4 BEBOT KULONG SA DROGA 

ARRESTED WOMAN

(NI ANNIE PINEDA)

KULUNGAN ang kinabagsakan ng apat na babae makaraan madakip ang mga ito ng otoridad sa ginawang buy bust operation, iniulat kaninang umaga sa Davao City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Jomaira Casanguan, 27, ng  Purok 3B, Isla Verde, Boulevard;  Lalaimie Sarap Ibrahim, 18, ng Boulevard;  Joan Lasaca, 25, residente sa SIR, Matina ; at Girly Gooran, 18 anyos, residente sa Boulevard ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng Sasa PNP, inilatag ang operasyon laban sa suspek na matagal na nilang minamanmanan hinggil sa pagbebenta ng iligal na droga.

Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang pakete ng shabu kapalit ng P1,500 dahilan para agad na posasan ang mga suspek.

Narekober rin sa mga suspek ang apat pang pakete ng shabu na nagkakahalagang P10,000at cellphone na ginagamit sa kanilang transaksyon.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o R.A 9165.

 

Please follow and like us:
Read More

CHRISTMAS GIFT SA DYOWANG PRESO; DALAGA KALABOSO

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

DINAMPOT ang isang dalaga matapos tangkaing magpuslit ng shabu sa himpilan ng pulisya para ibigay sa kanyang nakapiit na nobyo, sa Caloocan City.

Kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Raj Ericka Romero, 19, ng Block 12 Lot 23, KS17 Brgy-Navarro, Lancaster New City, Gen. Trias Cavite City.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente alas-3:30 ng hapon nitong Huwebes sa receiving/searching area ng Caloocan City Police Station sa Samson Road, Brgy 80,  Caloocan City.

Bilang bahagi ng standard operating procedure ay isinailalaim sa body search si Romero bago padalawin sa kanyang dyowang preso.

Habang isinasagawa ang body search ay napuna ng mga pulis ang nakatuping aluminum foil sa pouch ng bebot at nadiskubre ang isang sachet ng shabu na tumitimbang ng 0.5 gramo at may tinatayang halagang Php. 3,400.

Kapwa nakakulong na ang magkasintahan sa parehong kaso.

Please follow and like us:
Read More

BABAE PATAY SA LIVE-IN PARTNER NA SEKYU

crime43

DUMAGUETE CITY — Sinasabing selos ang ugat para patayin ng isang security guard ang kalive-in matapos ang isang mainitang pagtatalo sa lungsod na ito, Huwebes ng gabi.

Bago ang trahedya ay nag-iinuman ang mag-partner hanggang humantong sa selosan ang usapan.

Ayon sa mga saksi, hindi na umano naawat ang dalawa nang kapwa mag-away nang maungkat ang usapan sa dating ka-relasyon ng biktima.

Sa gitna ng pagtatalo ay kinuha ng suspect ang service firearm at pinaputukan ang biktima. Tatlong tama ng bala sa leeg, dibdib, at likod ang tinamo nito.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek.

Kasong homicide ang hinahanda laban sa security guard.

 

Please follow and like us:
Read More

2 BEBOT HULI SA P6.8-M SHABU SA QC

DALAWANG babae ang nahuli kasabay ng pagsamsam ng halos isang kilo ng hinihinalang shabu ng Philippine Drug Enforcement Agency – National Capital Region (PDEA-NCR) sa isang buy-bust operation Miyerkoles ng gabi sa tapat ng isang mall sa Quezon City.

Umaabot umano sa P6.8 milyon ang nakuha sa dalawa, ayon kay PDEA investigation agent Mary Arguelles.

Dagdag pa niya, anim na buwan ang surveillance ng PDEA para sa isinagawang operasyon.

Nakipagtagpo sa PDEA agent na nagpanggap na buyer ang magkumare.

Pero ayon sa dalawa, napag-utusan lang sila na i-deliver ang kontrabando, kapalit ng P50,000.

