KAGAWAD NIRAPIDO NG KABARANGAY

BATANGAS CITY12

(NI NILOU DEL CARMEN) PATAY ang isang barangay kagawad matapos na ito ay ratratin  ng kanyang kabaranggay sa Batangas City noong Sabado ng gabi. Kinilala ang Batangas City police ang biktima na si  Jorge Almarez,  residente at kagawad ng Barangay Bolbok. Ayon sa report, nagkaroon ng mainitang pagtatalo at nakasagutan ng biktima ang suspek na si Gilbert Acuña nang magkita ang dalawa sa Purok 7  sa kanilang barangay alas-7:45 PM. Sa kainitan ng pagtatalo ng dalawa,  biglang  bumunot ng   baril ang suspek at sunud-sunod na ipinutok sa kagawad. Nagtamo ito ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi…

Read More

SUSPEK SA MURDER NG PASTOR, PATAY SA TANDEM

CRIME12

(NI NILOU DEL CARMEN) ISANG buwan matapos masangkot sa kasong murder, binaril naman ng hindi nakilalang riding in tandem gunmen ang umano ay pangunahing suspek sa pagkamatay ng isang pastor sa San Juan, Batangas. Ayon sa San Juan police, agad nasawi ang biktimang si Edwin Razon Triviño matapos ratratin habang nagmamaneho ng  isang Toyota Revo sa national road sa Barangay Calubcub 2, alas 4:30 ng Martes ng hapon. Nagtamo ito ng isang tama sa dibdib at hindi na umabot nang buhay sa San Juan District Hospital. Tinapatan umano ito ng mga…

Read More

BUMANGGA SA 3 SASAKYAN; 2 LASING NA RIDER TODAS

accident12

(NI NILOU DEL CARMEN) KAPWA namatay ang dalawa umanong lasing na magkaangkas sa motorsiklo matapos na ang sinasakyan ng mga ito ay kumarambola at sumalpok sa tatlong sasakyan  sa Tagatay – Nasugbu highway sa Barangay Kaylaway, Nasugbu, Batangas Martes ng gabi. Dead on the spot ang backrider na si Rene Gonzales, 46,  samantalang nasawi  rin matapos na maisugod sa ospital ang nagmamaneho na si Gilmark De Villa. Ayon kay PMAJ Ronald Cayago, hepe ng Nasugbu police, batay sa findings nang doktor sa pinagdalahan na Metropolitan Hospital, parehong amoy alak ang dalawa. Base sa report,…

Read More

BABY BOY TINADTAD NI MOMMY

baby feet12

(NI JG TUMBADO) MATINDING depresyon ang dahilan kung bakit nagawang paslangin ng isang 30-anyos na ina ang kanyang sariling anak na isang taong gulang sa pamamagitan ng pagtataga nito sa bayan ng Mataas na Kahoy sa Batangas. Labis na ikinagulat na rin ng pulisya nang magtungo sa kanilang himpilan ang mismong suspek na si Aiza Lorcha, upang ipagbigay alam ang ginawa nitong karumal-dumal na krimen. Ayon kay Police Col. Edwin Quilates, Batangas Provincial Police Office (BPPO) Director, nakararanas umano ng sakit na “postpartum depression” ang suspek na umanoy karaniwang tinataglay…

Read More

PASTOR NIRATRAT NG KATIWALA

(NI NILOU DEL CARMEN) PATAY ang isang pastor matapos pagbabarilin ng caretaker  ng kanyang tinitirikang lupa sa San Juan, Batangas, Lunes ng gabi. Agad nasawi ang biktimang si Renato Yangzon Remigio, 30, residente ng Sitio Macalintal, Barangay Calubcub 2, na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan. Ang biktima ay pastor ng Jesus Alone Church Mission International sa San Juan, Batangas. Batay sa report ng San Juan police, nakaupo sa harap ng kanyang bahay ang biktima nang ito ay malapitang  barilin ng suspek na si Edwin Triviño, dakong alas 8:45 ng…

Read More

MAG-UTOL NA HITMAN, NILIKIDA

crimeshooting12

(NI NILOU DEL CARMEN) DALAWANG  bangkay  ng magkapatid na umano’y kapwa hitman sa lalawigan ng Quezon, ang nadiskubre sa San Juan, Batangas, Sabado ng madaling araw. Laking gulat ng nakakitang residente  nang bumulaga rito  ang mga bangkay na parehong nakagapos ang mga kamay at nakabulagta sa gilid ng kalsada sa   Barangay Janao-Janao. Kinilala ng San Juan police ang mga ito na sina Elmer at Noli Alano, mga residente ng Sariaya, Quezon at umano ay parehong gun for hire at sangkot sa ilang serye ng pamamaslang sa iba’t ibang bayan sa Batangas at Quezon. Sa…

