COMELEC MEDIA ID BALEWALA SA QCPD

BOMBAHAN NA FINAL

MALINAW na pambabastos sa Commission on Elections (Comelec) ang pagharang sa atin ng isang opisyal ng pulisya na makapasok sa headquarters ng Camp Karingal sa Sikatuna Village, Quezon City noong hinuli nila ang mayoralty candidate na si Bingbong Crisologo.

Bago pa man isagawa ang campaign period ay naglabas na ng form ang Comelec para sa mga magkokober na media sa eleksyon.

Sila po ang bibigyan ng awtorisasyon ng Comelec na magkaroon ng access sa lahat ng lugar kung saan may pangyayari na may kinalaman sa eleksyon.

Hindi po lahat ng media ay nabibigyan ng Comelec Media ID.

Isa po tayo sa nais¬yuhan ng ID, ibig sabihin, awtorisado tayong magkober.

Tulad ng ginawang paghuli ng mga tauhan ng QCPD kay Bingbong, may awtorisasyon tayo na magkober.

Subalit hindi pinansin ni Capt. Inocente ng QCPD ang ating pagkakaroon ng Comelec ID kaya hindi tayo pinapasok sa press conference sa nasabing kampo.

Kaya ginawa natin, nag-interview na lang tayo sa labas pero habang nag-i-interview ay nilapitan pa tayo nitong si Capt. Inocente at pilit na pinaalis.

‘Di ba alam ni Inocente na ang lead agency ng gobyerno na nangangasiwa tuwing eleksyon ay ang Comelec?

Lahat ng ahensya ng gobyerno ay suporta lang sa Comelec, kasama na ang Department of Interior and Local Government (DILG) at nasa ilalim nito ang pulisya.

Kaya ang ginawang pagtaboy sa atin ni Capt. Inocente ay hindi pagrespeto sa Comelec na nag-isyu sa atin ng ID.

Kaya dapat sa mga pulis na ito ay isinasailalim sa seminar ng Comelec para alam nila ang kanilang gagawin tuwing eleksyon.

Hindi ‘yung pumapasok sila sa alanganin at ang tatapang pa na akala mo ay sila lang ang may karapatan.

Para sa kaalaman ng mga pulis, kung sila ay itinatalaga ng kanilang pamunuan ganun din po ang media. Itinatalaga rin kami ng aming mga bos¬sing para magkober.

Kaya dapat itong si Inocente ay isailalim sa seminar dahil hindi niya alam ang kanyang ginagawa.

O baka naman nagpapaka-Inocente lang siya at sinasadya niya para ipakita niya na matikas siya?

RD SINISISI SA PATUNG-PATONG NA TITULO

Maraming reklamo laban sa Register of Deeds (RD) dahil sa pagdami ng titulo ng lupa lalo na sa National Capital Region (NCR).

Lahat ng gustong magkaroon ng titulo o magparehistro ng titulo ng lupa ay tinatanggap nila na hindi nila inaalam ang mga dokumento na ipinapasok sa kanila kung peke o orihinal.

Kaya patung-patong na ang titulo ng lupa sa NCR.

Kahit na ministerial lang ang trabaho ng RD, dapat magkaroon sila ng malasakit sa tunay na mga may-ari ng lupa.

Lalo na ang mga lupain o ari-arian na napabayaan ng mga may-ari na naninirahan na sa ibang bansa.

Hindi yung kapag may nagpunta sa kanila (RD) na may perang inaabot sa kanila ay tatanggapin na nila ang mga dokumento na hindi inaalam kung ito ba ay peke o orihinal.

Ang nangyayari ay wala silang pakialam basta sila ay nagkapera na sa lumapit sa kanila.

Lagi nilang itanim sa kanilang isipin na ang “PUBLIC OFFICE IS A PUBLIC TRUST”.

Kung hindi sila pagkakatiwalaan, umalis na lang sila sa opisina ng gobyerno.

Sa private office na lang sila pumunta, tingnan natin kung magtagal sila kapag puro pagkakaperahan ang kanilang gagawin.

Palagay ko naman hindi papayag ang may-ari ng pribadong kompanya pag ganun ang kanilang ginawa.

Paging Sir Greco Belgica ng PACC, paki-lifestyle check po itong mga empleyado at opisyal ng RD para malaman kung saan galing ang kanilang mga yaman.

God Bless Us.

oOo

Pasabugin ang katiwalian isumbong sa BOMBAHAN NA! sa email joel2amongo@yahoo.com o magtext sa cel#0917-120-40-74.

Please follow and like us:
Read More

‘INOCENTENG’ PULIS SIBAKIN!

BOMBAHAN NA FINAL

HINDI dapat nagpulis itong si Capt. INOCENTE ng Quezon City Police District (QCPD) kung hindi niya alam ang kanyang trabaho.

Bakit nasabi ‘yan ng BOMBAHAN NA?

Noong nakaraang Mayo 12, 2019, hinuli ng mga tauhan ng QCPD ang mayoralty candidate na si Bingbong Crisologo dahil sa hinalang vote buying.

Dinala ito sa headquarters ng QCPD sa Camp Karingal, Sikatuna Village, Quezon City.

Natural lang dadagsain ng media ang pag-aresto kay Bingbong dahil kandidato siya.

Ika nga, sa aming mga media, malaking istorya ito dahil mayoralty candidate siya at kinabukasan eleksyon na.

Tinawagan ang BOMBAHAN NA ng Peryodiko Filipino Incorporated (PFI) bossing para ikober ang pag-aresto kay Bingbong.

Pagdating sa kampo ng QCPD ng BOMBAHAN NA kung saan dinala si Bingbong ay marami nang supporters sa labas ng gate nito na nagsisigawan pabor sa kanilang kandidatong hinuli.

Nakasara na ang malaking gate ng Camp Karingal at wala nang pinapapasok na media kabilang na ang BOMBAHAN NA.

Dahil hindi nabigyan ng pagkakataon na makapasok ang BOMBAHAN NA ay nag-interview na lang tayo kay Mel Chavez, isang broadcaster na tumatakbong senador sa ilalim ng Labor Party.

Lumapit itong INOCENTEng pulis at pinaaalis tayo habang nagi-interview at pinagtabuyan.

Ang sabi ko, “Bakit mo ko pinaaalis? Dapat nga pinapasok mo ko dahil may presscon daw sa pagkakahuli kay Bingbong, hindi mo ko dapat pinaaalis dito dahil trabaho ko to bilang media.”

Hindi tumigil itong si INOCENTE sa pagpapaalis sa atin hanggang sa kinampihan na siya ng iba pang pulis.

Pero nagmatigas ang BOMBAHAN NA na hindi umalis kaya nagyabang itong INOCENTEng pulis at talagang ipinakita pa niya ang kanyang pangalan na nakusalat sa kanyang uniporme.

Sa aking palagay, ang mga ganitong pulis na halatang hindi alam ang kanyang trabaho o baka sinasadya niya lang dahil may pinapanigan siyang kandidato, ay dapat inaalis na sa serbisyo kasi makasisira pa lalo ito sa imahe ng PNP.

Kung sila ay nagtatrabaho sa pagbabantay sa mga nagrarali na supporters ni Bingbong, ang BOMBAHAN NA ay nagtatrabaho rin para ikober ang nasabing kaganapan.

Sa pagkakataong ‘yun, wala po tayong pinapanigang politiko basta sa akin lang makakuha tayo ng istorya at pagtupad ko sa tungkulin bilang isang media.

Sana ganundin ang nasa utak nitong si INOCENTE.

Hindi na nga tayo nagpumilit makapasok sa Camp Karingal, pati ba naman ang pagi-interview ko sa labas ng gate ay pagbabawalan pa ako nitong INOCENTEng pulis.

Kung ikaw INOCENTE ka sa batas ay umalis ka na lang sa pagiging pulis kasi hindi mo alam ang trabaho mo.

Mag-alsa balutan na kayo ni Gen. Esquivel, hindi kayo nababagay sa QCPD.

Sinisira n’yo ang imahe ng QCPD na pinaganda ni Gen. Guillermo Eleazar. Di ba sir?

Adios! God Bless Us!

oOo

Pasabugin ang katiwalian, isumbong sa BOMBAHAN NA! sa email joel2amongo@yahoo.com o magtext sa cel#0917-120-40-74 (BOMBAHAN NA / Joel Amongo)

Please follow and like us:
Read More

BAHAAAA!

BOMBAHAN NA FINAL

UNANG Linggo pa lamang ng buwan ng Mayo ay nagsimula na namang umulan.

Kaya ang mga nakatira sa tabi ng mga sapa, ilog at creek ay nangangamba na naman.

Ang matataas na lugar na dating hindi binabaha ay nakararanas na rin ngayon ng pagbaha pagdating ng tag-ulan.

Isa na rito ang Novaliches na dating sinasabing probinsya ng Quezon City.

Ang Novaliches ay nasa Norte at dulong bahagi na ng Quezon City dahil nasa boundary na ng Valenzuela at Caloocan City.

Mabagal ang pag-angat ng Novaliches kung ikukumpara sa iba pang lugar ng Quezon City kaya naman minsan ay gusto nilang humiwalay sa siyudad.

Nagtangka ang ilang Novaleño na humiwalay sa Quezon City dahil maraming nagdaang administrasyon na umupong Mayor ay pinabayaan mang lugar na ito.

Ang Novaliches ang pinakamalaking lugar sa Quezon City at noong araw, ang ika-60 porsiyentong kabuuang kita (income) ng Quezon City ay nanggagaling dito.

Karamihan sa kita nito ay nagmumula sa mga pabrika dahil dito matatagpuan ang industrial subdivisions.

Dahil sa laki ng lot area at populasyon ng Novaliches ay nilagyan ito ng mini-city hall na matatagpuan sa Jordan Plains Subdivision, Brgy. Sta. Monica, Novaliches.

Pinamumunuan ito ng Secretary to the Mayor na si Mr. Tadeo ‘Tady’ Palma.

Makalipas ang matagal na panahon, ngayon unti-unti nang umaangat ang Novaliches.

Maraming establisimyento na ang itinatayo kaya naman kasabay nito ang naglalabasang mga problema. Tulad ng pagbaha, tuwing sasapit ang tag-ulan.

Ang Novaliches ay mataas na lugar sa buong Quezon City. Dati, hindi ito nakararanas ng pagbaha, ngayon lagi nang binabaha.

Bakit kamo? Dahil marami sa mga sapa, ilog at creek nito ay tinayuan ng mga gusali.

Kabilang sa mga ito ay ang itinayong gusali ng Honda Prestige sa may tulay na dinaraanan ng Tullahan River sa Quirino Highway, Novaliches.

Ang pagitan ng McDonalds at Nova Mall sa sentro ng Novaliches ay tinambakan ang sapa kaya tuluyan na itong nawala.

Tinambakan din at tinayuan ng gusali ang sapa sa may kanto ng Ramirez St. tagos sa may Susano St., Brgy. Novaliches proper.

Kaya naman hindi nakapagtataka na nung manalansa ang Bagyong Ondoy ay umapaw ang Tullahan River at binaha halos lahat ng parte ng Novaliches.

Babalik po ako sa nakaraan noong ako’y nasa elementarya pa sa dating Novaliches Elementary School na ngayon ay Susano Elementary School sa Brgy. Gulod, Novaliches. Dati ay nakaliligo pa kami sa Tullahan River.

Kaya tinawag itong Tullahan River dahil nakakukuha kami ng mga tulya noong araw rito.

Pero ngayon, ang makukuha na rito ay puro basura at dumi na nanggagaling sa mga nakatira sa paligid nito.

Tanong tuloy ng mga silipero kina Secretary to the Mayor Tady Palma, dating Rep. Annie Susano at QC District 5 Coun. Joe Visaya kung anong masasabi nila sa mga tinambakang ilog, sapa at creek sa may tulay sa Quirino Highway, Novaliches pagitan ng McDonalds at Nova Mall at sa dulo ng Ramirez St.?

Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danny Lim sir, sana masilip n’yo ang Novaliches para matingnan nyo kung anong ginawa nila sa mga daluyan ng tubig.

Kaya naman ang ganti ng Kalikasan ngayon ay baha tuwing umuulan.

Kaya ‘wag tayo magtaka tuwing umuulan kung ang Novaliches na dating hindi binabaha ay binabaha na ngayon.

Hindi masamang umunlad ‘wag lang sirain ang kalikasan.

Happy weekend, God Bless Po!

oOo

Pasabugin ang katiwalian, isumbong sa BOMBAHAN NA! sa email joel2amongo@yahoo.com o itext sa cel# 0917-120-40-74.

Please follow and like us:
Read More

PROBLEMA NATIN TAYO RIN ANG LULUTAS 

BOMBAHAN NA FINAL

WALANG ibang lulutas sa problema natin kundi tayong mga Pilipino mismo.

Tulad ng problema natin sa korapsyon, iligal na droga at peace and order.

Sa darating na Lunes, Mayo 13, 2019 midterm election na naman. Masusubok kung talagang gusto nating mabago o mawala ang korapsyon, iligal na droga at katahimikan ng ating bansa.

Magtulungan po tayo, piliin natin ang mga kandidatong matino at walang personal interest.

Hindi yung kaya siya tumakbo para magpayaman at magkaroon ng proteksyon sa kanyang mga negosyo at iligal na gawain.