Inihahanda na ng PDEA ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa dalawang suspek. (PHOTO BY JIMMY CARBO)

Please follow and like us:
Read More

BEBOT BUMULAGTA SA DILIM

ISANG tama ng bala sa ulo ang tumapos sa isang babae habang naglalakad sa madilim na bahagi ng barangay 650, sa Maynila, kasama ang kalive-in, Biyernes ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Roselle Mae Opada, 26.

Kuwento ng kinakasama ng biktima, naglalakad sila sa bahagi ng Railroad St. sa Port Area nang barilin si Opada.

Dahil madilim sa kalsada, hindi na umano nakita ng kalive-in ang bumaril pasado alas-10:00 ng gabi.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek.

 

Please follow and like us:
Read More

BEBOT TINADTAD NG BALA SA MUKHA

(NI NILOU DEL CARMEN)

WALANG awang  pinagbabaril sa mukha ang isang babaeng natagpuang patay sa isang lugar sa Liliw, Laguna, noong Sabado ng umaga.

Laking gulat ng isang residente ng Barangay Dita na dumaraan sa nasabing lugar nang bumulaga sa kanya ang bangkay, dakong alas 5:30 ng umaga.

Kinilala ng Liliw police ang biktima na si Lailanie Alindogan, 35, residente ng   Brgy. Pagsawitan bayan ng  Sta.Cruz.

May limang tama ito ng bala sa mukha at isa sa dibdib na siya nitong ikinasawi.

Ayon sa Liliw police, posibleng doon din pinatay ang biktima batay sa pahayag ng ilang residenteng nakatira malapit sa lugar  na nakarinig sila ng sunud-sunod na putok bandang madaling araw.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente at inaalam kung sino ang salarin at kung ano dahilan ng pagpatay sa biktima.

 

Please follow and like us:
Read More

P8-M SHABU NASABAT SA BEBOT SA CEBU

(NI JG TUMBADO)

NASA kabuuang P8.8 milyon halaga ng high grade shabu ang nasabat ng pulisya sa ikinasang drug bust operation sa Cebu City.

Kasabay ng operasyon na isinagawa ng Drug Enforcement Group at Intelligence Branch ng Police Station 9 nang Cebu City Police Office (CCPO) ang pagkakadakip sa shabu courier na nakilalang si Judy Ann Longit, 21, sa Barangay Duljo Fatima, pasado alas 2:00 ng madaling araw ng Miyerkoles.

Ayon kay Police Regional Office 7 Director Brig. General Debold Sinas, si Longit ay itinuro ng isang suspek na  nauna nang dinakip sa operasyon.

Maging ang mga kapitbahay ng suspek ay isinumbong sa pulisya ang pagkakasangkot nito sa ilegal na gawain.

Nakumpiska sa suspek ang mahigit 1 kilo ng shabu na nakasilid sa paper bag at P10,000 buy bust money.

Todo tanggi naman ang suspek at sinabing ang kaniyang nobyo ang may-ari ng paper bag at hindi niya alam na shabu ang laman nito.

Tinutugis na rin ng pulisya ang karelasyon ni Longit.

Please follow and like us:
Read More

PANGUNGUSAP NG BEBOT NA AYAW NG KELOT

BOY-GIRL

(Ni Edzer Lanuza )

MAY mga pangungusap o mga salitang ayaw marinig ng mga lalaki sa kanilang partner. Hindi man lahat,  pero maaaring karamihan sa kanila.  Bagaman malaki ang pagkakaiba ng babae sa lalaki, mahalagang malaman mo rin ito.

“Hindi ngayon, ­honey.”

Reklamo ng isang lalaki, ginagamit ng kanyang asawa ang sex bilang sandata para siya ay masaktan. Gusto ng sex ng mga lalaki pero may pagkakataong binibigkas ng babae upang hindi sila magkaroon ng pagtatalik.

Wala silang nakikitang problema para rito, at kinamumuhian nila kapag  pinapalubha ito ng mga babae. Siguro, may bagay na di kayo naiaayos kaya’t napuputol ang sexual desire.

