NAGWALA SA EROPLANO; PASAHERO KULONG SA BOMB JOKE

(NI FROILAN MORALLOS)

HINULI ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation group ang isang pasahero na nagwala sa loob ng eroplano dahilan upang mag-panic ang mga nasa loob nito at mabalam ang biyahe ng isang oras.

Kinilala ang suspek ng mga tauhan ng PNP Avesegrp na isang Ramon Barrios, pasahero papuntang Cebu.

Batay sa report, nangyari ang insidente bandang alas 9:47 kahapon ng umaga sa runway ng Davao International Airport bago mag-take off ang flight. Biglang nagwala si Barrios sa hindi malaman na dahilan.

Agad na pinigil ng pilot ang pag-take off, at pinababa ang lahat ng mga pasahero, crew at maging ang mga bagahe upang halungkatin ang kinaroroonan ng bomba.

Makaraan ang ilang minuto, sa isinagawang inspeksiyon ng mga tauhan ng PNP sa tulong ng sniffing dogs sa bawat bagahe , walang nakitang bomba, bagkus abala ang naging dulot nito.

Ang flight GAP 2364 ay dapat makaalis dakong alas 9:47 kahapon ng  umaga sa Davao International Airport, ngunit dahil sa idinulot na gulo ni Barrios, delayed ito ng mahigit sa isang oras bago makaalis.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), si Barrios ay sasampahan ng kasong kriminal sa korte dahil ang bomb joke, isang criminal offense, na may kaakibat na pagkulong at maging civil liability .

 

Please follow and like us:
Read More

BABAENG ELECTRICIAN NG POGO, HULI SA BOMB JOKE

(NI SIGFRED ADSUARA)

LAKING pagsisisi ng isang 22-anyos na babaeng electrician na nagtatrabaho sa mga ipinatatayong gusali ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) matapos itong arestuhin at kasuhan dahil lamang sa pagbibiro na may bomba ang kanyang bag sa Kawit, Cavite.

Kasong paglabag sa PD 1727  (Malicious Dissemination of False Information of the willful making of any threat concerning bomb), ang isinampa laban sa suspek na si Kimberly Hita, isang electrician ng Meadows 1, Brgy. Molino 4, Bacoor City, Cavite, dahil sa reklamo nina Dante Cobitan, 40 at  Joan Golosino, 24, kapwa security guard na naka-assign sa First Orient International Venture Corporation.

Sa ulat ni PSSgt Jason Murcia ng Kawit Municipal Police Station, dakong alas-10:30 Sabado ng umaga nang  pumasok ang suspek sa First Orient  International Venture Corporation sa Covelandia Road, Brgy Pulborista, Kawit, Cavite kung saan dumaan muna sa tinatawag nilang 250 Frisking Post para sumailalim sa inspection.

Habang iniinspeksiyon ang kanyang bag ay nagsabi ito na “Ingat kayo, may lamang bomba yan” dahilan upang ialis siya sa pila at imbitahan sa security office kung saan nang buksan ang kanyang bag ay personal na gamit at laptop ang laman nito.

Ang First Orient International Venture Corporation ay ang kompanya sa likod ng mga itinatayong mga gusali ng POGO  sa dating Island Cove sa Kawit, Cavite

Matatandaan na sa ilalim ng  batas, mahigpit na  ipinagbabawal ang anumang klase ng pagbibiro higgil sa pagdadala o presensya ng bomba sa alinmang lugar o gusali.

 

Please follow and like us:
Read More

RIDER HULI SA ‘BOMB JOKE’ SA SOLAIRE

(NI KOI HIPOLITO)

SASAMPAHAN ng kasong paglabag sa Presidential Decree PD 1727 (Anti-Bomb Joke) sa Parañaque City Prosecutor’s Office ang isang delivery rider matapos arestuhin ng mga security guard ng Solaire Resorts and Casino sa Aseana Avenue, Brgy. Tambo sa lungsod ng Parañaque City matapos ang bomb joke.

Nakilala ang suspek na si Reynaldo Balisi, 31, ng Brgy. San Nicolas, Bacoor City, Cavite.

