi ni Arlyn  Natividad, 34, ng Brgy. Manocmanoc, Boracay Island, Malay, Aklan at misis ng isa sa pitong nasawi na si Jan Vincent Natividad, 32,  miyembro ng Dragon Force Paddlers, kasalanan ng coach ng team na si Von Navarosa ang malagim na insidente sa Boracay Island, Malay, Aklan.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), alas-7 ng umaga noong Setyembre 25, 2019 nangyari ang insidente sa karagatan ng Linganay Beach, Brgy. Manocmanoc, Malay, Aklan na nasa 25 metro ang layo mula sa baybayin ng Tambisan Beach at Crocodile Island.

Nabatid na nagpapraktis ang 21-member Dragon Force Paddlers bilang preparasyon para sa isang international competition na kanilang sasalihan nang hampasin ng malakas na alon ang sinasakyan nilang bangka na ikinataob nito at ikinalunod ng mga nasawi.

Sa panayam ng Peryodiko Filipino Inc. (PFI), lantarang inakusahan ni Arlyn si Navarosa ng kapabayaan sa pagkamatay ni Jan Vincent at ng anim na iba pa.

Tanong ng ginang: “Bakit kahit hindi marunong lumangoy ang mister ko ay tinanggap niya sa team?”

Dagdag nito, naging basehan lang ni Navarosa nang tanggapin ang kanyang mister sa Dragon Force ay dahil sa kaibigan ito ng isa pa sa mga nasawi na si Mark Vincent Navarette, 34.

Kinuwestyon din ni Arlyn ang desisyon ni Navarosa na sa likod ng Boracay Island magsimula ang Dragon Force Paddlers kung saan mas maalon at malakas ang agos ng tubig.

Ayon kay Arlyn, base sa kanyang pagkakaalam sa unang hampas ng malakas na alon ay pinasok ng tubig ang bangka ng Dragon Force at sa pangalawang dating ng alon ay tuluyan na itong tumaob.

Iginiit ng ginang na kahit hindi marunong lumangoy ang kanyang mister, kung totoong may mga life guard silang kasama, maililigtas si Jan Vincent at mga kasamahan nitong nasawi.

Napansin naman ng pinsan ni Jan Vincent na si Akira Morales, isang nurse, base sa napanood niya sa video footage ng Boracay tragedy ay wala man lang ni isang nag-apply ng Cardio-Pulmonary Resuscitation (CPR) sa mga biktima.

Dagdag ni Morales, wala rin siyang napansin na life vest na suot ang mga miyembro ng Dragon Force Paddlers.
Samantala, bukod sa walang nakaantabay na medical team, wala rin umanong pahintulot o pasubali sa Philippine Coast Guard (PCG) at maging sa pulisya ang grupo ni Navarosa nang pumalaot para mag-ensayo ang mga ito.

Dahil dito, pinaghahandaan na ng pamilya ni Jan Vincent ang pagsasampa ng kaso laban kay Navarosa at iba pang may kasalanan sa pagkamatay nito at ng anim na iba pang biktima.

Batay sa report ng PNP Malay, Aklan ang limang iba pang nasawi sa Boracay tragedy ay sina:  Maricel Tan, 43; Johann Tan, 43; Rachel Montoya, 38; Antonette Sufranes, 33; at Comar Acob, 29.

Kinilala naman ang mga nakaligtas na sina: Von Navarosa y Icamina na kinalaunan ay namatay sa pinagdalhang Saint Gabriel Hospital; Mark Bakay; Jaylord Violanda; Edwin Paradas; Robel Licerio; Mark Sabado; Kathleen Sabado; Kenneth Bandalan; Julia Kurbaniizova, isang Russian; Maggie Xie, isang Chinese; Yhen Aytona; Lani Orbas; Janice Lumbo; at Jao Buenaventura.

Please follow and like us:
Read More

10 PATAY SA TUMAOB NA DRAGON BOAT

(Ni ANNIE PINEDA)

UMAKYAT na sa sampu ang nasawi sa 21 rower ng Dragon Boat na nagsasanay nang tumaob ang kanilang bangka sa karagatan na sakop ng isla sa Boracay Malay, Aklan, kaninang umaga.

Kinilala ang pito sa mga nasawi ang mag-asawang Yohan at Maricel Tan; Rachelle Montoya; Antonette Supranes; Vince Natividad, Mark Vincent Navarette at Comar Arcob; pawang mga miyembro ng Dragon Force Paddlers habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tatlo na nasawi.

Batay sa nakuhang impormasyon mula kay Patrolman Larry Bunda, ng Tactical Operation –Malay PNP, bandang alas 7:40 ng umaga nang maganap ang insidente sa Sitio Lingganay, Brgy. Manoc-manoc sa Boracay Island, Malay Aklan.