Pero kapag sinabi mong “hindi ngayon, honey”, maa­ring mong masugatan ang kanyang damdamin.  Kung ganito, ibahagi at ipaalam sa kanya ang mga dahilan kung bakit “Hindi puwede”.

Karamihan sa mga lalaki ang pagtanggi ay nangngahulugang pagbabalewala sa kanila, o maaaring wala nang atraksyon  sila sa kanilang kapartner.

“Kailangan nating mag-usap.”

Ito ang mga salitang kinamumuhiang marinig ng mga lalaki. Kapag sinabi mong,”kailangan nating mag-usap,” iisipin ng  lalaki na may nagawa siyang mali at ngayon ay inaakusahan mo siya.

Kaya ang isa sa pinakasimpleng paraan para mapag-usapan ang mga bagay ay upuan ang isyu at pag-usapan itong mabuti. Mahalaga na huwag palakihin ang usapin.

“Mukha ba akong ­mataba?”

Ayaw ng mga lalaking pinag-uusapan ang tungkol sa inyong weight issues. Minahal ka ng lalaki sa kung ano ka. Marami pa nga sa kanila, mas gusto ng mga malulusog, para raw mapuno ang kanilang ‘meaty’ desires.

Bagaman, kapag sumagot siyang,”oo” sa iyong tanong, positibo itong tanggapin at simulang mag-work out sa  gym sa halip na umupo na lamang at kulungin ang sarili tungkol dito.

“Tumigil sa pag-inom.”

Kung mahal niya ang kanyang beer at pakete ng mga sigarilyo, hayaan mo na.  Alam mo na ito sa una pa lang na nakilala mo siya, hindi ba?

Ang tamang paraan para harapin ito ay ipunto ang halata namang panganib sa kanyang kalusugan kung sobra siyang lasinggero at sinusunog ang kanyang mga baga sa panini­garilyo. Ang susi sa kaligayahan ay “moderate” lamang.

“Magiging okey ako.”

Ang sinasabi mong, “magiging okey ako” ay isang puzzle sa kanila.

Wala silang ideya kung ano ang ibig ninyong tukuyin, ang mga lalaki ay di   “mind readers”.

Huwag kang magpanggap na magiging maayos ka, maliban kung kaya mo itong gawin. Iwasan ang mga pangungusap na ito lalo pa nga at katatapos lang ng inyong argumento.

Maari mo sigurong sabihin sa kanya na gusto mo ng ilang panahon para mapalamig ang isyu, o makapag-isip mabuti bago ka muling magsalita.

“Hindi nagawa ng ama ko iyan.”

Tama, ipinagmamalaki niya ang kanyang ina dahil sa pagiging mahusay na cook nito sa mundo, at kung paanong siya’y nagsisilbing isang perfect homemaker, pero huwag mong ikukumpara ang iyong ama.

Kung ayaw mong magsa­lita siya ng may pagkukumpara, pag-usapan ninyo ito. Dahil sa comparison, ang problema ay lalo lang sumisidhi.

Paikutin ang kapighatian sa paraang matututo siya ng aral o kayong dalawa sa pagharap sa mga bagay na madalas pinagmumulan ng pagtatalo.

“Isipin mo ito.”

Ipinaiisip mo sa kanya, o pinahuhulaan ang laman ng iyong utak. Ayaw ng mga lalaking pini-pressure na ipa- adopt sa kanila ang inyong mga opinyon.

Gusto ng mga lalaking isipin anuman ang kanilang nais, gawin ang kanilang mga gusto, at maging malaya sa pagiging sinuman sila.

Ayaw din ng mga lala­king isinasama sila sa lahat ng mga bagay. Gusto nila ang isang babaeng independent at masaya kahit hindi sila laging magkasama.

May mga lalaki ring ayaw maging responsable sa mga emosyon ng babae. Karamihan sa kanila, ayaw panagutan kung ano ang nararamdaman ng babae tungkol sa kanyang sarili.

Please follow and like us:
Read More