PBA GOVERNORS CUP: BEERMEN LABAN SA HOTSHOTS

(PHOTO BY MJ ROMERO) MAAGANG magkakasubukan ang grand slam-chasing San Miguel Beer at last year’s PBA Governors Cup titleholder Magnolia Pambansang Manok Hotshots sa main game ngayong gabi sa Mall of Asia Arena, Pasay City. Walang pang talo ang San Miguel na biniktima ang Phonix Pulse Fuel Masters, Alaska Milk Aces, at pinakahuli ang NLEX Road Warriors sa Dubai. Sasandalan ng Beermen, na target ang ikalawang Triple Crown, ang kanilang star-studded locals at import na si Dez Wells. Aasa naman ang Hotshots sa kanilang import na si Romeo Travis, Best…

Read More

GRANDSLAM PRESSURE 

(NI ANN ENCARNACION) MAS tumindi ang pressure sa San Miguel Beer na masungkit ang ikalawang grandslam title sa Philippine Basketball Associaiton (PBA) matapos maibulsa ang Commissioner’s Cup title kontra TNT Katropa. Unang napanalunan ng Beermen ang Philippine Cup title kontra sa Magnolia Hotshots sa decider Game 7 noong Mayo bago tinalo ang TNT Katropa sa Game 6 noong Biyernes at isukbit ang ikalawang titulo. “Naabot na natin ang 2/3 ng target, 1/3 na lamang ang natitira,” sabi ni Robert Non, SMB’s representative sa PBA Board. Hindi pa rin nakalilimutan ni…

Read More

BEERMEN NAMUMURO

(NI ANN ENCARNACION) ISANG panalo na lang ang kailangan ng San Miguel Beer kontra TNT para makopo ang 2019 PBA Commisioners‘s Cup crown. Kung sakali, ito ang magiging ikalawang conference title ng Beermen ngayon taon matapos pagharian ang All-Filipino Cup nitong Mayo. Hangad ng Beermen na makuha ang ikalawang grandslam sa 44 na taong professional basketball league sa bansa. Pipilitin naman ng Katropa na pigilan ang Beermen sa kanilang Game 6 match-up ngayong alas-7 ng gabi sa Araneta Coliseum at makapwersa ng decider Game 7. Itinakas ng Beermen ang krusyal…

Read More

BEERMEN, KATROPA UNAHAN SA GAME 5: ‘TOSS COIN’

(NI ANN ENCARNACION/PHOTO BY MJ ROMERO) “BACK to square one” ang TNT Katropa at San Miguel Beer matapos magtabla, 2-2, kaya’t inaasahang  mas magiging mahigpit ang sagupaan ng dalawang team sa krusyal na Game 5 ng 2019 PBA Commissioner’s Cup best-of-seven finals Miyerkoles sa Araneta Coliseum. Mag-uunahan ang Katropa at Beermen na masungkit ang ikatlong panalo para magkaroon ng bentahe at makalapit sa Commissioner’s Cup crown sa alas-7:00 ng gabi. Nagawang maitabla ng Beermen ang serye Linggo ng gabi matapos maisahan ang Katropa, 106-101. Muling ipinamalas ni San Miguel big…

Read More

GAME 3 KATROPA VS BEERMEN: UNAHAN MAKA-2

(NI ANN ENCARNACION/PHOTO BY MJ ROMERO) INAASAHANG mas pisikal na laro ang magaganap sa pangatlong paghaharap ng TNT KaTropa at San Miguel Beer ngayong Biyernes matapos maitabla ng Beermen ang serye sa 2019 PBA Commissioner’s Cup. Ganap na alas-7 ng gabi muling magsasagupa ang Katropa at Beermen na mag-uunahang makakuha ng bentahe sa Game 3 ng kanilang best-of-seven final series sa Araneta Coliseum. Animo dumaan sa ‘butas ng karayom’ ang Beermen na kinailangan ang double overtime bago tinalo ang Katropa, 127-125, Miyerkoles para maidikit ang serye sa 1-1. Sinamantala ng…

Read More

‘STOP JONES AT ALL COST!’