Sabi nga ng mga silipero ng BOMBAHAN NA, walang karapatan ang taong naghahangad na maging maayos ang bansa natin kung hindi naman siya nakikipagtulungan o nakikiisa sa gawa.

Ibig sabihin ng BOMBAHAN NA, kung gusto nyo talagang magkaroon ng maayos, maunlad at tahimik na bansa makiisa kayo. Sa papaanong paraan?

Iboto niyo ang ma­tinong kandidato, walang bahid ng korapsyon at may malasakit sa kapwa niyang Pinoy.

Dahil eleksyon na naman, panay ang ikot ng mga lider ng mga kandidato.

Inaalam nila kung sino ang malalaking pamilya sa kanilang lugar.

Tatanungin ng mga ito kung ilan sa kanila ang mga botante, bakit kamo?

Para isa o dalawang araw bago ang eleksyon ay ibibigay na ang bayad para sa kanilang mga boto.

Mas malala pa sa mga lalawigan kung ikukumpara sa National Capital Region (NCR).

Bahay-bahay ang pinupuntahan ng mga lider ng kandidato para bayaran ang mga botante.

Kung ganyan ang ginagawa nyo na ibinebenta nyo ang inyong mga boto, ‘wag na kayong magha­nap ng kaayusan ng bansa natin.

Tanggapin nyo kung anung gagawin ng mga kandidatong pinagbentahan nyo ng inyong mga boto.

Kaya kung gusto natin na magkaroon ng pagbabago magkaisa po tayo, magkaroon tayo ng dignidad ‘wag natin ibenta ang ating kinabukasan sa mga kandidatong mapagsamantala.

Sabi nga, walang magbabayad ng boto, kung walang magpapabayad.

Dahil binayaran ang mga boto n’yo, walang silang utang na loob sa inyo.

Natural kung gaano kalaki ang kanilang ginastos para ipambili ng boto ninyo ay babawiin nila ito sa kaban ng bayan pag nanalo na sila.

Sino ngayon ang talo sa pagkapanalo ng pinagbentahan ninyo ng boto? Natural kayo ang talo at panalo ang politiko na bumili ng boto ninyo.

Rason ng nakararami kaya raw nila tinatanggap ang bayad ng kanilang mga boto kasi tuwing eleksyon lang sila nakikinabang sa mga kandidato.

Ika nga una at huling pakinabang nila.

Kasi nga tinatangkilik din natin ang kanilang kalokohan kaya sila nananalo at tayo ang may kasalanan kasi nagpapaloko tayo sa kanila.

Pero kung magkakaisa po tayong mga botante at panindigan natin na hindi natin tatanggapin ang kanilang bayad sa ating mga boto, malamang wala nang mangangahas sa kanila na mamigay ng pera tuwing eleksyon.

Sabi tuloy ng silipero ng BOMBAHAN NA, hindi puro salita lang kundi isagawa at manindigan laban sa katiwalian.

Gayundin ang iligal na droga, kaya lumala yan dahil may mga tiwa­ling opisyal ng gobyerno (politiko) ang mga protektor niyan.

Resulta, sa dami ng drug addict sa bansa natin, patayan dito, patayan dun, rape dito, rape doon.

Ngayon pagdating ng gabi sa tuwing naglalakad tayo, lagi tayong nag-aalala baka mabiktima tayo ng karahasan.

Nag-iisa lang ang Pilipinas, pag naging magulo ito, wala tayong pupuntahan kundi pagtiyagaan natin ito anomang nangyayari rito.

Para sa kaayusan natin at ikabubuti ng i­nang bansa, iboto ang mga bagong kandito. Ibasura ang mga politikong may bahid ng korapsyon.

Pagpalain po tayo ng Poong May Kapal. Amen.

oOo

Pasubugin ang katiwalian isumbong sa BOMBAHAN NA! sa email joel2amongo@yahoo.com o itext sa cel# 0917-120-40-74.

Please follow and like us:
Read More

PULONG DUTERTE GAMIT PA RIN NI ZANDER 

BOMBAHAN NA FINAL

HINDI pa rin natitinag si Alyas Zander. Patuloy pa rin niyang ginagamit ang pangalan ni Paolo “Pulong” Duterte para sa kanyang personal na raket.

Kamakailan, nailabas na natin sa BOMBAHAN NA na basang-basang na ang pangalan ni Pulong dahil sa paggamit ni Zander.

At hindi lang sa Bureau of Customs (BOC) ginagamit ni Zander ang name ni Pulong.

Maging sa Department of Agriculture at iba pang tanggapan ng gob­yerno.

Dapat siguro, personal na alamin ni Agriculture Secretary Manny Piñol kung gaano kakilala ni Pulong itong si Zander.

Sabihin na natin kilala siya ni Pulong pero hindi sapat yun para ga­mitin niya yung tao para sa personal niyang interes.

Lalo na sa pagkakaperahan, di po ba sir Pulong?

Ang asawa raw nitong si Zander ay isang customs broker.

Kaya wala raw makapalag sa asawa ni Zander sa BOC dahil kay Pulong.

Lakas ng loob at kapalmuks lang gamit ni Zander para yumaman siya.

MORENTE DAPAT PA BANG MANATILI SA BI?

MARAMING kapalpakan na lumabas ngayon mula sa mga empleyado ng Bureau of Immigration (BI).

Kaya naman tanong ng mga silipero ng BOMBAHAN NA, kelan daw maaalis si BI Commissioner Jaime Morente dahil sa command responsibility?

Sunod-sunod na may nahuhuling mga ahente ng BI na nangongotong sa mga dayuhan na pumapasok sa bansa.

Kamakailan, labing walong ahente ng BI ang nahuli sa Angeles City dahil sa pangongotong sa mga Koreano.

Milyun-milyong piso na ang nakulimbat ng mga damuhong ahente ng BI.

Kakahiya pinaggagawa ng mga ito, anak kayo ng mga ina ninyo! Sinisira nyo ang imahe ng Pinas.

Pati ba naman dayuhan na kumpleto sa dokumento ay hinuhuli ng mga tiwaling ahente ng BI.

Kasabwat ng mga tiwaling opisyal ng BI ang isang alyas Betty C, isang tsekwa rin.

Ang tawag sa kanya ay pinaganda pa, “facilitator” pero sa totoo lang fixer siya.

Buwisit kayo! Ang kakapal ng mga mukha ninyo!

Sobrang yabang pa ng mga ito pag dumadalo sa mga pagtitipon at ipinagyayabang nila na taga-Immigration sila.

Suhestiyon ng BOMBAHAN NA kay Presidential Anti-Corruption Commissioner (PACC) Greco Belgica, ipa-lifestyle check niya ang mga nasa gobyerno na alam nilang mga korap.

Banggitin na natin kay Comm. Belgica ang mga opisina ng gobyerno na dapat niyang ipa-lifestyle check ang mga empleyado.

Ang BOC, BIR, LTO, BI, DPWH at Regis­ter of Deeds (RD).

Bakit naisama natin ang RD? Kasi patong-patong na rin ang mga titulo ng mga lupa sa bansa.

BIR DIRECTORS BIKTIMA NG TUTOK GANG

Nabanggit na rin lang natin ang BIR, may sumingaw na isyu laban sa mga opisyal nito.

Partikular ang kanilang mga director.

Maraming regional director na raw ng BIR ang nabibiktima ng “Tutok Gang”.

Pag natutukan na ng sindikato ang direktor ay sinasamahan ito sa bahay at pinabubuksan ang kaha de yero nito na pinaglalagyan ng kanyang pera at kinukuha.

Beh buti nga sa inyo!

Hindi raw makapagpa-blotter sa pulisya ang mga direktor ng BIR na biktima ng “Tutok Gang” kasi nga naman maiimbestigahan sila kung saan galing ang kanilang yaman.

Totoo ngang may karma dahil ang mga tiwaling BIR director ay tinatamaan na.

Magaling maghanap ng address ang karma kaya kayong mga tiwa­ling opisyal ng gobyerno, kahit saan kayo magtago mahahanap din kayo.

Comm. Belgica sir, pakibusisi po ang isyung ito.

God Bless Po!

oOo

Pasabugin ang katiwalian, isumbong sa BOMBAHAN NA! sa email address joel2amongo@yahoo.com o kaya magtext sa 0917-120-40-74.

Please follow and like us:
Read More

ALYAS PESTONG NG COMELEC AT ANG UCC 

BOMBAHAN NA FINAL

MAS kilala na Alyas Pestong itong si TE, ang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) na nasa likod daw ng “political position for sale” tuwing eleksyon.

Ayon sa silipero ng BOMBAHAN NA, kilala sa tawag na Alyas Pestong ng mga kasamahan niya sa Comelec at maging ng kanyang mga kliyento itong TE.

Matagal na raw gawain ni Pestong ang paniningil ng sampung milyong piso (P10M) sa kanyang mga kliyenteng mayor kapalit ang panalo.

Natatandaan ko pa nang magkaroon ng eleksyon sa isang barangay sa Quezon City, galit na galit ang ilang botante dahil nawawala ang kanilang mga pangalan sa dating paaralan na kinalalagyan ng kanilang pol­ling precinct.

Kaya sa dismaya ng mga botante ay hindi na sila nagtiyaga, umuwi na lang sila at hindi na bumoto.

Kalaunan ay nalaman nila na nailipat ng ibang lugar ang kanilang polling precinct.

‘Yan ang kagagawan ng tropa ni Alyas Pes­tong.

Kaya naman kilalang-kilala si Pestong ng mga kandidato na gustong manalo.

Si Pestong ang su­misira sa kredibilidad ng Comelec.

Ano kaya ang masasabi ni Comelec Chairman Sherrif Abas sa pinaggagawa ni Alyas Pestong?

Sir, matagal na palang kliyente ni Pes­tong ang mga politiko sa Mindanao.

Papayag po ba kayo na madamay sa pinaggagawang alingasngas nitong si Pestong?

oOo

Mukhang nagagamit yata sa politika ang University of Caloocan City (UCC).

Bakit nasabi ‘yan ng BOMBAHAN NA?

Ipinarating po sa BOMBAHAN NA, ng magulang ng estudyante na gustong mag-aral sa UCC sa Caloocan City ang problema. Aniya, nang magtungo ang kanyang anak sa UCC ay kung anu-ano ang hini­hingi ng management ng eskwelahan bago siya makapag-exam.

Ganito ang nakasaad sa application form:

FYI: Application for 2019 Entrance Exa­mination Guidelines and schedules are posted below. Please be guided.

…….2019 Entrance Examination.

…….The University of Caloocan will now accept applicants for 2019 entrance examination starting February 26, 2019 in the following campuses:

……..UCC Edsa South: 9am-4pm; UCC Congress North: 9am-3pm at UCC Camarin North: 10am-3pm (Monday to Friday only).

Requirements for Examination Scheduling:

  1. FOR REGULAR COLLEGE FRESHMEN:
  2. Graduate of public/private SENIOR HIGH SCHOOL with diploma of completion;
  3. General Weighted Average of 81 or better for the latest grading applicable as reflected in the original F-138/grade report card.
  4. 4 pcs 2×2” ID pictures
  5. P100 exem fee
  6. NSO birth certificate.
  7. PHOTOCOPIES of all documents inside 1 long brown envelope (Bring original for authentication purposes only.(DO NOT SUBMIT ORIGINAL AT THIS POINT).

Ang mga ito ay normal na requirements sa mga eskwelahan maging pampubliko man o pribado.

Ang pinakamabigat at anti-poor na patakaran ng UCC ay ang nakapaloob sa “GENERAL ADMISSION CRITERIA” (Applicants must be a:)

  1. Registered voter of Caloocan City OR a child of registered voter of Caloocan City (Bring Voter’s ID/Voter’s Registration Record and original NSO birth certificate or;
  2. Child of real pro­perty taxpayer of Caloocan City (Bring latest tax declaration and receipt/mayor’s permit) or;
  3. Graduate of ele­mentary and/or high school in Caloocan City (Bring original diploma).

Isa-isahin po natin sa number 1, kailangan registered voter ng Caloocan ang magulang ng estudyante: Number 2, ang magulang ng estud­yante ay real property taxpayer ng Caloocan City at dalhin pa ang latest tax declaration and receipt/mayor’s permit at ang pangatlo ay graduate ang bata ng elementary o high school sa Caloocan.

Panggigipit at pagdadamot ang patakarang ito sa mga gustong mag-aral.

Paalala lang po sa ma­nagement ng UCC, ang paaralan ay pampubliko at wala nang tuition ngayon.

Ibig nyong sabihin balewala sa inyo ang pinirmahan ni Pangulong Duterte na batas na free tuition na ngayon sa government Colleges at Universities?

Tanong tuloy ng mga silipero, pag-aari ba ni Mayor Oca Malapitan ang UCC?

Sa kanyang bulsa ba ga­ling ang ginagamit na pera ng UCC?

‘Di po ba ang edukasyon ay para sa lahat?

‘Yan po ang nagkakaisang katanungan ng mga residente ng Caloocan City.

Pangulong Duterte, sa amin po ipinagkatiwala ng mga residente ng Caloocan ang kanilang karaingan sa inyo at para maiparating po sa inyo ang hindi makataong patakaran ng UCC.

Nanghihinayang po sila na hindi makapag-aral ang kanilang mga anak ngayong taon.

Sa ganitong patakaran ng LGU sa kanilang mga es­kwelahan, malinaw na pati ang pag-aaral ng mga bata ay nilalagyan nila ng politika.