Read More

2 LALAKI NIRATRAT SA VAN

CRIME12

(NI NILOU DEL CARMEN) KRITIKAL ang  dalawang lalaki matapos nang pagbabarilin habang sakay sa isang  van sa Barangay Pinamucan Proper, Batangas City, Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang mga biktima na sina Ronnie Sauro Jr., 27, machine operator at residente ng Brgy. Natunuan North, bayan ng San Pascual  at Angelito Saes, 41, driver, ng Barangay Simlong, Batangas City. Ayon sa imbestigador ng Batangas City Police, sakay sa Toyota hiace ang mga biktima na minamaneho  at  patungong Barangay Simlong nang biglang pinaulanan ng bala ng suspek na sakay din ng isang hindi nakilalang sasakyan. Natadtad ng bala…

Read More

GRAB DRIVER NIRATRAT SA BEACH RESORT

batangas1

(NI NILOU DEL CARMEN) PATAY  ang isang grab driver matapos pagbabarilin ng isang umano ay lango sa ipinagbabawal na gamot habang nasa isang beach sa Nasugbu, Batangas, Martes ng hapon. Dead on the spot dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Junnel Mar Alano, 35, residente ng Bicutan, Taguig City. Ayon kay PMaj Ronald Cayago, hepe ng Nasugbu police,  naglalaro ang biktima  sa dalampasigan ng Munting Buhangin Beach Camp sa Barangay Natipunan nang pagbabarilin ng suspek dakong alas dos ng hapon. Bigla na lamang…

Read More

BANGKAY SA ILALIM NG TULAY

BATANGAS CITY12

(NI NILOU DEL CARMEN) INAALAM na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng natagpuang bangkay ng lalaki sa ilalim ng tulay sa Sabang River, Barangay Tinga Itaas, Batangas City. Ayon sa   Batangas City Police, pasado alas-2:00 ng Biyernes ng hapon nang matagpuan ng mga opisyal ng barangay  ang bangkay  na nakalutang sa naturang ilog. Agad isinagawa ng PNP at ang mga tauhan City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) at Bureau of Fire Protection (BFP)  ang retrieval operation. Matapos maiahon mula  sa ilalim  ng  nasa 150 talampakan na ilog,  tumambad ang bangkay ng lalaki na nakatali ang dalawang kamay sa likod.…

Read More

RIDER TODAS SA BUS

accident12

(NI NILOU DEL CARMEN) PATAY ang isang empleyado matapos araruhin ng bus ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Maharlika highway sakop ng Sto.  Tomas,  Batangas, Biyernes ng maghahatinggabi. Kinilala ang nasawi na si Globert Arellano,  43,  tubong Naujan,  Oriental Mindoro. Batay sa report ng Sto Tomas police,  bandang alas 11:20 ng gabi,  patungo ang biktima sa direksyon ng Sto. Tomas galing sa San Pablo City at tinatakbo ang highway nang pagdating sa bahagi ng Barangay San Vicente, ay matumbok ito ng kasalubong na bus. Nag-overtake umano ang bus sa isa pang…

Read More

KABLE NAPUTOL; 2 BINATA NAKURYENTE, PATAY

electrocution

(NI NILOU DEL CARMEN) PATAY ang dalawang binatang trabahador ng isang poultry farm sa  Calaca,  Batangas nang kapwa makuryente, Martes ng hapon. Parehong nakatimbuwang  at wala nang mga buhay nang makita ang katawan ng mga biktimang sina Michael Sola,  21,  at Hernando Ocap,  23,  mga tubong Masbate City at mga helper sa R. A.  Punzalan poultry farm sa Barangay Putong kahoy. Ang dalawa ay nakita ng kapatid ng isa sa mga ito na nakabulagta at batbat ng paso sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Malapit sa mga biktima ang isang…

Read More

2 PILOTO NASAGIP SA PLANE CRASH

(NI CYRILL QUILO) NASAGIP ng mga mangingisda ang dalawang pilotong pabalik na sana ng Sangley Point matapos bumagsak at bumulusok sa dagat ang kanilang eroplano, Sabado ng tanghali sa Nasugbu, Batangas. Nagkaroon ng aberya ang PA23-250 Piper Aztec Multi-Engine Plane na pabalik na sana sa Sangley Point Cavite galing Kuyung, Palawan. Hindi inaasahan ng mga piloto na sina Pilot Capt.Eugene Avila ,65, ng Pasya City at Co-Pilot Capt. Armando Ducat, 25, ng Las Pinas City na babagsak ang kanilang sinasakyang eroplano dahil sa fuel system failure. Bumulusok ito pababa ng…

