2 SULAT SA BOMBAHAN NA

BOMBAHAN NA FINAL

BIGYAN po natin ng pagkakataon na mailahad ang mga padalang email sa BOMBAHAN NA ng isang nangungupahan at nagpapaupa. Dati po kasi, may tinalakay tayo sa BOMBAHAN NA patungkol sa mga paupahan. Narito po ang isang sulat: Ako po si Sherly Soriano, nangungupahan dito sa GS Aura Apartment (dating AJ Apartment) sa may Kalawaan, Pasig. Kami po ay nakatira na sa naturang lugar simula pa noong Agusto 2014, ang renta po namin noon ay P3,000.00 lamang. Tapos nag-iba po ang may-ari ng inuupahan namin simula noong 2017. Tinaasan po ng…

Read More

PINAS BASURAHAN NA NGA BA?

BOMBAHAN NA FINAL

TAPUNAN na nga ba ng basura ang Inang Bayan ni Juan Dela Cruz ngayon? Bakit natin natanong yan?  Mayroon po kasing kompanya sa Pilipinas na ang negosyo ay mag-import ng basura galing sa ibang bansa. Ang kompanyang ito ay ang Enjoy Electronics Subic International Corporation na matatagpuan sa Lot 83884, Effeciency Avenue, Subic Bay Gateway Park, Phase 1, Subic Bay Freeport Zone, Zambales. Sa dokumentong ibi­nigay sa BOMBAHAN NA ng isang silipero, inis­yuhan ng Notice of Violation ng Department of Environment and Natural Resources Environmental Management Bureau (DENR-EMB) Region 3…

Read More

BOARD MEMBER NA KAPA OFFICIAL TIKLO SA NBI

BOMBAHAN NA FINAL

NOONG Hulyo 18, 2019, inilabas natin sa BOMBAHAN NA na isa sa nakinabang ng bilyun-bilyong perang investment ng mga miyembro ng Kapa-Community Ministry International Inc. (KAPA) ay board member ng Mindanao na si Arvin Malaza. Si Malaza ay naaresto ng mga ahente ng Natio­nal Bureau of Investigation (NBI) nitong nakaraang Setyembre 18, 2019 dahil sa muli nitong pagbubukas ng KAPA. Bilib ang BOMBAHAN NA sa tapang nitong si Malaza sa kabila nang ipinatigil na ang operas­yon ng KAPA ni Pangulong Duterte ay itinuloy niya pa rin ito. Kaya dapat lang…

Read More

EXTENSION NA NGA BA NG QC ANG PASIG?

BOMBAHAN NA FINAL

NAGDAGSAAN na raw ang mga taga-Quezon City sa tanggapan ni Pasig City Mayor Vico Sotto. Sa sumbong ng silipero sa BOMBAHAN NA, siyam daw sa mga tauhan sa tanggapan ngayon ni Mayor Vico ay galing sa Quezon City. At hindi basta-basta lang empleyado ng Pasig City Hall ang mga ito. Matataas daw ang katungkulan ng mga ito tulad nina sir Jerome at ma’am Valerie. Sila raw ang pinagkakatiwalaan ni Mayor Vico. Nag-iisip tuloy ang mga lehitimong taga-Pasig kung bakit nanggagaling sa QC ang kinukuha ni Mayor. “Sir hindi po kaya…

Read More

BODYGUARD NG VICE MAYOR HINULI

BOMBAHAN NA FINAL

GAANO katotoo na ang hinuli ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest nitong Setyembre 11, 2019 na retiradong pulis sa Malolos, Bulacan ay bodyguard pala ni San Simon Vice Mayor Leonora Wong? Sa palagay po ng BOMBAHAN NA, kung totoo ito ay mayroong dapat ipaliwanag si Vice Mayor Wong. Sa dokumentong hawak ng BOMBAHAN NA, si Roberto Delfin y Mandap, alyas Berting, 60-anyos, retiradong pulis at residente ng no. 145 Brgy. Sto. Nino, San Simon, Pampanga ay hinuli ng mga elemento ng Bulacan Provincial Intelligence Branch, CIDG Cavite…

Read More

DIRECTOR NA, CONTRACTOR PA?

