BIFF MEMBER TIMBOG SA QC 

(NI JG TUMBADO)

DINAMPOT ng mga pulis ang isang hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) dahil sa ilegal na pag-iingat ng mga armas at pampasabog sa Quezon City, Miyerkoles ng madaling araw.

Kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek na si Datu Omar Palty, alias Allan Palte, 26. Tindero umano sa Barangay Pinagbuhatan sa Pasig City si Palty.

Inaresto si Palty makaraang mahuli sa akto ng undercover na pulis ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na nagbebenta ng kalibre .45 pistola at mga bala sa Barangay North Fairview.

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa na kaanib na rin ng teroristang grupong Dauah Islamiyah si Palty.

Lumabas aniya sa kanilang intelligence gathering na itinalaga si Palty sa Metro Manila bilang “point man” ni Daulah Islamiya leader Esmael Adbulmalik upang makipag-ugnayan sa iba pang teroristang grupo sa Sulu at Basilan.

Sangkot din umano si Palty sa pag-atake ng kampo ng militar sa Midsayap, North Cotabato nuong 2009. Nahaharap din ang suspek sa kasong pagpatay sa mag-asawa at security guard sa San Simon, Pampanga noong 2015.

Nasamsam mula sa suspek ang isang fragmentation hand grenade at P10,000 halaga ng marked money. Maaaring maharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Law at Illegal Possession of Explosives si Palty.

 

Please follow and like us:
Read More

BOMB FACTORY NATUMBOK NG MILITAR, 12 BOMBA NABAWI

(NI JESSE KABEL)

LABING-DALAWANG improvised explosive device ang na-recover ng military matapos ang dalawang magkakasunod ng engkuwentro nang matumbok ng mga tauhan ng Philippine Army ang hinihinalang pinagkakanlungan ng mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa ilalim ng pamumuno ng  Karialan faction sa  Cotabato.

Ayon sa ulat ng military, unang nakasagupa ng mga elemento ng 7th Infantry Battalion ang grupo ni Katato Samad sa  Sitio Blah sa Barangay Manaulanan, Pikit  Biyernes ng madaling araw.

Ilang oras ang nakalipas, muling nakasagupa ng mga sundalo ng 7th IB ang isa pang grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter terrorists malapit din sa lugar ng unang engkuwentro.

“Military troops currently clear the objectives and block possible withdrawal routes of eluding terrorists,” pahayag pa ni  Maj. Gen. Diosdado Carreon, Joint Task Force Central Commander.

Ayon kay Maj. Gen. Carreon may 12 improvised explosives ang na-recover na hinihinaang itinanim ng mga terorista matapos ang serye ng sagupaan.

Nabatid na si Samad ay isang expert at SOG battalion commander ng  BIFF’s 1st Division.

“Terrorists are on the run as we mount offensives and close in on rebel fighters. Our forces deliberately operate to run down and neutralize terrorists behind the series of bomb attacks and ploys in central Mindanao,” pahayag naman ni  Lt. Gen. Cirilito Sobejana, commander of Western Mindanao Command.

Ayon kay Sobejana, tuloy tuloy ang ikinasang combat operations sa mga kalaban bilang  preemptive actions laban sa mga terorista.

 

Please follow and like us:
Read More

4 OPISYAL NG BIFF SUMUKO SA MAGUINDANAO

(NI NICK ECHEVARRIA)

APAT na top-ranking officials ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa ilalim ng paksiyon ni Kumander Bungos ang sumuko sa mga tauhan ng 34th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Brgy Indatuan, Northern Kabuntalan, Huwebes ng  umaga.

Ayon kay Major Arvin Encinas, spokesperson ng AFP-Western Mindanao Command (AFP-Wesmincom) kinilala ang mga sumuko bandang alas-8:40 na sina Ibrahim Odin, kumander ng 3rd Brigade ng BIFF 2nd Division at ang 1st Battalion Commander nito na si Diya Musa, kasama ang kanyang admin officer na si Daud Paglas, gayundin ang operation officer ng nasabing Battalion na nakilalang siYasser Abunawas, na anak ni Abunawas Damiyog.

Kasamang isinuko ng apat na matataas na opisyal ng BIFF ang (1) Barrett rifle, (1) M16 rifle, (1) Rocket-Propelled Grenade, (1) Improvised Explosive Device, at mga bala.