Read More

2 DRUG SUSPECT PATAY SA P7-M BATANGAS ENCOUNTER

(NI JG TUMBADO) PATAY matapos makipagbarilan ang dalawang  drug suspect sa buy bust operation na ikinasa ng pulisya sa Batangas City kung saan nasamsam ang may P7 milyong halaga ng hinihinalang shabu. Nakilala ang mga napaslang na suspek na sina Melanio Matanguihan, alyas Suma  at Abdul Wahid, alyas Minso. Sa ulat mula sa Police Regional Office 4-A, isinagawa ang operasyon alas-11:45 ng gabi ng Lunes. Lulan ang mga suspek ng itim na sasakyan na may plakang ZCV 306. Matapos ang transaksyon, nakatunog ang  mga suspek na pulis ang buyer at…

Read More

2 TINODAS NG KAINUMAN 

shooting6

(NI NILOU DEL CARMEN) DALAWANG lalaki ang nasawi matapos kapwa pasabugin ang bungo ng kanilang mga nakainuman sa magkakahiwalang na insidente sa bayan ng Sto. Tomas at Calatagan sa Batangas. Base sa report ng Batangas PNP, Huwebes ng umaga nang matagpuan na lamang na sabog ang ulo at  walang buhay sa loob ng isang kubo sa Brgy. San Vicente, Sto Tomas  ang biktimang si Crispin Nayle. Huli umanong nakasama ng biktima ang suspek na si Edgar Sidlacan habang ang dalawa  ay nag-iinuman sa nasabing lugar. Nawawala naman at hindi pa…

Read More

1 PANG NAKAGAPOS NA BANGKAY NAANOD SA TAAL LAKE

(NI CYRILL QUILO) ISA pang nakagapos na bangkay ng lalaki ang muling bumulaga sa mga residente sa Barangay Ambulong na nasa baybayin ng Taal lake, sakop ng  Tanauan City. Sabado ng alas 9:00 ng umaga nang maanod sa dalampasigan ang bangkay na hinihinalang kasamahan ng unang nadiskubre noong Biyernes ng tanghali. Kapwa nakagapos ang mga kamay nito at katulad ng naunang nakita sa parehong lugar, may kakabit itong sako na hinihinalang ang laman ay pampabigat para lumubog ang mga bangkay. Unang inakala ng mga nakakita na katawan lamang ng  namatay na hayop…

Read More

SANGGOL SA BALDE

batangas1

(NI NILOU DEL CARMEN) TINATAYANG  nasa pito hanggang siyam na buwan na ang edad ng kawawang sanggol   na natagpuan sa isang balde sa palikuran sa loob ng isang subdivision sa Sto. Tomas, Batangas, nitong Huwebes. Ayon sa imbestigador, isang hindi nakilalang  babae na nakiusap lamang sa mga tanod sa subdivision na makigamit ng banyo ang siyang posibleng nag-iwan nito. Ayon pa sa mga awtoridad,   “fully-developed” na ang sanggol na nakasilid sa isang puting balde  nang ito ay matagpuan sa comfort room ng subdivision sa Barangay San Rafael. Maaari umanong premature…

Read More

BROKER PATAY SA AMBUSH NG TANDEM

crime143

(NI CYRILL QUILO) TINAMBANGAN ang isang real estate broker sa Brgy. Bulbok,Lipa City, Batangas, Sabado ng umaga. Tama ng bala sa ulo ang agad na ikinamatay ni broker kahapon ng umaga matapos pagbabarilin ng mga riding in tandem sa Brgy. Bolbok  Lipa City, Batangas. Kinilala ni PLt. Col. Balauag ng Lipa City Police Station, ang biktimang si Florencio Maranan , 59, ng Purok 3 Brgy. Bolbok, Lipa City. Ayon sa imbestigasyon, habang tinatahak ni Maranan ang Brgy.San Guillermo Lipa, isang motorsiklo ang sumabay sa kanyang paglalakbay at biglang may dalawang…

Read More

BUY BUST: LIVE IN PARTNERS NAKIPAGBARILAN; 1 PATAY

(NI CYRILL QUILO) PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang kanyang live-in partner nang makipagbarilan sa mga pulis matapos pumalpak ang buy bust operation sa Brgy. Niyugan, Laurel, Batangas hanggang sa Brgy. Anuyong Alfonso, Cavite, Miyerkoles ng hapon. Ayon sa report ni PCPT Garry Abregunda ng Laurel Municipal Police Station kay Batangas Provincial Director PLt. Col. Edwin Quilates, kinilala ang mag live in partners na sina Reinier Ambion, ng Brgy.1 Amadeo Cavite at Marygrace Casulang, residente ng Sarrido Salitran 3 Summerwind Phase 2 Excess Lot Dasmarinas Cavite. Nakatunog ang dalawang…