Lumabas sa imbestigasyon, sakay ang 21 miyembro ng Dragon Force ng kanilang bangka para sana sa pag-ensayo sa gitna ng karagatan nang bigla na lamang umanong tumaob dahil sa lakas ng hampas ng alon.

Makalipas ang higit dalawang oras, na-rescue ang 14 na miyembro at dinala sa Saint Gabriel Hospital, Kalibo Aklan pero tatlo umano sa mga ito ang binawian ng buhay.

Nabatid na sasabak sana sa International Dragon Boat competition ang mga biktima.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.

Please follow and like us:
Read More

KOREAN NALUNOD, 1 KRITIKAL SA BORACAY

boracay

(NI ANNIE PINEDA)

NAGKAKAWAY sa pagkalunod ang dalawang Korean national na ikinamatay ng isa habang naliligo sa dagat sa isla ng Boracay sa Malay, Aklan.

Kinilala ang namatay na si Sanghoon Lee, 25, habang nakaligtas naman si Jin Hyeok Lee, kasalukuyang nagbabakasyon sa Station 2 Barangay Balabag, Boracay, ng nasabing bayan.

Batay sa pagsisiyasat ng Malay Police Station, katatapos lamang kumain ng dalawa nang magkayayaan maligo sa dagat.

Dahil sa lakas ng hampas ng alon tinangay ang mga ito at nalunod bago pa man tuluyan lamunin ng dagat ang dalawa nakita ang mga ito ng dalawang lifeguard sa isla at sinaklolohan.

Mabilis na lumusong sa dagat sina Jeffrey Escasulatan at Teddy Boy Baylosis at iniahon mula sa dagat ang mga biktima saka binigyan ng paunang lunas at diniretso sa pinakamalapit na ospital.

Habang ginagamot si Sanghoon ay nalagutan na rin ito ng hininga. -30-

 

 

Please follow and like us:
Read More

2 SUGATAN SA P22.5-M BORACAY FIRE

boracayfire12

(NI JESSE KABEL)

BAGO tuluyang nagwakas ang Fire Prevention Month ay muling sumiklab ang sunog sa pamosong island resort ng Boracay, sa Malay lalawigan ng Aklan kaya’t naglunsad ng masusing imbestigasyon ang PNP Arson Division at Bureau of Fire Protection.

Nabatid na umaabot sa P22.5 milyon ang iniulat na danyos sa malaking sunog na naganap Biyernes ng hapon sa  isla ng Boracay kung saan naabo ang ilang  establisyemento at ari-arian sa Barangay Balabag sa nasabing isla.

Ayon sa BFP-Boracay, nagsimula ang sunog bandang alas-2:00 ng hapon at natapos pasado alas-3:00 na tumupok sa nasa 60 establisyemento at kabahayan.

Sinabi ni F/Senior Inspector Lorna D. Parcellano, hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Malay town, umaabot sa 60 istruktura ang nilamon ng apoy.

Kinilala naman ang dalawang sugatan na sina barangay kagawad  Rey Sastre at  Verjun Gregorio na nagtamo ng first-degree burns at mga sugat sa ulo.

Mabilis na  kumalat ang apoy sa nakahanay na mga imprastraktura na nagtitinda ng dry goods at iba pang mga commercial establishments dahil pawang gawa lamang ang mga ito sa light materials.

Mas lalo pang lumaki ang apoy dala ng malakas na hangin sa isla bukod sa umanoy atrasado rin ang tawag sa mga pamatay-sunog.

Naabo rin ang ilang mga bahay na nasa likod lamang ng naturang mga establishemento kasama ang mga boarding house na tinutuluyan ng mga mangagawa sa island resort.

Pebrero 26 sinasabing nasa mahigit P1 milyon rin ang natupok sa sunog na naganap sa SITIO Bulabog.

Noong Enero 27 may 35 kabahayan din ang natupok kasama ang tatlong commercial buildings sa Barangay Manoc-Manoc, sa  Boracay at nasa mahigit P20 million ang pinsala nito.

 

Please follow and like us:
Read More

PULIS NANIKTIK SA LOOB NG BAR BINUGBOG

boracay123

(NI JG TUMBADO)

KALABOSO ang apat na lalaki, kabilang ang magkapatid, na umanoy mga nanggulpi sa isang aktibong pulis na napag-alamang nagsasagawa ng paniniktik o ‘surveillance’ sa loob ng isang night bar sa Barangay Manocmanoc, sa isla ng Boracay.

Hindi na naitanggi pa ng mga suspek na nakilalang sina Angelo Tolentino, 30, Israel Tolentino, 34, Deo Patriarca, 35 at ang 24 anyos na si Eroll Dacanay, pawang mga residente ng isla, ang ginawang pambubugbog sa biktimang si PO1 Danny Tagacay, 33, intelligence operative ng Malay City Police Office (MCPO).

