EX-YAKUZA MEMBER ARESTADO NG BI

(NI FRANCIS SORIANO)

KALABOSO at himas rehas ngayon ang isang 71-anyos na puganteng Japanese national na wanted sa kasong fraud at sinasabing dating miyembro ng Yakuza syndicate, matapos na maaresto ito ng Bureau of Immigration-Fugitive and Search Unit (BI-FSU) sa Pasay City.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Katsumi Ohno na hinuli ng mga operatiba ng FSU sa service road ng Roxas Boulevard, Pasay City.

Ayon kay Morente, hiniling ng Japanese embassy ang deportation ni Ohno noon pang Pebrero dahil sa standing warrant of arrest na kinakaharap nito, maliban sa paso na ang kanyang hawak na pasaporte noon pang Nobyembre 2018 kaya maituturing na itong isang undocumented alien.

Base sa records ng BI, dumating sa bansa si Ohno bilang turista mula Hong Kong noon pang April 10, 2011. Dito na siya sa Pilipinas nagtago mula noon.

Kasabay nito ay inilagay na rin sa Immigration blacklist ang dayuhan para hindi na payagan pang makabalik ng Pilipinas habang pinoproseso na ang kayang deportation order na pirmado ng Board of Commissioners.

Please follow and like us:
Read More

4 CHINESE FUGITIVES ARESTADO NG BI

(NI FRANCIS SORIANO)

HIMAS- rehas ngayon ang apat na Chinese national mula People’s Republic of China (PROC) matapos na maharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 at habang ang iba ay inaresto sa kanilang bahay sa Bonifacio Global City (BGC), ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon sa ulat na isinumite ni BI acting port operations division chief Grifton Medina kay Immigration Commissioner Jaime Morente, inaresto si Liang Yang, 29, noong Biyernes

pagbaba sa airport lulan ng Xiamen Air dahil sa kasong forgery.

Dagdag pa sa ulat na kinasela na ng Chinese embassy ang passport nito at may kasalukuyang arrest warrant mula sa municipal public security bureau of Qinhuangdao City sa Hebei province, China.

Samantala, kinilala naman ni BI acting intelligence chief Fortunato Manahan Jr, ang tatlo pang naarestong suspek noong September 23 na sina Shi Chun Tan, Cai Rong Li and Li Shao Bai sa isang condominium tower sa BGC.

Ayon kay Medina,  inaresto ang mga suspek sa request ng Chinese government matapos din ikansela ang kanilang pasaporte at i-blacklist sa muling pagpasok ng bansa.

“We were informed that these three nationals are wanted for kidnapping and obstruction of justice, hence they will be deported for being undesirable aliens,” ani Manahan.

 

 

Please follow and like us:
Read More

KANO WANTED SA CHILD PORN ARESTADO

bi45

(NI FRANCIS SORIANO)

NAKADETINE sa  Camp Bagong Diwa, Taguig City ang isang American national na wanted at sangkot umano sa child pornography at illegal gun possession matapos maaresto ito ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) officer sa lalawigan ng Pampanga nitong Miyerkoles.

Kinilala ni BI Intelligence Officer and FSU Chief Bobby Raquepo ang suspek na si Samuel Arthur Thompson, 49, na naaresto noong September 3 sa kanyang bahay sa Copenhagen St., Don Bonifacio Subd., Angeles City.

Ayon kay Raquepo,  inaresto ang suspek sa isang mission order na inisyu ni Immigration Commissioner Jaime H. Morente at US embassy Manila kaugnay sa kinahaharap nitong kaso sa Florida, U.S.A., matapos itong hatulan ng child pornography and illegal gun possession.

“According to the US Embassy, Thompson is subject of an outstanding arrest warrant issued last month by the US District Court in the Middle District of Florida on charges of unauthorized cyber access and intrusion as well as possession of child pornography and firearm,” ani Raquepo.

