BEBOT SWAK SA SELDA SA BATO PARA SA BF

HUMANTONG sa karsel ang isang babae nang mabuking na may dala siyang umano’y shabu para sa nakakulong niyang boyfriend nang dalawin niya ito sa piitan, nitong Martes ng hapon sa Malabon City.

Dadalawin na rin sa piitan ang suspek na si Gylin Yumang, ng #3 Gen. San Miguel St., Millionaires Compound, Brgy. 8, Caloocan City, kinasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bandang alas-5:50 ng hapon, binisita ni Yumang ang kanyang boyfriend sa detention cell ng Malabon City Police Station.

Agad napuna ng suspek ang mahigpit na pag-inspeksyon ng mga jail officer sa mga bagahe.

Nang siya na ang iinspeksyunin ay sinubukan ni Yumang na itago ang isang plastic ng umano’y shabu na nakalagay sa kanyang bulsa.

Gayunman, hindi ito nakalusot at nakuha sa kamay ng suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 0.64 gramo at nasa P4,352.00 ang halaga

Napag-alaman, noong huling dalawin ni Yumang ang boyfriend ay dumaing umano ang huli na mahirap ang buhay sa loob ng kulungan at nami-miss ang buhay-laya dahil nangungulila sa sex at shabu. (ALAIN AJERO)

Please follow and like us:
Read More

WALANG KAYOD NA LOLO NADAKMA SA BATO

shabu123

ARESTADO ang isang karpinterong senior citizen nang luminya sa pagtutulak ng ilegal na droga nang mawalan ng trabaho, sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Pasay City, nitong Martes ng gabi.

Nauna rito, isang concern citizen ang nagtimbre sa Pasay City Police na may ilegal na sugalan gamit ang video karera sa Apelo St. sa nabanggit na lungsod.

Nang puntahan ng mga pulis ang naturang video karerahan, natiyempuhan ang senior citizen na si Rico Favia at runner nitong si Ismar Gigante, na nag-aabutan ng sachet na may lamang shabu.

Katwiran ni Favia, mahigpit ang kanyang pangangailangan dahil hindi na siya makapag-karpintero bunsod ng katandaan.

Nasamsan kina Favia at Gigante ang 11.68 gramo ng shabu na may halagang P 79,400.

Samantala, arestado rin ang isa pang umano’y tulak ng ilegal na droga na si Cheche Washington na kakalaya lang noong Nobyembre dahil din sa kaso ng droga, bunsod ng sumbong ng isang concerned citizen.

Siyam na gramo na umano’y shabu na may halagang P60,000, ang nakuha sa pouch ni Washington na ang kikitain aniya ay pangtustos sa gastusin ng mga anak niya. (DAVE MEDINA)

Please follow and like us:
Read More

PARLORISTA PINATAY NG ‘BOY TOY’

BATO-2

PAMPANGA – Patay ang isang parlorista makaraang pukpukin ng bato sa ulo ng kanyang menor de edad na kasintahan sa isang gasolinahan sa bayan ng San Fernando.

Kinilala ang biktimang si Domingo Atienza alyas “Ann,” 31, natagpuang basag ang mukha at ulo sa isang gasolinahan sa Brgy. San Agustin.

Natagpuan sa tabi ng bangkay ng biktima ang duguang bato na hinihinalang ginamit sa pagpatay.

“Masakit talaga, anak ko ‘yung ganyan, ‘yung nangyari sa anak ko, mabait na mabait ‘yang anak ko, matulungin, siya na lang naghahanapbuhay sa amin,” sinabi ni Pili Atienza, ina ng biktima.

Agad namang inaresto ang suspek na si alyas “Gerald,” 16-anyos.

Sinasabing karelasyon ng biktima ang suspek na siyang huling nakasama ni Atienza noong Sabado ng gabi.

“We were able to arrest the suspek doon sa Angeles City public market (jumpcut), ang allegation kani-na nung suspek hindi raw siya gumagamit at during the time of the crime hindi rin siya nakainom that is just an allegation nung suspek pero ipapa-crime lab din namin yung suspek, ayon kay P/Lt. Col. Paul Ynigo, hepe ng San Fernando PNP.

Ayon sa suspek, nagawa niya ang krimen matapos siyang pangakuan ng biktima ng cellphone.

Aniya, natakot siya nang makita niyang nagbukas ng zipper ang biktima at sinabing huwag siyang sisi-gaw.

Bunsod nito, dumampot umano siya ng bato at ipinukpok sa ulo ng biktima.

Nang matiyak umano niyang patay na ang biktima ay kinuha niya ang cellphone nito at siya ay tumakas. (KIKO CUETO)

Please follow and like us:
Read More

COMELEC OFFICIAL NABAGSAKAN NG BATO, PATAY 

accident12

(NI ANNIE PINEDA)

PATAY ang isang opisyal ng Commission on Election (ComElec) makaraan aksidenteng mabagsakan ito ng malaking bato habang minamaneho ang kanyang sasakyan, iniulat kaninang umaga sa probinsya ng Bukidnon.

Kinilala ang biktimang si Atty. Stalin Baguio, Bukidnon Provincial Election Supervisor, habang sugatan naman ang kasama nitong si Lee Marvin Rapirap.