Nasa  headquarters ngayon ng 34th IB ang apat kasama ang kanilang mga armas na isinuko para sa kaukulang disposiyon.

Patuloy naman ang militar sa paghikayat sa mga miyembro at maging sa mga hardcore fighters ng BIFF na sumuko na sa gobyerno para magbagong buhay at samantalahin ang sersyosong kampanya ng pamahalaan sa pagbibigay ng tulong o peaceful mechanisms sa mga nagbabalik- loob.

Sinabi naman ni Lt. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng AFP-Wesmincom na, “Peace entails inclusive and participative solutions that we deem it necessary to involve and convince rebels to return to the fold of the law. With our success, we think this is an effective resolution, and we mean to sustain this campaign.”

 

Please follow and like us:
Read More

PAGAWAAN NG BOMBA, ARMAS NG BIFF, NAKUBKOB NG MILITAR

maguindanao map12

(NI ANNIE PINEDA)

NAKUBKOB ng militar ang kuta ng teroristang Dawlah Islamiyah Terror Group ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na pagawaan ng mga bomba at matataas na uri ng armas, iniulat sa probinsya ng Maguindanao.

Batay sa report ng 601st Brigade na nakubkob ng mga tauhan ng 33rd Infantry Battalion Phillipine Army  ang kuta ng naturang teroristang grupo sa Barangay Kuloy Shariff Aguak Maguindanao, na sakop ng SPMS Box na ginawang taguan ng BIFF at mga kaalyado dayuhang terorista.

Narekober ng tropa ng pamahalaan ang 20 Improvised Explosive Device (IEDs), 5 assault rifles, grenade launcher,B-40 Anti-Tank Rocket, 81 mm mortar projectile tile ,mga sangkap sa paggawa ng bomba at mga bala ng iba’t ibang uri ng armas.

 

Please follow and like us:
Read More

BAKBAKANG BIFF, MILITAR: 3 UTAS, 5 SUGATAN SA MAGUINDANAO

maguindanao map12

(NI BONG PAULO)

TATLO katao ang napatay kabilang na ang isang sundalo at dalawang mga rebeldeng Moro na pinaniniwalaang kaalyansa sa mga ISIS habang limang iba pa ang sugatan nang magkabakbakan ang mga sundalo at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa sapa na sakop ng Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao, Linggo ng umaga.

Kinilala ang nasawing sundalo na si Sgt. Randy Alivar habang ang mga sugatan naman ay sina Privates First Class Ruel Sumilhig at Allan James Cabildo, lahat ay mga kasapi ng 33rd Infantry Battalion.

Dalawang mga BIFF ang nasawi habang tatlo naman ang sugatan na hindi pa nakilala.

Sa ulat ni Major Arvin John Encinas, tagapagsalita ng Western Mindanao Command, nagsimula ang bakbakan alas-9:00 ng umaga nang makasagupa ng mga sundalo mula sa 33rd Infantry Battalion ang mga pangkat ng BIFF habang nagsasagawa ng foot patrol sa nasabing lugar.

Ayon kay Encinas, ang mga BIFF ay posible umanong sa ilalim ng paksiyon ni Abu Torayfe na nakasagupa ng mga sundalo sa isang ilog.

Please follow and like us:
Read More

KAMPO NG BIFF NAKUBKOB NG MILF; 7 SUGATAN SA PAGSABOG

maguindanao map12

(NI JESSE KABEL)

NAKUBKOB ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Task Force Itihad ang kampo ng ISIS inspired Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) subalit pitong tauhan nila ang nasugatan sa pagsabog habang nagsasagawa ng hot pursuit sa Sitio Mapagkaya, Brgy Dasawao, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao.

Sa report na nakalap ng militar, nagpapatrulya ang grupo ng MIlF sa pamumuno ni Kumander George Kasim, ng National Guard Division ng MILF, laban sa BIFF-ISIS inspired group sa Sitio Mapagkaya, nang biglang masabugan sila ng improvised explosive device (IED).

Dahil sa lakas nang pagsabog, pitong mga miyembro ng MILF Task Force Itihad ang nasugatan.

Ang mga sugatan ay agad dinala sa pagamutan sa Datu Piang, Maguindanao ngunit agad inilipat sa mas malaking  ospital sa Cotabato City.

Bago ang pagsabog ay nakubkob ng MILF ang kampo ng BIFF sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha.