Paano din magiging real property tax payer ng Caloocan City ang mahirap na pamilya e pagkain nga kinakapos pa sila?

Pag natapos na lang sa pag-aaral ng kanilang mga anak sila umaasa na makaaahon, mawawala pa.

Pero ang ginagawa ng mga politiko, pinahihirapan pa ang mga estudyante para sa kanilang requirements.

Lumang style na ‘yang panggigipit sa mga ordinar­yong tao.

Nagsalita mismo si Pangulong Duterte kamakailan sa Malabon City na kahit mahirap o taga-squatter lang ang Pinoy ay nakaaambag din sila ng tax sa pamamagitan ng pagbili sa grocery dahil kinakaltasan ito ng VAT.

Kayong mga local chief executive mahiya naman kayo, ‘wag nyong itratong pag-aari nyo na ang mga pampublikong paaralan sa inyong lugar.

Paano pala kung ang kalapit n’yong bayan ay walang eskuwelahan, hindi nyo papayagan na maka-enrol ang kanilang mga estudyante dahil hindi rehistrado sa inyong siyudad ang kanilang mga magulang at hindi real property taxpayer sa inyo?    Ngayon makikita na ni Pangulong Duterte kung ano ang pagtrato ng mga local chief executive sa kanilang consitutuents.

Tanong tuloy ng mga silipero ng BOMBAHAN NA! Sir, pag-aari ba ni Mayor Oca Malapitan ang UCC?

Kawawa talaga ang ordinaryong Pinoy laging api.

Pag may time, tumingin naman tayo sa ating pinanggalingan. Maigsi lang ang buhay at ang kayamanan ay hindi nadadala sa hukay.

oOo

    Pasabugin ang katiwalian, isumbong sa BOMBAHAN NA! mag-email joel2amongo@yahoo.com o kaya magtxt sa 0977-751-18-40 

Please follow and like us:
Read More

POLITICAL POSITION FOR SALE

BOMBAHAN NA FINAL

MISTULANG mamahaling sasakyan ang pagiging politiko ngayon dahil sa sistemang “political position for sale” na ginagawa ng ilang tiwaling opisyal ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon sa isiniwalat ng isang silipero ng BOMBAHAN NA!, sampung milyong piso raw ang pinakamababang bilihan ng bawat political position.

Nagsisimula sa municipal mayor, city mayor, vice governor, governor, congressman at senador.

Ang sampung mil-yon ay sa municipal mayor, mas mataas siyempre sa mga city mayor, vice governor, governor, congressmen at senador.

Ang nasa likod ng operasyon na ito ay may inisyal na TE, isa siyang opisyal ng Comelec.

Ang mamang ito ay magaling sigurong gumawa ng project noong nag-aaral pa.

Bakit kamo mga silipero? Kasi pati ngayon na nasa opisina na siya ng gobyerno ay kinahiligan niyang gawing project ang ibenta ang political position sa mga kandidato.

Sentro ng operasyon ni ‘Direk’ ay ang Zamboanga Peninsula na kinabibilangan ng Zamboanga del Norte at Sur.

Kaya natin tinawag na direk si sir, kasi magaling siyang umarte na parang artista.

Kayo na ang kumita ng sampung mil-yong piso mula sa kandidato, talo nyo pa ang artista.

Talo nyo pa si Dingdong Dantes. Sori sir, Dingdong naikum-para kita.

Kahit na magandang lalaki si Dingdong kung sa dami naman ng pera ni Sir TE ang tingin sa kanya ng mga chicks ay mas magandang lalaki siya kay Dingdong.

Ganito Sir ang operasyon nina TE, ang polling precinct na identified na hindi pabor sa kanilang kliyenteng politiko ay ililipat sa ibang lugar para malito ang mga nakalistang botante.

Ngayon, pag hindi nakita ang pangalan ng botante sa dating kinalalagyang polling precinct ay tatamarin na itong ­maghanap kaya hindi na siya makaboboto kaya uuwi na lang siya.

Panalo ang kliyente nila TE, di po ba sir?

Yan ang pagsisiwalat ng silipero ng BOMBAHAN NA!

Kaya pala sa maraming taon na pagkokober natin sa mga nagdaang eleksyon ay ordinaryong eksena na nawawala ang mga pangalan ng mga botante.

Tiwaling opisyal din pala ng Comelec ang nasa likod nito.

Ngayon Comelec, ngaw-ngaw kayo nang ngaw-ngaw na dapat ­maging malinis at walang dayaan ang eleksyon.

Ano ngayon ang masasabi niyo sa “political position for sale” na ito?

Dapat kumilos na ang mga kinauukulan ngayon dahil matagal na raw itong gawain ng damuhong opisyal na ito.

Limpak-limpak na ang salapi ng damuhong ito, palagay ko po pati ang kubeta nito ay may ­telebisyon na at may aircon pa para habang ­umiebak siya ay hindi siya pagpapawisan.

Isailalim na sa lifestyle check yan para malaman kung saan niya dinadala ang nakukulimbat na pera.

Kaya pala galit na galit si sir Sixto Lagare sa Comelec dahil hindi raw siya pinayagan na makatakbo bilang senador kasi wala siyang pera.

Wala kasi silang mapapala sa tao, di ba Sir Kit?

Kawawa naman ang lahi ni Juan.

Kelan pa kaya matatapos ang korapsyon sa bansa natin?

Happy Weekend! God Bless Po!

oOo

Pasabugin ang katiwalian, isumbong sa BOMBAHAN NA! mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o kay magtext cel# 0917-120-40-74 (Bombahan Na! / Joel Amongo)

Please follow and like us:
Read More

ELEAZAR NAGAGAMIT AT PANAWAGAN KAY ALBAYALDE 

BOMBAHAN NA FINAL

GENERAL Eleazar sir, I salute u! Mukhang nagagamit ata ang inyong pangalan at posisyon sir?

Bakit ko nasabi ‘yan sir?

Nitong nakaraang Easter Sunday may mga link/fanpage account na biglang pumasok sa aking Facebook account.

Ito ang pangalan ng account, general sir: “NCRPO Chief P/Maj. Gen. Guillermo Eleazar Supporters worldwide at NCRPO Chief P/Maj. Gen. Guillermo Eleazar UnofficialGroup.”

May disclaimer din sa isa sa mga account na ito na ganito ang sinasabi “wala itong pinagkaiba sa mga page ng pa­ngulo, ang gusto ko lang ay makatulong but if its against the law deactive (sic) ko itong group and page nato if someone can screenshot na ayaw ni idol eleazar ito ng PIO NCRPO.”

Alam po natin na hindi ito official page ni Gen. Eleazar dahil naka­lagay naman na unofficial group, ibig sabihin supporter lang ito ng magi­ting na heneral.

Pero sa tingin po natin ay may mali. Bigla siyang pumasok sa FB account ko na walang pahintulot.

Kaya naman nag-comment po tayo agad. Okey lang sana kung may pahintulot ni Gen. Eleazar ang page na nakapangalan sa kanya.

Sinagot po tayo ng isang Alfred Silim:” Yes sir delete nalang po.”

May alam si Alfred Silim sa page na nakapangalan kay Gen. Eleazar base sa kanyang sagot.

Payag ba kayo Gen. Eleazar na may guma­gamit sa inyong pangalan at posisyon?

Wala pa naman tayong ibang nalalaman na hindi magandang ginawa ang mga guma­gamit ng pangalan at posisyon ni General Eleazar.

Sana nga wala pa, kasi kawawa naman siya, wala siyang kaalam-alam na nagagamit na pala siya.

Maselan po ang posisyon ni Gen. Eleazar bilang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Awtoridad po siya, hindi siya ordinaryong empleyado ng gobyerno.

Payo lang po ng BOMBAHAN NA, dun sa gustong sumuporta at nagmamahal kay Gen. Eleazar ay hindi ganyan ang pamamaraan ng pagtulong ninyo sa kanya.

Hindi po politiko si Gen. Eleazar, unipormadong tao po siya ‘wag nyo pong lagyan ng pulitika ang kanyang posis­yon.

oOo

May panawagan kay PNP Chief Gen. Oscar Albayalde ang mga residente ng Calumpit at Pulilan, Bulacan, front lang daw ang sugalan ng batakan at bentahan ng iligal na droga sa mga lugar na ito.

Isang nagnganga­lang alyas Bonjing ang poste ng pergalan, dample 2 sa Brgy.  Cutcut at Inahon at ang may-ari ay si alyas Freddie.

At pagbaba naman ng tulay ng Calumpit, Bulacan malapit na sa Malabon City ay alyas Tetet Buclao ang nagmamay-ari ng sugalan. Bata ang kanilang poste o bantay.

Pati bata Gen. Albayalde ay ginagamit ng mga damuhong ito.

Ito pa General sir, sa Northville, Calumpit pa rin ay isang alyas Fe ang may-ari ng sugalan.

Sa Guiginto, Bulacan naman malapit daw sa Jollibee ang kanilang poste na si Beth at ang may-ari ay si alyas Lourdes.

Anong ginagawa ng provincial director ng Bulacan na si Police Col. Chito Bersaluna?

Mukhang natutulog sa pansitan si Bersaluna.

Kaya pala nagkalat ang illegal drugs sa Bulacan dahil ginagawang front nila ang iligal na pasugalan sa iba’t ibang lugar ng lalawigan.

Tiyak ng BOMBAHAN NA na ang mga parukyano ng mga pasugalan na ‘yan ay mga bata  dahil bakasyon ngayon sa eskwela.

Kawawa naman ang mga magulang nila na nagpapakahirap sa kanila para makapag-aral lang sila.

oOo

Pasabugin ang katiwalian, isumbong sa BOMBAHAN NA sa email address joel2amongo@yahoo.com o kaya magtext sa 0917-120-40-74  (BOMBAHAN NA! / JOEL AMONGO)

Please follow and like us:
Read More

BELGICA MAY MAGAGAWA KAYA KAY BETTY C? 

BOMBAHAN NA FINAL

MARAMING humanga sa tapang at determinasyon ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commisioner Greco Belgica laban sa mga kurap na empleyado at opisyal ng gobyerno.

Kasama sa humahanga sa kanya ay ang BOMBAHAN NA.

Lalo na nang mapanood natin ang kanilang press conference ka­makailan na kasama niya ang isang lawyer (Atty. Alegre) ng Bureau of Immigration at PIO na si Ma’am Dana Sandoval.

Pinag-usapan po nila ang ginawang pan­gingikil ng labing walong ahente ng Immigration sa mga dayuhang Koreano sa Angeles City kamakailan.

Milyun-milyong piso ang kinikil ng mga damuhong taga-Immigration na ito sa mga kawawang Koreano.

Kahit na kumpleto ang dokumento ng ilan sa kanila ay pinerwisyo pa rin ng mga tiwaling ahente ng Immigration.

At lumalabas na hindi lang isang beses ginawa ng mga ito. Ibig sabihin nasanay na sila sa kanilang gawain.

Hindi na nakuntento, inulit-ulit pa. Anak kayo ng mga ina ninyo!

Nakakahiya tuloy sa mga dayuhan, baka sabihin nila ganito pala kagarapal ang mga empleyado ng gobyerno sa Pilipinas.

Dapat pala sa inyo, bigyan kayo ng tig-iisang kurot ng mahigit isandaang milyong Pinoy.

Para makaganti man lang kami sa pagsira ninyo sa pangalan ng Pilipinas sa ginagawa ninyong pangingikil sa mga dayuhan.

Pakisilip nyo rin po Atty. Alegre, Ma’am Dana at sir Greco itong si alyas Betty C, isang Chinese daw ito.

Siya lang naman ang facilitator o fixer ng mga dayuhang tsekwa na gustong manatili sa Pinas.

Mayaman na raw itong si Betty C dahil sa dami na nitong naging kliyente na mga tsekwa.

Halimbawa na lang, sa bawat Chinese na aayusin ni Betty C ang dokumento sa Immigration ay sisingilin niya ng P100k hanggang P500k, yayaman nga siya.

Sabi nga ng mga silipero ng BOMBAHAN NA, sa rami na ng mga Chinese national sa Pinas siguradong yayaman nga si Betty C.

Ma’am Dana, may mga fixer na rin daw sa Press Office ng Immigration, totoo po ba yan?

oOo

Gunitain po natin ang Mahal na Araw.

God Bless Po! Amen.

(BOMBAHAN NA! / JOEL AMONGO)

Please follow and like us:
Read More

LUMAMBOT SA MOTORCYCLE CRIME PREVENTION ACT 

BOMBAHAN NA FINAL

MATAPOS ipakita ng motorcycle community ang kanilang sentimiyento laban sa Republic Act 11235 o mas kilala sa tawag na Motorcycle Crime Prevention Act, agad kumambyo ang administrasyon.

Marso 24, 2019 nang dumagsa sa kahabaan ng EDSA sa Quezon City ang libu-libong motorcycle rider para ipaalam sa gobyerno ang kanilang pagkadismaya sa batas na ito na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kamakailan.

Ibig sabihin, ayaw ng mga nagmomotor sa batas na ito na ang principal author ay si Sen. Richard Gordon.

Marami sa kanila ang nagpahayag ng pagkadismaya partikular kay Sen. Gordon.

Ayon sa mga silipero ng BOMBAHAN NA, na miyembro ng motorcycle community, perwisyo ang dulot sa kanila ng Motorcycle Crime Prevention Act (RA 11235).