Batay sa report ng Valencia Police Station, naganap ang insidente sa Patag, Barangay Bagontaas, Valencia City, Bukidnon.

Lumabas sa imbestigasyon, minamaneho ni Baguio ang kanyang Toyota Fortuner sakay si Rapirap at binabaybay ang national highway ng nasabing lugar nang makasalubong ang isang dump truck na may mga kargang malalaking bato.

Dito, bigla na lamang nagbabagsakan ang mga bato mula sa dump truck at aksidenteng nahulugan ang windshield ng sasakyan ng mga biktima  dahilan para mabasag at tumama ito sa ulo ni Baguio.

Kaagad naman dinala sa ospital ang mga biktima pero idineklara na rin patay ng umatending doktor si Baguio.

Please follow and like us:
Read More

LALAKI PATAY SA NAHULOG NA BATO SA MARCOS HWAY

crime145

BAGUIO City — KUNG oras mo, oras mo na.

Ito ang nangyari sa isang lalaki na namatay nang mahulugan ng bato mula sa bundok habang sakay sa pampasaherong bus sa Marcos Highway, Sabado ng gabi.

Ang biktima ay pauwi na sa Pangasinan nang maganap ang insidente.

Nahulog umano ang bato  na kasing laki ng ulo ng tao at eksaktong bumagsak sa kinauupuan ng biktima.

Isinugod sa ospital ang biktima ngunit namatay din ito.

Nangako naman ang bus company na sasagutin lahat ang gastos sa sinapit ng biktima.

Sinabi ni Police Lt. James Acod, Hepe ng Tuba Municipal Police Station, na maglalagay na ng signage sa lugar upang magabayan ang mga motoristang dumaraan.

 

Please follow and like us:
Read More

PELIKULA NI ROBIN, ARJO LAGAPAK SA TAKILYA

robin200

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

MALAS ba ang taon ng “baboy” sa industriya ng pelikulang Pilipino? Aba hindi naman daw ganoon sabi ng aming kaibigang si Madam X, basta huwag lang bababuyin ang pagkakagawa at pagpo-promote ng pelikulang Pilipino.

Naitanong namin iyong kaibigan naming manghuhula at feng sui guru dahil mukhang baboy na baboy ang pelikulang Pilipino sa takilya simula noong pumasok ang taong ito. Unang bagsakan pa lang eh, na-tokwa iyong pelikula ni Jose Manalo, na pagkatapos ng ilang araw pinalitan noong Jack Em Popoy na kumita na noong festival. Inalat din nang husto iyong pelikula nina McCoy de Leon at Elisse Joson. Kasi masyado naman silang tiwala na kaya na ng mga baguhang ganyan na magdala ng pelikula. Ang gustong mapanood ng mga tao stars.

Isipin ninyo, may balita pang mga senior citizens daw na libre na ngang pumasok sa sine, nag-walk out pa sa kalagitnaan ng pelikula “dahil wala raw silang nakitang artista”.

Ito namang linggong ito, balibag si Robin Padilla. Balibag din ni Arjo Atayde. Pero hindi dapat na magsaya ang mga “dilaw” na nag-boycott kay Robin, o iyong Aldub na nag-boycott kay Arjo dahil sa tingin namin talagang hindi kikita iyan kahit na hindi sila nag-boycott.

Iyon din namang pelikula nina Gelli de Belen at Ariel Rivera, mukhang ilang piso lang ang kinita. Kasi piso na nga lang sinikreto pa eh.

Kung kami ang tatanungin, palpak kasi ang promo ng kanilang mga pelikula. Basta na lang sumulpot nang ni hindi nabalitaan ng mga tao na ginagawa pala o kung papaano ginawa. Noong araw, nagsisimula pa lang ang pelikula, may press visit na sa first shooting day. Maya’t maya nai-interview ang mga artista kung ano na ang nangyayari sa pelikula. Eh ngayon parang ayaw pang ipakausap sa press ang mga artista eh, kaya pagkatapos ng presscon, itinatakbo na papalabas ng mga handlers nila.

Iyong iba namang producers, ni ayaw gumastos sa ads. Ipinalalabas na lang ang kanilang ad layout nang libre sa Facebook. Mabuti nga hindi pa nabubuko ng Facebook na ginagamit sila sa free rides eh, kung hindi aalisin iyan ng Facebook. Hindi rin kaya ng mga bloggers lang. Sino ba ang seseryoso sa sinasabi ng mga taong hindi naman nila kilala at umaakto pang akala mo kritiko ng pelikula? Ano ba ang nalalaman ng mga iyan?

Habang pati promo ay kinukuripot nila, kagaya rin ng production budget ng mga ginagawa nilang indie, hindi kikita ang mga pelikula nila.

*****

Buntis na naman pala si Andi Eigenmann, at ang tatay ay ang boyfriend niya ngayon si Philmar Alipayo. Si Andi naman mismo ang naglabas ng balitang iyan at mukha ngang magli-live in na sila nang tuluyan ng kanyang boyfriend, dahil may sinasabi siyang lilipat na sila sa kanilang bagong bahay.

Iyong anak na panganay ni Andi, si Ellie, ay anak naman niya kay Jake Ejercito.

Please follow and like us:
Read More