Matatandaan na pitong MILF at apat na BIFF ang nasawi sa madugong engkwentro nito sa Sitio Tinolusan Brgy Dasawao Shariff Saydona Mustapha Maguindanao, nitong linggo.

Ayon pa sa ulat ng Philippine Army  601st Brigade,  patuloy na tinutugis ng MILF Task Force Itihad sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha sa Maguindanao ang umaatras na BIFF.

Sa ngayon ay patuloy na tumutulong ang MILF sa pagtugis sa mga terorista sa Maguindanao at bahagi ng North Cotabato

Sa ngayon ay pinaigting pa ng MILF Task Force Itihad katuwang ang Joint Task Force Central ang pagtugis sa BIFF-ISIS Inspired Group sa pamumuno ni Shiekh Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife na nagtatago sa Liguasan Delta at SPMS Box sa Maguindanao.

Please follow and like us:
Read More

SAGUPAAN NG MILF AT BIFF: 11 PATAY

REBELDE-2

(Ni ANNIE PINEDA)

NASA 11 ang kumpirmadong namatay sa naganap na bakbakan ng dalawang grupong Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa probinsya ng Maguindanao.

Kinilala ang namatay na sina Manaut Musbil, Mads Maytum, Tongan Tot, Laguiali Ali, Poangan Ganda, Kho Mamaluba at Jeomar Salansamen, pawang mga miyembro ng MILF-Task Force Itihad.

Habang apat ang napaulat na nasawai at tatlo ang nasugatan sa panig naman ng BIFF-ISIS Inspired Group sa ilalim ng grupo ni Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife.

Batay sa report, naganap ang sagupaan sa Sitio Tinolusan Barangay Dasawao Shariff Saydona Mustapha Maguindanao.

Ayon kay Barangay Dasawao Barangay Chairman Abdulracman Kanda, nagsilikas na rin ang mga sibilyan sa hangganan ng bayan ng Shariff Saydona Mustapha at Pikit North Cotabato sa takot na madamay sa engkuwentro ng naturang mga grupo.

Sinabi pa ng mga saksi, nakita nilang isinakay ng MILF ang pitong nasawi sa bangka sa Rio Grande de Mindanao palabas ng Sitio Tinolusan Brgy Dasawao Shariff Saydona Mustapha Maguindanao.

Sa ngayon, nakamonitor na ang tropa ng pamahalaan na posibleng anoman oras at muling sumiklab ang gulo sa dalawang grupo.

Please follow and like us:
Read More

2 NAG-AAPPLY MAG-SUNDALO, NILIKIDA

sultan kudarat1

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Bumulagta ang dalawang mga aplikante sa pagkasundalo makaraang sundan at pagbabarilin ang mga ito ng pinaniniwalaang mga local Islamic State-inspired group habang sakay ng kanilang motorsiklo sa Barangay Rebuken sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao,  Sabado ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Celso Kusain II, 25, residente ng Sitio Talisay, Brgy, Pob 1, Parang at Glenn Mark Anthony Jumadiao, 23, ng  Brgy. Sarmiento parehong taga Parang, Maguindanao.

Batay sa ulat ng Sultan Kudarat PNP, alas-2:40 ng hapon sakay ang mga biktima ng motorsiklo at sinasabing pauwi na sa bayan ng Parang nang dikitan ng dalawa kataong sakay ng isa pang motorsiklo at pinagbabaril.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima sanhi upang tuluyang malagutan ng hininga.

Nagpapatuloy pa sa ngayon ang imbestigasyon ng Sultan Kudarat Municipal Police Station at inaalam kung ano ang dahilan ng pagpatay sa mga biktima.

Malaki ang paniniwala ng mga opisyal ng sundalo at ng police intelligence units sa lalawigan na mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang nasa likod ng pag-atake sa dalawa.

 

Please follow and like us:
Read More

UTOL, ANAK NG BIFF LEADER, 2 PA PATAY SA ENCOUNTER

maguindanao map12

(NI JG TUMBADO)

NAPASLANG ng militar ang apat na umanoy miyembro ng ISIS terror-linked na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa naganap na engkuwentro sa bayan ng Datu Unsay, Maguindanao Huwebes ng umaga.

Ayon kay Major General Cirilito Sobejana, commander ng 6th Infantry Division-Philippine Army, sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng kanyang mga tauhan at ng nasa 60 bilang na mga BIFF fighters sa bulubunduking bahagi ng Barangay Pamalian.