 

 

Please follow and like us:
Read More

8 PUGANTENG CHINESE SA ONLINE GAMES HULI NG BI

(NI FROILAN MORALLOS)

IPATATAPON palabas ng bansa ng Bureau of Immigration (BI), ang walo pang puganteng Chinese national na wanted sa People’s Republic of China kaugnay sa mga kasong economic crimes sa kanilang bansa.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, na ang walong Chinese ay na-aresto sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU) sa isang condominium malapit sa Circuit Shopping Complex sa Brgy. Carmona, Makati City.

Kinilala ang mga suspek na sina He Ying, Wang Yaoguang, huang Tiancan, Lu Xiaoyu, Gong Xiaofei, Chu yingshiuang, He Mei at Shan Hongwei.

Batay sa report na nakarating kay Morente mula sa Chinese Embassy dito sa Pilipinas, ang walong pugante ay may kasong economic crimes sa kanilang bansa.

Sangkot din ang mga ito sa fraudulent mobile application na kung tawagin sa China ay  ‘Fast 3 Lottery’.

Dagdag pa ng Chinese Embassy, libu-libong kapwa Chinese ang naging biktima ng mga suspek sa kanilang ilegal na operasyon sa pamamagitan sa pagtaya sa online game of chance ng grupo.

Napag-alaman mula sa Embahada ng China na kumita ang grupo ng aabot sa bilyones sa kanilang raket.

 

Please follow and like us:
Read More

SANGGOL SA BELTBAG NAPIGIL NG BI

bi45

(NI ROSE PULGAR)

PINIGILAN ng  mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babaeng American national, makaraang tangkaing ipuslit palabas ng bansa ang isang 6-araw na sanggol na lalaki na isinilid sa loob ng kanyang beltbag na hand carry, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, Miyerkoles ng  umaga.

Kinilala ni Immigration Port Operation Division Chief Grifton Medina ang dayuhan na si Jennifer Erin Talbot, 43, mula Utah, Unites States

Lumabas sa report, dakong alas-7:00 ng umaga nang pigilin ng mga awtoridad ang dayuhan sa boarding gate ng Delta Air sa NAIA Terminal 3 matapos makitang nakasilid ang sanggol na tinayatang nasa anim na araw pa lamang sa dalang bag ng dayuhan.

Sinabi pa ni Medina, walang dalang kaukulang dokumento ang dayuhan na nagpapahintulot sa kanya na dalhin at ilabas ang sanggol sa ating bansa.

Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil dito at kung paano naipasok ang sanggol sa loob ng paliparan na nakasilid pa bagahe ng dayuhan.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng BI ang naturang sanggol habang nakikipag-coordinate na sila sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa isasagawang imbestigasyon.

Sinabi pa ni Medina, nakatakdang iturn-over ng NBI ang nasabing sanggol sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pangangalaga rito.

 

 

Please follow and like us:
Read More

3 PAKISTANI HULI NG BI SA MINDANAO

bi45

(NI FROILAN MORALLOS)

NASAKOTE ng mga taga Bureau of Immigration (BI) sa  Mindanao ang tatlong Pakistani nationals na nagtratrabaho nang walang mga working visa at working permit  na maipakita sa mga arresting officers.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente,  nakilala ang mga Pakistani national na sina Zada Rahim, Ali  at agad ito dinala sa Bagong Diwa, Taguig City , habang on going ang proseso sa kanilang deportation order.

Batay sa impormasyon na nakarating kay Morente naaresto sina Zada at Ali noong July 8, ng  Mindanao Intelligence task group (MITG) ng Bureau of Immigration sa Buner Appliances Store sa  Governor Lim Avenue, Zamboanga City, habang si Muhammad ay nasakote sa ikinasang operasyon ng grupo noong July 10 sa Buner Appliances branch sa Isabela City, Basilan.

Napag-alaman na ang tatlong Pakistani ay magkakasama sa isang kumpanya na pag-aari ng kanilang kababayan na si Waqar Ahmad, na unang naaresto dahil  nagtatrabaho rin nang walang kaukulang mga papeles.

May hinala ang military intelligence na si  Ahmad ay pinaniniwalaang  miyembro ng  Dawah Islamiyah Group  at kasama o nasa likod sa terror attacks sa Basilan.