Lumalabas sa imbestigasyon na dakong ala 1 ng madaling araw ng Sabado nang mangyari ang insidente sa loob ng Galaxy Club sa naturang isla.

Nagkataon umano na may minamanmanan si PO1 Tagacay sa loob mismo ng club nang bigla na lamang  siyang sakalin ng isa sa mga suspek na si Angelo mula sa likuran.

Gumanti umano ang pulis subalit dito na siya dinaluhong ng mga suntok at sipa mula sa mga kasamahan ni Angelo at sa kabila ng pagpapakilalang pulis ay tuluy-tuloy pa rin ang panggugulpi ng mga ito.

Sa himpilan na ng pulisya nahimasmasan ang mga suspek na inaming mga lango sa alak at napagkamalan lamang na kaaway ang nagulping pulis.

Please follow and like us:
Read More

SANDARA IBANG KLASE ANG LOYALTY SA PINAS

sandara park

AKO PA BA NI ROSE GARCIA(NI ROSE GARCIA)

BAGO mag-Pasko ay nakausap pa namin ang dating PNP Chief na si General “Bato” dela Rosa at tinanong kung sakali nga at isasalin sa pelikula ang buhay nito, sino ang gusto niyang gumanap sa mga actor.

At that time, ang action superstar na si Robin Padilla na talaga ang pinili niya. Yun naman pala, talagang nakakasa na ang pagsasapelikula ng life story niya and true enough, natupad ang wish nito na si Robin ang gumanap.

At naniniwala si Robin na with our without the movie, malakas na talaga si Bato sa pagka-Senador, kahit sa ratings. Kaya binigyang-diin nito na hindi isang propaganda movie ang ginawa nila para sa ALV Films at Benchengko Films at ni-release ng Regal Films.

“Mataas na ang ratings ni General Bato at sa aking palagay, mas makakatulong ang pelikula para makilala kung sino ba talaga siya.”

Malilinawan din daw ang misconception na ‘mamamatay tao’ lang ito. Hindi raw ito beast, tao talaga.”

Sa mga artista naman, si Robin ang isa sa malakas sa survey kung sakali at tatakbo itong senator.

“Isa lang po ang pulitiko sa pamilya, si Rommel (Padilla) na yun. Si Rommel ay tatakbong congressman. Eh, against tayo sa anti-dynasty. Mahirap naman yung ako mismo, hindi susunod. Practice what you preach.”

Sa kanila raw, si Rommel naman daw talaga ang public servant. Aminado itong hindi raw siya puwede sa pulitika.

“Kailangan diyan mapagpasensiya kang tao! Gusto niyo bang may binubugbog ako sa Senate? Naku ‘wag!,” natawang sabi niya.

 

Hindi raw talaga niya papasukin ang pulitika even in the future.

Sa January 30 na ipalalabas ang Bato: The General Ronald dela Rosa Story inamin ni Robin na dahil iyakin si Bato, ang gayahin ang pag-iyak daw nito ang nahirapan siyang gawin.

“Nahirapan ako run, nahirapan akong talaga. Hindi naman ako public ano na nagpapakita ng emosyon. Mahirap yung iyak niya, hagulgol, nahirapan talaga ‘ko.”

 

-o-

 

Deserving si Sandara Park sakali at bigyan siya ng appreciation ng Department of Tourism. Daig pa yata ni Sandara ang totoong Pinoy talaga kung gaano kamahal, ipinagmamalaki at may ginagawa para mas lalong ma-promote at makilala pa sa ibang bansa ang Pilipinas.

Ilang beses na nga bang nagdala ng kaibigan niya si Sandara para ipasyal sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas.

Kasama si Sandara sa “The Great Seungri Tour 2019” na ginanap sa MOA Arena at alam namin, nag-stay pa ito ng ilang araw kasama ang tinu-tour na mga kaibigan.

Nagpunta si Sandara sa Boracay at hindi ito ang unang beses na ginawa ito ni Sandara. Ang alam namin, may mga pagkakataon na nasa bansa ito, unannounced kung saan, ipinapasyal niya ang mga kaibigan. Very proud si Sandara sa Pinas at talagang ipinagmamalaki niya.

Noong concert ni Seungri (pinaka-bunso ng South Korean boy band na Big Bang), si Sandara ang nag-suggest kay Seungri na kumanta sila ng isang tagalog song bilang surprise gift daw nila sa audience.

Tuwang-tuwa naman talaga ang mga nanood at hindi makapaniwala na dalawang kilalang Korean singers ay bumibirit ng tagalog song. Kanta ni Inigo Pascual na “Dahil Sa ‘Yo” ang napiling kantahin ng mga ito kaya ganun na lang din ka-overwhelmed ang anak ni Piolo Pascual.