(NI ANN ENCARNACION/PHOTO BY MJ ROMERO) HINDI pa ‘panic mode’ ang San Miguel Beer lalo’t pangalawang game pa lang ngayon sa Commissioner’s Cup best-of-seven final series nila ng TNT Katropa, ngunit matindi ang hangarin ng Beermen na maitabla ang serye. At upang magawa ito, kailangan ng SMB na madepensahan ng husto si Katropa import Terrence Jones, pinulutan ang Beermen sa Game 1 ng serye nang magposte ng almost perfect game 41 points, 12 rebounds, at walong assists sa 109-96 win ng team noong Linggo. Ginawa naman ni San Miguel Beer…

Read More

COMMISSIONER’S CUP FINALS GAME 1: SIMULA NA NG GIYERA

(NI ANN ENCARNACION) HINDI pa man nakapagpapahinga ay agad nang sasabak sa panibagong ‘digmaan’ ang San Miguel Beer kontra TNT Katropa sa pagsisimula ng kanilang best-of-seven Commissioner’s Cup championship series. Ganap na 6:30 ng gabi sa Araneta Coliseum magsasagupa ang nagbabalik sa kampeonato makalipas ang dalawang taon na Katropa laban sa naghahangad na muling maka-grandslam na Beermen. Nagawang ibulsa ng Beermen ang ikalawang silya sa kampeonato matapos nitong tuluyang takasan ang Rain Or Shine Elasto Painters, 98-95, sa Game 4 ng kanilang best-of-five semifinals Biyernes ng gabi. Nauna rito ay…

Read More

 2019 COMMISSIONER’S CUP FINALS; KATROPA KONTRA BEERMEN 

(PHOTO BY MJ ROMERO) HINDI na pinagtagal ng San Miguel Beer ang paghihintay ng una nang nakapasok sa Commissioner’s Cup finals na TNT Katropa matapos dispatsahin ang karibal na Rain or Shine, 98-95, sa Game 4 ng kanilang best-of-five semifinal series Biyernes ng gabi sa Araneta Coliseum. Magsisimula sa Linggo ang una sa best-of-seven finals showdown ng Beermen at Katropa, na sinipa naman ang Barangay Ginebra noong Huwebes sa ikaapat na paghaharap nila. Angat pa ng one point ang Elasto Painters ngunit naagaw ng Beermen ang kalamangan nang pumasok ang…

Read More

BEERMEN OLATS SA BOLTS

(NI RAVENSON BIASON) BUHAY pa ang pag-asa ng Meralco Bolts na makapasok sa quarterfinals pagkatapos na dispatsahin ang San Miguel Beermen, 95-91, sa 2019 PBA Commissioner’s Cup. Bumida sa panalo ng Bolts si import Delroy James na nagtala ng 34 puntos, 5 rebounds at 6 assists. Tumulong din ang locals na sina Chris Newsome na naglista ng 20 puntos, Raymund Almazan 15, at Bryan Faundo 10 puntos. Mahigit kalahati ng kabuuang iskor ng Beermen ay mula kina Chris McCullough at June Mar ‘The Kraken’ Fajardo, kapwa gumawa ng tig- 27…

Read More

BEERMEN NAUNGUSAN NG DYIP

(PHOTO BY MJ ROMERO) HINDI umubra ang All-Filipino Cup champ San Miguel Beermen sa  Columbian Dyip na sinilat sila sa overtime, 134-132, ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum. Bumida sa naturang panalo si import Lester Prosper na kumamada ng 40 points at 13 rebounds. Ito ang pinakamagandang laro ni Prosper para sa Dyip sa Commissioner’s Cup. Nag-ambag ang rookie na si CJ Perez ng 34 points at walong rebounds habang 24 puntos at 14 assists naman si Rashawn McCarthy. At kahit nakawalong puntos lang si  Glenn Khobuntin, ang kanyang two big…

Read More

GAME 2:  TATABLA O DADALAWA?

beer12

(NI ANNE ENCARNACION/PHOTO BY MJ ROMERO) ITABLA ang serye ang hangad ng Phoenix Pulse Fuelmasters habang makadalawang sunod na panalo ang asam ng San Miguel Beer sa paghaharap nila sa Game 2 ng kanilang best-of-seven semifinals sa 2019 PBA Philippine Cup ngayong gabi sa Araneta Coliseum. Ganap na alas-7 ng gabi muling magsasagupa ang Fuelmasters at Beermen na parehong gustong manalo, ang una dahil ito ang unang beses na nakapasok sa semifinals habang ang huli’y gustong makalimang championship. Sa ngayon ay nasa Beermen ang 1-0 bentahe sa serye matapos talunin…

Read More