BARANGAY TANOD PATAY SA ‘SEX PILL’

crime08

(NI JULIE DUIGAN)

HINDI na nagawang maisalba ang buhay ng isang 36-anyos na  barangay tanod, makaraan umanong uminom ng sex pill bago makipagtalik sa girlfriend na galing sa Middle East, Sabado ng madaling araw.

Nakilala ang biktimang si Roger Ayunting, binata ng  Brgy.307 sa panulukan ng Estero Segado at Ronquillo St., sa Sta.Cruz at residente ng 720 Carero St., Sta.Cruz, Maynila.

Base sa report na isinumite ni Det. Jonathan Bautista, kay P/Capt. Henry Navarro , hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-8:50 ng umaga, nang itawag ng Jose Reyes Memorial Medical Center ang pagkamatay ni Ayunting .

Huling nakitang buhay ang biktima ng dakong 12:00 ng madaling araw. Matapos umanong manggaling sa kasintahan mula sa Middle East. Naikwento umano nito na uminom siya ng Bravo capsule bago siya nakipagtalik.

Dakong 4:00 ng madaling araw , nang makitang nanginginig ang buo nitong katawan ng biktima kaya’t mabilis na isinugod sa nasabing ospital. Gayunman, hindi na naisalba ng buhay ng barangay tanod.

Please follow and like us:
Read More