Kaya naman nagkaisa sila at nag-ipon-ipon sa EDSA para iparamdam sa gobyerno na hindi nila gusto ang batas.

Sinasabi nila na iilan lang ang nagkasala sa batas (riding-in-tandem) tapos silang nakararaming nagmomotor sa pagpasok sa trabaho ang tatamaan ng batas.

Sinabi pa nila na dapat palakasin ang ‘police visibility’ sa lahat ng lugar para mabantayan ang mga gagawa ng krimen gamit ang motor.

Sa pagkakataong ito, nayanig ang Malakayang sa ginawang protesta ng motorcycle community. Agad nag-react si Pangulong Digong, sa katunayan ay nakipagpulong pa siya sa ilang grupo ng mga nagmomotor.

“I will try to convince the Land Transportation Office (LTO) to hang it,” pahayag ni Pangulong Duterte kamakailan.

Si Pangulong Duterte ay kilala ring mahilig sa motorcycle single noong mayor pa siya ng Davao City, ilang taon na ang nakalipas.

Bukod sa dobleng plaka na tinutulan ng mga nagmomotor ay sobrang taas din ang multa na nagkakahalaga ng P50,000 para sa mga lalabag nito.

Sobrang taas sabi ng Pangulo kaya may panukala siya mula sa dating P50,000 ay gawin na lamang P10k hanggang P15k ang multa.

“Pero sir, bakit hindi ba nakita ni Pangulong Duterte ‘yan bago niya pinirmahan ang panukalang batas?” tanong pa sa atin ng mga silipero ng BOMBAHAN NA!

“Tapos ngayon dahil umalma na ang libu-libong mga nagmomotor ay ipasususpinde ang batas?” tanong pa nila.

May punto ang mga silipero ng BOMBAHAN NA. Ibig sabihin kung hindi pala umalma ang mga nagmomotor ay tuluyan nang naipatupad ang batas nang walang sagabal.

Tama yan. Ipaglaban natin ang ating mga KARAPATAN, ‘wag tayong manahimik, magbantay at makialam dahil bandang huli tayo rin ang mapeperwisyo.

Ang suhestiyon lang po ng BOMBAHAN NA sa mga mambabatas ay ‘wag nyo naman po madaliin ang paggawa ng batas.

Isaalang-alang po natin ang kalagayan ng nakararami na maaapektuhan ng inyong mga panukalang batas.

Nauna nang naglabas ng artikulo ang BOMBAHAN NA bago pa man isagawa ang malakihang protesta ng mga nagmomotor sa kahabaan ng EDSA.

Ang opinyon po natin, sa halip na gumawa ng batas laban sa mga lehitimong nagmomotor ay kausapin sila kung papaano sila makatutulong para masugpo ang riding-in-tandem.

Gawin silang mga volunteer tulad ng ginawa ni Sen. Gordon sa SBMA matapos iwan ito ng mga Amerikano.

Alam ng BOMBAHAN NA kung gaano kagaling ang magiting na senador pagdating sa volunteerism, pero bakit dito sa mga nagmomotor ay sumablay siya?

God Bless Po! Happy weekend po sa ating lahat.

oOo

Para sa suhestiyon at reklamo, maaari po kayong mag-email joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cel #0977-751-18-40.  (BOMBAHAN NA! / JOEL AMONGO)

Please follow and like us:
Read More

PARKING FEE SA OMBUDSMAN KINATATAKUTAN NG COMPLAINANT 

BOMBAHAN NA FINAL

NAKARAMDAM ng pangamba ang isang miyembro ng prominenteng pamilya sa Que­zon City na complainant ng kaso na isinampa sa Ombudsman kamakailan.

Bakit kamo? Kasi may tumawag sa kanya na baka mabiktima raw siya ng tinatawag na ‘parking fee’ sa Ombudsman.

Hindi literal na bayad sa paradahan sa Ombudsman ang ating tinutukoy kundi parking fee sa mga kasong nakasampa sa anti-graft court.

Lalo na kapag ang kinasuhan ay kilalang tao at may pera na may kakayanan magbayad ng milyong pisong halaga ng ‘parking fee’.

Ibig sabihin, ang kaso ay patatagalin hanggang sa magsawa o kamatayan na ng defen­dant ang kaso na isinampa laban sa kanya.

Kundi man patagalin ang kaso dahil sa par­king fee na ibinayad ng kinasuhan ay pababain ang kaso.

Kung ang parking fee sa ordinaryong paradahan ay ang naniningil sa bayad ay ang parking attendant gayundin sa kalakaran sa Ombudsman, mayroon ding par­king attendant.

Siguradong tiba-tiba ang parking attendant ng mga kaso sa Ombudsman lalo na sa tuwing darating ang eleksyon.

Marami siyang kliyente pagdating ng eleksyon.

Marami sa mga kinasuhan ay natutulog sa Ombudsman ang kaso dahil sa ‘parking fee’ na usapin.

Marami rin naman ang nahahatulan pero kadalasan ay mababa lang ang parusa at pwede pang iapela.

Parang minahan din ng ginto ang Ombudsman dahil sa umiiral na par­king fee.

Kung milyong piso ang pagparada ng mga kaso sa Ombudsman, marami na rin ang naging mayaman dito.

Sa tagal nating pagko-cover sa Ombudsman bilang taga-media ay bihira akong makakita na ang nahahatulan ay nakapwesto pa.

Kadalasan, bumababa ang desisyon o parusa sa inireklamo makalipas ang limang taon pataas.

Makikita rin sa press release ng Ombudsman ang hatol sa inireklamong tiwaling opisyal ng gob­yerno ay ‘dismissal from the service’.

Paano mo siya idi­dismis sa serbisyo kung wala na siya sa pwesto?

Ayaw sana maniwala ng BOMBAHAN NA sa isyu ng parking fee sa Ombudsman kaya lang duda tayo.

Bakit ganun ang kanilang ibinababang hatol sa mga nagkasala ng paglustay ng pera sa gobyerno?

Hindi pa huli ang lahat, magtulungan po tayong bantayan ang mga tanggapan ng gobyerno na alam nating may katiwalian.

God Bless Po!

oOo

Para sa reklamo at suhestiyon, mag-email joel2amongo@yahoo.com o kaya magtext sa 0977-751-18-40. (BOMBAHAN NA! / JOEL AMONGO)

Please follow and like us:
Read More

LTO REGION 3 ENFORCER, BIYAHERO KILLER? 

BOMBAHAN NA FINAL

MATINDI pala ang ‘gawaan’ ng pera ng mga enforcer ng Land Transportation Office (LTO) sa Region 3.

Maraming biyahero ng agricultural products na nanggagaling sa North Luzon ang napeperwisyo ng mga damuhong ito.

Hindi lang mga produkto ang kinokotong ng mga ito sa mga biyahero kundi pati pera.

Kaya pala tumataas ang presyo ng mga gulay, isda, itlog, karne at iba pa dahil sa mga mokong na ito.

Kala ko miyembro lang ng Philippine National Police (PNP) ang gumagawa nito? ‘Yun pala pati ang mga taga LTO na rin.

Kaya hindi nakapagtataka kung bakit mataas na ang presyo ng mga bi­lihin pagdating sa Metro Manila kasi binabawi ng mga negosyante ang kanilang ginastos.

Nariyan na ang LTO, pulis, baka naman pati Local Government Unit (LGU) na dinadaanan ng mga biyahero ng produkto ay nakikihingi rin?

Tawagan natin si Mang Mario, aka Kalkalero ng LTO para ipaalam niya kay LTO Region 3 Director Ed de Guzman ang ginagawa ng kanyang mga enforcer.

Sir Ed, baka nalulusutan po kayo ng inyong mga tauhan ‘pag nalaman ni Pangulong Rodrigo Duterte ‘yan hindi siya matutuwa.

Piniperwisyo ng mga tauhan n’yo ay ordinaryong biyahero ng mga produktong gulay, isda at iba pa na galing sa mga sakahan patungo sa kabihasnan para mapakain ng mga magsasaka ang milyong Pinoy na nasa Metro Manila.

Payo lang po sir Ed, disiplinahin n’yo mga tao n’yo dahil pag nagpatuloy sila sa kanilang ginagawang kapalpakan walang maniniwala na hindi kayo nakikinabang sa kanila.

Tatlong itlog ang tawag sa kanila ni Mang Mario sila ay sina Mac R., Gle T. at Arn A.

Notoryus daw ang tatlong ito sir Ed. Sila ang mga “Biyahero Killer”.

“Sir, inaabuso nila ang kabaitan ni Dir. De Guzman,” bulong pa ni Mang Mario sa BOMBAHAN NA.

Hayaan mo Mang Mario, ibubulong ko rin kay Dir. De Guzman ang binulong mo sa akin.

oOo

Sino naman itong sina Homer Quiroz, Nestor Rodriguez, Christopher Da Jose, Kristofferson Canlas, Lawland Malaca, Oliver Barrientos, Raul Feliciano, Donie Na­varette, Teofilo Cruz, Jerome Pamintuan, Vincent Louie Basilio, Efren Alfonso at  Benjie Cortez, pasaway rin ba sila?

Ipakalkal natin kay Mang Mario ang gawain nila kung maayos silang magtrabaho.

Mang Mario, galing daw ang mga ito sa SBMA LTO Satellite Office sa pamumuno ni Lito Calingo?

Sir Ed, gaano katotoong ang Nueva Ecija LTO ay ma­rami ring kalokohan?

Mag-ingat po kayo baka makarating yan kay Pangulong Digong at magkaroon siya ng suprise visit sa LTO Region 3 tulad ng ginawa niya kamakailan sa main office ng LTO sa East Avenue, Quezon City.

Mahilig pa naman sa surprise ang Pangulo para maaktuhan niya kung anong pinaggagawa ng mga empleyado ng gobyerno.

Napapansin n’yo ba na sa tuwing nagkakaroon ng speech si Pangulong Digong sinasabi niya lagi sa kapwa niyang naglilingkod sa gobyerno na ayusin ang trabaho?

Ibig niyang ipakahulugan na ang ‘public office is a public trust’.

Kung hindi kayo mapagkakatiwalaan ‘wag na kayong pumasok sa opisina ng gob­yerno, magtayo na lang kayo ng sarili n’yong kompanya para kayo ang nasusunod.

Para sa reklamo at suhestiyon, maaari po kayong mag-email joel2amongo@yahoo.com o kaya magtext sa cel# 0917-120-40-74. (BOMBAHAN NA! / JOEL AMONGO)

Please follow and like us:
Read More

MATULAD KAYA SI GUERRERO KINA LAPEÑA AT FAELDON SA BOC?

BOMBAHAN NA FINAL

MARAMING miyembro ng ‘pederasyon’ ang tumaas ang kilay, barbero, kalkalero ng LTO at riders community na katuwang ng BOMBAHAN NA sa mga pasabog.

Tinutukoy po natin ang isyu ng pagkakadiskubre ng mahigit sa isang bilyon pisong shabu sa Manila International Container Port (MICP), North Harbor, Manila kamakailan.

Natanong tuloy nila ang BOMBAHAN NA, “Sir ano kaya ang magiging kapalaran ni BOC Commisioner Rey Leonardo Guerrero, matulad kaya siya kina Isidro Lapeña at Nicanor Faeldon na nasibak sa Customs dahil sa kontrobersyal na shabu?”

Kung natatandaan ng ating mga silipero sa BOMBAHAN NA na kamakailan may nadiskubreng iligal na droga sa isang container sa MICP na naglalaman ng mahigit isang bilyong piso.

Ang kontrabando ay galing ng Vietnam, subalit sinabi naman ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) na ang orihinal na pinanggalingan nito ay mula sa China.

Sa isyung ito, agad nag-isip ang mga katuwang ng BOMBAHAN NA na masibak din kaya si Gen. Guerrero sa BOC tulad kina Lapeña at Faeldon?

Ang masasabi lang po ng BOMBAHAN NA sa mga katuwang natin sa pasabog at silipero ay nakasalalay kay Pangulong Digong ang kapalaran ni Gen. Guerrero.

Malaki rin po ang kaibahan ng isyu kina Lapeña, Faeldon at kay Gen. Guerrero pagdating ng pagkakadiskubre ng iligal na droga.

Kay Gen. Guerrero ay nadiskubre agad na hindi pa nailalabas sa Aduana.

Kay Faeldon ay nadiskubre na nailabas na sa Aduana at nakita na sa isang warehouse sa Valenzuela City.

Samantalang kay Lapeña ay nadiskubre sa isang warehouse din sa Cavite at wala nang laman ang magnetic lifters na pinaglalagyan.

Ang isyu kina Lapeña at Faeldon ay nakarating pa sa Kongreso.

Hindi po natin ipinagtatanggol si Gen. Guerrero sa isyung ito, sinasabi lang po natin ang katotohanan.

At mas lalong hindi natin sinasabi na sina Lapeña at Faeldon ay may kinalaman sa bilyon pisong shabu na naipuslit sa Aduana ng mga sindikato.

Pati pangalan ni Polong Duterte ay nakaladkad sa isyu ng shabu na nadiskubre sa warehouse sa Valenzuela at sa panahon ni Faeldon sa BOC.

Ngayon mapatutunayan natin kung anong kaibahan ng pamumuno nina Lapeña, Faeldon at Guerrero sa BOC.