Read More

TRUCK BUMULUSOK SA KURBADA,  2 NADALE

accident121

(NI NILOU DEL CARMEN) PATAY ang truck driver habang kritikal ang pahinante matapos na ang sinasakyan nilang truck ay bumangga sa  mga railings ng binabagtas na pababang kalsada sa Ibaan, Batangas, Biyernes ng umaga. Kinilala ng Ibaan police ang nasawing driver na si Jojit Villanueva,42, ng Caloocan City,  samantalang ang nasugatang pahinante ay si Florido Ortillo Jr.,41, ng Tondo, Manila. Batay sa report ng Ibaan police, patungo sa Barangay Libjo,  Batangas City ang Fuso dropside truck ng mga ito na kargado ng mga bakal na tubo nang bumulusok ang truck sa…

Read More

KUBRADOR SA BATANGAS DINAMPOT; LOTTO OUTLETS IKINANDADO

(NI NILOU DEL CARMEN) SA lalawigan ng Batangas, umaabot sa 40 kubrador ng STL mula sa ibat-ibang bayan ang inaresto ng mga pulis nitong Sabado, sa unang araw ng pagbabawal ng   operasyon ng PCSO games. Karamihan sa mga naaresto ay mga kalalakihan  at mga kababaihan. Pinakamarami ang dinampot sa lunsod ng Lipa na umaabot sa 20 kubrador. Dinala sa mga presinto ang mga hinuli at kinumpiska ang mga STL paraphernalia at mga perang pinagpatayaan ng mga ito. Ayon sa ibang nahuli, hindi sila nagpasabihan agad at hindi nila alam na…

Read More

BABAENG MISTAH NG PMA, TODAS SA AKSIDENTE

accident121

(NI NILOU DEL CARMEN) PATAY ang isang babaeng miyembro ng Philippine Airforce at kaka-graduate lang sa PMA  matapos maaksidente ang sinasakyang multi purpose vehicle (MPV) sa STAR tollway sakop ng Tanauan City, Batangas, Huwebes ng gabi. Sugatan din ang walo pang sakay ng sasakyan na ang ilan ay PMA graduate at mga miyembro din ng PMA. Kinilala ng Tanauan City police ang nasawi na si 2Lt. Karen Lei Cunanan na idineklarang dead on arrival sa  CP Reyes Medical Center sa Tanauan City. Nasugatan naman ang mga  second lieutenant  na sina Kayl Calanno, Paulo Miguel…

Read More

PARAK TIMBOG SA EXTORTION

(NI NILOU DEL CARMEN) NAARESTO ng mga tauhan ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang isang pulis na umano’y nangotong sa isang babae sa Lipa City, Batangas, Biyernes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Senior Master Sergeant Darwin Ona, miyembro ng Mataas na kahoy, Batangas police station habang nakatakas naman ang umano’y kasabwat nito na miyembro ng Philippine Air Force. Inaresto ang suspek sa Barangay Inusluban habang bininilang nito ang pera na iniabot ng biktimang babae sa loob mismo ng kanyang bahay. Batay sa imbestigasyon, humingi ng tulong…

Read More

SHABU PASALUBONG SA PRESONG MISTER, BUKING

arrestwomen12

(NI CYRIL QUILO) NAHULI ang isang misis na may pasalubong na shabu sa dadalawing preso na mister sa kulungan, Huwebes ng alas 3:30 hapon sa BJMP Tanauan,Batangas. Ayon sa report ni Jail Officer 1 Donnalyn Castillo, BJMP Tanauan, Batangas, nakapkapan niya ang misis ng isang bilanggo na si Marilyn Guce, 37, na may dalang droga na nakatago sa kanyang bag. Isiniksik umano nito sa kanyang ID ang ilang gramo ng shabu. Dinadalaw ni Guce ang kanyang live in partner na si Norberto Ebres na nakapiit sa BJMP dahil sa kasong…

Read More

8 SASAKYAN INARARO NG TRUCK; 13 SUGATAN

(NI NILOU DEL CARMEN) LABINGTATLO ang sugatan matapos araruhin ng isang truck ang walong sasakyan sa national highway, Barangay Marawoy, Lipa City Lunes ng hapon. Batay sa report ng Lipa City police, nawalan ng preno ang six wheeler truck na minamaneho ni Patrick Perillo at sinagasa ang dalawang pampasaherong jeep, isang kotse at limang tricycle, alas 2:30 ng hapon. Ayon sa mga imbestigador, unang nabangga ng truck ang nakaparadang kotse sa gilid ng highway at kasunod na nasapol ang dalawang namamasaherong jeep na kapwa nasa unahan. Dumiretso pa ang truck sa…

Read More