Nakipagsagupaan umano sa tropa ang mismong sub commander ng teroristang grupo na si Ali Abdul Malik, isa sa apat na napatay.

Si Ali ang umano’y kapatid ng BIFF commander na si Abu Turaife.
Bukod kay Ali, kabilang din sa napatay ay ang anak ni Abu Saiden, ang sub commander din ng BIFF.

Nasa 12 miyembro naman ng mga terorista ang nasugatan ayon kay Sobejana.

“Four dead saka 11 wounded, marami pa ‘yan actually… nagkakalat-kalat ngayon. Very deliberate lang kami kasi ang daming improvised explosive devices,” ani Sobejana.

Dalawang sundalo naman ang iniulat na nasugatan.
Sinabi ni Sobejana na nag-umpisa ang sagupaan nang maglunsad ng airstrikes at ground assaults ang tropa ng pamahalaan sa hinihinalang pinag kukutaan ng teroristang grupo sa nabanggit na lugar.

“Hinahalughog namin lahat ng suspected hideouts nila, tapos nag-indirect fire kami, ‘yun nga nasapol ‘yung location nung brother ni Abu Turaife at ‘yun nga nadali si Ali Abdul Malik,” dagdag pa ni Sobejana.

Please follow and like us:
Read More

6 BIFF PATAY SA AIRSTRIKE

biff

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO — Patay ang nasa anim na mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa inilunsad na airstrike ng militar sa liblib na lugar ng Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao.

Nakilala ang mga nasawi na sina Karim Binua, Munir Masdal, Ganih Lantih, Bukhari Samad, Sanday Musib at ang isa pa na hindi pa nakilala.

Ang mga nasawi ay sinasabing mga tauhan umano ni Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife.

Sa report ng army’s 6th Infantry Division, binomba ng dalawang FA-50 Light Combat Aircraft at dalawang MG-520 Attach Helicopters ng Philippine Air Force ang kuta ng BIFF sa naturang lugar.

Tumulong rin ang Field Artillery Battalion na nagpasabog 105 mm Howitzers Cannon sa posisyon ng BIFF na nagsimula pa noong Sabado ng hapon.

Sinasabing umaabot naman umano sa 1,000 mga sibilyan ang lumikas mula sa lugar dahil sa takot na maipit sa kaguluhan.

Umatras naman ang mga terorista at nagtago sa Liguasan marsh na target ngayon ng opensiba ng Joint Task Force Central Mindanao.

Sa intelligence report na natanggap ng 6th ID, maliban sa mga nasawi ay marami pang mga miembro ng BIFF ang sugatan sa naturang pag-atake.

Posible rin umanong kasama sa mga nasugatan ang kanilang lider na si kumander Abu Toraife.

 

Please follow and like us:
Read More

RESBAK NG BIFF: OFF DUTY NA SUNDALO ITINUMBA

(NI BONG PAULO)

COTABATO CITY – Pinaniniwalaang resbak ng mga rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang panibagong pagpaslang sa isang sundalo nang tambangan ng hindi pa nakilalang mga suspek sa Barangay Semba Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, nitong linggo ng gabi.

Sa ulat na nakarating kay Maguindanao police provincial director Sr. Supt. Ronald Briones na walang dalang armas si Corporal Sahelbasar Alaja, squad leader ng 90th Infantry Battalion ng Philippine Army nang mangyari ang pananambang sa Barangay Semba, ito dahil sa naka off duty ang sundaloo nang maganap ang insidente.

Batay sa ulat, naglalakad lamang ang biktima nang sundan ng riding in tandem na nakamotorsiklo at pinagbabaril.

Mabilis namang isinugod sa Cotabato Regional and Medical Center ang biktima pero idineklarang dead on arrival.

Kaugnay rito ay nakikipag-ugnayan na ang Datu Odin Sinsuat police sa 6th Infantry Division para sa manhunt operation ng mga suspek.

Si Alaja ang ikaapat na sundalo na pinatay sa Maguindanao at Cotabato City mula noong nakaraang linggo.

Inamin naman ni Abu Misry Mama ang tagapagsalita ng Islamic State-linked Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na sila ang nasa likod ng pagpatay sa mga sundalo dahil umano sa sunod-sunod na opensiba ng mga sundalo sa kanilang pangkat sa Maguindanao.