Ang tatlong magigiting na opisyal ng BOC ay pawang mga nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) na pinagkatiwalaan ni Pangulong Digong na mamuno sa isa sa pinakakurap na ahensya ng gobyerno.

Sina Lapeña at Faeldon ay nasibak dahil sa isyu ng iligal na droga.

Kaya kay Gen. Guerrero ay maraming nag-aabang kung ano ang magiging kapalaran niya sa Aduana.

Sa usapin ng tukso pagdating sa pera ay ang BOC ang nangunguna kaya hanggang sa ngayon ay hindi mawala-wala ang isyu ng “tara”.

Ito kasi ang pintuan ng negosyo ng Pilipinas mula sa ibang bansa.

Payo lang po sa magiting na komisyuner ng BOC na dating militar mula sa BOMBAHAN NA ay mag-ingat po kayo sa nakapalibot sa inyo dahil baka hindi ninyo alam ay nagagamit na ang pangalan ninyo.

Lalo na po General Guerrero sa usapin ng green lane na ‘yan.

Baka kaliwa’t kanang pumasok sa mga pwerto ng bansa ang iligal na droga.

Pagpalain po tayo ng Poong Maykapal. Amen. (BOMBAHAN NA / JOEL AMONGO)

-30-

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email joel2amongo@yahoo.com o magtext sa cel# 0917-120-40-74.

Please follow and like us:
Read More

ALYAS ZANDER GINAGAMIT ANG PANGALAN NI POLONG DUTERTE? 

BOMBAHAN NA FINAL

‘BASANG-BASA’ na si Paolo “Polong” Duterte dahil sa paggamit sa kanyang pangalan ng ilang tao.

Isa umano sa mga gumagamit sa pangalan ni Polong ay si alyas Zander.

Hindi lang sa Port of Subic kundi maging sa Port of Manila ang area of activities nitong si Zander.

Broker daw ang asawa nitong si Zander.

Sino ba namang kakasa kay Zander kung si Polong nga naman ang kapit nya?

Kayo na ang maging Zander, mas may titikas pa ba sa kanya sa Aduana?

Ang problema lang kung totoo nga bang may basbas kay Polong ang ginagawa niya.

Kawawa naman ‘yung tao kung hindi niya alam na nagagamit na pala ang kanyang pangalan.

Tuwing may umuupong presidente sa Pilipinas may mga gumagamit talaga sa pangalan ng mga anak o kaya mismong pangalan ng pangulo.

Bakit hindi kayo maghanapbuhay nang maayos para hindi nyo na kailangan pang gumamit ng pangalan ng mga nakaupo sa gobyerno?

Lumaban kayo nang parehas, bakit kailangan nyo pang magkaroon ng kapit? Para makagawa kayo ng iligal?

Ang paggamit sa pangalan ng anak ng presidente ay panlalamang sa kapwa negosyante o sa ordinaryong tao para maging Very Important Person (VIP) din ang trato sa inyo?

Sino nga naman ang sisita sa kontrabando mo kung pangalan ni Polong ang ginagamit mo?

Siyempre walang maglalakas ng loob magsumbong sa first family na ginagamit ang pangalan ni Polong ng isang broker sa Customs.

Kaya pinagkatiwalaan nila ang BOMBAHAN NA na pagsumbungan nila para maiparating kay Polong at mismo kay Pangulong Digong ang name dropping na ginagawa nitong si Zander.

Palasak na ang ganitong gawain ng tao para makapanlamang sila lalo na pagdating sa negosyo.

Maraming tao na ang kumita sa ganitong klaseng diskarte.

Matibay na basehan ng BOMBAHAN NA ang isinusulong na Federalism ng gobyerno.

Kaliwa’t kanan ang gumamit nito para lang magpapansin kay Pangulong Digong.

Kunwari gagawin ng grupo ay magpapanggap na ang kanilang isinusulong ay Federalism ‘yun pala gusto lang magkaroon sila ng donors.

Magpapagawa ng Identification card (ID), T-shirts at kung anu-ano pa para ibenta sa kanilang mga miyembro sa mataas na presyo.

‘Pag kumita na ang nasa likod ng grupo, bigla na lang mawawala ang mga bumubuo nito.

Kaya kahit anong pagsisikap ni Pangulong Digong na gumanda ang kalagayan ng mga Pinoy ay mayroon pa talagang gumagawa ng kababalaghan na nakasisira sa kanyang administrasyon.

At siyempre, sasakyan na ang isyu ng mga kalaban niya sa politika.

Ang ikagaganda ng bansang Pilipinas ay nasa mamamayan din nito hindi lang sa mga nakaupo sa gobyerno.

Maging sa mga negosyante, lumaban kayo nang patas, magbayad kayo nang tamang buwis at ‘wag kayong gumamit ng pangalan ng anak ng presidente o kahit sinomang miyembro ng pamilya nila.

Si Polong ay tumatakbo ngayong kongresista sa Davao  City at walang kaalam-alam na muling malalagay sa kontrobersya ang kanyang pangalan.

‘Di ba mga sir, Jim Regis at Brian Lim?

Minsan na kasing nalagay sa kontrobersya ang pangalan ni Polong nang masabat ang shabu sa isang warehouse sa Valenzuela na nakalagay sa magnetic lifters at nailabas mula sa Customs na sinakyan naman ng mga kalabang politiko ni Pangulong Duterte.

Ngayon, ito na naman, may gumagamit sa pangalan ni Polong.

Maghanda kayong mga gumagamit sa pangalan ni Polong sa hagupit sa inyo.

God Bless Po, Amen. (BOMBAHAN NA! / JOEL AMONGO)

oOo

Para sa reaksyon at reklamo mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o kaya magtext sa CP #0917-120-40-74

Please follow and like us:
Read More

BENTE-BENTE PARA SA MMDA BUS DISPATCHING AREA?

BOMBAHAN NA FINAL

ABAY, simple lang kung kumana itong mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa bus dispatching area sa Navotas.

Baki kamo? Bawat bus daw na aalis sa dispatching area sa Navotas ay hinihingian ng bente (P20) para daw sa mga taga-MMDA na nangangasiwa nito.

Gagawa at gagawa talaga ng paraan ang mga tiwali kung papano sila kikita.

Nung araw bago pa lang ang UV express kung tawagin pa nila ay FX ay bente-bente lang ang kanilang singil sa mga pasahero.

Sa pabente-bente ng FX ay tumagal sila at lalo pa silang dumami ngayon at ang tawag na sa kanila ay UV express na.

Ibig sabihin kumikita sila sa pabente-bente lang kaya sila tumagal.

Mabalik tayo sa bus dispatching area sa Navotas sa pabente-bente na kanilang hinihingi sa bawat bus na lalabas riyan sa bus dispatching area na yan ay makakaipon sila ng malaking pera.

Halimbawa na lang may 300-bus x P20 equals P6,000 na yang tumatagingting sa loob ng isang araw.

Ang pabente-bente na yan ay walang resibo, abay alam na kung saan napupunta yan.

Kung yan ang kalakaran ng bus dispatching area sa Navotas malamang ganun din ang nangyayari sa iba pang lugar.

Magkano kaya ang nakakarating nyan kay MMDA Chairman Danny Lim?

Kung hindi nakakarating kay General yan, abay! sinong mapangahas na MMDA official ang nagpapakulekta nito?

Isang araw pa lang yang 6k na yan General muli nating i-times yan sa 30-araw o isang buwan resulta 180k na.

Muli nating i-times yan sa 10 bus dispatching area sa buong Metro Manila, lumalabas P1.8M sa isang buwan, saan pa kayo makakahanap ng P1.8M buwan-buwan?

Sa bus dispatching area na. Boundary na agad si sir.

Simple lang si sir, kung kumita sa pabente-bente lang abay, may P1.8M na siya sa loob ng isang buwan.

Sabihin na lang natin ang 800k sa mga kolek­tor ni sir, may matitira pa sa kanyang P1M na pang-chicks nya.

“Baka mayroon pa yan sir sa mga nakakalat na traffic constable nila sa Metro Manila?”

Kalkalin mo nga Mang Mario aka Kalkalero ng LTO nang ipahagupit natin yan kina Maam Celine Pialago, PIO ng MMDA at Chairman Danny Lim.

Alam kung hindi kukunsitihin ng dalawang magagaling na opisyal ng MMDA ang ganitong klaseng gawain.

Kahit na pabente-bente lang yan ay kurapsyon pa rin yan at pag-naipon yan ay malaki rin ang halaga.

Ang sumbong pa sa BOMBAHAN NA ay ipa-entrap na lang kasi hindi raw titigil ang mga ito pag inilabas lang sa media.

Magpapahinga lang daw sandali sa pangungulekta pag lumamig na ang isyu ay mu­ling babalik sila sa dating kalakaran.

Kung baga sa mga jeep ito ay ‘butaw’ na naging kalakaran na napupunta daw kay sir.

Sinong sir kaya ito sa MMDA?

Alamin mo Mang Mario, para hatawin ni Gen. Danny yan.

Atapang a lalaki yan si Gen. Danny baka hindi nyo alam galing Marines yan.

God Bless Us! (BOMBAHAN NA! / JOEL AMONGO)

oOo

Para sa suhestiyon at reklamo ay mag-email joel2amongo@yahoo.com o kaya magtext sa 0928-780-08-36

Please follow and like us:
Read More

UNITY RIDE VS MOTORCYCLE CRIME PREVENTION ACT (RA 11235) 

BOMBAHAN NA FINAL

SAMPUNG libong motorcycle riders ang dadagsa sa EDSA People Power Monument sa Marso 24, 2019 para ipakita ang kanilang pagkadismaya sa ipinasang Republic Act 11235 o mas  kilala sa tawag na Motorcycle Crime Prevention Act.

Sobra ang pagkadismaya ng riders community sa batas na ito.

Bakit daw sila ang pinag-iinitan ng mga awtoridad at ni Senador Richard Gordon?

Si Sen. Gordon ang naghain ng Motorcycle Crime Prevention Act na pinirmahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan kaya tuluyan na itong naging batas.

Ika nga, wala nang atrasan. Sa ayaw at sa gusto ng riders community ay ipatutupad na ang batas para gawing dalawang plaka ang motor na single.

Sabi ni sir Rena Lopez, aka RL, isang rider at kapatid din sa hanapbuhay nang magkakwentuhan kami na delikado ang plaka sa harapan ng motorsiklo dahil posible itong lumipad sa mukha ng rider.

At sa kanyang pag-iikot sa iba’t ibang riders community talagang tutol ang mga ito sa naipasang batas lalo ang paglalagay ng dalawang plaka.

Lalo ang Luzon Motorcyclists Federation Incorporated (LMFI) sampu ng kanilang mga opisyal na sina Wawi Villanueva, presidente (Bicol Steel Bikers); Edwin Cua, vice president (Suzuki Big Bikers); Love-Love Tioseco, secretary (Lawin Motorcyclist Club, Road Runners Pampanga); Ernest Galvez, treasurer, (Pinoy Ninja) sigurado silang darating sa EDSA People Power Monument sa Marso 24, 2019.

Posibleng lumagpas pa ng sampung libo ang dumating sa EDSA dahil walang rider na pumabor sa pagpasa ng batas na ito dahil ang alam nila, laban ito sa kanila.

Hinanakit nila, hindi man lang sila naimpormahan sa pagbalangkas ng R.A. 11235.

Nabigla na lang sila nang pirmahan na ni Pangulong Digong para maging ganap na batas.

Sabi nga ni Mang Tonyong Barbero, pinaspasan ang pagpasa ng batas.

Totoo po ba ‘yan Sen. Gordon na hindi ninyo inimpormahan ang riders community sa pagbalangkas ng inyong inihaing panukalang batas?

Magsasama-sama ang small at big bikers para sa iisang layunin sa mahigpit nilang pagtutol sa batas laban sa mga nagmomotor.

“Hindi kami mga kriminal para itrato kaming mga kriminal,” anila.

Hindi rin daw nila kasalanan na may riding in tandem na pumapatay at kadalasan ay hindi pa nareresolba ang kaso.

Iyan, PNP Chief Oscar Albayalde ang hinanakit ng riders commnunity.

Kapag ang usapin ay sa kriminalidad, babalik tayo sa mga awtoridad.

May intelligence group pa ba ang pulisya? May motorcycle unit pa rin ba sila? Bakit hindi nila tapatan ang riding in tandem?

Sa pagpasa ng Motorcycle Crime Prevention Act (R.A. 11235) ay parang inamin na rin ng gobyerno na mahina talaga ang mga awtoridad pagdating sa pagresolba ng riding in tandem sa bansa.

At kung may gagastusin din lang ang gobyerno sa implementasyon ng batas na ito, dapat ibinigay na lang sa PNP para ibinili ng maraming single motorcycle na siyang tutugis sa riding in tandem.

Tapatan ng motorcycle unit ng PNP ang riding in tandem.

Ang tanong, bakit malakas ang loob ng riding in tandem na pumatay?

Wala kayang koneksyon ang mga ito sa pulisya mismo?

Hindi kaya sila’y mga dating pulis na nawala sa serbisyo?

May suhestiyon po ang BOMBAHAN NA kay sir Oca, paki-check nyo po sa inyong listahan ng mga nasibak na pulis at paki-monitor na rin po sila kung anong pinaggagawa nila ngayon.

Kaya sila nasibak sa serbisyo ay dahil sa kalokohan nila, kaya mas lalo sila ngayon magwawala dahil naalis na sila sa ika nga’y chain of command ng PNP.

