MESSAGE SA FB BINULATLAT; GF BUGBOG SA SELOSONG BF

huli

(NI MAC CABREROS)

KALABOSO ang isang binatang estudyante na nambugbog sa kanyang 16-anyos na kasintahan sa Marikina City.

Desidido ang pamilya ng biktimang sinadyang itinago sa pangalang ‘Dmet’ na sampahan ng kaso laban kay Kyle Gabriel Coronado,18.

Sa imbestigasyon ng pulisya, pinuntahan ng lalaki ang bahay ng kasintahan sa Tuazon Ville, Brgy. Tanong, ng nasabing lungsod alas-10:00 ng umaga ng Martes at kinompronta hinggil sa mga mensaheng nababasa sa messenger account.

Nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa hanggang sa hilahin ng lalaki,  na noo’y sinukluban ng matinding galit, ang kamay ng babae saka ibinalandra sa dingding kung saan nagtamo ng pinsala sa katawan ng huli.

Agad na humingi ng tulong  sa awtoridad ang tiyahin ng biktima kung saan agarang rumesponde at naaresto ang suspek.

Paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse, Exploitation and Discrimination ang isasampa laban sa akusado.

 

Please follow and like us:
Read More

DEADMA SI BF; DALAGITA LUMAKLAK NG BLEACHING AGENT

suicide

(NI FRANCIS SORIANO)

DAHIL sa pag-ibig, kasalukuyang inoobserbahan ngayon sa Valenzuela Medical Center ang isang dalagita makaraan tangkahin nitong magpatiwakal sa pag-inom ng bleaching agent, Biyernes ng hapon sa Valenzuela City.

Kinilala ng awtoridad ang biktima na si ‘Katya’ di tunay na pangalan, Grade 7 student.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon dumaranas umano ng depresyon ang biktima dahil sa patuloy na pagdeadma ng kanyang boyfriend.

Bandang alas-2:00 ng hapon, bumili ito ng bleaching agent sa tindahan saka ininom pagdating sa kanilang tirahan.

Tiyempo namang naroon ang boyfriend ng biktima at nakita niyang kinakapos at hinahabol na ng paghinga ang dalagita kaya’t mabilis niya itong isinugod sa naturang pagamutan kung saan patuloy na inoobserbahan

 

 

Please follow and like us:
Read More

BEAUTICIAN NA DADALAW SA BF NA PRESO BINARIL

crimeshooting12

(NI ALAIN AJERO)

HIMALANG nabuhay ang isang beautician matapos barilin sa ulo ng isa sa dalawang maskaradong lalaki habang dadalaw sa nakakulong na kinakasama, sa Malabon City, nitong Biyernes.

Agaw-buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Sheryl Pineda, 48, ng Block 1, Lot 10 Sitio 6, Brgy. Catmon sanhi ng tama ng bala sa ulo habang nakatakas naman ang mga hindi nakilalang maskaradong suspek

Paalis ang biktima kasama ang pamangkin na si Jian Ronquillo sakay ng isang tricycle ala-1:40  ng hapon para dalawin ang kinakasama ni Pineda na nakapiit sa Malabon City Jail, nang bumulusok sa eksena ang mga suspek sa Governor Pascual Avenue, Sitio 6, Brgy, Catmon.

Isa sa mga suspek ang bumunot ng baril at pinaputukan nang malapitan sa ulo ang biktima.

Sa pag-aakalang todas na ang biktima ay tumalilis ang mga salarin habang itinakbo ni Ronquillo ang tiyahin sa nasabing ospital.

Isang basyo ng hindi nabatid na kalibre ng baril ang narekober sa pinangyarihan ng insidente.

Patuloy ang imbestigasyon upang makilala at mahuli ang mga suspek at malaman ang motibo sa likod ng pamamaril.

Please follow and like us:
Read More

BF PUMATAY NG GF SUMUKO

agusan

BUTUAN CITY – Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa sinasabing suspek na pumatay sa kanyang karelasyon sa Nasipit, Agusan del Norte makaraan sumuko sa mga awtoridad.

Ayon kay PO3 Elmer Haranay, pursigido ang pamilya ng biktimang si Aimee Tampan, 34, na sampahan ng reklamo ang sumukong suspek na si Remare Bitangcor.

Sa ngayon, hinihintay na lang ng pulisya ang resulta ng autopsy report para malaman ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Batay sa ulat, natagpuang walang malay si Tampan makaraan ang kanilang pagtatalo nitong Huwebes.

Agad tumakas ang suspek makaraan ang krimen ngunit sumuko sa pulisya kalaunan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, hindi tanggap ng suspek ang pakikipaghiwalay sa kanya ng biktima kaya nangyari ang krimen.

Please follow and like us:
Read More