BOMBAHAN NA FINAL

ISANG alyas GreGar ang inginuso ng silipero sa BOMBAHAN NA na director na, contractor pa ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA), New Clark City sa Pampanga. Ang BCDA ang naatasan na bumuo ng New Clark City sa pamumuno ni Vince Dizon. Natural, maraming proyekto rito dahil gagawin itong siyudad mula sa dating base militar ng mga Kano. Kaya naman maraming naglalaway na mga kontratista para makakuha ng kontrata sa kabi-kabilang itinatayong imprastraktura sa gagawing siyudad na katulad ng Hong Kong. Aba’y isa na riyan ang director ng BCDA na…

Read More

2 CASINO SA BAGUIO WALANG PAKINABANG ANG GOBYERNO?

BOMBAHAN NA FINAL

KUNG totoong nakapag-o-operate ang dalawang casino sa Baguio City nang walang lisensiya mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), walang pakinabang ang gobyerno sa kanila. Ayon sa silipero ng BOMBAHAN NA, ang dalawang casino ay matatagpuan sa Amarillo Building at Gold Bar na parehong malapit sa Burnham Park sa nasabing siyudad. Kung ano raw ang makikita sa casino na lisensiyado ng PAGCOR ay ganundin sa kanila? Ang kaibahan lang ay mayroong lisensiya ang iba pero sila ay wala. “Lalabas pa niyan sir, mas malaki ang kikitain ng dalawang casino…

Read More

SI BGEN. DANAO NA BA ANG SUSUNOD NA PNP CHIEF?

BOMBAHAN NA FINAL

UMUGONG sa palasyo ng Malacañang noong nakaraang gabi na si BGen. Vicente Danao, Jr., na ang papalit kay outgoing Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde. Ayon sa silipero ng BOMBAHAN NA na nasa Malacañang, usap-usapan na sa Palasyo na si Danao na nga ang hihiranging next PNP chief. Si Danao ay nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) noong 1991, siya ay naging chief of police ng Davao City noong 2013. Si Danao ay nagtrabaho rin sa ilalim ng mga heneral na naging chief of police ng Davao City…

Read More

ROSEBETH LODGE WALANG PERMIT, PERO NAG-OOPERATE

BOMBAHAN NA FINAL

MARAMING dumarayo sa Vigan, Ilocos Sur upang mamasyal at isa rito ang pamilya ni Mang Ben at mga kasama na sina Anjo at Jane Bautista, ng Paniqui, Tarlac na nag-check-in sa Rosebeth Lodge sa Barangay Paras, Candon City sa Ilocos Sur. Bagaman noong nakaraang buwan pa nag-check-in sa nasabing apartelle sina Mang Ben at mga kasama na pawang galing pa sa Italy subalit nakabalik na dahil bakasyon lang, humingi pa rin sila ng tulong sa BOMBAHAN NA  sa pagbabakasakali na maibalik pa ang 850 Euro at P50,000 nila na nanakaw…

Read More

ANONG GINAGAWA NI DULAY SA PANGINGIDNAP AT PAGPATAY SA BIR OFFICIALS?

BOMBAHAN NA FINAL

MARAMING katanungan mula sa taumbayan na dapat sagutin si Bureau of Internal Revenue (BIR) Comm. Caesar Dulay kaugnay sa pangi­ngidnap at hinalang pagpatay sa kanyang mga regional director. Kamakailan ay binaril at napatay ng nag-iisang salarin si Jonas Amora, regional director ng BIR sa Makati City. Nadamay ang kanyang driver na si Angelito Pineda na nasugatan kung kaya’t agad itong dinala sa Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City. Wala pang natutukoy ang mga awtoridad kung ano ang motibo sa pagpatay kay Amora. Naganap ang pamamaril kina Amora at Pineda…

Read More

KORAPSYON SA BCDA/CLARK

BOMBAHAN NA FINAL

MATINDI raw ang korapsyon sa Clark, Angeles City sa ilalim ng pangangasiwa ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA). Marami raw locator ang nagtatanong, kung bakit para yatang may mga pinapaboran na kompanya sa Clark? Duda tuloy nila ay laganap ang korapsyon o lagayan dito. May alam kaya rito ang BCDA, Clark Development Corporation (CDC) at Clark International Airport Corporation (CIAC)? Mukhang may mga tao silang kasabwat, kung hindi man sila at bakit pinapaboran ang isang kompanya na ang nakuhang lupain ay ekta-ektarya? Sa paanong paraan sila kumikita? Halimbawa, uupahan…

Read More

NCRPO BEST POLICE REGIONAL OFFICE

BOMBAHAN NA FINAL

ANG Presidential Lingkod ng Bayan Award for NCR bilang Best Police Regional Office ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kaya ang magdala kay Maj. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar bilang susunod na Philippine National Police (PNP) Chief? Sa selebrasyon ng 118th Police Service Anniversary sa Camp Crame, Quezon City noong nakaraang Biyernes, tatlong Police generals ang nakatanggap ng pagkilala mula kay Pangulong Duterte. Ang mga ito ay sina NCRPO Chief Gen. Guillermo Eleazar; dating Western Visayas Regional Director Maj. General Cesar Hawthorne Binag na kasalukuyang nasa Directorate for Information and…