Please follow and like us:
Read More

AMBUSH SA MGA SUNDALO INAKO NG BIFF

biff23

KORONADAL CITY – Inako ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang ambush sa tatlong kasapi ng 57th Infantry Battalion Philippine Army na ikinamatay nina Private First Class (PFC) Junard Estribor at Private Nelier Jhan Pinto.

Sugatan din si Private Muqtadir Sampulna at isang babaeng sibilyan sa Sitio Kurungan, Brgy Sambulawan Datu Salibo, Maguindanao.

Mahigpit namang kinondena ni Major Arvin Encinas, tagapagsalita ng 6ID Philippine Army, ang ginawa ng BIFF. Isang nagpakilalang Abu Misry Mama, tagapagsalita ng teroristang grupo ang umako sa pananambang.

Sinabi nito na ang pananambang sa militar ay isa umanong pagganti sa pagpatay ng government troops kay Kumander Boy Native na isang mataas na opisyal ng BIFF.

Ayon sa militar matagal na nilang itinuturing na peace spoiler ang BIFF na nagsasagawa ng bayolenteng pag-atake laban sa tropa ng gobyerno at mga sibilyan.

Please follow and like us:
Read More

4 BIFF UTAS SA ENGKWENTRO

biff

(NI BONG PAULO)

KIDAPAWAN CITY – Nasawi ang apat na mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o (BIFF) matapos maka-engkwentro ang mga sundalo sa Barangay Inaladan sa bayan ng Saidona Mustapha, Maguindanao madaling araw nitong Martes.

Batay sa ulat, nagsimula ang engkwentro matapos na magpaputok ng armas ang mga BIFF sa mga tropa ng Army’s 40th Infantry Battalion nang magpatrulya ang mga sundalo sa nasabing lugar.

Bagama’t kaunti lamang ang tropa ng pamahalaan ay nagawang makaligtas ang mga ito at nakapaputok pa sa mga kalaban at apat ang napatay.

Kinilala ang mga nasawing BIFF na sina Akmad Sindi, Raguiab Bansao, Ameruddin Bunao at Gamino Orai.

Nakuha naman sa pinangyarihan ng engkwentro ang mga armas na ginamit ng mga suspek ang tatlong mga 7.62 caliber M14 rifles at 5.56 caliber AR18 rifle.

Dalawa sa mga BIFF ang nasugatan na kinilala lang sa pangalang Gadoh at Tasil.

Sa ngayon patuloy na tinutugis ang mga nagsitakas pa na mga BIFF.

Please follow and like us:
Read More

5 BIFF TIMBOG, PAMPASABOG, BARIL NAKUMPISKA

biff

(NI CARL REFORSADO)

NAARESTO ng pinagsanib na puwersa ng militar at kapulisan ang limang mga miyembro ng Islamic State linked terrorist na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na target bombahin ang mga matataong sa ilang parte ng Mindanao matapos ang isinagawang raid sa safehouse ng mga ito sa bayan ng Paglat, Maguindanao.

Nakuha sa raid ang apat na malalakas na uri ng bomba gayundin ang tatlong kalibre .45 baril, ayon sa ulat ng mataas na opisyal kahapon.

Sa ipinadalang ulat ni Lt. Col.Harold Cabunoc, commander ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion, nagsagawa ng counter terrorist operation ang kanyang unit dakong alas 3:00 ng madaling araw kamakalawa matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa presensya ng mga ISIS Inspired group terrorist na may mga malakas na uri ng pampasabog sa Barangay Palagad, isang remote barangay sa bayan ng Paglat.

“Our informant showed us the pictures of terrorist bombers Ustadz Yasser Saligan and his cohort, Sheik Makakena, a.k.a. Abu Jihad, as they detonated a bomb to test its lethality, we have been tracking the suspect since November 2018,”pahayag ni Cabunoc sa ipinadala nitong statement sa mga reporters.

Ginapang ng pinagsanib na puwersa ng 33rd IB at 4th Special Action Force (SAF) Battalion, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ARMM a11t Maguindanao Provincial Police Office ang safehouse ng mga terorista at nahuli nila ang liamng suspek na nabigla sa pagsugod.

Ayon kay Cabunoc,base na rin sa kanilang nakuhang impormasyon, target umanong pasabugin ng grupo ang ilang matataong lugar sa Sultan Kudarat at North Cotabato.

 

Please follow and like us:
Read More