BEERMEN OLATS SA BOLTS

(NI RAVENSON BIASON)

BUHAY pa ang pag-asa ng Meralco Bolts na makapasok sa quarterfinals pagkatapos na dispatsahin ang San Miguel Beermen, 95-91, sa 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Bumida sa panalo ng Bolts si import Delroy James na nagtala ng 34 puntos, 5 rebounds at 6 assists.

Tumulong din ang locals na sina Chris Newsome na naglista ng 20 puntos, Raymund Almazan 15, at Bryan Faundo 10 puntos.

Mahigit kalahati ng kabuuang iskor ng Beermen ay mula kina Chris McCullough at June Mar ‘The Kraken’ Fajardo, kapwa gumawa ng tig- 27 puntos.

Nagambag naman si Terence Romeo ng 11 puntos ngunit maliban sa kanila nina McCullough at Fajardo ay wala nang iba pang Beermen na nakadouble figure.

Sa kabila nito ay naging dikdikan ang laban ng SMB at Bolts simula umpisa at nagkatalo lang sa huling sandali ng laro.

Dahil  sa panalo, sasalang sa do-or-die match para sa number 8 spot ang Meralco kontra sa Alaska Aces sa  Biyernes.

Ang Aces, Bolts at Phoenix ay pawang may 4-7 na kartada ngunit dahil sa quotient system, bumagsak ang Fuelmasters sa 10th spot at tuluyang napatalsik sa elimination round.

Box scores:

Meralco 95 – James 34, Newsome 20, Almazan 15, Faundo 10, Amer 8, Jackson 3, Quinto 3, Hodge 2, Salva 0, De Ocampo 0.

San Miguel 91 – McCullough 27, Fajardo 27, Romeo 11, Standhardinger 9, Santos 6, Lassiter 3, Nabing 3, Pessumal 3, Ross 2, Rosser 0.

Quarterscores: 22-21, 42-42, 74-70, 95-91.

 

Please follow and like us:
Read More

PHOENIX, MERALCO PWERSADONG MANALO

(NI ANN ENCARNACION/PHOTO BY MJ ROMERO)

KAPWA puwersado ang Phoenix Pulse Fuelmasters at Meralco Bolts na ipanalo ang kanilang magkahiwalay na laban ngayong gabi sa Cuneta Astrodome upang manatiling buhay ang tsansa na makapasok sa susunod na round ng 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Pilit babangon ang Fuelmasters sa nalasap na  kabiguan sa pagsagupa nito sa napatalsik nang NLEX Road Warriors sa ganap na alas-4:30 ng hapon bago sundan ng pagsasalpukan ng Bolts at nasa ikalawang puwesto na North Port Batang Pier sa ganap na alas-7:00 ng gabi.

Nalasap ng Fuelmasters ang masaklap na 108-128 kabiguan kontra San Miguel Beer kung saan hindi man lamang ito nakatikim ng kalamangan at nahulog pa sa ikawalong puwesto sa 4-6 panalo-talong kartada.

At kahit out of contention na ang Road Warriors ay ayaw pa ring magrelaks ng Fuelmasters.

“Hindi puwede na magkumpiyansa sa NLEX,” sabi ni Phoenix coach Louie Alas. “Gusto din nila na makapagbaon ng panalo bago makumpleto ang lahat ng laro nila kaya kailangan na nasa 100% pa rin ang laro namin.”

Mas mabigat naman ang hamon na haharapin ng Bolts na makakasagupa ang matagal nakapagpahinga at nasa ikalawang puwesto sa team standings na Batang Pier.

Huling nabigo ang Bolts kontra Magnolia Hotshots, 88-99, sa out-of-town na larong ginanap sa MVA Gym sa Zamboanga upang mahulog sa ika-10 puwesto bitbit ang 3-6 kartada.

Matatag naman sa ikalawang puwesto at may twice-to-beat na bentahe sa quarterfinals ang Batang Pier na may 8-2 kartada matapos nitong huling biguin ang Columbian Dyip, 110-108.

Please follow and like us:
Read More