Ayon sa pahayag ni Immigration intelligence officer Melody Gonzales, hepe ng BI-MITG , si  Ahmad ang naging susi upang mahuli ang kanyang mga kasamahan na nagturo sa pinagtataguan ng tatlong Pakistani.

 

 

Please follow and like us:
Read More

4 DAYUHAN HULI NG BI SA PEKENG DOKUMENTO

naia immigration 12

(NI FROILAN MORALLOS)

BUMAGSAK sa bitag ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang apat na foreigners habang pasakay sa kanilang flight palabas ng bansa dahil sa paggamit ng pekeng dokumento.

Ayon kay Commissioner Jaime Morente, ang apat na dayuhan ay isang Chinese fugitive, Nigerian impostor, at dalawang Sri Lankans, kung saan na- intercept ang mga ito ng Bureau’s Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 at 2 ng magkakaibang petsa.

Ang Chinese national ay nakilala na si Wang Wen, 33, at nasakote noong Sabado ng umaga sa NAIA terminal 2 habang pasakay sa Philippine Airlines flight papuntang Xiamen.
Nakuha kay Wang ang pekeng Philippine visa na mayroon fake immigration arrival and departure stamps.

Nadiskubre sa verification sa BI  rekord, na si Wang ay  may nakabimbin na summary deportation order noon pang 2018, dahil sa kasong economic crimes.

Matapos ang isang oras nahuli ng BI-TCEU personnel sa NAIA terminal 1 departure si Nigerian Adekunle Michael Ogunade, 55, habang paalis gamit ang fake Solomon Islands passport.

Ayon kay BI-TCEU chief Timotea Barizo inamin ni Ogunade sa isinagawang imbestigasyon ang tunay niyang pagkato matapos madiskubre na peke ang kanyang mga papeles resulta ng BI’s forensic document laboratory.
Huling naaresto itong dalawang Sri Lankans na sina Drosamy Asah, 32, at Talayan Hilamaran, 35, sa transfer desk ng NAIA terminal 2 bago makaalis papuntang Brisbane Australia .

Sina Wang at Ogunade ay kasalukuyang detainee sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang naka-pending ang kanilang deportation, habang ang dalawang Sri Lankans ay pinabalik sa kanilang port of origin.

Please follow and like us:
Read More

CHINESE NA UMIHI SA PADER, IPADEDEPORT

(NI JULIE DUIGAN)

IPADEDEPORT ni Manila Mayor Isko Moreno ang isang dayuhang umihi sa pader at nanapak pa ng isang barangay tanod na sumita sa kanya sa Binondo, Manila, Linggo ng gabi.

Ayon  sa alkalde susulat ito  sa Bureau of Immigration (BI) hinggil sa suspek na si Chito Villaluz Y Keng , at kung talagang holder ito ng foreign passport, ipadedeport niya ito.

“Mayroong isang Chinese national, umihi sa pader ng Maynila. Sinita ng tanod. ‘Di lang nagalit ang Chinese, sinapak pa ng Chinese national ‘yung tanod. Nakarating sa akin,” anang alkalde sa isang pulong balitaan.

Napag-alaman pa kay Moreno na isang general rule ang hindi pag-ihi sa mga lansangan at kahit sino pa aniya ang gumawa nito ay kailangang arestuhin, maging ito’y isang dayuhan man na galing sa isang malaki at mayamang bansa.

Aniya, hindi welcome sa lungsod at hindi nila palalampasin lalo na kung nanakit pa ito ng mga awtoridad dahil lamang sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

“Please, foreigners, immaterial of where you came from, if you go to Manila, you need to follow simple rules,” anang alkalde.

“It is a generally accepted rule that you don’t pee in the streets. You will be arrested because that is illegal. If you hit an enforcer, if you attempt to hurt policemen, because you think your country is a superpower, you are not welcome in the City of Manila,” dugtong pa ni Moreno.

