PHOENIX, MERALCO PWERSADONG MANALO

(NI ANN ENCARNACION/PHOTO BY MJ ROMERO)

KAPWA puwersado ang Phoenix Pulse Fuelmasters at Meralco Bolts na ipanalo ang kanilang magkahiwalay na laban ngayong gabi sa Cuneta Astrodome upang manatiling buhay ang tsansa na makapasok sa susunod na round ng 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Pilit babangon ang Fuelmasters sa nalasap na  kabiguan sa pagsagupa nito sa napatalsik nang NLEX Road Warriors sa ganap na alas-4:30 ng hapon bago sundan ng pagsasalpukan ng Bolts at nasa ikalawang puwesto na North Port Batang Pier sa ganap na alas-7:00 ng gabi.

Nalasap ng Fuelmasters ang masaklap na 108-128 kabiguan kontra San Miguel Beer kung saan hindi man lamang ito nakatikim ng kalamangan at nahulog pa sa ikawalong puwesto sa 4-6 panalo-talong kartada.

At kahit out of contention na ang Road Warriors ay ayaw pa ring magrelaks ng Fuelmasters.

“Hindi puwede na magkumpiyansa sa NLEX,” sabi ni Phoenix coach Louie Alas. “Gusto din nila na makapagbaon ng panalo bago makumpleto ang lahat ng laro nila kaya kailangan na nasa 100% pa rin ang laro namin.”

Mas mabigat naman ang hamon na haharapin ng Bolts na makakasagupa ang matagal nakapagpahinga at nasa ikalawang puwesto sa team standings na Batang Pier.

Huling nabigo ang Bolts kontra Magnolia Hotshots, 88-99, sa out-of-town na larong ginanap sa MVA Gym sa Zamboanga upang mahulog sa ika-10 puwesto bitbit ang 3-6 kartada.

Matatag naman sa ikalawang puwesto at may twice-to-beat na bentahe sa quarterfinals ang Batang Pier na may 8-2 kartada matapos nitong huling biguin ang Columbian Dyip, 110-108.

Please follow and like us:
Read More

DYIP DISKARIL SA BATANG PIER

(NI RAVENSON BIASON/PHOTO BY MJ ROMERO)

DINISKARIL ng North Port Batang Pier ang Columbian Dyip, 110-108, sa pagpapatuloy ng elimination round ng Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Bumida ang Batang Pier na si Nico Elorde na nagtala ng 14 puntos, 7 rebounds at 6 assists habang nag-ambag ng 23 puntos si Mo Tautuaa at 21 puntos si rookie sensation Robert Bolick.

Malaking tulong sa Batang Pier ang naibuslong 3-out of 3 three-point bombers ni Elorde sa huling 3 minuto ng laro kung saan nakipagsabayan sa kanya sina Columbian rookie CJ Perez at Rashan McCarthy.

Naglista ng 6-0 run ang North Port sa pamamagitan ng back-to-back three points ni Elorde bago ang last two-minute para makaungos sa Dyip tungo sa 108-103 kalamangan.

Agad bumuwelta ang Dyip sa tres ni McCarthy para idikit ang iskor sa 108-106. Nagawa pa itong maitabla ni Perez sa kanyang tip-in sa natitirang siyam na segundo.

Sa sumunod na ball possession ng Batang Pier ay nakatakas si Bolick kay Perez, na tinawagan ng goal tending sa natitirang tatlong segundo.

May pagkakataon pa sanang makahirit ng overtime ang Dyip ngunit hindi pumasok ang pull-up jumper ni Eric James Camson.

Box Scores:

NorthPort 110 – Tautuaa 23, Bolick 21, Ferrer 21, Ibeh 17, Elorde 14, Mercado 7, Cruz 4, Lanete 2, Arana 1, Flores 0.

Columbian 108 – Prosper 36, Perez 29, McCarthy 16, Agovida 8, Khobuntin 6, Camson 5, Escoto 4, Cahilig 0, Gabriel 0, Faundo 0.

Quarterscores: 26-21, 52-50, 82-81, 110-108

 

Please follow and like us:
Read More

LIDERATO TARGET NG BATANG PIER; WARRIORS NAGHIHINGALO

batang pier12

(NI ANN ENCARNACION)

MAKISALO sa liderato ang asam ng North Port Batang Pier habang target ng NLEX Road Warriors na mapanatiling buhay ang tsansang makaabante sa susunod na round ng 2019 PBA Commissioner’s Cup sa MOA Arena.

Sasagupain ng Batang Pier ang Rain Or Shine Elasto Painters sa ganap na 4:30 ng hapon habang habang maghaharap sa tampok na laro ang Road Warriors at Meralco Bolts sa ganap na alas-7 ng gabi.

Huling tinalo ng Batang Pier ang Magnolia Hotshots, 102-99, para sa ikalawang sunod na panalo habang idinagdag ng Elasto Painters sa kanilang mga biktima ang Phoenix Pulse Fuelmasters, 89-82.

Tatangkain ng koponan ni Batang Pier coach Pido Jarencio na masungkit ang ikaanim na panalo sa loob ng pitong laro upang mapalapit sa walong koponan na magtatapat-tapat sa quarterfinals.

Huling natalo ang Bolts kontra sa TNT KaTropa, 91-104, at ngayon ay may 3-4 panalo-talong record.

Sa ikaanim na pagkakataon naman ay kinapos ang Road Warriors kontra Hotshots, 88-98, at ngayon ay pwersadong ipanalo ang natitirang limang laro sa elimination round upang hindi agad masipa sa reinforced conference.

Team Standings                  W            L              Stk

TNT Katropa                        6              1              +4

North Port Batang Pier       5              1              +2

Blackwater Elite                   5              2              -1

Alaska Aces                          4              3              -1

Barangay Ginebra              3              3              +1

Rain or Shine E-Painters   2              2              +2

Magnolia Hotshots              2              2              +2

Meralco Bolts                       3              4              -2

Phoenix Fuel Masters        2              3              +1

San Miguel Beermen          1              3              -1

Columbian Dyip                   1              4              -1

NLEX Road Warriors          0              6              -6

 

Please follow and like us:
Read More