Sa tingin ng BOMBAHAN NA, hindi tama na iilan lang ang nagkamali pero marami ang mga maaapektuhan ng batas na ito.

Hindi naman talaga kasama sa riders community ang riding in tandem dahil kaya lang sila nagmomotor ay para pumatay.

Kaya tama lang na tapatan din ng motorcycle group ng PNP ang riding in tandem para sila na ang maghabulan sa kalsada.

Mas maganda kung ginawang katuwang o volunteer ng gobyerno ang riders community laban sa riding in tandem.

‘Di kaya naisip ‘yun nina sir Oca?

Matalino si Sen. Gordon, kaya lang naisip niya kaya ‘yun na ang pagpasa ng Motorcycle Crime Prevention Act ay isang pag-amin ng gobyerno na hindi kaya ng mga awtoridad ang problema sa riding in tandem?

Hindi rin nakaligtas sa mga rider ang anila’y pagkukunwari ni Senador JV Ejercito. Hindi kasi sila naniniwala na totoong may malasakit sa kanila ang senador dahil isa ito sa pumirma pabor sa RA 11235.

Anlagay ba, hindi alam ni Senator JV kung saan siya papanig, sa anti-RA 11235 o sa pro?

Binibigyan po natin ng pagkakataon na magpahayag ng kanilang panig sa espasyong ito sina Sen. Gordon at Sen. JV Ejercito.

Sa BOMBAHAN NA po ipinagkatiwala ang hinaing ng riders community sa gobyerno.

Umaasa sila na makarating kay Pangulong Digong ito. (BOMBAHAN NA! / JOEL AMONGO)

oOo

Para sa suhestiyon at reklamo ay maaari po kayong mag-email joel2amongo@yahoo.com/0928-780-08-36

Please follow and like us:
Read More

PABOR BA KAYO SA BITAY O HINDI? 

BOMBAHAN NA FINAL

PAG-USAPAN natin ngayon kung pabor po ba kayo o hindi sa parusang bitay.

Simula nang magkaroon ng insidente ng mga kasong rape at pinapatay pa ang mga biktima ay lumakas na naman ang panawagan para ibalik ang parusang bitay.

Lalo na ang panggagahasa sa 16-anyos na babae sa Lapu-Lapu City, Cebu kamakailan na kinatay na parang hayop ng mga suspek.

Binalatan pa raw ang mukha ng biktima at tinanggalan ng kanyang laman-loob.

Diyos ko po, anong klaseng mga tao ang gumawa nito? Ano kaya ang iniisp nila habang ginagawa nila ito?

Kung sa pamilya ko mangyari ‘yan lahat ng klaseng pagganti ay gagawin ko sa mga suspek.

Ganun ang mararamdaman nating lahat kung sa pamilya natin mangyari ‘yan.

Himay-himayin po natin ang usapin sa bitay.

Magsimula po tayo sa lumang tipan sa banal na kasulatan (Biblia).

Matagal naging ali­pin ang mga Israelita sa bansang Egypt, lahat ng klaseng pang-aalipusta ay dinanas ng mga tinawag na ‘chosen people’ ng Panginoon.

Ipinanganak si Moises na isang Israelita na muntik pang mapatay dahil sa pagkapanganak sa kanya ay inutos ng hari ng Egypt na patayin lahat ang mga bata.

Hindi siya napatay dahil gumawa ng paraan ang kanyang mga magulang na ipinaanod sa ilog at nakuha ng Prinsesa ng Egypt.

Sa madali’t sabi, inampon siya ng Prinsesa hanggang sa lumaking matapang, mabait at maawain sa kapwa.

Ibig sabihin talagang maka-Diyos si Moises.

Siya ang ginamit ng Panginoon na iligtas ang mga Israelita sa mga kuko ng malupit na Egyptian pharaoh.

Naglakbay sina Moises ng milya-milya para lang marating ang lupang pangako, ayon sa kautusan ng Panginoon.

Nakipaglaban sila sa mga kaaway na humaharang sa kanila para lang matupad ang plano ng Panginoon sa kanila.

Sa madali’t sabi pinayagan sila ng Panginoon na pumatay para sa kanilang kaligtasan.

Kung naaayon ba sa batas ng Panginoon na ibalik ang bitay sa Pilipinas, bakit hindi?

Kung ang pagkakaalam ng mga mambabatas na maililigtas ang nakararaming kababaihan sa bansa ay ituloy nila ang bitay.

Sa pagkakataong ito ay pinag-uusapan ang pagbabalik ng bitay sa Pinas dahil sa mga pangyayari ng panggagahasa sa inosenteng kababaihan.

Timbangin po natin ang pagbabalik ng bitay, kung magdudulot po ba ito ng takot sa mga gumagawa ng karumal-dumal na krimen sa bansa.

Busisiin po nating mabuti kung naaayon ba ito sa batas ng Panginoon o dahil lang sa galit natin sa mga gumagawa ng karumal-dumal na krimen.

Ugatin din po natin kung bakit nagagawa ito ng mga suspek.

Anong dahilan, iligal na droga na naman ba?

Sa pangyayaring ito, ang sisi ay sa mga tagapagpatupad na naman ng batas (pulis, NBI, militar at iba pa) tatama.

Sabi nga nina Mang Ton­yong Barbero, Mang Mario Kalkalero ng LTO at iba pang katuwang ng BOMBAHAN NA sa pagbabalita ay natutulog sa pansitan ang mga awtoridad kaya nalulusutan ng mga kriminal.

May tama sila, ‘pag wala ang pusa, malayang nakapaglalaro ang daga.

Saan ang ‘police visibility’? Saan ang ‘To serve and protect’?

Saan kayo sa mga oras na nire-rape at kinakatay ng mga kriminal ang 16-anyos sa Cebu? Saan kayo nung mga oras na pinagbabaril si Crisell Beltran, brgy. chairperson ng Brgy. Bagong Silangan, Que­zon City?

Tinaasan na ang inyong mga suweldo ni Pangulong Digong Duterte tumbasan n’yo naman ng magandang serbisyo!

Gamitin n’yo ang inyong mga talino sa imbestigasyon at intelligence group n’yo nang hindi kayo nalulusutan ng mga daga (kriminal).

Kaya minsan, naisip ko na sa panahon ngayon pag ang pusa ay nakakita ng daga na malaki ay hindi niya ito pinakikialaman, siguro natatakot din siya kasi malaki nga.

Pero hindi dapat ganyan ang pananaw ng ating mga awtoridad, maging malaking tao ka man o ordinaryo ay ipatupad ang batas nang tama, walang sinisino at pinipili.

Sa mga politiko naman, ‘wag n’yo na sakyan pa ang isyu ng bitay ngayong panahon ng eleksyon para lang mapansin kayo ng mga botante saka na kayo gumawa ng batas na mas maganda ‘pag kayo na ay nakaupo na.

Walang ibang makareresolba sa problema ng Pilipinas kundi ang mga Pilipino lang.

Pabor po ang BOMBAHAN NA na ibalik ang Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa mga paaralan. Sa bitay? Hindi po.

Kasi po nakalagay sa Biblia na kahit anong ating kasalanan ay patatawarin tayo ng Panginoon kung hihingi tayo ng tawad sa kanya.

Paano ka pa makahihingi ng tawad at magbagong buhay kung ikaw ay patay na?

God Bless Us, Amen. (BOMBAHAN NA!/JOEL AMONGO)

oOo

Para po sa inyong mga suhestiyon at reaksyon, maaari po kayong mag-email joel2amongo@yahoo.com

Please follow and like us:
Read More

UNDOCUMENTED FOREIGNER, P1OOK ANG AREGLUHAN SA IMMIGRATION? 

BOMBAHAN NA FINAL

PINALALAMIG daw muna na parang ‘bahaw’ bago gawan ng press release o istorya ang mga nahuhuling ‘undocumented foreigner’ (alien) ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay Mang Ton­yong Barbero, itinimbre sa kanya ng isang insider habang nagpapagupit sa kanya ang kalakaran sa mga dayuhan na gustong perahan.

Kunwari ay iniimbestigahan daw ang nahuli, pero kasama na rito ang pagbulong na kung gusto ng dayuhan na maging legal, magla­latag siya ng P100k pataas kapalit ng mga dokumentong ibibigay sa kanya para makapanatili siya sa Pilipinas.

“Pero sir, hindi imbestigasyon para kausapin ang dayuhan na kapag hindi siya naglatag ng pera ay siguradong ilalabas ang kanyang pangalan sa media,” bulong pa ni Mang Tonyo sa BOMBAHAN NA!

Ah ganun, Mang Ton­yo, tinatakot ang dayuhan para magbigay siya ng pera?

“Ganun na nga po sir,” sagot pa ni Mang Ton­yo.

“Ginagawa po nila pag nahuli ang dayuhan o tinatawag na alien ng mga ahente ng BI ay kunwari iimbestigahan ito sa loob ng apat na araw o higit pa ‘pag hindi siya pumayag gagawan na siya ng press release sabay labas sa media.

HANEP! Ibang klase pala ang kalakaran diyan.

Ganun ba ‘yun Mang Tonyo? Tabo ang mga taga-Immigration nyan.

Ibig sabihin, sa rami ng mga dayuhan na nakikita sa Pilipinas ay pinagkakitaan na ng mga taga-Immigration ‘yan?

Ganun din ba ‘yung dalawang puganteng Amerikano na nahuli ng mga ahente ng BI sa Baguio na wanted daw sa Estados Unidos kamakailan?

Si Apollo Cioffi, 46-anyos ay wanted sa US at inisyuhan ng warrant of arrest na nagtago naman dito sa Pilipinas at nahuli ng mga ahente ng Immigration sa SM Mall Baguio City nitong nakaraang Marso 1, 2019.

Si Cioffi ay nagtago sa Pilipinas noon pang Marso 10, 2018.

Samantalang si William Schweizer ay wanted din sa Amerika na nahuli naman ng mga ahente ng Immigration noong nakaraang Marso 5, 2019 sa kanyang condo unit sa Tivoli Garden Residences sa Mandalaluyong City.

Si Schweizer naman ay Hulyo 2015 pa nagtatago sa Pilipinas.

Ayaw sana maniwala ng BOMBAHAN NA! kaya lang kung ganyan naman ang kalakaran diyan ay maaaring totoo ngang nangyayari ‘yan  Mang Tonyo.

Kaya pala nagtataka ang BOMBAHAN NA! sa dami na ng mga dayuhan sa Pilipinas ay bihirang may lumabas sa media na nahuhuli ng Immigration.

Totoo po ba ‘yang nasagap ni Mang Tonyong Barbero Ma’am Dana Sandoval na PIO ng Immigration?

Duda tuloy ang grupo ng mga barbero na itong dalawang Kano na nahuli ng Immigration ay hindi naghatag ng mahigit P100k kasi may inilabas na press release noong Marso 7, 2019 ang BI laban sa kanila.

Naku! masama ‘yan, pag nalaman ni Pangulong Digong ‘yan yari kayo. Baka mismong ang kasamahan n’yo sa National Bureau of  Investigation (NBI) ang humuli sa inyo.

Hinay-hinay lang sa mga taga-Immigration baka malambat kayo ng bitag ni Pangulong Digong galit ‘yan sa mga tiwali sa gobyerno.

Commissioner Jaime Morente, sir, kundi mo alam ‘yan pakialaman mo na habang hindi pa nakararating kay Pangulong Digong ‘yan. ‘Wag nyo na pong antayin na siya ang mag-utos o puntahan pa kayo sa opis n’yo baka lalo kayong malubog sa kumunoy.

Kung sa Land Transportation Office (LTO) ay P30-60K ang lagayan para maparehistro lang ang mga lumang truck, mas malaki  pala ang latagan ng mga undocumented foreigner sa BI bago sila magkaroon ng dokumento para sa kanilang pananatili sa Pinas.

Hindi agad mawawala ang korapsyon pero kung tayo ay magtutulong-tulong, imposibleng hindi natin maabot ang minimithing tapat at malinis na pamahalaan.

God Bless Us at mabuhay po tayong mga Pinoy. (BOMBAHAN NA! / JOEL AMONGO)

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, maaari po kayong mag-email joel2amongo@yahoo.com

Please follow and like us:
Read More

AGRI-PRODUCTS SMUGGLER MALAKAS SA BOC? 

BOMBAHAN NA FINAL

MALAKAS itong isang smuggler ng agri-products sa Bureau of Customs (BOC) dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya natiti­nag sa kanyang negosyo.

Ang smuggler na ito ay  nakilalang si alyas Mayor Diamond na ang kanyang area of activities ay sa Cagayan De Oro City (CDO).

Milyun-milyong piso raw kung kumita itong si alyas Mayor Diamond sa kanyang smuggling activities.

‘Pag sinabing agri-products, kasama na riyan ang sibuyas, bawang, karne at marami pang iba.

Happy kaya kay alyas Mayor Diamond ang mga opisyal ng CDO Customs?

Kamakailan lang, ipinag-utos ni Cagayan De Oro District Collector Atty. Floro Calixihan na imbestigahan ang ‘tara’ na nangyayari sa Port of CDO.

Ang kautusan dahil sa napaulat na ipina­ngongolekta raw ng ‘tara’ ang tanggapan ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero at ang Deputy Commissioner for Intel Group.