“If he is really a holder of a foreign passport, we will write to the Bureau of Immigration to have him deported. We will deport you and ban you from entering the country,” babala pa niya.

“Wag na wag ninyong gagawin yan sa Maynila. I hope you will not do it again,” pagtatapos ng alkalde.

Please follow and like us:
Read More

PUGANTENG COLOMBIAN HULI NG BI

(NI FROILAN MORALLOS)

NAARESTO ng mga taga Bureau of Immigration (BI) ang isang convicted Colombian national na wanted ng US Federal authorities sa Texas dahil sa paglabag ng probation na ipinagkaloob sa kanya ng United States.

Kinilala ni BI intelligence officer Bobby Raquepo, hepe ng bureau’s fugitive search unit (FSU), ang suspek na si Jhon Angelo Trujillo, 36, na nahuli nitong Martes sa kanyang condominium unit sa Eastwood, Quezon City.

Ayon kay Raquepo, nakarating sa kanyang kaalaman na si Trujillo ay inireklamo sa korte ng isang complainant dahil sa kanyang pagiging overstaying alien at pagtatrabaho nang walang working visa at work permit mula sa Department of Labor and Employment (DOLE)

Nabatid ng pamunuan ng BI mula sa US authorities na si Trujillo ay mayroon standing arrest warrant sa Hunt County sheriff’s office sa Greenville, Texas, dahil sa paglabag ng kanyang probation.

Napag-alaman na Colombian national ay nahatulan sa Amerika ngunit under probation,

Sa ilalim ng probation law sa US, ang taong nabigyan ng probation ay nasa  hindi maaaring makalabas ng kanilang bansa.

Paso na rin umano ang passport ng Colombian at nakapagtatrabaho pa sa bansa. Sa isinagawang imbestigasyon ng mga taga BI nadiskubre na si Trujillo ay overstaying tourist.

Sa ngayon nakakulong itong si Trujillos sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, habang hinihintay ang kanyang deportation order ng BI Board of Commissioners at

nakatakdang ilagay ang pangalan nito sa listahan ng mga blacklisted na dayuhan para hindi na muli makabalik sa bansa .

 

Please follow and like us:
Read More

KOREAN ‘MOVIE PRODUCER’ ARESTADO SA PAMPANGA 

bi45

(NI FROILAN MORALLOS)

NATIMBOG ng Bureau of Immigration (BI) sa Pampanga ang isang Korean national na wanted ng otoridad sa Seoul dahil sa kasong pandarambong ng mahigit sa 200 milyon won o halos P9 milyon, na hiniram niya sa kapwa Koreano para sa movie project.

Ayon kay BI intelligence officer Bobby Raquepo, ng F ugitive Search Unit (FSU), kinilala ang suspek na si Kim Woo, 38, at inaresto noong Huwebes sa Bgy. Balibago, Angeles City.

Nadiskubre na si Kim, ay may nakabimbin na warant of arrest na inisyu ng  Korean court, sa pamamagitan ng red notice ng Interpol .

Dagdag pa ni Raquepo si Kim ay wanted sa kanilang lugar dahil sa kasong swindling ng aabot sa 129 milyon Won noong taon 2013 hanggang 2015 na hiniram niya sa kapwa Koreano para magamit sa kanyang ginagawang pelikula .

Kinasuhan din itong si Kim dahil sa paggastos o defrauding ng pera ng kanyang nabiktima na aabot sa 107 milyon Won upang mag-invest sa itatayong  corporate

Lumalabas sa imbestigasyon na si Kim ay tumakas papunta sa Pilipinas noong August 5, 2018  para iwasan ang kanyang kasalanan.

Ayon kay Commissioner Jaime Mornte agarang pababalikin si Kim sa Korea upang harapin ang kanyang mga kaso , kasabay sa paglalagay ng kanyang pangalan sa talaan ng mga blacklisted na dayuhan , para hindi siya makabalik muli sa bansa .