Pero kung may isang katangian si Sandara na talagang hinahangaan namin sa kanya, ito ang pagiging loyal niya at grateful sa mga taong nakasama niya noong nasa Star Magic pa siya.

 

Kahit na sumikat na ng husto sa Korea bilang miyembro ng 2NE1, kaibigan o kapamilya pa rin ang turing niya sa ilang staff ng Star Magic tulad ng dati niyang handler at mga nag-alaga sa kanya before. Bukod sa may constant communication pa rin siya sa mga ito, kapag nasa bansa ay talagang hinahanap at isinasama niya rin.

Kunsabagay, kung si Joross Gamboa nga noong ikinasal, fly-in at fly-out ito para lang maka-attend sa kasal ng kaibigan.

Malayong-malayo si Sandara sa ibang local artists na yung iba, wala pa yata sa kalahatian ng naging popularidad niya, pero maagang nagkakasakit ng amnesia kahit sa mga taong kasama nila noong nagsisimula pa lang.

 

 

Please follow and like us:
Read More

KOREANA NALUNOD SA BORACAY

boracay

(NI JG TUMBADO)

PATAY ang babaeng Korean national makaraang malunod sa dagat malapit sa baybayin ng Station 3, Brgy. Manocmanoc sa Isla ng Boracay.

Nakilala ang biktima na si Jeyoung Kim, 31, pansamantalang nanunuluyan sa Ocean Club Resort sa nasabing isla.
Batay sa paunang imbestigasyon, isang babaeng Russian national ang nakakita kay Kim na lumulutang sa tubig tatlong metro mula sa kinaroroonan nito.

Una ay inakalang lumulutang lamang ang biktima kung kayat  binalewala niya ito subalit napansin niya na ilang minuto na ang nakalipas ay hindi parin ito gumagalaw.

Dito na humingi ng saklolo ang banyagang tourist sa iba pang mga taong naliligo roon.
Sinubukan pang i revive ng isang Swedish national ang biktima sa pag-CPR nito subalit hindi na ito nakitaan ng pulso hanggang ideklara na itong dead on arrival sa ospital.

Please follow and like us:
Read More

KOREAN PATAY SA BADING NA NAKA-THREESOME

boracay

KALIBO, Aklan – HINDI inakala ng isang Koreano na mga bading ang naka-threesome nito sa Boracay at nang sinisingil na siya ng mga ito, tumanggi siyang magbayad dahilan para patayin siya sa saksak.

Ayon sa Malay Police Station, ang suspect na si Carlito Alegado, alias ‘Kylie’, 21, tubong Cebu City at naninirahan sa isla, ay nakakulong na ngayon matapos umanong mapatay sa saksak ang turista sa Sitio Ambolong, Barangay Manoc-Manoc Boracay.

Nabatid na may kasama umanong isang ‘guest’ na bading ang biktima at ipinakilala sa suspect sa isang kilalang resort hanggang sa mauwi sa inuman ang pagkakakilala. Nang malasing, nagyaya umano ang biktima ng threesome sa halagang P3,000.

Pumayag naman ang dalawang bading ngunit pagkatapos ng ‘session’ at sinisingil na ni ‘Kylie’ ang biktima ay tumanggi ito dahil inakala umano niyang mga tunay na babae ang mga lady boy. Doon na umano nagtalo ang tatlo hanggang sa kumuha ng patalim si ‘Kylie’ at pagsasaksakin ang turista.

Idineklarang patay ang biktima sa Metropolitan Doctor’s Medical Clinic.

Please follow and like us:
Read More

BADING NAGPASAKSAK NG COLLAGEN SA DIBDIB, PATAY

bora200

KALIBO, Aklan – INAALAM ngayon ng awtoridad kung ang isinaksak sa dibdib ng lalaking nagpalaki ng dibdib ang dahilan ng pagkamatay nito sa isla ng Boracay.

Sinabi na ang biktimang si Aldwin Esperanzilla, 31, ng Nara, Palawan at pansamantalang nakatira sa isang resort sa Barangay Balabag, Boracay, ay lumapit sa isang kaibigan na kinilalang si Dave Nacar, alyas ‘Marga’ para magpa-inject ng collagen sa dibdib.

Sa report, tinurukan umano ni Marga si Aldwin ng collagen ngunit makalipas ang ilang minuto ay nagreklamo na ito ng pananakit ng dibdib. Agad nang isinugod sa ospital si Aldwin nang hindi na ito makahinga.

Sinabi ni SPO1 Rogelio Tiongson ng Malay-Philippine National Police Sub-Station, na sa pamamagitan ng autopsy ay matutukoy ang sanhi ng pagkamatay ng biktima. Agad tumakas si Marga nang malamang namatay na ang kanyang kaibigan kagabi ng alas-6:45 pagkatapos ng halos limang oras sa ospital.

Please follow and like us:
Read More