Read More

NAKAWAN SA ROSEBETH LODGE

BOMBAHAN NA FINAL

IBANG klase raw mang-api ng parokyano itong konsehal ng Balaoan, La Union na may-ari ng Rosebeth Lodge na matatagpuan sa Brgy. Paras, Candon City. Imbes daw kasing humingi ng paumanhin matapos manakawan ang kanilang mga kostumer ay tila ang mga ito pa ang sinisi ng konsehal. Sabi umano ng konsehal ay, kung may pagkukulang ang kanyang mga tauhan na bantay ng kanilang motel ay mayroon ding pagkukulang ang mga nag-check-in sa kanila. Aba Madam, sagot niyo ang seguridad ng inyong kliyente. Hindi nila pagkukulang na nanakawan sila, kayo ang may…

Read More

3-ARAW PAG-ISYU NG CLEARANCES, PERMITS MAY SUMUNOD NA KAYA?

BOMBAHAN NA FINAL

MUKHANG nabalewala ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Roa Dueterte na pabilisin ang paglalabas ng clearances at permits na iniisyu ng Local Government Units (LGUs). Noong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte, binanggit niya na dapat sa loob ng tatlong araw ay mailabas na ang clearances at permits mula sa LGUs kung wala naman itong problema. Inutusan ni Pangulong Duterte ang Department of Interior and Local Government (DILG) na sabihan ang lahat ng local chief executives tulad ng mga mayor at governor na huwag nang pabalik-balikin ang sinomang…

Read More

KAPA LEADER NAGPAAMPON NA SA BIFF?

BOMBAHAN NA FINAL

NASA pangangalaga na raw ng mga teroristang BIFF si KAPA Leader Joel Apolinario sa Mindanao. Sa natanggap na info ng BOMBAHAN NA mula sa isang silipero, malaki raw ang utang na loob ng BIFF kay Apolinario. Bakit? Nagbigay raw ito ng 1,500 high powered firearms sa BIFF kaya naman malakas siya sa nasabing grupo. Kung 1,500 piraso ng high powered firearms ang ibinigay ni Apolinario sa BIFF, aba’y namuhunan ito ng milyun-milyong piso. Kaya siguro nagbigay siya sa BIFF para kapag nagkaproblema siya sa gobyerno ay may matatakbuhan at pagtataguan…

Read More

KALAKARAN SA LBP PINUNA NI DIGONG

BOMBAHAN NA FINAL

MARAMI ang nagtataka kung bakit hindi napag-uusapan sa mga talakayan, maging sa media ang pagpuna ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraan niyang SONA sa isyu ng Land Bank of the Philippines (LBP). Binanggit kasi ni Pangulong Digong ang LBP kung bakit nag-iba na ang kalakaran nito sa tunay na mandato. Ang bangkong ito na pag-aari ng gobyerno ay nabuo batay sa Republic Act 3844 (Agriculture Land Reform Code) noong Agusto 8, 1963. Layunin po nito ay matustusan ang pagbili at distribusyon ng mga lupain (agriculture estates) at pangsuporta para sa…

Read More

PERA NG KAPA PINAGHATI-HATIAN NA

BOMBAHAN NA FINAL

MALABO nang mabawi ang in-invest na pera ng mga miyembro ng KAPA. Bakit kamo? Ayon sa pinakahuling info na ibinigay sa atin ng silipero ng BOMBAHAN NA, nasa kamay ng limang politiko at ni KAPA founder Joel Apolinario, ang bilyun-bilyong pisong investment ng mga miyembro nito. Kawawang lahi ni Juan, natakbuhan na naman! Kundi pa ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang operasyon ng KAPA, baka lahat ng Pinoy ay nabiktima nila. Isa-isahin po natin ang detalye ng ating silipero: Dinala raw ang pera sa Amsterdam, capital ng The Netherlands…

Read More

TATLONG ARAW SA PAG-IISYU NG PERMITS, CLEARANCES

BOMBAHAN NA FINAL

INULIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang ikaapat na SONA nitong nakaraang Lunes ang dating sinabi niyang sobrang tagal ng paglalabas ng permits at clearances ng local government units (LGUs). Talaga nga namang nakabubuwisit na kumuha nito dahil sa rami ng requirements na kailangan. Bakit kamo? Nasubukan yan ng BOMBAHAN NA nang utusan ako ng boss ko, grabe, napakaraming requirements na kailangan bago makakuha ng buil­ding permit para sa ipatatayong bahay o gusali. Kung hindi ako nagkakamali, nasa 40 hanggang 60 requirements ang kinailangan kong kompletuhin bago ko mapro­seso…