 

 

Please follow and like us:
Read More

KANO NA WANTED SA US HULI SA PAMPANGA

bi12

(Ni FRANCIS SORIANO)

ARESTADO ang puganteng Amerikano na sangkot sa kasong pagpatay at iba pang kasong kriminal sa Estados Unidos matapos maaresto ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit (BI-FSU), sa Angeles City, Pampanga.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, inaresto ang suspek na si Antonio Marsonel Wilson  sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng US district court sa Warren County, Kentucky.

Nag-ugat ang pag-aresto sa suspek sa patung-patong na kasong kinakaharap nito gaya ng murder, first-degree assault, domestic violence, first-degree wanton endangerment, possession of firearm and handgun by a convicted felon, tampering with physical evidence, trafficking in marijuana, possession of drug paraphernalia.

Ayon pa kay Morente, anumang oras ay ipade-deport na ito pabalik sa kanyang bansa para harapin ang kanyang mga asunto.

 

Please follow and like us:
Read More

PULIS HULI SA P200-K EXTORTION SA MISIS NG KOREANO

arrest

(NI NICK ECHEVARRIA)

KALABOSO ang isang police personnel matapos kumagat sa isang entrapment operation na ikinasa ng mga tauhan ng PNP-Counter Intelligence Task Force (CITF) at Intelligence Group (IG) sa gate mismo ng National CapItal Regional Police Office  (NCRPO) sa Bicutan, Taguig City, Martes ng tanghali.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde, nakilala ang dinakip na suspek na si P/Cpl Rommel Enrico na nakatalaga sa Bureau Immigration and Deportation (BID).

Nabawi sa suspek ang P200,000 marked money na kanyang tinanggap mula sa biktimang si Mrs. Meizzel Jeanni Culalay, ng Bgy. Almanza Uno, Las Pinas City, alas-12:30 ng tanghali.

Hiningian umano ng suspek ang biktima ng P200,000 kapalit nang mabilis na paglaya ng mister nitong isang Korean National na si Kook Jin Chung  na nakakulong sa BID Detention Facility sa Bicutan dahil sa kasong overstaying.

Personal umanong isinumbong sa mga awtoridad ng biktima ang suspek na ngayon ay nakakulong sa detention cell ng CITF habang inhahanda ang kasong kakaharapin kaugnay sa paglabag sa RA 3019  (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at Direct Bribery.

 

 

Please follow and like us:
Read More

2 WANTED NA KOREANO IPADE-DEPORT NG BI

bi12

DALAWANG puganteng Koreano ang ipade-deport ng Bureau of Immigration matapos maaresto sa magkakahiwalay na lugar sa Maynila at Mandaluyong City.

Agad inaksiyun ang pagpapatalsik kina Oh Gwangrok, 48, at Park Seungjae, 44, na nakakulong ngayon sa detention facility ng ahensiya sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na agad niyang ipinag-utos ang pagsipa pabalik sa kanilang bansa ang dalawa at idinagdag na hindi lugar ang Pilipinas para sa mga kriminal na dayuhan na tulad nina Gwangrok.

Sa Remedios Circle sa Malate, Maynila nakorner si Oh dahil paso na ang pasaporte nito at overstaying na sa bansa mula noong Nobyembre 2018. Wanted din ito sa Korean Embassy dahil sa kasong fraud.

Si Park naman ay inaresto sa kanyang unit sa Tivoli Garden Residences sa Mandaluyong City at agaran ding idedeport dahil wanted ito sa kasong smuggling sa Korea.

Please follow and like us:
Read More

PULIS SINABUYAN NG TAHO NG BABAENG CHINESE

taho500

(TEKSTO/PHOTO BY JG TUMBADO)

SINABUYAN ng mainit-init pa na taho ng isang babaeng Chinese national ang naka-unipormeng pulis na nagbabantay sa istasyon ng MRT 3 sa Mandaluyong City Sabado ng umaga.

Nangyari ang insidente sa Boni Station ng MRT 3 dakong alas-8:30 ng umaga nang papasok na sa baggage inspection area si Jiang Zhang, 23..

Dalawang security personnel ng MRT 3 ang unang nagsabi kay Zhang na bawal ang taho at iba pang inumin na likido sa loob ng tren ngunit nagmatigas ang dayuhan.