“Kung ipinatitigil ang ‘tara’ sa CDO bakit po hindi po nila hinuhuli itong si alyas Mayor Diamond na smuggler ng agri-products”, tanong ni Mang Tonyong Barbero.

May punto si Mang Tonyo nang makausap ko siya nung isang araw.

“Siguro sir, kilala nila ‘yan si alyas Mayor Diamond, imposibleng hindi nila alam ang aktibidad nyan.” May tama si Mang Tonyo.

Alang kaibahan ‘yan sa iligal na droga. Hindi lalala ang problema nito kung walang kasabwat na opisyal sa gobyerno.

Ang pera po ay nakabubulag ng tao, kaya kahit anong gawing masama ng nagbibigay ng pera ay walang nakikitang masama ang binibigyan ng pera.

Kaya ganyan Mang Tonyo ang nangyayari kay alyas Mayor Diamond sa CDO, tuloy ang kanyang iligal na gawain.

Siyempre, kapalit n’yan ang malaking halaga, lagay ba naman ganun-ganun na lang sabi pa ng mga kasabwat niya.

Hindi na tatawa­ging ‘tara’ ang ibibigay ni alyas Mayor Diamond dahil ipinatitigil na yan.

Tingnan natin Mang Tonyo sa mga susunod na mga araw, iba na ang magiging tawag sa ‘tara’ may lalabas na panibagong katawagan riyan kasi palasak na yan at bistado na.

Pero ganun pa rin, pera rin na manggagaling sa mga smuggler o legal na nagnenegosyo sa Aduana ang iikot riyan.

Walang kaibahan ‘yan sa pork barrel sa Kongreso. Sabi nila wala na pero hanggang ngayon ay may diskarte pa rin silang ginagawa para magkaroon pa rin at makalusot. Iniiba lang nila ng katawagan.

Ganyan tayong mga Pinoy eh, hangga’t makalulusot gagawa at gagawa pa rin ng paraan.

Matatalino ang mga Pinoy, problema lang ang katalinuhan natin ay ginagamit sa masamang paraan, sana naman sa kabutihan at kapakinabangan ng nakararami.

Ang bansang Pilipinas ay mayaman kaya lang napupunta lang sa iilang tao ang kayamanan nito.

Gusto n’yong malaman kung mayaman ang Pilipinas? Pumunta po kayo sa House of Representatives at Senate, dun n’yo po makikita kung gaano kayaman ang bansa.

Naggagandahang sasakyan ng mga mambabatas na malakas lumamon ng gasolina.

Saan galing ang mga iyan, di ba sa kaban ng bayan?

Pansinin n’yo po ang mga politiko natin, pag wala na sila sa pwesto mukha na silang kawawa.

Ibig sabihin ang kanilang kayamanan ay nagmumula sa kaban ng bayan.

Mabalik tayo sa smuggler na ito. ‘Pag sinabing alyas Mayor Diamond, siguradong politician ito.

Kaya malakas ang loob nito kasi nakapwesto siya.

Doble ang kanyang raket bukod sa pagiging politiko ay smuggler pa siya.

Mucho de niro si Bossing.

May papalag pa ba sa kanya sa CDO? Wala na! Kaw na ang maging alyas Mayor Diamond.

Antayin na lang natin ang hagupit sa kanya mula kay Pangulong Digong.

Kung wala naman, himala na lang ang aantayin natin na mula sa langit.

God Bless Us, Amen. (BOMBAHAN NA! /JOEL AMONGO)

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon maaaring mag-email joel2amongo@yahoo.com

Please follow and like us:
Read More

PATAS NA BATAS SA PAUPAHAN 

BOMBAHAN NA FINAL

MALINAW po na nakasaad sa Republic Act (RA) No. 9653 partikular sa Section 1 na mas kilala sa tawag na “Rent Control Act of 2009” na may kanya-kanyang karapatan ang mga nangungupahan (lessee) at nagpapaupa (lessor/owner) ng bahay man o apartment.

Isa-isahin po natin para sa kapakanan ng mil­yong Pinoy na walang sariling bahay at nangu­ngupahan lang.

At sa kapakanan na rin ng mga nagpapaupa o mga may-ari ng mga paupahan.

Sinadya po nating talakayin sa BOMBAHAN NA ang usapin na ito sa paupahan dahil maraming apektado nito.

Madalas nagbabangayan ang magkabilang panig (nangungupahan at nagpapaupa) dahil hindi nila maintindihan ang batas o sinasadyang ayaw nilang pansinin ito.

Isa na rito ang nagmamay-ari ng paupahan sa Brgy. 171 Bagumbong, Caloocan City na wala raw batas-batas sa kanya.

Pwede ba ‘yan? Kung ayaw mo magpasakop sa batas ng Pilipinas, sa ibang planeta ka tumira na ikaw lang ang masusunod.

Una, dapat may kontrata (lease agreement) sa pagitan ng umuupa at nagpapaupa, ‘pag wala nito, paglabag agad ito sa batas, iligal na ang paupahan.

Sa Section 2. Declaration of Policy – hindi basta puwedeng magtaas ng upa ang may-ari ng paupahan upang protektahan ang mababang kita ng mga umuupa.

Tinutukoy po sa batas na ito kung ang bayaran  sa upa ay buwanan o iba pang paraan ng pagbabayad.

Sa Section 4. Limit on Increase in Rent – sa loob ng isang taon mula nang naging epektibo ang batas, walang pagtataas na dapat ipatupad sa mga residential unit na sakop nito.

Kung magtaas man ng buwanang renta ay hindi lalagpas ng 7% taunan hanggang nakaokupa pa ang dating nangu­ngupahan.

Samantala, kung mababakante na ang residential unit mula sa da­ting umuuupa (lessee) ay maaari nang tumanggap ang nagpapaupa (lessor) ng panibagong uupa.

Hindi pinahihintulutan ng batas ang pagtataas ng renta sa mga boarding house, dormitories, rooms at bed spaces para sa mga estudyante ng mahigit o minsan sa bawat taon.

Sa Section 5. Coverage of this Act – sakop nito lahat ng residential units sa National Capital Region at iba pang highly urbanized city o mauunlad na siyudad sa buong bansa.

Na ang renta ay mula sa P1.00 hanggang P10,000 at lahat ng residential units sa iba pang lugar na may buwanang upa mula P1.00 hanggang P5,000 na walang nananatiling kontrata.

Sa section 6. Authority to Continue Rental Regulation – ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) kasama ng National Statistics Office ang magtatakda kung nararapat ba ang pagtataas base sa inflation rate on rentals.

Base naman sa Section 7. Rent and Requirement of Bank Deposit – ang renta ay kailangan bayaran nang mas maaga ng limang araw kada buwan o depende sa nakalagay sa kontrata.

Hindi rin pinapayagan ng batas sa nagpapaupa na humingi ng mahigit sa isang buwan advance sa renta, subalit pinahihintulutan siyang maningil ng mahigit sa dalawang buwan na deposit na ilalagay sa lease contract nito at makukuha ng umuupa kasama ng tubo nito sa bangko na pinaglagakan nito.

Subalit kung mayroon electricity, telephone, water bills o iba pang nasira sa bahay/paupahan ang nasabing dalawang buwang advance ay maiiwan sa nagpapaupa para pang-abono sa mga nasabing bayarin o nasira.

Sa Section 9. Grounds for Judicial Ejectment – Maaari lamang paalisin ang nangungupahan kung sa loob ng tatlong buwan ay hindi na siya nakababayad ng renta.

Hindi rin basta-basta pwedeng paalisin ang nangungupahan na hindi natatapos ang kanilang kontrata.

Kinakailangan ding magbigay ng nagpapaupa ng kaukulang formal notice sa nangungupahan sa loob ng tatlong buwan.

Maaari namang magpaalis ang nagpapaupa sa nangungupahan kung ang kanilang gusali ay isasaayos o ipagagawa dahil sa kalumaan na nito na maaaring pagmulan ng disgrasya.

Ipinagbabawal din sa batas na ito ang gawing dahilan ng pagbebenta o pagsanla ng may-ari ng residential unit kaya niya pinaaalis ang mga nangungupahan sa kanila.

Ang lalabag nito base sa SEC. 13, Penalties– ang multa ay hindi bababa ng twenty-five thousand pesos (P25,000.00) at hindi naman lalagpas ng fifty thousand pesos (P50,000.00) o pagkakulong ng hindi bababa ng isang taon at isang araw at hindi lalagpas ng anim na buwan.

Paalala po ng BOMBAHAN NA dapat lahat ng mga nagpapaupa ay alam ang batas ng pagpapaupa dahil hindi kayo sasantuhin ng batas na ito.

Kung sa bagay, kung marami kayong pera, maliit lang ang multa rito, pero ‘pag kayo naman ay nakulong dahil lang sa batas ng paupahan ay nakakahiya kayo.

God Bless Po. (BOMBAHAN NA! / JOEL AMONGO)

Para sa suhestiyon at reaksyon, maaari po kayong mag-email joel2amongo@yahoo.com

Please follow and like us:
Read More

POLITIKANG PINOY KAKAIBA SA LAHAT 

BOMBAHAN NA FINAL

BAKIT sinabi na­ting kakaiba ang politikang Pinoy?

Akalain nyo ba namang gisahin tayo sa sariling mantika.

Paano? Sa scholarship lang halimbawa.

Hindi maaaring maging scholar ang isang estudyante sa isang bayan o siyudad na hindi rehistrado ang kanyang guardian kung saang kolehiyo gustong mag-aral ng estudyante.

Isa sa mga requirement yan sa kolehiyo na pinatatakbo ng Local Government Unit (LGU).

Ano kaya ang pakiramdam ng mga mayor na may pag-aaring eskwelahan?

Anak kayo ng mga ina ninyo?

Hindi kayo mahahalal sa pagiging alkalde kung kayo ay hindi iboboto ng inyong constituents.

Tapos pag nakaupo na kayo palalabasin n’yo pa na utang na loob ng mga bumoto sa inyo kaya kayo naging mayor?!

Para kanino ba ang eskwelahan na pinondohan ng gobyerno kaya natayo ‘yan, para ba sa mayor ‘yan?

Buti na lang naging libre na ngayon ang pag-aaral sa mga kolehiyo at public universities kung hindi kawawa ang ordinaryong mamamayan.

Dati, kawawa ang mga bata na gustong mag-aral lalo na ‘yung mga natalo ang sinuportahang kandidato dahil haharangin ng nanalong kandidato ang kanilang scholarship.

Kaya ngayon mga kababayan, sa nalalapit na namang halalan sa Mayo 13, 2019 ‘wag na nating iboto ang alam nating walanghiyang kandidato.

Kung ako lang ang masusunod, dapat lahat ng iboto natin puro bago at least may inaasahan pa tayong posibleng magbago ang kanilang pananaw.

Subukan natin ang mga bago na makapag­lingkod naman sa atin.

‘Yung mga dating politiko na tumatakbo ngayon, malabong magbago pa ang kanilang ugali dahil kung baga sa sakit ay malala na (cancer na).

Ang matinding nakawan sa kaban ng bayan, para matigil ay nakasalalay sa ating mga botante kaya maging matalino tayo sa pagpili ng ating iboboto.

Sawa na tayo sa mga sinasabing “Kayo ang boss ko”.

Anyare? ‘Yun ang daming Pinoy na naging drug addict.

Hindi naman lalala ang iligal na droga sa bansa kung hindi kasab­wat ang matataas na opisyal ng gobyerno.

Dati ang taumbayan ay takot na magsumbong laban sa mga iligalista dahil hindi nila alam ang kanilang pinagsusumbu­ngan ay kasabwat pala.

Isa-isa ring nabulgar ang mga politician na nasa likod ng sindikato ng iligal droga.

Ayun nasa kabilang buhay na sila. Dun na sila magtayo ng shabu lab sa impiyerno kasama ni Satanas.

Sana magbago na ang mga politiko sa Pinas at magkaroon na sila ng tunay na MALASAKIT sa taumbayan.

Tuwing nalalapit ang eleksyon, lahat ng mga nangangampanya ay sinasabing gusto nilang mawala ang korapsyon at gumanda ang buhay ng mga Pinoy.

Nangyari ba? Hindi eh. Korapsyon dito, korapsyon dun.

May pag-asa pa bang umunlad ang bansa natin? Nasa mga nakaupo lang ‘yan sa gobyerno at sa tulong na rin ng mamamayan.

‘Wag natin ipagwalang-bahala ang kinabukasan natin, makialam, magbantay at punahin ang hindi tamang ginagawa ng mga nakaupo sa gobyerno.

Mas mabuti ngayon kasi high tech na tayo, nariyan na ang celpon na pag kinunan natin ang anumang katiwalian o hindi magandang nangyayari na nakita natin ay puwede na natin agad i-upload o i-download at ipost sa social media.

Magtulungan po tayo, may pag-asa pa ang Pilipinas.

Ibalik natin ang pagiging mabait ng mga Pinoy at may takot sa Diyos. (BOMBAHAN NA!/JOEL AMONGO)

God Bless Us, amen.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, maaaring mag-email joel2amongo@yahoo.com

Please follow and like us:
Read More

MODUS SA LAND GRABBING 

BOMBAHAN NA FINAL

SUMINGAW ang modus operandi ng mga land grabber partikular sa Metro Manila na ang pinag-uusapan ay bilyong piso.

Akala ng mga ordinaryong mamamayan na ang mga nagtataasang gusali sa Metro Manila ay bunga na ng pag-unlad ng bansa.

