2 PASAWAY NA CHINESE NATIONAL TIMBOG SA MAYNILA

(NI HARVEY PEREZ)

KALABOSO ang  dalawang  Chinese national matapos  arestuhin dahil  sa pagmamaneho ng lasing , expired na registration ng sasakyan, walang driver’s license at pambabastos sa police officers, Lunes ng madaling araw sa Binondo, Maynila.

Kinilala ng Manila Police District-Police Station 11, ang mga dayuhan na sina  Cai Fang Bin at Man-Man Chen.

Ang dalawa ay inaresto matapos balewalain ang isang checkpoint sa C.M. Recto Avenue kanto ng Sanchez Street sa Binondo dakong alas-2:20 madaling araw.

Sinabi ni MPD-PS 11 commander Police Lt. Col. Noel Aliño, ang mga suspek na si Cai  ay lasing habang nagmamaneho habang ang kasamahan naman nito
na si Man-Man Chen ay lasing din at binastos pa ang mga arresting officers.

“Mabilis po magpatakbo at paso na ang registration ng sasakyan niya. Wala rin po siyang drivers license at under influence pa po ng alak,” ani Aliño.

“To the rescue naman po ‘yung isa at nambu-bully pa po sa aming mga pulis. Inaresto po namin para malaman nila na bawal na po ang pasaway at hindi sumusunod sa batas sa Maynila,” ayon pa kay  Aliño

Nabatid na kinasuhan  ng paglabag sa  Section 56 (d, e and f) ng Republic Act 4136 o  an Act to Compile the Laws Relative to Land Transportation and Traffic Rules, to Create a Land Transportation Commission and for other Purposes si Cai.

Samamtalang  si  Man-Man ay kakasuhan ng paglabag sa Article 151 ng  Revised Penal Code o  resistance and disobedience to a person in authority or the agents of such person, as well as interfering with police duties.

Please follow and like us:
Read More

METROBANK KAKASUHAN NG OBSTRUCTION OF JUSTICE

(NI NICK ECHEVARRIA)

KAKASUHAN ng Philippine National Police (PNP) ng obstruction of justice ang management ng Metrobank dahil sa pagpigil na makapasok agad ang mga pulis sa isa nitong branch sa Binondo, Maynila matapos  holdapin ng pitong armadong kalalakihan Huwebes ng umaga.

Ito ngayon ang pinatitingnan ni PNP Chief General Oscar Albayalde sa kanilang mga imbestigador.

“We will check on that kasi technically, baka pwede kami makapag-file ng case of obstruction of justice” pahayag ni Albayalde sa media sa Camp Crame.

Ayon kay Albayalde, ang ganitong uri ng gawain saan mang pribadong establisimyento, maging sa mga malalaking malls at hotels mangyari ang krimen, ay pag-abala kung hindi man pagkakait sa kakayahan ng mga pulis na imbestigahan ang insidente.

Nilinaw ni Albayalde na kapag may nangyaring krimen sa isang lugar, ikinukonsidera itong “crime scene” kung saan kailangang makapasok kaagad ang mga imbestigador ng PNP.

Nauna nang iniulat ni P/BGen. Vicente Danao Jr., hepe ng Manila Police District (MPD) na pinigilan ng manager ng hinoldap na sangay ng Metrobank ang mga nagrespondeng police personnel sa crime scene para mag-imbestiga.

Nakapasok lamang umano ang mga rumespondeng pulis sa lugar, matapos ang dalawang oras  dahilan kung bakit wala man lang naaresto sa pitong suspek kasama na ang dalawang bantay sa labas.

Ayon kay Albayalde, mahalaga ang oras sa dagliang ikalulutas ng alin mang krimen, saan man ito nangyari.

 

Please follow and like us:
Read More

BRGY EX-O BINOGA SA ULO

crimeshooting12

(NI HARVEY PEREZ)

HINDI na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang Barangay Executive Officer (Ex-O) nang barilin  sa ulo habang nakaupo sa harapan ng kanyang motorcycle repair shop, Martes ng hapon sa Binondo, Maynila.

Patay na nang dumating sa Gat Andres Bonifacio Medical Center, ang biktimang si Dario Habal, 45, negosyante, Barangay Ex-O ng Barangay 275, Zone 25, at nagmamay-ari ng motorcycle repair shop sa 018 Gate 47 Area-B sa Parola Compound sakop ng Binondo.

Nakatakas naman ang hindi  nakilalang suspek na inilarawan na nasa edad 37 -39,  may taas  5’7″, nakasuot ng kulay puting t-shirt, naka-maong na pantalon at dark gray na bullcap.

Ayon sa imbestigasyon ng  Manila Police District –Homicide Section, alas 4:00 ng hapon nang maganap ang krimen sa harap mismo ng repair shop ng biktima.

Lumapit umano ang suspek sa biktima na noon ay  kumakain ng ice candy  at saka ito binaril   gamit ang isang kalibre .9MM pistola.

Dinala  naman ng mga bystander sa pagamutan ang biktima pero hindi na ito  umabot nang buhay.

Samantala, inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa kanyang negosyo o sa kanyang trabaho sa barangay, ang motibo sa pagpaslang sa biktima.

Please follow and like us:
Read More

RIOT SUMIKLAB SA PAROLA : 1 PATAY

crime22

(NI JULIE DUIGAN)

SA ulo malapitang binaril ang isang 16-anyos na out of school youth, makaraang magkarambulan ang dalawang grupo sa  Binondo, Manila,  Linggo ng madaling-araw.

Mabilis namang naisugod sa Gat. Andres Bonifacio Medical  Center, subalit kinaumagahan ng dakong alas-11:55 ng tanghali nang bumigay ang murang katawan ng biktimang si Leobel Ragemi, ng Gate 54 Area C Parola Compound, Binondo, habang mabilis na tumakas ang grupo na ang isa’y nakilalang si Mark Angelo Arboleda , aka “Pilo”, nasa 18-anyos at residente ng Gate 4 Area-A sa Brgy.20 Zone 2, ng unang distrito ng Tondo.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Joseph Kabigting kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-12:30 ng madaling-araw ng Linggo, nang maganap ang rumble ng mga kabataan sa Manila International Container Terminal (MICT) Access Road sa harap ng gate 46 Area A sa Parola Compound sakop ng Binondo.

Nabatid sa report ng pulisya, nagkainitan ang magkalabang grupo ng mga kabataan na ang ilan ay residente ng Parola Compound sa Tondo at ang kalabang grupo naman ay residente ng Parola Compound sa Binondo.

Nang magkagulo na ay doon na malapitan umanong binaril sa ulo ang binatilyo.

Duguang bumagsak sa semento si Ragemi  kaya nagkanya-kanyang takbo papalayo ang magkabilang grupo at naiwang nakahandusay ang binatilyo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, matagal na umanong may riot sa lugar kapag nagkikita-kita ang magkakalabang grupo mula sa Binondo at sa Tondo.

Please follow and like us:
Read More