Minabuti ng mga security guard na tawagin si PO1 William Cristobal na siyang nagpaliwanag sa Chinese ngunit sa halip na sumunod ay isinaboy nito sa pulis ang iniinum na taho.

Hindi nakapalag ang pulis at agad namang dinala si Zhang sa detachment ng pulisya sa Shaw Boulevard station at kasalukuyang naka kostudiya.

Sa naturang stasyon ay doon humingi ng dispensa si Zhang kay PO1 Cristobal sa ginawa nitong pangsasaboy.
Kakaharapin ni Zhang ang kasong Direct Assault at Disobedience to a person in Authority at maaari rin na maipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) kaugnay ng insidente.

Please follow and like us:
Read More

KANO NAKITANG PATAY BI CELL

bi200

PATAY na nang matagpuan ang isang Amerikano sa loob ng isolation room ng Bureuf of Immigration (BI) Detention Center sa loob ng Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Si William Mark St Cyr ay nakitang patay bandang alas-7:30 ng Sabado ng umaga, ayon sa report ng Taguig City Police.

Bandang alas-7:15 ng umaga nang silbihan ito ng agahan, napansin umanong nakaluhod si St Cyr sa kanyang kama. Wala umano itong saplot sa katawan.

Ilang minuto pa ang nakalipas sa pagbalik ng service boy ay napansin niyang hindi na gumagalaw ang Amerikano kaya’t agad niyang ipinaalam sa detention center warden ang insidente.

Patuloy pang iniimbestigahan ng Taguig Police ang insidente.

Please follow and like us:
Read More

TONY LABRUSCA GUSTONG IPA-DEPORT

tony

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

“Ignorantia juris non excusat”. “Ang kawalan ng kaalaman sa batas ay hindi magagamit sa pag-iwas sa pananagutan”. Iyan ang maliwanag na prinsipyo sa pagpapatupad ng batas. Kaya nga katungkulan ng bawa’t isa na malaman ang batas at kung anu-ano ang kanyang karapatan sa ilalim ng batas.

Inamin ng male starlet na si Tony Labrusca na hindi niya alam ang batas, nang magalit siya dahil sa halip na bigyan siya ng isang balikbayan visa, ang ibinigay lamang sa kanya nang dumating siya sa airport ay ang karapatang manatili sa bansa ng isang buwan, o iyong tourist visa.

“Hindi ba ninyo ako kilala. Isa akong celebrity. May showbiz career ako sa Pilipinas. Marami ang mga taong nakikipag-selfie na kasama ako,” ganyan ang sinasabing katuwiran ng male starlet habang nagagalit sa mga immigration officials na nagbigay sa kanya ng tourist visa lamang.

Sinabi niya na may showbiz career siya sa Pilipinas, nang hindi man lang niya naisip na siya ay isang US citizen at kailangan niya ng “working visa” bago siya makapagtrabaho sa Pilipinas. Hindi niya alam na dahil sa sinabi niya, inaamin niyang lumalabag na siya sa batas.

Kung kami ang tatanungin, suwerte pa rin siya. Kasi kung titingnan nga ang sinabi ni DFA Secretary Teddy Boy Locsin, “i-deport na lang iyan”. Kung iisipin, maaaring ginawa iyon ng mga opisyal ng immigration at sinabing siya ay isang “undesirable alien”, dahil sa kanyang ginawa. Suwerte siya mababait pa rin ang mga taong kanyang natiyempuhan.

Pero ang nakakatawa pa, siya pa ang nagsimulang magkuwento noon sa social media. Parang tumatawag pa siya ng simpatiya dahil sa nangyari sa kanya, nang hindi muna inuunawa na ipinatutupad lang naman ng mga tao sa airport ang tamang batas.

“Ignorance of the law spares no one”. Iyan ang dapat nating tinatandaan.