Read More

RODRIGO NG PAGBABAGO (RP)

BOMBAHAN NA FINAL

TALAGANG nakatadhana si Davao City Mayor Rodrigo Roa Duterte na maging Pangulo ng Pilipinas. Bago pa man ang May 9, 2016 presidential election ay wala sa isip ni Mayor Duterte na tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa. Simpleng alkalde ng Davao City at tatay ng kanyang apat na mga anak si Duterte. Kuntento na siya sa kanyang buhay sa Davao City, pero dahil tadhana niya mismo at taumba­yan na ang nanghikayat sa kanya na sumabak sa pangpanguluhang halalan noong taong 2016 ay umayon na rin siya. Naging katunggali niya…

Read More

KAPAIN NATIN

BOMBAHAN NA FINAL

BIGLA atang nawala ang isyu sa bilyun-bilyong pisong investments sa Kapa-Community Ministry International Inc. (KAPA). Totoo kayang ang dahilan ay may limang politikong nasasangkot dito? Isa raw sa mga ito ay board member ng Digos City, Mindanao? Bilyong piso po ang pinag-uusapan dito, ibig sabihin malaki ang naibulsa ng limang politiko na nasa likod ng KAPA. Palasak na ang ga¬nitong kalakaran na gagamit sila ng mga pangalan ng kilalang tao para sabihin ng pamunuan nito na legal sila dahil may mga politiko silang mga miyembro. Tama po ba Ginoong Joel…

Read More

KAIBAHAN NG EMPLEYADO NG PRIBADO AT GOBYERNO

BOMBAHAN NA FINAL

TATALAKAYIN ko ngayon ang pagkakaiba ng empleyado ng pribadong kompanya at gobyerno para sa kaliwanagan ng marami. Unahin po natin ang mga nagtatrabaho sa ­pribado. Ang sweldo ng mga nasa pribadong kompanya ay nanggagaling sa mga may-ari ng kompanya. Kaya ito ang kanyang susundin, kung anong iutos sa kanya. Samantalang ang mga empleyado ng gobyerno ay taumbayan na nagbabayad ng kanilang buwis ang kanilang amo. Samakatuwid, ito ang kanilang paglilingkuran. Mula po sa Presidente ng Pilipinas hanggang sa pinakamababang posisyon sa pamahalaan ay pare-parehas silang pinasusuweldo ng gobyerno na ang…

Read More

KARAPATAN NG ISANG NANGUNGUPAHAN

BOMBAHAN NA FINAL

ISA na naman pong tagasubaybay ng Bombahan na ang bibigyan natin ng espasyo upang mailahad ang kanyang hinaing na may kinalaman sa kanyang inuupahang kwarto. Ipinadala ng ating tagasubaybay na nagpapatago sa pangalang San ang kanyang email nitong nakaraang Hunyo 28 lamang. Narito ang isinasaad sa kanyang email: “Tanong ko lang po. Ako po ay nangu­ngupahan sa paupahan ng auntie ko. Wala po kaming pinir­mahang kontrata at mahigit dalawang taon na po akong nangungupahan sa ka-nila. Minsan hindi ko nababayaran ang upa ko. At may sistema siya kung paano ma-monitor…

Read More

KAKULANGAN NG FINANCIAL SUPPORT SA DJNMH KITANG-KITA

BOMBAHAN NA FINAL

WALANG masabi ang BOMBAHAN NA sa masisipag at mababait na health workers sa Dr. Jose N. Memorial Hospital (DJNMH) sa Tala, Camarin, Caloocan City. Bihira sa mga go­vernment hospital ang tulad sa DJNMH na masisipag at mababait ang mga nagtatrabaho. Bagama’t luma na ang isang palapag na gusali at mga kagamitan ng Infectious Disease and Isolation Ward ng DJNMH at kitang-kita na kulang ang financial support mula sa Department of Health (DOH) ay napapalitan ito ng magandang serbisyo nila sa kanilang mga pasyente. Matagal nang nag-o-operate ang ospital na ito…

Read More

SULAT SA BOMBAHAN NA

BOMBAHAN NA FINAL

BIGYAN po muna natin ng espasyo ang sulat ng isa sa mga silipero natin sa BOMBAHAN NA: Sir Joel, Magandang gabi po! Nabasa ko po ang inyong artikulo sa online site ng newspaper kung saan po kayo sumusulat. Nais ko lang po sana humingi ng payo dahil ako po ay nangungupahan sa isang condotel. Nung ako po ay nagpa-reserve, okay naman po dahil akala ko may kontrata na pipirmahan tulad dun sa unang tinirhan ko. Hanggang sa nakapagbayad kami nang buo, wala pa rin kontrata, ang tanging basehan lang ay…

Read More