Ang hindi nila alam ay mayroong mas malalim na kuwento sa likod nito.

Nakasagap ang BOMBAHAN NA ng kuwento mula sa grupo ng mga barbero, sabi nga ng iba ay “Kwentong Barbero.” Pero hindi kwentong barbero na walang kwenta tulad ng alam ng iba.

Kakaiba ang nasagap ng BOMBAHAN NA!

Ito ay may katotohanan, dahil ang kanilang pinag-uusapan ay modus ng mga land grabber o mangangamkam ng lupa sa Metro Manila.

Ang mga naglalakihang gusali sa ilang lugar sa Metro Manila ay resulta ng land grabbing.

Ganun? At ang mga gumagawa nito ay mga nakapwesto pa mismo sa gobyerno.

Ginagawa ng mga ito ay ipalilipat-lipat sa tatlong pangalan na tawagin natin na sina A, B at C ang titulo ng lupa para mahirapan na ma-trace ito ng may-ari.

‘Pag nailipat na ito saka nila ito tatayuan ng mataas na gusali tulad ng mga condominium o hotel.

Siyempre, bago maisagawa ito ay may kasabwat na sila sa Re­gister of Deeds, local government unit at contractor na gagawa ng gusali.

Mula sa orihinal na may-ari ng titulo ng lupa ay ililipat kay ‘A’, siyempre papel yan ng Register of Deeds para sa paglilipat uli ng titulo sa panga­lawang may-ari na si ‘B’.

At muli, ililipat sa pangatlong may-ari na si ‘C’ at dito na papasok ang LGU para aprubahan ang pagtatayo ng gusali.

Siyempre, kaakibat niyan ang huwad na mga dokumento bago nila maisagawa ang kanilang pangangamkam ng lupain ng iba.

Ang kawawang may-ari ng lupa, mabibigla na lang na may itinatayong gusali na sa kanilang lupa.

Ginagamitan ng puwersa at pera ang ganitong modus ng sindikato kaya nila naisasagawa ang ganitong masamang gawain.

Ang nangyayari, pu­wersahang nakukuha ang lupa mula sa orihinal na may-ari at natatayuan ng kung anumang gustuhin ng sindikato.

Mas madali nilang nakukuha ang lupa na wala ang may-ari gaya halimbawa kung matagal na nasa ibang bansa.

Ang bawat LGU sa buong bansa ay may tinatawag na inventory sa mga lupain na nasasakupan nila kaya alam nila kung alin ang napababayaan ng may-ari.

Nangyari na rin ‘yan sa pagitan ng National Housing Authority (NHA) at Local Government Unit ng Quezon City sa dating kinalalagyan ng Manila Seedling Foundation sa panulukan ng EDSA at Quezon Avenue sa nasabing lungsod.

Sa ilalim ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa pangunguna ng QC government ay gusto nilang tayuan ng Philippine Diamond Tower ang lupain.

Halos kumpleto na ang plano at nagkaroon na rin ng advertisement tungkol sa napipintong pagtatayo ng Philippine Diamond Tower na pangatlo sa pinamakataas na communication tower sa buong mundo.

Dapat daw ang tower ay matapos bago pa bumaba si Pangulong Noynoy sa puwesto.

Anong nangyare? Nga­nga!

Bulilyaso! Hindi pala pagmamay-ari ng QC gov’t ang lupain kundi NHA, umalma ito kaya hindi natuloy ang proyekto.

Ang sinasabi naman ng QC gov’t, malaki ang utang sa kanila ng mga nakaokupa sa Manila Seedling Foundation.

Hindi pala sa inyo ang lupa bakit gusto nyong tayuan ng gusali na hindi alam ng NHA?

Kayo na ang humusga mga silipiro ng BOMBAHAN NA! Kung sino ang tama sa QC gov’t at ang NHA kung bakit hindi natuloy ang proyekto.

‘Wag kasi papasok sa alanganin, para hindi napapahiya.

God Bless Us. Amen!  (BOMBAHAN NA!/ JOEL AMONGO)

Please follow and like us:
Read More

PUBLIC OFFICE IS A PUBLIC TRUST 

BOMBAHAN NA FINAL

ANO nga ba ang sinasabing “PUBLIC OFFICE IS A PUBLIC TRUST?” Nakakain ba ito o nakamamatay?

Ang “PUBLIC OFFICE IS A PUBLIC TRUST” ay “ANG PAMPUBLIKONG OPISINA AY ISANG PAMPUBLIKONG TIWALA”.

Sa isang kusing na kaisipan ng BOMBAHAN NA! Ang pagkakaintindi ko riyan, pag ikaw ay nasa opisina ng gobyerno mataas man o mababa ang iyong posisyon ay sakop ka ng “PUBLIC OFFICE IS A PUBLIC TRUST”.

Ayon kay Mang Mario Kalkalero ng LTO: “Sir, ibig sabihin sakop n’yan ang mga tiwaling opisyal ng LTO”?

Oo naman Mang Mario.

“Dapat pala sir, sibakin na ang mga tiwali sa LTO dahil hindi sila mapagkakatiwalaan,” dagdag pa ni Mang Mario.

Dapat nga lahat ng mga tiwali ay walang puwang sa opisina ng gob­yerno.

Ang problema, pagpasok nila sa opisina ng gobyerno ay nilalamon na agad sila ng sistema.

Kung baga sa sakit ay cancer na at stage 3 na ang kurapsyon sa gobyerno. Himala na lang kung magagamot pa ito.

Kasama na riyan ang mga opisina ng Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue (BIR), Land Transportation Office (LTO), Department of Public Works and Highways (DPWH) at marami pang iba.

Sa Customs, hindi mawala-wala ang tinatawag na “tara” kahit sino pa ang maging hepe, nariyan pa rin ang korapsyon.

Binabago lang nila ang kanilang diskarte pero ganun pa rin ‘tara” pa rin at malinaw na korapsyon.

Sa LTO, ganun din sa rehistro naman ng mga lumang sasakyan. Kahit hindi na puwedeng marehistro dahil sa kalumaan ay napaparehistro pa rin kapalit ang malaking ha­laga.

Ang DPWH naman ay mga kontrata ng paggawa ng mga gusali, kalsada at tulay na ‘di basta-basta dahil bilyong piso ang pinag-uusapan.

Kung sino ang malapit sa kusina, sila ang nakakakuha ng malala­king kontrata sa DPWH.

Ang bidding na nagaganap ay moro-moro lang.

May mga contractor na maraming kumpanyang nakarehistro at isinasali lahat sa bidding kaya ang resulta, walang kawala ang bidding, sa kanila rin napupunta ang kontrata.

Sa BIR, sa bayaran naman ng buwis nagkakatalo, halimbawa, kung ang babayaran ng negosyante ay 2 mil­yong piso sa buwis, gagawin na lamang P1.5 milyon at ang 500,000 piso ay mapupunta sa taga-BIR na nag-ayos ng nasabing transaksyon at ang 1 milyong piso ang papasok sa kaban ng BIR na may resibo.

Simple lang ang ginawa pera agad, san ka pa?

Nakatipid na ang negos­yante ng P500,000 sa kanyang bayarang buwis, mabango pa siya sa mga opisyal ng BIR.

Iba rin ang pakahulugan ng mga nasa gobyerno ng Standard Operating Procedure (SOP), lagay ang tawag nila rito.

Pag sinabing SOP, awtomatikong lagay ‘yun o kickback.

Natatandaan ko pa noong araw ang tinuturong “Good Manners and Right Conduct” sa eskwelahan, ngayon nawala na, pinalitan na ng “VALUES” pero parang balewala naman.

Pag graduate ng estudyante sa kolehiyo, pagdating niya sa mga opisina ng gob­yerno ay nagiging korap na rin.

Kung mga korap ang i­lang empleyado at opisyal ng mga opisina sa gobyerno, mas malala pa ang mga halal (politicians) na opisyal.

Bukod sa kanilang pagiging korap ay ginagamitan pa nila ng dahas ang mga ordinaryong mamamayan para matakot at hindi na magtangka pang magreklamo laban sa kanila.

Kawawang lahi ni Juan Dela Cruz, makaaahon pa kaya ang inang bayan sa korapsyon?

Makahahabol pa kaya tayo sa mga kapitbahay nating bansa sa Asya?

Kulelat na ang Pilipinas. Kung ang mga bansa sa Asya ay pasulong, tayo ay paurong.

Ngayong panahon na naman ng kampanyahan para sa May 13 elections, lahat nangangako na naman ng pag-unlad o anti-corruption ang kanilang mga sinasabi.

Pero bakit lalong lumalala ang nakawan sa kaban ng bayan?

Ang pagpasok sa lahat ng opisina ng gobyerno ay kaakibat ang serbisyo publiko dahil ang inyong suweldo ay nanggagaling sa buwis ng taumbayan.

Hindi pananamantala at pag-abuso sa kapangyarihan ang inyong gagawin.

God Bless Us, Amen. (BOMBAHAN NA! / JOEL AMONGO)

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email sa joel2amongo@yahoo.com

Please follow and like us:
Read More

KARAPATAN NG MGA PASAHERO ‘WAG BALEWALAIN 

BOMBAHAN NA FINAL

TILA balewala sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirap na nararanasan araw-araw ng mga mananakay sa mga pampublikong sasakyan.

Isa-isahin po natin, hindi na po natin isasama ang MRT at LRT dahil talagang kalbaryo araw-araw ang pagsakay riyan.

Ang MRT at LRT ay iilan lamang kaya tanggap na ng mga mananakay ang kanilang nararanasan d’yan.

Sa jeep at UV express o mas kilala sa tawag na FX ang pag-usapan po natin.

Sa jeep ay walang pakialam ang mga tsuper kahit na ang capacity nito ay pangwalohan lang ay ginagawang siyam ang kanilang pinasasakay.

Kaya hayun siksikan na parang sardinas ang mga pasahero, halos hindi na makagalaw sa sikip.

Kwento ni Mang Tonyong Barbero: “Minsan sir, sumakay ako sa jeep dahil pinagsisikan kami ng tsuper ng sinakyan namin eh, nagalit ang katabi kong babae na maarte dahil nakadikit na raw ako sa kanya.

Ano naman ang kasalanan ko. Gusto ko rin naman makauwi, driver naman ang may kagustuhan nun kaya kami siksikan?

Kawawa ka naman Mang Tonyong Barbero, dahil sa kasalanan ng driver, ikaw ang napagbuntunan ng galit.

May tama si Mang Tonyo, lalo na sa mga pilahan sa terminal ng mga jeep dahil hindi talaga sila aalis na hindi siksikan ang kanilang mga pasahero.

Kaya ang nangyayari, napipilitan na lang ang mga pasahero na sumakay para makaiwas na rin  sa  gulo kasi kung magreklamo nga naman sila baka malagay pa sila sa kapahamakan.

Gayundin sa UV Express o tinatawag nilang FX, sa halip na 15 pasahero lang ang kapasidad nito ay ginagawang 19 ang sakay kasama na ang driver.

Wala na ang pagiging convenient ng pasahero kaya siya sumakay ng UV Express.

Pang labinlima lang na pasahero tapos dinag-dagan pa ng apat pang pasahero.

Ano pa ang aasahan natin, ‘di ba sobrang siksikan na?

Sa pagkakataong ito ay umaapela ang mga pasahero sa LTFRB na maglabas sila ng matibay na panuntunan tungkol sa rami ng mga pasahero na dapat isakay sa mga pampublikong sasakyan.

‘Wag nyo na pong antayin pa ang mga mananakay mismo ang mag-rali sa harapan ng inyong tanggapan d’yan sa East Avenue, Quezon City.

Masyadong naaapakan na ang kanilang karapatan na maging convenient sila habang nakasakay sila.

Simpleng problema po ito pero sa araw-araw na ginawa ng Panginoon ay nararanasan nila ito, ako at tayong lahat na mga walang sasakyan.

Tama ang sinabi kamakailan na dapat ang mga opisyal ng gobyerno ay makaranas na sumakay ng mga pampublikong sasakyan tulad ng MRT, LRT, jeep at UV Express para maranasan din nila ang nangyayari sa mga ordinaryong mamamayan.

Para sila na mismo ang magsabi na tama nga ang hinaing ng mga ordinaryong mamamayan tungkol sa trapik at hirap na pagsakay araw-araw.

Hindi ka pa man nakararating sa trabaho mo ay pakiramdam mo, bugbog ka na sa hirap sa pagsakay hanggang nasa loob ka na ng sasakyan.

Kahit siguro maranasan nilang sumakay sa pampublikong sasakyan, isa o dalawang beses sa isang linggo, sapat na ‘yun para makapag-isip sila na tama pala ang sinasabi ng mga pasahero sa kalbaryong nararanasan araw-araw.

MALASAKIT dapat ang pairalin natin ‘wag lang puro pansariling kapakanan ang ating iniisip.

Kung mayroon tayo, ‘wag naman tayo maging madamot sa ating kapwa. Magkakapatid tayo, iisang lang ang ating pinanggalingan TAYO’Y PINOY.

‘Wag tayong makakalimot sa ating pinanggalingan, lumingon naman tayo.

God Bless Us. (BOMBAHAN NA! / JOEL AMONGO)

oOo

Para po sa reaksyon at suhestiyon ay mag-email joel2amongo@yahoo.com

Please follow and like us:
Read More