Please follow and like us:
Read More

TONY LABRUSCA NAGWALA, ‘DI PINATULAN NG BI OFFICIALS

TONY

HOT na hot. As in viral pa rin  sa social media ang isyung paninigaw at pagwawala ni Tony Labrusca sa Immigration officer sa NAIA nung nakaraang Huwebes, January 3.

Nag-apologize na ang ama ni Tony na si Boom Labrusca, sumunod nito ay nag-sorry na mismo si Tony na inilabas sa kanyang Twitter account.

Pero ang ina nitong si Angel Jones ay nagpu-post sa kanyang Twitter account na tila pinapalabas niyang ‘fake news’ itong naglabasan balita tungkol sa Kapamilya singer/actor.

Nakausap namin ang spokesperson ng Bureau of Immigration na si Ms. Dana Krizia Sandoval sa radio program naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH kamakalawa ng gabi, sinabi niyang tapos  na ang isyung ito kay Tony dahil in-allow naman daw siyang makapasok ng bansa.

Hindi na raw bago sa kanila ang ipinakitang iyun ni Tony, kaya pinairal lang daw nila ang ‘maximum tolerance’.

“May instruction naman talaga sa ating mga Immigration officers na maximum tolerance pagdating sa mga ganung situation. Sanay naman ho kami sa mga ganyang situation.

“Ipinaliwanag naman po sa kanya nang maayos kung ano yung mga regulations natin, he wasn’t very receptive. Hindi po niya tinanggap kung ano talaga ang dapat na gagawin,” pahayag ni Ms. Sandoval.

Iyung pagsisigaw at pagmumura daw  ni Tony sa Immigration Officer ay sapat na dahilan na pabalikin ng Canada ang aktor, pero ‘maximum tolerance’ nga raw ang ipinairal nila at kinunsider din na mga Filipino naman ang mga magulang ni Tony.

“Although, maximum tolerance po tayo in some cases. Kinunsider na rin po kasi ang kanyang Filipino lineage.

“But usually po kapag mga foreign national who are very disrespectful sa ating mga Immigration officers, hindi po natin tinatanggap yan. Hindi po natin pinapapasok yan, kasi yung effect po is parang disrespectful po sila sa bansa natin in general, dahil ang mga ito po ay mga symbols ng ating bansa.

“Kumbaga, kung sa isang opisyal na nga ng gobyerno na hindi nila nirerespeto, what more po yung mga maliliit na tao sa labas,” sabi pa ni Ms. Sandoval.

Binigyan ng 30-day stay si Tony, pero puwede naman daw siyang mag-request ng extension kung meron pa siyang mga commitments na kailangang tapusin dito.

“As long as he maintains po the good behavior in the country and follow po yung mga batas natin, mga immigration laws, wala naman pong magiging problema,” saad ni Ms. Sandoval.

Sa apology na ipinalabas ni Tony, itinanggi niyang nagwala siya, nagmura at nagsisigaw. Pero ilang mga tao at mismong mga taga-Immigration ang nakakakuha ng litrato at video, pero hindi na raw nila in-allow na ilabas dahil tapos na  nga raw ang isyung iyun.

“Wala na po yun sa Immigration, since na-clear na po siya. Kumbaga, we did our part, nagawa na po namin yung trabaho.

“Siguro po, it’s just a reminder to everyone kung ano lang po yung limits ng Balikbayan Privilege and of course  yung paano ba umasal sa Immigration.

“Nangyari po yun sa port of entry. In-assess na po siya ng Immigration officer based on his actions, tinanggap na rin naman po ng Immigation officer at in-allow naman po siya na pumasok ng bansa,” sabi pa ni Ms. Sandoval ng Bureau of Immigration.

May ilang netizens pang naglabas ng kanilang kuwento na sinasabing may kasamang lalaki si Tony na umaawat sa kanya. Hinahagod daw sa likod para kumalma.

Binigyan ng malisya ng iba kung ano ni Tony ang naturang lalaki, pero sinasabi naming mas mabuting mag-focus na lang muna siguro sa isyu niya sa Immigration kesa sa ilang malisyosong kuwento.

 

Please follow and like us:
Read More