AMIT, CENTENO NANALASA SA 2019 WPA WOMEN’S 9-BALL

(NI LOUIS AQUINO)

KATULAD  ni Rubilen Amit, pasok na rin si Chezka Centeno sa round of 32 ng 2019 WPA Women’s World 9-ball Championship na ginaganap sa Jinghai International Holiday Hotel & Resort sa Sanya, China.

Ang panalo ng 20-anyos na si Centeno laban kay Melanie Suessenguth ng Germany, 7-3, ay matagumpay na bounce-back mula sa pagkatalo kay No. 15 Kristina Tkach ng bansang Russia, 7-5, kamakalawa.

Si Centeno, ranked No. 25 sa mundo Centeno ay kapapanalo lang ng gintong medalya sa 30th Southeast Asian Games noong nakaraang linggo.

Ang 38-anyos naman na si Amit, gold medallist din sa nakaraang SEAG, ay nauna nang nakapasok sa round of 32 ay ranked No. 3 sa mundo.

Walang hirap na tinalo ni Amit ang mga nakalabang sina Sweden’s Monika Margeta at Poland’s Ewa Bak na kapwa dinomina niya sa 7-1 para makasama sa susunod na round,

Maganda rin ang ipinakita ng dalawang Filipino female cue artists na sina Floriza Andal at Iris Ranola.

Nagwagi si Andal laban sa world No. 8 na si Chou Chieh Yu ng Taiwan, 1-7, sa lower bracket ng Group B.

Nauna nang ginulat ni Andal ang world No. 45 na si  Tina Vogelmann ng Germany, 7-2, ngunit nabigo sa 2015 runner-up na si Jasmin Ouschan ng Austria, 6-7.

Sumuko naman si Ranola laban sa runner-up noong nakaraang taon na si Wang Xiaotong ng China, 1-7, sa Group G.

Samantala, tuluyan nang nagpaalam sa 2019 Men’s World 9-Ball Championship sa Doha, Qatar ang Filipino cue artists na sina 2017 champion Carlo Biado, Filipino-Canadian Alex Pagulayan, Johann Chua at Jeffrey Ignacio.

Please follow and like us:
Read More

BIADO, PHL 9-BALL PLAYERS BABAWI

PASOK na sina Carlo Biado, Johann Chua at Jeffrey Ignacio sa round of 32 ng 2019 World 9-Ball Championship sa Doha, Qatar.

Tinalo ni Biado, 2017 champion at 2018 runner-up, si Bashar Hussain ng Qatar, 11-10.

Nauna rito, dinomina ni Chua si Enrique Rojas ng Chile, 11-5, sa round of 64 para pangunahan ang iba pang mga kasamang Pinoy sa naturang torneo.

Nagwagi naman si Ignacio, na gaya nina Biado at Chua ay nagpartisipa sa 30th Southeast Asian Games, si Stephen Holem ng Canada, 11-6.

Susunod na makakalaban ni Biado si Billy Thorpe ng Canada, habang makakaharap ni Chua si Naoyuki Oi ng Japan, at makakatapat naman ni Ignacio si Ko Pin Yi ng Chinese Taipei.

Naging “anybody’s game” ang torneo makaraang talunin ang 2018 champion na si Joshua Filler ng Germany ni Casper Matikainen ng Finland, 11-7, sa round of 64.

Nabigong manalo ng gintong medalya sa katatapos na SEA Games si Biado at mga kasama niya kaya’t umaasa sila makababawi sa World 9-Ball Championship.

Nagkasya lang si Biado, at ka-tandem na si Johann Chua sa bronze medal finish sa men’s 9-ball doubles. Hindi rin siya nakausad sa semifinals berth sa men’s 10-ball singles.

Kabilang din sa Filipino contingent ang bagitong si Jerico Bunos, na maagang na-eliminate sa nasabing tourney.

Please follow and like us:
Read More

4 GINTO SASARGUHIN SA 30TH SEAG

(NI ANN ENCARNACION)

PANIBAGONG responsibilidad ang hahawakan ni Philppine billiards legend Efren ‘Bata’ Reyes na sasabak bilang atleta at aakto din na pangkalahatang coach ng pambansang koponan sa 30th Southeast Asian Games simula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Target ni Reyes at iba pang national cue artists na makapag-ambag ng apat na gintong medalya sa bansa sa pagsargo nila sa SEAG simula sa Disyembre 3 hanggang 10 sa Manila Hotel Tent City.

Sinabi ni Billiards and Snookers Congress of the Philippines (BSCP) secretary general Robert Mananquil, nangako ang billiards team na doblehin ang dalawang ginto, isang pilak at dalawang tansong medalya na naiuwi ng grupo sa huling edisyon ng biennila meet sa Kuala Lumpur, Malaysia noong 2017.

Inihayag ni Mananquil na lumalim ang kanilang pool talents ngayong taon na binubuo nina World No. 3 Rubilen Amit, World No. 4 Carlo Biado, Dennis Orcollo, Johann Chua, Jeffrey Ignacio, Warren Kiamco, Chezka Centeno, Iris Rañola at Floriza Andal.

Mula sa naturang lineup ay inaasahan ang apat na gintong medalya na magmumula sa men at women’s 9-ball competition at men at women’s 10-ball event.

“That’s four gold medals already,” sabi ni Mananquil, board member din ng Philippine Olympic Committee (POC).

“We still have 9-ball and 10-ball doubles where we also have fighting chances. Of course, I can’t promise that we would also win the gold there, but if luck rolls our way, we might sweep all pool events and win six out of the 10 gold medals at stake,” aniya.

Sasabak naman sa snookers sina Alvin Barbero, Michael Angelo Mengorio, Jeffrey Roda at Basil Al-Shajjar habang sina Benjie Guevarra at Luis Saberdo ang bibitbit sa koponan sa English Billiards.

Ang popular at kinikilalang alamat sa pool na si “Bata” Reyes ay sasabak kasama si Francisco Dela Cruz sa carom habang gagampanan niya ang responsibilidad bilang head coach ng national squad kasama ang isa pang legend at kumpare nito na si Francisco “Django” Bustamante bilang deputy chief.

“What we have is a very stacked and solid lineup,” sabi ni Mananquil na aminadong mahihirapan ang grupo sa English Billiards at carom events.

“The Malaysians and the Singaporeans, being former British colonies, are expected to dominate English Billiards while carom is the pet event of the Vietnamese. Despite that, we will still go all out and take advantage of our homecourt edge.”

Please follow and like us:
Read More