Base sa salaysay ni Alias Nero, security specialist ng nabanggit na establisimyento at kinatawan ng Bloomberg Resorts and Hotel Inc., pinara umano ng mga security guard ang motorsiklo ng suspek sa lugar ng theater driveway na sakop ng kanilang binabantayang  lugar para inspeksyunin ang delivery box ng motorsiklo nito subalit nagsalita umano ang suspek na “may bomba d’yan” na naging dahilan para arestuhin ang suspek at dalhin sa himpilan ng Parañaque City Police Station para imbestigahan.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI SA BOMB JOKE ARESTADO SA CHECKPOINT 

NI DONDON DINOY

DAVAO CITY–Inaresto ng pulisya ang isang mangingisda na nagbirong may dalang bomba at mga armas kung kaya’t hinuli sa checkpoint ng Task Force Davao sa Brgy. Sirawan, Toril, Lunes ng gabi.

Ang suspek ay kinilalang si Raymond Santosidad, 44, residente ng Gutierrez Village sa Brgy. Sirawan.

Sa imbestigasyon ng Toril Police Station, sinasabing iniinspeksyon ng TF Davao ang isang Mindanao Star Bus mula sa General Santos City, kung saan lulan ang suspek.

Sinita umano ng TF Davao ang suspek kung ano laman ng dalawang baldeng dala nito na may mga damit sa ibabaw ngunit sumagot ito na may dala siyang bomba at mga armas.

Ayon sa suspek nagbibiro lamang siya sa mga sundalo at mga pulis ngunit hindi nito alam na isa itong paglabag sa Presidential Decree 1727 (Anti-Bomb Joke Law).

Ngunit, mas swerte ang suspek dahil di na umano itutuloy ng mga otoridad ang kaso matapos mapag-alamang isa itong “person with disability.”

Nagpaalala na rin ang mga otoridad sa publiko na iwasang gumawa ng bomb joke dahil makapagbibigay ito ng alarma sa publiko at haharapin nila ang kaso ng Anti-Bomb Joke Law.

Sa ngayon ay mahigpit na ipinatutupad ang maraming checkpoint sa buong Davao dahil sa isang buwan na pagdiriwang ng Kadayawan sa Davao kung saan maraming aktibidad ang ginagawa sa sentrong parte ng lungsod.

 

Please follow and like us:
Read More

LALAKI KULONG SA BOMB JOKE SA LRT-1

joke1

SA kulungan ang bagsak ng isang lalaking nagbiro na may bomba sa bag sa Gil Puyat Station ng Light Rail Transit Line 1 nitong Lunes.

Nabatid sa Pasay City Police Station na si Saber Akbar, 28, ay papasok na ng station at nakapila para sa inspeksiyon nang sabihin na may laman na bomba ang bag ng pasahero sa kanyang unahan.

Narinig ito ng security guard at agad siyang dinala sa pulisya. Sinabi ni Police Colonel Noel Flores, commander of Pasay City Police, na kinasuhan si Akbar ng paglabag sa Presidential Decree 1727 or the Anti-Bomb Joke Law at nakadetine ngayon.

Please follow and like us:
Read More

PASAHERO NG MRT-3 INARESTO SA BOMB JOKE

mrt

INARESTO ang isang lalaking pasahero ng Metro Rail Transit-3 (MRT3) matapos umanong magbiro na mayroong bomba sa kanyang gamit habang iniinspeksiyon ng mga guwardiya sa Guadalupe station, Makati City Biyernes ng umaga.

Kinilala ang pasahero na si Eddie Boy Pasojinog, 41.

Sinabi ng pulisya na nakapila umano si Pasojinog para sa routine inspection at nang itapat sa kanya ang metal detector ay nagsabi ito na may bomba sa kanyang katawan.

Sinabi ng security guard na si Nena Patricio na agad niyang pinigil si Pasojinog at inireport ang insidente sa mga security officers na sila namang nagdala sa himpilan ng pulisya.

Inaresto si Pasojinog at dinala sa Makati City police para sa sampahan ng kaukulang kaso.

Please follow and like us:
Read More